Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin Para Lang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa nga ang mga Interes na Iyon, Ipinagpapalit ang mga Iyon Para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)

II. Ang mga Interes ng mga Anticristo

B. Ang Sarili Nilang Reputasyon at Katayuan

Noong huli ay nagbahaginan tayo tungkol sa ikasiyam na aytem ng iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo. Gumawa tayo ng simpleng paglalagom niyon. Sa ilang subseksiyon natin hinati-hati ang mga interes ng mga anticristo para sa ating paghihimay-himay? (Tatlong subseksiyon. Ang una ay ang sariling seguridad ng mga anticristo, ang pangalawa ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, at ang pangatlo ay ang mga pakinabang.) Ang mga interes na nauugnay sa mga anticristo ay kinapapalooban ng tatlong subseksiyon na ito: ang kanilang sariling seguridad, katayuan, at mga pansarili nilang pakinabang—tama ba? (Oo.) Ang unang subseksiyon, ang kanilang sariling seguridad, ay medyo madaling maunawaan. Nauugnay ito sa mga mapanganib na kapaligiran na nakakaharap nila, at ito ay tumutukoy sa mga direktang interes ng mga anticristo: ang kanilang pansariling seguridad. Halos tapos na tayong magbahaginan tungkol sa subseksiyon na ito. Ang pangalawang subseksiyon ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Nagbahaginan tayo noong huli tungkol sa ilan sa mga pagpapamalas nito, ngunit iyon ay medyo malawak na mga termino. Sa palagay Ko, lahat kayo ay mayroon lang ng konseptuwal na pagkaarok at kaalaman sa subseksiyon na ito. Kung hindi Ako magbibigay sa inyo ng ilang halimbawa, at ng ilang detalyado at kongkretong pagsusuri, maaaring magtaglay lamang kayo ng kaunting doktrinal at literal na pagkaunawa sa aspektong ito ng diwa at mga pagpapamalas ng mga anticristo, at maaaring hindi ninyo makilala ang alinman sa mga tunay at partikular na pagbubunyag at pagpapamalas na ito. Mula sa perspektiba ninyo, pagdating sa pagbabahaginan tungkol sa mga paksang ito, mas mainam kung mas detalyado, hindi ba? (Oo.) Gusto ninyong makarinig ng mga bagay na nakahanda na; ayaw ninyo iyong mga bagay na kailangan pa ninyong alamin. Pagkatapos ninyong makinig sa mga sermon na ito, gumagawa ba kayo ng sariling pag-aaral? Kung magbabahagi Ako nang sobrang detalyado, pakiramdam ba ninyo na masyado Akong metikuloso at mahaba ang sinasabi Ko? Maaaring sabihin ninyo na, “Talagang minamaliit Mo ang aming IQ; ganoon ba talaga kababa ang kakayahan namin? Sapat na ang magbigay Ka ng isa o dalawang halimbawa lang. Bukod pa rito, pagdating sa paghihimay-himay sa diwa ng mga anticristo, medyo marami na tayong napagbahaginan tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang pagmamahal sa katayuan at kapangyarihan. Bakit ang pagbabahaginan natin tungkol sa mga interes ng mga anticristo ay tumatalakay rin sa paksang ito? Hindi ba’t masyado na itong paulit-ulit at maselan? Talaga bang kinakailangang magbahaginan tungkol dito?” Sa totoo lang, hindi naman masama ang kaunting pag-uulit. Kung magbabahaginan tayo mula sa lahat ng anggulo, magkakaroon kayo ng mas masusing pagkaunawa sa aspektong ito ng diwa ng mga anticristo. Dagdag pa rito, kapag nagbabahaginan tungkol sa katotohanan, hindi kayo dapat umiwas sa pag-uulit. May ilang katotohanan na napagbahaginan na sa loob ng maraming taon, ngunit wala pa ring mga tao na nakakapasok sa mga ito. Tama ba na palaging sikapin na umiwas sa pag-uulit, at palaging maghanap ng mga bagong estilo at ekspresyon? (Mali ito.) Ang katotohanan mismo ay malapit na nauugnay sa buhay ng mga tao. Ang lahat ng iba’t ibang bagay at tiwaling disposisyon na ibinubunyag ng mga tao sa buhay nila, ang kanilang mga pagpapamalas, at ang mga pananaw at saloobin nila sa iba’t ibang uri ng mga bagay ay palaging nangyayari nang paulit-ulit araw-araw. Ang pagbabahaginan tungkol sa katotohanan at paghihimay-himay sa iba’t ibang nilalaman at diwa mula sa iba’t ibang anggulo ay lubos na kapaki-pakinabang para sa pagpasok ng mga tao sa katotohanan. Noong huli, nagbahaginan tayo sa isang simple at malawak na paraan tungkol sa pangalawang subseksiyon ng mga interes ng mga anticristo: ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Ngayon, magbibigay Ako ng ilang halimbawa upang detalyado tayong makapagbahaginan tungkol dito. Siyempre, kung nakapagkamit kayo ng kaunting bagong pagkaunawa o nakapagtamo ng kaunting paghahayag o liwanag batay sa pundasyon ng Aking pagbabahagi, o kung nakakita kayo ng ilang kaugnay na halimbawa sa takbo ng inyong sariling karanasan o buhay, maaari rin kayong makilahok sa pagbabahaginan. Susunod, partikular tayong maghihimay-himay, mula sa perspektiba ng mga interes ng mga anticristo, sa kung ano ang ipinapamalas ng mga anticristo pagdating sa kanilang sariling reputasyon at katayuan, kung anong mga tiwaling disposisyon ang ibinubunyag ng mga anticristo, at kung sa anong mga paraan ibinubunyag ng mga anticristo ang gayong mga kalikasang diwa.

Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay at ang kanilang panghabambuhay na layon. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: “Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?” Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; iyon ang dahilan kaya kinokonsidera nila ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. Kung kaya’t para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, anuman ang kapaligiran na tinitirhan nila, anuman ang gawain na kanilang ginagawa, anuman ang kanilang hinahangad, anuman ang kanilang mga layon, anuman ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila isasantabi ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na naniniwala rin sa Diyos ang mga anticristo, itinuturing nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan bilang katumbas ng pananalig sa Diyos at tinatrato ang dalawang bagay na ito nang magkapantay. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad sa katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan; ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang makamit ang katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, “Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Hindi ba’t wala na akong pag-asa?” Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapapasuporta sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga sermon, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito, hindi ba talaga nila nagagawang makilala ang lahat ng ito? Talaga bang hindi kayang baguhin ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Hindi talaga iyon ang kaso. Ang problema ay nasa kanila; ito ay lubos na dahil hindi nila minamahal ang katotohanan, dahil sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, at bilang resulta, lubos nilang hindi tinatanggap ang katotohanan—na siyang natutukoy ng kanilang kalikasang diwa.

Pagkatapos makinig ng mga anticristo sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, parang nakahanap sila ng direksyon sa puso nila. Ngunit ano nga ba talaga ang diumano’y direksyon na ito? Ito ay ang pagtatamo nila ng isang uri ng kasangkapan—o, maaaring sabihin ng isang tao, isang uri ng kapaki-pakinabang na sandata—na nagbibigay sa kanila ng mas higit pang katiyakan sa pagtamo ng katayuan. Kaya, ginagamit nila ang pagkakataong ito para higit na makinig, magbasa, matuto, makipagbahaginan, at magsagawa, at unti-unting makarating sa punto kung saan kaya nilang magsalita ng maraming salita at doktrina, at mangaral ng maraming diumano’y sermon na hindi malilimutan at na nakahihikayat sa mga tao na pahalagahan sila. Sa sandaling maarok nila ang mga doktrinang ito na sa tingin ng mga tao ay maganda pagdating sa literal na kahulugan ng mga ito, para bang nakahawak na sila sa isang bagay na magsasalba sa kanila sa buhay, at nakakita na sila ng direksyon at liwanag sa bukang-liwayway. Kaya, hindi nakikinig ang mga anticristo sa mga sermon at hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos alang-alang sa kanilang pagsasagawa o para sumunod sa Salita ng Diyos, at lalong hindi nila ginagawa ang mga bagay na ito para maunawaan ang Kanyang mga layunin. Ginagawa nila ang mga ito para makuha ang loob ng mga tao at maakit ang mas maraming tao na sumamba at sumunod sa kanila gamit ang mga salita ng Diyos, o gamit ang mga teoryang ito na pinaniniwalaan nilang espirituwal, o sa pamamagitan ng pangangaral ng matatayog na sermon. Hindi nakikitang nagiging isang uri ng daluyan, isang uri ng hagdan, at isang uri ng kasangkapan ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan, at ang Kanyang daan na ginagamit ng mga taong ito para magtamo ng katayuan at katanyagan sa gitna ng iba. Kaya, kahit sa anong paraan ninyo ito tingnan, hindi kayo makakakita ng anumang tunay na pananalig o tunay na pagpapasakop sa loob ng mga anticristo. Sa kabaligtaran, gaano man sila magsikap sa pakikinig sa mga sermon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at gaano man tila “kamaka-diyos” ang kanilang pananampalataya sa Kanyang mga salita, may isang bagay na hindi maikakaila, at iyon ay na habang ginagawa ng mga anticristo ang mga bagay na ito, ang kanilang intensyon at plano ay hindi para sumunod sa kalooban ng Diyos, at lalong hindi ito para gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin; ayaw nilang maging pinakamaliit sa mga tagasunod o maging mga nilikha, na masunuring tumatanggap sa atas ng Diyos at sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos nang may magandang pag-uugali. Sa halip, gusto lang nilang gamitin ang mga bagay na ito para makamit ang kanilang mga indibidwal na layon, para magkaroon ng puwang sa puso ng iba, at para magkaroon ng positibong pagtatasa sa harap ng Diyos—iyon lang ang gusto nila. Kaya, gaano man ipangaral ng mga anticristo ang mga salita ng Diyos, at gaano man katama, katayog, kaespirituwal, at kaangkop sa panlasa ng mga tao ang mga sermon na ipinangangaral nila, wala silang magiging pagsasagawa at pagpasok. Kasabay nito, magreresulta ng mas maraming “bunga” ang kanilang paghahangad sa katayuan at reputasyon. Bakit Ko sinasabi ito? Sinasabi Ko ito dahil anuman ang gawin ng mga taong gaya nito, anuman ang kanilang makamit sa pamamagitan ng matinding pagsisikap, ang direksyon at mga layong hinahangad nila, at ang motibo at pinagmulan na kinikimkim nila sa kaibuturan ng kanilang puso sa tuwing kumikilos sila, ay hindi maihihiwalay mula sa katayuan at reputasyon na mahigpit na nakakabit sa kanilang sariling mga interes.

Sabi nga, aanihin mo ang iyong itinanim. Kahit na ano pang uri ng mahusay na kakayahan at mga kaloob ang tinataglay ng mga anticristo, o anumang maka-diyos at espirituwal na pagpapamalas ang ipinapakita nila, dahil kinikimkim nila ang ambisyon at pagnanais na gumamit ng kapangyarihan at kontrolin ang hinirang na mga tao ng Diyos, at dahil hindi nila hinahangad ang katotohanan at hinahanap lamang nila ang reputasyon at katayuan, kaya ba nilang magsagawa nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos? Kaya ba nilang tugunan ang mga pamantayang hinihingi ng Diyos sa kanilang mga kilos? (Hindi.) Kung gayon, ano talaga ang magiging mga kahihinatnan ng kanilang mga kilos at pag-uugali? (Tiyak na ang pagtatatag nila ng kanilang nagsasariling kaharian at na sila ang masusunod.) Tama. Kahit ano pa ang gawin ng mga anticristo, ito ang magiging resulta sa huli. Kaya, ano ang nagdudulot ng ganitong kahihinatnan? Ang pangunahing dahilan nito ay ang kawalan nila ng abilidad na tanggapin ang katotohanan. Sila man ay pungusan, hatulan, o kastiguhin, hindi ito tatanggapin ng mga anticristo sa kanilang puso. Anuman ang kanilang ginagawa, palaging may sariling mga pakay at intensyon ang mga anticristo, palagi silang kumikilos ayon sa kanilang sariling plano, at ang kanilang saloobin sa mga pagsasaayos at sa gawain ng sambahayan ng Diyos ay, “Maaaring mayroon kang isang libong plano, pero mayroon akong isang patakaran”; ang lahat ng ito ay natutukoy ng kalikasan ng mga anticristo. Maaari bang baguhin ng mga anticristo ang kanilang mentalidad at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Tiyak na imposible iyon, maliban na lang kung direktang hihingin ng ang Itaas sa kanila na gawin ito, kung saan ay makakagawa sila nang kaunti nang napipilitan, dahil kinakailangan. Kung wala man lang silang ginawa, malalantad at matatanggal sila. Sa ganitong mga sitwasyon lang sila nakakagawa ng kaunting tunay na gawain. Ito ang saloobin ng mga anticristo sa paggawa ng mga tungkulin; ito rin ang saloobin nila sa pagsasagawa ng katotohanan: Kapag kapaki-pakinabang para sa kanila ang pagsasagawa sa katotohanan, kapag sasang-ayunan at hahangaan sila ng lahat dahil dito, siguradong aayon sila, at gagawa sila ng mga pakitang-tao na pagsusumikap na nagmumukhang katanggap-tanggap para sa iba. Kung hindi sila nakikinabang sa pagsasagawa sa katotohanan, kung walang nakakakita nito, at hindi rin ito nakikita ng mga nakatataas na lider, kung gayon, sa ganitong mga pagkakataon, tiyak na hindi nila isasagawa ang katotohanan. Nakasalalay sa konteksto at sitwasyon ang kanilang pagsasagawa sa katotohanan, at isinasaalang-alang nila kung paano nila ito gagawin sa paraang makikita ng iba, at kung gaano kalaki ang mga makukuhang pakinabang; mayroon silang maabilidad na pag-arok sa mga bagay na ito, at kaya nilang umangkop sa iba’t ibang sitwasyon. Isinasaalang-alang nila sa lahat ng oras ang kanilang sariling kasikatan, pakinabang at katayuan, at hindi sila nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos, at dahil dito, nabibigo silang isagawa ang katotohanan at itaguyod ang mga prinsipyo. Binibigyang-pansin lamang ng mga anticristo ang kanilang sariling kasikatan, pakinabang, katayuan, mga pansariling interes, at ang hindi nila pagkamit ng anumang pakinabang o ang hindi pagbabandera ng kanilang sarili ay hindi katanggap-tanggap, at malaking abala para sa kanila ang pagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi pinahahalagahan ang kanilang mga pagsisikap, at kahit na gumagawa sila sa harap ng iba ngunit hindi nakikita ang kanilang gawain, kung gayon, hindi sila magsasagawa ng anumang katotohanan. Kung ang gawain ay direktang isinasaayos ng sambahayan ng Diyos, at wala silang magagawa kundi gawin ito, isinasaalang-alang pa rin nila kung makikinabang ba ang kanilang katayuan at reputasyon dito. Kung mainam ito para sa kanilang katayuan at mapapaangat nito ang kanilang reputasyon, ibinubuhos nila ang lahat ng mayroon sila sa gawaing ito at ginagalingan nila ang trabaho rito; pakiramdam nila ay nasapul nila ang dalawang ibon sa isang bato. Kung hindi ito makabubuti sa kanilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, at ang paggawa nito nang hindi maayos ay makapagpapasama sa kanilang imahe, umiisip sila ng paraan o dahilan para matakasan ito. Anumang tungkulin ang ginagampanan ng mga anticristo, lagi silang kumakapit sa iisang prinsipyo: Dapat silang magkaroon ng pakinabang pagdating sa reputasyon, katayuan, o sa kanilang mga interes, at hindi sila dapat magkaroon ng anumang kawalan. Ang klase ng gawaing pinakagusto ng mga anticristo ay kapag hindi nila kailangang magdusa o magbayad ng anumang halaga, at may pakinabang iyon sa kanilang reputasyon at katayuan. Sa kabuuan, anuman ang ginagawa nila, isinasaalang-alang muna ng mga anticristo ang sarili nilang mga interes, at kumikilos lang sila kapag napag-isipan na nilang lahat iyon; hindi sila tunay, sinsero, at lubos na nagpapasakop sa katotohanan nang walang pakikipagkompromiso, kundi ginagawa nila ito nang may pagpili at may kondisyon. Anong kondisyon ito? Ito ay na dapat maingatan ang kanilang katayuan at reputasyon, at hindi sila dapat mawalan ng anuman. Kapag natugunan ang kondisyong ito, saka lang sila magpapasya at pipili kung ano ang gagawin. Ibig sabihin, pinag-iisipang mabuti ng mga anticristo kung paano tatratuhin ang mga katotohanang prinsipyo, ang mga atas ng Diyos, at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, o kung paano haharapin ang mga bagay na kaharap nila. Hindi nila isinasaalang-alang kung paano tutugunan ang mga layunin ng Diyos, kung paano iingatang huwag mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung paano mapalulugod ang Diyos, o kung paano makikinabang ang mga kapatid; hindi ang mga ito ang isinasaalang-alang nila. Ano ang isinasaalang-alang ng mga anticristo? Kung maaapektuhan ba ang kanilang sariling katayuan at reputasyon, at kung bababa ba ang kanilang katanyagan. Kung ang paggawa ng isang bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid, subalit magdurusa naman ang kanilang sariling reputasyon at mapagtatanto ng maraming tao ang kanilang tunay na tayog at malalaman kung anong uri ng kalikasang diwa ang mayroon sila, kung gayon, tiyak na hindi sila kikilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Kung ang paggawa ng tunay na gawain ay magiging sanhi para maging mataas ang tingin sa kanila, tingalain sila at hangaan sila ng mas maraming tao, tulutan silang magkamit ng mas higit pang katanyagan, o magkaroon ng awtoridad ang kanilang mga salita at mas maraming tao pa ang magpasakop sa kanila, kung gayon ay pipiliin nilang gawin ito sa ganoong paraan; kung hindi naman, hinding-hindi nila pipiliin na isantabi ang sarili nilang mga interes para isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o ng mga kapatid. Ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Hindi ba’t makasarili at kasuklam-suklam ito? Sa anumang sitwasyon, itinuturing ng mga anticristo na pinakamahalaga ang kanilang katayuan at reputasyon. Walang sinumang maaaring makipagkompetensiya sa kanila. Anumang pamamaraan ang kailangan, basta’t nakukuha nito ang loob ng mga tao at napapasamba nito ang iba sa kanila, gagawin ito ng mga anticristo. Kung may ibang tao na pinahahalagahan at sinasang-ayunan ng hinirang na mga tao ng Diyos dahil sa kanyang pagpapatotoo sa Diyos, gagamitin din ng mga anticristo ang pamamaraang ito para kunin ang loob ng mga tao. Ngunit hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga anticristo, o ng praktikal na karanasan, kaya pinipiga nila ang kanilang utak na gumawa ng isang hanay ng mga teorya na nagpapatotoo para sa Diyos batay sa mga imahinasyon ng tao, nagsasalita kung gaano kadakila ang Diyos, kung gaano kamahal ng Diyos ang tao, kung paano nagbabayad ng halaga ang Diyos para iligtas ang tao, at kung gaano nagpapakumbaba at nagtatago ang Diyos. Pagkatapos nilang magpatotoo para sa Diyos sa ganitong paraan, ang natatamo nilang kinalabasan ay na mas lalo pa silang pinahahalagahan ng mga tao, at nagkakaroon sila ng mas malaking puwang sa puso ng mga tao, at walang puwang para sa Diyos. Kung nakikita nila na ang pagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili ay magbibigay-daan na magtiwala sa kanila ang mas maraming tao, hangaan sila, at pahalagahan sila, madalas nilang pag-uusapan ang tungkol sa pagkilala sa kanilang sarili, at madalas na hihimayin ang kanilang sarili. Hihimay-himayin nila ang katunayan na sila ay isang diyablo, na hindi sila tao, na wala silang katwiran, na hindi nila hinahangad ang katotohanan, at na hindi nila taglay ang katotohanan. Magbabahagi sila tungkol sa ilang paimbabaw at walang-kabuluhang paksa para ilihis ang iba, kuhanin ang tiwala ng mga ito, at kumuha ng marami pang tao na pupuri at hahanga sa kanila. Ganito kumilos ang mga anticristo. Kung ang isang partikular na pamamaraan ng pagbabahagi ng patotoong batay sa karanasan ay magbibigay-daan sa kanila para magtamo ng pagsang-ayon at paghanga ng ibang tao, hindi sila mag-aatubiling gamitin ito. Pagtutuunan, pagsisikapan, at pag-iisipan talaga nila nang husto ang pamamaraang ito. Sa kabuuan, ang layon at motibo nila sa paggawa ng lahat ng ito ay umiikot lamang sa katayuan at reputasyon. Ito man ang kanilang panlabas na wika, mga pamamaraan, pag-uugali, o isang uri ng kaisipan, pananaw, o pamamaraan ng paghahangad, umiikot ang lahat ng ito sa reputasyon at katayuan. Ganito gumagawa ang mga anticristo.

Para sa mga anticristo, kung ang reputasyon o katayuan nila ay inaatake at inaalis, mas seryosong bagay pa ito kaysa sa pagtatangkang kitilin ang kanilang buhay. Kahit gaano pa karaming sermon ang pakinggan nila o kahit gaano pa karaming salita ng Diyos ang basahin nila, hindi sila makakaramdam ng kalungkutan o pagsisisi na hindi nila naisagawa kailanman ang katotohanan at na natahak nila ang landas ng mga anticristo, o na nagtataglay sila ng kalikasang diwa ng mga anticristo. Sa halip, lagi silang nag-iisip ng paraan upang magkamit ng katayuan at pataasin ang kanilang reputasyon. Masasabi na ang lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay ginagawa upang magpakitang-gilas sa harap ng iba, at hindi ginagawa sa harap ng Diyos. Bakit Ko nasasabi ito? Ito ay dahil labis na nahuhumaling ang gayong mga tao sa katayuan na itinuturing nila ito bilang pinakabuhay na nila, bilang panghabambuhay nilang layon. Higit pa rito, dahil mahal na mahal nila ang katayuan, hindi sila kailanman naniniwala sa pag-iral ng katotohanan, at masasabi pa ngang hinding-hindi sila naniniwala na mayroong Diyos. Kaya, paano man sila magkalkula upang magkamit ng reputasyon at katayuan, at paano man nila subukang magpanggap upang lokohin ang mga tao at ang Diyos, sa kaibuturan ng kanilang puso, wala silang kamalayan o paninisi sa sarili, lalo na ng anumang pagkabalisa. Sa kanilang patuloy na paghahangad sa reputasyon at katayuan, walang pakundangan din nilang itinatanggi ang nagawa ng Diyos. Bakit Ko sinasabi iyon? Sa kaibuturan ng puso ng mga anticristo, naniniwala sila na, “Lahat ng reputasyon at katayuan ay nakakamtan sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap ng tao. Sa pagkakamit lamang ng matibay na posisyon sa gitna ng mga tao at pagkakamit ng reputasyon at katayuan niya matatamasa ang mga pagpapala ng diyos. May halaga lamang ang buhay kapag ang mga tao ay nagkakamit ng ganap na kapangyarihan at katayuan. Ito lamang ang pamumuhay na tulad ng isang tao. Sa kabaligtaran, walang silbi ang mamuhay sa paraang sinasabi sa salita ng diyos—ang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng diyos sa lahat ng bagay, ang bukal sa loob na lumugar sa posisyon ng isang nilikha, at ang mamuhay gaya ng isang normal na tao—walang titingala sa gayong tao. Dapat pagsumikapan ng isang tao ang kanyang katayuan, reputasyon, at kaligayahan; dapat ipaglaban at sunggaban ang mga ito nang may positibo at maagap na saloobin. Walang ibang magbibigay ng mga ito sa iyo—ang pasibong paghihintay ay hahantong lang sa kabiguan.” Ganito magkalkula ang mga anticristo. Ito ang disposisyon ng mga anticristo. Kung umaasa kang tatanggapin ng mga anticristo ang katotohanan, aaminin ang mga pagkakamali, at magkakaroon sila ng tunay na pagsisisi, imposible ito—hinding-hindi nila ito kayang gawin. Taglay ng mga anticristo ang kalikasang diwa ni Satanas, at kinamumuhian nila ang katotohanan, kaya, kahit saan man sila magpunta, kahit na pumunta sila sa dulo ng mundo, hinding-hindi magbabago ang ambisyon nila ng paghahangad sa reputasyon at katayuan, at pati na rin ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay, o ang landas na kanilang tinatahak. Sasabihin ng ilang tao na: “May ilang anticristo na kayang baguhin ang kanilang pananaw sa bagay na ito.” Tama ba ang pahayag na ito? Kung talagang kaya nilang magbago, mga anticristo pa rin ba sila? Ang mga may kalikasan ng isang anticristo ay hinding-hindi magbabago. Ang mga nagtataglay ng disposisyon ng isang anticristo ay magbabago lamang kung hahangarin nila ang katotohanan. Ang ilang tao na tumatahak sa landas ng isang anticristo ay gumagawa ng kasamaan na gumugulo sa gawain ng iglesia, at bagama’t inilalarawan sila bilang mga anticristo, matapos silang tanggalin, nakakaramdam sila ng tunay na pagsisisi, at nagpapasya silang magbagong-buhay, at pagkatapos ng panahon ng pagninilay-nilay, pagkilala sa sarili, at pagsisisi, sumasailalim sila sa isang tunay na pagbabago. Sa ganitong sitwasyon, ang mga taong ito ay hindi maaaring ilarawan bilang mga anticristo; nagtataglay lamang sila ng disposisyon ng isang anticristo. Kung hahangarin nila ang katotohanan, maaari silang magbago. Gayumpaman, tiyak na masasabi na ang karamihan sa mga nailarawan bilang mga anticristo, mga pinaalis, o mga pinatalsik ng iglesia ay hindi tunay na magsisisi o magbabago. Kung mayroon man sa kanila ang magbago, bihira lang iyon. Magtatanong ang ilang tao: “Kung gayon, mali bang nailarawan ang mga bihirang kasong iyon?” Imposible ito. Kung tutuusin, may nagawa naman talaga silang kasamaan, at hindi ito maaaring balewalain. Gayumpaman, kung magagawa nilang tunay na magsisi, kung handa silang gumawa ng tungkulin, at kung sila ay nagtataglay ng tunay na patotoo ng kanilang pagsisisi, maaari pa rin silang tanggapin ng iglesia. Kung lubusang tatanggi ang mga taong ito na aminin ang kanilang pagkakamali o magsisi pagkatapos silang mailarawan bilang mga anticristo, at patuloy nilang pangangatwiranan ang kanilang sarili sa anumang paraan, kung gayon, tumpak at ganap na tama na ilarawan sila bilang mga anticristo. Kung inamin nila ang kanilang mga pagkakamali at nakaramdam sila ng tunay na pagsisisi, paanong ilalarawan pa rin sila ng iglesia bilang mga anticristo? Imposible iyon. Kahit sino pa siya, kahit gaano karaming kasamaan ang ginawa niya, o gaano kalubha ang kanyang mga kamalian, kung ang isang tao ba ay natukoy bilang isang anticristo o nagtataglay ng disposisyon ng isang anticristo ay nakasalalay sa kung nagagawa niyang tanggapin ang katotohanan at ang mapungusan, at kung taglay niya ang tunay na pagsisisi. Kung kaya niyang tanggapin ang katotohanan at ang mapungusan, kung taglay niya ang tunay na pagsisisi, at handa siyang igugol ang buong buhay niya sa pagtatrabaho para sa Diyos, kung gayon, tunay itong nagpapahiwatig ng kaunting pagsisisi. Ang isang taong gaya nito ay hindi maaaring ilarawan bilang isang anticristo. Kaya ba talagang tanggapin ng mga tunay na anticristong iyon ang katotohanan? Talagang hindi. Ito ay tiyak na dahil sa hindi nila mahal ang katotohanan, at tutol sila sa katotohanan, na hindi nila kailanman magagawang bitiwan ang reputasyon at katayuan, mga bagay na mahigpit na nakakabit sa kanilang buong buhay. Matatag na naniniwala ang mga anticristo sa kanilang puso na kapag may reputasyon at katayuan, saka lamang sila magkakaroon ng dignidad at magiging tunay na mga nilikha, at na kapag may katayuan, saka lamang sila magagantimpalaan at makokoronahan, magiging marapat na sang-ayunan ng Diyos, magkakamit ng lahat ng bagay, at magiging isang totoong tao. Ano ang tingin ng mga anticristo sa katayuan? Tinitingnan nila ito bilang ang katotohanan; itinuturing nila ito bilang ang pinakamataas na layong dapat hangarin ng mga tao. Hindi ba’t problema iyon? Ang mga taong maaaring mahumaling sa katayuan sa ganitong paraan ay tunay na mga anticristo. Kauri sila ng mga taong katulad ni Pablo. Naniniwala sila na ang paghahangad sa katotohanan, paghahanap ng pagpapasakop sa Diyos, at paghahanap ng pagkamatapat ay pawang mga proseso na umaakay sa isang tao sa pinakamataas na posibleng katayuan; mga proseso lamang ito, hindi ang layon at pamantayan ng pag-asal, at na ginagawa lamang ang mga ito para makita ng Diyos. Ang pagkaunawang ito ay isang kalokohan at katawa-tawa! Ang mga taong walang katuturan lamang na namumuhi sa katotohanan ang makakaisip ng gayong katawa-tawang ideya.

Pagdating sa mga anticristo, anumang aspekto ng katotohanan ang pagbabahaginan ninyo, ang kanilang pamamaraan ng pag-arok at pag-unawa ay magiging iba kaysa sa mga taong naghahangad sa katotohanan. Pagkatapos marinig ang katotohanan, iniisip ng mga taong naghahangad nito na, “Hindi ko taglay ang aspektong ito ng katotohanan, at maiuugnay ko sa aking sarili ang kalagayang ito na ibinunyag ng Diyos. Bakit kaya, pagkatapos makinig dito, ay ramdam ko na puno ako ng pagsisisi at pagkakautang sa Diyos? Napakalayo ko pa rin sa paghahangad sa katotohanan, at malayo pa rin ako sa tunay na pagpapasakop. Nakakaramdam ako ng sobrang takot; ito ay naging isang pampagising sa akin. Akala ko ay maayos ang lagay ko kamakailan, at hindi ko alam na hindi pala talaga ako isang tao na nagsasagawa sa katotohanan o nagpapalugod sa Diyos. Simula ngayon, kailangan kong maging maingat at masinop, at tumuon sa pagdarasal sa harap ng Diyos at pagsusumamo sa Kanya para sa patnubay at pagtanglaw. Hindi ako dapat sumunod sa sarili kong kagustuhan. Lalaliman ko ang pagpasok sa aspektong ito ng katotohanan, at mayroon pa akong puwang para umusad. Sana ay maghanda ang Diyos ng isang kapaligiran na makapagpapahintulot sa akin na gumampan nang mas mabuti, at na makapag-alay ng aking sinseridad at katapatan.” Ganito mag-isip ang mga taong naghahangad sa katotohanan. Kaya, paano naaarok ng mga anticristo ang iba’t ibang uri ng mga katotohanan? Pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos na sumasaway sa tao, ano ang iniisip nila? “Hindi ako naging mahusay roon, nagkaroon ako ng kapabayaan sa mga kilos ko, at may mga pagkakamaling lumitaw. Ilan kaya ang nakakaalam tungkol dito? Napakalinaw ng pagkakasabi ng mga salita ng diyos; ibig bang sabihin niyon ay nakilatis na niya ako? Kung gayon, hindi ito magandang kinalabasan; hindi ito ang gusto ko. Kung nakilatis na ako ng diyos, may iba pa bang nakakaalam tungkol dito? Kung may nakakaalam, mas malala pa nga iyon. Kung ang diyos lang ang nakakaalam, at wala nang iba, ayos lang iyon. Kung naririnig ng ilang tao ang mga salitang ito ng diyos na naglalantad sa tao at iniuugnay at ginagamit nila ang mga ito sa akin, magiging masama iyon para sa reputasyon ko. Kakailanganin kong mag-isip ng paraan para maremedyuhan ito. Paano ko ito mareremedyuhan?” Ganito magnilay-nilay ang mga anticristo. Halimbawa, pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng Diyos tungkol sa kung paanong dapat na maging matapat ang mga tao, kaagad na iisipin ng isang anticristo na, “Ang mga hangal lamang ang nagsisikap na maging matapat na tao. Paanong magiging isang matapat na tao ang isang matalinong kagaya ko? Ang matatapat na tao ay mga hangal at mga tunggak; sinasabi nila ang anumang pumapasok sa isipan nila, sinasabi nila sa ibang mga tao ang lahat at hinahayaan ang mga iyon na maintindihan ang lahat. Hinding-hindi ko gagawin iyon! Ang pagsasabi ng Diyos na dapat tayong maging matapat na tao ay depende lang sa sitwasyon, kaya magiging matalinong tao na lang ako, at iyon na iyon. Tungkol sa pagiging matapat na tao, pipiliin ko na lang at pagpapasyahan kung kailan ako magiging ganoon. Magtatapat ako tungkol sa ilang bagay, pero hindi ko sasabihin ang lahat ng lihim at mga nakatagong bagay na iyon na kinikimkim ko sa kaibuturan ng aking puso, mga bagay na maaaring magpababa ng tingin ng mga tao sa akin kung sasabihin ko ang mga ito. Ano bang benepisyo ang mayroon sa pagiging matapat na tao? Sa tingin ko ay walang anumang benepisyo ito. Palaging hinihimay-himay ng ilang tao ang kanilang sarili, nagsisikap na maging matapat na tao at magsalita nang matapat, at naglalahad ng kanilang mga tiwaling disposisyon, pero hindi nila natamo ang biyaya ng diyos, at kapag dapat silang pungusan, pinupungusan pa rin sila; hindi sila binibigyan ng diyos ng anumang karagdagang pagtataas.” Patuloy silang nagninilay-nilay, “Kailangan kong pumili ng ibang daan. Hindi ito ang landas na dapat kong tahakin; ipapaubaya ko na lang ito sa iba. Paanong mamumuhay nang ganoon ang isang matalinong taong katulad ko?” Anumang aspekto ng katotohanan ang naririnig ng isang anticristo, ano ang mga kinakalkula niya sa puso niya? Kaya ba niyang maarok nang dalisay ang katotohanan? Kaya ba niya itong tanggapin bilang ang katotohanan sa kaibuturan ng kanyang puso? Talagang hindi. Palagi siyang nagkakalkula at nagpapakana, at patuloy na nagmamasid. Paano siya tumutugon sa huli? Nagbabago siya ayon sa sitwasyon, nakikiangkop siya sa mga kondisyon, siya ay mautak at tuso sa kanyang pakikitungo sa ibang tao, at kumikilos nang ganap na palihim. Anuman ang kanyang ginagawa, anuman ang kanyang iniisip o kinakalkula sa kaibuturan, hindi niya maaaring ipaalam sa iba, ni ipaalam sa Diyos; hindi niya maaaring ilantad ang mga bagay na ito sa Diyos, lalo na ang makipag-usap siya tungkol dito nang malinaw sa mga tao—naniniwala siya na ang mga bagay na ito ay personal na niyang usapin. Kaya, ang mga anticristo ay ang uri ng mga tao na talagang hindi kayang magsagawa sa katotohanan. Bukod sa hindi pagsasagawa sa katotohanan, hinahamak din nila ang mga taong nagsasagawa nga sa katotohanan, at higit pa roon, kinukutya nila ang mga tao na napupungusan dahil nakagawa ang mga ito ng ilang paglihis habang nagsasagawa sa katotohanan, o dahil nagkaroon ang mga ito ng mga maling pagliko, o nakagawa ng ilang pagkakamali, at tinatawanan nila ang mga ito mula sa isang tabi. Hindi sila naniniwala sa pagiging matuwid ng Diyos, lalong hindi sila naniniwala na ang iba’t ibang paraan ng pagtrato ng Diyos sa mga tao ay kinapapalooban ng katotohanan at ng Kanyang pagmamahal sa mga ito; hindi naniniwala ang mga anticristo sa mga bagay na ito. Sa pananaw nila, naniniwala sila na ang lahat ng bagay na ito ay mga kasinungalingan na naglalayong linlangin ang mga tao; iniisip nila na ang mga ito ay pawang mga dahilan lamang, isang kumpol ng mga salita na magandang pakinggan. At ano ang madalas na lihim nilang ikinatutuwa? “Buti na lang hindi ako ganoon kahangal para ialok ang lahat; buti na lang, hindi ako nagsalita tungkol sa marurumi at mga pangit na bagay na iyon na kinikimkim ko sa kaibuturan; buti na lang, patuloy ko pa ring pinanghahawakan ang aking katayuan at reputasyon at ginagawa ang aking buong makakaya para hangarin ang mga ito, at nagpupursigi pa rin ako alang-alang sa mga ito. Kung hindi ako nagpursigi para sa sarili kong kapakanan, sino pa ang mag-aalala para sa akin?” Ang mga anticristo ay hindi lamang mapanlinlang, kundi sila ay mga buktot din, tutol sila sa katotohanan, at malupit ang kanilang disposisyon; ibig sabihin, ang lahat ng aspekto ng tiwaling disposisyon na namamalas sa mga tiwaling tao ay higit pang nakumpirma at “itinaas” sa mga anticristo. Kung nais mong tingnan ang mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, maghanap ka ng isang anticristo na hihimay-himayin at pakikitunguhan; iyon ang pinakamahusay na paraan sa paglalarawan sa isyu, at ang pinakamabisang paraan para makilatis ang tiwaling diwa ng tiwaling sangkatauhan at ang mukha ni Satanas. Kung gagamitin mo ang isang anticristo bilang pangunahing halimbawa, at hihimay-himayin at kikilalanin siya, mas malinaw mong mauunawaan ang mga bagay na ito.

Ang paghahangad ng mga anticristo sa katayuan at reputasyon ay mas higit pa kaysa sa paghahangad ng mga ordinaryong tao, at gayundin ang kanilang pagnanais para sa katayuan at reputasyon. Hindi ganoon kalaki ang pagnanais ng mga ordinaryong tao para sa katayuan at reputasyon, samantalang ang pagnanais na iyon sa mga anticristo ay napakalakas at halatang-halata. Sa sandaling nakaugnayan mo ang isang anticristo at nakausap siya at nakasama siya, malalantad sa harap mo ang kanyang kalikasang diwa, at agad mo siyang makikilatis. Ganito kalaki ang kanyang pagnanais. Kapag lumalim na ang iyong pakikipag-ugnayan sa kanya, makararamdam ka ng pagkasuklam sa kanya at itatakwil mo siya. Sa huli, hindi mo lang siya itatakwil, kokondenahin at isusumpa mo pa siya. Ang mga anticristo ay hindi mabubuting bagay; sila ay mga kaaway ng Diyos, at kaaway rin ng lahat ng naghahangad sa katotohanan. Ang mga anticristo ay tutol sa katotohanan, at kayang-kaya nilang gumawa ng iba’t ibang uri ng masasamang bagay alang-alang sa kanilang katayuan at reputasyon. Sa lahat ng kanilang ginagawa, magpapanggap sila, manggagaya, at makikisakay sa sitwasyon, nagkokompromiso alang-alang sa katayuan at reputasyon. Ang mismong mga kaluluwa at diwa ng mga taong tulad nito ay marumi; sila ay kasuklam-suklam. Wala silang kahit isang patak ng pagmamahal sa katotohanan o sa mga positibong bagay. Kasabay nito, ginagamit nila ang mga positibong bagay at ang pangangaral ng mga tamang salita at doktrina para ilihis ang mga tao, upang magkamit sila ng reputasyon at katayuan, at matugunan ang kanilang mga pagnanais at ambisyon. Ito ang pag-uugali at diwa ng mga anticristo. Hindi mo makikita kung ano ang hitsura ni Satanas, kung paano umaasal sa mundo si Satanas at nakikitungo sa mga tao, at kung anong uri ng kalikasang diwa mayroon si Satanas; hindi mo alam kung anong klaseng bagay ba mismo si Satanas sa mga mata ng Diyos. Hindi ito problema; ang kailangan mo lang gawin ay pagmasdan at himay-himayin ang isang anticristo, at makikita mo ang lahat ng bagay na ito—ang kalikasang diwa ni Satanas, ang pangit na mukha ni Satanas, at ang kabuktutan at kalupitan ni Satanas—ang lahat ng ito ay makikita mo. Ang mga anticristo ay mga buhay na Satanas; sila ay mga buhay na demonyo.

1. Kung Paano Tinatrato ng mga Anticristo ang Mapungusan

Ang mga anticristo ay nagkikimkim ng mga napakalaking ambisyon at pagnanais pagdating sa katayuan at reputasyon, at masyado itong nakakasuya at kasuklam-suklam para sa iba. Sapat na ito para maipakita na ang kalikasang diwa ng isang anticristo ay napakapangit at buktot. Kung gayon, aling mga partikular na pagpapamalas ang naglalarawan sa kalikasang diwa ng isang anticristo? Una, pag-isipan natin kung paano tinatrato ng mga anticristo ang mapungusan. (Kinamumuhian nila ito at hindi nila ito tinatanggap.) Sa anong paraan nila ito kinamumuhian? Idetalye mo. (May isang anticristo na gumawa ng maraming kasamaan, at nang ilantad ng mga kapatid ang ilan sa kanyang mga pagpapamalas, hindi man lang siya nagsisi, masyado siyang mapagmatigas, at hindi man lang nakaramdam ng kahit katiting na pagsisisi. Pakiramdam pa nga niya ay inagrabyado siya. Ito ang uri ng pagpapamalas na nakita ko.) Isa itong klasikong pagpapamalas ng isang anticristo. Ang karaniwang pag-uugali ng mga anticristo sa pagpupungos ay ang masidhing tanggihan na tanggapin o aminin iyon. Gaano man karaming kasamaan ang ginagawa nila o gaano mang pinsala ang ginagawa nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ni katiting na pagsisisi o na may pagkakautang silang anuman. Mula sa pananaw na ito, mayroon bang pagkatao ang mga anticristo? Talagang wala. Nagdudulot sila ng samu’t saring pinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos at nagdadala ng pinsala sa gawain ng iglesia—kitang-kita ito nang maliwanag pa sa sikat ng araw ng hinirang na mga tao ng Diyos, at nakikita nila ang sunod-sunod na masasamang gawa ng mga anticristo. At gayumpaman ay hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang katunayang ito; nagmamatigas silang tumatangging aminin na mali sila o na sila ang may pananagutan. Hindi ba’t isa itong indikasyon na tutol sila sa katotohanan? Tutol ang mga anticristo sa katotohanan hanggang sa puntong ito—gaano man karaming masamang bagay ang gawin nila, matigas silang tumatangging aminin ito, at nananatili silang hindi nagpapasakop hanggang sa huli. Sapat nitong pinatutunayan na hindi kailanman sineseryoso ng mga anticristo ang gawain ng sambahayan ng Diyos o tinatanggap ang katotohanan. Hindi sila naparito para manampalataya sa Diyos; mga alipin sila ni Satanas, na naparito para gambalain at guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Reputasyon at katayuan lamang ang laman ng puso ng mga anticristo. Naniniwala sila na kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali, kakailanganin nilang tanggapin ang responsabilidad, at kung magkagayon, lubhang makokompromiso ang kanilang katayuan at reputasyon. Bilang resulta, lumalaban sila nang may saloobin ng “magkaila hanggang mamatay.” Paano man sila inilalantad o hinihimay-himay ng mga tao, ginagawa nila ang makakaya nila para itanggi ito. Kung sinasadya man o hindi ang kanilang pagtanggi, sa madaling salita, sa isang banda, inilalantad ng mga ugaling ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo na tumututol at namumuhi sa katotohanan. Sa isa pang banda, ipinapakita nito kung gaano pinahahalagahan ng mga anticristo ang kanilang sariling katayuan, reputasyon, at mga interes. Samantala, ano ang kanilang saloobin ukol sa gawain at mga interes ng iglesia? Iyon ay paghamak at pagiging iresponsable. Walang-wala silang konsensiya at katwiran. Ipinapakita ba ng pag-iwas ng mga anticristo sa responsabilidad ang mga problemang ito? Sa isang banda, ang pag-iwas sa responsabilidad ay nagpapatunay sa kanilang kalikasang diwa ng pagtutol at pagkamuhi sa katotohanan, habang sa isa pang banda, ipinapakita nito ang kawalan nila ng konsensiya, katwiran, at pagkatao. Gaano man napipinsala ng kanilang panggugulo at masasamang gawain ang buhay pagpasok ng mga kapatid, hindi sila nakadarama ng paninisi sa sarili at hindi kailanman nalulungkot tungkol dito. Anong uri ng nilikha ito? Kahit ang pag-amin sa kaunting parte ng kanilang pagkakamali ay maituturing bilang pagkakaroon nila ng kaunting konsensiya at katwiran, ngunit wala ni katiting na ganoong pagkatao ang mga anticristo. Kaya ano sila sa palagay ninyo? Ang mga anticristo ay mga diyablo sa diwa. Gaano mang pinsala ang kanilang ginagawa sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi nila ito nakikita. Hindi nila ito ikinalulungkot ni bahagya sa kanilang puso, ni hindi nila sinisisi ang kanilang mga sarili, at lalong hindi sila nakakaramdam ng pagkakautang. Hinding-hindi ito ang dapat na makita sa mga normal na tao. Sila ay mga diyablo, at ang mga diyablo ay walang anumang konsensiya o katwiran. Kahit gaano karaming masamang bagay ang ginagawa nila, at kahit gaano kalaking mga kawalan ang idinudulot nila sa gawain ng iglesia, mariin nilang tinatangging aminin ito. Naniniwala sila na ang pag-amin dito ay nangangahulugang may nagawa silang mali. Iniisip nila, “Makakagawa ba ako ng mali? Hindi ako kailanman gagawa ng mali! Kung ipapaamin sa akin ang pagkakamali ko, hindi ba’t isang insulto iyon sa aking karakter? Bagama’t sangkot ako sa insidenteng iyon, hindi ako ang nagpasimuno nito, at hindi ako ang pangunahing responsable rito. Hanapin mo ang sinumang gusto mo, pero hindi dapat ako ang hinahanap mo. Ano’t anuman, hindi ko puwedeng aminin ang pagkakamaling ito. Hindi ko puwedeng pasanin ang responsabilidad na ito!” Iniisip nila na sila ay kokondenahin, sesentensiyahan ng kamatayan, at ipapadala sa impiyerno at sa lawa ng apoy at asupre kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali. Sabihin mo sa Akin, kaya bang tanggapin ng ganitong mga tao ang katotohanan? Makakaasa ba ang isang tao na tunay siyang magsisisi? Paano man magbahagi ang iba tungkol sa katotohanan, nilalabanan pa rin ito ng mga anticristo, ipinupuwesto nila ang kanilang sarili laban dito, at sinusuway ito sa kaibuturan ng kanilang puso. Kahit pagkatapos silang tanggalin, hindi pa rin nila inaamin ang kanilang mga pagkakamali, at wala silang ipinapakitang anumang pagpapamalas ng pagsisisi. Nang binanggit ang usapin pagkatapos ng 10 taon, hindi pa rin nila kilala ang kanilang sarili, at hindi pa rin nila inaamin na nagkamali sila. Nang binanggit ang usapin pagkatapos ng 20 taon, hindi pa rin nila kilala ang kanilang sarili, at sinusubukan pa rin nilang pangatwiranan at ipagtanggol ang kanilang sarili. At ang mas kasuklam-suklam pa, nang binanggit ang usapin pagkatapos ng 30 taon, hindi pa rin nila kilala ang kanilang sarili, at sinusubukan pa rin nilang makipagtalo at pangatwiranan ang kanilang sarili, sinasabing: “Hindi ako nagkamali, kaya hindi ko puwedeng aminin ito. Hindi ko ito responsabilidad; hindi ko dapat pasanin ito.” At sa gulat ng lahat, 30 taon pagkatapos silang tanggalin, nagkikimkim pa rin ang mga anticristong ito ng isang saloobin ng paglaban ukol sa paraan ng pangangasiwa sa kanila ng iglesia. Kahit na pagkatapos ng 30 taon, hindi man lang sila nagbago. Kung gayon, paano nila ginugol ang 30 taon na iyon? Maaari kayang hindi nila binasa ang salita ng Diyos o pinagnilayan ang kanilang sarili? Maaari kayang hindi sila nagdasal o nagtapat ng saloobin sa Diyos? Maaari kayang hindi sila nakinig sa mga sermon at pagbabahaginan? Maaari kayang hindi sila nag-iisip, at hindi nagtataglay ng pag-iisip ng isang normal na pagkatao? Tunay na isang misteryo kung paano nila ginugol ang 30 taon na iyon. Tatlumpung taon pagkatapos mangyari ang insidente, puno pa rin sila ng sama ng loob, iniisip na inagrabyado sila ng mga kapatid, na hindi sila nauunawaan ng Diyos, na hindi sila tinrato nang maayos ng sambahayan ng Diyos, naglikha ito ng mga problema para sa kanila, pinahirapan sila nito, at hindi makatarungang pinagbintangan sila nito. Sabihin ninyo sa Akin, kaya bang magbago ng ganitong mga tao? Tiyak na hindi nila kayang magbago. Ang puso nila ay puno ng pagkamapanlaban sa mga positibong bagay, at ng paglaban at pagsalungat. Naniniwala sila na, sa pamamagitan ng paglalantad sa kanilang masasamang gawa at ng pagpupungos sa kanila, sinisira ng ibang tao ang kanilang karakter, dinudungisan ang kanilang reputasyon, at dinudulutan ng napakalaking pinsala ang kanilang reputasyon at katayuan. Hindi sila kailanman lalapit sa Diyos para magdasal, maghanap, at kilalanin ang kanilang sariling mga pagkakamali sa usaping ito, at hindi sila kailanman magkakaroon ng saloobin ng pagsisisi o pag-amin sa kanilang mga pagkakamali. Lalong hindi nila tatanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Ngayon, nagkikimkim pa rin sila ng pagsuway, kawalan ng kasiyahan, at mga hinaing habang pinangangatwiranan nila ang kanilang sarili sa Diyos, at hinihiling sa Diyos na ituwid ang mga kamaliang ito, na ibunyag ang usaping ito, at na hatulan kung sino talaga ang tama at sino ang mali, hanggang sa puntong pinagdududahan at itinatatwa pa nga nila ang pagiging matuwid ng Diyos dahil sa usaping ito, at pinagdududahan at itinatatwa ang katunayan na ang sambahayan ng Diyos ay pinamumunuan ng katotohanan at ng Diyos. Ito ang huling kalalabasan ng pagpupungos sa mga anticristo—tinatanggap ba nila ang katotohanan? Hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti; determinado silang hindi tanggapin ito. Mula rito, makikita natin na ang kalikasang diwa ng isang anticristo ay tumututol at namumuhi sa katotohanan.

Dahil hindi tinatanggap ng mga anticristo ang mapungusan, mayroon ba silang anumang kaalaman sa pagpupungos? Kapag nagbabahagi sila tungkol sa aspektong ito ng katotohanan, ano ang sinasabi nila? Ano ang itinuturo nila sa iba? Sinasabi nila, “Ang pagpupungos sa mga tao ay isang pamamaraan na ginagamit ng diyos para gawin silang perpekto. Nagbibigay-daan ito sa mga tao na mas makilalang mabuti ang kanilang sarili. Kapag ang mga tao ay pinupungusan, dapat nilang tanggapin ito at dapat magpasakop sila rito nang walang kondisyon. Ang mga hindi tumatanggap sa pagpupungos ay mga tao na naghihimagsik laban sa diyos at hindi nagmamahal sa katotohanan. Kung gusto mong isagawa ang katotohanan, kailangan mo munang tumanggap ng pagpupungos; ganito ginagawang perpekto ng diyos ang mga tao, at dapat itong maranasan ng bawat indibidwal. Masasabing ang pagtanggap sa pagpupungos ay isa sa mga pinakamagandang landas ng pagsasagawa para maunawaan ng mga tao ang katotohanan at nang sa gayon ay makilala nila ang kanilang sarili at mapalugod ang diyos. Kahit sino ka man—isang lider o isang ordinaryong mananampalataya—at anumang tungkulin ang ginagampanan mo, dapat kang maghandang mapungusan. Kung hindi mo matanggap ang mapungusan, pinatutunayan nito na isa kang taong walang tayog, isang bata. Ang bawat isa na kayang tanggapin ang mapungusan ay isang taong nasa hustong gulang na nagtataglay ng buhay at may kapabilidad na magawang perpekto.” Ang malalaking salitang ito ay lumalabas mula sa bibig ng mga anticristo na parang mga pukpok ng martilyo, at napakagandang pakinggan ng mga ito! Pero ano ang mga salitang ito? Ang isa man lang bang linya na binibigkas nila ay ang katotohanan? Nakikilatis ba ninyo ito? Madalas din kayong nagsasabi ng gayong mga bagay, hindi ba? (Oo.) Sabihin ninyo sa Akin, ano ang mga salitang ito? (Mga doktrina.) Gumamit ng karaniwang parirala upang ibuod at tukuyin kung ano ang mga doktrina. (Mga islogan.) May iba pa ba kayong naiisip na mga parirala? (Mga walang-kuwenta at teoretikal na salita.) Mayroon pa ba? (Lahat ng ito ay basura at kalokohan.) Tama, tumatama sa punto ang depinisyong ito, at ito ay makatotohanan. Ito ay tinatawag na pang-araw-araw na wika: Ang mga doktrina ay puro kalokohan. Ano ang ipinapahiwatig ng salitang “kalokohan”? Mga walang-kabuluhang salita. Sa realidad, paano natin ito inilalarawan? Bilang mga salita at doktrina. Ang mga salitang ito na binibigkas ng mga anticristo ay mga salita at doktrina lamang. Pagdating sa paksa ng pagpupungos, kaya nilang bigkasin nang madalas ang mga doktrinang ito, ngunit pinatutunayan ba niyon na tunay nilang nauunawaan at naaarok ito? Sa sandaling marinig ninyo silang bumibigkas ng mga salitang ito, alam ninyo na wala silang tunay na pagkaunawa sa pagpupungos. Ang kanilang abilidad na bumigkas ng ganitong tambak ng mga kalokohan ay nagpapakita na hindi nila hinahangad ang katotohanan. Kung talagang mapupungusan sila, hinding-hindi nila tatanggapin ito. Ang saloobin ng isang anticristo sa pagpupungos ay iyong pagkamapanlaban at pagtutol; hindi siya ganap na tumatanggap o nagpapasakop dito bilang ang katotohanan. Para sa kanya, ang paggawa niyon ay magiging isang insulto sa kanyang karakter at dignidad.

Mayroon pa ba kayong ibang halimbawa tungkol sa kung paano tinatrato ng mga anticristo ang mapungusan? (Ang ilang anticristo, kapag nahaharap sa pagpupungos, ay maaaring tila natututo nang kilalanin ang kanilang sarili kung titingnan sa panlabas, ngunit sa likod ng kanilang mga salita, sa loob nito ay magkakaroon ng mga sopismo at isang katangian ng pagtatangkang ilihis ang mga tao. Minsan, kapag nagkakamali sila, sinasabi nila na, “Pinahintulutan ng diyos na mangyari ito, dapat magpasakop ang lahat sa kataas-taasang kapangyarihan ng diyos.” Minsan, gumagawa pa nga ang mga anticristo ng mga huwad na kontra-akusasyon, nagsasabi na, “Hindi mo dapat subukang hanapan ng mali ang mga lider at manggagawa, o magkaroon ng sobrang taas na mga hinihingi sa kanila.” Sinasabi ng mga anticristo ang gayong mga bagay para subukang ilihis ang mga tao at pigilan ang mga tao na makilatis sila.) Ito ay isang pagpapamalas—ibig sabihin, binabaluktot ng mga anticristo ang mga mali para maging tama, binabaligtad nila ang puti at itim. Sa takot na makita ng mga tao ang kanilang mga problema, nagmamadali ang mga anticristo na gumawa ng sopismo at gumamit ng lahat ng uri ng pasalitang panlalansi para ilihis ang mga tao, guluhin ang isipan ng mga ito, at palabuin ang paningin ng mga ito, upang pigilan ang mga ito na magkaroon ng anumang kaalaman o pagkilatis sa mga bagay na ginawa nila, at sa gayon ay mapanatili ang kanilang mataas na katayuan at magandang reputasyon sa isipan ng mga tao. Ito ay kaparehong uri ng saloobin na binanggit natin kanina, tungkol sa kung paanong tiyak na hindi magbabago ang mga anticristo kapag sila ay pinungusan, o kapag sila ay nagkamali o tumahak sa maling landas. Ano pa ang ibang halimbawa? (Naghihinanakit ang mga anticristo sa sinumang pumupungos sa kanila, at sa kalaunan ay maaari pa ngang maghanap sila ng mga pagkakataon na gantihan at atakihin ang taong ito.) Ang pag-atake at pagganti ay isa pang pagpapamalas. Paano ito nauugnay sa pagprotekta ng mga anticristo sa kanilang sariling katayuan at reputasyon? Bakit nila gustong umatake at gumanti? (Ang sinumang nagpungos sa kanila ay naglantad sa lahat ng kasamaan na ginawa nila at sa mga katunayan ng usapin; sinira ng taong ito ang kanilang katayuan at reputasyon, at winasak ang imahe nila na umiiral sa puso ng mga tao, kaya’t nagkimkim sila ng hinanakit dito.) Tama, doon nakasalalay ang ugnayan. Iniisip nila na sinira ng mga taong nagpungos sa kanila ang kanilang pride, inilagay sila sa kahihiyan, sinira ang kanilang reputasyon, at lubos na ibinaba ang kanilang katayuan sa isipan ng iba sa pamamagitan ng paglalantad sa kanila sa harap ng maraming tao. Ito ang dahilan ng kanilang pagganti. Dahil dito, nasira ang kanilang reputasyon at katayuan, at upang mailabas ang kanilang sama ng loob at ang pagkamuhi sa kanilang puso, naghahanap sila ng mga pagkakataon para atakihin at gantihan ang mga tao na naglantad at pumungos sa kanila. Ano pang ibang pagpapamalas ang ipinapakita ng mga anticristo? (Napakatuso rin ng ilang anticristo. Kapag may pumupungos sa kanila, maaaring hindi sila kokontra rito o magpapahayag ng anumang pagkontra sa panlabas, at sa katunayan, tila may nauunawaan na sila sa kanilang sarili, pero sa kalaunan, patuloy nilang gagawin ang parehong masasamang gawa na kanilang ginawa noon at hindi kailanman tunay na magsisisi. Gumagamit sila ng gayong mga pagpapanggap para ilihis ang mga tao.) Ito ay isa pang pagpapamalas. Isang partikular na uri ng anticristo ang gumagawa mismo nang ganoon. Iniisip nila sa kanilang sarili, “Kung may buhay, may pag-asa. Magpapasensiya ako sa ngayon at hindi ko hahayaang makilatis mo ako. Kung tahasan kitang kokontrahin at hindi ko tatanggapin ang mapungusan, sasabihin mo na ako ay isang tao na hindi nagsasagawa o nagmamahal sa katotohanan, at kung kumalat iyang sinabi mo, maaapektuhan nito ang aking reputasyon. Kung malalaman ito ng ating mga kapatid, siguradong tatanggihan nila ang pamumuno ng isang tao na tiyak na walang pagmamahal para sa katotohanan. Kailangan muna akong magtatag ng magandang imahe. Kapag nahaharap ako sa pagpupungos, at may isang tao na naglalantad ng anumang kamalian o pagsalangsang na nagawa ko, ngingisi ako at titiisin ko ito sa pamamagitan ng pagkukunwaring tatanggapin ko ito at tatango ako bilang pag-amin, nang hindi hinahayaang makilatis ako ng sinuman o malaman ng sinuman kung ano talaga ang iniisip ko. Pagkatapos ay magpapakitang-tao lang ako, luluha nang kaunti, at magsasabi ng ilang bagay tungkol sa pagkakautang ko sa diyos, at tatapusin ko na ang usapin. Sa ganoong paraan, iisipin ng mga kapatid na ako ay isang tao na tumatanggap sa katotohanan, at may-karapatang makakapagpatuloy ako na maging lider—at pagkatapos ay mapapanatili ang aking reputasyon at katayuan, hindi ba?” Ang lahat ng kanilang ginagawa ay pagpapakitang-tao. Masasabi ba ninyo na ang mga taong tulad nito ay madaling makilatis? (Hindi sila madaling makilatis.) Kinakailangan ang isang panahon ng pagmamasid at pakikipag-ugnayan sa kanila para makita kung pinoprotektahan ba nila ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa tuwing nahaharap sila sa mga problema, at kung talaga bang nagsasagawa sila ayon sa mga katotohanang prinsipyo o hindi. Gaano man kaganda o kawasto ang kanilang pananalita sa panlabas, pansamantala lamang iyon; sa malao’t madali, lalabas ang paraan kung paano talaga sila mag-isip. Kahit na hindi sila ibunyag ng Diyos, kaya ba ng mga anticristo na itago nang mahigpit ang kanilang mga tunay na kaisipan at ang kalikasang diwa nila? Kaya ba nilang pagtakpan ang mga ito sa buong buhay nila? Imposible iyon; sa malao’t madali, mabubunyag ang mga bagay na ito. Kaya, gaano man kabuktot o katuso ang mga anticristo, hangga’t nagkikimkim sila ng mga intensyon at motibo at kumokontra sa katotohanan sa kanilang mga kilos, makikilala at makikilatis sila sa huli ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga anticristong gaya nito ang pinakatuso sa lahat; sa panlabas, tila tinatanggap nila ang katotohanan at mga positibong bagay, pero ang totoo, sa kaibuturan ng kanilang puso at sa kanilang diwa, hindi nila minamahal ang katotohanan, at tutol pa nga sila sa mga positibong bagay at sa katotohanan. Dahil mahusay silang magsalita, karamihan ay hindi nakakakilatis sa kanila, at tanging ang mga tao na nakakaunawa sa katotohanan ang nakakakilatis at nakakakilala sa ganitong uri ng tao. Mayroon pa bang ibang halimbawa? (May isang anticristo na nakakita na ang kanyang mga katrabaho ay may mas mahusay na kakayahan kaysa sa kanya at mas mahusay sila sa gawain kaysa sa kanya. Upang mapanatili ang kanyang katayuan, palihim niyang binaluktot ang mga katunayan at nanghusga siya sa kanyang mga katrabaho at katuwang, inililihis ang mga tao, inaakit at hinihikayat ang mga ito na makinig sa kanya. Humantong ito sa kawalan ng tiwala sa isa’t isa sa kanyang mga katrabaho. Hindi na sila nagtutulungan nang magkakasundo, at wala nang resultang natatamo sa anumang aspekto ng gawain. Nang malantad ang masasamang gawa ng anticristo, bukod sa hindi niya ito tinanggap, nagdahilan pa siya at nagtangkang umiwas sa responsabilidad. Malinaw na gagawin niya ang lahat alang-alang sa kanyang reputasyon at katayuan; kahit gaano karaming kapatid ang napinsala niya, at kahit gaano kalubha niyang nagulo at nagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos, sadyang wala siyang pakialam, at lalong hindi siya nalungkot o nakonsensiya. Wala siyang ni isang hibla ng pagkatao o katwiran.) Sa madaling salita, walang pag-aalinlangan ang mga anticristo tungkol sa pagsasakripisyo nila sa mga interes ng sinuman para lang maprotektahan ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Kahit na kailangan pa nilang tapakan ang lahat ng tao para mapanatili ang kanilang sariling katayuan, hindi sila mag-aatubiling gawin ito. Pagdating sa pagpoprotekta ng kanilang reputasyon at katayuan, wala silang pakialam kung mabubuhay o mamamatay ang iba, sadyang wala sa kanilang isipan ang mga gawain ng sambahayan ng Diyos at ang mga interes ng iglesia, at talagang hindi saklaw ng kanilang pagsasaalang-alang ang mga ito. Mula sa mga kilos na ito, makikita natin na ang mga anticristo ay hindi mga tao ng sambahayan ng Diyos; sila ay mga walang pananampalataya na nakapasok dito. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi ang kanilang tahanan, kaya’t wala sa mga interes nito ang may anumang kinalaman sa kanila. Gusto lang nilang matamo ang kanilang layon na humawak ng kapangyarihan at kontrolin ang mga tao, at matugunan ang kanilang mga pansariling ambisyon at pagnanais sa sambahayan ng Diyos. Dahil ito ang uri ng kalikasang diwa na mayroon ang mga anticristo, tiyak na hindi nila tatanggapin ang mapungusan, ni tatanggapin ang anumang aspekto ng katotohanan.

Mula sa mga halimbawang ibinigay natin, makikita mo na likas sa mga anticristo ang kanilang ambisyon at pagnanais na maghangad ng reputasyon at katayuan. Ipinanganak nang ganito ang mga anticristo, na may ganitong uri ng kalikasang diwa. Tiyak na hindi nila ito natututunan pagkatapos nilang ipanganak, at hindi rin ito isang kinahinatnan nang dahil sa kanilang kapaligiran. Katulad ito ng mga taong may sakit na hindi naman nagkakasakit pagkatapos nilang ipanganak, kundi minamana nila ito. Ang ganitong mga uri ng mga sakit ay imposibleng magamot. Ipinanganak ang mga anticristo nang may ambisyon na maghangad ng reputasyon at katayuan, at hindi sila naiiba sa mga reinkarnasyon ng mga haring diyablo. Ang mga anticristo ay tumututol at namumuhi sa katotohanan, at hindi nila tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos kahit kailan. Kaya, anumang klase ng pagpupungos ang kinakaharap nila, hindi nila ito tatanggapin. Kung pupungusan sila ng isang ordinaryong kapatid, lalong ayaw nila itong tanggapin. Naniniwala sila na: “Hindi ka kalipikadong pungusan ako, hindi ka karapat-dapat! Ilang araw ka pa lang bang naging isang mananampalataya? Noong maging mananampalataya ako, ni hindi ka pa nga naipanganak! Noong maging lider ako, ni hindi ka pa nga nagsimulang manampalataya sa diyos!” Iyon ang saloobing kinikimkim nila ukol sa mga kapatid na pumupungos sa kanila. Nakatuon sila sa mga kalipikasyon at kataasan ng ranggo, at tinatanggihan nila ang pagpupungos batay sa mga bagay na ito. Kung gayon, kaya ba nilang tanggapin kung pupungusan sila ng ang Itaas? Batay sa kanilang kalikasang diwa, hindi rin nila iyon tatanggapin. Bagama’t wala silang sinasabi sa panlabas, tiyak na lalabanan at tatanggihan ito ng puso nila. Walang duda ito. Kapag tunay silang naharap sa pagpupungos ng ang Itaas, ang pinakakaraniwang pagpapamalas ng mga anticristo ay ang desperadong makipagtalo at pangatwiranan ang kanilang sarili para umiwas sa responsabilidad, magsisinungaling pa nga sa ang Itaas at magtatago ng mga bagay-bagay sa mga mababa sa kanila para makaligtas sila nang walang parusa. Madalas ginagamit ng mga anticristo ang pamamaraan ng pagsisinungaling sa ang Itaas at pagtatago ng mga bagay-bagay sa mga mababa sa kanila para maiwasan ang pagpupungos ng ang Itaas. Halimbawa, kung maraming problema sa isang iglesia, hindi nila ito kailanman iniuulat. Kung nais ng kanilang mga kapatid na iulat ang mga problemang iyon, hindi pinahihintulutan ng mga anticristo ang mga ito, at ang sinumang gumagawa niyon ay susupilin at ibubukod nila. Dahil dito, karamihan sa mga tao ay napipilitang umiwas dito, hinahayaang hindi nalulutas ang mga problema, at kumikilos bilang mga mapagpalugod ng mga tao. Pinagtatakpan ng mga anticristo ang lahat ng problema ng iglesia, ganap na inililihim ang mga ito, at hindi nila pinapayagang makialam o mag-usisa ang ang Itaas. Pinipigilan din ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng gawain ng ang Itaas sa abot ng kanilang makakaya, at hindi nila ipinapasa o ipinapatupad ang mga ito. Kung hindi nakakaapekto sa kanilang personal na reputasyon o katayuan ang mga pagsasaayos ng gawain ng ang Itaas, maaaring magpapahayag lang sila ng mga bagay na pakitang-tao, at iraraos lang nila ang gawain, ngunit tiyak na hindi nila talaga ipapatupad ang mga ito. Kung ang mga pagsasaayos ng gawain ng ang Itaas ay magdudulot ng banta, o magkakaroon ng partikular na epekto sa kanilang reputasyon at katayuan, kung gayon, kailangang mag-isip-isip ng mga anticristo. Kailangan nilang isaalang-alang kung paano kumilos, kanino dapat kumilos, at kailan dapat kumilos. Kailangang balansehin nila ang mga bagay-bagay na ito, paulit-ulit na kakalkulahin ang mga ito sa isipan nila. Kung lumilitaw ang ilang problema sa gawain ng iglesia, alam ng mga anticristo na tiyak silang mapupungusan, o matatanggal pa nga kapag nalaman ng ang Itaas ang tungkol sa mga isyu, kaya, itinatago nila ang mga problema, at hindi iniuulat ang mga ito sa ang Itaas. Wala silang anumang pakialam kung ano ang epekto o pinsalang maidudulot ng mga problemang iyon sa gawain ng sambahayan ng Diyos kung hindi malulutas ang mga ito; wala silang malasakit sa kahit anong kawalan na mararanasan ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi nila iniisip kung anong paraan ng pagkilos ang makakabuti sa gawain ng sambahayan ng Diyos o makakapagpalugod sa Diyos; isinasaalang-alang lamang nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, kung paano sila titingnan at tatratuhin ng ang Itaas, at kung paano nila pangangalagaan ang kanilang reputasyon at katayuan upang hindi maapektuhan ang mga ito. Sa ganitong paraan tinitingnan ng mga anticristo ang mga bagay-bagay at pinag-iisipan ang mga problema, at ganap itong kumakatawan sa kanilang disposisyon. Kaya, tiyak na hindi makatotohanang iuulat ng mga anticristo ang mga problema na umiiral sa loob ng iglesia, o na lumilitaw sa kanilang gawain. Anuman ang gawain nila, anumang paghihirap ang kinakaharap nila, o kung nahaharap sila sa mga sitwasyon na hindi nila alam kung paano pangasiwaan, o kung saan hindi nila alam kung ano ang gagawing pagpapasya, habang isinasakatuparan ang gawain na iyon, pagtatakpan at itatago nila ito, natatakot sila na sasabihin ng ang Itaas na masyadong mahina ang kanilang kakayahan, o na malalaman ng ang Itaas ang kanilang tunay na sitwasyon, o pupungusan sila ng ang Itaas dahil hindi nila maagap na pinangasiwaan at nilutas ang mga paghihirap o sitwasyong iyon. Binabalewala ng mga anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang gawain ng iglesia upang maiwasan ang pagpupungos ng ang Itaas. Hindi sila nag-aatubiling isakripisyo ang gawain at mga interes ng iglesia para lang mapanatili ang kanilang katayuan at kabuhayan, at para matiyak na mayroong magandang impresyon tungkol sa kanila ang ang Itaas. Wala silang pakialam kung naaantala o naaapektuhan ba nila ang pag-usad ng gawain ng iglesia, at mas lalong wala silang pakialam tungkol sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Anuman ang mga suliraning kinakaharap ng mga kapatid, o anuman ang mga problemang umiiral pagdating sa kanilang buhay pagpasok, hindi kayang lutasin ng mga anticristo ang mga ito, at hindi sila kokonsulta sa ang Itaas. Malinaw nilang alam na ang pagtatago ng mga problema at hindi paglutas sa mga ito ay makakaantala at makakaapekto sa pag-usad ng gawain ng iglesia, at magsasanhi ng mga kawalan sa buhay ng mga kapatid, subalit hindi nila pinapansin ang mga bagay na ito, at wala silang pakialam sa mga ito. Anumang malalaking problema ang lumilitaw sa iglesia, hindi nila kailanman iniuulat ang mga ito, sa halip ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para itago at pagtakpan ang mga ito. Kung natutuklasan ng mga kapatid ang kanilang masasamang gawa at nagsusulat ang mga ito ng mga liham na nag-uulat ng kanilang masasamang gawa, lalo pang nagsisikap ang mga anticristo na pigilan at pagtakpan ang mga liham na iyon. Ano ang kanilang layon sa pagpipigil at pagtatakip sa mga liham na iyon? Ito ay para mapanatili ang kanilang katayuan, maprotektahan ang kanilang reputasyon at katanyagan, at mapanatili ang lahat ng kanilang kasalukuyang pag-aari. Para sa kanila, ang tanggalin, o ang pagsusuri ng ang Itaas sa kanila bilang hindi karapat-dapat sa kanilang gawain, ay parang pagkawala ng kanilang buhay at mahatulan ng kamatayan—ito ay parang pagdating nila sa dulo ng daan sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Kaya, ano’t anuman, hindi sila kailanman kumokonsulta sa ang Itaas. Sa halip, nag-iisip sila ng mga paraan kung paano itago ang lahat ng mga problema na umiiral sa kanilang gawain at pigilan ang ang Itaas na matuklasan ang mga ito. Hindi ba’t sobrang kasuklam-suklam ang pagsasagawa nilang ito? Naniniwala sila na ang isang mabuting lider sa mga mata ng Diyos at ng ang Itaas ay dapat na isang tao na hindi kailanman nagkakaroon ng anumang problema o paghihirap, na kayang pangasiwaan nang maayos ang lahat ng bagay, at angkop para sa lahat ng uri ng gawain. Iniisip nila na ang isang mabuting lider ay hindi kailanman nagrereklamo tungkol sa mga paghihirap, o naghahanap ng tulong para sa mga problema, at na ang isang mabuting lider ay tiyak na isang tao na perpekto at walang kapintasan sa isipan ng Diyos at ng ang Itaas, na kayang tapusin nang maayos ang gawain nang hindi siya kailangang pungusan ng ang Itaas. Dahil dito, masidhi nilang pinangangalagaan ang kanilang katayuan, umaasang makapagbibigay ng magandang impresyon sa ang Itaas, at maling papaniwalain ang ang Itaas na angkop sila para sa kanilang gawain, na kaya nilang pasanin ang kanilang gawain, at na walang mangyayaring malalaking problema, at kaya, iniisip na hindi sila kinakailangang direktang tanungin tungkol sa kanilang gawain o bigyan ng patnubay, at lalong hindi sila kinakailangang pungusan. Gusto ng mga anticristo na lumikha ng ganitong uri ng imahe para sa kanilang sarili, upang maling papaniwalain ang iba na naniniwala sa kanila ang Diyos at ipinagkakatiwala sa kanila ng Diyos ang lahat ng bagay, na iniaatas Niya sa kanila ang mahahalagang gampanin at may malaking tiwala ang Diyos sa kanila, hanggang sa punto na nag-aatubili Siyang pungusan sila, dahil sa takot na ang kanilang pagiging negatibo at pagpapakatamad ay makakaapekto sa gawain. Pinapaniwala ng mga anticristo ang mga kapatid na sila ay mga tanyag na tao sa sambahayan ng Diyos at sa iglesia, at mahahalagang personalidad sa sambahayan ng Diyos. Bakit ba gusto nilang itanim sa isip ng mga kapatid ang ganitong uri ng ilusyon at pagpapanggap? Ito ay upang pahalagahan at sambahin sila ng mga tao, upang matamasa nila ang mga pakinabang ng kanilang katayuan sa iglesia, pati na ang mataas na katayuan at magandang pagtrato, hanggang sa punto na maaaring mapalitan nila ang puwesto ng Diyos. Madalas nilang sinasabi sa mga kapatid na, “Hindi magagawa ng diyos na makipag-usap sa inyo nang personal, hindi niya magagawang bumaba sa inyong antas at personal na isakatuparan ang gawain, at hindi posibleng makapamuhay siya nang kasama ninyo, at gabayan niya kayo sa lahat ng magkakaibang bagay na kinakaharap ninyo sa inyong pang-araw-araw na buhay. Kaya, sino ang magsasagawa ng mga partikular na gampaning ito? Hindi ba’t ang mga lider at manggagawa na gaya natin?” Habang ginagawa nila ang kanilang makakaya para mapangalagaan ang kanilang katayuan, madalas nilang sinasabi ang ganitong mga bagay at ipinapahayag ang ganitong mga ideya, nang sa gayon ay ganap at walang alinlangang maniniwala at magtitiwala sa kanila ang mga kapatid. Ano ang kalikasan ng kanilang pagsasagawang ito? Hindi ba’t ito ay pagsisinungaling sa ang Itaas at pagtatago ng mga bagay-bagay mula sa mga taong nasa ibaba nila? (Oo.) Ito ang wais na parte ng kanilang pamamaraan. Karamihan sa mga tao ay may mahinang kakayahan, hindi nila nauunawaan ang katotohanan, hindi nakikilatis ang mga anticristo, at maaari lamang silang ilihis at gamitin ng mga anticristo. Kung direktang magtatangka ang mga anticristo na ilihis ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabing: “Talagang may pananalig sa akin ang ang itaas, nakikinig sila sa akin sa lahat ng bagay,” baka maging medyo mapagbantay ang mga tao at magkaroon ng kaunting pagkilatis sa kanila, ngunit hindi nagsasalita ang mga anticristo sa direktang paraan na tulad nito. Gumagamit sila ng partikular na paraan ng pagsasalita para ilihis ang mga tao, at maling papaniwalain ang mga ito na tiyak na may pananalig at tiwala sa kanila ang ang Itaas para ipagkatiwala sa kanila ang gawain ng pamumuno. Ang mga hangal na walang pagkilatis at hindi naghahangad sa katotohanan ay napapaniwala rito at napapasunod sa kanila. At, kapag may nangyayari, hindi nagdarasal sa Diyos o naghahanap sa katotohanan sa mga salita ng Diyos ang mga hangal na iyon, sa halip, lumalapit sila sa mga anticristo, humihiling sa mga anticristo na ipakita sa kanila ang daan at pumili ng landas para sa kanila. Ito ang layon na gustong matamo ng mga anticristo sa kanilang mga kilos. Kung walang iilang tao sa iglesia na nakakaunawa sa katotohanan na kumikilatis at naglalantad sa mga anticristo, ang karamihan sa mga tao ay bulag na maniniwala sa kanila, sasamba at susunod sa kanila, at mamumuhay sa ilalim ng kanilang kontrol. Napakamapanganib nito! Kung ang isang tao ay maililihis at makokontrol ng isang anticristo sa loob ng tatlo o limang taon, dadanas ng malaking kawalan ang buhay niya. Kung siya ay maililihis at makokontrol ng isang anticristo sa loob ng walo o 10 taon, tuluyan na siyang mawawasak; kahit na gusto pa niyang tubusin ang kanyang sarili, hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataon.

Madalas na inililihis ng mga anticristo ang mga tao, kinukuha ang loob at kinokontrol ang mga tao gamit ang mga pahayag na sila ay mga tanyag na tao sa sambahayan ng Diyos, na sila ay inilagay ng Diyos sa mga importanteng posisyon, at na sila ay pinahahalagahan at pinagkakatiwalaan ng Diyos, sa pagsisikap na matamo ang kanilang layon na palaging magtamasa ng katayuan at habambuhay na silang mayroon ng huling salita. Ano ang pinakakinatatakutan ng mga anticristo? Pinakakinatatakutan nila ang mawalan ng kanilang katayuan at magkaroon ng pangit na reputasyon. Natatakot sila na iisipin ng mga kapatid na hindi nila hinahangad ang katotohanan, na napakahina ng kanilang kakayahan, at na wala silang espirituwal na pang-unawa, o hindi sila gumagawa ng aktuwal na gawain, at na hindi nila kayang gumawa ng anumang aktuwal na gawain. Ito ang mga bagay na pinakakinatatakutang marinig ng mga anticristo. Kapag naririnig ng mga anticristo ang gayong mga pahayag at deklarasyon, natataranta sila at naiinis pa nga, kung minsan ay umaabot pa sila sa pag-aalboroto, nagsasabing, “Mahina ang kakayahan ko, kaya sige, gamitin mo kung sino ang puwede mong gamitin; tutal, hindi ko naman kaya ang gawaing ito! Hindi ba’t matuwid ang diyos? Nananampalataya ako sa kanya sa loob ng maraming taon, isinuko ko ang aking pamilya at propesyon para sa kanya, at nagsumikap ako nang labis para sa inyong lahat, mga kapatid ko. Bakit wala man lang kayong makatarungang masabi tungkol sa akin?” Hindi na sila makapaglaan ng atensiyon sa kanilang reputasyon at katayuan, ni hindi na rin nila sinusubukang pagtakpan ang kanilang sarili o magkunwari pa; buong-buong nakaladlad ang kanilang kapangitan. Pagkatapos ilabas ang kanilang galit, pinupunasan nila ang kanilang mga luha at iniisip na, “Naku; pinahiya ko lang ang sarili ko. Kailangan kong bumawi!” Pagkatapos ay nagpapatuloy sila sa pagkukunwari, nagpapatuloy sila sa pag-aaral ng magagandang islogan at doktrina, at sa pakikinig, pagbabasa, pangangaral, at panlilihis sa mga tao. Pakiramdam nila na kailangan nilang isalba ang kanilang reputasyon at katayuan, at umaasa sila na isang araw, kapag oras na ng halalan, iisipin pa rin sila ng mga kapatid, na maaalala ng mga ito ang mabubuting bagay na nagawa nila, ang mga halagang ibinayad nila, at ang mga bagay na nasabi nila. Lubos itong kawalan ng kahihiyan, hindi ba? Ang lumang kalikasan nilang iyon ay hindi pa rin nagbabago, hindi ba? Bakit hindi nagbabago ang mga anticristo kahit kailan? Ito ay natutukoy ng kanilang kalikasang diwa, hindi nila kayang magbago; ganito lang talaga sila. Kapag ang kanilang ambisyon at mga pagnanais ay tuluyang naglaho, nagwawala sila, at pagkatapos ay mas gumaganda ang kanilang asal. Nagtanong Ako kamakailan tungkol sa kung kumusta na ang isang tao, at sinabi ng ilang kapatid na naging napakaganda ng asal niya. Ano ang ibig sabihin ng “maganda ang asal”? Ibig sabihin, mas higit na siyang nagpakabait ngayon, at mas maayos na ang kanyang kilos kaysa dati; hindi na siya nagsasanhi ng gulo, umaatake sa mga tao, o nakikipag-agawan para sa katayuan, at natututo na siyang makipag-usap sa mga tao nang mas malumanay, mapagpakumbaba, at tahimik. Pagkatapos ay gumagamit siya ng mga tamang salita para tulungan ang iba, at sa kanyang pang-araw-araw na buhay, nagpapakita siya ng espesyal na pagmamalasakit at pag-aalaga sa ibang tao. Para bang naging isang ganap na bagong tao na siya. Ngunit totoo bang nagbago na talaga siya? Hindi. Kung gayon, ano ang mga pagsasagawang iyon? (Mga panlabas na mabuting pag-uugali.)

Pagkatapos maibunyag ang ilang anticristo at mailantad ang lahat ng kanilang masasamang gawa, kapag nakikita nila ang mga kapatid, sinasabi nila na, “Pakiramdam ko ay naliwanagan at natanglawan ako ng diyos kamakailan, at nasa tunay na mabuting kalagayan ako. Lubos kong kinamumuhian ang mga dati kong kilos, at hinding-hindi ko malilimutan o mabibitiwan ang mga kawalang idinulot ko sa aking mga kapatid. Masyado akong nalulungkot.” Habang sinasabi nila ito, napapahagulgol sila at kusa pa nga nilang hinihiling sa mga kapatid na pungusan sila, sinasabing, “Huwag kayong mag-alala sa pagiging mahina ko. Kung makikita ninyo na may mali akong ginagawa, pungusan ninyo ako, kaya ko itong tanggapin—kaya ko itong tanggapin mula sa diyos; hindi ako magkikimkim ng sama ng loob sa inyo.” Mula sa matigas na pagtanggi, paglaban, at pagsuway na mapungusan ng mga kapatid, pagbibigay-katwiran at pagtatanggol sa kanilang sarili, at pagiging puno ng sama ng loob, naging aktibo sila sa paghahangad na mapungusan. Ito ay medyo mabilis na pagbabago ng saloobin, hindi ba? Ibig bang sabihin nito ay nagsisisi sila? Batay sa saloobing ito, mukhang nagbago na sila, kaya dapat mo silang pungusan. Kung gagawin ito, mapagtatanto nila ang mga pagkakamaling nagawa nila sa nakaraan, at matutulungan silang makilala ang kanilang sarili. Sa sandaling iyon, dapat mo silang tulungan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaunting sinseridad, at sabihing, “Nakikita ko na medyo maayos na ang ikinikilos mo kamakailan. Kakausapin kita nang mula sa puso ko. Kung may masabi akong mali, at hindi mo ito matanggap, huwag mo na lang pansinin; kung naniniwala ka na tama ang sinasabi ko, tanggapin mo ito mula sa Diyos. Ang layunin ko ay ang tulungan ka, hindi para saktan ka habang nahihirapan ka o para atakihin ka. Buksan natin ang ating puso sa isa’t isa at magbahaginan tayo. Noong naglingkod ka bilang isang lider, mapagmataas kang palakad-lakad sa paligid, at tumatangging aminin ang iyong mga pagkakamali; kahit na sa panlabas ay inamin mo ang ilan, hindi mo naman talaga tinanggap na may kasalanan ka sa loob-loob mo—at pagkatapos, nang maharap ka sa parehong isyu, kumilos ka pa rin gaya ng dati. Pag-usapan natin ang huling insidenteng iyon, halimbawa. Dahil naging iresponsable ka, may nangyaring mali, at nagkaroon ng malaking kawalan sa mga ari-arian ng sambahayan ng Diyos. Dahil sa iyong pagiging iresponsable, naaresto at nakulong ang maraming kapatid, at nagbayad sila ng halaga para dito. Hindi mo ba naisip na dapat mong akuin ang responsabilidad para doon? Ikaw ang tao na direktang responsable sa insidenteng iyon, kaya dapat kang humarap sa Diyos, magkumpisal ng iyong mga kasalanan, at magsisi. Sa katunayan, kung aaminin mo ang iyong pagkakamali, sa pinakamalala ay ituturing lang ito ng Diyos bilang isang pagsalangsang, at hindi ito makakaapekto sa paghahangad mo sa katotohanan sa hinaharap. Magagawa ka ring tratuhin nang maayos ng mga kapatid at ituturing ka nila bilang miyembro ng sambahayan ng Diyos; hindi ka nila itatakwil o aatakihin. Totoo na ang lahat tungkol sa isang tao ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit kung hindi mo kailanman hahangarin ang katotohanan, tiyak na kamumuhian at aabandonahin ka ng Diyos, at sa puntong iyon, magiging target ka ng pagkawasak. Kung tatanggapin mo at magpapasakop ka sa gawain ng Diyos at tunay kang magsisisi, hindi na maaalala ng Diyos ang iyong mga nakaraang pagsalangsang at magiging isa ka pa ring tao na naghahangad sa katotohanan sa harap ng Diyos. Hindi tayo humihingi ng pagpapaumanhin o kapatawaran Niya, ngunit kahit papaano man lang, kailangan nating gawin ang dapat gawin ng mga tao; ito ang responsabilidad at tungkulin ng bawat nilikha, at ito ang landas na dapat nating tahakin.” Ang mga ito ay mga totoong salita, hindi ba? Mayroon bang anumang pangungutya o panlalansi sa mga ito? Mayroon bang anumang panunuya o panlilibak sa mga ito? (Wala.) Ito ay mga taos-pusong salita lamang, binibigkas nang kalmado at naaayon sa prinsipyo ng pagtulong at pagpapabuti sa mga tao. Ang mga salitang ito ay tama; sa loob ng mga ito, mayroong isang landas ng pagsasagawa, pati na rin ng isang katotohanang dapat hanapin. Subalit, kaya bang tanggapin ng mga anticristo ang mga salitang ito? Kaya ba nilang maarok at isagawa ang mga ito bilang katotohanan? (Hindi nila kaya.) Paano sila tutugon sa mga salitang ito? “Hanggang ngayon, patuloy ninyong binabantayan ang mga pagkakamali ko, ayaw talaga ninyong palampasin ang mga iyon, ano? Kahit ang diyos ay hindi inaalaala ang mga dating pagsalangsang ng mga tao, kaya bakit palagi ninyong tinitingnan ang sa akin? Sinasabi ninyo na gusto ninyong makipag-usap sa akin nang puso-sa-puso at na tinutulungan ninyo ako. Anong klaseng tulong ito? Malinaw na isa itong pagtatangkang halukayin ang nakaraan at papanagutin ako. Sinusubukan lamang ninyo na ipaako sa akin ang responsabilidad, hindi ba? Ako lang ba ang may pananagutan para sa insidenteng iyon? Ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng diyos, ibig sabihin, siya ang may pananagutan. Nang mangyari ang insidenteng iyon, bakit hindi tayo binigyan ng diyos ng anumang pahiwatig tungkol dito? Hindi ba’t ito ay inihanda ng diyos? Kung gayon, paanong sinisisi ninyo ako?” Sinasabi nila kung ano ang nasa isipan nila, hindi ba? Nasaan ba ang kanilang problema? Sa panlabas, tila sila ay nagbago na at naging mas mapagpakumbaba; mukhang mas maayos na ang kanilang pag-uugali kaysa dati, na para bang hindi na nila hinahangad ang katayuan at reputasyon at tila kaya na nilang umupo nang mahinahon, kausapin ang isang tao, at makipag-usap nang puso-sa-puso. Kung gayon, paanong nagagawa pa rin nilang magsalita nang gaya nito? Anong problema ang makikita rito? (Ang paraan ng kanilang pagkilos ay isa lamang ilusyon na kanilang ipinapakita para makabawi sila.) Ano pa? (Hindi nila talagang kilala ang kanilang sarili, at ang mga iyon ay hindi mga pagpapakita ng tunay na pagsisisi. Ang mga iyon ay isang uri lamang ng mapagpaimbabaw na pagsasagawa. Kapag nagbabahagi sa kanila ang ibang tao tungkol sa kanilang mga problema, wala pa rin silang kapabilidad na tanggapin ang katotohanan. Malinaw na ang kanilang kalikasang diwa ay mapanlaban sa katotohanan.) Dalawang punto ang napakalinaw rito. Una sa lahat, kapag nawalan ang isang anticristo ng katayuan, ang isa sa kanilang kalagayan ay, “Kung may buhay, may pag-asa”—palagi silang handang bumangong muli. Ang ikalawang punto ay tungkol sa maling landas na tinahak nila noon at sa mga pagsalangsang na nagawa nila, tiyak na hindi kailanman tunay na nagninilay-nilay sa kanilang sarili ang mga anticristo. Hindi nila aaminin ang kanilang mga pagkakamali o tatanggapin ang katotohanan, at lalong hindi nila mauunawaan ang kanilang diwa mula sa mga katunayan ng kanilang masamang gawa, o maibubuod kung paano magsagawa ayon sa katotohanan. Kapag tinanggal sila at nawalan sila ng katayuan, hindi nila iniisip na, “Ano ba mismo ang nagawa kong mali? Paano ako dapat magsisi? Kung mangyayari ulit ang ganitong bagay, paano ako dapat kumilos para maging kaayon ako sa layunin ng Diyos?” Wala silang ganitong saloobin na baguhin ang kanilang sarili. Kahit na pungusan sila, at kahit na matanggal sila, hindi pa rin sila magbabago at maghahangad sa katotohanan, maghahanap ng landas ng pagsasagawa, o magbabago ng direksyon sa kanilang paghahangad. Gaano man kalaki ang mga kawalang idinudulot nila sa sambahayan ng Diyos at gaano man katindi ang kanilang pagbagsak, hinding-hindi nila ipagtatapat ang kanilang mga kasalanan. Ang mga kabiguan nila ay hindi magtutulak sa kanila na hangarin at hanapin ang katotohanan sa sumusunod na panahon; sa halip, magkakalkula sila sa kung ano ang maaari nilang gawin para maisalba ang lahat at mabawi ang katayuang nawala sa kanila. Ito ang dalawang punto. Ang una ay isang uri ng kalagayang mayroon sila pagkatapos mawalan ng katayuan, kung saan palagi silang handang bumangon muli. Ang pangalawang punto ay ang kanilang pagtangging aminin o unawain ang maling landas na tinahak nila. Sa loob ng pangalawang punto na ito, ang hindi pag-unawa sa maling landas na tinahak nila ay isang parte lang nito; dagdag pa rito, tiyak na hindi sila tunay na magsisisi, o tatanggap sa katotohanan, at siguradong hindi rin sila babawi sa mga pinsalang ginawa nila sa sambahayan ng Diyos nang may pusong nagsisisi. Tiyak na hindi nila iisipin kung paano magbabago, kung paano sila magbabago mula sa pagiging mga tao na hindi naghahangad sa katotohanan tungo sa pagiging mga tao na naghahangad at nagsasagawa sa katotohanan. Malinaw na ipinapakita ng dalawang punto na ang mga anticristo ay tutol sa katotohanan at likas na buktot; talagang magaling sila sa pagbabalatkayo at pakikibagay sa kanilang kapaligiran, gaya ng mga hunyango. Mayroon silang pabago-bagong diwa, at sa kaibuturan ng kanilang puso, hinding-hindi humuhupa ang kanilang paghahangad sa katayuan at mga ambisyon at pagnanais, ni hindi ito magbabago kailanman. Walang sinuman ang makakapagpabago sa mga taong iyon. Kung titingnan ang mga pagpapamalas na ito, ano ang kalikasang diwa ng ganitong klase ng tao? Kapatid ba ang isang anticristo? Tunay na tao ba ang isang anticristo? (Hindi.) Kung mga kapatid ang tingin ninyo sa mga taong ito, hindi ba’t ibig sabihin niyon ay lubha kayong hangal? Ang mga pagpapamalas na ito ay mga pagbubunyag ng diwa ng isang anticristo. Kapag ang mga anticristo ay walang katayuan, ganito ang kalagayan nila; ang mga kalkulasyon sa kanilang puso, ang kanilang ibinubunyag, at kung paano sila kumikilos sa panlabas, at ang uri ng saloobing mayroon sila sa kaibuturan ng kanilang puso tungkol sa katotohanan at sa kanilang mga pagsalangsang ay ganito, at hindi magbabago ang kanilang pananaw. Gaano ka man magbahagi tungkol sa katotohanan o magsalita tungkol sa mga tama at positibong landas ng pagsasagawa, talagang hindi nila kailanman tatanggapin ito sa kaloob-looban nila; sa halip, lalabanan nila ito. Maniniwala pa nga sila na, “Sabagay, wala na akong katayuan kaya wala nang silbi ang sinasabi ko. Wala nang sumusuporta sa akin; gusto lang ninyo akong kutyain at turuan ng leksiyon. Kalipikado ka bang turuan ako ng leksiyon? Sino ka ba sa inaakala mo? Noong naging lider ako, ni hindi ka pa nga marunong maglakad! Hindi ba’t sa akin mo natutunan ang ilang bagay na sinasabi mo? At ngayon sinusubukan mo pa akong turuan ng leksiyon. Talagang hindi mo alam kung saan ka lulugar sa mundo!” Iniisip nila na kailangan ng mga tao ng isang partikular na kataasan ng ranggo para pungusan sila, kausapin sila, makipag-usap sa kanila, o magkaroon ng puso-sa-pusong usapan kasama sila. Anong uri ng bagay ang mga ito? Tanging mga anticristo ang kayang magsabi ng ganitong mga bagay; ang mga normal na tao, at mga tao na may kaunting kahihiyan at kaunting katwiran, ay hindi kailanman magsasabi ng ganitong mga bagay. Kung may isang tao na nangangaral ng sermon sa inyo, mahinahong nakikipag-usap nang puso-sa-puso sa inyo, at tinutukoy ang mga problemang mayroon kayo at nagbibigay sa inyo ng ilang mungkahi, kaya ba ninyong tanggapin ito? O magkakaroon kayo ng parehong mentalidad na tulad ng sa isang anticristo? Halimbawa, sabihin nang isa kang mananampalataya sa loob ng 10 taon ngunit hindi ka kailanman naglingkod bilang isang lider. May ibang tao na dalawang taon pa lamang nananampalataya ngunit mayroon siyang mas mataas na katayuan kaysa sa iyo, at masama ang loob mo tungkol dito. Sabihin nang nanampalataya ka sa Diyos sa loob ng 20 taon bago ka naging isang lider ng distrito sa wakas. May isang tao na naging lider ng rehiyon matapos manampalataya nang limang taon lamang at nagsisimula siyang pamunuan ka, at nahihirapan kang tanggapin ito. Kung pupungusan ka niya, hindi ka komportable, at kahit na tama siya na pungusan ka, ayaw mo pa ring tanggapin ito. Ni minsan ba ay nagtaglay ka ng ganitong uri ng saloobin o mga pagpapamalas? (Oo.) Ito ay disposisyon ng isang anticristo. Sa tingin mo ba na tanging mga anticristo ang may disposisyon ng isang anticristo? Ang sinumang may disposisyon ng isang anticristo ay nasa panganib, maaari siyang tumahak sa landas ng isang anticristo, at maaari siyang wasakin ng disposisyong ito. Ganoon ang mga bagay-bagay. Kapag nagbabahaginan tayo tungkol sa diwa ng isang anticristo at naghihimay-himay tungkol dito, kasali rin dito ang mga taong may disposisyon ng isang anticristo. Masasabi ba ninyo na ang mga taong kasali rito ay ang minorya o ang mayorya? O kasali ba rito ang lahat? (Kasali rito ang lahat.) Tama, dahil ang disposisyon ng isang anticristo ay ang disposisyon ni Satanas, at ang lahat ng tiwaling tao ay nagtataglay ng disposisyon ni Satanas. Ngayon, nagbahaginan na tayo nang kaunti tungkol sa paksang ito ng kung paano tinatrato ng mga anticristo ang mapungusan. Para sa higit pang detalye, maaaring magbigay ng ilang kongkretong halimbawa. Kayo na ang bahalang magbahaginan tungkol dito sa inyong mga pagtitipon. Habang nagbabahaginan kayo, huwag palaging pag-usapan ang tungkol sa kalagayan ng ibang tao. Siyempre, hindi maiiwasan ang pagbabahaginan tungkol sa mga pagpapamalas ng iba, ngunit dapat pangunahin ninyong ibahagi ang sarili ninyong mga pagpapamalas. Kung matutuklasan ninyo sa inyong sarili ang ilang pagpapamalas o mga pagbubunyag na nauugnay sa disposisyon ng isang anticristo, ito ay makatutulong at magiging kapaki-pakinabang sa inyong pagkakilala sa sarili, at matutulungan kayo nito na maalis ang disposisyong iyon sa inyo.

Nagbahaginan na tayo dati tungkol sa paksa ng iba’t ibang pagpapamalas ng disposisyon ng isang anticristo—nagagawa na ba ninyo ngayon na ikumpara ang inyong sarili sa mga ito? Nagtamo na ba kayo ng kaunting pagkaunawa? Kaya na ba ninyong lutasin ang ilang tunay na problema? Anumang aspekto ng inyong mga tiwaling disposisyon ang babaguhin ninyo, lahat ito ay nakakamit sa pundasyon ng pag-unawa sa katotohanan, pagkumpara sa inyong sarili sa katotohanan, at pagkatapos ay pagkakaroon ng kaunawaan sa inyong sarili. Samakatwid, ang magawang kilatisin at himay-himayin ang iba’t ibang pagpapamalas ng isang tiwaling disposisyon ay isang landas na kailangan ninyong tahakin pagdating sa pagkilala sa inyong sarili at pagtatamo ng pagbabago ng disposisyon. Nauunawaan na ba ninyo ang puntong ito? Ang ilan sa inyo ay maaaring hindi pa, at iniisip na, “Palagi Kang nagbabahagi tungkol sa mga walang-kabuluhang paksa at mga bagay-bagay na ito; hindi Ka kailanman nagsasalita tungkol sa ilang malalim na katotohanan o nagbubunyag ng anumang malalalim na misteryo. Masyado itong nakakabagot at nakakainip! Ano ang kinalaman ng mga bagay na ito na ibinabahagi Mo sa aming pagpasok sa kaharian ng langit, pagtamo ng malalaking pagpapala, at pagpeperpekto sa amin sa hinaharap?” Hindi kailanman nakakaunawa ang mga taong ito; inaantok sila habang nakikinig sa mga bagay na ito. Ang mga taong walang espirituwal na pang-unawa ay hindi nakakaunawa rito; hindi nila nauunawaan ang iba’t ibang kalagayan ng tao na tinutukoy ng bawat katotohanan, o ang mga kaugnayan sa pagitan ng iba’t ibang katotohanan. Hindi nila nauunawaan ang mga bagay na ito. Habang mas detalyado ang paliwanag na ibinibigay mo sa kanila, lalo lang silang nalilito at mas kaunti ang natatanggap nila, kaya lagi silang inaantok. Kapag nagsimula ang isang pagtitipon, kumakanta at sumasayaw sila, at hindi sila inaantok kahit gaano pa man nakakabagot o paulit-ulit ang mga panuntunan at seremonya. Gayumpaman, sa oras na nagbahagi ka tungkol sa katotohanan at sa iba’t ibang kalagayan ng mga tao, nagsisimula silang antukin. Ano ba ang nangyayari sa mga tao na laging inaantok nang ganoon? Hindi ba’t nabunyag na sila? Ito ay isang pagpapamalas ng hindi pagmamahal sa katotohanan, hindi ba? Pagdating sa mga detalye ng iba’t ibang katotohanan na may kinalaman sa buhay pagpasok, ang mga taong tunay na naghahangad sa katotohanan at nagtataglay ng partikular na kakayahan ay mas nakakaunawa sa mga ito habang lalo nilang napapakinggan ang mga ito, samantalang ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan at walang espirituwal na pang-unawa ay lalo lang nalilito habang mas napapakinggan nila ang mga ito. Habang mas nakikinig sila, lalong nagiging nakakabagot ang mga ito para sa kanila, at gaano man sila makinig, ganoon pa rin ang nararamdaman nila; wala silang marinig na landas sa mga ito. Pakiramdam nila, hindi naman talaga ganoon kakomplikado ang mga bagay na may kinalaman sa buhay pagpasok, kaya hindi kailangang masyadong magbahagi tungkol sa mga ito. Ganito ang mga taong walang espirituwal na pang-unawa. Ang pagbabago ng disposisyon ay may kasamang napakaraming katotohanan. Kung, sa landas ng paghahangad na baguhin ang kanilang disposisyon, ay hindi gumugugol ng oras at pagsisikap ang mga tao sa bawat katotohanan, hindi nagtatamo ng pagkaunawa, pagkaarok, at kaalaman sa bawat katotohanan, at hindi nakakahanap ng landas ng pagsasagawa, kung gayon, tiyak na hindi sila makakapasok sa anumang katotohanan. Ano ang paraan para makilala ng mga tao ang Diyos? Ito ay sa pamamagitan ng pag-unawa at pagpasok sa lahat ng iba’t ibang katotohanan; ito lamang ang paraan. Dagdag pa rito, ang bawat katotohanan ay hindi isang uri ng teorya o kaalaman o pilosopiya; ito ay may kinalaman sa buhay ng mga tao at sa estado ng kanilang pag-iral, sa mga kalagayan nila at mga bagay na iniisip nila bawat araw, at sa iba’t ibang kaisipan, ideya, layunin, at saloobin na nabubuo nila sa ilalim ng pangingibabaw ng kanilang mga tiwaling diwa. Kaya, ito ang mga paksang pinag-uusapan natin. Kapag naintindihan mo na ang mga paksang ito, naiugnay ang mga ito sa iyong sarili, natuklasan ang mga prinsipyo ng pagsasagawa, at nakilala ang iba’t ibang kalagayan at pananaw na nabubuo ng iba’t ibang disposisyon mo, talagang mauunawaan mo na ang mga katotohanang nauugnay sa mga ito, at saka ka lamang makakapagsagawa nang tumpak ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung literal mo lang na nauunawaan ang mga salita, at kapag nakikita mo ang paglalantad ng Diyos sa pagiging makasarili at kasuklam-suklam ng mga anticristo, iniisip mo na, “Makasarili at kasuklam-suklam ang mga anticristo, ngunit ako mismo ay medyo walang pag-iimbot; marami akong maibibigay na pagmamahal, ako ay mapagparaya, ipinanganak ako sa isang pamilya ng mga iskolar, nakatanggap ako ng mas mataas na edukasyon, at naimpluwensiyahan ako ng mga sikat na personalidad at mga obra-maestra, hindi ako makasariling tao”—ang pagsasabi ba ng mga bagay na ito ay pagtanggap sa katotohanan? Ito ba ay pagkilala sa iyong sarili? Halata talaga na hindi mo nauunawaan ang partikular na katotohanang ito, o ang iba’t ibang kalagayan na saklaw ng partikular na katotohanang ito. Kapag nauunawaan mo ang iba’t ibang kalagayan na binabanggit at inilalantad ng Diyos na saklaw ng isang partikular na katotohanan, at naikukumpara mo ang iyong sarili sa mga ito at natutuklasan ang mga tumpak na prinsipyo ng pagsasagawa, makakatahak ka na sa landas ng pagsasagawa sa katotohanan, at makakapasok ka na sa katotohanang realidad. Kung hindi mo pa ito nagawa, kung gayon, isang doktrina lang ang naunawaan mo; hindi mo naunawaan ang katotohanan. Katulad ito ng paksang pinag-usapan pa lang natin, tungkol sa kung paano tinatrato ng mga anticristo ang mapungusan. Ang iba’t ibang kalagayan, pagpapamalas, at pagbubunyag na pinagbahaginan natin ay may kinalaman lahat sa kalikasang diwa at disposisyon ng isang anticristo. Ilan sa mga ito ang nauunawaan mo? Ilan sa mga ito ang naikumpara mo sa iyong sarili? Ang mga pahayag, detalye, at kalagayang nakapaloob sa paksang ito na naarok mo ay may kaugnayan ba sa ibang tao o sa iyo? Ikaw ba mismo ay may koneksyon sa mga kalagayang ito? Tunay mo bang naiugnay ang mga ito sa iyong sarili, o atubili mo lang na kinilala at sinang-ayunan ang mga ito? Nakadepende ito sa iyong pagkaarok at sa iyong saloobin sa katotohanan. Ang pag-uugnay sa mga kalagayang ito sa sarili mo ay isang paunang kinakailangan lamang para maisagawa mo ang katotohanan; hindi ito nangangahulugan na sinimulan mo nang isagawa ito. Gayumpaman, kung hindi mo maiuugnay ang mga kalagayang ito sa iyong sarili, kung gayon ay ganap kang walang kinalaman sa pagsasagawa sa katotohanan. Dahil dito, kapag nakikinig ka sa mga sermon, ano ang maririnig mo? Magpapanggap ka lamang; magmumukhang tila nananampalataya ka sa Diyos, ngunit ang totoo ay hindi ka magsasagawa ayon sa Kanyang mga salita, at hindi ka makakapasok sa realidad ng Kanyang mga salita. Magiging isang karaniwang tao ka lang, isang gamit-panserbisyo, isang hambingan. Pagdating sa kung paano ninyo dapat ikumpara ang inyong sarili sa mga kalagayang ito at kung paano ninyo dapat himay-himayin ang iba’t ibang kalagayan na may kaugnayan sa mga bagay na sinabi Ko, nakasalalay ito sa sarili ninyong kaalaman. Ang magagawa Ko lang ay sabihin sa inyo ang mga salitang ito at tustusan kayo ng mga salitang ito, ngunit para sa iba, kailangang kayo mismo ang magsumikap. Matatanggap man ninyo ang mga salitang ito o hindi ay nakadepende sa inyong saloobin. Ang ilang tao ay mapagmatigas sa kanilang puso; palagi silang nagkukunwari at sinusubukan nilang protektahan ang kanilang katayuan at reputasyon. Malinaw na mayroon silang mga problema, pero hindi nila nakikita ang mga problemang ito at hindi inaamin ang mga ito, at sila pa ang nagkukusang ilantad at himay-himayin ang iba. Dahil dito, nakikinabang dito ang iba pang mga tao, habang sila mismo ay walang nakakamit. Ang mga taong ito ay mga hangal, hindi ba? Ito ay hangal na pag-uugali. Ang punto ng pakikinig sa mga sermon ay hindi para matutunan kung paano kilatisin ang ibang tao, ni para makinig sa ngalan ng ibang tao; ito ay para ikaw mismo ang makarinig kung ano ang sinabi at makamit mo ito. Nakikinig ka sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, at sa mga sermon, at mula sa lahat ng ito ay nauunawaan mo ang katotohanan, nakakamit ang buhay, at nakakamtan ang isang pagbabago sa disposisyon. May kinalaman ba ito sa ibang tao? Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa iyo. Kung panghahawakan mo ang ganitong uri ng saloobin, maaaring mabago ka ng mga salitang ito, maging realidad mo ang mga ito, at tulungan ka ng mga ito na makamtan ang pagbabago sa disposisyon.

Sa unang paksang ito, pinag-usapan natin ang iba’t ibang pagpapamalas ng kung paano tinatrato ng mga anticristo ang mapungusan. Sa isang banda, ang pagbabahaginan tungkol sa paksang ito ay nakakatulong sa inyong lahat na maunawaan ang uri ng saloobin na mayroon ang mga anticristo, at ang mga pagbubunyag ng kanilang kalikasang diwa, pagdating sa bagay na ito; sa kabilang banda, nagbibigay ito sa inyo ng ilang positibong gabay at babala. Maaari ninyong pagbahaginan at lutasin ang mga natitirang problema nang kayo mismo; ang mga ito ay sarili ninyong mga usapin.

2. Kung Paano Tinatrato ng mga Anticristo ang Mas Malalakas Kaysa sa Kanila

Pagdating sa pagnanais ng mga anticristo na protektahan ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, hindi lang sila nagpapakita at nagbubunyag ng kanilang kalikasang diwa kapag sila ay pinupungusan—nahaharap din ang mga anticristo sa marami pang ibang uri ng mga sitwasyon at usapin. Kaya, ang pangalawang paksa na pagbabahaginan natin ay kung paano pinapanatili ng mga anticristo ang kanilang katayuan at reputasyon sa loob ng mga grupo ng mga tao. Habang nasa isang grupo ng mga tao, anong mga pag-uugali ang ipinapakita ng mga anticristo na makapaglalarawan na sa lahat ng kanilang ginagawa, sinusubukan nilang protektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan? Maliwanag ba ang paksang ito o hindi? Malaki ba o maliit ang saklaw nito? Ito ba ay tipikal o hindi? (Tipikal ito.) Ang paksang ito ay direktang nauugnay sa kalikasang diwa ng mga anticristo. Anong mga pagpapamalas ang ipinapakita ng mga anticristo habang namumuhay kasama ng mga grupo ng mga tao? Anong uri ng saloobin at anong mga kilos ang ginagamit nila para protektahan ang kanilang reputasyon at katayuan? Una sa lahat, kung walang katayuan ang mga anticristo, mga anticristo pa rin ba sila? (Oo.) Kailangan mong magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa konseptong ito. Huwag mong isipin na tanging ang mga tao na may katayuan ang maaaring magtaglay ng diwa ng mga anticristo at maging mga anticristo, o na ang mga ordinaryong tao na walang katayuan ay hindi mga anticristo. Sa totoo lang, napakalawak ng saklaw. Ang sinumang tao na nagtataglay ng diwa ng mga anticristo ay isang anticristo pa rin, hindi mahalaga kung siya ay may katayuan o wala, at kung siya man ay isang lider o isang ordinaryong mananampalataya; ito ay natutukoy sa pamamagitan ng kanyang diwa. Kung gayon, anong mga pagpapamalas ang ipinapakita ng mga taong may diwa ng mga anticristo habang sila ay mga ordinaryong tagasunod? Aling mga pagbubunyag ng kalikasang diwa ang nagsisilbing sapat na patunay na sila ay, sa katunayan, mga anticristo? Una, tingnan natin kung paano sila namumuhay sa loob ng mga grupo ng mga tao, kung paano nila tinatrato ang iba, at kung ano ang saloobing kinikimkim nila patungkol sa katotohanan. Ang higit na dapat nating pagbahaginan ay hindi kung ano ang kinakain ng mga anticristo, kung ano ang kanilang isinusuot, kung saan sila nakatira, o kung paano sila gumagala, kundi kung paano nila pinoprotektahan ang kanilang reputasyon at katayuan habang nasa loob ng mga grupo. Kahit na sila ay mga ordinaryong mananampalataya, palagi pa rin nilang sinusubukang protektahan ang kanilang reputasyon at katayuan, palaging ibinubunyag ang ganitong uri ng disposisyon at diwa, at ginagawa ang ganitong uri ng mga bagay. Samakatwid, nagbibigay-daan ito sa atin na mas lalong maunawaan ang disposisyon at diwa ng mga anticristo. May katayuan man o wala ang mga anticristo, at kailanman o saanman sila naroroon, ang disposisyon at diwa ng mga anticristo ay palaging naibubunyag at naipapamalas sa kanila. Hindi ito limitado sa anumang espasyo, heograpiya, o mga tao, pangyayari, at mga bagay.

Kapag gumagawa ng tungkulin ang mga anticristo, anuman ito at kahit nasaang grupo pa sila, nagpapamalas sila ng kakaibang uri ng pag-uugali, iyon ay na sa lahat ng bagay, gusto nilang palaging namumukod-tangi at nagpapakitang-gilas, may gawi silang palaging pigilan ang mga tao at kontrolin ang mga ito, gusto nilang palaging pamunuan ang mga tao at na sila ang masunod, gusto nilang palagi silang napapansin, gusto nilang palaging makuha ang tingin at atensiyon ng mga tao, at gusto nilang hangaan sila ng lahat. Sa tuwing sumasali ang mga anticristo sa isang grupo, kahit gaano pa karami ang bilang nito, kahit sino pa ang mga miyembro ng grupo, o kahit ano pa ang propesyon o pagkakakilanlan ng mga ito, tinatasa ng mga anticristo ang mga bagay-bagay upang makita kung sino ang kapita-pitagan at namumukod-tangi, sino ang mahusay magsalita, sino ang kahanga-hanga, at sino ang kalipikado o may katanyagan. Tinatantiya nila kung sino ang kaya nilang talunin at kung sino ang hindi nila kaya, pati na rin kung sino ang nakahihigit sa kanila at kung sino ang mas mababa. Ito ang mga unang bagay na tinitingnan nila. Matapos na mabilisang suriin ang sitwasyon, sinisimulan nilang umaksiyon, isinasantabi at pansamantalang hindi pinapansin ang mga nasa ilalim nila. Inuuna nila ang mga pinaniniwalaan nilang mas nakatataas, ang mga medyo may katanyagan at katayuan, o ang mga may kaloob at talento. Sinusukat muna nila ang kanilang sarili sa mga taong ito. Kung ang isa man sa mga taong ito ay iginagalang ng mga kapatid, o matagal nang mananampalataya sa Diyos at may magandang reputasyon, nagiging puntirya siya ng inggit ng mga anticristo, at siyempre, nakikita siya bilang kakompetensiya. Pagkatapos, tahimik na ikinukumpara ng mga anticristo ang kanilang sarili sa mga taong ito na may katanyagan, may katayuan, at hinahangaan ng mga kapatid. Sinisimulan nilang pagnilayan ang gayong mga tao, sinusuri kung ano ang kayang gawin ng mga iyon at kung saan nagpakadalubhasa ang mga iyon, at kung bakit pinahahalagahan ng ilang tao ang mga iyon. Habang nanonood at nagmamasid, napagtatanto ng mga anticristo na ang mga taong ito ay mga eksperto sa isang partikular na propesyon, pati na rin ang katunayan na lubos silang iginagalang ng lahat, dahil mas matagal na silang nananampalataya sa Diyos, at nakakapagbahagi sila ng isang patotoong batay sa karanasan. Itinuturing ng mga anticristo ang gayong mga tao bilang “masisila” at kinikilala ang mga ito bilang mga katunggali, at pagkatapos ay bumubuo sila ng plano ng pagkilos. Anong plano ng pagkilos? Tinitingnan nila ang mga aspekto kung saan sila mahina kung ikukumpara sa kanilang mga katunggali at pagkatapos ay magsisimula silang magpabuti sa mga aspektong ito. Halimbawa, kung hindi sila ganoon kahusay sa isang partikular na propesyon gaya ng mga ito, pag-aaralan nila ang propesyong iyon, mas magbabasa sila ng mga libro, mas magsasaliksik ng lahat ng uri ng impormasyon, at mapagpakumbabang mas hihingi ng tagubilin mula sa iba. Makikilahok sila sa iba’t ibang uri ng gawaing may kinalaman sa propesyong iyon, habang unti-unting nadaragdagan ang karanasan at nalilinang ang sarili nilang kapangyarihan. At kapag naniniwala sila na mayroon silang kapital para makipagtuos sa kanilang mga kalaban, madalas silang sumusulong para ipahayag ang kanilang sariling “napakatalinong mga pananaw,” at madalas nilang sadyang pinabubulaanan at minamaliit ang kanilang mga kalaban, para ipahiya ang mga iyon at dumihan ang mga pangalan ng mga iyon, at sa gayon ay mabigyang-diin kung gaano sila katalino at kakatangi-tangi, at masupil ang kanilang mga kalaban. Nakikita ng mga taong may matalas na pang-unawa ang lahat ng bagay na ito, tanging ang mga hangal at mangmang at walang pagkilatis ang hindi nakakakita nito. Ang nakikita lang ng karamihan sa mga tao ay ang kasigasigan ng mga anticristo, ang kanilang paghahangad, pagdurusa, pagbabayad ng halaga, at panlabas na mabuting pag-uugali, pero ang tunay na sitwasyon ay nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga anticristo. Ano ang kanilang pangunahing intensyon? Ito ay ang magkamit ng katayuan. Ang puntirya kung saan nakasentro ang lahat ng kanilang gawain, ang lahat ng kanilang pagpapakapagod, at ang lahat ng halagang ibinabayad nila ay ang bagay na sinasamba nila nang higit sa lahat sa puso nila: ang katayuan at kapangyarihan.

Upang magkamit ng kapangyarihan at katayuan, ang unang ginagawa ng mga anticristo sa iglesia ay ang subukang kunin ang tiwala at pagpapahalaga ng ibang mga tao, para makakumbinsi sila ng mas maraming tao, at mahikayat ang mas maraming tao na tingalain at sambahin sila, nang sa gayon ay makamit ang kanilang layon na magkaroon ng huling salita sa iglesia, at humawak ng kapangyarihan. Pagdating sa pagkakaroon ng kapangyarihan, pinakabihasa sila sa pakikipagkompetensiya at pakikipaglaban sa ibang tao. Ang mga taong naghahangad sa katotohanan, na may katanyagan sa iglesia, at minamahal ng mga kapatid, ay ang kanilang pangunahing kakompetensiya. Ang sinumang tao na nagbabanta sa kanilang katayuan ay ang kanilang kakompetensiya. Nakikipagkompetensiya sila sa mga mas malakas sa kanila nang hindi natitinag; at nakikipagkompetensiya sila sa mga mas mahina sa kanila, nang walang anumang nararamdaman na awa. Ang puso nila ay puno ng mga pilosopiya ng labanan. Naniniwala sila na kung ang mga tao ay hindi nakikipagkompetensiya at nakikipaglaban, hindi sila makakakuha ng anumang pakinabang, at na makukuha lamang nila ang mga bagay na gusto nila sa pamamagitan ng pakikipagkompetensiya at pakikipaglaban. Upang magtamo ng katayuan at makakuha ng nangungunang posisyon sa isang grupo ng mga tao, gagawin nila ang lahat para makipagkompetensiya sa iba, at hindi nila pinapalampas ang kahit isang tao na nagsisilbing banta sa kanilang katayuan. Kahit sino ang kanilang nakakasalamuha, puno sila ng pagnanais na makipaglaban, at kahit habang tumatanda na sila, lumalaban pa rin sila. Madalas nilang sinasabi na: “Kaya ko bang talunin ang taong iyon kung makikipagkompetensiya ako sa kanila?” Ang sinumang mahusay magsalita at kayang magsalita sa isang lohikal, nakabalangkas, at sistematikong paraan ay nagiging puntirya ng kanilang inggit at panggagaya. Dagdag pa rito, nagiging kakompetensiya nila ito. Ang sinumang naghahangad sa katotohanan at nagtataglay ng pananalig, at kayang tumulong at sumuporta sa mga kapatid nang madalas, at nakapagpapaahon sa mga ito mula sa pagiging negatibo at mahina, ay nagiging kakompetensiya rin nila, pati na rin ang sinumang eksperto sa isang partikular na propesyon, at medyo pinahahalagahan ng mga kapatid. Ang sinumang nakakakuha ng mga resulta sa kanilang gawain at nagtatamo ng pagkilala ng ang Itaas ay natural na nagiging mas malaki pang kakompetensiya para sa kanila. Ano ang mga kasabihan ng mga anticristo, kahit saang grupo man sila naroroon? Ibahagi ang inyong mga kaisipan. (Ang pakikipaglaban sa ibang tao at sa Langit ay isang walang katapusang kasiyahan.) Hindi ba’t kabaliwan ito? Kabaliwan ito. May iba pa ba? (O Diyos, hindi kaya iniisip nila na: “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa”? Ibig sabihin, gusto nila na maging sila ang pinakamataas, at kahit sino pa ang kasama nila, palagi nilang gustong higitan ito.) Isa ito sa kanilang mga ideya. May iba pa ba? (O Diyos, naisip ko ang apat na salita: “Ang panalo ay hari.” Sa tingin ko, gusto nilang palagi silang nakalalamang kaysa sa iba at mamukod-tangi, saanman sila naroroon, at nagsisikap sila na maging ang pinakamataas.) Karamihan sa sinabi ninyo ay mga uri ng ideya; subukan ninyong gumamit ng isang uri ng pag-uugali para ilarawan sila. Hindi kinakailangang naisin ng mga anticristo na mag-okupa ng pinakamataas na posisyon saanman sila naroroon. Sa tuwing pumupunta sila sa isang lugar, mayroon silang disposisyon at mentalidad na pumupuwersa sa kanila na kumilos. Ano ang pag-iisip na ito? Ito ay “Kailangan kong makipagkompetensiya! Makipagkompetensiya! Makipagkompetensiya!” Bakit tatlong “makipagkompetensiya,” bakit hindi iisang “makipagkompetensiya”? (Kompetisyon na ang naging buhay nila; namumuhay sila ayon dito.) Ito ang kanilang disposisyon. Isinilang sila na may disposisyon na napakayabang at mahirap pigilan, ibig sabihin, ang pagturing nila sa kanilang sarili bilang pinakamagaling sa lahat, at pagiging lubhang mapagmataas. Walang makapipigil sa kanilang napakayabang na disposisyon; sila rin mismo ay hindi ito makontrol. Kaya, ang buhay nila ay tungkol lamang sa pakikipaglaban at pakikipagkompetensiya. Ano ang ipinaglalaban at pinagkokompetensiyahan nila? Likas na nakikipagkompetensiya sila para sa kasikatan, pakinabang, katayuan, dangal, at sarili nilang mga interes. Anumang mga pamamaraan ang kailangan nilang gamitin, basta’t nagpapasakop ang lahat sa kanila, at basta’t natatamo nila ang mga pakinabang at katayuan para sa kanilang sarili, nakamit na nila ang kanilang layon. Ang kagustuhan nilang makipagkompetensiya ay hindi isang pansamantalang libangan; ito ay isang uri ng disposisyon na nagmumula sa isang satanikong kalikasan. Katulad ito ng disposisyon ng malaking pulang dragon na nakikipaglaban sa Langit, nakikipaglaban sa lupa, at nakikipaglaban sa mga tao. Ngayon, kapag nakikipaglaban at nakikipagkompetensiya ang mga anticristo sa iba sa iglesia, ano ang gusto nila? Walang duda, nakikipagkompetensiya sila para sa reputasyon at katayuan. Ngunit kung magkamit sila ng katayuan, ano ang silbi nito sa kanila? Anong buti ang idudulot sa kanila kung pakinggan, hangaan, at sambahin sila ng iba? Ni hindi nga ito maipaliwanag ng mga anticristo mismo. Ang totoo, gusto nilang magtamasa ng reputasyon at katayuan, na ngitian sila ng lahat ng tao, at batiin sila nang may pambobola at paninipsip. Kaya, tuwing pumupunta sa iglesia ang isang anticristo, isa lang ang ginagawa niya: nakikipaglaban at nakikipagkompetensiya sa iba. Kahit magkaroon siya ng kapangyarihan at katayuan, hindi pa siya tapos. Para maprotektahan ang kanyang katayuan at masiguro ang kanyang kapangyarihan, patuloy siyang nakikipaglaban at nakikipagkompetensiya sa iba. Gagawin niya ito hanggang sa mamatay siya. Kaya, ang pilosopiya ng mga anticristo ay, “Hangga’t buhay ka, huwag kang tumigil sa pakikipaglaban.” Kung may isang masamang taong katulad nito sa loob ng iglesia, makakagulo ba ito sa mga kapatid? Halimbawa, sabihin nang ang lahat ay tahimik na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at nagbabahaginan tungkol sa katotohanan, at ang atmospera ay payapa at masaya ang lagay ng loob. Sa panahong ito, magngingitngit sa kawalang-kasiyahan ang isang anticristo. Maiinggit siya sa mga nagbabahaginan tungkol sa katotohanan at kamumuhian niya ang mga ito. Sisimulan niyang batikusin at husgahan ang mga ito. Hindi ba nito magugulo ang payapang kapaligiran? Masamang tao siya na dumating para guluhin ang iba at maging kasuklam-suklam sa kanila. Ganyan ang mga anticristo. Kung minsan, walang balak ang mga anticristo na sirain o talunin ang mga kinokompetensiya at sinusupil nila; basta’t nagtatamo sila ng reputasyon, katayuan, banidad, at dangal, at napapahanga nila ang mga tao, nakamit na nila ang kanilang layon. Habang nakikipagkompetensiya sila, nagbubunyag sila ng isang uri ng malinaw na satanikong disposisyon. Anong disposisyon ito? Ibig sabihin, sa anumang iglesia man sila naroroon, palagi nilang gustong makipagkompetensiya at makipaglaban sa ibang tao, palagi nilang gustong makipagkompetensiya para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at nararamdaman lamang nila na naisakatuparan na nila ang kanilang layon kapag nasadlak ang iglesia sa kaguluhan at kaligaligan, at kapag nagkamit na sila ng katayuan at ang lahat ay sumuko na sa kanila. Ito ang kalikasan ng mga anticristo, ibig sabihin, ginagamit nila ang kompetisyon at pakikipaglaban para matamo ang kanilang mga layon.

Ano ang kasabihan ng mga anticristo, kahit nasaang grupo man sila? “Kailangan kong makipagkompetensiya! Makipagkompetensiya! Makipagkompetensiya! Dapat akong makipagkompetensiya upang maging ang pinakamataas at pinakadakila!” Ito ang disposisyon ng mga anticristo; kahit saan sila pumunta, sila ay nakikipagkompetensiya at sumusubok na kamtin ang kanilang mga pakay. Sila ang mga alipin ni Satanas, at ginugulo nila ang gawain ng iglesia. Ang disposisyon ng mga anticristo ay ganito: Nagsisimula sila sa pagtingin-tingin sa iglesia para makita kung sino ang maraming taon nang nananampalataya sa Diyos at mayroong kapital, sino ang may ilang kaloob o talento, sino ang naging kapaki-pakinabang sa mga kapatid sa buhay pagpasok nila, sino ang may higit na katanyagan, sino ang mas matagal na sa posisyon, sino ang pinupuri ng mga kapatid, at sino ang may mas maraming positibong bagay. Ang mga taong iyon ang magiging kakompetensiya nila. Sa kabuuan, tuwing nasa isang grupo ng mga tao ang mga anticristo, ito ang palagi nilang ginagawa: Sila ay nakikipagkompetensiya para sa katayuan, nakikipagkompetensiya para sa magandang reputasyon, nakikipagkompetensiya para sila ang may huling salita sa mga bagay-bagay at ang may karapatan na gumawa ng mga desisyon sa grupo, na siyang, kapag nakamit na nila ito, nagpapasaya sa kanila. Nakakagawa ba sila ng aktuwal na gawain matapos nilang makamit ang mga bagay na ito? Tiyak na hindi, hindi sila nakikipagkompetensiya at nakikipaglaban para gumawa ng aktuwal na gawain; ang layon nila ay ang madaig ang lahat. “Wala akong pakialam kung handa kang magpaubaya sa akin o hindi; kung kapital ang pag-uusapan, ako ang pinakamagaling, pagdating sa mga kasanayan sa pagsasalita, ako ang pinakamahusay, at pagdating sa mga kaloob at talento, ako ang may pinakamarami.” Anuman ang larangan, palagi nilang gustong makipagkompetensiya para sa nangungunang puwesto. Kung pipiliin sila ng mga kapatid na maging mga superbisor, makikipagkompetensiya ang mga anticristo sa kanilang mga katuwang para magkaroon sila ng huling salita at karapatan na gumawa ng mga desisyon. Kung ipinapapamahala sa kanila ng iglesia ang isang partikular na gawain, igigiit nila na sila ang masusunod sa kung paano ito isasakatuparan. Gugustuhin nila na magsikap para magtagumpay at maging realidad ang lahat ng kanilang sinasabi at ang lahat ng bagay na kanilang pinagpapasyahan. Kung panghahawakan ng mga kapatid ang ideya ng ibang tao, papalampasin ba nila ito? (Hindi.) Magkakaroon ng gulo. Kung hindi ka makikinig sa kanila, tuturuan ka nila ng leksiyon, ipaparamdam nila sa iyo na hindi mo kaya nang wala sila, at ipapakita sa iyo kung ano ang magiging mga kahihinatnan kung hindi mo sila susundin. Ganito kapalalo, kakasuklam-suklam, at ka-di-makatwiran ang disposisyon ng mga anticristo. Wala silang konsensiya ni katwiran, ni wala sila kahit kaunting bahid ng katotohanan. Nakikita ng isang tao sa mga kilos at gawa ng isang anticristo na ang ginagawa niya ay wala sa katwiran ng isang normal na tao, at bagama’t maaaring magbahagi sa kanya ang isang tao tungkol sa katotohanan, hindi niya iyon tinatanggap. Gaano man katama ang sinasabi mo, hindi iyon katanggap-tanggap sa kanya. Ang tanging gusto niyang hangarin ay reputasyon at katayuan, na kanyang pinagpipitaganan. Basta’t natatamasa niya ang mga pakinabang ng katayuan, kontento na siya. Pinaniniwalaan niyang ito ang kahalagahan ng kanyang pag-iral. Anumang grupo ng mga tao ang kanyang kinabibilangan, kailangan niyang ipakita sa mga tao ang “liwanag” at “init” na ibinibigay niya, ang kanyang mga talento, ang kanyang pagiging natatangi. At ito ay dahil naniniwala siyang espesyal siya kaya likas sa kanyang isipin na dapat siyang tratuhin nang mas mabuti kaysa sa mga ordinaryong tao, na dapat siyang tumanggap ng suporta at paghanga ng mga tao, na dapat siyang tingalain ng mga tao, at sambahin siya—iniisip niyang ang lahat ng ito ay naaangkop sa kanya. Hindi ba’t garapal at walang kahihiyan ang gayong mga tao? Hindi ba’t problema ang magkaroon ng gayong mga tao sa iglesia? Kapag may nangyayari, natural lang na dapat makinig ang mga tao sa sinumang nagsasalita nang tama, magpasakop sa sinumang nagbibigay ng isang mungkahi na kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at tanggapin ng mga tao ang mungkahi ng sinuman na siyang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung may sasabihin ang mga anticristo na hindi naaayon sa mga prinsipyo, maaaring hindi sila pakinggan ng lahat o hindi tanggapin ang kanilang mungkahi. Sa ganoong sitwasyon, ano ang gagawin ng mga anticristo? Patuloy nilang sisikapin na ipagtanggol at pangatwiranan ang kanilang sarili, at mag-iisip sila ng mga paraan upang makumbinsi ang iba at mahikayat ang mga kapatid na pakinggan sila at tanggapin ang kanilang mungkahi. Hindi nila isinasaalang-alang kung ano ang maaaring maging epekto nito sa gawain ng iglesia kung tatanggapin ang kanilang mungkahi. Wala ito sa saklaw ng mga bagay na kanilang isinasaalang-alang. Ano ang tanging bagay na kanilang isasaalang-alang? “Kung hindi tatanggapin ang aking mungkahi, saan ko maipapakita ang aking mukha? Kaya, kailangan kong makipagkompetensiya at magsikap para matanggap ang aking mungkahi.” Sa tuwing may nangyayari, ganito sila mag-isip at kumilos. Hindi sila kailanman nagninilay-nilay kung naaayon ba ito sa mga prinsipyo o hindi, at hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan. Ito ang disposisyon ng mga anticristo.

Ano ang pangunahing pagpapamalas ng ganap na kawalan ng katwiran ng mga anticristo? Naniniwala sila na mayroon silang mga kaloob, na sila ay magaling, nagtataglay ng mahusay na kakayahan, at na dapat silang sambahin at suportahan ng ibang tao, at ilagay sa isang mahalagang posisyon ng sambahayan ng Diyos. Higit pa rito, naniniwala sila na dapat tanggapin at isulong ng sambahayan ng Diyos ang lahat ng mungkahi at ideya na inihahain nila, at kung hindi ito tatanggapin ng sambahayan ng Diyos, magagalit sila nang husto, lalabanan nila ang sambahayan ng Diyos, at magtatayo sila ng kanilang nagsasariling mga kaharian. Hindi ba’t ang pagbubunyag na ito ng disposisyon at diwa ng mga anticristo ay nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa iglesia? Maaaring sabihin na ang lahat ng kilos ng mga anticristo ay nagsasanhi ng napakalaking pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos. Kapag nakikipagkompetensiya ang mga anticristo para sa mga posisyon ng pamumuno sa iglesia at sa katanyagan sa gitna ng mga taong hinirang ng Diyos, gumagamit sila ng lahat ng paraang kaya nila para atakihin ang iba at itaas ang kanilang sarili. Hindi nila isinasaalang-alang kung gaano nila maaaring masira nang husto ang gawain ng sambahayan ng Diyos at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung matutugunan ba ang kanilang mga ambisyon at pagnanais, at kung magiging tiyak ba ang sarili nilang katayuan at reputasyon. Ang kanilang papel sa mga iglesia at sa gitna ng mga taong hinirang ng Diyos ay bilang mga demonyo, bilang ang masasama, bilang mga alipin ni Satanas. Hinding-hindi sila mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos, ni hindi sila mga tagasunod ng Diyos, lalong hindi sila mga taong nagmamahal at tumatanggap sa katotohanan. Kapag hindi pa natatamo ang kanilang mga intensyon at layon, hindi nila kailanman pinagninilayan at kinikilala ang kanilang sarili, hindi nila kailanman pinagninilayan kung ang kanilang mga intensyon at layon ay nakaayon sa katotohanan, hindi nila kailanman sinasaliksik kung paano tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan para makamit ang kaligtasan. Hindi sila nananampalataya sa Diyos at pumipili ng landas na dapat nilang tahakin nang may mapagpasakop na isipan. Sa halip, pinipiga nila ang kanilang utak, iniisip na: “Paano ko mararating ang posisyon ng isang lider o ng isang manggagawa? Paano ako makikipagkompetensiya sa mga lider at manggagawa ng iglesia? Paano ko maililihis at makokontrol ang mga taong hinirang ng diyos, at magagawang tau-tauhan lamang si cristo? Paano ako makakakuha ng puwesto para sa aking sarili sa iglesia? Paano ko matitiyak na mayroon akong matatag na posisyon sa iglesia at nakapagkakamit ng katayuan, masisiguro na magtatagumpay ako at hindi mabibigo, at matatamo sa huli ang aking layon na kontrolin ang hinirang na mga tao ng diyos at magtatag ng sarili kong kaharian?” Ito ang mga bagay na iniisip ng mga anticristo sa mga araw at gabi. Anong disposisyon at kalikasan ito? Halimbawa, kapag nagsusulat ng mga artikulo ng patotoo ang mga ordinaryong kapatid, iniisip nila kung paano tapat na maipapahayag ang kanilang mga karanasan at pagkaunawa sa pamamagitan ng pagsulat. Kaya, nagdarasal sila sa harap ng Diyos nang umaasa na pagkakalooban sila ng Diyos ng higit pang kaliwanagan tungkol sa katotohanan, at bibigyang-daan sila na makapagkamit ng mas malaki at mas malalim na pagkaunawa rito. Samantalang kapag nagsusulat ng mga artikulo ang mga anticristo, pinipiga nila ang kanilang utak sa pagninilay-nilay kung paano susulat sa paraan na mas maraming tao ang makakaunawa sa kanila, makakakilala sa kanila, at hahangaan sila, at sa gayon ay magkakamit sila ng katayuan sa isipan ng mas maraming tao. Nais nilang gamitin itong pinakaordinaryo at pinakamaliit na bagay para madagdagan ang kanilang kasikatan. Ni hindi nila kayang palampasin ang ganitong uri ng pagkakataon. Anong klaseng tao sila? Kapag nakikita ng ilang anticristo na nakapagsusulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan ang ibang tao, nagnanais sila na sumulat ng isang bagay na mas kamangha-mangha kaysa sa patotoong batay sa karanasan ng sinuman, sa pagsisikap na makipagkompetensiya rito para sa katayuan at katanyagan. At dahil dito, nag-iimbento at nangongopya sila ng mga kuwento. Nangangahas pa nga sila na gumawa ng mga bagay-bagay gaya ng pekeng patotoo. Para sumikat sila, para makilala ng mas maraming tao, at mapalaganap ang kanilang pangalan, hindi nag-aatubili ang mga anticristo na gumawa ng iba’t ibang kahiya-hiyang bagay. Ni hindi nila pinapalampas maging ang pinakamaliit na pagkakataon para maging kilala, para magkamit ng katayuan, at para mapahalagahan sila sa isang grupo ng mga tao at maituring nang may espesyal na paggalang. Ano ang pakay ng pagturing nang may espesyal na paggalang? Anong mga kahihinatnan at mga layon ang nais makamit ng mga anticristo? Nais ng mga anticristo na ituring sila ng iba bilang mga pambihirang tao, mga tao na mas marangal kaysa kaninuman, at na mahusay sa ilang partikular na larangan; nais nilang mag-iwan ng magandang impresyon sa isipan ng iba, isang malalim na impresyon, at unti-unti pa nga nilang inaakay ang ibang tao na kainggitan, hangaan, at tingalain sila. Habang nagsusumikap sila sa abot ng kanilang makakaya para matamo ang layong ito, patuloy rin nilang tinatahak ang parehong landas na tinatahak nila noon.

Kahit saang grupo ng mga tao sila kasama, hindi mahalaga kung nagkukunwari sila o nagpapakapagod, ang nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga anticristo ay walang iba kundi isang pagnanais para sa katayuan. Ang diwa na ibinubunyag at ipinamamalas nila ay walang iba kundi ang pakikipaglaban at pakikipagkompetensiya. Anuman ang ginagawa ng mga anticristo, nakikipagkompetensiya sila sa iba para sa katayuan, dangal, at mga interes. Ang pinakakaraniwang pagpapamalas nito ay ang pakikipagkompetensiya para sa isang magandang pangalan, magandang pagtatasa, at katayuan sa isipan ng mga tao, upang pahalagahan at sambahin sila ng mga tao, at upang sa kanila umikot at nakasentro ang mga tao. Ito ang landas na tinatahak ng mga anticristo; ito ang ipinaglalaban ng mga anticristo. Kahit paano pa kinokondena at hinihimay-himay ng mga salita ng Diyos ang mga bagay na ito, hindi tatanggapin ng mga anticristo ang katotohanan, o tatanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, o bibitiwan ang mga bagay na ito na hinahatulan at kinokondena ng Diyos. Sa kabaligtaran, habang mas inilalantad ng Diyos ang mga bagay na ito, mas nagiging tuso ang mga anticristo. Gumagamit sila ng mga mas tago at tusong paraan para hangarin ang mga bagay na ito, nang sa gayon ay hindi makita ng mga tao ang kanilang ginagawa, at maling paniniwalaan ng mga iyon na binitiwan na nila ang mga bagay na ito. Habang mas inilalantad ng Diyos ang mga bagay na ito, mas lalong naghahanap ng mga paraan ang mga anticristo na gumamit ng mga mas tuso at mas mautak na pamamaraan para hangarin at kamtin ang mga ito. Dagdag pa rito, gumagamit sila ng magagandang-pakinggan na salita para itago ang kanilang mga lihim na motibo. Sa kabuuan, lubos na hindi tinatanggap ng mga anticristo ang katotohanan, hindi sila nagninilay-nilay sa kanilang pag-uugali, o lumalapit sa Diyos nang nagdarasal at naghahanap sa katotohanan. Sa kabaligtaran, mas lalo pa nga silang hindi nasisiyahan sa kanilang puso sa paglalantad at paghatol ng Diyos, hanggang sa punto na inuugali nila ang isang mapanlaban na saloobin patungkol sa mga bagay na ito. Bukod sa hindi nila isinusuko ang kanilang paghahangad ng reputasyon at katayuan, mas lalo pa nilang pinahahalagahan ang mga bagay na ito, at nag-iisip sila ng mga paraan para ilihim at itago ang paghahangad na ito, at para pigilan ang mga tao na makilatis at mahalata ito. Anuman ang sitwasyon, hindi lamang nabibigo ang mga anticristo na isagawa ang katotohanan, kundi, kapag nabubunyag ang kanilang tunay na kulay, ibig sabihin, kapag hindi sinasadyang naibubunyag nila itong mga ambisyon at pagnanais nila, mas nag-aalala sila na makikilatis ng iba ang kanilang diwa at tunay na mukha batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, kaya, sinisikap nila itong itago, at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para ipagtanggol ang kanilang sarili. Ano ang pakay nila sa pagtatago nito? Ito ay para protektahan ang kanilang katayuan at reputasyon mula sa pagdanas ng mga pagkawala, at upang mapanatili ang kanilang lakas para sa susunod nilang pakikipaglaban. Ito ang diwa ng mga anticristo. Anumang oras o sitwasyon, ang mga layon at direksyon ng kanilang sariling asal ay hindi magbabago, pati na rin ang mga layon nila sa buhay, o ang mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga kilos, o ang pagnanais, ambisyon, at pakay sa kaibuturan ng kanilang puso na maghangad ng katayuan. Bukod sa gagawin nila ang kanilang makakaya para sikaping magkamit ng katayuan, paiigtingin nila ang kanilang pagsusumikap para matamo ito. Habang mas nagbabahagi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa katotohanan, mas lalo silang mautak na umiiwas sa paggamit ng ilang halatang pag-uugali at pagpapamalas na natatarok nang malinaw at nakikilatis ng ibang tao. Magpapalit sila ng ibang uri ng pamamaraan, at mapait na iiyak habang inaamin ang kanilang mga pagkakamali at kinokondena ang kanilang sarili, nakukuha ang simpatiya ng mga tao, maling pinapaniwala ang mga tao na nagsisi at nagbago na sila, at ginagawang mas mahirap para sa mga tao na makilatis sila. Ano ang diwang ito ng mga anticristo? Hindi ba’t medyo tuso ito? (Ganoon nga.) Kapag ganito katuso ang mga tao, sila ay mga diyablo. Kaya ba ng mga diyablo na tunay na magsisi? Kaya ba talaga nilang isantabi ang kanilang ambisyon at pagnanais na maghangad ng katayuan? Mas gugustuhin pa ng mga diyablo na mamatay kaysa sa isantabi ang ambisyong ito. Kahit paano mo ibahagi sa kanila ang katotohanan, magiging walang silbi ito, hindi nila isasantabi ang ambisyong ito. Kung, sa ganitong sitwasyon, ay natalo sila at inilantad sila ng mga kapatid, magpapatuloy pa rin sila sa pakikipaglaban at pakikipagkompetensiya para sa katayuan, dangal, huling salita, at karapatan na gumawa ng mga desisyon kapag lumipat na sila sa susunod na grupo. Makikipagkompetensiya sila para sa mga bagay na ito. Anuman ang sitwasyon, o anumang grupo ng mga tao ang kinabibilangan nila, ang prinsipyo na palagi nilang sinusunod ay ang makipagkompetensiya: “Ako lang ang maaaring mamuno; walang ibang puwedeng mamuno sa akin!” Talagang ayaw nilang maging mga ordinaryong tagasunod, o tumanggap ng pamumuno o pagtulong ng ibang tao. Ito ang diwa ng mga anticristo.

Sa iglesia, mayroon bang mga tao na nananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon ngunit hindi man lang naghahangad sa katotohanan, at palaging naghahangad ng katayuan at reputasyon? Ano ang mga pagpapamalas ng ganitong mga tao? Masasabi ba ninyo na ang mga taong palaging nagbabandera ng kanilang sarili, na mahilig lumikha ng mga orihinal na kaisipan at magbulalas ng matatayog na ideya ay gayong mga tao? Ano-anong uri ng mga bagay ang madalas nilang ginagawa? (May isang tao na nagpapahayag ng kanyang pananaw, at para sa lahat ng iba, tila tama ito, pero upang ipakita kung gaano sila katalino, nagsasabi sila ng ibang pananaw, na sa tingin ng mga tao ay mas tama, at na magpapabulaan sa pananaw ng naunang tao, nang sa gayon ay naipapakita kung gaano sila katalino.) Ito ay tinatawag na pagpapakitang-gilas. Tinatanggihan nila ang mga pananaw ng ibang tao, at pagkatapos ay nagsasabi sila ng kanilang sariling natatanging perspektiba, isang perspektiba na kahit sila mismo ay hindi naniniwala na ito ay makatotohanan o balido—isang simpleng islogan—subalit kailangan nilang ipakita sa mga tao kung gaano sila katalino at hikayatin ang lahat na makinig sa kanila. Kailangang palagi silang naiiba, kailangang palagi silang makaisip ng mga orihinal na kaisipan, at palagi silang naglilitanya ng matatayog na ideya, at gaano man kaposible at kapraktikal ang sinasabi ng ibang tao, kailangan nilang tutulan ito, at humanap ng iba’t ibang dahilan at palusot para iwaksi ang mga pananaw ng ibang tao. Ito ang mga pinakakaraniwang pag-uugali ng mga tao na nagsisikap na makaisip ng mga orihinal na kaisipan at maglitanya ng matatayog na ideya. Gaano man kawasto o kaangkop ang mga ikinilos ng isang tao, iwawaksi at babalewalain nila ito. Kahit malinaw nilang alam na kumilos nang naaangkop ang taong ito, sinasabi pa rin nila na hindi angkop ang kanyang mga kilos, at ipinapahiwatig nila na para bang nagampanan sana nila ito nang mas maayos, at na talagang hindi sila mas mababa kaysa sa taong iyon. Iniisip ng mga taong gaya nito na walang sinuman ang kasinggaling nila, na sila ay mas mahusay kaysa sa ibang tao sa lahat ng aspekto. Para sa kanila, ang lahat ng sinasabi ng ibang tao ay mali; ang ibang tao ay walang halaga, at sila mismo ay magaling sa lahat ng aspekto. Kahit na magkamali sila at mapungusan, labag sa loob nila ang magpasakop, hindi nila tatanggapin ang katotohanan kahit kaunti, at maaari din na makaisip sila ng sangkatutak na palusot, na magiging dahilan para akalain ng iba na hindi sila nagkamali, at na hindi sila dapat napungusan. Ang mga taong mahilig mag-isip ng mga orihinal na kaisipan at maglitanya ng matatayog na ideya ay mayayabang at mga nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba sa ganitong paraan. Sa totoo lang, ang karamihan ng mga taong ito ay walang tunay na talento, at hindi nila magawa nang maayos ang anumang bagay; ang anumang gawin nila ay nagiging isang malaking kaguluhan. Ngunit wala silang kamalayan sa sarili, at iniisip nila na mas magaling sila kaysa sa ibang tao, at nangangahas silang makialam at makisali sa anumang ginagawa ng ibang tao, at patuloy silang naglilitanya ng matatayog na ideya, palaging nagnanais na pahalagahan at pakinggan sila ng iba. Anuman ang sitwasyon, o saang grupo man sila kasama, nais lamang nila na pagsilbihan at pakinggan sila ng iba; ayaw nilang maglingkod o makinig sa sinuman. Hindi ba’t mga anticristo ito? Ganito kayabang ang mga anticristo at ganito nila inaakalang mas matuwid sila kaysa sa iba; ganito sila kawalang-katwiran. Nagsasalita lamang sila tungkol sa mga paimbabaw na doktrina, at kapag tinutukoy ng iba ang kanilang mga pagkakamali, kinakailangan nilang baluktutin ang mga salita at lohika, at magsalita sa isang huwad at magandang pakinggan na paraan, para iparamdam sa mga tao na tama sila. Kahit gaano pa katama ang opinyon ng isang tao, gagamit ang mga anticristo ng mapanghikayat na paraan ng pagsasalita para ipalabas na mali ito, at hikayatin ang lahat na tanggapin ang kanilang sariling opinyon. Ganitong uri ng mga tao ang mga anticristo—napakahusay nila sa panlilihis ng iba, kaya nilang ilihis ang mga tao hanggang sa malito ang mga ito, mawala sa direksyon, at hindi na malaman kung ano ang tama sa mali. Sa huli, ang lahat ng walang pagkilatis ay tuluyang malilihis at mabibihag ng mga anticristong ito. May mga taong nanlilihis sa iba nang ganito sa karamihan sa mga iglesia. Kapag ibinabahagi ng hinirang na mga tao ng Diyos ang katotohanan o ibinabahagi nila ang kanilang patotoong batay sa karanasan, palaging tumatayo ang mga anticristo at nagpapahayag ng kanilang sariling mga pananaw. Hindi nila binubuksan ang kanilang puso para magbahagi tungkol sa kanilang kaalamang batay sa karanasan sa matapat na paraan; sa halip, palagi nilang tinutukoy ang mga bagay-bagay at nagbibitiw sila ng mga mapangbatikos at iresponsableng komento tungkol sa kaalamang batay sa karanasan ng ibang tao, para ipangalandakan kung gaano sila katalino, at makamit ang kanilang pakay na mapahalagahan sila ng iba. Ang mga anticristo ay napakabihasa sa pagsasalita tungkol sa mga salita at doktrina; hindi sila kailanman makakapagbahagi ng tunay na patotoong batay sa karanasan, at hindi sila kailanman nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili. Sa halip, palagi silang naghahanap ng mga problema sa ibang tao at pinalalaki ang mga ito. Hindi mo kailanman makikita ang mga anticristo na tumatanggap ng mga opinyon ng ibang tao nang may bukas na isipan, o na kusang nagbabahagi tungkol sa kanilang sariling mga tiwaling disposisyon at inilalantad ang kanilang sarili sa iba. Tiyak na hindi mo sila makikitang nagbabahagi tungkol sa kung ano ang mga kinimkim nilang mali at walang-katuturang pananaw, at kung paano nila binago ang mga ito, at tiyak na hindi mo sila naririnig na umaamin sa mga kamaliang nagawa nila o sa kanilang mga pagkukulang…. Gaano man katagal na nakikisalamuha ang mga anticristo sa iba, palagi nilang ipinaparamdam sa ibang tao na wala silang anumang katiwalian, na sila ay ipinanganak na mga banal at perpektong tao, at na dapat silang sambahin ng iba. Ang mga taong tunay na nagtataglay ng katwiran ay hindi gusto ang pahalagahan o sambahin sila ng iba. Kung talagang pinahahalagahan at sinasamba sila ng ibang tao, itinuturing nila itong nakakahiya, dahil alam nila na mga tiwaling tao sila na may mga tiwaling disposisyon, at na hindi sila nagtataglay ng mga katotohanang realidad. Alam nila ang kanilang sariling abilidad, kaya anumang katiwalian ang ibinubunyag nila, at anumang maling pananaw ang naiisip nila, kaya nilang magbahagi tungkol sa mga bagay na ito sa makatotohanang paraan at ipaalam sa iba ang tungkol sa mga ito, at kapag ginagawa nila ito, sobrang magaan, malaya, at masaya ang pakiramdam nila. Hindi nila nararamdaman kahit kaunti na mahirap itong gawin. Kahit na hinuhusgahan sila ng ibang tao, minamaliit sila, tinatawag silang bobo, o hinahamak sila, hindi gaanong sumasama ang loob nila. Sa kabaligtaran, pakiramdam nila ay talagang normal lang ito at kaya nila itong tratuhin sa wastong paraan. Dahil may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, natural na magbubunyag sila ng katiwalian. Aminin mo man ito o hindi, isa itong katunayan. Kung kaya mong makilala ang iyong sariling katiwalian, mabuting bagay iyon, at mas mabuti pa nga kung malinaw rin itong nakikita ng iba, nang sa gayon ay hindi ka nila sasambahin o pahahalagahan. Ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan at nagtataglay ng kaunting katwiran ay kayang magbukas ng kanilang puso at magbahagi tungkol sa pagkilala sa kanilang sarili; hindi sila nahihirapan dito. Subalit napakahirap nito para sa mga anticristo. Itinuturing nilang mga hangal ang mga taong nagtatapat nang taos-puso, at itinuturing nilang mga loko-loko iyong mga nagsasalita tungkol sa kanilang pagkakilala sa sarili at iyong mga nagsasalita nang matapat. Samakatwid, lubusang minamaliit ng mga anticristo ang mga taong iyon. Kung may isang tao na nakakaunawa sa katotohanan at lubos siyang sinasang-ayunan ng lahat, ituturing ng mga anticristo ang taong iyon bilang isang pako sa kanilang mga mata at tinik sa kanilang tagiliran, at huhusgahan at kokondenahin nila ito. Pabubulaanan nila ang mga wastong isinasagawa at ang mga positibong bagay na taglay ng taong iyon at palalabasing di-tama at baluktot na pagkaunawa ang mga ito. Kahit sino pa ang gumagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang sa iglesia o sa mga kapatid, mag-iisip ang mga anticristo ng mga paraan para maliitin, kutyain, at tuyain ang taong iyon; kahit gaano pa kabuti ang nagawa ng isang tao, o gaano man ito napakinabangan ng mga tao, iisipin ng mga anticristo na wala itong kabuluhang para pag-usapan, at babawasan at mamaliitin nila ang kahalagahan nito, ibinababa hanggang sa punto na magmumukha itong ganap na walang halaga. Samantala, kung gumagawa ang mga anticristo ng kaunting kabutihan, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para ipagmalabis at palakihin ito, ipakita ito sa lahat, ipaalam na sila ang gumawa nito, at na ito ay kanilang kapuri-puring serbisyo, upang tratuhin sila ng mga kapatid nang may espesyal na paggalang, palagi silang alalahanin, at makaramdam ang mga ito ng lubos na pasasalamat sa kanila, at matandaan ng mga ito kung ano ang mabuting bagay tungkol sa kanila. Ang lahat ng anticristo ay may kapabilidad na kumilos nang ganito, gayundin ang mga taong nagtataglay ng disposisyon ng mga anticristo. Sa aspektong ito, walang ipinagkaiba ang mga anticristo sa mga mapagpaimbabaw na Pariseo; sa katunayan, mas masahol pa sila sa mga ito. Ito ang mga pinakakaraniwan at pinakalitaw na tipikal na pagpapamalas ng mga anticristo.

Ano ang saloobin na kinikimkim ng mga anticristo kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay? Gusto nilang gumawa ng mabubuting bagay sa harap ng iba, at gusto nilang gumawa ng masasamang bagay nang palihim. Gusto nilang malaman ng lahat ang mga mabubuting bagay na ginagawa nila, at pagtakpan ang lahat ng masamang bagay para walang makakaalam tungkol dito, hanggang sa punto na wala ni isang salita ang makakalabas, at naoobliga silang gawin ang lahat ng kanilang makakaya para itago ang mga ito. Kasuklam-suklam ang ganitong disposisyon ng mga anticristo, hindi ba? Ano ang pakay ng pagkilos ng mga anticristo sa ganitong paraan? (Ito ay para pangalagaan ang kanilang reputasyon at katayuan.) Tama. Sa panlabas, mukhang hindi sila nakikipagkompetensiya para sa katayuan o nagsasabi ng kahit ano alang-alang sa katayuan, pero ang lahat ng ginagawa at sinasabi nila ay alang-alang sa pagprotekta at pagpapanatili ng kanilang katayuan, at alang-alang sa pagtataglay ng mataas na katanyagan at magandang pangalan. Minsan, nagpupunyagi pa nga sila na magkaroon ng katayuan sa loob ng isang grupo nang hindi hinahayaang makita ng sinuman na ginagawa nila ito. Kahit na nagrerekomenda sila para sa isang tao, ibig sabihin, nagsasagawa sila ng ilang uri ng bagay na dapat nilang gawin, gusto nilang makaramdam ang taong kanilang nirekomenda ng labis na pasasalamat sa kanila, at ipaalam dito na nagkaroon lamang ito ng pagkakataon na gumampan ng tungkuling ito dahil sa kanilang rekomendasyon. Hinding-hindi palalampasin ng mga anticristo ang ganitong pagkakataon. Iniisip nila na, “Kahit na nirekomenda kita, ako pa rin ang lider mo, kaya’t hindi mo ako mahihigitan.” Malinaw na malinaw ang pagkahilig ng mga anticristo sa katayuan at reputasyon. Upang makipagkompetensiya para sa katayuan at maprotektahan ito, hindi nila pinalalampas ang kahit isang sulyap o isang di-sinasadyang salita mula sa sinuman, lalo na ang anumang bagay na nangyayari sa alinmang sulok. Napapansin ng mga anticristo ang lahat ng bagay na ito, malaki man o maliit, at paulit-ulit na naglalaro sa kanilang isipan ang mga salitang sinabi ng ibang tao. Ano ang pakay nila sa paggawa nito? Nasisiyahan ba sila sa pakikipagtsismisan? Hindi; ito ay dahil gusto nilang makahanap sa lahat ng ito ng paraan at pagkakataon para maprotektahan ang kanilang katayuan. Ayaw nilang magdusa ng mga kawalan ang kanilang katayuan o pangalan dahil sa pansamantalang kapabayaan o kawalan ng pag-iingat. Alang-alang sa katayuan, natutunan nila kung paano magkaroon ng “kabatiran” sa lahat ng bagay; sa tuwing may sinasabi ang isang kapatid na pakiramdam nila ay walang galang o nagpapahayag ng opinyong sumasalungat sa kanilang sariling opinyon, hindi nila ito pinalalampas; sineseryoso nila ito, detalyadong nagsasaliksik at malalim na nagsusuri, at pagkatapos ay naghahanap sila ng naaayong tugon para harapin ang sinabi ng kapatid, hanggang sa punto na matibay na naitatag ang kanilang katayuan sa isipan ng lahat at lubos na hindi ito matitinag. Sa sandaling masira ang kanilang pangalan o makarinig sila ng ilang salita na makakapinsala rito, agad nilang susubaybayan ang pinagmulan at susubukang maghanap ng mga dahilan at paliwanag para matubos ang kanilang sarili. Samakatwid, anuman ang tungkuling ginagawa ng mga anticristo, hindi mahalaga kung mga lider at manggagawa man sila o hindi, ang bawat bagay na pinagkakaabalahan nila at ang bawat salitang binibigkas nila ay para sa kanilang katayuan, at hindi puwedeng ihiwalay sa pagnanais nila na maprotektahan ang kanilang mga interes. Sa kaibuturan ng puso ng mga anticristo, wala silang anumang konsepto ng pagsasagawa sa katotohanan o ng pagprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Samakatwid, ang diwa ng mga anticristo ay tumpak na mabibigyang-depinisyon bilang ang sumusunod: Sila ay mga kaaway ng Diyos; sila ay isang grupo ng mga diyablo at Satanas na pumarito para manggulo, manggambala, at mangwasak sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Sila ay mga alipin ni Satanas; hindi sila mga tao na sumusunod sa Diyos, ni mga miyembro ng sambahayan ng Diyos, ni hindi sila mga tao na tagatanggap ng pagliligtas ng Diyos.

Naantig ba kayo sa alinman sa pinagbahaginan natin ngayon? Aling bahagi ang umantig sa inyo? (Ang huling bahagi, iyon ay nang hinimay-himay ng Diyos ang mapagkompetensiyang kalikasan ng mga anticristo.) Hindi maganda na palaging nakikipagkompetensiya. Ang pag-uugaling ito ay nauugnay sa mga anticristo at sa pagkawasak. Hindi ito isang mabuting landas. Ano ang dapat gawin ng mga tao kapag mayroon sila ng mga pagpapamalas at pagbubunyag na ito? Ano ang dapat nilang gawin na pagpili? Paano nila dapat iwasan ang mga bagay na ito? Ito ang mga problemang dapat na pinakapinag-iisipan at pinakapinagninilay-nilayan ng mga tao ngayon, at ang mga ito rin ay mga problemang nakakaharap ng mga tao sa bawat araw. Kung paano nila maiiwasang makipagkompetensiya kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, at kung paano nila dapat lutasin ang pasakit at pagkabalisa sa kanilang puso pagkatapos nilang makipagkompetensiya—ito ay isang problema na dapat harapin ng bawat tao. Ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon, kaya nakikipagkompetensiya silang lahat para sa katanyagan, pakinabang, at dangal, at mahirap para sa kanila na umiwas sa pakikipagkompetensiya. Kaya, kung hindi nakikipagkompetensiya ang isang tao, ibig bang sabihin nito ay naalis na niya ang disposisyon at diwa ng mga anticristo? (Hindi, ito ay isang panlabas lang na pangyayari. Kung hindi nalutas ang kanilang panloob na disposisyon, kung gayon ay hindi malulutas ang problema ng kanilang pagtahak sa landas ng mga anticristo.) Kaya, paano malulutas ang problema ng kanilang pagtahak sa landas ng mga anticristo? (Sa isang aspekto, dapat nilang maunawaan ang usaping ito, at dapat silang lumapit sa Diyos para magdasal kapag nagbubunyag sila ng mga kaisipan na magsumikap para sa katayuan. Dagdag pa rito, dapat nilang ilantad ang kanilang sarili sa mga kapatid, at pagkatapos ay sadya silang maghimagsik laban sa mga di-wastong kaisipang ito. Dapat din nilang hilingin sa Diyos na hatulan, kastiguhin, pungusan, at disiplinahin sila. Pagkatapos, magagawa na nilang tumahak sa tamang landas.) Napakagandang sagot niyan. Gayumpaman, hindi ito madaling makamit, at mas lalong mahirap ito para sa mga taong mahal na mahal ang reputasyon at katayuan. Hindi madaling talikuran ang reputasyon at katayuan—makakamit lang ito ng mga tao sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan. Sa pag-unawa lamang sa katotohanan makikilala ng isang tao ang kanyang sarili, makikita nang malinaw ang kahungkagan ng paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at makikita nang malinaw ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan. Saka lamang matatalikuran ng isang tao ang katayuan at reputasyon kapag tunay na niyang nakilala ang kanyang sarili. Hindi madaling iwaksi ang sariling tiwaling disposisyon. Kung inaamin mo na wala sa iyo ang katotohanan, na marami kang kakulangan, at nagbubunyag ka ng masyadong maraming katiwalian, subalit hindi mo sinisikap na hangarin ang katotohanan, at nagpapanggap at nagpapaimbabaw ka, na pinaniniwala mo ang mga tao na kaya mong gawin ang anumang bagay, ilalagay ka nito sa panganib—sa malao’t madali, darating ang panahon na makakasalubong ka ng mga balakid at ikaw ay babagsak. Kailangan mong aminin na wala sa iyo ang katotohanan, at buong tapang mong harapin ang realidad. Mayroon kang mga kahinaan, nagbubunyag ka ng katiwalian, at lahat ng uri ng kakulangan ay nasa iyo. Normal lang ito, dahil isa kang karaniwang tao, hindi ka superhuman o may walang-hanggang makapangyarihan, at kailangan mong kilalanin iyan. Kapag hinahamak o tinutuya ka ng ibang mga tao, huwag kaagad tumugon nang may pagkasuklam dahil lamang sa hindi kaaya-aya ang sinasabi nila, o tumutol dito dahil naniniwala kang mayroon kang kapabilidad at perpekto ka—hindi dapat ganito ang iyong saloobin sa gayong mga salita. Ano ang dapat na maging saloobin mo? Dapat mong sabihin sa iyong sarili, “May mga pagkakamali ako, tiwali at may kapintasan ang lahat ng bagay tungkol sa akin, at isang ordinaryong tao lamang ako. Anuman ang kanilang paghamak at panunuya sa akin, may katotohanan ba rito? Kung parte ng sinasabi nila ay totoo, dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos.” Kung may ganito kang saloobin, katunayan ito na kaya mong tratuhin nang tama ang katayuan, reputasyon, at mga sinasabi ng ibang tao patungkol sa iyo. Hindi madaling isantabi ang katayuan at reputasyon. Para sa mga taong medyo may kaloob, medyo mahusay ang kakayahan, o nagtataglay ng kaunting karanasan sa gawain, mas mahirap isantabi ang mga bagay na ito. Bagama’t minsan ay sinasabi nila na isinantabi na nila ang mga ito, hindi nila magawa ang mga ito sa kaibuturan ng puso nila. Sa sandaling pinahihintulutan ng sitwasyon at mayroon silang pagkakataon, magpapatuloy silang magsumikap para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan gaya ng dati, dahil mahal ng lahat ng tiwaling tao ang mga bagay na ito, sadyang medyo mas mahina lang ang pagnanais ng mga walang kaloob o talento na maghangad ng katayuan. Ang mga may taglay na kaalaman, talento, magandang hitsura, at espesyal na kapital, ay talagang may matinding pagnanais para sa reputasyon at katayuan, hanggang sa puntong puno na sila ng ambisyon at pagnanais na ito. Ito ang pinakamahirap para sa kanila na isantabi. Kapag wala silang katayuan, ang pagnanais nila ay nasa yugtong nag-uumpisa pa lamang. Kapag nagkaroon na sila ng katayuan, kapag pinagkakatiwalaan na sila ng sambahayan ng Diyos ng ilang mahahalagang gampanin, at lalo na kung nakapagtrabaho na sila nang maraming taon at malawak na ang kanilang karanasan at malaki na ang kanilang kapital, ang pagnanais ay hindi ngayon lang sumisibol, kundi nag-ugat na ito, namukadkad, at malapit nang magbunga. Kung ang isang tao ay palaging may pagnanais at ambisyon na gumawa ng mga dakilang bagay, maging sikat, maging isang dakilang tao, kung gayon, sa sandaling gumawa siya ng malaking kasamaan, at magkaroon ng epekto ang mga kahihinatnan nito, ganap na magiging katapusan na niya, at siya ay matitiwalag. Kaya, bago pa ito humantong sa malaking kalamidad, dapat niyang baligtarin kaagad ang sitwasyon habang may oras pa. Sa tuwing ginagawa mo ang anumang bagay, at sa anumang konteksto, dapat mong hanapin ang katotohanan, isagawa ang pagiging isang taong matapat at masunurin sa Diyos, at isantabi ang paghahangad ng katayuan at reputasyon. Kapag palagi kang nag-iisip at nagnanais na makipagkompetensiya para sa katayuan, kailangan mong matanto kung anong masasamang kahihinatnan ang kahahantungan ng ganitong uri ng kalagayan kung hindi ito malulutas. Kaya huwag magsayang ng oras, hanapin ang katotohanan, sugpuin ang pagnanais mo na makipagkompetensiya para sa katayuan habang nag-uumpisa pa lang ito, at palitan ito ng pagsasagawa sa katotohanan. Kapag isinasagawa mo ang katotohanan, mababawasan ang iyong pagnanais at ambisyon na makipagkompetensiya para sa katayuan, at hindi ka manggugulo sa gawain ng iglesia. Sa ganitong paraan, matatandaan at sasang-ayunan ng Diyos ang iyong mga ginawa. Kaya ano ang sinusubukan Kong bigyang-diin? Ito iyon: Dapat alisin mo sa iyo ang mga pagnanais at ambisyon mo bago mamulaklak at magbunga ang mga ito at mauwi sa matinding kalamidad. Kung hindi mo lulutasin ang mga ito habang maaga pa, mapapalampas mo ang isang magandang oportunidad; at sa sandaling nauwi na ang mga ito sa matinding kalamidad, huli na ang lahat para lutasin ang mga ito. Kung wala ka man lang determinasyon para maghimagsik laban sa laman, magiging napakahirap para sa iyo na makatungtong sa landas ng paghahangad sa katotohanan; kung may nasasagupa kang mga dagok at kabiguan sa paghahangad mo ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at hindi ka natatauhan, mapanganib ito: May posibilidad na matitiwalag ka. Kapag naharap ang mga nagmamahal sa katotohanan sa isa o dalawang kabiguan at dagok pagdating sa kanilang reputasyon at katayuan, malinaw nilang nakikita na wala talagang anumang halaga ang kasikatan, pakinabang, at katayuan. Nagagawa nilang lubos na talikuran ang katayuan at reputasyon, at pagpasyahan na, kahit hindi sila kailanman nagtataglay ng katayuan, patuloy pa rin nilang hahangarin ang katotohanan at gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, at ibabahagi ang kanilang patotoong batay sa karanasan, at nang sa gayon ay matamo ang resulta ng pagpapatotoo sa Diyos. Kahit mga ordinaryong tagasunod sila, may kakayahan pa rin silang sumunod hanggang wakas, at ang tanging gusto nila ay matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang mga taong ito lamang ang tunay na nagmamahal sa katotohanan at may determinasyon. Marami nang anticristo at masasamang tao ang naitiwalag ng sambahayan ng Diyos, at ang ilang naghahangad sa katotohanan, matapos makita ang kabiguan ng mga anticristo, ay nagninilay-nilay sa landas na tinahak ng mga taong iyon, at pinagninilay-nilayan din nila at kinikilala ang kanilang sarili. Mula rito, nagkakamit sila ng pagkaunawa tungkol sa layunin ng Diyos, nagpapasya na maging mga ordinaryong tagasunod, at nagtutuon sa paghahangad sa katotohanan at paggampanan nang maayos sa kanilang tungkulin. Kahit pa sinasabi ng Diyos na sila ay mga tagapagserbisyo o mabababang tao na walang kabuluhan, ayos lang sa kanila. Susubukan lang nilang maging mabababang tao, maliit at hamak na mga tagasunod sa mga mata ng Diyos, na sa huli ay tatawagin ng Diyos na mga pasok sa pamantayan na nilikha. Ang mga taong tulad nito ang mabubuti at sila ang mga sinasang-ayunan ng Diyos.

Gusto ng Diyos ang mga taong naghahangad sa katotohanan, at ang pinakakinapopootan Niyang ginagawa ng mga tao ay ang paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Talagang itinatangi ng ilang tao ang katayuan at reputasyon, masyadong mahilig sa mga iyon, hindi maatim na isuko ang mga iyon. Pakiramdam nila palagi ay walang kagalakan o pag-asa sa buhay kapag walang katayuan at reputasyon, na may pag-asa lang sa buhay na ito kapag nabubuhay sila para sa katayuan at reputasyon, at kahit may kaunti silang kabantugan ay patuloy silang makikipaglaban, hinding-hindi sila susuko. Kung ito ang kaisipan at pananaw mo, kung puno ng gayong mga bagay ang puso mo, wala kang kapabilidad na mahalin at hangarin ang katotohanan, wala kang tamang direksyon at mga pakay sa iyong pananalig sa Diyos, at wala kang kapabilidad na hangarin ang pagkakilala sa sarili mo, iwaksi ang katiwalian at isabuhay ang wangis ng tao; sadya mong binabalewala ang mga problema kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin, wala kang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad, at nasisiyahan ka lang sa hindi paggawa ng kasamaan, hindi pagsasanhi ng kaguluhan, at hindi mapaalis. Magagawa ba ng gayong mga tao ang kanilang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan? At maaari ba silang iligtas ng Diyos? Imposible. Kapag kumikilos ka alang-alang sa reputasyon at katayuan, iniisip mo pa nga na, “Hangga’t hindi isang masamang gawa ang ginagawa ko at hindi ito nakakagulo, kahit mali ang motibo ko, walang makakakita niyon o magkokondena sa akin.” Hindi mo alam na sinisiyasat nang mabuti ng Diyos ang lahat. Kung hindi mo tinatanggap o isinasagawa ang katotohanan, at itinataboy ka ng Diyos, tapos na ang lahat para sa iyo. Iniisip ng lahat ng walang may-takot-sa-Diyos na puso na matalino sila; sa katunayan, ni hindi nila alam kung kailan sila sumalungat sa Kanya. Hindi nakikita nang malinaw ng ilang tao ang mga bagay na ito; iniisip nila, “Hinahangad ko lang ang reputasyon at katayuan upang mas marami akong magawa, para makatanggap ako ng higit pang responsabilidad. Hindi ito nakakagambala o nakakagulo sa gawain ng iglesia, at lalong hindi nito pinipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Hindi ito malaking problema. Sadyang mahal ko ang katayuan at pinoprotektahan ko ang aking katayuan, pero hindi masamang gawa iyon.” Sa panlabas, maaaring hindi mukhang masamang gawa ang gayong hangarin, pero saan humahantong iyon sa huli? Makakamit ba ng gayong mga tao ang katotohanan? Makakamtan ba nila ang kaligtasan? Talagang hindi. Samakatwid, ang paghahangad ng reputasyon at katayuan ay hindi ang tamang landas—kabaligtaran mismo ng paghahangad sa katotohanan ang direksyong iyon. Sa kabuuan, anuman ang direksyon o layon ng iyong hangarin, kung hindi ka nagninilay tungkol sa paghahangad ng katayuan at reputasyon, at kung nahihirapan kang isantabi ito, maaapektuhan niyon ang iyong buhay pagpasok. Hangga’t may puwang ang katayuan sa puso mo, ganap itong magkakaroon ng kapabilidad na kontrolin at impluwensiyahan ang direksyon ng buhay mo at ang layon ng paghahangad mo, kaya nga magiging napakahirap sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad, maliban pa sa mahihirapan kang baguhin ang iyong disposisyon; makamit mo man sa bandang huli ang pagsang-ayon ng Diyos, siyempre pa, ay hindi na kailangang sabihin pa. Bukod pa riyan, kung hindi mo kailanman magawang isuko ang paghahangad mo ng katayuan, maaapektuhan nito ang abilidad mong gawin ang iyong tungkulin sa paraan na pasok sa pamantayan, kaya talagang mahihirapan kang maging isang nilikha na pasok sa pamantayan. Bakit Ko sinasabi ito? Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi kapag naghahangad ang mga tao ng katayuan, dahil ang paghahangad ng katayuan ay isang satanikong disposisyon, isa itong maling landas, bunga ito ng katiwalian ni Satanas, isa itong bagay na kinokondena ng Diyos, at ito mismo ang bagay na hinahatulan at dinadalisay ng Diyos. Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi kapag naghahangad ang mga tao ng katayuan, pero nagmamatigas ka pa ring nakikipagkompetensiya para sa katayuan, walang sawa mo itong iniingatan at pinoprotektahan, at laging sinusubukang makuha ito para sa iyong sarili. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay antagonistiko sa Diyos? Hindi inorden ng Diyos ang katayuan para sa mga tao; ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, para sa huli ay maging isang nilikha sila na pasok sa pamantayan, isang maliit at hamak na nilikha—hindi isang tao na may katayuan at katanyagan at iginagalang ng libo-libong tao. Kung kaya, saanmang perspektiba ito tingnan, walang kahahantungan ang paghahangad ng katayuan. Gaano man kamakatwiran ang iyong pagdadahilan para maghangad ng katayuan, mali pa rin ang landas na ito, at hindi ito sinasang-ayunan ng Diyos. Gaano ka man magpakahirap o gaano man kalaki ang halagang bayaran mo, kung nagnanais ka ng katayuan, hindi ito ibibigay sa iyo ng Diyos; kung hindi ito ibinibigay ng Diyos, mabibigo ka sa pakikipaglaban para matamo ito, at kung patuloy kang makikipaglaban, isa lamang ang kalalabasan nito: Mabubunyag at matitiwalag ka, at mauuwi ka sa walang kahahantungan. Nauunawaan mo ito, hindi ba?

Marso 7, 2020

Sinundan:  Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin Para Lang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa nga ang mga Interes na Iyon, Ipinagpapalit ang mga Iyon Para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikalawang Bahagi)

Sumunod:  Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin Para Lang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa nga ang mga Interes na Iyon, Ipinagpapalit ang mga Iyon Para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikaapat na Bahagi)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger