114  Ang Dasal ng mga Tao ng Diyos

I

Bumabalik ang mga tao ng Diyos sa harap ng trono

at sabay-sabay na nagdarasal sa Diyos.

Nawa'y gabayan ng Diyos ang mga nagmamahal sa katotohanan

para madinig nila ang tinig Niya sa madaling panahon.

Nawa'y liwanagan ng Diyos ang mga nanonood at naghihintay

na makilala ang nagbalik na Manunubos.

Nawa'y makalaya ang mga tao mula sa mga gapos ng mga kuru-kuro nila,

para hanapin at siyasatin nila ang tunay na daan.

Nawa'y makasabay ang lahat ng itinakda at hinirang ng Diyos

sa mga yapak ng Kordero.

Nawa'y makamit ng mga tao ang pagtustos ng salita ng Diyos,

para hindi na mauhaw ang espiritu nila.

Nawa'y matuto ang mga tao na kumilatis

at hindi na malihis ng kasinungalingan ni Satanas.

Nawa'y akayin at gabayan tayo ng Diyos

na mangaral sa ebanghelyo at magpatotoo sa Kanya.

Nawa'y laging kasama ng Diyos ang mga hinirang Niya,

para tapat na matupad ng lahat ang tungkulin nila.


II

Nawa'y liwanagan tayo ng Diyos,

para makilala natin ang salita Niya at maunawaan ang mga layunin Niya.

Nawa'y pahalagahan at isabuhay ng lahat ng tao

ang salita ng Diyos.

Nawa'y madalas tayong disiplinahin ng Diyos,

para maisabuhay natin ang wangis ng tao.

Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng mga pagsubok,

para magbago ang ating disposisyon.

Nawa'y makilatis ng lahat ng tao ang mabuti sa masama,

maisagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos.

Nawa'y parusahan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng masama,

para hindi magulo ang buhay iglesia.

Nawa'y marami pang taong gawing perpekto ng Diyos

para maging kaisa ng puso't isipan Niya.

Nawa'y tunay na magmamahal ang lahat ng tao

sa kaibig-ibig na Diyos.

Nawa'y pagpalain ng Diyos ang lahat ng hinirang Niya

para mamuhay sa liwanag.

Sinundan:  113  Pinahahalagahan ng Puso Ko ang Salita ng Diyos

Sumunod:  115  Ang Katotohanan ng mga Salita ng Diyos ay Napakahalaga

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger