Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 232

Ako ay matuwid, Ako ay mapagkakatiwalaan, at Ako ang Diyos na nagsisiyasat sa kaibuturan ng puso ng tao! Ibubunyag Ko agad kung sino ang tunay at kung sino ang huwad. Huwag kayong maalarma, lahat ng bagay ay kumikilos ayon sa Aking oras. Sino ang taos na nagnanais sa Akin, sino ang hindi—sasabihin Ko sa inyo, isa-isa. Siguraduhin lamang ninyong kumain nang mabuti, uminom nang mabuti, at lumapit sa Akin kapag kayo ay nasa presensya Ko, at Ako Mismo ang gagawa ng Aking gawain. Huwag kayong labis na masabik sa mga agarang resulta; ang Aking gawain ay hindi isang bagay na maisasagawa agad-agad. Nakapaloob dito ang Aking mga hakbang at ang Aking karunungan, at iyan ang dahilan kung kaya mabubunyag ang Aking karunungan. Hahayaan Ko kayong makita kung ano ang ginagawa ng Aking mga kamay—ang pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa kabutihan. Ako ay talagang walang pinapaboran na kahit na sino. Ikaw na tapat na nagmamahal sa Akin, tapat Kitang mamahalin, at yaon namang mga hindi tapat na nagmamahal sa Akin, ang Aking poot ay mamamalagi magpakailanman sa kanila, upang maalala nila magpakailanman na Ako ang tunay na Diyos, ang Diyos na nagsisiyasat sa kaibuturan ng puso ng tao. Huwag kang kumilos ng isang paraan kapag kaharap ang kapwa ngunit ibang paraan kapag nakatalikod sila; malinaw Kong nakikita ang lahat ng ginagawa mo, at kahit malinlang mo ang iba, hindi mo Ako malilinlang. Malinaw Kong nakikita iyong lahat. Hindi posibleng maitago mo ang anumang bagay; ang lahat ay nasa Aking mga kamay. Huwag mong isiping napakatalino mo dahil lamang sa nagtagumpay ka sa iyong mga mumunting kalkulasyon para sa iyong sariling kapakinabangan. Sinasabi Ko sa iyo: gaano man karaming plano ang gawin ng tao, libo-libo man o sampu-sampung libo, sa huli ay hindi sila makatatakas mula sa Aking palad. Lahat ng kaganapan ay kontrolado ng Aking mga kamay, lalo naman ang isang tao! Huwag mo Akong subukang iwasan o pagtaguan, huwag mong subukang mambola o magtago. Maaari kayang hindi mo pa rin nakikita na ang Aking maluwalhating mukha, ang Aking poot at Aking paghatol, ay naibunyag na sa madla? Sinumang hindi nagnanais sa Akin nang tapat, agad at walang habag Ko silang hahatulan. Ang Aking awa ay natapos na; wala nang natitira pa roon. Huwag na kayong maging mga paimbabaw, at itigil na ninyo ang inyong mga gawing mararahas at pabaya.

Anak Ko, mag-ingat ka; gumugol ka ng higit na panahon sa presensya Ko at Ako ang bahala sa iyo. Huwag kang matakot, dalhin mo ang Aking matalas na espadang kabilaan ang talim, at—nang naaayon sa Aking mga layunin—kalabanin mo si Satanas hanggang sa katapusan. Pangangalagaan Kita; huwag kang mag-alala. Lahat ng bagay na nakakubli ay mabubuksan at mabubunyag. Ako ang Araw na nagbibigay-liwanag, nililiwanagan nang walang-humpay ang buong kadiliman. Ang Aking paghatol ay sumapit na nang lubusan; ang iglesia ay isang lugar ng digmaan. Dapat ninyong lahat ihanda ang inyong mga sarili at ilaan ang iyong buong pagkatao sa panghuling labanan na magpapasya; tiyak na pangangalagaan Kita upang makalaban ka nang mabuti at matagumpay para sa Akin.

Mag-ingat ka—ang puso ng mga tao ngayon ay mapanlinlang at di-mahuhulaan at wala silang paraan para makuha ang tiwala ng ibang tao. Ako lamang ang lubos na para sa inyo. Walang panlilinlang sa Akin; sumandal lang kayo sa Akin! Tiyak na magiging matagumpay ang Aking mga anak sa panghuling labanan na magpapasya, at si Satanas ay tiyak na tiyak na lalabas at maghihingalo. Huwag kang matakot! Ako ang iyong kapangyarihan, at Ako ang iyong lahat. Huwag mong isipin nang paulit-ulit ang mga bagay-bagay, hindi mo mahaharap ang ganoon karaming isipin. Nasabi Ko na noon, hindi Ko na kayo aakayin sa landas, sapagkat gahol na sa panahon. Wala na Akong oras para hatakin kayo sa tainga at babalaan kayo sa lahat ng oras—ito ay hindi posible! Tapusin na lang ninyo ang inyong mga paghahanda para sa labanan. Ganap na pananagutan Kita; ang lahat ng bagay ay nasa Aking mga kamay. Ito ay isang labanang hanggang kamatayan, at ang isang panig o ang kabila ay tiyak na mamamatay. Ngunit dapat maging malinaw sa iyo ito: Ako ay kailanmang matagumpay at hindi natalo, at si Satanas ay tiyak na mamamatay. Ito ang Aking paraan, ang Aking gawain, ang Aking kalooban at ang Aking plano!

Tapos na! Lahat ay tapos na! Huwag kang panghinaan ng loob o matakot. Ako kasama mo, at ikaw kasama Ko, ay magiging mga hari magpakailanman! Ang Aking mga salita, kapag nasambit na, ay hindi magbabago kailanman, at malapit na kayong abutan ng mga pangyayari. Maging mapagmasid! Dapat ninyong pag-isipan ang bawat salita; huwag na kayong maging malabo tungkol sa Aking mga salita. Dapat kayong maging malinaw tungkol sa mga ito! Dapat ninyong tandaan—gugulin ninyo hangga’t maaari ang panahon ninyo sa presensya Ko!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 44

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 233

Nakapagsimula na Akong kumilos para parusahan yaong mga gumagawa ng masama, at yaong mga gumagamit ng kapangyarihan at umuusig sa mga anak ng Diyos. Mula ngayon, ang lupit ng Aking mga atas administratibo ay laging mapapasa mga kumokontra sa Akin sa kanilang puso. Alamin ito! Ito ang simula ng Aking paghatol, at walang awang ipapakita kaninuman, ni walang sinumang paliligtasin, sapagkat Ako ang Diyos na walang mga damdamin ng laman at nagsasagawa ng katuwiran, at makakabuting tanggapin ninyong lahat ito.

Hindi sa nais Kong parusahan yaong mga gumagawa ng masama; sa halip, ito ay ganting hatid nila sa kanilang sarili dahil sa sarili nilang kasamaan. Hindi Ako mabilis magparusa kaninuman, ni hindi Ko tinrato ang sinuman nang hindi makatarungan—matuwid Ako sa lahat. Talagang mahal Ko ang Aking mga anak, at talagang kinamumuhian Ko yaong masasama na sumusuway sa Akin; ito ang prinsipyo sa likod ng Aking mga kilos. Bawat isa sa inyo ay dapat magkaroon ng kabatiran sa Aking mga atas administratibo; kung hindi, hindi kayo magkakaroon ng kahit katiting na pangamba, at kikilos kayo nang walang-ingat sa Aking harapan. Hindi rin ninyo malalaman kung ano ang nais Kong makamit, kung ano ang nais Kong maisakatuparan, kung ano ang nais Kong matamo, o kung anong klaseng tao ang kailangan ng Aking kaharian.

Ang Aking mga atas administratibo ay:

1. Sino ka man, kung kinokontra mo Ako sa puso mo, hahatulan ka.

2. Didisiplinahin kaagad yaong mga taong Aking nahirang sa anumang maling naisip nila.

3. Ilalagay Ko sa isang tabi yaong mga hindi naniniwala sa Akin. Hahayaan Ko silang magsalita at kumilos nang walang-ingat hanggang sa kahuli-hulihan, kung kailan lubusan Ko silang parurusahan at aayusin.

4. Pangangalagaan at poprotektahan Ko yaong mga naniniwala sa Akin sa lahat ng oras. Sa lahat ng oras ay pagkakalooban Ko sila ng buhay sa pamamagitan ng pagliligtas. Mamahalin Ko ang mga taong ito at siguradong hindi sila mahuhulog o maliligaw ng landas. Anumang kahinaan nila ay magiging pansamantala, at tiyak na hindi Ko aalalahanin ang kanilang mga kahinaan.

5. Yaong mga tila naniniwala, ngunit hindi naman talaga—na naniniwala na mayroong isang Diyos ngunit hindi hinahanap ang Cristo, subalit hindi rin naman lumalaban—sila ang pinakakaawa-awang mga tao, at sa pamamagitan ng Aking mga gawa, hahayaan Kong makakita sila nang malinaw. Sa pamamagitan ng Aking mga kilos, ililigtas Ko ang gayong mga tao at ibabalik sila.

6. Ang mga panganay na anak, ang unang tumanggap sa Aking pangalan, ay pagpapalain! Tiyak na ipagkakaloob Ko ang pinakamagagandang pagpapala sa inyo, tutulutan kayong matamasa ang mga ito hangga’t gusto ninyo; walang sinumang mangangahas na hadlangan ito. Lahat ng ito ay inihahanda nang buong-buo para sa inyo, dahil ito ang Aking atas administratibo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 56

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 234

Pinagpapala ang mga nakabasa na ng Aking mga salita at naniniwala na matutupad ang mga ito. Hindi Kita pagmamalupitan; tutuparin Ko sa iyo ang pinaniniwalaan mo. Ito ang pagpapala Kong dumarating sa iyo. Tumatama ang mga salita Ko sa natatagong mga lihim sa bawat tao; lahat ay may malulubhang sugat, at Ako ang mabuting manggagamot na nagpapagaling sa kanila: Lumapit ka lamang sa Aking presensiya. Bakit Ko sinabing sa hinaharap ay hindi na magkakaroon ng kalungkutan at wala nang mga luha? Dahil ito rito. Sa Akin, lahat ay isinasakatuparan, nguni’t sa mga tao, lahat ng bagay ay tiwali, hungkag, at mapanlinlang sa mga tao. Sa Aking presensiya, tiyak na makakamit ninyo ang lahat ng bagay, at tiyak na kapwa ninyo makikita at matatamasa ang lahat ng pagpapalang hindi mo man lang maguni-guni. Ang mga hindi lumalapit sa Akin ay talagang mapanghimagsik, at talagang yaong mga lumalaban sa Akin. Talagang hindi Ko sila palalampasin nang basta-basta; kakastiguhin Ko nang matindi ang ganitong uri ng mga tao. Tandaan mo ito! Habang mas lumalapit sa Akin ang mga tao, mas marami silang makakamit—nguni’t ito ay biyaya lamang. Kalaunan, tatanggap sila ng mas marami pang pagpapala.

Simula nang likhain ang mundo, nasimulan Ko nang paunang itadhana at piliin ang grupong ito ng mga tao, na ngayon nga ay kayo. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, pamilya kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at pag-aasawa—ang kabuuan mo, maging ang kulay ng iyong buhok at balat, at ang oras ng iyong kapanganakan—ay isinaayos lahat ng Aking mga kamay. Maging ang mga bagay na ginagawa mo at ang mga taong nasasalubong mo bawat araw ay isinaayos ng Aking mga kamay, pati na rin ang katunayang ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya ngayon sa totoo lang ay Aking pagsasaayos. Huwag mong guluhin ang iyong sarili; dapat magpatuloy ka nang mahinahon. Ang hinahayaan Kong matamasa mo ngayon ay isang bahagi ng nararapat sa iyo, at ito’y paunang itinadhana Ko sa paglikha ng mundo. Lahat ng tao’y napakalubha: kung hindi napakatigas ng ulo nila ay ganap silang walanghiya. Hindi nila kayang gampanan ang mga bagay-bagay ayon sa Aking plano at pagsasaayos. Huwag mo nang gawin pa ito. Sa Akin, lahat ay pinalalaya; huwag mong igapos ang sarili mo, yamang magkakaroon ng kawalan na may kinalaman sa buhay mo. Tandaan mo ito!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 74

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 235

Ako ang walang-katulad na Diyos Mismo at, higit pa, Ako ang kaisa-isang persona ng Diyos. Bukod pa roon, Ako, ang kabuuan ng katawang-tao, ang ganap na pagpapakita ng Diyos. Sinumang nangangahas na hindi matakot sa Akin, sinumang maglalakas-loob na magpakita ng paglaban sa kanilang mga mata, at sinumang maglalakas-loob na magsalita ng mga salita ng paglaban sa Akin ay tiyak na mamamatay mula sa Aking mga sumpa at poot (magkakaroon ng pagsumpa dahil sa Aking poot). At sinumang maglalakas-loob na hindi maging tapat o maging mabuting anak sa Akin, at sinumang maglalakas-loob na subukang manlinlang sa Akin ay tiyak na mamamatay sa Aking pagkamuhi. Ang Aking katuwiran, pagiging maharlika at paghatol ay mananatili magpakailan pa man. Noong una, Ako ay mapagmahal at mahabagin, ngunit hindi ito ang disposisyon ng Aking ganap na pagka-Diyos; katuwiran, pagiging maharlika at paghatol lamang ang bumubuo sa disposisyon Ko—ang ganap na Diyos Mismo. Noong Kapanahunan ng Biyaya, Ako ay mapagmahal at mahabagin. Dahil sa gawain na kailangan Kong tapusin, taglay Ko ang maibiging kabaitan at habag; ngunit pagkatapos, wala nang pangangailangan para sa mga ganoong bagay (at hindi na nagkaroon simula noon). Pawang katuwiran, pagiging maharlika, at paghatol, at ito ang ganap na disposisyon ng Aking normal na pagkatao kasama ang Aking ganap na pagka-Diyos.

Yaong mga hindi nakakakilala sa Akin ay mamamatay sa walang-hanggang kalaliman, habang yaong mga nakatitiyak sa Akin ay mabubuhay magpakailanman, upang kalingain at pangalagaan sa loob ng Aking pag-ibig. Sa sandaling Ako ay magwika ng isang salita, ang buong sansinukob at ang mga dulo ng lupa ay yayanig. Sino ang makaririnig sa Aking mga salita at hindi manginginig sa takot? Sino ang makapagpipigil na magkaroon ng pusong may takot sa Akin? Sino ang walang kakayahang malaman ang Aking katuwiran at kamahalan mula sa Aking mga gawa! At sino ang hindi nakakakita sa Aking pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan sa Aking mga gawa! Sinumang hindi nagbibigay-pansin ay tiyak na mamamatay. Ito ay dahil yaong mga hindi nagbibigay-pansin ay yaong mga lumalaban sa Akin at hindi nakakakilala sa Akin; sila ang arkanghel, at ang pinakawalang pakundangan. Suriin ninyo ang inyong mga sarili: Sinumang walang pakundangan, mapagmagaling, palalo at mapagmataas ay tiyak na pagtutuunan ng Aking pagkamuhi, at tiyak na mamamatay!

Akin ngayong ipinahahayag ang mga atas administratibo ng Aking kaharian: Ang lahat ng bagay ay nasa loob ng Aking paghatol, lahat ng bagay ay nasa loob ng Aking katuwiran, lahat ng bagay ay nasa loob ng Aking kamahalan, at isinasagawa Ko ang Aking katuwiran sa lahat. Yaong mga nagsasabi na sila ay naniniwala sa Akin subalit sa kaibuturan ay sinasalungat Ako, o yaong ang mga puso ay tumalikod na sa Akin ay sisipain palabas—ngunit ang lahat ay sa Aking sariling tamang panahon. Ang mga taong nagsasalita nang may panunuya tungkol sa Akin, ngunit sa paraan na hindi napapansin ng ibang tao, ay agad na mamamatay (mamamatay sila sa espiritu, katawan, at kaluluwa). Yaong mga nang-aapi o malamig ang pakikitungo sa Aking minamahal ay agad na hahatulan ng Aking poot. Ibig nitong sabihin, ang mga taong naninibugho sa Aking mga minamahal, at iniisip na Ako ay hindi matuwid, ay ipapasa upang mahatulan ng Aking minamahal. Lahat ng may mabuting-asal, simple, at tapat (kabilang yaong mga kulang sa karunungan), at nakikitungo sa Akin nang may matatag na katapatan, ay mananatiling lahat sa Aking kaharian. Yaong mga hindi dumaan sa pagsasanay—ibig sabihin, yaong mga tapat na tao na kulang sa karunungan at kaunawaan—ay magkakaroon ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Subalit, sila ay pinungusan at binali na rin. Na sila ay hindi dumaan sa pagsasanay ay hindi ganap. Sa halip, sa pamamagitan ng mga bagay na ito na Aking ipakikita sa lahat ang Aking pagka-makapangyarihan sa lahat at ang Aking karunungan. Aking sisipain palabas yaong mga nag-aalinlangan pa rin sa Akin; hindi Ko nais ang isa man sa kanila (Aking kinamumuhian ang mga taong nag-aalinlangan pa rin sa Akin sa panahong gaya nito). Sa pamamagitan ng mga gawa na Aking ginagawa sa buong sansinukob, Aking ipakikita sa mga tapat na tao ang pagiging kamangha-mangha ng Aking mga gawa, sa gayon ay palalaguin ang kanilang karunungan, kaunawaan, at pag-arok. Sasanhiin Ko rin ang mga mapanlinlang na tao na mawasak sa isang iglap bilang resulta ng Aking kamangha-manghang mga gawa. Lahat ng panganay na anak na unang tumanggap sa Aking pangalan (ibig sabihin yaong mga banal at walang-dungis, tapat na mga tao) ang mauunang pumasok sa kaharian at mamamahala sa lahat ng bansa at lahat ng lahi na kasama Ko, mamumuno bilang mga hari sa kaharian at hahatol sa lahat ng bansa at lahat ng lahi (ito ay tumutukoy sa lahat ng panganay na anak sa kaharian, at wala nang iba). Yaong mga nasa lahat ng bansa at lahat ng lahi na nahatulan na, at nangagsisi na, ay papasok sa Aking kaharian at magiging Aking bayan, habang yaong matitigas ang ulo at hindi nangagsisi ay itatapon sa walang-hanggang kalaliman (upang mamatay magpakailanman). Ang paghatol sa loob ng kaharian ay magiging ang huling paghatol, at ang Aking lubusang paglilinis ng sanlibutan. Hindi na magkakaroon pa ng anumang kawalan ng katarungan, dalamhati, mga luha, o mga buntong-hininga, at, lalong higit pa, hindi na magkakaroon ng sanlibutan. Ang lahat ay magiging pagpapakita ni Cristo, at ang lahat ay magiging ang kaharian ni Cristo. Anong luwalhati! Anong luwalhati!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 79

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 236

Ngayon pinagtitibay Ko ang Aking mga atas administratibo para sa inyo (nagkabisa simula ng araw ng pagpapatibay ng mga ito, na nagtatalaga ng iba’t ibang pagkastigo sa iba’t ibang tao):

Tinutupad Ko ang Aking mga pangako, at lahat ay nasa Aking mga kamay: Sinumang nagdududa ay tiyak na papatayin. Walang lugar para sa anumang pagsasaalang-alang; kaagad silang lilipulin, sa ganito’y inaalis ang pagkamuhi mula sa Aking puso. (Pinatototohanan mula ngayon na sinumang pinaslang ay hindi dapat maging kasapi ng Aking kaharian, at dapat ay inapo ni Satanas.)

Bilang mga panganay na anak, dapat panatilihin ninyo ang inyong mga sariling katayuan at gampanang mabuti ang inyong mga tungkulin, at huwag maging mapanghimasok. Dapat ihandog ninyo ang inyong mga sarili sa Aking plano ng pamamahala, at saan man kayo pumunta ay dapat kayong mabuting magpatotoo sa Akin at luwalhatiin ang Aking pangalan. Huwag kayong gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay; maging halimbawa kayo para sa lahat ng Aking mga anak at sa Aking bayan. Huwag kayong maging mahalay kahit isang sandali: Dapat palagi kayong nagpapakita sa lahat na may pagkakakilanlan ng mga panganay na anak, at hindi mag-asal-alipin, kundi lumalakad na taas-noo. Hinihingi Ko sa inyo na luwalhatiin ang Aking pangalan, hindi ipahiya ang pangalan Ko. Bawat isa sa mga panganay na anak ay mayroong kanyang sariling tungkulin, at hindi magagawa ang lahat ng bagay. Ito ang pananagutang ibinigay Ko na sa inyo, na hindi dapat inuurungan. Dapat italaga ninyo ang inyong mga sarili sa pagtupad sa naipagkatiwala Ko na sa inyo nang inyong buong puso, nang inyong buong isip at nang inyong buong lakas.

Mula sa araw na ito, sa buong mundo ng sansinukob, ang tungkulin ng pagpapastol sa lahat ng Aking anak at Aking buong bayan ay ipagkakatiwala sa Aking mga panganay na anak para tuparin, at sinumang hindi maipatutupad ito nang kanilang buong puso at nang kanilang buong isip ay kakastiguhin Ko. Ito ang Aking katuwiran. Hindi Ko palalagpasin o pagagaanin ang parusa maging sa Aking mga panganay na anak.

Kung mayroong sinuman sa Aking mga anak o sa bayan Ko na tumutuya at umiinsulto sa isa sa Aking mga panganay na anak, malupit Ko silang parurusahan, dahil kinakatawan Ako ng Aking mga panganay na anak; anumang ginagawa ninuman sa kanila, ginagawa rin nila sa Akin. Ito ang pinakamahigpit sa Aking mga atas administratibo. Hahayaan Ko ang Aking mga panganay na anak na maglapat ng Aking katuwiran ayon sa kanilang mga naisin laban sa sinuman sa Aking mga anak at Aking bayan na lumalabag sa atas na ito.

Unti-unting iiwan Ko ang sinumang tumuturing sa Akin na walang gaanong kabuluhan at pinagtutuunan lang ang Aking pagkain, kasuotan, at pagtulog, inaasikaso lang ang Aking mga panlabas na gawain at walang pagsasaalang-alang sa Aking pasanin, at hindi binibigyang pansin ang maayos na pagtupad sa kanilang sariling tungkulin. Para ito sa lahat na may pandinig.

Sinumang nakakatapos sa paglilingkod sa Akin ay dapat masunuring umurong na walang kuskus-balungos. Mag-ingat ka, kung hindi ay aayusin kita. (Karagdagang atas ito.)

Dadamputin ng Aking mga panganay na anak ang tungkod na bakal simula ngayon at sisimulang ipatupad ang Aking awtoridad na mamahala sa lahat ng bansa at bayan, lumakad sa gitna ng lahat ng bansa at bayan, at isagawa ang Aking paghatol, katuwiran, at kamahalan sa gitna ng lahat ng bansa at bayan. Ang Aking mga anak at Aking bayan ay katatakutan Ako, pupurihin Ako, ipagbubunyi Ako, at luluwalhatiin Ako nang walang patid, dahil natutupad ang Aking plano ng pamamahala at makapaghaharing kasama Ko ang Aking mga panganay na anak.

Bahagi ito ng Aking mga atas administratibo; pagkatapos nito, sasabihin Ko sa inyo ang mga ito habang sumusulong ang gawain. Mula sa mga atas administratibo sa itaas, makikita ninyo ang bilis kung paano Ko ginagawa ang Aking gawain, gayun din kung anong hakbang na ang naabot ng Aking gawain. Magiging patunay ito.

Nahusgahan Ko na si Satanas. Dahil hindi nahahadlangan ang Aking kalooban at dahil nagtamo ng kaluwalhatian na kasama Ko ang Aking mga panganay na anak, naipatupad Ko na ang Aking katuwiran at kamahalan sa mundo at sa lahat ng bagay na pag-aari ni Satanas. Hindi Ako nag-aangat ng daliri o nagbibigay-pansin kay Satanas sa anumang paraan (dahil ni hindi ito karapat-dapat na makipag-usap sa Akin). Patuloy Ko lang ginagawa kung ano ang nais Kong gawin. Nagpapatuloy nang maayos ang Aking gawain, paisa-isang hakbang, at hindi nahahadlangan ang Aking kalooban sa buong daigdig. Napahiya na sa isang antas si Satanas dahil dito, at lubusan nang nawasak ito, pero hindi pa rin nito natugunan ang Aking mga layunin. Pinapayagan Ko rin ang Aking mga panganay na anak na ipatupad ang Aking mga atas administratibo sa mga ito. Sa isang banda, ang hinahayaan Kong makita ni Satanas ay ang Aking poot tungo rito; sa kabilang banda, hinahayaan Ko itong makita ang Aking kaluwalhatian (makita na ang Aking mga panganay na anak ang pinakamatutunog na mga saksi sa pagkapahiya ni Satanas). Hindi Ko personal na pinarurusahan ito; kundi hinahayaan Ko ang Aking mga panganay na anak na ipatupad ang Aking katuwiran at kamahalan. Dahil dati ay inaabuso ni Satanas ang Aking mga anak, inuusig ang Aking mga anak, at sinisiil ang Aking mga anak, ngayon, matapos ang serbisyo nito, papayagan Ko ang Aking mga maygulang na panganay na anak na ayusin ito. Nawalang-kapangyarihan na si Satanas laban sa pagbagsak. Ang pagkaparalisa ng lahat ng bansa sa mundo ang pinakamahusay na patotoo; malinaw na pagpapamalas ng pagbagsak ng kaharian ni Satanas ang paglalabanan ng mga tao at digmaan ng mga bansa. Ang dahilan kung bakit hindi Ako nagpakita ng anumang mga palatandaan at kababalaghan noon ay upang ipahiya si Satanas at luwalhatiin ang Aking pangalan, nang paunti-unti. Kapag si Satanas ay lubusan nang nagapi, sisimulan Kong ipakita ang Aking kapangyarihan: Umiiral ang sinasabi Ko, at ang mga di-pangkaraniwang bagay na hindi nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao ay matutupad (tinutukoy nito ang mga pagpapalang parating sa lalong madaling panahon). Dahil Ako ang praktikal na Diyos Mismo at wala Akong mga panuntunan, at dahil nagsasalita Ako ayon sa mga pagbabago sa Aking plano ng pamamahala, kung ano ang nasabi Ko na sa nakalipas ay hindi kinakailangang naaangkop sa kasalukuyan. Huwag ninyong panghawakan ang sarili ninyong mga kuru-kuro! Hindi Ako Diyos na sumusunod sa mga alituntunin; sa Akin, lahat ay malaya, nangingibabaw, at ganap na napawalan. Marahil ang mga sinabi kahapon ay hindi na napapanahon ngayon, o marahil ay isinasantabi ngayon (ngunit, ang Aking mga atas administratibo, mula noong pinagtibay ang mga ito, ay hindi kailanman magbabago). Ito ang mga hakbang sa Aking plano ng pamamahala. Huwag kumapit sa mga alituntunin. Araw-araw ay mayroong bagong liwanag at may mga bagong pahayag, at iyan ang plano Ko. Mabubunyag sa iyo araw-araw ang Aking liwanag at pakakawalan sa mundo ng sansinukob ang Aking tinig. Nauunawaan mo ba? Ito ang iyong tungkulin, ang pananagutang naipagkatiwala Ko sa iyo. Hindi mo ito dapat pabayaan kahit saglit. Ang mga taong kinaluluguran Ko, gagamitin Ko hanggang wakas, at hindi ito kailanman magbabago. Dahil Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, nalalaman Ko kung anong uri ng tao ang dapat gumawa ng kung anong bagay, at kung anong uri ng tao ang kayang gumawa ng kung anong bagay. Ito ang Aking walang kapantay na kapangyarihan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 88

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 237

Bawat pangungusap na Aking binibigkas ay may taglay na awtoridad at paghatol, at walang sinumang maaaring magbago ng Aking mga salita. Sa sandaling lumabas ang Aking mga salita, tiyak na matutupad ang mga bagay ayon sa Aking mga salita; ito ang Aking disposisyon. Ang Aking mga salita ay awtoridad at sinumang bumabago sa mga iyon ay nagkakasala sa Aking pagkastigo, at kailangan Ko silang pabagsakin. Sa seryosong mga kalagayan, ipinapahamak nila ang sarili nilang buhay at napupunta sila sa Hades, o sa walang-hanggang kalaliman. Ito ang Aking tanging paraan ng pakikitungo sa sangkatauhan, at walang paraan ang tao para baguhin ito—ito ang Aking atas administratibo. Tandaan ninyo ito! Walang sinumang pinahihintulutang magkasala sa Aking atas; kailangang magawa ang mga bagay ayon sa Aking mga layunin! Dati-rati, napakaluwag Ko sa inyo at ang Aking mga salita lang ang nakatagpo ninyo. Hindi pa nagaganap ang mga salitang Aking ipinahayag tungkol sa pagpapabagsak sa mga tao. Ngunit mula ngayon, lahat ng kalamidad (ang mga ito na may kaugnayan sa Aking mga atas administratibo) ay sunud-sunod na darating upang parusahan ang lahat ng hindi naaayon sa Aking mga layunin. Kailangang magkaroon ng pagdating ng mga katotohanan—kung hindi ay hindi makikita ng mga tao ang Aking poot kundi paulit-ulit nilang durungisan ang kanilang sarili. Isa itong hakbang ng Aking plano ng pamamahala, at ito ang paraan kung paano Ko gagawin ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Ipinagpapauna Ko ito sa inyo nang sa gayon ay maiwasan ninyong makagawa ng pagkakasala at mapahamak magpakailanman. Ibig sabihin, mula sa araw na ito, papupuntahin ko ang lahat ng tao, maliban sa Aking mga panganay na anak, sa kanilang dapat kalagyan ayon sa Aking mga layunin, at isa-isa Ko silang kakastiguhin. Hindi Ko palalagpasin ang kahit isa sa kanila. Subukan lang ninyong magpakasamang muli! Subukan mo lang maging suwail na muli! Nasabi Ko na noon na matuwid Ako sa lahat, na wala Ako ni katiting na damdamin, at ipinapakita nito na hindi dapat magkasala sa Aking disposisyon. Ito ang Aking persona. Walang sinumang maaaring magbago nito. Naririnig ng lahat ng tao ang Aking mga salita at nakikita ng lahat ng tao ang Aking maluwalhating mukha. Kailangang magpasakop sa Akin ang lahat ng tao nang lubusan at ganap—ito ang Aking atas administratibo. Lahat ng tao sa buong sansinukob at sa mga dulo ng mundo ay dapat Akong purihin at luwalhatiin, sapagkat Ako ang natatanging Diyos Mismo, sapagkat Ako ang persona ng Diyos. Walang sinumang maaaring magbago ng Aking mga salita at pahayag, ng Aking pananalita at kilos, sapagkat ang mga ito ay mga bagay na para sa Akin lamang, at ang mga ito ay mga bagay na taglay Ko na noong una pa man at iiral magpakailanman.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 100

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 238

Ang nakaplano Kong gawain ay patuloy na sumusulong nang walang-tigil kahit isang saglit. Dahil nakalipat na sa Kapanahunan ng Kaharian, at nadala Ko na kayo sa Aking kaharian bilang Aking mga tao, may iba pa Akong mga hihilingin sa inyo; ibig sabihin, sisimulan Kong ipahayag sa inyong harapan ang konstitusyong gagamitin Ko sa pamumuno sa kapanahunang ito:

Yamang tinatawag kayo na Aking mga tao, dapat ninyong makayang luwalhatiin ang Aking pangalan; ibig sabihin, magpatotoo sa gitna ng pagsubok. Kung tangkain ng sinuman na utuin Ako at itago ang totoo sa Akin, o sumali sa nakahihiyang mga gawain habang nakatalikod Ako, palalayasin ang gayong mga tao, lahat sila, at aalisin mula sa Aking bahay upang maghintay na harapin Ko sila. Yaong mga naging taksil at masuwayin sa Akin noong araw, at ngayon ay muling nagbabangon upang hatulan Ako nang lantaran—sila man ay palalayasin sa Aking bahay. Yaong Aking mga tao ay kailangang palaging magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin at hangarin ding maunawaan ang Aking mga salita. Ang mga tao lamang na katulad nito ang Aking liliwanagan, at siguradong mabubuhay sila sa ilalim ng Aking patnubay at kaliwanagan, nang hindi kailanman humaharap sa pagkastigo. Yaong mga tao, na bigong magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin, na nagtutuon sa pagpaplano para sa sarili nilang hinaharap—ibig sabihin, yaong mga walang layuning kumilos upang palugurin ang puso Ko, kundi sa halip ay naghahanap ng mga bigay-bigay—ang mga tila-pulubing nilalang na ito ang ayaw Ko talagang kasangkapanin, dahil mula nang ipanganak sila, wala silang anumang alam kung ano ang kahulugan ng magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin. Sila ay mga taong walang normal na katinuan; ang gayong mga tao ay maysakit na “malnutrisyon” sa utak, at kailangang umuwi para sa kaunting “pangangalaga.” Walang silbi sa Akin ang gayong mga tao. Sa Aking mga tao, lahat ay kailangang maobligang ituring na tungkulin nilang makilala Ako na dapat makita hanggang sa huli, tulad ng pagkain, pagbibihis, at pagtulog, isang bagay na hindi kailanman nalilimutan ng isang tao sa isang saglit, upang sa bandang huli, ang pagkilala sa Akin ay maging kasing-pamilyar ng pagkain—isang bagay na ginagawa mo nang walang kahirap-hirap, na praktisado ang kamay. Tungkol naman sa mga salitang Aking sinasambit, bawat isa nito ay kailangang tanggapin nang may sukdulang pananampalataya at lubos na maunawaan; hindi maaaring magkaroon ng mga pagkilos na walang interes at hindi lubus-lubusan. Sinumang hindi pumapansin sa Aking mga salita ay ituturing na tuwirang lumalaban sa Akin; sinumang hindi kumakain ng Aking mga salita, o hindi naghahangad na malaman ang mga iyon, ay ituturing na hindi nakikinig na mabuti sa Akin, at tuwirang palalabasin sa pintuan ng Aking bahay. Ito ay dahil, tulad ng sinabi Ko na noong araw, ang nais Ko ay hindi ang maraming tao, kundi ang kahusayan. Sa isandaang tao, kung iisa lamang ang nakakakilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, handa Akong itiwalag ang lahat ng iba pa upang liwanagan at paliwanagin ang iisang ito. Mula rito ay makikita ninyo na hindi palaging totoo na sa mas malaking bilang ng mga tao lamang Ako maaaring makita at maisabuhay. Ang nais Ko ay trigo (kahit maaaring hindi puno ang mga butil) at hindi mga mapanirang damo (kahit puno ang mga butil para hangaan). Tungkol naman sa mga walang pakialam sa paghahangad, kundi sa halip ay pabaya kung kumilos, dapat silang kusang umalis; ayaw Ko na silang makita, kung hindi ay patuloy silang magbibigay ng kahihiyan sa Aking pangalan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 5

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 239

Yamang isa ka sa mga tao sa Aking sambahayan, at yamang tapat ka sa Aking kaharian, kailangan mong sumunod sa mga pamantayan ng Aking mga kinakailangan sa lahat ng iyong ginagawa. Hindi Ko hinihiling na maging isa kang ulap lamang na nakalutang, kundi na maging makislap kang niyebe, at magtaglay ng kakanyahan nito at, higit pa riyan, ng kahalagahan nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi Ako katulad ng lotus, na may pangalan lamang at walang kakanyahan, sapagkat nagmumula iyon sa putik at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na bumababa ang isang bagong langit sa ibabaw ng mundo at lumalaganap ang isang bagong mundo sa ibabaw ng kalangitan ay ang panahon din mismo na Ako ay pormal na gumagawa sa mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang nakakita sa sandali ng Aking pagdating? Sino ang nakakita na hindi lamang Ako may pangalan, kundi, bukod pa riyan, may taglay rin Akong kakanyahan? Hinahawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmamasdang mabuti ang kalangitan; walang anuman sa kalawakan na hindi isinaayos ng Aking kamay, at sa ilalim nito, walang sinumang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking makapangyarihang misyon. Hindi Ako gumagawa ng mabibigat na kahilingan sa mga tao sa lupa, sapagkat noon pa man ay Ako na ang praktikal na Diyos at dahil Ako ang Makapangyarihan sa lahat na lumikha sa mga tao at nakakakilala sa kanila nang lubusan. Lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan sa lahat. Paano pa makakaiwas pati na ang mga nasa pinakaliblib na sulok ng mundo sa pagsisiyasat ng Aking Espiritu? Bagama’t “kilala” ng mga tao ang Aking Espiritu, nagkakasala pa rin sila sa Aking Espiritu. Inilalantad ng Aking mga salita ang mga pangit na mukha ng lahat ng tao, gayundin ang pinakamalalalim nilang saloobin, at ginagawang payak ng Aking liwanag ang lahat ng nasa lupa at ibinubuwal sila sa gitna ng Aking pagsisiyasat. Gayunman, sa kabila ng pagkabuwal, hindi nangangahas ang kanilang puso na lumayo sa Akin. Sa mga nilikha, sino ang hindi natututong magmahal sa Akin dahil sa Aking mga gawa? Sino ang hindi nasasabik sa Akin dahil sa Aking mga salita? Kaninong damdamin ang hindi napapalapit dahil sa Aking pagmamahal? Dahil lamang sa pagtitiwali ni Satanas kaya hindi maabot ng mga tao ang katayuang hinihiling Ko. Kahit ang pinakamababang mga pamantayang hinihiling Ko ay nagdudulot ng mga pag-aalinlangan sa mga tao, huwag nang banggitin pa ang ngayon—ang panahong ito kung kailan nagwawala si Satanas at mapaniil na parang baliw—o ang panahong malubhang tinapakan ni Satanas ang mga tao kaya punung-puno ng dumi ang kanilang buong katawan. Kailan ba Ako hindi nagdalamhati sa kabiguan ng mga tao na magmalasakit sa Aking puso bunga ng kanilang kabuktutan? Maaari kayang kinaaawaan Ko si Satanas? Maaari kayang nagkakamali Ako sa Aking pagmamahal? Kapag naghihimagsik ang mga tao laban sa Akin, lihim na tumatangis ang puso Ko; kapag nilalabanan nila Ako, kinakastigo Ko sila; kapag inililigtas Ko sila at binubuhay silang muli mula sa mga patay, pinangangalagaan Ko sila nang husto; kapag nagpapasakop sila sa Akin, madaling nakakapahinga ang puso Ko at agad Kong nadarama ang malalaking pagbabago sa langit at sa lupa at sa lahat ng bagay. Kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ako masisiyahan doon? Kapag sinasaksihan nila Ako at nakakamit Ko sila, paano Ako hindi makapagtatamo ng kaluwalhatian? Maaari kaya na paano man kumilos at umasal ang mga tao ay hindi Ako ang namahala at tumustos? Kapag hindi Ako nagbigay ng direksyon, tamad at walang kibo ang mga tao; bukod pa riyan, kapag nakatalikod Ako, nakikibahagi sila roon sa mga “kapansin-pansin” na maruruming pakikitungo. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na isinusuot Ko Mismo, ay walang alam sa iyong mga kilos, iyong asal, at iyong mga salita? Natiis Ko na nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko na rin ang kapaitan ng mundo ng tao; gayunman, sa masusing pagbubulay-bulay, gaano mang pagdurusa ang danasin ay hindi mawawalan ng pag-asa sa Akin ang sangkatauhang may laman, lalong hindi maaaring manlamig, manlumo, o magbalewala sa Akin ang mga tao sanhi ng anumang katamisan. Limitado ba talaga ang pagmamahal nila sa Akin sa kawalan ng pagdurusa o kawalan ng katamisan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 9

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 240

Ngayon, yamang napangunahan Ko na kayo hanggang sa puntong ito, gumawa na Ako ng angkop na mga plano, at mayroon Akong sariling mga layunin. Kung sasabihin Ko sa inyo ang mga iyon ngayon, talaga bang malalaman ninyo ang mga iyon? Alam na alam Ko ang mga iniisip ng tao at ang mga ninanais ng puso ng tao: Sino ang hindi naghanap kailanman ng daan palabas para sa kanilang sarili? Sino ang hindi nag-isip kailanman tungkol sa sarili nilang mga inaasam? Subalit kahit mayroong mayaman at malaking katalinuhan ang tao, sino ang nakahula na, pagkatapos ng mga kapanahunan, magiging ganito ang kasalukuyan? Ito ba talaga ang bunga ng iyong sariling pagsisikap? Ito ba ang kabayaran para sa iyong walang-pagod na kasipagan? Ito ba ang magandang paglalarawang nakinita ng iyong isipan? Kung hindi Ko ginabayan ang buong sangkatauhan, sino ang makakayang ihiwalay ang kanilang sarili mula sa Aking mga plano at maghanap ng ibang daan palabas? Ang mga imahinasyon at pagnanais ba ng tao ang nagdala sa kanya sa ngayon? Maraming tao ang habambuhay na hindi natutupad ang kanilang mga inaasam. Talaga bang ito ay dahil sa isang kamalian sa kanilang pag-iisip? Ang buhay ng maraming tao ay puno ng di-inaasahang kaligayahan at kasiyahan. Talaga bang ito ay dahil napakaliit ng kanilang inaasahan? Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inaalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng itinalagang tadhana ng Makapangyarihan? Nangyayari ba ang buhay at kamatayan ng tao ayon sa sarili niyang pagpili? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming taong gusto nang mamatay, subalit malayo iyon sa kanila; maraming taong nais maging yaong malalakas sa buhay at takot sa kamatayan, subalit lingid sa kanilang kaalaman, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, isinasadlak sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming taong nakatingala sa langit at bumubuntong-hininga nang malalim; maraming taong umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming taong bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming taong nahuhuli sa gitna ng tukso. Kahit hindi Ako magpakita nang personal upang hayaan ang tao na malinaw Akong mamasdan, maraming taong takot na makita ang Aking mukha, takot na takot na pababagsakin Ko sila, na papatayin Ko sila. Totoo bang kilala Ako ng tao, o hindi? Walang makakapagsabi nang tiyakan. Hindi ba ganito? Ako at ang Aking pagkastigo ay pareho ninyong kinatatakutan, subalit pinaninindigan at lantaran din ninyo Akong kinokontra at hinuhusgahan. Hindi ba ganito ang nangyayari? Hindi Ako kailanman nakilala ng tao dahil hindi niya kailanman nakita ang Aking mukha o narinig ang Aking tinig. Sa gayon, kahit nasa loob Ako ng puso ng tao, mayroon bang sinuman na hindi Ako malabo at di-maaninag sa kanyang puso? Mayroon bang sinuman na ganap na malinaw Ako sa kanyang puso? Ayaw Ko ring makita Ako ng Aking mga tao na malabo at mahirap unawain, at sa gayon ay sinisimulan Ko ang dakilang gawaing ito.

Tahimik Akong pumaparito sa tao, at pagkatapos ay lumalayo Ako. May nakakita na ba sa Akin? Nakikita ba Ako ng araw dahil sa nagniningas na apoy nito? Nakikita ba Ako ng buwan dahil sa maningning na liwanag nito? Nakikita ba Ako ng mga konstelasyon dahil sa lugar ng mga ito sa kalangitan? Kapag dumarating Ako, hindi alam ng tao, at lahat ng bagay ay nananatiling walang-alam, at kapag Ako ay lumisan, hindi pa rin namamalayan ng tao. Sino ang maaaring magpatotoo sa Akin? Ang papuri kaya ng mga tao sa lupa? Ang mga liryo kayang namumulaklak sa kagubatan? Ang mga ibon bang nagliliparan sa himpapawid? Ang mga leon ba na umuungol sa kabundukan? Walang sinumang lubos na makasasaksi sa Akin! Walang sinumang makagagawa ng gawaing Aking gagawin! Kahit ginawa nga nila ang gawaing ito, ano ang magiging epekto nito? Bawat araw ay minamasdan Ko ang bawat kilos ng maraming tao, at bawat araw ay sinisiyasat Ko ang puso’t isipan ng maraming tao; wala pang sinumang nakatakas sa Aking paghatol kailanman, at wala pang sinumang nakapag-alis sa kanilang sarili ng realidad ng Aking paghatol kailanman. Nakatayo Ako sa ibabaw ng kalangitan at nakatingin sa malayo: Napakarami Ko nang napabagsak na tao, subalit napakaraming tao rin ang nabubuhay sa gitna ng Aking awa at pagmamahal. Hindi ba ganito rin ang inyong sitwasyon?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 241

Sa lupa, Ako ang praktikal na Diyos Mismo na nananahan sa puso ng mga tao; sa langit, Ako ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Naakyat Ko na ang kabundukan at natawid ang mga ilog, at naglabas-pasok na Ako sa gitna ng sangkatauhan. Sino ang hayagang nangangahas na lumaban sa praktikal na Diyos Mismo? Sino ang nangangahas na umalpas sa paghahari ng Makapangyarihan sa lahat? Sino ang nangangahas na igiit, nang walang alinlangan, na Ako ay nasa langit? Bukod pa riyan, sino ang nangangahas na igiit na walang-alinlangan na narito Ako sa lupa? Wala ni isa sa buong sangkatauhan ang may kakayahang ipaliwanag nang malinaw ang bawat detalye ng mga lugar na Aking tinatahanan. Maaari kaya na tuwing Ako ay nasa langit, Ako ang higit-sa-karaniwang Diyos Mismo, at na tuwing Ako ay nasa lupa, Ako ang praktikal na Diyos Mismo? Ako man ang praktikal na Diyos Mismo o hindi, sigurado namang hindi ito matutukoy sa Aking pagiging ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng nilikha o sa katotohanan na nararanasan Ko ang mga pagdurusa sa mundo ng mga tao, hindi ba? Kung ganyan ang mangyayari, hindi ba mawawalan ng pag-asa ang pagiging mangmang ng mga tao? Nasa langit Ako, ngunit nasa lupa rin Ako; Kasama Ko ang napakaraming bagay na nilikha, pati na ang masa. Nahahawakan Ako ng mga tao araw-araw; bukod pa riyan, nakikita nila Ako araw-araw. Pagdating sa sangkatauhan, tila kung minsan ay nakatago Ako at kung minsan ay nakikita Ako; tila talagang umiiral Ako, subalit tila hindi rin Ako umiiral. Nakasalalay sa Akin ang mga hiwagang di-maarok ng sangkatauhan. Para bang lahat ng tao ay sinisilip Ako sa isang mikroskopyo upang tuklasin ang iba pang mga hiwaga sa Akin, na umaasang sa gayong paraan ay maiwaksi ang kabalisahan sa kanilang puso. Gayunman, kahit gumamit pa sila ng mga X-ray, paano mabubuklat ng sangkatauhan ang anuman sa mga lihim na itinatago Ko?

Sa sandali mismo na ang Aking mga tao, dahil sa Aking gawain, ay magtamo ng kaluwalhatian kasama Ko, mahuhukay ang pugad ng malaking pulang dragon, maaalis ang lahat ng putik at dumi, at lahat ng maruming tubig, na naipon sa loob ng napakaraming taon, ay matutuyo sa Aking mga naglalagablab na apoy, upang hindi na umiral. Pagkatapos, masasawi ang malaking pulang dragon sa lawa ng apoy at asupre. Talaga bang handa kayong manatili sa ilalim ng Aking mapagmahal na pangangalaga upang hindi kayo maagaw ng dragon? Talaga bang kinamumuhian ninyo ang mapanlinlang na mga pakana nito? Sino ang matibay na makapagpapatotoo para sa Akin? Alang-alang sa Aking pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, at alang-alang sa Aking buong plano ng pamamahala, sino ang makapag-aalay ng lahat ng kanilang lakas? Ngayon, kung kailan ang kaharian ay nasa mundo ng tao, ang panahon na naparito Ako nang personal sa sangkatauhan. Kung hindi nagkagayon, mayroon bang magsasapalaran na pumasok sa digmaan para sa Akin nang walang anumang pangamba? Upang magkahubog ang kaharian, upang masiyahan ang Aking puso, at bukod pa riyan, upang sumapit ang Aking araw, upang dumating ang panahon na muling isilang at lumago nang sagana ang napakaraming bagay na nilikha, upang masagip ang mga tao mula sa dagat-dagatan ng pagdurusa, upang dumating ang bukas, at upang ito ay maging kamangha-mangha, at mamulaklak at yumabong at, bukod pa riyan, upang magkaroon ng kagalakan ang hinaharap, nagsusumikap nang husto ang lahat ng tao, na walang itinitira sa pagsasakripisyo ng kanilang sarili para sa Akin. Hindi ba ito isang tanda na Akin na ang tagumpay? Hindi ba ito isang tanda ng kaganapan ng Aking plano?

Kapag mas matagal na umiiral ang mga tao sa mga huling araw, mas madarama nila ang kahungkagan ng mundo, at mas kakaunti ang tapang na tataglayin nila para mabuhay. Dahil dito, napakaraming taong namatay sa kabiguan, napakaraming iba pang nabigo sa kanilang mga pakikipagsapalaran, at napakaraming iba pang nagdaranas mismo na mamanipula ng kamay ni Satanas. Nasagip Ko na ang napakaraming tao at nasuportahan ang napakarami sa kanila, at, napakadalas, kapag nawala ang liwanag sa mga tao, naibalik Ko sila sa lugar na may liwanag upang makilala nila Ako sa gitna ng liwanag at matamasa Ako sa gitna ng kaligayahan. Dahil sa pagdating ng Aking liwanag, sumisibol ang pagsamba sa puso ng mga taong nananahan sa Aking kaharian, sapagkat Ako ay isang Diyos na mamahalin ng sangkatauhan—isang Diyos na mapagmahal na kinakapitan ng sangkatauhan—at puspos sila ng may nananahang impresyon sa Aking kaanyuan. Magkagayunman, kapag nasabi at nagawa na ang lahat, walang sinumang nakakaunawa kung ito ay kagagawan ng Espiritu o gawain ng katawang-tao. Buong buhay ang kakailanganin ng mga tao para lamang maranasan ang isang bagay na ito nang detalyado. Hindi pa Ako kinamuhian ng mga tao kailanman sa kaibuturan ng kanilang puso; sa halip, kumakapit sila sa Akin sa kaibuturan ng kanilang espiritu. Pinag-iibayo ng Aking karunungan ang kanilang paghanga, pinagpipiyestahan ng kanilang mga mata ang mga kababalaghang Aking ginagawa, at nililito ng Aking mga salita ang kanilang isipan, subalit itinatangi nila ang mga ito nang buong pagmamahal. Ang Aking pagiging praktikal ay iniiwan ang mga tao na nalilito, tulala at naguguluhan, subalit handa silang tanggapin ito. Hindi ba ito mismo ang sukatan ng mga tao kung ano sila talaga?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 15

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 242

1. Hindi dapat itanyag ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

2. Gawin mo ang lahat ng bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos at hindi ang anumang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Ipagtanggol mo ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, at ang gawain ng Diyos.

3. Ang pera, materyal na mga bagay, at lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ang mga handog na dapat ibigay ng tao. Walang sinumang maaaring magtamasa ng mga handog na ito kundi ang pari at ang Diyos, sapagkat ang mga handog ng tao ay para sa kaluguran ng Diyos. Ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa pari, at wala nang iba pang kwalipikado o nararapat na magtamasa ng anumang bahagi ng mga iyon. Lahat ng handog ng tao (pati na ang pera at mga materyal na bagay na maaaring matamasa) ay ibinibigay sa Diyos, hindi sa tao. Kaya nga, ang mga bagay na ito ay hindi dapat tamasahin ng tao; kung tatamasahin ng tao ang mga ito, magnanakaw siya ng mga handog. Sinumang gumagawa nito ay isang Hudas, sapagkat, bukod pa sa pagkakanulo sa Panginoon, kinuha rin ni Hudas ang nakalagay sa supot ng pera.

4. Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay nagtataglay ng mga damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaiba ang kasarian na magsama sa gawain nang walang kasama habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi.

5. Huwag mong husgahan ang Diyos, ni basta-bastang talakayin ang mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Gawin mo ang nararapat gawin ng tao, at magsalita kung paano dapat magsalita ang tao, at huwag kang lumampas sa iyong mga limitasyon ni lumabag sa iyong mga hangganan. Bantayan mo ang iyong sariling pananalita at mag-ingat kung saan ka tumatapak, upang maiwasan mo ang paggawa ng anumang bagay na sasalungat sa disposisyon ng Diyos.

6. Gawin mo iyong nararapat gawin ng tao, at isakatuparan ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga responsibilidad, at manangan sa iyong tungkulin. Yamang nananalig ka sa Diyos, dapat kang gumawa ng iyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi, hindi ka karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat na manirahan sa sambahayan ng Diyos.

7. Sa gawain at mga usapin ng iglesia, bukod pa sa pagpapasakop sa Diyos, dapat mong sundin ang mga tagubilin ng tao na ginagamit ng Banal na Espiritu sa lahat ng bagay. Kahit ang pinakamaliit na pagsuway ay hindi katanggap-tanggap. Kailangan mong maging ganap sa iyong pagsunod, at huwag mong suriin ang tama o mali; anuman ang tama o mali ay walang kinalaman sa iyo. Ganap na pagpapasakop lamang ang iyong dapat alalahanin.

8. Ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay dapat magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya. Huwag mong itaas o tingalain ang sinumang tao; huwag ilagay sa una ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinumang taong dapat magkaroon ng lugar sa iyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang mga pinag-aalayan mo ng benerasyon—na kapareho ng Diyos, na Kanyang kapantay. Hindi ito matatagalan ng Diyos.

9. Panatilihin mong nasa gawain ng iglesia ang iyong pag-iisip. Isantabi mo ang mga inaasam ng iyong sariling laman, maging desidido ka tungkol sa mga usaping pampamilya, buong-puso mong ialay ang iyong sarili sa gawain ng Diyos, at unahin mo ang gawain ng Diyos at ipangalawa ang iyong sariling buhay. Ito ang kagandahang-asal ng isang banal.

10. Ang kaanak na iba ang pananalig (ang iyong mga anak, ang iyong asawa, iyong mga kapatid o magulang, at iba pa) ay hindi dapat piliting sumapi sa iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang pataasin ang bilang nito ng mga taong walang silbi. Hindi na dapat akayin sa iglesia ang lahat ng hindi malugod na nananampalataya. Ang atas na ito ay para sa lahat ng tao. Dapat ninyong pigilan, pangasiwaan, at paalalahanan ang isa’t isa sa bagay na ito, at walang sinumang maaaring lumabag dito. Kahit atubiling pumapasok nga sa iglesia ang kaanak na iba ang pananampalataya, huwag silang bigyan ng mga aklat o ng bagong pangalan; ang gayong mga tao ay hindi bahagi ng sambahayan ng Diyos, at kailangang patigilin ang pagpasok nila sa iglesia sa anumang paraang kinakailangan. Kung may gulong nadala sa iglesia dahil sa paglusob ng mga demonyo, ikaw mismo ay patatalsikin o paghihigpitan. Sa madaling salita, lahat ay may responsibilidad sa bagay na ito, ngunit hindi ka rin dapat magpadalus-dalos, ni gamitin ito para lutasin ang mga personal mong atraso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na mga Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 243

Kailangang panghawakan ng mga tao ang maraming tungkuling dapat nilang gampanan. Ito ang dapat sundin ng mga tao, at ito ang kailangan nilang isakatuparan. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu; hindi maaaring makialam ang tao rito. Dapat maging tapat ang tao sa nararapat gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Ito ay walang iba kundi yaong nararapat gawin ng tao, at dapat sundin bilang isang utos, katulad ng pagsunod sa kautusan sa Lumang Tipan. Bagama’t hindi Kapanahunan ng Kautusan ngayon, marami pa ring mga salitang dapat sundin na kauri ng mga salitang sinambit sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga salitang ito ay hindi isinasakatuparan sa pamamagitan lamang ng pag-asa sa pag-antig ng Banal na Espiritu, kundi sa halip, ang mga ito ay dapat sundin ng tao. Halimbawa:

Huwag ninyong husgahan ang gawain ng praktikal na Diyos.

Huwag ninyong kontrahin ang taong pinatotohanan ng Diyos.

Sa harap ng Diyos, tumayo kayo sa inyong lugar at huwag maging pasaway.

Dapat kayong maging mahinahon sa pagsasalita, at ang inyong mga salita at kilos ay kailangang sumunod sa mga plano ng taong pinatotohanan ng Diyos.

Dapat kayong matakot sa patotoo ng Diyos. Huwag ninyong balewalain ang gawain ng Diyos at ang mga salitang nagmumula sa Kanyang bibig.

Huwag ninyong gayahin ang tono at mga layunin ng mga pahayag ng Diyos.

Sa inyong mga kilos, huwag kayong gumawa ng anuman na hayagang kumokontra sa taong pinatotohanan ng Diyos.

Ito ang mga bagay na dapat sundin ng bawat tao. Sa bawat kapanahunan, maraming panuntunang tinutukoy ang Diyos na may pagkakatulad sa mga kautusang dapat sundin ng tao. Sa pamamagitan nito, pinipigilan Niya ang disposisyon ng tao at nasusubukan ang kanyang katapatan. Isipin ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa kapanahunan ng Lumang Tipan, halimbawa. Hindi angkop ang mga salitang ito ngayon; sa panahong iyon, napigilan lamang ng mga ito ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, nagamit upang ipamalas ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at naging isang tanda ng mga naniwala sa Diyos. Bagama’t Kapanahunan ng Kaharian ngayon, marami pa ring panuntunang kailangang sundin ang tao. Hindi angkop ang mga panuntunan noong araw, at ngayon ay marami pang mas akmang pagsasagawang isasakatuparan ang tao, na kinakailangan. Walang kinalaman dito ang gawain ng Banal na Espiritu at kailangan itong gawin ng tao.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, marami sa mga pagsasagawa sa Kapanahunan ng Kautusan ang inalis dahil ang mga kautusang ito ay hindi epektibo lalo na para sa gawain noon. Matapos alisin ang mga ito, maraming pagsasagawa ang itinakda na naaangkop sa kapanahunan, at naging mga panuntunan na sa ngayon. Nang pumarito ang Diyos ng panahong ito, tinanggal ang mga panuntunang ito at hindi na kinailangang sundin, at maraming pagsasagawa ang itinakda na naaangkop sa gawain sa ngayon. Ngayon, ang mga pagsasagawang ito ay hindi mga panuntunan, kundi sa halip ay nilayong magkamit ng mga epekto; angkop ang mga ito para ngayon—bukas, marahil ay magiging mga panuntunan ang mga ito. Sa kabuuan, dapat mong sundin yaong mabunga para sa gawain ngayon. Huwag mong pansinin ang kinabukasan: Ang ginagawa ngayon ay para sa kapakanan ng ngayon. Kapag dumating siguro ang kinabukasan, magkakaroon ng mas mabubuting pagsasagawa na kakailanganin mong isakatuparan—ngunit huwag mong gaanong pansinin iyan. Sa halip, sundin yaong dapat sundin ngayon upang maiwasang kontrahin ang Diyos. Ngayon, wala nang mas mahalagang sundin ang tao kaysa sa mga sumusunod:

Hindi mo dapat tangkaing manuyo sa Diyos na nakatayo sa iyong harapan, o magtago ng anuman sa Kanya.

Huwag kang bumigkas ng karumihan o ng mayabang na pananalita sa harap ng Diyos na nasa iyong harapan.

Huwag mong linlangin ang Diyos na nasa iyong harapan sa matatamis na salita at mabulaklak na mga pananalita upang makamit ang Kanyang tiwala.

Huwag kang kumilos nang walang pagpipitagan sa harap ng Diyos. Magpasakop ka sa lahat ng lumalabas mula sa bibig ng Diyos, at huwag labanan, kontrahin, o tutulan ang Kanyang mga salita.

Huwag mong ipakahulugan ayon sa inaakala mong angkop ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos. Dapat mong ingatan ang iyong pananalita upang maiwasan mong mahulog sa bitag ng mapanlinlang na mga pakana ng masama.

Dapat mong ingatan ang iyong mga paghakbang upang maiwasang labagin ang mga hangganang itinakda ng Diyos para sa iyo. Kung lumabag ka, magiging dahilan ito upang tumayo ka sa posisyon ng Diyos at magsalita ng mga salitang mapagmataas, at sa gayon ay kamumuhian ka ng Diyos.

Huwag mong ipalaganap nang walang ingat ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos, at baka kutyain ka ng iba at gawin kang tanga ng mga diyablo.

Magpasakop ka sa buong gawain ng Diyos ng ngayon. Kahit hindi mo ito nauunawaan, huwag mo itong husgahan; ang tanging magagawa mo ay maghanap at makibahagi.

Walang taong lalabag sa orihinal na lugar ng Diyos. Wala ka nang ibang magagawa kundi paglingkuran ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao. Hindi mo maaaring turuan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao—mali na gawin iyon.

Walang sinumang maaaring pumalit sa lugar ng taong pinatotohanan ng Diyos; sa iyong mga salita, kilos, at saloobin, nakatayo ka sa posisyon ng tao. Dapat itong sundin, responsibilidad ito ng tao, walang sinuman na maaaring magbago rito; ang pagtatangkang gawin iyon ay lalabag sa mga atas administratibo. Dapat itong tandaan ng lahat.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 244

Maraming bagay ang inaasahan Kong maisasakatuparan ninyo, gayon pa man hindi lahat ng mga kilos ninyo at hindi lahat ng tungkol sa mga buhay ninyo ay nakatutupad sa hinihingi Ko, kaya wala Akong magagawa kundi ang dumiretso sa punto at ipaliwanag sa inyo ang mga layunin Ko. Yamang mahina ang pagwari ninyo at ang pagpapahalaga ninyo ay mahina rin, halos ganap kayong mangmang sa disposisyon at diwa Ko—at kaya madaliang ipinagbibigay-alam Ko sa inyo ang tungkol sa mga ito. Gaano man karami ang naunawaan mo noon, nais mo mang unawain ang mga usaping ito o hindi, dapat Ko pa ring ipaliwanag ang mga ito sa inyo nang detalyado. Ang mga usaping ito ay hindi lubusang bago sa inyo, gayon pa man kayo ay labis na kulang sa pagkaunawa at pagiging pamilyar sa kahulugang nasa loob ng mga ito. Marami sa inyo ang mayroon lamang malabong pagkaunawa, bahagya at hindi pa nga kumpleto kung tutuusin. Upang matulungan kayong maisagawa nang mas mabuti ang katotohanan—upang mas mapainam ang pagsasagawa ng Aking mga salita—sa tingin Ko, ito ang mga usaping dapat ninyong malaman unang-una sa lahat. Kung hindi, ang pananampalataya ninyo ay mananatiling malabo, mapagkunwari, at puno ng mga kagayakan ng relihiyon. Kung hindi mo nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ay magiging imposible para sa iyo na isagawa ang gawain na dapat mong gawin para sa Kanya. Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, kung gayon ay magiging imposible para sa iyo na magkaroon ng takot at pangamba sa Kanya; sa halip, magkakaroon lamang ng walang-ingat na pagwawalang-bahala at kasinungalingan, at idagdag pa rito ang hindi na maiwawastong kalapastanganan. Bagamat talagang mahalaga ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos, at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi maaaring makaligtaan, walang sinuman kailanman ang lubusang nagsiyasat o nagsaliksik sa mga usaping ito. Malinaw na makikita na iwinaksi na ninyong lahat ang mga atas administratibong inilabas Ko. Kung hindi ninyo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ay malamang na malalabag ninyo ang disposisyon Niya. Ang paglabag sa disposisyon Niya ay katumbas ng pagpukaw sa galit ng Diyos Mismo, at sa ganitong pagkakataon, ang pangwakas na bunga ng mga ikinilos mo ay ang paglabag sa mga atas administratibo. Ngayon dapat mong mapagtanto na kapag nababatid mo ang diwa ng Diyos ay maiintindihan mo rin ang Kanyang disposisyon—at kapag naiintindihan mo ang Kanyang disposisyon, maiintindihan mo rin ang mga atas administratibo. Hindi na kailangan pang sabihin na karamihan sa napapaloob sa mga atas administratibo ay sumasaklaw sa disposisyon ng Diyos, ngunit hindi lahat ng disposisyon Niya ay ipinahayag sa mga atas administratibo; kaya, dapat ninyong pagbutihin pa ang pagpapaunlad ng pagkaunawa ninyo sa disposisyon ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 245

Ang disposisyon ng Diyos ay isang paksang tila napakahirap unawain ng lahat at, bukod dito, ay isang bagay na hindi madaling tanggapin ninuman, dahil hindi katulad ng personalidad ng isang tao ang disposisyon Niya. Ang Diyos din ay may sariling mga damdamin ng galak, galit, lungkot, at saya, ngunit naiiba ang mga damdaming ito sa mga damdaming mayroon ang tao. Ang Diyos Mismo ay may sarili Niyang mga pag-aari at Kanyang pagiging Diyos. Ang lahat ng ipinapahayag at ibinubunyag Niya ay kumakatawan sa sarili Niyang diwa at sa sarili Niyang pagkakakilanlan. Ang mga pag-aaring ito at ang Kanyang pagiging Diyos, pati na ang diwa at pagkakakilanlang ito, ay mga bagay na hindi maaaring palitan ng sinumang tao. Ang Kanyang disposisyon ay sumasaklaw sa Kanyang pagmamahal para sa sangkatauhan, kapanatagan sa sangkatauhan, pagkamuhi sa sangkatauhan, at higit pa rito, ang lubos na pagkaunawa sa sangkatauhan. Gayumpaman, ang personalidad ng tao ay maaaring kapalooban ng pagiging masiyahin, masigla, o manhid. Ang disposisyon ng Diyos ay ang taglay ng May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay at sa mga nilikhang may buhay; ito ang taglay ng Panginoon ng paglikha. Kumakatawan ang disposisyon Niya sa pagiging kagalang-galang, sa kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, sa kataas-taasang kapangyarihan. Ang disposisyon Niya ay ang simbolo ng awtoridad, ang simbolo ng lahat ng makatarungan, ang simbolo ng lahat ng maganda at mabuti. Higit pa roon, ang disposisyon Niya ay isang simbolo na hindi kayang malugmok o masalakay ng kadiliman o ng anumang puwersa ng kaaway, at simbolo rin ng pagiging hindi mapipinsala ng anumang pagkakasala (at di-pagkunsinti sa pagkakasala) ng sinumang nilikha. Ang disposisyon Niya ang simbolo ng pinakamataas na kapangyarihan. Walang tao o mga tao na kaya o maaaring makagulo sa gawain Niya o sa disposisyon Niya. Ngunit ang personalidad ng tao ay isa lamang tanda ng bahagyang kalamangan ng tao sa hayop. Ang tao, sa kanyang sarili, ay walang awtoridad, walang kasarinlan, at walang kakayahang lampasan ang sarili, ngunit sa diwa niya ay isang nilalang na napapayukyok para sa awa ng lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at bagay. Ang kagalakan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at paglitaw ng katarungan at liwanag, dahil sa pagkawasak ng kadiliman at kasamaan. Nalulugod Siya sa pagdadala ng liwanag at ng isang mabuting buhay sa sangkatauhan; ang kagalakan Niya ay isang makatarungang kagalakan, isang sagisag ng pag-iral ng lahat ng bagay na positibo at, higit pa rito, isang sagisag ng pagkamapalad. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pinsalang dulot ng pag-iral at panggugulo ng kawalan ng katarungan sa sangkatauhan Niya, dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, dahil sa pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit pa, dahil sa pag-iral ng mga bagay na sumasalungat sa kung anong mabuti at maganda. Ang galit Niya ay sagisag na hindi na umiiral ang lahat ng bagay na negatibo at, higit pa riyan, isa itong sagisag ng kabanalan Niya. Ang kalungkutan Niya ay dahil sa sangkatauhan, na mayroon sana Siyang inaasahan ngunit nahulog na sila sa kadiliman, at ito ay dahil hindi natutugunan ng gawaing ginagawa Niya sa tao ang mga layunin Niya, sapagkat lahat ng sangkatauhang minamahal Niya ay hindi kayang makapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng kalungkutan para sa inosenteng sangkatauhan, para sa matapat ngunit mangmang na tao, at para sa taong mabuti ngunit sa kanyang sariling mga pananaw ay nagkukulang. Ang kalungkutan Niya ay sagisag ng kabutihan Niya at ng awa Niya, isang sagisag ng kagandahan at ng kabaitan. Ang kaligayahan Niya, mangyari pa, ay nagmumula sa pagkatalo ng mga kaaway Niya at pagkakamit ng mabuting pananampalataya ng tao. Higit pa riyan, umuusbong ito mula sa pagpapatalsik at pagkawasak ng lahat ng puwersa ng kaaway, at sapagkat tumatanggap ang sangkatauhan ng mabuti at mapayapang buhay. Hindi katulad ng kagalakan ng tao ang kaligayahan ng Diyos; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng paglikom ng magagandang bunga, isang pakiramdam na higit pa sa kagalakan. Ang kasiyahan Niya ay sagisag ng paglaya ng sangkatauhan sa pagdurusa mula sa oras na ito, at isang tanda ng pagpasok ng sangkatauhan sa isang daigdig ng liwanag. Ang mga damdamin ng sangkatauhan, sa kabilang banda, ay umuusbong na lahat para sa kapakanan ng sarili niyang mga interes at hindi para sa katarungan, liwanag, o kung ano ang maganda, at higit sa lahat, hindi para sa biyayang ipinagkaloob ng Langit. Ang mga damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at nabibilang sa daigdig ng kadiliman. Hindi sila kumikilos para sa kapakanan ng kalooban, lalong hindi para sa plano ng Diyos, at kaya ang tao at Diyos ay hindi kailanman maaaring pag-usapan nang magkasabay. Ang Diyos ay kataas-taasan magpakailanman at kagalang-galang magpakailanman, samantalang ang tao ay napakababa magpakailanman at walang halaga magpakailanman. Ito ay sapagkat ang Diyos ay inilalaan at iginugugol ang sarili Niya Mismo para sa sangkatauhan magpakailanman, samantalang ang tao ay nanghihingi at nagsisikap para lamang sa sarili niya magpakailanman. Ang Diyos ay nagpapakahirap magpakailanman para manatiling buhay ang sangkatauhan, gayumpaman, ang tao ay hindi kailanman nag-aambag ng anumang bagay alang-alang sa katarungan o liwanag, at kahit na pansamantalang magsikap ang tao, hindi nito makakayanan ang isang dagok, dahil ang pagsisikap ng tao ay palaging para sa sarili niyang kapakanan at hindi para sa iba. Makasarili ang tao magpakailanman, samantalang ang Diyos ay walang pag-iimbot magpakailanman. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng makatarungan, mabuti, at maganda, habang ang tao ang siyang pumapalit at nagpapahayag ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Hindi kailanman babaguhin ng Diyos ang Kanyang diwa ng katarungan at kagandahan, gayumpaman, ang tao ay maaaring ipagkanulo ang katarungan at lumayo sa Diyos sa anumang oras at sa anumang sitwasyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 246

Ang bawat pangungusap na sinabi Ko ay naglalaman sa loob nito ng disposisyon ng Diyos. Makabubuti para sa inyo na pagbulayan ang mga salita Ko nang maigi, at tiyak na makikinabang kayo nang malaki mula sa mga ito. Napakahirap maunawaan ang diwa ng Diyos, ngunit nagtitiwala Akong kayong lahat ay may ilang ideya man lamang tungkol sa disposisyon ng Diyos. Umaasa Ako, kung gayon, na mas marami kayong ipakikita sa Akin na mga bagay na nagawa ninyo na hindi lumalabag sa disposisyon ng Diyos. Saka Ako mapapanatag. Halimbawa, panatilihin ang Diyos sa puso mo sa lahat ng oras. Kapag kumilos ka, gawin ito ayon sa mga salita Niya. Hanapin ang mga layunin Niya sa lahat ng bagay, at magpigil sa paggawa ng hindi gumagalang at nagpapahiya sa Diyos. Lalong hindi mo dapat ilagay ang Diyos sa likod ng isip mo upang punan ang panghinaharap na kahungkagan sa puso mo. Kung gagawin mo ito, malalabag mo ang disposisyon ng Diyos. Muli, ipinapalagay na hindi ka kailanman gumawa ng lapastangang mga pahayag o mga reklamo laban sa Diyos sa buong buhay mo, at muli, ipinapalagay na nagagawa mong gampanan nang wasto ang lahat ng ipinagkatiwala Niya sa iyo at nagpapasakop din sa lahat ng mga salita Niya sa buong buhay mo, kung gayon ay naiwasan mong lumabag laban sa mga atas administratibo. Halimbawa, kung nasabi mong, “Bakit ko iniisip na hindi Siya ang Diyos?” “Sa tingin ko ang mga salitang ito ay wala nang iba pa kundi ilang kaliwanagan ng Banal na Espiritu,” “Sa palagay ko, hindi lahat ng ginagawa ng Diyos ay kinakailangang tama,” “Hindi higit ng sa akin ang katauhan ng Diyos,” “Ang mga salita ng Diyos ay talagang hindi kapani-paniwala,” o iba pang mga mapanghusgang pahayag, kung gayon ay hinihimok Kong mangumpisal at magsisi ka sa iyong mga kasalanan nang mas madalas. Kung hindi, hindi ka kailanman magkakaroon ng pagkakataong mapatawad, dahil hindi ka nagkakasala sa tao, kundi sa Diyos Mismo. Maaaring naniniwala kang ang hinuhusgahan mo ay isang tao, ngunit hindi ito itinuturing ng Espiritu ng Diyos sa ganiyang paraan. Ang kawalang-galang mo sa katawang-tao Niya ay katumbas ng kawalang-galang sa Kanya. Alinsunod dito, hindi ka ba lumabag sa disposisyon ng Diyos? Dapat mong tandaang ang lahat ng ginawa ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa upang ingatan ang gawain Niya sa katawang-tao at upang ang gawaing ito ay magawa nang mahusay. Kung makakaligtaan mo ito, kung gayon ay sinasabi Ko sa iyong isa kang taong hindi kailanman magtagumpay sa paniniwala sa Diyos. Dahil pinukaw mo ang poot ng Diyos, at kaya gagamit Siya ng nababagay na kaparusahan upang turuan ka ng aral.

Ang malaman ang diwa ng Diyos ay hindi biru-birong bagay. Dapat mong maunawaan ang disposisyon Niya. Sa ganitong paraan, unti-unti at hindi mo namamalayan na nalalaman mo na ang diwa ng Diyos. Kapag nakapasok ka sa ganitong kaaalaman, matatagpuan mo ang sarili mong tumatapak sa mas mataas at mas magandang kalagayan. Sa huli, makararamdam ka ng hiya sa nakapanghihilakbot mong kaluluwa, at, bukod dito, ay mararamdaman mong hindi ka na makakapagtago kahit saan pa man mula sa iyong kahihiyan. Sa panahong iyon, mababawasan nang mababawasan ang mga ginagawa mong lumalabag sa disposisyon ng Diyos, lalapit at lalapit sa Diyos ang puso mo, at ang pagmamahal sa Kanya ay unti-unting lalago sa puso mo. Isa itong tanda ng pagpasok ng sangkatauhan sa isang magandang kalagayan. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa ninyo natatamo ito. Habang nagmamadali kayong lahat para sa kapakanan ng tadhana ninyo, sino ang mayroong anumang interes na sumubok na alamin ang diwa ng Diyos? Kung magpapatuloy ito, makalalabag kayo nang hindi ninyo namamalayan laban sa mga atas administratibo, dahil lubhang napakakakaunti ng naiintindihan ninyo sa disposisyon ng Diyos. Kaya hindi ba ang ginagawa ninyo ngayon ay paglalatag ng saligan para sa mga paglabag ninyo laban sa disposisyon ng Diyos? Ang paghingi Ko sa inyo na unawain ang disposisyon ng Diyos ay hindi hiwalay sa gawain Ko. Dahil kung lumalabag kayo nang madalas sa mga atas administratibo, sino sa inyo ang makatatakas sa kaparusahan? Ang gawain Ko ba kung gayon ay hindi naging lubusang walang katuturan? Samakatuwid, hinihiling Ko pa rin, bilang karagdagan sa pagsusuring mabuti sa sarili ninyong asal, na maging maingat sa mga hakbang na tinatahak ninyo. Ito ang mas malaking hihingin Ko sa inyo, at umaasa Akong maingat ninyong isasaalang-alang ito at bibigyan ito ng maalab ninyong pagturing. Kung darating man ang araw na pupukawin ng mga kilos ninyo ang Aking masidhing galit, kung gayon ay kayo lamang ang magsasaalang-alang ng mga kahihinatnan, at wala nang iba pang hahalili sa pagbabata ng kaparusahan ninyo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 247

Sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, at hangga’t sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, tiyak na magiging patas Siya tungo sa tao, sapagkat Siya ang pinakamatuwid. Kung sinusunod Siya ng tao hanggang sa katapus-tapusan, kaya ba Niyang isantabi ang tao? Ako ay patas sa lahat ng tao, at hinahatulan ang lahat ng tao ayon sa Aking matuwid na disposisyon, gayunman mayroong akmang mga kondisyon sa mga hinihingi Ko sa tao, at iyong Aking hinihingi ay dapat na matupad ng lahat ng tao, maging sinuman sila. Wala Akong pakialam kung ano ang mga kalipikasyon mo, o kung gaano katagal mo nang taglay ang mga ito; ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung sinusunod mo ang Aking daan, at kung umiibig ka at nauuhaw para sa katotohanan o hindi. Kung ikaw ay kulang sa katotohanan, at sa halip nagdadala ng kahihiyan sa Aking pangalan, at hindi kumikilos ayon sa Aking daan, sumusunod lamang nang walang pakialam o malasakit, kung gayon sa sandaling iyon ay hahampasin kita at parurusahan dahil sa iyong kasamaan, at ano nga ang masasabi mo sa panahong iyon? Masasabi mo bang ang Diyos ay hindi matuwid? Kung nakasunod ka sa mga salita na Aking sinabi ngayon, kung gayon ikaw ang uri ng taong Aking sinasang-ayunan. Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa kabila ng mga bagyo, at naibahagi sa Kanya ang mga pagkakataong mabubuti at ang masasama, ngunit hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na magparoo’t parito para sa Diyos at gugulin ang sarili para sa Diyos bawat araw, at kailanman ay hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makabuluhan. Sinasabi mo rin, “Ano’t anuman, naniniwala ako na ang Diyos ay matuwid. Nagdurusa ako para sa Kanya, nagparoo’t parito para sa Kanya, at inilalaan ko ang aking sarili sa Kanya, at kahit na wala akong anumang nakakamit, nagsusumikap ako; tiyak na tatandaan Niya ako.” Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang pagiging matuwid na ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na kalooban ng tao, at hindi nabahiran ng laman, o ng pantaong transaksyon. Ang lahat ng mapanghimagsik at lumalaban, ang lahat ng hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira! May ilang tao na nagsasabi, “Ngayon ay nagpaparoo’t parito ako para sa Iyo; kapag dumating ang katapusan, maaari Mo ba akong bigyan ng munting pagpapala?” Kaya tinatanong kita, “Nakatupad ka ba sa Aking mga salita?” Ang pagiging matuwid na iyong sinasalita ay nakasalig sa isang transaksyon. Iniisip mo lamang na Ako ay matuwid at patas sa lahat ng tao, at ang lahat ng sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay siguradong maliligtas at makakamtan ang Aking mga pagpapala. Mayroong panloob na kahulugan ang Aking mga salita na “lahat niyaong sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay tiyak na maliligtas”: Lahat niyaong sumusunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan ay silang mga lubos Kong makakamtan, sila iyong, pagkatapos Kong malupig, ay hinahanap ang katotohanan at ginagawang perpekto. Anong mga kondisyon ang iyong natamo? Ang nakamit mo lamang ay pagsunod sa Akin hanggang sa katapus-tapusan, ngunit bukod doon ay ano pa? Ikaw ba ay nakasunod sa Aking mga salita? Natupad mo ang isa sa Aking limang hinihingi, gayunman ay wala kang intensyon na tuparin ang natitirang apat. Natagpuan mo ang pinakasimple, pinakamadaling landas, at hinangad ito nang may saloobin na umaasa lamang na maging mapalad. Sa gayong tao na katulad mo ang Aking matuwid na disposisyon ay isang disposisyon ng pagkastigo at paghatol, ito ay isa ng matuwid na pagganti, at ito ay ang matuwid na kaparusahan sa lahat ng taong gumagawa ng masama; ang lahat ng hindi sumusunod sa Aking daan ay tiyak na parurusahan, kahit na sila ay sumunod hanggang sa katapus-tapusan. Ito ang pagiging matuwid ng Diyos. Kapag ang ganitong matuwid na disposisyon ay inihayag sa kaparusahan sa tao, ang tao ay matitigilan, at nakadarama ng panghihinayang na, habang sinusunod ang Diyos, hindi siya sumunod sa Kanyang daan. “Noong panahong iyon, nagdusa lamang ako nang kaunti habang sumusunod sa Diyos, ngunit hindi ko sinunod ang daan ng Diyos. Ano ang mga maidadahilan? Wala nang ibang pagpipilian kundi ang makastigo!” Gayunman sa kanyang isipan siya ay nag-iisip, “Ano’t anuman, nakasunod naman ako hanggang sa katapus-tapusan, kaya kahit na kastiguhin Mo ako, hindi ito magiging matinding pagkastigo, at pagkatapos mailapat ang pagkastigong ito ay nanaisin Mo pa rin ako. Alam kong matuwid Ka, at hindi Mo ako pakikitunguhan nang gayon magpakailanman. Sa kabila ng lahat, hindi ako katulad niyaong mga lilipulin; iyong mga lilipulin ay makatatanggap ng matinding pagkastigo, samantalang ang aking pagkastigo ay magiging mas magaan.” Ang matuwid na disposisyon ay hindi gaya ng iyong sinabi. Hindi ito ang kaso na iyong mabubuti sa pag-amin ng kanilang mga kasalanan ay pinakikitunguhan nang maluwag. Ang pagiging matuwid ay kabanalan, at isang disposisyon na hindi nalalabag ng tao, at lahat ng marumi at hindi nabago ay ang tampulan ng pagkasuklam ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi batas, kundi atas administratibo: Ito ay atas administratibo sa kaharian, at ang atas administratibong ito ay ang matuwid na kaparusahan sa sinumang hindi nagtataglay ng katotohanan at hindi nababago, at walang palugit para sa kaligtasan. Sapagkat kapag ang bawat tao ay mabubukod-bukod ayon sa kanilang uri, ang mabuti ay gagantimpalaan at ang masama ay parurusahan. Iyon ang panahon na ang hantungan ng tao ay mabubunyag; ito ang panahon na ang gawain ng pagliligtas ay darating sa katapusan, pagkatapos niyon, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi na gagawin, at ang paghihiganti ay ilalapat sa bawat isa sa mga gumagawa ng kasamaan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 248

Ako ay isang apoy na tumutupok sa lahat at hindi Ko kinukunsinti ang pagkakasala. Dahil Ako ang lumikha sa lahat ng mga tao, anuman ang sabihin at gawin Ko, kailangan nilang magpasakop, at hindi sila maaaring sumalungat. Walang karapatan ang mga tao na makialam sa Aking gawain, at lalong hindi sila karapat-dapat na suriin kung ano ang tama o mali sa Aking gawain at sa Aking mga salita. Ako ang Lumikha, at dapat makamit ng mga nilikha ang lahat ng hinihingi Ko nang may pusong takot sa Akin; hindi nila dapat subukang makipagtalo sa Akin, at lalo nang hindi sila dapat lumaban. Pinamamahalaan Ko ang Aking mga tao gamit ang Aking awtoridad, at lahat ng bahagi ng Aking paglikha ay dapat magpasakop sa Aking awtoridad. Bagama’t ngayon ay matapang at mapangahas kayo sa Aking harapan, bagama’t naghihimagsik kayo laban sa mga salitang itinuturo Ko sa inyo at hindi ninyo alam kung paano matakot, tinutugunan Ko lamang ng pagpaparaya ang inyong paghihimagsik; hindi Ako mawawalan ng pagtitimpi at hindi Ko aapektuhan ang Aking gawain nang dahil sa ikinalat ng maliliit, walang-halagang mga uod ang dumi sa bunton ng dumi ng hayop. Tinitiis Ko ang patuloy na pag-iral ng lahat ng Aking kinamumuhian at lahat ng bagay na Aking kinasusuklaman alang-alang sa kalooban ng Aking Ama, at gagawin Ko iyon hanggang sa matapos ang Aking mga pahayag, hanggang sa kahuli-hulihan Kong sandali. Huwag kang mag-alala! Hindi Ako maaaring masadlak sa antas ng isang di-kilalang uod, at hindi Ko ikukumpara ang antas ng Aking kakayahan sa iyo. Kinamumuhian kita, ngunit nagagawa Kong magtiis. Naghihimagsik ka laban sa Akin, ngunit hindi ka makakatakas sa araw na kakastiguhin kita, na ipinangako sa Akin ng Aking Ama. Maikukumpara ba ang isang nilikhang uod sa Lumikha? Sa taglagas, nagbabalik ang nalalaglag na mga dahon sa mga ugat nito; babalik ka sa tahanan ng iyong “ama,” at babalik Ako sa tabi ng Aking Ama. Sasamahan Ako ng Kanyang magiliw na pagmamahal, at susundan ka ng pagtapak ng iyong ama. Mapapasaakin ang kaluwalhatian ng Aking Ama, at mapapasaiyo ang kahihiyan ng iyong ama. Gagamitin Ko ang pagkastigong matagal Ko nang pinipigilang ipataw sa iyo, at sasalubungin mo ang Aking pagkastigo ng iyong maantang laman na sampu-sampong libong taon nang naging tiwali. Matatapos Ko ang Aking gawain ng mga salita sa iyo, kasama ang pagpaparaya, at magsisimula kang tuparin ang papel ng pagdurusa ng kapahamakan mula sa Aking mga salita. Lubos Akong magagalak at gagawa sa Israel; tatangis ka at magngangalit ang iyong mga ngipin, na umiiral at namamatay sa putikan. Babawiin Ko ang Aking orihinal na anyo at hindi na Ako mananatili sa dumi na kasama mo, samantalang babawiin mo ang iyong orihinal na kapangitan at patuloy kang maglulungga sa bunton ng dumi ng hayop. Kapag natapos na ang Aking gawain at mga salita, iyon ay magiging isang araw ng kagalakan para sa Akin. Kapag natapos na ang iyong paglaban at paghihimagsik, iyon ay magiging isang araw ng pagtangis para sa iyo. Hindi Ako mahahabag sa iyo, at hindi mo na Ako muling makikita kailanman. Hindi na Ako makikipag-usap sa iyo, at hindi mo na Ako muling makakatagpo kailanman. Kamumuhian Ko ang iyong pagkasuwail, at mangungulila ka sa Aking pagiging kaibig-ibig. Hahampasin kita, at mananabik ka sa Akin. Masaya kitang lilisanin, at malalaman mo ang iyong pagkakautang sa Akin. Hindi na kita muling makikita kailanman, ngunit lagi kang aasa sa Akin. Kamumuhian kita dahil kasalukuyan Mo Akong nilalabanan, at mangungulila ka sa Akin dahil kasalukuyan kitang kinakastigo. Hindi Ko nanaising mabuhay sa tabi mo, ngunit mapait mo itong hahangarin at mananangis ka hanggang sa walang-hanggan, sapagka’t pagsisisihan mo ang lahat ng nagawa mo sa Akin. Makakaramdam ka ng pagsisisi sa iyong paghihimagsik at paglaban, isusubsob mo pa ang iyong mukha sa lupa sa pagsisisi at magpapatirapa ka sa Aking harapan at susumpa na hindi ka na muling maghihimagsik laban sa Akin. Gayunman, sa puso mo ay Ako lamang ang iyong mamahalin, subalit hindi mo na maririnig ang Aking tinig kailanman. Gagawin kitang nahihiya sa iyong sarili.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat Nito, Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Nagawa Mo

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 249

Ang awa Ko ay ipinapahayag sa mga nagmamahal sa Akin at bumibitiw sa kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot. Silang nakagawa na ng lahat ng uri ng masamang gawa, ngunit sumunod na sa Akin nang maraming taon, ay hindi makatatakas sa pagbabayad para sa kanilang mga kasalanan; sila rin ay mahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita sa loob ng milyon-milyong taon, at mamumuhay sila na palaging may sindak at takot. At yaong mga tagasunod Ko na nakapagpakita na ng lubos na katapatan sa Akin ay magagalak at pupurihin ang kapangyarihan Ko. Mararanasan nila ang di-mailarawang kasiyahan at mabubuhay sa gitna ng kagalakang kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong yaman ang mabubuting gawa ng tao at kinapopootan ang kanyang masasamang gawa. Mula nang una Kong simulang pangunahan ang sangkatauhan, masugid na Akong umaasa na makamit ang isang pangkat ng mga taong kaisa Ko ng isipan. Samantala, hindi Ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi Ko kaisa ng isipan; palagi Ko silang kinamumuhian sa puso Ko, hinihintay ang pagkakataong mapanagot sila sa kanilang masasamang gawa, na ikalulugod Kong makita. Ngayon ay dumating na sa wakas ang araw Ko, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!

Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng destinasyon ng tao. Higit pa rito, ito ay alang-alang sa pagdulot sa lahat ng tao na kilalanin ang mga gawa at mga kilos Ko. Ipapakita Ko sa bawat tao na ang lahat ng nagawa Ko ay tama at isang pagpapahayag ng disposisyon Ko, na hindi ito kagagawan ng tao, at lalong hindi ito kalikasan na nagluwal sa sangkatauhan, at na sa halip ay Ako ang nagbibigay-sustansya sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa gitna ng lahat ng bagay. Kung wala ang pag-iral Ko, mamamatay lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; tanging madilim at malamig na gabi lamang ang sasapitin ng sangkatauhan at ang di-matatakasang lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang katubusan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan, kung wala Ako, magdurusa lang ng masaklap na kalamidad at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang ibang sinumang makagagawa, at umaasa lamang na mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Bagaman iilan lamang ang nagagawang makabayad sa Akin, tatapusin Ko pa rin ang paglalakbay Ko sa mundo ng tao at sisimulan ang susunod na hakbang ng gawain na malapit nang maganap, sapagkat ang lahat ng nagmamadaling paroo’t parito Ko sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at napakanasisiyahan Ako. Ang pinahahalagahan Ko ay hindi ang bilang ng mga tao, kundi ang mabubuti nilang gawa. Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa daluyong ng sakuna. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay pinapamatnugutan Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang mga kilos at mga gawa ninyo ay hindi itinuring na lubos na naaangkop, dahil hungkag ang pananampalataya at pagmamahal ninyo, at ipinakita lamang ninyo ang mga sarili ninyo na mahiyain o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Patuloy Kong pinagtutuunan ng pansin ang mga kilos at pagpapamalas ng bawat isa sa inyo, na siyang batayan kung saan tutukuyin Ko ang kinalabasan ninyo. Gayunman, dapat Ko itong gawing malinaw: Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging maaawain, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan. Dapat Ko itong sabihin sa inyo: Sinumang babasag sa puso Ko ay hindi makatatanggap ng habag mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at ang sinumang naging tapat sa Akin ay magpakailanmang mananatili sa puso Ko.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 250

Nang pumarito ang Diyos sa lupa, hindi Siya kabilang sa mundo, at hindi Siya nagkatawang-tao para tamasahin ang mundo. Ipapanganak Siya kung saan man ibubunyag ng gawain Niya ang Kanyang disposisyon at magiging pinakamakahulugan, ito man ay banal o maruming lupain. Saan man Siya gumagawa, Siya ay banal. Lahat ng bagay sa mundo ay nilikha Niya, bagama’t ang mga ito ay nagawa nang tiwali ni Satanas. Gayumpaman, lahat ng bagay ay pag-aari pa rin Niya; nasa mga kamay Niya ang lahat ng iyon. Pumupunta Siya sa isang maruming lupain at gumagawa roon upang ibunyag ang Kanyang kabanalan; ginagawa lamang Niya ito alang-alang sa Kanyang gawain, na ibig sabihin ay tinitiis lang Niya ang malaking kahihiyan upang gawin ang gayong gawain upang iligtas ang mga tao ng maruming lupaing ito. Ginagawa ito alang-alang sa pagpapatotoo, para sa kapakanan ng buong sangkatauhan. Ang ipinapakita sa mga tao ng gayong gawain ay ang katuwiran ng Diyos, at mas naipapakita nito na ang Diyos ang pinakamataas. Ang Kanyang kadakilaan at karangalan ay mismong naipapamalas sa pagliligtas ng isang grupo ng hamak na mga tao na nililibak ng iba. Ang maisilang sa isang maruming lupain ay hindi nagpapatunay na Siya ay hamak; tinutulutan lamang nitong makita ng lahat ng mga nilikha ang Kanyang kadakilaan at Kanyang tunay na pagmamahal para sa sangkatauhan. Habang mas ginagawa Niya ito, mas ibinubunyag nito ang Kanyang dalisay na pagmamahal, ang Kanyang perpektong pagmamahal sa tao. Ang Diyos ay banal at matuwid, kahit isinilang Siya sa isang maruming lupain, at kahit nabubuhay Siyang kasama ng mga taong puno ng karumihan, gaya noong namuhay si Jesus sa piling ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba’t ginawa ang Kanyang buong gawain para sa kapakanan ng pananatiling buhay ng buong sangkatauhan? Hindi ba lahat ng iyon ay upang magtamo ng dakilang kaligtasan ang sangkatauhan? Dalawang libong taon na ang nakararaan, namuhay Siya sa piling ng mga makasalanan sa loob ng ilang taon. Iyon ay alang-alang sa pagtubos. Ngayon, namumuhay Siya sa piling ng isang grupo ng marurumi at hamak na mga tao. Ito ay alang-alang sa kaligtasan. Hindi ba para sa kapakanan ninyong mga tao ang lahat ng Kanyang gawain? Kung hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya nabuhay at nagdusa kasama ng mga makasalanan sa loob ng napakaraming taon pagkatapos maisilang sa isang sabsaban? At kung hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya magbabalik sa katawang-tao sa ikalawang pagkakataon, isisilang sa lupaing ito kung saan nagtitipon ang mga demonyo, at mamumuhay sa piling ng mga taong ito na lubhang nagawang tiwali ni Satanas? Hindi ba tapat ang Diyos? Anong bahagi ng Kanyang gawain ang hindi naging para sa sangkatauhan? Anong bahagi ang hindi naging para sa inyong tadhana? Ang Diyos ay banal—hindi iyan mababago! Hindi Siya narungisan ng dumi, bagama’t pumunta Siya sa isang maruming lupain; lahat ng ito ay maaari lamang mangahulugan na ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay lubhang hindi makasarili at ang pagdurusa at kahihiyang Kanyang tinitiis ay napakatindi! Hindi ba ninyo alam kung gaano kalaking kahihiyan ang Kanyang dinaranas, para sa inyong lahat at para sa inyong tadhana? Sa halip na iligtas ang mga dakilang tao o ang mga anak ng mayaman at makapangyarihang mga pamilya, nakatuon Siyang iligtas iyong mga hamak at minamaliit ng iba. Hindi ba lahat ng ito ay Kanyang kabanalan? Hindi ba lahat ng ito ay Kanyang katuwiran? Para manatiling buhay ang buong sangkatauhan, mas gusto pa Niyang maisilang sa isang maruming lupain at magdusa ng lahat ng kahihiyan. Ang Diyos ay tunay na tunay—wala Siyang ginagawang huwad na gawain. Hindi ba ginagawa ang bawat yugto ng Kanyang gawain sa napakapraktikal na paraan? Kahit sinisiraan Siya ng lahat ng tao at sinasabi na nauupo Siya sa hapag na kasama ang mga makasalanan, kahit iniinsulto Siya ng lahat ng tao at sinasabi na namumuhay Siya sa piling ng mga anak ng karumihan, na namumuhay Siya sa piling ng pinakahamak sa lahat ng tao, iniaalay pa rin Niya nang walang pag-iimbot ang Kanyang Sarili, gayumpaman, tinatanggihan pa rin Siya ng sangkatauhan. Hindi ba mas matindi ang pagdurusang Kanyang tinitiis kaysa sa inyo? Hindi ba mas malaki ang gawaing Kanyang ginagawa kaysa sa halagang inyong naibayad?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 251

Nagpakumbaba Mismo ang Diyos sa gayong antas upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng marurumi at tiwaling mga taong ito, at pineperpekto ang grupong ito ng mga tao. Hindi lamang naging tao ang Diyos upang mamuhay at kumain sa gitna ng mga tao, ipastol ang mga tao, at tustusan ang pangangailangan ng mga tao. Ang higit na mahalaga ay ginagawa Niya ang Kanyang makapangyarihang gawain ng pagliligtas at paglupig sa mga taong ito na lubhang tiwali. Dumating Siya sa sentro ng malaking pulang dragon upang iligtas ang pinakatiwaling mga taong ito, nang sa gayon ay mabago at mapanibago ang lahat ng tao. Ang napakalaking hirap na tinitiis ng Diyos ay hindi lamang ang hirap na tinitiis ng Diyos na nagkatawang-tao, kundi higit sa lahat ay dumaranas ng malaking kahihiyan ang Espiritu ng Diyos—labis Siyang nagpapakumbaba at nagtatago ng sarili kaya Siya naging isang ordinaryong tao. Ang Diyos ay nagkatawang-tao at kinuha ang anyo ng laman upang makita ng mga tao na mayroon Siyang buhay ng normal na pagkatao at ng mga pangangailangan ng normal na pagkatao. Sapat na ito upang patunayan na nagpakumbaba Mismo ang Diyos nang labis. Ang Espiritu ng Diyos ay nagkakaroon ng katuparan sa katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ay lubhang kataas-taasan at napakadakila, subalit nag-aanyo Siyang isang ordinaryong tao, isang hamak na tao, upang gawin ang gawain ng Kanyang Espiritu. Sa usapin ng kakayahan, kabatiran, katwiran, pagkatao, at buhay ng bawat isa sa inyo, talagang hindi kayo karapat-dapat na tanggapin ang ganitong uri ng gawain ng Diyos, at talagang hindi kayo karapat-dapat sa pagtitiis ng Diyos ng gayong hirap para sa inyong kapakanan. Ang Diyos ay napakataas. Siya ay lubhang kataas-taasan, at ang mga tao ay napakaaba, ngunit gumagawa pa rin Siya sa kanila. Hindi lamang Siya nagkatawang-tao upang magtustos para sa mga tao, upang magsalita sa mga tao, kundi namumuhay pa Siyang kasama ng mga tao. Labis na mapagpakumbaba ang Diyos, labis na kaibig-ibig.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 252

Maraming gabi na walang tulog ang tiniis ng Diyos para sa kapakanan ng gawain para sa sangkatauhan. Mula sa kaitaasan hanggang sa pinakamababang kalaliman, bumaba Siya sa buhay na impiyerno kung saan ang tao ay nananahan para mamuhay kasama ang tao sa pagitan ng mga kaduluhan ng mundo, hindi Siya kailanman nagreklamo sa panlilimahid ng tao, at hindi Niya kailanman sinisi ang tao dahil sa paghihimagsik nito, kundi tinitiis ang pinakamatinding kahihiyan habang personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain. Paano kayang ang Diyos ay mabibilang sa impiyerno? Paano kayang gugugulin Niya ang Kanyang buhay sa impiyerno? Ngunit para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, nang sa gayon ang buong sangkatauhan ay makasumpong ng kapahingahan sa mas lalong madaling panahon, tiniis Niya ang kahihiyan at nagdusa ng kawalang-katarungan upang makaparito sa lupa, at personal na pumasok sa “impiyerno” at “Hades,” sa yungib ng tigre, upang iligtas ang tao. Paanong kalipikado ang tao na labanan ang Diyos? Anong dahilan ang mayroon siya upang magreklamo tungkol sa Diyos? Paano siya nagkakaroon ng lakas ng loob na humarap sa Diyos? Dumating sa pinakamaruming lupain ng kahalayan na ito ang Diyos ng langit, at hindi kailanman ibinulalas ang Kanyang mga hinaing, o nagreklamo tungkol sa tao, bagkus ay tahimik na tinatanggap ang mga pamiminsala[1] at pang-aapi ng tao. Hindi Siya kailanman gumanti sa di-makatwirang mga hinihingi ng tao, hindi Siya kailanman humingi nang labis sa tao, at hindi Siya kailanman gumawa ng di-makatwirang mga paghingi sa tao; ginagawa lang Niya ang lahat ng gawain na kinakailangan ng tao, tinitiis ang lahat ng paghihirap at hindi nagrereklamo: pagtuturo, pagliliwanag, pagsaway, pagpipino ng mga salita, pagpapaalala, panghihikayat, pang-aaliw, paghatol at paglalantad. Alin sa Kanyang mga hakbang ang hindi naging para sa buhay ng tao? Kahit naalis na Niya ang mga inaasam-asam at kapalaran ng tao, alin sa mga hakbang na isinakatuparan ng Diyos ang hindi para sa kapalaran ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng pananatiling buhay ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para palayain ang tao mula sa paghihirap na ito at mula sa pang-aapi ng mga pwersa ng kadiliman na kasing-itim ng gabi? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng tao? Sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos, na tulad ng sa isang mapagmahal na ina? Sino ang maaaring makaunawa sa sabik na puso ng Diyos? Ang masintahing puso ng Diyos at marubdob na mga pag-asam ay sinuklian ng malalamig na pakikitungo, ng mga matang walang pakiramdam at walang-pakialam, at ng paulit-ulit na mga pagsaway at mga pang-iinsulto ng tao; sinuklian ang mga iyon ng masasakit na mga salita, at pambabara, at pangmamaliit; sinuklian ang mga iyon ng panlilibak ng tao, ng kanyang pangyuyurak at pagtanggi, ng kanyang maling pagkaunawa, at mga pagreklamo, at paghiwalay, at pag-iwas, at ng walang anuman kundi panlilinlang, pag-atake, at kapaitan. Ang magigiliw na salita ay sinalubong ng mababangis na mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumasaway na mga daliri. Walang magagawa ang Diyos kundi magtiis, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong baka.[2] Napakaraming araw at buwan, napakaraming beses Niyang nakaharap ang mga bituin, napakaraming beses Siyang umalis nang madaling-araw at bumalik nang dapit-hapon, at nagpabaling-baling, tinitiis ang matinding paghihirap na mas matindi ng isang libong beses kaysa sa sakit ng Kanyang pag-alis mula sa Kanyang Ama, tinitiis ang mga pag-atake at pananakit ng tao, at ang pagpupungos ng tao. Sinuklian ang pagpapakumbaba at pagiging tago ng Diyos ng pagkiling[3] ng tao, ng di-makatarungang mga pananaw at pakikitungo ng tao, at ang tahimik na paraan ng paggawa ng Diyos nang walang pagkilala, ang Kanyang pagtitiis, at Kanyang pagpaparaya ay sinuklian ng sakim na titig ng tao; sinusubukan ng tao na tadyakan ang Diyos hanggang mamatay, nang walang pagsisisi, at sinusubukang yurakan sa lupa ang Diyos. Ang saloobin ng tao sa kanyang pakikitungo sa Diyos ay isa ng “bihirang katalinuhan,” at ang Diyos, na inaapi at hinahamak ng tao, ay durog na sa mga paa ng masa habang ang tao mismo ay nakatayo nang tuwid, na para bang siya ang mamumuno, na para bang nais niyang kunin ang lubos na kapangyarihan,[4] na humarap sa mga tao mula sa likod ng isang tabing, na gawin ang Diyos na matapat at masunurin sa panuntunan na direktor sa likod ng mga eksena, na hindi pinahihintulutang lumaban o magsanhi ng problema. Dapat gampanan ng Diyos ang bahagi ng Huling Emperador, dapat Siyang maging isang sunud-sunuran,[5] wala ng lahat ng kalayaan. Hindi maikukuwento ang mga gawa ng tao, kaya paano siya naging karapat-dapat na humingi ng ganito o ganoon sa Diyos? Paano siya naging kalipikadong magbigay ng mga mungkahi sa Diyos? Paano siya naging kalipikado na humingi sa Diyos na dumamay sa kanyang mga kahinaan? Paano siya naging angkop na tumanggap ng awa ng Diyos? Paano siya naging angkop na tumanggap ng kadakilaan ng Diyos nang paulit-ulit? Paano siya naging angkop na tumanggap ng kapatawaran ng Diyos nang paulit-ulit? Nasaan ang kanyang budhi? Matagal na niyang dinurog ang puso ng Diyos, matagal na niyang iniwan ang puso ng Diyos na durug-durog. Dumating ang Diyos sa gitna ng tao na puno ng pag-asa at masaya, umaasa na ang tao ay magiging mabait sa Kanya, kahit na may kaunti lamang na pagkagiliw. Ngunit ang puso ng Diyos ay hindi gaanong maaliw ng tao, ang tanging natanggap Niya ay palaki nang palaking[6] mga pag-atake at pagpapahirap. Masyadong sakim ang puso ng tao, masyadong malaki ang kanyang pagnanasa, hindi siya kailanman masisiyahan, lagi siyang maloko at walang patumangga, hindi niya kailanman binibigyan ng anumang kalayaan o karapatang magsalita ang Diyos, at iniiwan ang Diyos na walang pagpipilian liban sa tiisin ang kahihiyan, at hayaan ang tao na manipulahin Siya kung paano man niya gusto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (9)

Mga Talababa:

1. Ang “mga pamiminsala” ay ginagamit upang ilantad ang paghihimagsik ng sangkatauhan.

2. Ang “sinalubong ng mababangis na mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumasaway na mga daliri, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong baka” ay orihinal na iisang pangungusap, pero dito ay hinati sa dalawa upang mapalinaw ang mga bagay-bagay. Ang unang bahagi ng pangungusap ay tumutukoy sa mga pagkilos ng tao, samantalang ang ikalawa ay ipinahihiwatig ang pagdurusang dinanas ng Diyos, at na ang Diyos ay mapagpakumbaba at natatago.

3. Ang “pagkiling” ay tumutukoy sa mapaghimagsik na pag-uugali ng mga tao.

4. Ang “kunin ang lubos na kapangyarihan” ay tumutukoy sa mapaghimagsik na pag-uugali ng mga tao. Itinataas nila ang kanilang sarili, tinatanikalaan ang iba, pinasusunod sa kanila at pinagdurusa para sa kanila. Sila ang mga puwersang kumakalaban sa Diyos.

5. Ang “sunud-sunuran” ay ginagamit para tuyain iyong mga hindi nakakakilala sa Diyos.

6. Ang “palaki nang palaking” ay ginagamit para bigyang-diin ang hamak na pag-uugali ng mga tao.


Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 253

Ang kabuluhan ng lahat ng ginagawa ng Diyos ay may labis na kalaliman. Isipin, halimbawa, ang pagpapako kay Jesus sa krus. Bakit kinailangang ipako sa krus si Jesus? Hindi ba’t para tubusin ang buong sangkatauhan? Kaya, gayundin, may malaking kabuluhan sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang Kanyang pagdanas ng pagdurusa ng mundo—ito ay para sa magandang hantungan ng sangkatauhan. Sa Kanyang gawain, laging ginagawa ng Diyos kung ano ang pinakapraktikal. Bakit walang kasalanan ang tingin ng Diyos sa tao, at na maaaring magkaroon ng magandang kapalaran ang tao na lumapit sa harapan ng Diyos? Ito ay dahil ipinako sa krus si Jesus, pinasan ang mga kasalanan ng tao, at tinubos ang sangkatauhan. Kung gayon ay bakit hindi na magdurusa pa ang sangkatauhan, hindi na magdadalamhati, hindi na luluha, at hindi na bubuntong-hininga? Ito ay dahil inako ng kasalukuyang pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng pagdurusang ito sa Kanyang sarili at natiis na ngayon ang pagdurusang ito para sa tao. Para iyong isang ina na nakikitang nagkakasakit ang kanyang anak at nagdarasal sa Langit, hinihiling na mapaikli ang kanyang sariling buhay kung nangangahulugan iyon na mapapagaling ang kanyang anak. Gumagawa rin ang Diyos sa ganitong paraan, inaalay ang Kanyang pasakit kapalit ng magandang hantungan na darating pagkatapos para sa sangkatauhan. Wala nang dalamhati, wala nang mga luha, wala nang mga buntong-hininga at wala nang pagdurusa. Ang Diyos ang nagbabayad ng halaga—ng kabayaran—ng personal na pagdanas ng pagdurusa ng mundo kapalit ng susunod na magandang hantungan para sa sangkatauhan. Ang pagsasabi na ito ay ginagawa “kapalit” ng magandang hantungan ay hindi nangangahulugan na walang kapangyarihan o awtoridad ang Diyos na pagkalooban ng magandang hantungan ang sangkatauhan, kundi sa halip ay na nais ng Diyos na maghanap ng mas praktikal at makapangyarihang patunay para lubos na makumbinsi ang mga tao. Naranasan na ng Diyos ang pagdurusang ito, kaya karapat-dapat Siya, nasa Kanya ang kapangyarihan, at lalo nang nasa Kanya ang awtoridad na ihatid ang sangkatauhan sa magandang hantungan, ibigay sa sangkatauhan ang magandang hantungan at pangakong ito. Lubos na makukumbinsi si Satanas; lubos na makukumbinsi ang lahat ng nilikha sa sansinukob. Sa huli, tutulutan ng Diyos ang sangkatauhan na tanggapin ang Kanyang pangako at pagmamahal. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay praktikal, wala Siyang ginagawang hungkag, at nararanasan Niya Mismong lahat iyon. Pinagbabayaran ng Diyos ang halaga ng Kanyang sariling karanasan ng pagdurusa kapalit ng isang hantungan para sa sangkatauhan. Hindi ba ito praktikal na gawain? Maaaring magbayad nang taos-pusong halaga ang mga magulang para sa kapakanan ng kanilang mga anak, at kinakatawan nito ang kanilang pagmamahal para sa kanilang mga anak. Sa paggawa nito, ang Diyos na nagkatawang-tao, mangyari pa, ay nagpapakita ng lubos na sinseridad at katapatan sa sangkatauhan. Ang diwa ng Diyos ay tapat; ginagawa Niya kung ano ang Kanyang sinasabi, at kung anuman ang Kanyang ginagawa ay nakakamit. Lahat ng Kanyang ginagawa para sa mga tao ay taos-puso—hindi Siya basta bumibigkas ng mga salita. Sa halip, kapag sinabi Niyang babayaran Niya ang halaga, nagbabayad Siya ng aktuwal na halaga; kapag sinabi Niyang babalikatin Niya ang pagdurusa ng sangkatauhan at Siya ang magdurusa sa halip na sila, talagang dumarating Siya upang mamuhay sa piling nila, nadarama at personal na nararanasan ang pagdurusang ito. Pagkatapos niyon, kikilalanin ng lahat ng bagay sa sansinukob na lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama at matuwid, na lahat ng ginagawa ng Diyos ay makatotohanan. Ito ay makapangyarihang katibayan. Bilang karagdagan, magkakaroon ng magandang hantungan ang sangkatauhan sa hinaharap, at lahat ng yaong natitira ay pupurihin ang Diyos; pupurihin nila na ang mga gawa ng Diyos ay talagang ginawa dahil sa pagmamahal Niya sa sangkatauhan. Mapagpakumbabang dumarating ang Diyos sa sangkatauhan, bilang isang pangkaraniwang tao. Hindi lamang Niya ginagampanan ang ilang gawain, binibigkas ang ilang pananalita, pagkatapos ay aalis; sa halip, praktikal Siyang nagsasalita at gumagawa habang dinaranas ang pasakit ng sanlibutan. Aalis lamang Siya kapag natapos na Niyang danasin ang pasakit na ito. Ganito katotoo at praktikal ang gawain ng Diyos; ang lahat ng nananatili ay magpupuri sa Kanya dahil dito, at makikita nila ang katapatan ng Diyos sa tao at ang Kanyang kagandahang-loob. Ang diwa ng kagandahan at kabutihan ng Diyos ay maaaring makita sa kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Anumang ginagawa ng Diyos ay taos-puso; anuman ang Kanyang sinasabi ay taos-puso at tapat. Ang lahat ng nilalayon Niyang gawin, ginagawa Niya nang praktikal; kapag may kailangang bayarang halaga, aktuwal Niyang binabayaran ito; hindi lamang Siya basta bumibigkas ng mga salita. Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos; ang Diyos ay isang tapat na Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Ikalawang Aspekto ng Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 254

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng sinumang tao, hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng bawat tao. Ito ay sapagkat ang buhay ay maaari lamang magmula sa Diyos, ibig sabihin, tanging ang Diyos Mismo ang nagtataglay ng diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo ang may daan ng buhay. Kaya tanging ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, at ang bukal na may patuloy na umaagos na buhay na tubig ng buhay. Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na nagtataglay ng kasiglahan ng buhay, marami na Siyang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad Siya ng napakaraming halaga na nagbibigay-kakayahan sa tao na magkamit ng buhay. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling mabubuhay ang tao. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at Siya ay namumuhay sa gitna ng mga tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nag-uudyok sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pananatiling buhay ng tao, at isang mayamang mapagkukunan para sa pananatiling buhay ng tao pagkatapos ng kapanganakan. Binibigyang-kakayahan Niya ang tao na muling isilang, at binibigyang-kakayahan Niya ang tao na mamuhay nang matatag sa bawat papel nito. Dahil sa pagsandig sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa sunud-sunod na mga salinlahi, habang ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay palaging nagbibigay ng suporta sa gitna ng mga tao, at nagbayad ang Diyos ng halagang hindi pa kailanman nabayaran ng isang ordinaryong tao. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; higit pa rito, lagpas ito sa alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, pambihira ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilalang o puwersa ng kaaway ang kapangyarihan ng Kanyang buhay. Umiiral at nagniningning ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos nang may makinang na liwanag anuman ang oras o lugar. Maaaring sumailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumipas ang lahat ng bagay, ngunit iiral pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pananatiling buhay ng lahat ng bagay at ang ugat ng kanilang pananatiling buhay. Ang buhay ng tao ay nagmumula sa Diyos, umiiral ang langit dahil sa Diyos, at dahil sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos kaya nananatili ang mundo. Walang anumang may kasiglahan ang makalalampas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang anumang may lakas ang makatatakas sa saklaw ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, maging sino man sila, dapat sumuko ang lahat ng tao sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, dapat mamuhay ang lahat sa ilalim ng kontrol ng Diyos, at wala sa kanila ang makatatakas mula sa Kanyang mga kamay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 255

Kung nais mo talagang makamit ang daan ng buhay na walang hanggan, at kung masigasig ka sa paghahanap mo nito, kung gayon sagutin mo muna ang tanong na ito: Nasaan ang Diyos ngayon? Marahil sasagot ka, “Siyempre, nakatira ang Diyos sa langit—hindi Siya titira sa tahanan mo, hindi ba?” Marahil masasabi mo na maliwanag na naninirahan ang Diyos sa lahat ng bagay. O maaaring masabi mo na naninirahan sa puso ng bawat tao ang Diyos, o na nasa espirituwal na mundo ang Diyos. Hindi Ko ipinagkakaila ang alinman dito, ngunit dapat Kong linawin ang usapin. Hindi lubos na tamang sabihing naninirahan ang Diyos sa puso ng tao, ngunit hindi rin ito lubos na mali. Ito ay sapagkat, sa mga nananalig sa Diyos, mayroong totoo ang paniniwala at mga huwad ang paniniwala, mayroong mga sinasang-ayunan ng Diyos at mga hindi Niya sinasang-ayunan, mayroong mga nagbibigay-lugod sa Kanya at mga kinamumuhian Niya, at mayroong mga ginagawa Niyang perpekto at mga itinitiwalag Niya. Kaya naman sinasabi Ko na naninirahan ang Diyos sa mga puso ng iilang tao, at walang-alinlangang ang mga taong ito ay ang mga tunay na naniniwala sa Diyos, ang mga sinasang-ayunan ng Diyos, ang mga nakalulugod sa Kanya, at ang mga ginagawa Niyang perpekto. Sila ang mga pinamumunuan ng Diyos. Dahil pinamumunuan sila ng Diyos, sila ang mga taong nakarinig at nakakita na ng daan ng Diyos sa buhay na walang hanggan. Ang mga huwad ang pananampalataya sa Diyos, ang mga hindi sinasang-ayunan ng Diyos, ang mga kinasusuklaman ng Diyos, ang mga itinitiwalag ng Diyos—tiyak na tatanggihan sila ng Diyos, tiyak na mananatili silang walang daan ng buhay, at tiyak na mananatiling hindi nakakaalam kung nasaan ang Diyos. Sa kabaligtaran, ang mga taong may puso kung saan nananahan ang Diyos ay alam kung nasaan Siya. Sila ang mga taong pinagkakalooban ng Diyos ng daan ng buhay na walang hanggan, at sila ang mga sumusunod sa Diyos. Alam mo na ba ngayon kung nasaan ang Diyos? Kapwa nasa puso ng tao at nasa tabi ng tao ang Diyos. Hindi lamang Siya nasa espirituwal na mundo, at nangingibabaw sa lahat, kundi mas higit na nasa lupa kung saan naroroon ang tao. Kung gayon dinala ng pagdating ng mga huling araw ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa panibagong kalagayan. Ang Diyos ay nasa gitna ng lahat ng bagay, may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at Siya ay nasa loob din ng puso ng tao, nagsisilbing suporta ng tao, at higit pa rito, umiiral Siya sa gitna ng tao. Sa pamamagitan lamang nito Niya maihahatid ang daan ng buhay sa sangkatauhan, at maihahatid ang tao sa daan ng buhay. Pumarito sa lupa ang Diyos, at namumuhay gitna ng mga tao, upang maaaring makamtan ng tao ang daan ng buhay, at alang-alang sa pag-iral ng tao. Kasabay nito, Siya ay nasa gitna ng lahat ng bagay, nag-uutos sa lahat ng bagay, upang padaliin ang pamamahala na ginagawa Niya sa gitna ng tao. Kaya naman, kung kinikilala mo lamang ang doktrinang nasa langit at nasa puso ng tao ang Diyos, subalit hindi kinikilala ang katotohanan ng pamumuhay ng Diyos gitna ng mga tao, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang buhay, at hindi mo kailanman makakamit ang daan ng katotohanan.

Ang Diyos Mismo ang buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Ang mga walang kakayahang magkamit ng katotohanan ay hindi kailanman magkakamit ng buhay. Kung wala ang patnubay, pagsuporta, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamit mo lamang ay mga salita, mga doktrina, at, higit pa rito, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, hindi mo makakamit ang pampalusog ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at bukod sa mga imahinasyon at mga kuru-kuro, ang kabuuan ng katawan mo ay magiging walang iba kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Dapat mong malaman na hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring idambana bilang ang katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga kasalukuyang salita ng Diyos ang mga regulasyon ng nakalipas. Tanging ang mga salitang ipinahayag ng Diyos kapag pumaparito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ang siyang katotohanan, buhay, mga layunin ng Diyos, at Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kung kukuhain mo ang mga talaan ng mga salitang sinabi ng Diyos noong mga nagdaang panahon at kakapit sa mga ito hanggang ngayon, ikaw ay nagiging isang arkeologo, sa gayong kaso, ang pinakamainam na paraan ng paglalarawan sa iyo ay isang dalubhasa sa mga relikya ng kasaysayan. Palagi kang naniniwala sa mga bakas ng gawaing ginawa ng Diyos noong mga nagdaang panahon, naniniwala ka lamang sa anino ng Diyos na naiwan mula noong dati Siyang gumawa sa gitna ng mga tao, at naniniwala lamang sa daang ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong nakalipas na mga panahon, pero hindi ka naniniwala sa oryentasyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi ka naniniwala sa maluwalhating mukha ng Diyos ngayon, at hindi ka naniniwala sa daan ng katotohanan na kasalukuyang inihahayag ng Diyos. Samakatwid, hindi maikakailang nangangarap ka nang gising na ganap nang wala sa realidad. Kung ngayon ay nananatili ka pa ring nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay ng buhay sa mga tao, kung gayon ay isa kang walang pag-asang piraso ng bulok na kahoy,[a] dahil masyado kang konserbatibo, masyadong mahirap pakitunguhan, masyadong hindi tinatablan ng katwiran!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Talababa:

a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, na ang ibig sabihin ay “walang pag-asa.”


Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 256

Ang Diyos Mismo ang katotohanan, at tinataglay Niya ang lahat ng mga katotohanan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan. Bawat positibong bagay at bawat katotohanan ay nagmumula sa Diyos. Maaari Siyang humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay at lahat ng kaganapan; maaari Siyang humatol sa mga bagay na nangyari, mga bagay na nangyayari ngayon, at mga bagay sa hinaharap na hindi pa alam ng tao. Ang Diyos ang tanging Hukom na maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay, at ang ibig sabihin niyan ay Diyos lamang ang maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay. Alam Niya ang pamantayan para sa lahat ng bagay. Kaya Niyang ipahayag ang mga katotohanan sa anumang oras at lugar. Ang Diyos ang pagsasakatawan ng katotohanan, na nangangahulugang Siya Mismo ay nagtataglay ng diwa ng katotohanan. Kahit pa nauunawaan ng tao ang maraming katotohanan at ginawa siyang perpekto ng Diyos, magkakaroon ba siya kung gayon ng kinalaman sa pagsasakatawan ng katotohanan? Hindi. Tiyak ito. Kapag ginagawang perpekto ang tao, kaugnay ng kasalukuyang gawain ng Diyos at ng iba’t ibang pamantayang hinihingi ng Diyos sa tao, magkakaroon siya ng tumpak na paghuhusga at mga pamamaraan ng pagsasagawa, at ganap niyang mauunawaan ang layunin ng Diyos. Matutukoy niya ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang galing sa Diyos at kung ano ang galing sa tao, at ng kung ano ang tama at ano ang mali. Subalit may ilang bagay na nananatiling hindi maabot at hindi malinaw sa tao, mga bagay na malalaman lamang niya matapos sabihin ng Diyos sa kanya. Maaari bang malaman o mahulaan ng tao ang mga bagay na hindi pa nalalaman, mga bagay na hindi pa nasasabi ng Diyos sa kanya? Talagang hindi. Bukod pa riyan, kahit natamo ng tao ang katotohanan mula sa Diyos, at nagtaglay ng katotohanang realidad, at nalaman ang diwa ng maraming katotohanan, at nagkaroon ng kakayahang matukoy ang tama sa mali, magkakaroon ba siya ng kakayahang kontrolin at pamahalaan ang lahat ng bagay? Hindi siya magkakaroon ng ganitong kakayahan. Iyan ang kaibahan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Matatamo lamang ng mga nilikha ang katotohanan mula sa pinagmumulan ng katotohanan. Matatamo ba nila ang katotohanan mula sa tao? Ang tao ba ang katotohanan? Makapagbibigay ba ang tao ng katotohanan? Hindi niya kaya, at naroon ang kaibahan. Maaari ka lamang tumanggap ng katotohanan, hindi magbigay nito. Matatawag ka bang isang taong nagtataglay ng katotohanan? Matatawag ka bang pagsasakatawan ng katotohanan? Talagang hindi! Ano ba talaga ang diwa ng pagsasakatawan ng katotohanan? Ito ang pinagmumulan na nagtutustos ng katotohanan, ang pinagmumulan ng pamamahala at kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at ito rin ang tanging kriteryo at pamantayan kung saan hinahatulan ang lahat ng bagay at pangyayari. Ito ang pagsasakatawan ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikatlong Bahagi)

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 257

Sa Kanyang pagpapahayag ng katotohanan, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at diwa; ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi nababatay sa iba’t ibang positibong bagay at pahayag na pinaniniwalaan ng mga tao na ibinuod ng sangkatauhan. Ang mga salita ng Diyos ay mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos ay katotohanan. Ang mga ito ang tanging pundasyon at batas kung saan umiiral ang sangkatauhan, at lahat ng tinaguriang doktrinang nagmumula sa tao ay mali, kakatwa, at kinokondena ng Diyos. Hindi nakakamit ng mga ito ang Kanyang pagsang-ayon, at lalo nang hindi ang mga ito ang pinagmulan o batayan ng Kanyang mga pagbigkas. Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang diwa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Lahat ng salitang ipinahayag ng Diyos ay katotohanan, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at Siya ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Paano man itinuturing o binibigyang-depinisyon ng tiwaling sangkatauhan ang mga salita ng Diyos, o paano man nila tinitingnan o inuunawa ang mga ito, ang mga salita ng Diyos ay walang hanggang katotohanan, at ito ay isang katunayan na hindi kailanman nagbabago. Ilang salita man ng Diyos ang nasambit na, at gaano man kinokondena at tinatanggihan nitong tiwali at buktot na sangkatauhan ang mga ito, nananatili ang isang katunayan na hindi nagbabago magpakailanman: Ang mga salita ng Diyos ay palaging ang katotohanan, at hindi ito mababago ng tao kailanman. Sa huli, dapat aminin ng tao na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, at na ang iginagalang na tradisyonal na kultura at kaalamang siyentipiko ng sangkatauhan ay hinding-hindi maaaring maging mga positibong bagay, at hinding-hindi maaaring maging katotohanan. Tiyak iyan. Ang tradisyonal na kultura at mga pamamaraan ng pananatiling buhay ng sangkatauhan ay hindi magiging katotohanan dahil sa mga pagbabago o paglipas ng panahon, at hindi rin magiging mga salita ng tao ang mga salita ng Diyos dahil sa pagkondena o pagiging malilimutin ng sangkatauhan. Ang katotohanan ay palaging katotohanan; hindi magbabago ang diwang ito kailanman. Anong katunayan ang umiiral dito? Ito ay na ang mga karaniwang kasabihang ito na pinagsama-sama ng sangkatauhan ay nanggagaling kay Satanas at mga imahinasyon at kuru-kuro ng tao, o lumilitaw ang mga ito sa pagiging mainitin ng ulo ng tao at sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at wala talaga itong kinalaman sa mga positibong bagay. Ang mga salita ng Diyos, sa kabilang banda, ay mga pagpapahayag ng diwa at pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa anong dahilan ang Kanyang pagpapahayag ng mga salitang ito? Bakit Ko sinasabing katotohanan ang mga ito? Ito ay dahil ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng batas, panuntunan, ugat, diwa, aktuwal na pangyayari, at hiwaga ng lahat ng bagay. Hawak ng kamay Niya ang mga ito. Samakatwid, ang Diyos lamang ang nakakaalam ng mga tuntunin, mga aktuwal na pangyayari, mga katunayan, at mga hiwaga ng lahat ng bagay. Alam ng Diyos ang pinagmulan ng lahat ng bagay, at alam ng Diyos kung ano mismo ang pinag-ugatan ng lahat ng bagay. Tanging ang mga depinisyon sa lahat ng bagay na ipinipresenta sa mga salita ng Diyos ang pinakatumpak, at tanging ang mga salita ng Diyos ang mga pamantayan at prinsipyo para sa buhay ng mga tao at ang mga katotohanan at pamantayan ng mga tao para mabuhay.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 258

Mula sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mo nang gampanan ang iyong mga responsabilidad. Alang-alang sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong maaaring pinagmulan, at anumang paglalakbay ang maaaring nasa iyong harapan, walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain. Mula nang umiral ang tao sa simula, palagi nang ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa ganitong paraan, pinamamahalaan ang sansinukob, at pinangangasiwaan ang mga batas ng pagbabago para sa lahat ng bagay at ang takbo ng kanilang paggalaw. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na namumuhay siya sa ilalim ng pamamatnugot ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay hawak ng Diyos, at lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man sa lahat ng ito o hindi, ang anuman at ang lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito humahawak ng kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bagay.

Habang tahimik na sumasapit ang gabi, walang malay ang tao, dahil hindi mahiwatigan ng kanyang puso kung paano sumasapit ang dilim, ni kung saan ito nagmumula. Habang tahimik na lumilipas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng araw, ngunit tungkol sa kung saan nagmula ang liwanag, at kung paano nito naitaboy na ang dilim ng gabi, mas hindi ito alam ng tao, at lalong wala siyang malay riyan. Ang paulit-ulit na pagsasalitan ng araw at gabi ay dinadala ang tao mula sa isang panahon tungo sa isa pa, mula sa isang konteksto ng kasaysayan tungo sa sumunod, habang tinitiyak din na ang gawain ng Diyos sa bawat panahon at ang Kanyang plano para sa bawat kapanahunan ay isinasagawa. Tinahak ng tao ang lahat ng iba’t ibang panahong ito sa pagsunod sa Diyos, ngunit hindi niya alam na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng lahat ng bagay at buhay na nilalang, ni kung paano pinamamatnugutan at ginagabayan ng Diyos ang lahat ng bagay. Naging mailap ito sa tao sa kasalukuyan at maging sa tao noon pa man. Tungkol sa kung bakit, hindi ito dahil masyadong nakatago ang mga gawa ng Diyos, ni dahil hindi pa naisasakatuparan ang Kanyang plano, kundi dahil napakalayo ng puso’t espiritu ng tao sa Diyos, hanggang sa puntong patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas habang sumusunod siya sa Diyos—at hindi pa rin niya alam iyon. Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagprotekta ng Diyos. Sa halip, handa silang tanggapin ang paninira ni Satanas, ng masamang diyablo, upang umangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhang ito. Sa puntong ito, ang puso at espiritu ng tao ay naging handog na inaalay ng tao kay Satanas at naging pagkain ni Satanas. Higit pa rito, ang puso at espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay naninirahan, naging karapat-dapat na palaruan din ni Satanas ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng sariling asal, at sa halaga at kahulugan ng pag-iral ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting lumalabo sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pagbibigay-pansin sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao ang kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa kanya, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at ordinansa ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso at espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha sa simula, at nawawala sa tao ang ugat na orihinal niyang taglay: Ito ang trahedya ng sangkatauhang ito. Sa katunayan, mula sa pinakasimula hanggang ngayon, nagsaayos na ng isang trahedya ang Diyos para sa sangkatauhan, kung saan ang tao ay kapwa bida at biktima. At walang makasagot kung sino ang direktor ng trahedyang ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 259

Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala rito ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Pagkatapos, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mamuhay sa loob ng pag-orden ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanilang paglaki hanggang sa kanilang pagtanda. Sa panahon ng prosesong ito, walang nakadarama na umiiral at lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala siya na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng biyaya ng pagpapalaki ng mga magulang, at na ang sarili niyang instinto sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang instinto ng buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng kanyang buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng pag-iral ng buhay niya, at na ang mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, ganap na walang kamalayan ang tao, at sa ganitong paraan niya inaaksaya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala kahit isang tao, na pinangangalagaan ng Diyos sa araw at gabi, ang nagkukusang sumamba sa Kanya. Patuloy lang na gumagawa ang Diyos sa taong wala Siyang anumang inaasahan, ayon sa naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa panaginip nito at biglang matatanto ang halaga at kabuluhan ng buhay, ang halagang ibinayad ng Diyos para sa lahat ng Kanyang ibinigay rito, at ang pananabik ng Diyos na masidhing nag-aasam na manumbalik ang tao sa Kanya. Wala pang sinumang sumuri sa mga lihim ukol sa pinagmulan at pagpapatuloy ng buhay ng tao. Diyos lamang, na nakauunawa sa lahat ng ito, ang tahimik na nagtitiis ng pasakit at mga dagok na ibinibigay ng tao, na nakatanggap ng lahat mula sa Diyos ngunit hindi nagpapasalamat. Natural lang na tinatamasa ng tao ang lahat ng idinudulot ng buhay, at, gayundin, “natural lang” na ang Diyos ay ipinagkanulo, kinalimutan, at hinuthutan ng tao. Gayon kaya talaga kahalaga ang plano ng Diyos? Gayon kaya talaga kahalaga ang tao, ang buhay na nilalang na ito na nagmula sa kamay ng Diyos? Ang plano ng Diyos ay siguradong mahalaga; gayunman, ang buhay na nilalang na ito na nilikha ng kamay ng Diyos ay nabubuhay para sa kapakanan ng Kanyang plano. Samakatuwid, hindi puwedeng sayangin ng Diyos ang Kanyang plano dahil sa galit sa sangkatauhang ito. Para sa kapakanan ng Kanyang plano at para sa hiningang inilabas Niya kaya tinitiis ng Diyos ang lahat ng hirap, hindi para sa katawan ng tao kundi para sa buhay ng tao. Ginagawa Niya iyon para mabawi hindi ang katawan ng tao kundi ang buhay na inihinga Niya. Ito ang Kanyang plano.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 260

Lahat ng dumarating sa mundong ito ay kailangang magdaan sa buhay at kamatayan, at karamihan sa kanila ay nagdaan na sa siklo ng kamatayan at muling pagsilang. Yaong mga nabubuhay ay malapit nang mamatay, at ang patay ay malapit nang magbalik. Lahat ng ito ay ang landas ng buhay na isinaayos ng Diyos para sa bawat buhay na nilalang. Ngunit ang landas at siklong ito ay ang mismong katunayan na nais ng Diyos na makita ng tao: na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay walang katapusan, hindi nalilimitahan ng katawan, panahon, o kalawakan. Ito ang misteryo ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, at patunay na ang buhay ay nagmula sa Kanya. Bagama’t maaaring maraming hindi naniniwala na ang buhay ng tao ay nagmula sa Diyos, hindi naiiwasan na tinatamasa ng tao ang lahat ng nagmumula sa Diyos, pinaniniwalaan man niya o itinatatwa ang pag-iral ng Diyos. Kung sakaling dumating ang araw na biglang magbago ang puso ng Diyos at naisin Niyang bawiin ang lahat ng umiiral sa mundo at ang buhay na naibigay Niya, mawawala na ang lahat. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katunayan na walang makakaisip o makakaarok, at ang mga katunayang ito na hindi maarok ang siya mismong pagpapamalas, at katibayan, ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayo’y may lihim Akong sasabihin sa iyo: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay di-maarok ng sinumang nilikha. Gayon ito ngayon, tulad noon, at magkakagayon pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na sasabihin Ko ay ito: Ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng nilikha ay ang Diyos; gaano man ang kanilang pagkakaiba sa anyo o kayarian, at ano mang uri ka ng buhay na nilalang, walang nilalang ang maaaring sumalungat sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Gayunman, ang nais Ko lang ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, proteksyon, at panustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, gaano man katindi ang kanyang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay at ng kahulugan ng buhay. Paano matutulutan ng Diyos na sayangin ng tao ang halaga ng Kanyang buhay, na walang inaalala? At tulad ng nasabi Ko dati: Huwag kalimutan na ang Diyos ang pinagmumulan ng iyong buhay. Kapag nabigo ang tao na itangi ang lahat ng naipagkaloob ng Diyos, hindi lamang babawiin ng Diyos ang ibinigay Niya sa simula, kundi ay pagbabayarin Niya ang tao nang doble ng halaga ng lahat ng naibigay Niya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 261

Lahat ng bagay sa mundong ito ay mabilis na nagbabago kasabay ng mga iniisip ng Makapangyarihan sa lahat at habang Siya’y nakamasid. Biglang dumarating ang mga bagay na kailanma’y hindi pa naririnig ng sangkatauhan, samantalang hindi nila alam na ang mga bagay na matagal na nilang taglay ay unti-unting naglalaho. Walang nakakaarok sa kinaroroonan ng Makapangyarihan sa lahat, lalo nang walang nakakaramdam sa kahusayan at kadakilaan ng Kanyang puwersa ng buhay. Siya ay walang-katulad dahil nadarama Niya ang hindi nadarama ng mga tao. Siya ay dakila dahil Siya Yaong tinatalikuran ng sangkatauhan subalit inililigtas Niya sila. Alam Niya ang kahulugan ng buhay at kamatayan, at higit pa riyan, alam Niya ang mga kautusan sa pag-iral na dapat sundin ng sangkatauhan, na nilikha. Siya ang pundasyon ng pag-iral ng tao, at Siya ang Manunubos na muling binubuhay na mag-uli ang sangkatauhan. Pinalulumbay Niya ang masasayang puso gamit ang kalungkutan at pinasisigla ang malulungkot na puso gamit ang kaligayahan, lahat alang-alang sa Kanyang gawain, at alang-alang sa Kanyang plano.

Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung ano ang layon ng kanilang pag-iral, subalit takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o masasandalan, ngunit atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at nagpapakatatag sila para mapanatili ang kanilang katawang laman, na walang anumang espirituwal na pakiramdam, at pinatatagal nila ang walang dangal na pag-iral sa mundong ito. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Ang gayong paniniwala ay matagal nang hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayumpaman, inaasam pa rin nila ito. Ang Makapangyarihan sa lahat ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nakakaramdam Siya ng pagkasuya sa mga taong ito na talagang walang anumang kamalayan, dahil kailangan Niyang maghintay nang napakatagal bago Siya makatanggap ng sagot mula sa mga tao. Gusto Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, at bigyan ka ng tubig at pagkain, upang magising ka at hindi ka na mauhaw o magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman mo ang kapanglawan ng mundong ito, huwag kang magulumihanan, huwag manangis. Yayakapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka. Siya ay naghihintay na bumalik ka, hinihintay Niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at na minsan ay nawalan ka ng direksyon, at minsan ay nawalan ka ng malay sa daan at minsan ay nagkaroon ka ng “ama”; na matatanto mo, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagmamasid, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Sabik na sabik na Siya, naghihintay ng tugon na hindi dumarating. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi matutumbasan, at ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang Kanyang pagbabantay ay walang tiyak na katapusan, o marahil ito ay nagwakas na. Ngunit dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 262

Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng atas ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi inilalaan para sa atas ng Diyos at sa makatarungang kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa ay mahihiya sa harap ng mga naging martir para sa atas ng Diyos, at lalong mas mahihiya sa harap ng Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito, Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi at araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi makakatakas mula sa mga pagsasaayos ng mga kamay ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bansa o nasyon ay nasasailalim sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ang Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng anumang bansa o nasyon, at Diyos lamang ang namamahala sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bansa ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, at lumapit sa harap ng Diyos para magsisi at mangumpisal sa Kanya, o kung hindi, ang magiging kapalaran at hantungan ng tao ay isang hindi maiiwasang sakuna.

Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, ang mga tao ay lumayo sa pagpapala ng Diyos, hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at nawalan ng mga ipinangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, nang wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay at hinayaan ang kanilang sarili na mauwi sa kahindik-hindik na kasamaan. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; hindi na sila karapat-dapat na makasaksi sa mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama nang higit pa sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalo pang nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, kung kaya’t narinig niya ang tinig ng Diyos at ang Kanyang mga tagubilin. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, nang maihanda na ang lahat ng bagay, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.

Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, ay hindi na umiiral. Ngunit ang Diyos ay nagpakita pa rin ng magandang-loob sa sangkatauhang ito, at pinapatawad pa rin sila sa huling kapanahunang ito. Hinahanap ng Diyos ang mga taong nag-aasam na Siya’y magpakita. Hinahanap Niya sila na may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, mga hindi nakakalimot sa Kanyang atas, at naghahandog ng kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya ang mga kasingmapagpasakop at kasing-di-mapanlaban ng mga bata sa Kanyang harapan. Kung ilalaan mo ang iyong sarili sa Diyos, hindi nahahadlangan ng anumang puwersa, titingnan ka ng Diyos nang may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, dakilang reputasyon, saganang kaalaman, napakaraming ari-arian, at suporta ng maraming tao, subalit nananatili kang hindi nagugulo ng mga bagay na ito at humaharap ka pa rin sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang atas, at na gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinakamakabuluhan sa lupa at pinakamakatarungan na gawain ng sangkatauhan. Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos para sa kapakanan ng katayuan at sarili mong mga layon, lahat ng iyong gagawin ay susumpain at kapopootan pa nga ng Diyos. Maaaring ikaw ay isang presidente, isang siyentipiko, isang pastor, o isang nakatatandang pinuno, ngunit gaano pa man kataas ang iyong katungkulan, kung umaasa ka sa iyong kaalaman at kakayahan sa iyong mga ginagawa, ikaw ay palaging magiging bigo, at palaging mawawalan ng pagpapala ng Diyos, sapagkat hindi tinatanggap ng Diyos ang anumang ginagawa mo, at hindi Niya kinikilala na ang iyong ginagawa ay makatarungan, o kinikilala na ikaw ay kumikilos para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Sasabihin Niya na ang lahat ng bagay na ginagawa mo ay gumagamit ng kaalaman at lakas ng sangkatauhan upang itulak palayo ang proteksiyon ng Diyos mula sa tao, na itinatatwa nito ang mga pagpapala ng Diyos. Sasabihin Niya na dinadala mo ang sangkatauhan patungo sa kadiliman, patungo sa kamatayan, at patungo sa simula ng isang pag-iral na walang limitasyon kung saan nawala sa tao ang Diyos at ang Kanyang pagpapala.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 263

Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung walang puwang para sa Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at hungkag. Dahil dito, lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng agham panlipunan, teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sumasalungat sa katotohanan na nilikha ng Diyos ang tao upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, ang mga naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay lalo pang nangaunti, at ang mga naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa pag-iral ng Diyos, at sa doktrina na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang walang kabuluhang mundo na ang iniintindi lamang ay pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang umaako sa paghanap kung saan kumikilos ngayon ang Diyos, o naghahanap kung paanong Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat at kung paano Niya inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, nang hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo pang nawawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at maraming tao pa nga ang nakararamdam na, sa pamumuhay sa ganitong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang hinaing. Sapagkat kung wala ang patnubay ng Diyos, kahit na pigain ng mga pinuno at sosyolohista ang mga utak nila para maingatan ang sibilisasyon ng tao, wala itong silbi. Walang tao ang makapupuno sa kahungkagan sa puso ng tao, dahil walang tao ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa mga problema ng kahungkagan. Ang agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, kasiyahan, at kaginhawahan ay nagdadala lamang ng pansamantalang konsuwelo sa tao. Kahit na mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng tao na magkasala at dumaing sa pagiging hindi patas ng lipunan. Hindi mahahadlangan ng pagkakaroon ng mga bagay na ito ang pangungulila at pagnanais ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang kanyang mga walang katuturang sakripisyo at pagtuklas ay maaari lamang magdulot ng higit na pagkabagabag sa kanya, at magdulot na ang tao ay umiral sa palagiang kalagayan ng pagkabalisa, hindi nalalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap, hanggang sa puntong ang tao ay matakot sa agham at kaalaman, at lalong matakot sa damdamin ng kahungkagan. Sa mundong ito, ikaw man ay nakatira sa isang malayang bansa o sa isang bansa na walang mga karapatang pantao, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan, lalong wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong damdamin ng kahungkagan. Ang gayong penomeno, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyologo na mga panlipunang penomeno, ngunit walang dakilang taong lumilitaw upang lutasin ang mga gayong problema. Kung tutuusin, ang tao ay tao, at ang katayuan at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang kailangan ng sangkatauhan ay hindi lang ang isang patas na lipunan kung saan ang lahat ng tao ay kumakain nang sapat, pantay-pantay, at malaya; ang kailangan ng sangkatauhan ay ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang pagtutustos ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap ng tao ang itinutustos na buhay ng Diyos at ang Kanyang kaligtasan, saka lamang malulutas ang kanyang mga pangangailangan, pagnanais na tumuklas, at ang kahungkagan sa puso niya. Kung ang mga tao ng isang bansa o ng isang nasyon ay hindi makatanggap ng pagliligtas at pagbabantay ng Diyos, ang gayong bansa o nasyon ay uusad patungo sa pagdalisdis, patungo sa kadiliman, at bilang resulta, lilipulin ito ng Diyos.

Marahil ang iyong bansa ay kasalukuyang umuunlad, ngunit kung tutulutan mo ang iyong mga tao na lumayo sa Diyos, unti-unting pagkakaitan ng mga pagpapala ng Diyos ang bansa mo, ang sibilisasyon ay lalong tatapak-tapakan ng tao, at hindi magtatagal, ang mga tao ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. Sa ganitong paraan, walang kamalayan na masisira ang kapalaran ng isang bansa. Ang Diyos ay magbabangon ng mga makapangyarihang bansa upang kontrahin ang mga bansang isinumpa ng Diyos, at maaaring alisin pa nga ang mga ito sa ibabaw ng lupa. Ang susi sa pag-unlad at pagbagsak ng isang bansa o nasyon ay batay sa kung ang mga pinuno nito ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya. Pero sa huling kapanahunang ito, dahil ang mga taong sinserong naghahangad at sumasamba sa Diyos ay mas lalong dumadalang, nagbibigay ang Diyos ng natatanging pabor sa mga bansa kung saan ang Kristiyanismo ang relihiyon ng estado. Tinitipon Niya ang mga bansang iyon upang bumuo ng medyo makatarungang kampo sa mundo, habang ang mga bansang ateista at ang mga bansang hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay nagiging kalaban ng makatarungang kampo. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay hindi lamang may isang lugar sa sangkatauhan kung saan Siya maaaring gumampan ng Kanyang gawain, kasabay nito, may mga bansa rin Siyang nakakamtan na nagpapatupad ng makatarungang awtoridad, na nagtutulot na magpataw ng mga pagbabawal at paghihigpit sa mga bansang lumalaban sa Kanya. Sa kabila nito, hindi pa rin nagagawa ng Diyos na magkamit ng mas maraming tao na sumamba sa Kanya, sapagkat ang tao ay lumihis nang napakalayo sa Kanya, at nakalimutan na ang Diyos sa loob ng napakatagal na panahon, at sa mundong ito ay may mga bansa lang na nagpapatupad ng katarungan at lumalaban sa kawalan ng katarungan. Ngunit malayo ito sa pag-abot sa mga kagustuhan ng Diyos, sapagkat walang mga pinuno ng bansa ang magtutulot sa Diyos na maghari sa kanilang mga tao, at walang partidong pampulitika ng anumang bansa ang magtitipon ng kanyang mga tao upang magbigay karangalan sa Diyos; nawala ang Diyos sa Kanyang nararapat na lugar sa puso ng bawat bansa, nasyon, namumunong partido, at maging sa puso ng bawat tao. Kahit na umiiral ang ilang makatarungang puwersa sa mundong ito, ang anumang pamunuan kung saan ang Diyos ay walang lugar sa puso ng tao ay napakarupok at ang politikal na eksena, na walang pagpapala ng Diyos, ay magulo at hindi kaya kahit ang isang dagok. Para sa sangkatauhan, ang kawalan ng pagpapala ng Diyos ay katumbas ng kawalan ng araw. Gaano man kasipag ang mga namumuno na gumawa ng mga kontribusyon sa kanilang mga tao, gaano man karami ang mga makatarungang kumperensiyang isinasagawa ng sangkatauhan nang sama-sama, wala sa mga ito ang makakapagpabalik ng agos o makakapagbago ng kapalaran ng sangkatauhan. Naniniwala ang tao na ang isang bansa kung saan ang mga tao ay pinapakain at dinaramitan, kung saan sila ay magkakasamang namumuhay nang payapa ay isang mahusay na bansa, at may mabuting pamunuan. Subalit hindi ito ang palagay ng Diyos. Naniniwala Siya na ang isang bansa kung saan walang sinuman ang sumasamba sa Kanya ay dapat Niyang lipulin. Ang mga iniisip ng tao ay palaging sobrang ibang-iba sa mga iniisip ng Diyos. Kaya, kung ang pinuno ng bansang ito ay hindi sumasamba sa Diyos, ang kapalaran ng bansang ito ay magiging isang malaking trahedya, at ang bansang ito ay mawawalan ng hantungan.

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, ngunit kinokontrol Niya ang kapalaran ng bawat bansa at nasyon, kinokontrol Niya ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng sangkatauhan at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bansa o nasyon ang makakatakas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, dapat siyang lumapit sa Diyos. Pasasaganain ng Diyos ang mga sumusunod at sumasamba sa Kanya at Siya ay magdudulot ng pagdausdos at pagkalipol sa mga lumalaban at tumatanggi sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 264

Sa kalakhan ng sansinukob at ng kalangitan, di-mabilang na mga nilikha ang naninirahan at nagpaparami, na sumusunod sa batas ng buhay sa isang walang katapusang siklo, at sumusunod sa isang tuntuning hindi nagbabago. Yaong mga namamatay ay dala-dala ang mga kuwento ng mga buhay, at yaong mga buhay ay inuulit ang parehong kalunos-lunos na kasaysayan ng mga pumanaw na. Kaya nga, hindi maiwasan ng sangkatauhan na tanungin ang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang naghahari sa mundong ito? At sino ang lumikha ng sangkatauhang ito? Tunay bang nilikha ng kalikasan ang sangkatauhan? Tunay bang nasa kontrol ng sangkatauhan ang kanyang sariling kapalaran? … Ito ang mga bagay na walang tigil na itinatanong ng sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Sa kasamaang-palad, habang mas nasasaisip ng tao ang mga katanungang ito, mas nagkakaroon siya ng pagkauhaw sa siyensya. Handog ng siyensya ang panandaliang kaluguran at pansamantalang kasiyahan ng laman, ngunit hindi sapat upang palayain ang tao mula sa pag-iisa, kalungkutan, at halos di-maitagong takot at kawalan ng magagawa sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ginagamit lamang ng sangkatauhan ang kaalaman sa siyensya na nakikita ng kanyang mata at nauunawaan ng kanyang utak upang gawing manhid ang kanyang puso. Gayunma’y hindi sapat ang gayong kaalaman sa siyensya upang pigilan ang sangkatauhan sa pagsisiyasat sa mga hiwaga. Hindi lamang alam ng sangkatauhan kung sino ang Pinakamakapangyarihan sa sansinukob at sa lahat ng bagay, lalo na ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang tao ay nabubuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang makakatakas dito at walang makakapagpabago rito, sapagkat sa lahat ng bagay at sa kalangitan ay Iisa lamang ang nagmumula sa walang hanggan hanggang walang hanggan na nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Siya Yaong hindi pa nakikita ng tao kailanman, Yaong hindi pa nakikilala ng sangkatauhan kailanman, na kung kaninong pag-iral ay hindi pa napaniwalaan ng sangkatauhan kailanman—gayunma’y Siya ang nagbuga ng hininga sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya Yaong nagtutustos at nangangalaga sa sangkatauhan, na nagpapahintulot na siya ay umiral; at Siya Yaong nakagabay sa sangkatauhan hanggang ngayon. Bukod pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa kaligtasan. Siya ang nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at sa lahat ng nabubuhay sa sansinukob. Pinamamahalaan Niya ang apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, nagyeyelong hamog, niyebe, at ulan. Siya ang nagdadala ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasimula sa gabi. Siya ang naglatag ng kalangitan at lupa, na nagbibigay sa tao ng mga kabundukan, lawa, at ilog at lahat ng nabubuhay roon. Ang Kanyang mga gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Bawat isa sa mga batas at tuntunin na ito ay sagisag ng Kanyang mga gawa, isang pagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang hindi magpapasaklaw ng kanilang sarili sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? At sino ang hindi magpapasakop ng kanilang sarili sa Kanyang mga disenyo? Lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at bukod pa rito, lahat ng bagay ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang mga gawa at Kanyang kapangyarihan ay nag-iiwan sa sangkatauhan na walang pagpipilian kundi kilalanin ang katunayan na Siya ay totoong umiiral at nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Wala maliban sa Kanya ang makapaghahari sa sansinukob, lalong walang makapaglalaan nang walang katapusan para sa sangkatauhang ito. Nagagawa mo mang kilalanin ang mga gawa ng Diyos, at naniniwala ka man sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang Diyos ang nag-orden sa iyong kapalaran, at walang duda na palaging tataglayin ng Diyos ang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakasalalay sa kung ang mga ito ay kinikilala at naiintindihan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng tao, at Siya lamang ang maaaring magpasya sa kapalaran ng sangkatauhan. Kaya mo mang tanggapin ang katunayan na ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito sa kanyang sariling mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang isagawa ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay at namamatay sa ilalim ng mga mata ng Diyos. Ang tao ay nabubuhay para sa pamamahala ng Diyos, at kapag pumikit ang kanyang mga mata sa huling pagkakataon, para din sa pamamahalang ito kaya pumipikit ang mga ito. Ang tao ay dumarating at umaalis nang paulit-ulit, paroo’t parito. Walang eksepsyon, lahat ng ito ay bahagi ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ng Kanyang disenyo. Ang pamamahala ng Diyos ay hindi kailanman tumigil; ito ay patuloy na sumusulong. Papangyayarihin Niyang malaman ng sangkatauhan ang Kanyang pag-iral, pagtiwalaan ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, mamasdan ang Kanyang mga gawa, at magbalik sa Kanyang kaharian. Ito ang Kanyang plano, at ang gawain na Kanyang pinamamahalaan sa loob ng libu-libong taon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Sinundan:  Pagkilala sa Gawain ng Diyos II

Sumunod:  Mga Hiwaga Tungkol sa Biblia

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger