312 Ang Kinabukasan ng Kaharian ay Walang Hanggang Maliwanag
I
Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw,
ay nagpapahayag ng katotohanan para iligtas ang tao.
Sa pagdanas ng paghatol ng Diyos, nalilinis at naililigtas ang mga tao ng Diyos;
inaalay nila ang buong pagkatao at katapatan
sa paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian.
Binubuo ng Diyos ang isang grupo ng mga mananagumpay,
at tinatalo si Satanas.
Nagsimula na ang malalaking sakuna,
at lumalaganap ang ebanghelyo sa buong mundo.
Salot at taggutom ay kumakalat sa buong mundo,
nagtutulak sa mga tao na hanapin ang tunay na daan.
Lumaganap na sa buong mundo ang mga salita ng Diyos,
nilulupig ang lahat ng tao sa lupa.
Ang lahat ng bansa at lugar, relihiyon at denominasyon,
ay susuko sa harap ng Diyos.
II
Ang kinabukasan ng kaharian ay walang hanggang maliwanag,
lumilitaw ang mga kapana-panabik na eksena.
Lahat ng bansa at tao ay naghahanap sa tunay na daan
at sumasamba sa Makapangyarihang Diyos.
Kinikilala nila Siya sa mga salita at sinasampalataya Siya sa puso nila,
pinupuri ang banal Niyang pangalan.
Nararapat luwalhatiin at parangalan
ang pinakamataas at pinakamarangal na Makapangyarihan.
Naisakatuparan na sa lupa ang Milenyong Kaharian,
at natupad na ang kalooban ng Diyos.
Ang mga salita ng Diyos ay pumupuno sa sansinukob,
at lahat ng bagay ay nalilinis, lahat ng bagay ay nalilinis.
Bawat tao ay naglalakad sa liwanag, at tumatanggap sa patnubay ng mga salita Niya.
Ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos
ay naghahari sa kapangyarihan Niya sa lupa.
Pa'nong hindi tayo magsaya, pumuri sa Kanya, at umawit?
Pinupuri natin ang mga gawa ng Makapangyarihang Diyos;
tunay na kahanga-hanga at di-maarok ang mga ito.
Ang mga salita ng Diyos ay pawang ang katotohanan;
sunod-sunod na naisasakatuparan ang mga ito.
Nagpapatotoo tayo sa buong sansinukob:
tapos na ang dakilang gawain ng Diyos!