112  Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilikha

I

Madalas ay gusto kong humiyaw, ngunit parang walang tamang lugar.

Madalas ay gusto kong kumanta nang malakas, ngunit hindi ko makuha ang tamang tono.

Madalas ay gusto kong ipahayag ang pag-ibig ng isang nilikha.

Ako ay naghanap sa lahat ng dako,

ngunit hindi ko maisip ang tamang mga salita.

Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Puso ko'y lumulundag, mga kamay ko'y nagsasayaw,

upang purihin ang Iyong pagparito sa mundong ito.


II

Ang tao'y mula sa alabok, nang walang anumang buhay.

Nilikha ng Diyos ang tao, at binigyan Niya ang tao ng hininga ng buhay

para ito ay mabuhay sa lupa.

Nakakalungkot na ginawang tiwali ni Satanas ang tao,

nawala na ang kanilang katwiran at konsensiya.

Sa bawat henerasyon, sila ay nagsisibagsakan hanggang sa kasalukuyan.

Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Ako'y alabok na nakakakita sa maluwalhati Mong mukha.

Paanong hindi ako yuyuko at sasamba sa Iyo?


III

Nilikha at minamahal ng Diyos ang tao,

kaya nagkatawang-tao Siyang muli upang iligtas ito.

Tiniis Niya ang pamamahiya at lahat ng uri ng pasakit,

at natikman ang tamis at pait ng buhay,

upang ang tao ay madala sa magandang hantungan.

Sa pagsapit sa atin ng gayong kaligtasan,

paanong hindi natin Siya pasasalamatan nang walang hanggan?

Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Labis akong nagawang tiwali, pero ngayon ay iniligtas Mo ako.

Paanong hindi ako yuyuko at sasamba sa Iyo?


IV

Ngayon ako'y naligtas at tumatahak sa tamang landas,

dahil lamang sa biyaya't pagpapala ng Diyos.

Tinatamasa ko ang mga salita ng Diyos at dinaranas ko ang Kanyang paghatol,

nalalaman ko ang Kanyang katuwiran at kabanalan.

Sa pagtitiis Niya ng lahat ng uri ng pang-uusig, pasakit at paghihirap,

napagtanto ko na ang Diyos lamang ang pinakakaibig-ibig.

Sa pagdanas ng gawain ng Diyos, ako ay nalinis, at sa wakas ay namumuhay sa liwanag.

Makapangyarihang Diyos, Ikaw ang pag-ibig sa aking puso.

Sa pagpapasakop sa mga pagsasaayos Mo, sa pagtugon sa mga layunin Mo,

hindi na ako ang nagpapasya sa'king sarili.

Sinundan:  111  Lumalakad Ako sa Daan Tungo sa Kaharian

Sumunod:  113  Pinahahalagahan ng Puso Ko ang Salita ng Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger