38 Purihin ang Diyos sa Pagtatamo ng Kaluwalhatian
Ang Makapangyarihang Diyos, na maluwalhati't marangal,
ay nagkatawang-tao sa piling ng tao.
I
Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at nililinis tayo.
Sa pagkaunawa sa katotohanan, tayo'y nababago.
Naipapakita ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos
sa paghatol ng Kanyang salita.
Nakita natin ang pagiging matuwid ng Diyos.
Nililinis tayo ng salita ng Diyos at nakakamit natin ang katotohanan at buhay.
Tayo'y tunay na pinagpapala at nag-aalay ng ating mga awit at sayaw.
Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng pagliligtas Niya.
Karapat-dapat sa walang hanggang papuri ang katuwiran at kabanalan ng Diyos.
Alay natin ating katapatan at matunog tayong nagpapatotoo sa Diyos.
II
Pinakawalan na ang matuwid na poot ng Diyos,
at parurusahan yaong mga lumalaban sa Kanya.
Ililigtas ng Diyos ang lahat ng tumatanggap sa katotohanan at nagpapasakop sa Kanya.
Ang mga tao ng Diyos ay nagpapahayag at nagpapatotoo sa Kanya;
lumalaganap sa buong mundo ang ebanghelyo.
Natalo ng Diyos si Satanas at nagkamit ng kaluwalhatian,
at nagpakita na sa lupa ang kaharian ni Cristo.
Nanumbalik na sa dati nitong wangis ang nilikhang sangkatauhan,
at sila'y namumuhay sa liwanag ng presensiya ng Diyos.