Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente nang sila ang maghahari? Nang magpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, ginawa ng rehimeng Romano ang lahat para kalabanin at tuligsain Siya. Napakatatag na gobyerno, hindi ba ito winasak sa wakas ng salot na pinababa ng Diyos? Anumang klase ng mga puwersa sa mundo, basta’t kinakalaban nila ang Diyos at kumikilos sila laban sa Diyos, lahat sila ay wawasakin ng Diyos. Hindi natin maaaring tangkilikin ang katayuan at kapangyarihan, pati na ang masamang kapangyarihan dahil ang Diyos ang naghahari sa lahat. Sinumang kumalaban sa Diyos ay tiyak na mapapahamak! Bagama’t nakita na natin ang lubos na kasamaan ng CCP, hindi ibig sabihin ay nakita na natin ang likas na kademonyohan nito. Bakit baliw na baliw na kinakalaban at tinutuligsa ng CCP ang Diyos at sinasaktan ang mga taong hinirang ng Diyos? Sinabi ng Panginoong Jesus sa Biblia noong araw: “Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa(Juan 3:19–20). Sabi rin sa Biblia: “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama(1 Juan 5:19). Bakit galit na galit na kinakalaban at tinutuligsa ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ang pangunahing dahilan ay takot na takot ang CCP na tanggapin at balikan ng mga Chinese ang Makapangyarihang Diyos. Takot na takot ang CCP na tanggapin ng mga tao sa lahat ng bansa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Takot na takot ang CCP sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na maipahayag at maikalat sa mundo, at na matupad ang kalooban ng Diyos sa lahat ng nasa lupa. Sapat nang mapatunayan na takot na takot ang CCP sa katotohanan at pagpapakita at gawain ng Diyos, takot na takot ito sa tunay na liwanag na nagpapakita para tanglawan ang sangkatauhan sa kadiliman, dahil alam na alam ng CCP na kapag ipinahayag ang salita ng Makapangyarihang Diyos, siguradong maraming tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kaya nga baliw na baliw na sinusupil at pinahihirapan ng CCP ang lahat ng sumusunod sa Makapangyarihang Diyos. Napakasama ng mga ginagawa ng CCP laban sa Langit, ito ang kaaway ng Diyos, ng katotohanan at ng katarungan! Matagal n’yo nang ipinagtatanggol ang CCP, pinapanigan n’yo ito sa pagkalaban sa Diyos at pagpapahirap sa mga taong hinirang ng Diyos. Napakalaking kasalanan n’yan sa disposisyon ng Diyos! Nakatakda itong maparusahan! Lahat ng kumakalaban at kumikilos laban sa Diyos ay tiyak na mapupuksa at mapupunta sa impiyerno!

mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay

Sinundan:  Tanong 6: Paano n’yo ipapaliwanag ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong noong Mayo 28 na nakagulat sa bansa at sa mundo? Dininig naman pala ang kasong ito sa harap ng publiko! Matapos mangyari ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, pinatindi ng gobyerno ang pagtugis nito sa mga bahay-iglesia, na gumagamit pa ng mga puwersa ng sandatahang pulisya para tugisin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng masigasig na paghahanap at pag-aresto sa mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bagama’t maraming tao ang nagduda tungkol sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, sa paniniwalang ito ay isang maling kasong inimbento ng CCP para makuha ang mga opinyon ng publiko sa pagsuporta sa pagtugis nito sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hayagang iniulat ng Chinese media ang kaso tama man o mali ang mga detalye. Nagkaroon ito ng ilang epekto sa iba’t ibang bansa sa mundo. Gaano mo man itanggi ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, marami pa ring taong nananalig sa Communist Party. Kaya gusto kong marinig kung ano ang palagay mo sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong.

Sumunod:  Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger