274 Mahal Ko, Pakihintay Ako
I
Gumagapang ang buwan sa tuktok ng mga puno,
ang liwanag nito'y kasingganda ng aking minamahal.
O mahal ko, nasaan Ka? Narinig Mo na ba akong umiiyak?
Sino pa'ng nagmamahal sa akin kundi Ikaw?
Sino pa'ng nagmamalasakit sa akin kundi Ikaw?
Sino'ng nag-aalala sa akin kundi Ikaw?
Sino'ng nagpapahalaga sa buhay ko kundi Ikaw?
Buwan, bumalik Ka na sa kabilang panig ng langit.
Wag mong bigyan ng alalahanin ang mahal ko.
Nawa'y iparating mo ang pangungulila ko,
at 'wag kalimutang isama sa iyo ang aking pagmamahal.
II
Mga ligaw na gansang magkapares na lumilipad—
maaari ba kayong maghatid ng balita tungkol sa mahal ko?
Pahiram ng inyong mga pakpak,
para makalilipad ako pabalik sa aking mainit na tahanan.
Susuklian ko ang pagmamalasakit na ipinakita sa akin ng mahal ko,
at sabihin sa kanya na 'wag nang mag-alala.
Gusto Kitang bigyan ng kasiya-siyang sagot,
at hindi sayangin ang halagang ibinayad Mo.
Gusto kong mabilis na lumago
at iwaksi ang walang-direksiyong buhay na ito ng pasakit.
O mahal ko, pakihintay ako.
Lalayo ako sa makamundong kasaganaan.
Susuklian ko ang pagmamalasakit na ipinakita sa akin ng mahal ko,
at sasabihin sa kanya na 'wag nang mag-alala.
Gusto Kitang bigyan ng kasiya-siyang sagot,
at hindi sayangin ang halagang ibinayad Mo.