397 Nang Mawala sa Akin ang Diyos
I
Nang mawala sa akin ang Diyos,
para akong dahong naaanod sa tubig, walang makakapitan.
Wala ang presensiya ng Diyos, walang kabuluhan ang buhay.
Ang umasa sa mga salita ng pakiusap ay hindi sapat para mabawi ang puso ng Diyos.
Namumuhi ako sa sarili sa pagkapit sa kasiyahan ng laman,
at hindi paghahangad sa katotohanan.
O Diyos, nangungulila ako sa 'Yo. Sigaw ng puso ko'y pangalan Mo.
Namumuhay ako sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas,
parang naglalakad na bangkay.
Kung wala ang patnubay at kaliwanagan Mo, paano pa ako mabubuhay?
Mangungulila ako sa 'Yo sa puso ko hanggang sa ibalik Ka ng pagmamahal ko.
II
Nang mawala sa akin ang Diyos,
para akong dahong naaanod sa tubig, walang makakapitan.
Wala ang presensiya ng Diyos, walang kabuluhan ang buhay.
Sa nakikitang dumating na ang malalaking sakuna, nababalisa ako.
Kumakapit sa laman at lumalayo sa salita ng Diyos,
paano ko aasahan ang proteksiyon ng Diyos?
O Diyos, nangungulila ako sa 'Yo. Sigaw ng puso ko'y pangalan Mo.
Hindi ako puwedeng patuloy na magpakabuktot,
gusto kong gampanan ang tungkulin ko para palugurin Ka.
Hindi ko hinihiling na patawarin Mo ako, kundi ang makapamuhay lang para sa 'Yo.
Mangungulila ako sa 'Yo sa puso ko hanggang sa ibalik Ka ng pagmamahal ko.