211 Ikaw Lamang ang Makapagliligtas sa Akin
I
Mababang-loob at nakakubli, nagsasalita Ka para magligtas ng tao,
at nagdurusa kasama namin.
minamahal Mo ang tao bilang sarili Mong laman at dugo,
at karapat-dapat Ka sa pagmamahal ng tao.
Ang paghatol at pagkastigo Mo'y para sa kaligtasan ng tao,
at nagpapaulan Ka ng buhay sa amin.
Maganda't mabuti ang puso Mo, matuwid ang disposisyon Mo,
karapat-dapat sa papuri ng tao.
Sumasampalataya sa Iyo, kung hindi Kita kayang mahalin
at makuha ang 'Yong pagsang-ayon,
buong buhay kong pagsisisihan ito.
Nananampalataya ako sa Iyo pero hindi Kita kayang mahalin—
wala akong konsensiya, at 'di karapat-dapat tawaging tao.
II
Ginagabayan Mo ang tao sa mga salita Mo, namumuhay Ka kasama ng tao,
para may sandigan ang tao.
Una Kang nagdusa, nagsisilbing huwaran para sundin ng mga tao;
matapat at kaibig-ibig Ka.
Isinasaalang-alang Mo ang kahinaan ng tao,
at tinutustusan kami ng 'Yong mga salitang hindi kailanman malilimutan.
Kasama ko ang mga salita Mo sa landas ng kapighatian,
at nadarama ko ang tamis.
Ang mga salita Mo'y lumulupig, humahatol, at dumadalisay sa akin;
Ikaw lang ang makapagliligtas sa akin.
Pinupungusan, sinusubok, at pinipino Mo ako;
Ikaw lang ang makakapagpaperpekto sa'kin.
Ang pagmamahal Mo'y mahalaga at pinakamaganda;
iniwan Mo ang tunay Mong damdamin sa piling ng tao.