20. Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Ni Mathieu, France

Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Sa totoo lang, mas marami akong nakamit kaysa sa mahigit kumulang isang dekadang ginugol ko bilang isang mananampalataya sa komunidad ng mga relihiyon.

Ako si Mathieu, at ipinanganak ako sa isang pamilya ng mga Katoliko sa Lyon, France. Pinalaki ako ayon sa tradisyon ng mga Katoliko na nagpapabinyag, nagsisimba, nagpapabasbas, at sumasama sa mga pilgrimage. Nang malaki na ako, natanto ko na ang laging ipinapangaral ng mga paring Katoliko ay iyon pa ring mga lumang doktrina na walang maiturong anumang bago. Nanlamig at nawalan ng buhay ang pananalig ng maraming mananampalataya. Nadama ko na wala sa lugar na ito ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi ako magtatamo ng buhay roon. Nakapanghina ito ng loob ko. Nanabik akong makakita ng isang simbahang may gawain ng Banal na Espiritu kung saan madarama ko ang presensiya ng Panginoon. Nagpasya akong lisanin ang Katolisismo para hanapin ang ganitong klaseng simbahan. Napunta ako sa Geneva pagkatapos niyon, kung saan pumasok ako sa unibersidad at sumapi sa isang lokal na simbahang Kristiyanong evangelical. Pero natuklasan ko na ilang salita sa Bibliya at doktrina lang ang ipinapangaral ng pastor, sumisigaw ng ilang islogan, at nagsasalita tungkol sa mga espirituwal na kaloob at mga teoryang teolohikal na malayo sa realidad. Walang kahit anong umantig sa akin o tumulong na makilala ko ang Panginoon. Ang isa pang napansin ko na lalong nakabigla sa akin ay ang pagsamba sa mga idolo. Ang larawan ng punong pastor ay katabing-katabi ng pulpito at tuwing may isang baguhang sumasapi sa simbahan, pinapasaludo sila ng lokal na pastor sa larawan ng punong pastor. Ipinapadala ng pastor sa mga mananampalataya ang sarili niyang mga interpretasyon sa Kasulatan bawat araw at itinuturing iyon ng mga kapatid na kanilang pang-araw-araw na espirituwal na pagkain, na para bang binabasa nila ang mga salita ng Diyos. Isinagawa pa nga nila ang mga iyon na para bang sariling mga salita iyon ng Diyos. Talagang hindi ako naging komportable dahil dito. Parang hindi iyon tama para sa akin. Nakikita ko na wala ang Panginoon sa simbahang iyon, kaya nilisan ko rin ang simbahang iyon. Itinanong ko sa sarili ko, “Nasaan ba talaga ang Panginoon?” Talagang espirituwal na hungkag ang pakiramdam ko at inisip ko kung binalewala na ba ako ng Panginoon. Simula noon, binasa kong mag-isa ang Bibliya sa bahay. Maraming beses kong binasa ang ikatlong kabanata ng Pahayag, at nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin ang bahaging bumabanggit tungkol sa iglesia sa Philadelphia. “Sapagkat tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasaiyo, upang huwag kunin ng sinuman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon(Pahayag 3:10–12). Napasaya talaga ako ng mga talatang ito dahil punung-puno ang mga ito ng hiwaga at mga pangako. Nakita ko na malinaw na sinabi ng Panginoon na magkakaroon ng isang iglesiang sinasang-ayunan ng Panginoon, iyon ang iglesia sa Philadelphia. Pakiramdam ko ay parang sinasabi ng Panginoon, “Narito Ako sa iglesiang ito.” Isang tanong ang nabuo sa akin dahil doon: Nasaan ang iglesiang ito? Sa patuloy na pagbasa, nakita ko ito: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Tuwang-tuwa akong mabasa na malinaw na isinaad ng Panginoon na kakatok Siya sa pinto. Inisip ko kung paano Siya talaga kakatok at kung ang ibig sabihin niyon ay malapit na Siyang bumalik. Labis iyong nakakapagbigay-liwanag sa akin, at nahikayat ang pagnanais kong patuloy na maghanap.

Noong gabi ng Mayo 1, 2018, muli akong nagdasal sa Diyos nang buong puso at kaluluwa, “O Diyos, bigyang-liwanag Mo sana ako. Alam kong malapit Ka nang dumating. Hayaan Mo sanang maunawaan ko ang Iyong layunin.” Kinabukasan, nagtrabaho ako gaya ng dati. Pumunta ako sa pampang ng Lake Geneva para mananghalian at naupo ako sa isang bangko. Tapos ay napansin ko ang isang tao sa malayo, kaya nilapitan ko siya nang may layuning ibahagi ang ebanghelyo sa kanya. Sa gulat ko, sabi niya sa akin, “Brother, alam mo ba? Nagbalik na ang Panginoon at nagpahayag ng milyun-milyong salita.” Nagulat ako nang marinig ko ito at naisip ko, “Bakit iyon sasabihin ng brother na ito? Talaga bang nagbalik na ang Panginoon?” Habang patuloy kaming nagbabahaginan, isa-isang nagsulputan sa isip ko ang mga tanong, “Nagbalik na ba ang Panginoon? Paano nagbalik ang Panginoon?” Ibinigay niya sa akin ang address ng website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabing, “Mas masisiyasat mo iyon dito.”

Binuksan ko kaagad ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos pagbalik ko sa opisina. Ang pinakaunang nakita ko ay ang “Nagpakita Na ang Cristo ng mga Huling Araw sa Tsina.” Nabigla ako sa balitang ito, at ang mas nakakagulat pa ay na naroon ang lahat ng uri ng aklat sa website, kabilang na ang dalawa na talagang nag-iwan ng impresyon sa akin: Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at Mga Pagbigkas ng Cristo ng mga Huling Araw. Talagang ginusto kong maunawaan kung ano ito, kaya nag-klik ako sa unang libro Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at nabasa ko ang isang sipi: “Lahat ng Aking tao na naglilingkod sa Aking harapan ay dapat gunitain ang nakaraan: Nabahiran ba ng dumi ang inyong pagmamahal sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Totoo ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano kalaki ang puwang Ko sa inyong puso? Napuno Ko ba ang buong puso ninyo? Gaano karami ang naisagawa ng Aking mga salita sa inyong kalooban? Huwag ninyong subukang lokohin Ako! Napakalinaw ng mga bagay na ito sa Akin! Ngayon, habang binibigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, naragdagan ba ang inyong pagmamahal sa Akin? Naging dalisay ba ang bahagi ng inyong katapatan sa Akin? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ng matibay na pundasyon ang papuring inialay noong araw para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaking bahagi ninyo ang okupado ng Aking Espiritu? Gaano kalaking puwang ang sakop ng Aking larawan sa inyong kalooban? Tumagos ba sa puso ninyo ang Aking mga pagbigkas? Nadarama ba ninyo talaga na wala kayong mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Naniniwala ba talaga kayo na hindi kayo kalipikado na maging Aking mga tao? Kung kayo ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, nagpapakita ito na sinasamantala mo ang malabong sitwasyon, na nariyan ka lamang para magparami sa bilang, at sa panahong Aking paunang itinalaga, tiyak na ititiwalag ka at itutulak sa walang hanggang hukay sa ikalawang pagkakataon. Ito ang Aking mga salita ng babala, at ang sinumang nagbabalewala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay daranas ng kalamidad. Hindi nga ba ganito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 4). Nadama ko na napakamaawtoridad ng mga salitang ito, na para bang ang Diyos Mismo ang nangungusap sa akin nang harapan, nagtatanong sa akin, “May tunay ka bang pagmamahal sa Akin? Tunay ba ang pagpapasakop mo sa Akin?” Medyo hindi ako napalagay dahil naglingkod ako sa Diyos para lang matapos ang isang gampanin, hindi dahil sa pagmamahal. Sa aking mga dalangin, palagi akong humihingi ng mga bagay mula sa Panginoon, na sinasabing, “O Diyos, gusto ko ng ganitong klaseng kotse, gusto ko ng ganitong klaseng bahay, gusto ko ng ganitong klaseng trabaho, gusto ko ng ganitong klaseng asawa….” Natanto ko na hindi makatwiran ang lahat ng ito. Ang mas malala pa, kapag hindi ibinigay ng Panginoon ang maluluho kong pagnanais, sinisisi ko Siya. Hiyang-hiya ako sa harap ng pagkalantad na ito, hanggang sa punto na nais kong makahanap ng lugar na pagtataguan, na parang batang nagtatago para hindi mapagalitan ng kanyang mga magulang dahil sa masamang ugali. Pero masaya rin ako, dahil pakiramdam ko parang nangungusap sa akin ang Diyos nang harapan. Nadama ko na tinig ito ng Diyos, dahil Diyos lang ang nakakakita sa puso ng mga tao. Inilalantad ako ng mga salitang ito kung ano talaga ako, at wala akong nasabi. Hindi ko napigilang patuloy na magbasa. Nabasa ko ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos. Naaalala ko ang isang sipi sa mga iyon na talagang nag-iwan ng impresyon sa akin. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Minamasdan Ko ang lahat ng bagay sa ibaba mula sa itaas, at gumagamit Ako ng kapamahalaan sa lahat ng bagay mula sa itaas. Sa gayon ding paraan, nailagay Ko na sa lugar ang Aking pagliligtas sa ibabaw ng mundo. Walang kahit isang saglit na hindi Ko minamasdan, mula sa Aking sikretong lugar, ang bawat galaw ng sangkatauhan at lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa. Alam Ko ang iniisip at nadarama ng mga tao: nakikita at kilala Ko silang lahat. Ang sikretong lugar ay Aking tirahan, at ang buong kalangitan ang kamang Aking hinihimlayan. Hindi Ako kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas, sapagkat nag-uumapaw ang Aking pagiging maharlika, katuwiran, at paghatol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 5). Pakiramdam ko puno ng awtoridad ng Diyos ang mga salitang ito. Sino pa bukod sa Diyos ang nakakakita sa ating puso? Sino pa bukod sa Diyos ang maaaring tuwirang mangusap sa atin nang may gayong kapangyarihan at awtoridad? Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at Diyos lang ang nakakakita sa mga bagay na itinatago natin sa kaibuturan ng ating puso. Natiyak ko na nagmula sa Diyos ang mga salitang ito at tuwang-tuwa ako. Isang pakiramdam iyon na noon ko lang nadama. Marami akong binasa noong araw na iyon at nahuli ako sa pag-uwi nang tatlong oras kaysa rati. Nadama ko na talagang espesyal ang mga salitang ito. Sa daan pauwi, paulit-ulit kong sinabing, “O Diyos, nagpapasalamat talaga ako sa Iyo! Nakilala ko ang tinig Mo at alam kong nagbalik Ka na. Nasaksihan ko ang Iyong awtoridad. Sumaiyo nawa ang buong kaluwalhatian!” Tuwang-tuwa ako. Ginunita ko ang panalangin ko sa Diyos noong nakaraang gabi, na hinihiling sa Kanya na tulungan akong maunawaan ang Kanyang layunin tungkol sa Kanyang pagbabalik. Natanto ko na dininig na at sinagot ng Diyos ang aking panalangin. Isang bagay iyon na talagang kahanga-hanga! Pero kasabay niyon, napuno rin ako ng mga katanungan, gaya ng: Paano naparito ang Panginoon? Anong gawain ang Kanyang ginagawa? Para masagot ang mga katanungang ito, nakipag-ugnayan ako sa mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Tapos ay sinabi nila sa akin na naging tao ang Panginoon bilang ang Anak ng tao, at na palihim Siyang naparito. Sinabi nila sa akin na nagpahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa ng bagong gawain, iyon ay ang paghatol ng mga huling araw simula sa sambahayan ng Diyos na ipinropesiya sa Bibliya, upang lubos na maglinis at magligtas sa sangkatauhan. Nagbahagi rin sila sa akin ng pagbabahaginan na talagang nakapagbigay-liwanag sa ilang talata sa Bibliya gaya ng Pahayag 16:15, “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Nariyan din ang Mateo 24:44, “Kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Malinaw na ang “Anak ng tao” ay hindi tumutukoy sa Espiritu ng Diyos o sa Kanyang espirituwal na katawan, kundi ang maisilang ng tao na nagtataglay ng normal na pagkatao at ng diwa ng Diyos. Gaya lang iyon ng Panginoong Jesus dalawang libong taon na ang nakararaan. Mukha Siyang isang karaniwang tao, pero Diyos Siya sa diwa. Tapos niyon, nagbahagi rin sila tungkol sa Pahayag 3:20, na bumabanggit sa pagkatok ng Panginoon sa pinto. Nalaman ko na ang “pagkatok” ay tumutukoy sa pagpapahayag ng Panginoon ng mga bagong salita sa mga huling araw para kumatok sa mga pinto ng puso ng mga tao. Kapag naririnig ng mga tunay na mananampalataya ang mga salita ng Panginoon, nakikilala nila na tinig iyon ng Diyos, at sila ang matatalinong dalaga na dinadala sa harap ng Diyos at sumasalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Tinutupad din nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27).

Napahanga ako. Naisip ko kung paano naparito ang Diyos sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon para gumawa sa lupa at sa panahon din itong nabubuhay ako sa mundo, humihinga ng kaparehong hangin, at kamukha lang Siya ng sinumang karaniwang tao. Namangha ako, hindi ito kapani-paniwala! Dahil inakala ko noon pa man na nasa langit ang Diyos, hindi ko naisip kailanman na sa mga huling araw, paparito ang Diyos sa lupa sa katawang-tao para mangusap at gumawa. Tapos ay binasa sa akin ng mga kapatid ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos: “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya, dahil Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, kailangan muna Siyang maging katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang pahiwatig ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkakatawang-tao, nagiging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, sa halip na pagiging makalaman. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay, ang pagka-Diyos. Samakatwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit). Mula sa mga siping ito ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Espiritu ng Diyos na naging tao at pumarito sa lupa para mangusap at gumawa upang iligtas ang sangkatauhan. Si Cristo ay mukhang karaniwang tao sa tingin, kumakain, nagdadamit, namumuhay at natutulog gaya ninuman, pero mayroon Siyang banal na diwa. Kaya Niyang mangusap sa buong sangkatauhan sa pagkakakilanlan at posisyon ng Diyos at kaya Niyang ipahayag ang mga katotohanan na hindi kailanman magagawa ng tao. Kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Sa tingin ay hindi natin masasabi na Siya ang Diyos, pero kapag narinig natin ang tinig Niya, masasabi natin na hindi nagmumula sa mundong ito ang Kanyang mga salita. Kaya Niyang ipaliwanag ang mga katotohanan at hiwaga na wala pang sinumang nakakita o nakarinig. Kaya Niyang ibunyag ang katiwalian sa kalooban ng sangkatauhan. Ang ipinapahayag Niya ay ang ipinapahayag ng Diyos Mismo. Kaya nga naniniwala kami na Siya ay Diyos. Katulad lang noong pumarito dati ang Panginoong Jesus para gumawa, mukha Siyang isang normal na tao sa tingin, pero may kakayahan Siyang maging handog para sa kasalanan para sa buong sangkatauhan upang mapatawad ang ating mga kasalanan. Kaya Niya tayong bigyan ng kapayapaan at kagalakan, at ng saganang biyaya. Wala nang iba bukod sa Kanya ang makakagawa ng ganitong klaseng gawain dahil ang mga tao ay mga tao lang, at hindi nila taglay ang diwa ng Diyos.

Ibinahagi rin ng mga kapatid na ang Makapangyarihang Diyos ay katulad lang ng Panginoong Jesus. Mukha Siyang isang karaniwang tao sa tingin, pero ang Kanyang diwa ay sa Diyos. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, na ipinapahayag ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan, at binubuksan ang mga hiwagang walang sinumang taong maaaring magbukas kailanman. Lalo na ang mga bagay na gaya ng mga hiwaga ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang mga hiwaga ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa paisa-isang hakbang, sino ang maliligtas at makakapasok sa kaharian ng langit, sino ang ititiwalag at parurusahan, at gayundin ang paglalantad Niya ng satanikong kalikasan ng mga tao—Diyos lamang ang makapagpapahayag ng mga katotohanang ito. Walang taong makakagawa noon. Pinatutunayan nito na may banal na diwa ang Makapangyarihang Diyos, na Siya ang Cristo ng mga huling araw. Nakatulong sa akin ang marinig ang lahat ng ito na maunawaan ang ilang katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao, at nakita ko na si Cristo ay mayroong kapwa normal na pagkatao at banal na diwa. Nawala ang ilan sa malalabo kong imahinasyon at kuru-kuro tungkol sa Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nakikita at nahahawakan, at kaya Niyang mangusap sa mga tao nang harapan. Ang pag-iisip na naging tao ang Diyos sa mga huling araw at personal na pumaparito sa daigdig para magpahayag ng mga salita para iligtas ang buong sangkatauhan ay talagang nakakapanabik at nakakaantig para sa akin. Pero nang marinig ko na nagkatawang-tao na ang Diyos sa pangalawang pagkakataon para gumawa ng gawain ng paghatol, medyo nangamba ako, at medyo natakot. Dahil namumuhay pa rin ako sa kasalanan, napapaisip ako kung ikokondena at parurusahan ako kapag nagbalik ang Panginoon para hatulan ang sangkatauhan. Gayunman, matapos makipagbahaginan sa mga kapatid, nalaman ko na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay hindi para kondenahin at parusahan tayo, kundi para linisin at iligtas tayo. Sa katunayan, isang bahagi lang ng gawain ng pagliligtas ang ginawa ng Panginoong Jesus. Pinatawad Niya lang ang ating mga kasalanan. Pero umiiral pa rin ang ating makasalanang kalikasan. Bagama’t maaari nating gugulin ang ating sarili para sa Diyos at pakunwaring gumawa ng ilang mabubuting bagay, puno ng mga satanikong disposisyon ang ating kalikasan gaya ng kayabangan, panlilinlang, at pagiging mapagmatigas. Madalas tayong mainggit sa iba at lahat ng ginagawa natin ay para sa ating sarili. Masyado tayong makasarili. Lubos tayong kontrolado at gapos ng ating mga satanikong disposisyon, at wala tayong ideya kung paano makakawala sa mga gapos ng kasalanan. Ito ay isang katunayan na nakikita natin sa bawat araw. Sinabi ng Diyos: “Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(Levitico 11:45). Malinaw na ipinapakita ng talatang ito na hindi tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kaya nga ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin at iligtas tayo sa mga huling araw, para lubusan tayong makalaya mula sa mga gapos ng kasalanan at maging mga taong may takot at nagpapasakop sa Diyos, na hindi na nagkakasala at lumalaban sa Diyos. Iyon ang layon ng gawain ng paghatol ng Diyos, na tumutupad sa mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Gawin Mo silang banal sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo(Juan 8:32).

Pagkatapos ay binasa namin ang dalawa pang sipi. Sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Bagama’t dumating si Jesus kasama ng tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang satanikong tiwaling disposisyon nito. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ilantad ang diwa ng tao, at himayin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat magpasakop ang tao sa Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad at pinupungusan Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling paghihimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magkamit ng malawak na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananalig sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Tapos ay ibinahagi ng isang brother, “Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan. Inilalantad at hinahatulan din ng mga salita ng Diyos ang ating satanikong kalikasan, at maging ang katotohanan ng ating katiwalian, at nilulutas Niya ang ating tiwaling disposisyon at makasalanang kalikasan sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino kaya malinaw nating nakikita kung gaano nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at makita ang kayabangan, pagiging baliko, at panlilinlang sa ating kalikasan. Ang pinakanakakalungkot ay na bagama’t maaaring naniniwala tayo sa Diyos at gumugugol ng ating sarili para sa Kanya, at pakunwaring gumagawa ng ilang mabubuting bagay, hindi ginagawa ang mga bagay na ito dahil sa pagmamahal o pagpapasakop sa Diyos, ginagawa natin ang mga ito para mapagpala at magantimpalaan tayo, at ginagawa lamang para makipagtawaran sa Diyos. Sa sandaling hindi umayon ang gawain ng Diyos sa ating mga iniisip at kuru-kuro, itinatanggi at itinatakwil natin ang Diyos, tulad ng ginawa ng mga Pariseo. Sinisisi natin ang Diyos sa harap ng mga pagsubok at paghihirap. Ipinapakita ng lahat ng ito na nabubuhay pa rin tayo nang may mga tiwaling satanikong disposisyon, at na pag-aari pa rin tayo ni Satanas. Paano makakapasok ang gayong uri ng tao sa kaharian ng langit? Dahil sa paghatol at pagsisiwalat sa mga salita ng Diyos, nakikita natin ang katotohanan ng ating katiwalian, na wala tayong kakayahang sumunod sa kalooban ng Diyos, at na wala tayong mga gawa o kilos na nakakalugod sa Kanya. Sa gayon ay nakokonsensiya tayo, nagsisisi sa Diyos, at nagiging handang umasal at gawin ang mga bagay-bagay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakikita natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lang binubuo ng pagmamahal at awa, kundi mayroon ding katuwiran, pagiging maharlika, poot, at sumpa. Nagsisimula tayong magkaroon ng kaunting may-takot-sa-Diyos na puso at nakakaya nating sadyang maghimagsik laban sa laman at isagawa ang mga salita ng Diyos. Nagkakaroon tayo ng kaunting pagpapasakop sa Diyos at nagsisimulang magbago ang ating disposisyon sa buhay. Sa gayon ay tunay nating nararanasan na ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos ang Kanyang pinakamalaking pagliligtas at pinakadakilang pagmamahal sa atin.”

Nang marinig ko ito mula sa brother, nadama ko kung gaano kalalim ang kabuluhan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi daranasin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi natin kailanman mauunawaan ang katotohanan ng ating katiwalian o magkakaroon ng tunay na pagsisisi. Katulad ko, nagdarasal ako at nangungumpisal sa Panginoon araw-araw, tapos ay ginagawa ko pa ring muli ang mga kasalanang iyon. Lubos akong kontrolado ng aking tiwaling kalikasan, at sa kalagayang katulad niyon, paano ako posibleng makakapasok sa kaharian ng langit at magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos? Dati-rati, iniisip ko palagi na basta’t mukhang maayos ang pag-uugali ko, sasang-ayunan ako ng Diyos. Pero natanto ko na ngayon na nais ng Diyos na magbago ang mga satanikong bagay sa ating kalooban. Noon ko natanto kung gaano kahalaga ang gawain ng paghatol para sa atin, na kung wala ang yugtong ito ng gawain, walang sinumang maliligtas. Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para linisin ang ating mga tiwaling disposisyon upang maging kaayon tayo ng Diyos at makapasok tayo sa Kanyang kaharian. Ang pagmamahal ng Diyos ay tunay na tunay at totoong-totoo!

Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lubos kong natiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Siya ang Cristo ng mga huling araw. Walang kaduda-duda. Simula noon, lumahok ako sa buhay iglesia, nakipagbahaginan sa mga kapatid araw-araw, at natutunan kong kilalanin ang Diyos. Hindi na ako nananampalataya sa malabong Diyos ng aking imahinasyon na gaya noon, kundi sa praktikal na Diyos sa katawang-tao, na naglalakad at gumagawa sa piling ng sangkatauhan, na kayang magpahayag ng katotohanan anumang oras at saanmang lugar. Narinig ko na ang tinig ng Diyos, at natamasa ang saganang pagdidilig at pagtustos ng Kanyang mga salita, at natikman ang gawain ng Banal na Espiritu. Tunay nga na nasa tabi na ako ng Panginoon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa Kanyang pagliligtas!

Sinundan:  19. Ang Pagiging Maunawain Ba ay Nangangahulugan ng Pagkakaroon ng Mabuting Pagkatao?

Sumunod:  21. Isang Maling Ulat

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger