d. Bakit kailangang isakatuparan ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim na libong taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ang gawaing ito ay ginagawa ayon sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas tumpak, ginagawa ito ayon sa mga panlalansi na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ay upang talunin si Satanas, upang ibunyag ang Aking karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat, upang ilantad ang lahat ng panlalansi ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ito ay upang ibunyag ang Aking karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat, at isiwalat ang di-mabatang kapangitan ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilikha na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tampalasan, ang siyang masama, at upang bigyang-kakayahan sila na mapag-iba, nang may lubos na kalinawan, ang mabuti at masama, katotohanan at maling kaisipan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Ito ay upang bigyang-kakayahan ang mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at na Ako lamang—ang Lumikha—ang nagliligtas sa sangkatauhan, at nagkakaloob sa mga tao ng mga bagay na matatamasa nila; ito ay para tulutan sila na malaman na Ako ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay ipinagkanulo Ako. Ang Aking anim na libong taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at gumagawa Ako nang gayon para makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilikha na magpatotoo sa Akin, maunawaan ang Aking mga layunin, at malaman na Ako ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Kuwento ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay pawang para sa pagliligtas sa sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga iyon ay para sa pagliligtas sa sangkatauhan na labis na natiwali ni Satanas. Gayumpaman, kasabay nito, nakikipaglaban din ang Diyos kay Satanas. Kaya, kung paanong ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspektong ito ng gawain ng Diyos ay sabay na isinasakatuparan. Ang pakikipagdigma kay Satanas ay talagang para sa pagliligtas sa tao, at dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi isang bagay na matagumpay na natatapos sa iisang yugto, ang pakikipaglaban kay Satanas ay nahahati rin sa mga yugto at panahon, at isinasagawa ang pakikipagdigma kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan at sa lawak ng pagtiwali ni Satanas sa tao. Marahil, sa imahinasyon ng tao, siya ay naniniwala na sa digmaang ito ang Diyos ay gagamit ng mga sandata laban kay Satanas, kagaya ng paraan na ang dalawang hukbo ay maglalaban sa isa’t isa. Ito lamang ang kayang guni-gunihin ng talino ng tao; ito ay isang sukdulang malabo at di-makatotohanang ideya, ngunit ito ang pinaniniwalaan ng tao. At dahil sinasabi Ko rito na ang paraan ng pagliligtas sa tao ay sa pamamagitan ng pakikipagdigma kay Satanas, iniisip at pinaniniwalaan ng tao na ganito isinasagawa ang labanan. May tatlong yugto sa gawain ng pagliligtas sa tao, ibig sabihin, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto at ganap nang magagapi si Satanas. Ngunit ang tunay na kuwento ng buong gawain ng pakikipaglaban kay Satanas ay na natatamo ang mga epekto nito sa pamamagitan ng ilang hakbang ng gawain: pagkakaloob ng biyaya sa tao, pagiging handog para sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, at paggawang perpekto sa tao. Sa madaling salita, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hindi ang paggamit ng mga armas laban kay Satanas, kundi sa halip ay ang pagpapatotoo para sa Diyos sa pamamagitan ng pagliligtas sa tao, paggawa sa buhay ng tao, at pagbabago sa disposisyon ng tao, at magkagayon ay tinatalo si Satanas. Si Satanas ay natatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, iyan ay, kapag ang tao ay lubos nang naligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. Kaya, ang diwa ng pagliligtas sa tao ay ang pakikipaglaban kay Satanas, at ang labanang ito ay unang-unang nasasalamin sa pagliligtas sa tao. Ang huling yugtong ito, kung saan malulupig ang tao, ay ang huling yugto ng gawain sa pakikipaglaban kay Satanas, at ito rin ang gawain ng ganap na pagliligtas sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang ibalik ang pagsasakatawan ni Satanas—ang tao, na nagawang tiwali ni Satanas—sa Lumikha kasunod ng paglupig sa kanya, at sa pamamagitan nito ay maghihimagsik siya laban kay Satanas at lubusang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. Kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikipaglaban kay Satanas, at ito ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos, na nilalayong talunin si Satanas. Kung wala ang gawaing ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa kahuli-hulihan ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makakapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makakalaya sa impluwensiya ni Satanas. Samakatwid, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi matatapos bago matapos ang pakikipagdigma kay Satanas, sapagkat ang ubod ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay para sa pagliligtas sa sangkatauhan. Sa simula pa lang, ang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa panunukso at pagtiwali ni Satanas, ang tao ay naigapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging ang layon na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inangkin ni Satanas, at dahil ang tao ang puhunan sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang mabawi siya mula sa mga kamay ni Satanas, na ang ibig sabihin, ang tao na nabihag ni Satanas ay kailangang mabawi. Sa gayon, kailangang matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng tao at sa pagpapanumbalik ng orihinal na katwiran ng tao. Sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay mababawi mula sa mga kamay ni Satanas. Kung mapapalaya ang tao mula sa impluwensiya at pagkagapos ni Satanas, sa gayon ay mapapahiya si Satanas, ang tao sa kahuli-hulihan ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas, ang tao ang magiging samsam ng kabuuang labanang ito, at si Satanas ay magiging ang layon na parurusahan sa sandaling natapos ang labanan, kung saan pagkatapos nito ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay makokompleto na.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Sa pasimula, ang paggabay sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay kagaya ng paggabay sa pamumuhay ng isang bata. Ang pinakaunang sangkatauhan ay bagong silang ni Jehova; sila ang mga Israelita. Hindi nila nauunawaan kung paano matakot sa Diyos o mabuhay sa lupa. Na ang ibig sabihin, nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay, nilikha Niya si Adan at si Eba, ngunit hindi Niya sila binigyan ng pakultad na maunawaan kung paano matakot kay Jehova o kung paano sundin ang mga estatuto ni Jehova sa lupa. Kung wala ang tuwirang paggabay ni Jehova, walang sinuman ang makaaalam nito nang tuwiran, sapagkat sa pasimula ay hindi tinaglay ng tao ang pakultad na ito. Alam lamang ng tao na si Jehova ay Diyos, pero ganap na walang ideya ang tao kung paano matakot sa Kanya, kung anong uri ng pag-asal ang matatawag na pagkatakot sa Kanya, kung sa anong uri ng pag-iisip Siya katatakutan, o kung ano ang ihahandog bilang pagkatakot sa Kanya. Alam lamang ng tao kung paano tamasahin iyong maaaring tamasahin sa gitna ng lahat ng bagay na nilikha ni Jehova, ngunit pagdating sa kung paano dapat mamuhay ang isang tao sa lupa upang sila ay maging tunay na karapat-dapat sa titulo ng isang “nilikha,” ang tao ay ganap na mangmang tungkol dito. Kung walang magtuturo sa kanila, kung walang gagabay sa kanila nang personal, ang sangkatauhang ito ay hindi sana kailanman namuhay ng wastong buhay ng tao, kundi mabibihag lamang nang palihim ni Satanas. Nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, na ibig sabihin, nilikha Niya ang mga ninuno ng sangkatauhan, sina Eba at Adan, ngunit hindi Niya ipinagkaloob sa kanila ang anumang karagdagang talino o karunungan. Bagama’t sila ay naninirahan na sa lupa, halos wala silang anumang nauunawaan. At kaya, ang gawain ni Jehova sa paglikha sa sangkatauhan ay nangalahati pa lamang, hindi ganap na kompleto. Hinubog pa lamang Niya ang isang modelo ng tao mula sa putik at binigyan ito ng Kanyang hininga, pero hindi ipinagkaloob sa tao ang sapat na determinasyon na katakutan Siya. Sa pasimula, hindi taglay ng tao ang pusong may takot o kilabot sa Kanya. Ang alam lamang ng tao ay makinig sa Kanyang mga salita ngunit mangmang ito sa pangunahing kaalaman para sa pamumuhay sa lupa at sa mga normal na patakaran sa pamumuhay ng tao. Kung kaya, bagama’t nilikha ni Jehova ang lalaki at babae at tinapos ang proyektong inabot ng pitong araw, hindi Niya natapos likhain ang tao sa anumang paraan, sapagkat ang tao ay isa lamang panlabas na anyo, at walang realidad ng pagiging tao. Ang alam lamang ng tao ay na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, ngunit walang ideya ang tao kung paano sumunod sa mga salita o sa mga estatuto ni Jehova. At kaya, pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan, ang gawain ni Jehova ay hindi kompleto. Kinailangan pa Niyang lubusang gabayan ang sangkatauhan na lumapit sa harap Niya, upang magawa nilang mamuhay nang magkakasama sa lupa at katakutan Siya, at upang magawa nila, sa tulong ng Kanyang paggabay, na makapasok sa tamang landas ng isang normal na pamumuhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain na pangunahing isinagawa sa pangalan ni Jehova; iyon ay, sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova ng paglikha sa mundo. At kaya, yamang nilikha Niya ang sangkatauhan, kinailangan Niyang gabayan ang pamumuhay ng sangkatauhan sa lupa sa loob ng ilang libong taon, upang magawang sumunod ng tao sa Kanyang mga atas at mga estatuto, at upang makibahagi ang sangkatauhan sa lahat ng normal na aktibidad ng tao sa lupa. Saka lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)

Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao, kaya para magampanan ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan, kinailangan ang saganang biyaya, walang-katapusang pagtitiis at pagpapasensiya, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala para sa mga kasalanan ng tao, upang magkaroon ito ng epekto. Ang nakita ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang handog Ko lang ng pagbabayad-sala para sa mga kasalanan ng tao: si Jesus. Ang alam lamang nila ay na maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang awa at mapagmahal na kabaitan ni Jesus. Ito ay lahat dahil sa ipinanganak sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya naman, bago sila matubos, kinailangan nilang matamasa ang masaganang biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila. Sa ganoong paraan lang sila makikinabang, binibigyang-kakayahan silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at binibigyan sila ng pagkakataong mabayaran ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagpapasensiya ni Jesus. Sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagpapasensiya ni Jesus sila naging kalipikadong tumanggap ng kapatawaran at magtamasa ng saganang biyaya na ipinagkaloob ni Jesus. Gaya ng sabi ni Jesus: Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang tulutan ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan. Kung si Jesus, noong Siya ay naging tao, ay nagdala ng disposisyon ng paghatol, sumpa, at kawalan ng pagpaparaya sa mga pagkakasala ng tao, hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon ang tao na matubos, at mananatili silang makasalanan magpakailanman. Kung nagkagayon, tumigil na sana ang anim na libong taong plano ng pamamahala noong Kapanahunan ng Kautusan, at tumagal sana nang anim na libong taon ang Kapanahunan ng Kautusan. Lalo pa sanang dumami at bumigat ang mga kasalanan ng tao, at nauwi sana sa wala ang paglikha sa sangkatauhan. Magagawa lamang sana ng mga tao na paglingkuran si Jehova sa ilalim ng kautusan, ngunit mas marami sana ang mga kasalanan ng sangkatauhan kaysa roon sa mga tao na unang nilikha. Habang lalong minahal ni Jesus ang sangkatauhan, pinatatawad ang mga kasalanan ng tao at pinagkakalooban siya ng sapat na awa at mapagmahal na kabaitan, lalong naging kalipikado ang tao na mailigtas ni Jesus, at sa gayon ay tinawag ang tao na nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Hindi maaaring makialam si Satanas sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na parang pakikitungo ng isang mapagmahal na ina sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi Siya nagalit o nasuklam sa kanila, kundi Siya ay puno ng pagpapanatag; hindi Siya kailanman nagpahayag ng malaking poot sa kanila, kundi tiniis Niya ang kanilang mga kasalanan at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, at sinabi pang, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpung beses na pitong ulit.” Sa gayon ay inantig at binago ng Kanyang puso ang puso ng iba, at sa ganoong paraan lamang natanggap ng mga tao ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.

…………

Kung wala ang pagtubos ni Jesus, namuhay na sana ang tao sa kasalanan magpakailanman at naging anak ng kasalanan, inapo ng mga demonyo. Kung nagpatuloy ito, naging lupain na sana na pinamamahayan ni Satanas ang buong mundo, ang lupaing tirahan nito. Gayunman, ang gawain ng pagtubos ay nangailangan ng pagpapakita ng awa at mapagmahal na kabaitan sa tao; sa pamamagitan lamang nito maaaring tumanggap ng kapatawaran ang tao at sa huli ay maging kalipikadong magawang ganap at lubos na makamit ng Diyos. Kung wala ang yugtong ito ng gawain, hindi na sana sumulong ang anim na libong taong plano ng pamamahala. Kung hindi ipinako si Jesus sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, hindi sana lubusang napatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa tatlo’t kalahating taon na ginugol ni Jesus sa paggawa ng Kanyang gawain sa lupa, natapos lamang Niya ang kalahati ng Kanyang gawain ng pagtubos; pagkatapos, sa pagpapapako sa Kanya sa krus at pagiging kawangis ng makasalanang laman, sa pagpapasa sa Kanya roon sa masama, natapos Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus at napamunuan ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos na ibigay Siya sa mga kamay ni Satanas, saka lamang Niya natubos ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, tinuya, siniraang-puri, at tinalikuran, maging hanggang sa punto na wala Siyang mahimlayan ng Kanyang ulo, walang lugar na mapagpahingahan, at kalaunan ay ipinako Siya sa krus, kasama ang Kanyang buong pagkatao—isang banal at walang-salang katawan—ay ipinako sa krus. Tiniis Niya ang lahat ng klase ng pagdurusa. Tinuya Siya at nilatigo ng mga nasa kapangyarihan, at dinuraan pa Siya ng mga sundalo sa mukha; datapuwat Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang wakas, na nagpapasakop nang walang pasubali hanggang kamatayan, sa gayon ay tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Noon lamang Niya nagawang magtamasa ng pahinga. Ang gawaing ginawa ni Jesus ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, ni hindi ito panghalili sa gawain ng mga huling araw. Ito ang diwa ng gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ikalawang kapanahunan na napagdaanan ng sangkatauhan—ang Kapanahunan ng Pagtubos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Kuwento ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng mga tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at magpasan ng mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din nito na gumawa ang Diyos ng mas dakila pang gawain upang ganap na iwaksi sa tao ang mga disposisyon nito na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay nagdala sa sangkatauhan sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mamumuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Ang gawain sa mga huling araw ay ang bumigkas ng mga salita. May malalaking pagbabago na maidudulot sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabagong nangyayari ngayon sa mga taong ito mula sa pagtanggap nila ng mga salitang ito ay lubhang mas malaki kaysa sa mga naganap sa mga tao noong sila ay tumanggap ng mga tanda at mga kababalaghan sa Kapanahunan ng Biyaya. Sapagkat, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay pinalayas mula sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, ngunit ang mga tiwaling disposisyon sa loob ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay pinagaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit tungkol sa kung paano maiwawaksi ng tao ang mga satanikong tiwaling disposisyon sa loob niya, ang gawaing ito ay hindi pa nagagawa sa kanya. Ang tao ay natubos lamang dahil sa kanyang pananalig, at napatawad lamang sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananalig, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa loob niya. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa loob niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala, kung paano ganap na maiwawaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon at makasalanang kalikasan, at kung paano mababago sa isang antas ang kanyang buhay disposisyon. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad na nga, at ito ay dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namumuhay sa dati niyang mga satanikong tiwaling disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang mga satanikong tiwaling disposisyon, ang kanyang makasalanang kalikasan ay dapat na ganap na maiwaksi, hindi na kailanman muling mabubuo, at ang kanyang disposisyon ay dapat na sumailalim sa pagbabago. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, na maunawaan ang daan ng buhay, at maunawaan ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Dagdag pa, kinakailangan din nito na magsagawa ang tao nang alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang mga satanikong tiwaling disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makaahon mula sa kasalanan. Saka lamang makakatanggap ang tao ng ganap na biyayang nagliligtas. Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakakilala ng tao sa Kanya ay kathang-isip pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniwala na Siya ay ang anak ni David, at nagsabi na Siya ay isang dakilang propeta, ang maawaing Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, dahil sa lakas ng kanilang pananalig, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay nakakita at maging ang patay ay nabuhay muli. Gayunman, hindi nagawang matuklasan ng tao ang mga satanikong tiwaling disposisyon na malalim na nakaugat sa loob niya, hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ang mga ito. Ang tao ay nakatanggap ng masaganang biyaya, tulad ng kapayapaan at kaligayahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at ang kanyang maka-Diyos na pagpapamalas; kung ang isang tao ay kayang mamuhay batay sa mga ito, siya ay itinuturing na isang mananampalatayang pasok sa pamantayan. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay natubos. Ngunit, sa kanilang buong buhay, hindi nila naunawaan kahit kaunti ang daan ng buhay. Ang ginawa lamang nila ay gumawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay ikumpisal ang kanilang mga kasalanan nang paulit-ulit nang walang anumang landas sa pagbabago ng kanilang disposisyon: Ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatwid, matapos na makompleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayon ay bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang mga tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang isiwalat ang mga tiwaling disposisyon ng tao, at upang makapagsagawa ang tao alinsunod sa angkop na daan. Ang gawain ng yugtong ito ay mas makabuluhan kaysa sa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas higit na lubusan. Samakatwid, nakompleto ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Ang tatlong yugto ng gawain ay nasa sentro ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakakaalam sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayahang matanto kung paano ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ni hindi nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos. Nananatili rin silang mangmang tungkol sa maraming paraan ng Kanyang pagliligtas sa tao, at sa Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at yaong mga hindi nakaaalam sa tatlong yugto ng gawain ay magiging mangmang sa iba’t ibang mga pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu. Yaong mga kumakapit lamang nang mahigpit sa mga regulasyong natira mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa mga regulasyon, at ang pananampalataya nila sa Diyos ay kathang-isip—ang gayong mga tao ay hindi tatanggap ng biyayang nagliligtas ng Diyos kailanman. Ang tatlong yugto lamang ng gawain ng Diyos ang kayang ganap na magpahayag ng buong disposisyon ng Diyos at ganap na magpahayag ng layunin ng Diyos na iligtas ang buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas sa sangkatauhan. Patunay ito na natalo na Niya si Satanas at nakamit ang sangkatauhan; patunay ito ng tagumpay ng Diyos, at ito ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos. Yaong mga nakauunawa sa isang yugto lamang ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay bahagi lamang ang alam tungkol sa disposisyon ng Diyos. Ang mga regulasyon ay malamang na mabuo sa loob ng mga kuru-kuro ng tao batay sa iisang yugtong ito ng gawain, at malamang na lilimitahan ng tao ang Diyos at gagamitin ang iisang bahaging ito ng disposisyon ng Diyos bilang kinatawan ng buong disposisyon ng Diyos. Bukod pa riyan, marami sa mga imahinasyon ng tao ang nakahalo sa loob, sa gayon ay mahigpit na nililimitahan ng tao ang disposisyon, pagiging Diyos, at karunungan ng Diyos, gayundin ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, sa loob ng mga limitadong hangganan, naniniwala na kung minsan nang naging ganito ang Diyos, mananatili Siyang ganito habang panahon at hindi magbabago magpasawalang hanggan. Yaong mga nakaaalam at nakakaarok lamang sa tatlong yugto ng gawain ang magkakaroon ng kompleto at tumpak na pagkakilala sa Diyos. Sa pinakamababa, hindi nila tutukuyin ang Diyos bilang Diyos ng mga Israelita, o ng mga Hudyo, at hindi nila Siya ituturing na isang Diyos na nakapako sa krus magpakailanman alang-alang sa sangkatauhan. Kung makikilala lamang ng isang tao ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, ang kanyang pagkakilala ay napakakaunti, at katumbas lamang ng isang patak sa karagatan. Kung hindi, bakit ipapako nang buhay ang Diyos sa krus ng marami sa matatandang relihiyoso? Hindi ba’t ito ay dahil nililimitahan ng tao ang Diyos sa loob ng mga partikular na hangganan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkakilala sa Diyos

Ang huling yugto ng gawain ay hindi umiiral nang nakahiwalay, kundi bahagi ng kabuuan na binuo kasama ng naunang dalawang yugto, na ibig sabihin ay imposibleng makompleto ang buong gawain ng pagliligtas sa pamamagitan lang ng paggawa ng isa sa tatlong yugto ng gawain. Kahit kayang lubos na iligtas ang tao ng huling yugto ng gawain, hindi ibig sabihin nito na kailangan lamang isagawa ang iisang yugtong ito, at na hindi kinakailangan ang naunang dalawang yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas. Walang kahit isa, nang ito lang, sa tatlong yugto ang maaaring ituring bilang tanging pangitaing kailangang malaman ng buong sangkatauhan, sapagkat ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong yugto ng gawain, hindi ang iisang yugto sa mga ito. Basta’t hindi pa naisasakatuparan ang gawain ng pagliligtas, hindi ganap na matatapos ang pamamahala ng Diyos. Ang pagiging Diyos ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang karunungan ay ipinapahayag sa kabuuan ng gawain ng pagliligtas; hindi ipinapaalam ang mga ito sa tao sa pinakasimula, kundi unti-unting ipinahayag sa gawain ng pagliligtas. Bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay nagpapahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang pagiging Diyos; walang isang yugto ng gawain ang maaaring tuwiran at ganap na magpahayag ng kabuuan ng pagiging Diyos ng Diyos. Dahil dito, yamang maaari lamang matapos nang lubusan ang gawain ng pagliligtas kapag natapos na ang tatlong yugto ng gawain, ang pagkakilala ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay ang disposisyon lamang ng Diyos na ipinapahayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi ito maaaring kumatawan sa disposisyon at pagiging Diyos na ipinapahayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyon ay dahil ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi natatapos kaagad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting mas lumalalim ayon sa kalagayan ng pag-unlad ng sangkatauhan sa magkakaibang panahon at lugar. Ito ay gawaing isinasagawa nang yugto-yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Kaya, napapamalas ang kristalisasyon ng buong karunungan ng Diyos sa tatlong yugto, sa halip na sa isang indibidwal na yugto. Ang Kanyang buong pagiging Diyos at buong karunungan ay inilalaan sa loob ng tatlong yugtong ito—ang bawat yugto ay naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos, at bawat yugto ay isang tala ng karunungan ng Kanyang gawain. Dapat makilala ng tao ang buong disposisyon ng Diyos na ipinapahayag sa tatlong yugtong ito. Ang pagiging Diyos na ito ng Diyos ay napakahalaga sa buong sangkatauhan, at kung ang mga tao ay walang ganitong pagkakilala kapag sumasamba sila sa Diyos, wala silang ipinagkaiba sa mga sumasamba kay Buddha. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat makilala ng lahat ng sumasamba sa Diyos. Yamang naisagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang pagpapahayag ng mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos sa panahon ng tatlong yugtong ito ng gawain. Ito ang kailangang gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang maabot ng tao, at yaong hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong ipinapakita ng Diyos sa tao ay yaong dapat malaman ng tao, at yaong dapat taglayin ng tao. Bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ay isinasagawa batay sa pundasyon ng naunang yugto; hindi ito isinasagawa nang nagsasarili, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Bagama’t may malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at sa gawaing isinasagawa, nasa kaibuturan pa rin nito ang pagliligtas sa sangkatauhan, at bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa sa nauna.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkakilala sa Diyos

Ang anim na libong taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan kundi kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaari lamang maging ang Diyos sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga kautusan para sa tao at nagbaba ng mga utos sa kanya, nag-aatas sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay isang Diyos lamang na nag-aatas sa tao na sumunod sa kautusan, na Siya ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Ang sabihin ito ay hindi katotohanan. Ang gawaing ginawa sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatwid, kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan lang ang ginawa ng Diyos, lilimitahan ng tao ang Diyos, sasabihing, “Ang Diyos ay ang Diyos sa templo, at, upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo.” Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagawa, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagawa, ang malalaman lamang ng tao ay na tinutubos lang ng Diyos ang tao at na pinapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang ng tao na banal ang Diyos at walang-sala, at na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala nang magiging kaunawaan ang tao sa iba pa. Kaya ang bawat kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Kinakatawan ng Kapanahunan ng Kautusan ang ilang aspekto ng disposisyon ng Diyos, gayundin ang Kapanahunan ng Biyaya at ang kasalukuyang yugtong ito—maibubunyag lamang ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos kapag pinagsama-sama ang lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman na ng tao ang buong tatlong yugto saka ito ganap na mauunawaan ng tao. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring hindi isama. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang katunayang natapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya ay Diyos lamang sa ilalim ng kautusan, at ang katunayang natapos Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng ito ay mga limitasyong itinakda ng tao. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi mo masasabi sa gayon na ang Diyos ay ang Diyos lamang ng krus at na ang krus ang natatanging kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, nililimitahan mo ang Diyos. Sa kasalukuyang yugto, ang Diyos ay pangunahing gumagawa ng gawain ng salita, ngunit hindi mo maaaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang tanging dinala Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naghahayag sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao, kaya nabubunyag ang mga hantungan at ang mga kinalabasan ng sangkatauhan at natatapos ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat mahayag upang pahintulutan ang tao na makilatis ang mga ito at magkaroon ng pagkaunawa sa lahat ng ito sa kanyang puso. Saka lamang maaaring mabukod-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri. Pagkatapos lamang na maging ganap ang anim na libong taong plano ng pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon darating sa pagtatapos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Kaugnay na mga Sermon

Bakit Kailangan ng Diyos ng Tatlong Yugto ng Gawain para Iligtas ang Sangkatauhan?

Kaugnay na mga Himno

Tanging sa Pagkilala sa Tatlong Yugto ng Gawain Mo Makikita ang Kabuuan ng Disposisyon ng Diyos

Sinundan:  c. Ang ugnayan sa pagitan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos

Sumunod:  a. Bakit kailangan pa rin ng Diyos na gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kahit na tinubos na ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger