253 Tanging Hiling Ko ay Masiyahan ang Diyos
I
Natamasa ang biyaya ng Diyos pero bigo akong hangarin ang katotohanan.
Sa pagiging pabaya at panlilinlang ko sa Diyos sa tungkulin ko, nasaktan kong puso Niya.
Muli't muli, nagpakita Siya ng pagtitimpi at awa, hinahayaan akong makapagsisi.
Ginising ng paghatol, pagkastigo, pagtutuwid at disiplina ang puso kong manhid.
Nauunawaan ang katotohanan at nararanasan ang pagmamahal ng Diyos,
labis akong nagsisisi.
Malaki ang Kanyang biyaya, at hindi ko nasuklian ang kahit katiting nito;
paano ko Siya haharapin?
Hahangarin ko ang katotohanan, magiging bagong tao ako,
at tutuparin ko ang tungkulin ko.
Masuklian ang pagmamahal ng Diyos at magpatotoo sa Kanya ang tangi kong hiling.
II
Isinasapuso ko ang mga payo ng Diyos para tuparin ang misyon ko.
Isinasagawa ang katotohanan at tinutupad ang tungkulin ko,
para masiyahan ang puso ng Diyos.
Sa soberanya at mga pagsasaayos ng Diyos, nahaharap ako sa mga pagsubok.
Bakit ako magiging negatibo at magtatago? Nauuna ang kaluwalhatian ng Diyos.
Sa kasawian, ginagagabayan ako ng salita ng Diyos
at pineperpekto ang pananalig ko.
Ibinibigay ko sa Diyos ang katapatan ko, ano ngayon kung mamatay ako?
Mas mataas sa lahat ang kalooban ng Diyos.
Di pansin ang hinaharap, hindi iniisip ang pakinabang o kawalan,
hinihiling ko lang na mapalugod ang Diyos.
Matunog akong magpapatotoo at ipapahiya ko si Satanas,
hatid ay kaluwalhatian sa Diyos.
Nakita ko ang Araw ng katuwiran; naghahari ang katotohanan sa lupa.
Matuwid at banal ang disposisyon ng Diyos, karapat-dapat purihin ng sangkatauhan.
Ipinapangako ko ang buhay ko sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos
at tapat na paggawa sa tungkulin ko.
Mamahalin ko ang Makapangyarihang Diyos habang-buhay,
pupurihin ko Siya habang-buhay!