Tanong 6: Talikuran natin ang iba pa, ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon, at patnubayan ang iglesia. Ganitong pagsusumikap ang paraan para maisagawa ang kalooban ng Ama sa langit. May mali ba sa ginagawa nating ito?

Sagot: Hindi komo ipinapangaral n’yo ang ebanghelyo ng Panginoon at nagsisikap kayo para sa Kanya ay ginagawa n’yo na ang kalooban ng Ama sa langit. Para magawa talaga ang kalooban ng Ama sa langit, kailangang sundin ng tao ang daan ng Panginoon at ang Kanyang mga utos. Kailangan gawin ng tao ang kanyang tungkulin ayon sa hinihiling ng Panginoon. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili(Mateo 22:37–39). Pagdating sa kalooban ng Ama sa langit, ang pinakamahalagang kailangang gawin ay sundin at isabuhay ang mga salita ng Panginoong Jesus sa ngayon. Ito ang pinakapangunahing prinsipyo. Kung hindi nakatuon ang tao sa pagsunod sa mga salita ng Panginoong Jesus at sa halip ay nakatuon sa pagsunod sa mga salita ng tao sa Biblia, hindi nila ginagawa ang kalooban ang Ama sa langit. Ang paggawa ng kalooban ng Ama sa langit ay pagsunod sa mga salita ng Diyos. Laging pinupuri ng mga tao ang mga salita ng mga apostol sa Biblia sa halip na purihin at patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus Mismo. Sa paggawa nito, hindi nila ginagawa ang kalooban ng Diyos. Sa halip, kinalaban nila Siya. Ang mga gumagawa sa kalooban ng Diyos ay nasusunod ang Diyos, naisasabuhay ang kanyang mga salita, natatanggap ang Kanyang utos, at nagpapatotoo sa Diyos, anuman ang Kanyang sabihin o gawin. At hindi na sila naghihimagsik o kumakalaban sa Diyos. Sila ang pinupuri ng Diyos. Tingnan n’yo si Abraham, halimbawa, nasunod niya ang mga salita ng Diyos. Kusang-loob niyang ibinalik ang kanyang kaisa-isang mahal na anak sa Diyos. Ginantimpalaan ng Diyos si Abraham sa kanyang ganap na pagsunod. Pinagpala Niya ang mga inapo ni Abraham, pinayagan sila kalaunan na maging mga dakilang bansa. Ang isa pang halimbawa ay si Job. Sinamba niya ang Diyos at lumayo siya sa kasamaan. Sa kanyang mga pagsubok, nang bawiin ang kanyang kayamanan at mga anak, isinumpa niya ang kanyang sarili sa halip na sisihin ang Diyos; patuloy niyang binasbasan ang banal na pangalan ng Diyos na si Jehova. Kung gayon, isa siyang perpektong tao sa mga mata ng Diyos. Isa pa ring halimbawa si Pedro. Buong buhay niyang sinunod ang Panginoong Jesus, na inaasam at hinahanap ang katotohanan. Matapos tanggapin ang utos ng Panginoon, ginabayan niya ang iglesia, na mahigpit na sinusunod ang mga ipinagagawa ng Panginoon. Kalaunan nasunod niya ang Diyos hanggang kamatayan at minahal Siya nang higit sa lahat. Lahat sila ay sumunod at sumamba sa Diyos. Ganitong mga tao ang tunay na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. Pag sinabi mo na ang pagsusumikap para sa Panginoon ay pagsasagawa ng kalooban ng Ama sa langit, bakit, matapos maglakbay ang mga Fariseo sa mga lupain at karagatan para ipangaral ang ebanghelyo at magsumikap, hinatulan at isinumpa sila ng Panginoong Jesus? Dahil ’yan sa nanalig sila sa Diyos pero hindi nila sinundan ang Kanyang daan. Nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa ng bagong gawain, hindi lang ito tinanggihan ng mga Fariseo, pinamunuan pa nila ang lahat ng Judio na pikit-matang tuligsain at kalabanin ang Panginoong Jesus. Nagbahagi pa sila ng mga maling patotoo laban sa Kanya. Lahat ng ginawa nila ay pagkakanulo sa daan ng Panginoon; itinuring nilang kaaway ang Panginoong Jesus. Kahit sobra ang paghihirap at pagsusumikap ng mga taong ito, pa’no natin masasabi na ginagawa nila ang kalooban ng Ama sa langit?

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan:  Tanong 5: Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap tayo para sa Panginoon, sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, at pagpapastol sa mga iglesia ng Panginoon, gaya ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya.” Hindi ba pagsunod ito sa kalooban ng Diyos? Ang ibig sabihin ng ganitong pamumuhay ay karapat-dapat tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at pagdalisay ng Diyos sa mga huling araw bago tayo madala sa kaharian ng langit?

Sumunod:  Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. Ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

I-type ang hinahanap mong term sa search box

Connect with us on Messenger
Mga Nilalaman
Mga Setting
Mga Aklat
Hanapin
mga Video