68  Bumabalik Ako sa Sambahayan ng Diyos

I

Naririnig ko ang tinig ng Diyos, at bumalik na sa sambahayan Niya.

Napakapalad kong makita ang praktikal na Diyos.

Natupad na ang matagal kong inaasam.

Bawat pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

ay ang katotohanang realidad.

Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, may landas akong tatahakin,

at nauunawaan ko ang daang dapat kong tahakin bilang tao.

Diniligan ako ng buhay na tubig ng buhay,

at unti-unti akong lumago sa buhay.

Sa paghatol, iwinawaksi ko ang katiwalian

at may wangis ako ng isang matapat na tao.

Hindi na ako naghahanap;

nakapasok na ako sa katotohanan at nailigtas.

Mga salita ng Diyos ay tumatagos sa puso ng mga tao;

labis na kasiyahan ang kumain at uminom ng salita ng Diyos.


II

Dumalo ako sa piging ng Kordero,

at tinanggap ko ang praktikal na pagsasanay ng kaharian.

Bagaman dumaan ako sa lambak ng mga luha,

tunay ang pagmamahal ng Diyos na natikman ko.

Mga pagsubok at pagdurusa'y nagpapahirap sa puso ko,

nagbubunyag ng paghihimagsik at katiwalian.

Ang mga dumi sa aking pananalig ay nalilinis,

at mas dumadalisay ang mapagmahal-sa-Diyos kong puso.

Bumibighani sa akin ang katapatan at katuwiran ng Diyos.

Labis na kaibig-ibig ang disposisyon ng Diyos,

malalim itong nakaugat sa puso ko.

Tumitibay ang pagmamahal ko sa Diyos araw-araw,

at nasisiyahan ako na mahal ng puso ko ang Diyos.

Diyos ay banal, matuwid, at tunay na kaibig-ibig;

puno ang puso ko ng mga awit ng papuri.


III

Ngumingiti sa 'kin ang mga bituin, ang araw ay tumatango.

Sumisikat ang araw, nambabasa ang ulan,

at lumalaki akong malakas sa mga salita ng Diyos.

Napakasagana ng mga salita ng Diyos, at matamis ang ating piging.

Ang masagana at kompletong probisyon ng Diyos ay bumubusog sa aking espiritu.

Ang iglesia ay ang kaharian ni Cristo.

Nagmamahal at nagpapasakop sa Diyos ang mga tao Niya.

Namumuhay silang lahat kasama Siya,

ang buhay sa lupa ay tila langit.

Walang lungkot o mga luha,

at ang mamuhay sa harap ng Diyos ay labis na kaligayahan.

Mga salita ng Diyos ay naging pundasyon ng pag-iral ko.

Hindi na ako hihiwalay sa Kanya.


IV

Araw-araw nagsasalita at nagtutustos ang Diyos sa tao.

Ang buhay sa kaharian ay napakaganda.

Minamahal ng aking puso,

'di ko lubos maipaliwanag ang pagiging kaibig-ibig Mo.

Napakatamis ng mga salita Mo,

pinasisigla ang puso ko't pinupukaw ang pagmamahal ko.

Ang paghatol Mo ay matuwid at banal,

at nililinis nito ang aking tiwaling puso.

Natamasa ko ang labis na pagmamahal Mo.

Hahangarin ko ang katotohanan at pasisiyahin Ka.

Puso ko'y matamis na nagmamahal sa Iyo,

at dahil dito'y napapasayaw ako sa galak.

Handa akong ilaan ang buong buhay ko sa Iyo,

at puno ng galak ang mga araw ko dahil mahal Kita.

Tutuparin ko ang tungkulin ko at magpapatotoo.

Mamahalin at sasambahin Kita habambuhay.

Sinundan:  67  Umawit at Sumayaw sa Pagpupuri sa Diyos

Sumunod:  69  Awitin ang Iyong Taos-pusong Pagmamahal para sa Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger