Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos

Para Gamitin sa Buhay-Iglesia

Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay nagpahayag ng lahat ng katotohanan na nagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga katotohanang ito ay napakahalaga pagdating sa pagkakamit ng mga tao ng kaligtasan. Gayumpaman, nararamdaman ng maraming tao na napakaraming salita ang sinabi ng Diyos—hindi nila alam kung saan sisimulang basahin ang mga ito o kung aling mga katotohanan ang kailangang-kailangang pasukin. Upang makalatag ng pundasyon ang mga hinirang ng Diyos sa lalong madaling panahon, at makapasok sa tamang landas sa pananampalataya sa Diyos at sa kaligtasan, binuo ng sambahayan ng Diyos ang aklat na ito, para gamitin sa buhay iglesia at para sa pagkain at pag-inom ng mga hinirang ng Diyos ng Kanyang mga salita. Ang aklat na ito ay nahahati sa limang pangunahing bahagi. Ang unang bahagi ay ukol sa mga katotohanan tungkol sa mga pangitain, at mayroong 10 aytem na nakapaloob dito, kabilang na ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang totoong kuwento ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang misteryo ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at iba pa. Ang ikalawang bahagi ay ukol sa mga katotohanan na may kaugnayan sa paglutas ng iba’t ibang kuru-kurong panrelihiyon, at mayroong 22 aytem na nakapaloob dito. Ang ikatlong bahagi ay ukol sa mga katotohanang may kaugnayan sa paglutas ng iba’t ibang tiwaling disposisyon, at mayroong 32 aytem na nakapaloob dito. Ang ikaapat ay ukol sa mga katotohanang may kaugnayan sa pagkilatis sa mga hindi mananampalataya, masasamang tao, mga huwad na lider, at mga anticristo, at mayroong 12 aytem na nakapaloob dito. Ang ikalimang bahagi ay ukol sa mga katotohanan na may kaugnayan sa paghahangad sa kaligtasan at sa pagkakaperpekto, at mayroong 46 aytem na nakapaloob dito. Masasabing ang mga katotohanang sinasaklaw ng limang bahaging ito ay ang mga pangunahing katotohanan na dapat maunawaan ng mga mananampalataya sa Diyos. Kung madalas na kumakain, umiinom ng mga katotohanang ito, nagbabahaginan, at nagninilay-nilay tungkol sa mga katotohanang ito ang mga hinirang ng Diyos, unti-unti nilang mauunawaan ang katotohanan, mapapasok ang realidad, at matatamo ang pagliligtas ng Diyos. Kung, sa batayang ito, ay hahangarin nilang pasukin ang lahat ng katotohanang hiningi ng Diyos, makakamit nila ang katotohanan at ang walang hanggang buhay.

Mga Aklat ng Ebanghelyo

I-download

Connect with us on Messenger