264 Ang Aming Kagalakan Dahil sa Pagliligtas ng Diyos
I
Kami ay umaawit at sumasayaw!
O, mga nagagalak na tao na may marubdob na puso.
Natatanggap ang pagliligtas ng Diyos, inihahandog namin ang aming puso.
Pinupuri namin ang Diyos nang malakas at sumasayaw kami sa galak para sa Kanya.
Pinasisigla namin ang sarili at hinahangad ang katotohanan.
Hindi na kami negatibo, at ang aming espiritu'y napapalaya.
Binubuksan namin ang aming puso, sumasabay sa ritmo.
Kami'y hawak-kamay at bigkis-puso.
Binubuksan namin ang aming puso, sumasabay sa ritmo.
Nais naming madama ng Diyos ang aming galak.
Ayaw naming iparanas sa Diyos ang higit pang pasakit.
II
Binubuksan namin ang aming puso at isinasayaw ang aming mga braso.
Sino'ng pumupukaw sa aming puso? Para kanino kami lumuluha?
Nililinis kami ng paghatol ng Diyos, kami ay napapaluha.
Malugod nating tinatanggap ang pag-asa,
isinasagawa ang katotohanan, hangad na mahalin ang Diyos
at mamuhay para sa Diyos;
unti-unting napapawi ang aming kalungkutan.
Nahahabag ang Diyos, nagtatanim ng binhi ng pagmamahal.
Kaming mga alabok ay nagiging magandang bunga.
Nahahabag ang Diyos, nagtatanim ng binhi ng pagmamahal.
Ang tiwaling sangkatauhan ay pinapaboran at nagtatamasa ng pagliligtas.
III
O, Makapangyarihang Diyos! Lubos Mo kaming minamahal!
Namumuhay kami para lang sa Iyo.
Nagdurusa kami sa mga pagsubok, pero kasama namin ang pagmamahal Mo.
Susundan Ka namin hanggang sa dulo.
Isinasagawa ko ang katotohanan, tapat at mapagpasakop ako.
Ayaw ko nang mag-alala Ka pa sa akin.
Namumuhay kami para lang sa Iyo.
Iaalay namin ang aming sarili sa Iyo hanggang sa huling hininga.
Namumuhay kami para lang sa Iyo,
ang magagandang awit at masasayang sayaw,
ay para lang sa Iyo.