40. Bakit Ako Bulag na Nananalig sa Ibang Tao

Ni Chen Si, Tsina

Noong 2021, naging responsable ako sa gawain ng pagdidilig sa tatlong iglesia. Dalawang lider ng grupong nagdidilig sa isang iglesia, sina Li Can at Zhang Xuan, ay dati kong mga kasamahan. Noong panahong iyon, pakiramdam ko si Li Can ay may kakayahan at pasanin sa kanyang tungkulin. Tinutukoy niya at tinutulungan akong iwasto sa napapanahong paraan ang anumang paglihis sa aking tungkulin. Sa kanyang pangangasiwa at mga paalala, hindi naaantala ang ilang gawain. Si Zhang Xuan ay may pasanin din, at may mapagmahal na puso na tinutulungan niya ako noong nasa mahinang kalagayan ako. Masayang-masaya akong makatrabaho sila, iniisip ko na ang kanilang mga abilidad sa paggawa, mga kakayahan, at mga saloobin patungkol sa kanilang mga tungkulin ay napakahusay. Sa pamamahala nilang dalawa rito, hindi ko na kailangang mag-alala masyado sa gawain ng pagdidilig sa iglesiang ito, at makapagtutuon ako sa mga gawain ng iba pang dalawang iglesia. Kalaunan, mula sa kanilang mga sulat, nakita ko na mas maganda ang mga resulta ng kanilang gawain kumpara sa ibang mga iglesia. Higit ko pang nakumpirma ang kanilang mga abilidad sa paggawa, kaya bihira na akong makialam sa kanilang gawain.

Minsan, pinadalhan ako ng sulat ng aking lider, hinihiling na praktikal na sumali ako sa gawain ng pagdidilig, at ayusin ko agad ang anumang hindi angkop na tauhan na aking matutuklasan, upang maiwasan ang pagkaantala sa gawain. Nang matanggap ko ang sulat, mabilis akong pumunta sa dalawa pang iglesia upang tingnan ang pag-usad ng mga gawain. Nakakita ako ng isang lider ng grupong nagdidilig na hindi gumagawa ng tunay na gawain at agad akong gumawa ng mga pagsasaayos. Nang malapit na akong bumisita sa iglesia na pinamamahalaan ni Li Can, naisip ko, “Maging tungkol man sa kanilang abilidad sa paggawa, pagpapahalaga sa pasanin, o kakayahan, siya at si Zhang Xuan ay maayos sa lahat ng aspekto. Basta naroon silang dalawa, tiyak na walang magiging problema sa gawain.” Samakatuwid, hindi ko na sinuri ang kanilang gawa. Sa isa pang pagkakataon, tinipon ko ang mga lider ng grupong nagdidilig mula sa ilang iglesia dahil gusto kong malaman nang detalyado ang tungkol sa mga paglihis sa kanilang gawain, upang matuklasan ko ang mga problema at malutas ang mga ito sa napapanahong paraan. Gayumpaman, noong panahong iyon, ang pangunahing inalam ko ay tungkol sa gawain ng ibang lider ng grupo, tinanong ko kung paano sila karaniwang nagdaraos ng mga pagtitipon para sa mga bagong mananampalataya at anong mga salita ng Diyos ang kanilang ginamit sa pagbabahagi at paglutas ng mga katanungan ng mga bagong mananampalataya, at iba pa. Sa pamamagitan ng detalyadong pagtatanong, nakakita ako ng ilang problema at binahaginan ko sila tungkol sa mga ito, at binago nila ang mga ito noon din mismo. Pagdating kina Li Can at Zhang Xuan, naisip ko na maayos naman ang kanilang pagpapahalaga sa pasanin at abilidad sa paggawa sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, kaya hindi ko na inalam nang detalyado ang tungkol sa kanilang gawa. Kalaunan, hiniling ng aking lider na magbigay ako ng isang medyo mahusay na tagadilig, kaya inirekomenda ko si Li Can. Subalit, matapos siyasatin ang sitwasyon, nalaman ng lider na hindi maganda ang mga resulta ng pagdidilig ni Li Can, at tinanong niya ako kung paano ko nagawang magbigay ng isang taong katulad niya. Naisip ko, “Masyado kayang mataas ang mga hinihingi ng lider? Ayon sa aking pang-unawa kay Li Can, kahit pa hindi siya maitaas ng posisyon, higit siyang may kakayahan sa pagdidilig kaysa sa mga baguhang mananampalataya sa iglesia.” Kalaunan, sinabi sa akin ng lider, “Sina Li Can at Zhang Xuan ay mga tamad, madaya, at mapaghanap ng ginhawa kapag ginagawa ang kanilang mga tungkulin. Nagbahagi na kami sa kanila tungkol dito; tingnan natin kung paano sila gagawa sa hinaharap.” Nang marinig ko ito, hindi ko ito sineryoso, pero naisip ko rin, “Sino ba ang hindi nagkakaroon ng mga sandali ng pagsasaalang-alang sa kanilang laman? Hangga’t ginagawa nila nang maayos ang kanilang kasalukuyang gawain, hindi pa ba sapat iyon?” Pagkatapos niyon, hindi pa rin ako nagsuri muli o nangasiwa sa kanilang gawain.

Hindi nagtagal, nagpadala ng sulat ang lider na nagsasabing maraming problema sa gawain ng pagdidilig sa iglesia na pinamamahalaan ni Li Can, at hiniling nila sa akin na lutasin ko ang mga ito sa lalong madaling panahon. Nang makita ko ang sulat, naisip ko, “Maraming taon nang nananampalataya sa Diyos si Li Can at naglingkod na siya bilang isang lider. Alam ko ang kanyang abilidad sa paggawa at kakayahan. Ganoon na ba talaga kalala ang sitwasyon? Nagkamali ba ang lider? Pero dahil sinabi ng lider, tiyak na mayroong dahilan. Kailangan kong praktikal na siyasatin ang sitwasyon.” Sa pamamagitan lang ng pag-aaral sa sitwasyon, natuklasan ko na walang sinuman kina Li Can o Zhang Xuan ang gumagawa ng tunay na gawain. Hindi nila nilinang ang mga taong may talento sa iglesia na dapat linangin, at ang kinain at ininom ng mga bagong mananampalataya sa mga pagtitipon ay hindi ang pinakapangunahing mga katotohanan tungkol sa pag-alam ng gawain ng Diyos. Mayroon ding ilang mga bagong mananampalataya na naging negatibo matapos makinig sa mga sabi-sabi ng CCP, at nakakagulat na isang iresponsableng tao ang itinalaga nina Li Can at Zhang Xuan upang sumuporta sa kanila. Hindi nalutas ang mga problema ng mga bagong mananampalataya, at sina Li Can at Zhang Xuan ay hindi naghanap ng mga paraan para makipagbahaginan sa mga bagong mananampalataya at mas matulungan pa sila. Ang ilang bagong mananampalataya ay halos umatras na. Sa huli, nabago lamang ng mga bagong mananampalataya ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pagbabasa mismo ng mga salita ng Diyos. Kahit na nagkaroon ng maraming paglihis at mga butas sa gawain ng pagdidilig, hindi nagnilay sa kanilang mga sarili sina Li Can at Zhang Xuan, at sinubukan pa nilang sisihin ang isa’t isa. Nang malaman ko ang tungkol sa mga bagay na ito, nagulat ako, “Paano naging ganito ang mga bagay-bagay? Ayon sa pagkakilala ko sa kanila, nagdala sila ng isang pasanin sa paggawa ng kanilang tungkulin noon. Paano naging ganito ang mga bagay-bagay ngayon?” Pero ang mga katunayan ay inilatag sa harap mismo ng mga mata ko; kailangan ko itong tanggapin. Kasabay nito, labis akong nakonsensiya. Kung pinangasiwaan at siniyasat ko sana ang kanilang gawain nang mas maaga, hindi sana lilitaw ang napakaraming problema sa gawain ng pagdidilig. Mayroon akong hindi maiiwasang responsabalidad dito.

Kalaunan, may nakita akong isang sipi mula sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi kailanman nag-uusisa ang mga huwad na lider tungkol sa mga superbisor na hindi gumagawa ng aktuwal na gawain, o hindi nag-aasikaso ng kanilang marapat na gawain. Iniisip nila na kailangan lang nilang pumili ng isang superbisor, at tapos na ang usapin, at na pagkatapos ay maaari nang asikasuhin ng superbisor ang lahat ng gawain nang mag-isa. Kaya, paminsan-minsan lang nagdaraos ng mga pagtitipon ang mga huwad na lider, at hindi nila pinangangasiwaan o kinukumusta ang gawain, at kumikilos sila na parang mga boss na hindi nakikialam. Kung may nag-uulat ng problema sa isang superbisor, sasabihin ng isang huwad na lider, ‘Maliit na problema lang iyon, ayos lang. Kaya na ninyong pangasiwaan iyan nang kayo lang. Huwag ninyo akong tanungin.’ Sasabihin ng taong nag-ulat ng isyu, ‘Tamad na masiba ang superbisor na iyon. Nakatuon lang siya sa pagkain at paglilibang, at napakatamad niya. Ayaw niyang mahirapan kahit kaunti sa tungkulin niya, at palagi siyang nagpapakatamad nang mapanlinlang at nagdadahilan para makaiwas sa kanyang gawain at mga responsabilidad. Hindi siya bagay na maging superbisor.’ Sasagot ang huwad na lider, ‘Magaling siya noong pinili siyang maging superbisor. Hindi totoo ang sinasabi mo, o kahit pa totoo ito, pansamantalang pagpapamalas lang ito.’ Hindi susubukan ng huwad na lider na mag-alam pa tungkol sa sitwasyon ng superbisor, sa halip, huhusgahan at pagpapasyahan niya ang usapin batay sa kanyang mga nakaraang impresyon sa superbisor na iyon. Sino man ang nag-uulat ng mga problema tungkol sa superbisor, hindi siya papansinin ng huwad na lider. Hindi gumagawa ang superbisor ng aktuwal na gawain, at muntik pang mahinto ang gawain ng iglesia, ngunit walang pakialam ang huwad na lider, para bang hindi man lang siya sangkot dito. Nakakasuklam na nga na hindi niya pinapansin kapag may nagsusumbong tungkol sa mga isyu ng superbisor. Ngunit ano ang pinakakasuklam-suklam sa lahat? Kapag nag-uulat ang mga tao ng talagang mabibigat na isyu ng superbisor sa kanya, hindi nila susubukang ayusin ang mga ito, at makakaisip pa nga siya ng lahat ng uri ng pagdadahilan: ‘Kilala ko ang superbisor na ito, talagang nananampalataya siya sa Diyos, hindi siya magkakaroon ng anumang problema kahit kailan. Kung magkaroon man siya ng maliit na isyu, poprotektahan at didisiplinahin siya ng Diyos. Kung makagawa siya ng anumang pagkakamali, nasa kanila na ng Diyos iyon—hindi natin kailangang mag-alala tungkol dito.’ Gumagawa ang mga huwad na lider ayon sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon sa ganitong paraan. Nagkukunwari silang nauunawaan nila ang katotohanan at na may pananalig sila, pero ginugulo lang nila ang gawain ng iglesia—maaari pa ngang matigil ang gawain ng iglesia at magkukunwari pa rin silang walang alam tungkol dito. Hindi ba’t ang mga huwad na lider ay masyadong kumikilos na parang mga kawani sa opisina? Wala silang kakayahang gumawa ng tunay na gawain nang sila lang, at hindi rin sila metikuloso tungkol sa gawain ng mga lider ng pangkat at ng mga superbisor—hindi nila sinusubaybayan o inuusisa ito. Ang pananaw nila sa mga tao ay batay lamang sa sarili nilang mga impresyon at imahinasyon. Kapag nakakita sila ng isang tao na gumagampan nang maayos sa loob ng ilang panahon, iniisip nila na ang taong ito ay magiging mahusay magpakailanman, na hindi ito magbabago; hindi sila naniniwala sa sinumang nagsasabi na may problema sa taong ito, at hindi nila pinapansin kapag may nagbababala sa kanila tungkol sa taong iyon. Sa tingin ba ninyo ay hangal ang mga huwad na lider? Sila ay hangal at tunggak. … may nakamamatay na kapintasan ang mga huwad na lider: Mabilis silang magtiwala sa mga tao batay sa sarili nilang mga imahinasyon. At bunga ito ng hindi pagkaunawa sa katotohanan, hindi ba? Paano ibinubunyag ng salita ng Diyos ang diwa ng tiwaling sangkatauhan? Bakit kailangan nilang magtiwala sa mga tao kung ang Diyos nga ay hindi? Ang mga huwad na lider ay masyadong mayabang at mapagmagaling, hindi ba? Ang iniisip nila ay, ‘Hindi maaaring nagkamali ako sa paghusga sa taong ito, wala dapat na maging anumang problema sa taong natukoy ko na angkop; siguradong hindi siya isang taong nagpapakasasa sa pagkain, pag-inom, at paglilibang, o mahilig sa kaginhawahan at namumuhi sa pagsisikap. Siya ay lubos na maaasahan at mapagkakatiwalaan. Hindi siya magbabago; kung magbago man siya, mangangahulugan iyon na nagkamali ako tungkol sa kanya, hindi ba?’ Anong uri ng lohika ito? Isa ka bang eksperto? May paningin ka bang gaya ng x-ray? Mayroon ka ba ng natatanging kasanayan na iyon? Maaaring makasama mo ang isang tao nang isa o dalawang taon, subalit magagawa mo kayang makita kung ano talaga siya nang walang angkop na kapaligiran para lubos na mailantad ang kanyang kalikasang diwa? Kung hindi siya ibinunyag ng Diyos, maaaring kasa-kasama mo siya sa loob ng tatlo, o kahit limang taon pa nga, at mahihirapan ka pa ring makita kung ano talaga ang uri ng kalikasang diwang mayroon siya. At lalo pang totoo iyon kapag madalang mo siyang makita, kapag madalang mo siyang makasama. Basta-bastang nagtitiwala sa isang tao ang mga huwad na lider batay sa isang panandaliang impresyon o sa positibong pagtatasa ng ibang tao sa kanya, at nangangahas silang ipagkatiwala ang gawain ng iglesia sa gayong tao. Sa bagay na ito, hindi ba’t lubha silang nagiging bulag? Hindi ba’t kumikilos sila nang walang ingat? At kapag ganito sila gumawa, hindi ba’t nagiging lubhang iresponsable ang mga huwad na lider?(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 3). Tumpak na isinisiwalat ng Diyos ang aking kalagayan; naging napaka-iresponsable ko sa aking tungkulin. Nakatrabaho ko na dati sina Li Can at Zhang Xuan, at dahil mayroon silang ilang abilidad sa paggawa, at nakakuha ng ilang resulta sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, madali akong nanalig sa kanila. Matapos kong ganap na maipasa ang gawain sa kanila, hindi ko man lang sila pinangasiwaan o tinanong tungkol dito. Noong hiniling sa akin ng lider na suriin ko kung ang mga lider ng grupong nagdidilig ba ay gumagawa ng tunay na gawain, hindi ko sinuri ang kanilang gawain dahil may pananalig ako sa kanila. Kahit na noong nagtipon kami, hindi ko inalam nang detalyado ang kanilang gawain. Kalaunan, noong sinabi ng lider na sila ay nananabik sa kaginhawahan sa kanilang mga tungkulin at hindi gumagawa ng tunay na gawain, nakaramdam ako ng kaunting paglaban sa aking puso, iniisip ko na hindi sila ganoon, at hindi sila kilala nang lubusan ng lider. Sa aking puso, nakipagtalo pa ako sa ngalan nila. Sa pagninilay rito, ilang buwan lang akong nakisalamuha sa kanila. Sa panlabas, lumilitaw na mayroon silang kaunting abilidad sa paggawa at kaunting pagpapahalaga sa pasanin sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, subalit hindi ko talaga naunawaan ang kanilang pagkatao at kalikasang diwa. Nanalig ako sa kanila batay sa pansamantalang mga impresyon at magagandang pakiramdam, at pagkatapos, palagay ang loob na ipinasa ko sa kanila ang gawain nang walang pangangasiwa. Isiniwalat ng Diyos na ang mga tao ay labis na ginawang tiwali ni Satanas, kaya lahat ng kanilang tiwaling disposisyon ay hindi pa nalulutas, lahat sila ay maaaring maging pabaya, iresponsable, at maaari silang humayo sa kanilang sariling daan bago sila magawang perpekto. Hindi ko tiningnan ang mga bagay batay sa mga salita ng Diyos, sa halip ay umasa ako sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon, at pinagtibay sa aking isip ang kanilang magandang panig batay sa kanilang pansamantalang mahuhusay na paggampan. Kahit noong tinukoy ng lider ang kanilang mga problema, hindi ako nakumbinsi, at inisip ko na napakataas ng mga hinihingi ng lider para sa kanila. Namumuhay ayon sa disposisyon ni Satanas, lalo akong nagtiwala sa aking sarili, at pinanghawakan ko ang sarili kong pananaw upang makita ang mga bagay, iniisip ko na ang nakita kong mabuti ay hindi mapabubulaanan, hindi ko tinatanggap ang anumang paliwanag ng iba, na humantong sa pagkaantala ng gawain. Masyado akong mapagmataas at mayabang!

Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ngayon, bagama’t maraming taong gumagawa ng tungkulin, iilan lamang ang naghahangad ng katotohanan. Napakakaunting tao ang naghahangad sa katotohanan at pumapasok sa realidad habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin; para sa karamihan, wala pa ring mga prinsipyo sa paraan ng paggawa nila ng mga bagay-bagay, hindi pa rin sila mga taong tunay na nagpapasakop sa Diyos; ipinapahayag lamang nila na mahal nila ang katotohanan, at handa silang hangarin ang katotohanan, at handa silang magsumikap para sa katotohanan, subalit wala pa ring nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang kanilang determinasyon. Ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan ay malamang na magbunyag ng kanilang mga tiwaling disposisyon anumang oras o saanmang lugar. Wala silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad sa kanilang tungkulin, madalas silang pabasta-basta, kumikilos sila ayon sa gusto nila, at ni wala silang kakayahang tumanggap ng pagpupungos. Sa sandaling sila ay maging negatibo at mahina, may tendensiya silang tumalikod sa kanilang tungkulin—madalas itong mangyari, wala nang ibang mas karaniwan pa rito; ganoon kumilos ang lahat ng hindi naghahangad ng katotohanan. Kaya nga, kapag hindi pa nakakamit ng mga tao ang katotohanan, hindi sila maaasahan at mapagkakatiwalaan. Ano ang ibig sabihin ng hindi sila mapagkakatiwalaan? Ang ibig sabihin niyon ay na kapag nahaharap sila sa mga paghihirap o balakid, malamang na mabuwal sila, at maging negatibo at mahina. Mapagkakatiwalaan ba ang isang taong madalas maging negatibo at mahina? Talagang hindi. Ngunit iba ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga taong tunay na nakakaunawa sa katotohanan ay malamang na mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, at pusong nagpapasakop sa Diyos, at ang mga tao lamang na may-takot-sa-Diyos na puso ang mga taong mapagkakatiwalaan; ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso ay hindi mapagkakatiwalaan. Paano dapat harapin ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso? Siyempre, dapat silang bigyan ng mapagmahal na tulong at suporta. Dapat silang subaybayan nang mas madalas habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at mas tulungan at turuan; saka lamang magagarantiyahan na gagawin nila nang epektibo ang kanilang tungkulin. At ano ang layon ng paggawa nito? Ang pangunahing layon ay ang itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang pangalawa rito ay para agad na matukoy ang mga problema, para agad silang matustusan, masuportahan, o mapungusan, na itinatama ang kanilang mga paglihis, at pinupunan ang kanilang mga pagkukulang at kapintasan. Kapaki-pakinabang ito sa mga tao; walang masamang hangarin dito. Ang pangangasiwa sa mga tao, pagmamasid sa kanila, pagsisikap na maunawaan sila—lahat ng ito ay para tulungan silang pumasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos, para bigyan sila ng kakayahang gawin ang kanilang tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos at ayon sa prinsipyo, upang hindi sila magdulot ng mga panggugulo o pagkagambala, at upang pigilan silang gumawa ng walang saysay na gawain. Ang layon ng paggawa nito ay ganap na tungkol sa pagpapakita ng responsabilidad sa kanila at sa gawain ng sambahayan ng Diyos; walang masamang hangarin dito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 7). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na bagaman ginawa natin ang ating mga tungkulin sa iglesia at handa tayong gawin ang mga ito nang maayos, ito ay isang mabuting layunin lamang. Dahil lahat tayo ay may mga tiwaling disposisyon, hindi tayo ganap na makapagpasakop sa Diyos at kulang tayo sa mga prinsipyo sa ating mga pagkilos. Ito ay humantong sa mga paglihis sa ating gawain, at madalas na pabaya tayo at iresponsable. Kaya, kailangang pangasiwaan ng mga lider at manggagawa ang gawain upang agarang matuklasan at maayos ang mga problema. Sina Li Can at Zhang Xuan ay mga tiwaling tao rin. Bagama’t may pasanin sa paggawa ng kanilang tungkulin noon, hindi ibig sabihin na palagi na silang ganoon. Idagdag pa rito, ang kanilang mahuhusay na kakayahan at mga abilidad sa paggawa ay hindi nangangahulugang nakamit na nila ang mga katotohanang prinsipyo sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay, at na lubos silang maaasahan. Ito ay nangangailangan ng pangangasiwa at muling pagsusuri sa kanilang gawain. Hindi ako makakita sa pamamagitan ng tiwaling diwa ng tao at tiningnan ko ang mga tao at mga bagay batay sa aking sariling mga kuru-kuro at mga imahinasyon, at madali akong naniwala sa kanila at ipinaubaya ang gawain sa kanila nang walang pangangasiwa. Talagang naging hangal ako. Kung hindi ako bulag na naniwala sa kanila, at regular ko sanang pinangasiwaan at sinuri ang kanilang gawain ayon sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos, tinutupad ang sarili kong mga responsabilidad, hindi sana naging napaka-inepektibo ng gawain ng pagdidilig sa loob ng ilang buwan. Habang iniisip ko ito, lalo kong sinisisi ang aking sarili.

Lalo ko itong pinag-isipan: Bakit masyado kong pinagkatiwalaan sina Li Can at Zhang Xuan, hindi ko man lang pinangasiwaan o sinuri ang kanilang mga tungkulin? Kahit na noong pinaalalahanan ako ng aking lider, hindi ko ito isinapuso. Anong tiwaling disposisyon na natatago sa likod nito ang kumukontrol sa akin? Sa aking pagninilay-nilay, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa mga layunin ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang pagkakataon mong pagtaksilan ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong kalikasan na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para itaas mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). Sa pagninilay ko ng mga salita ng Diyos, nakita ko ang dahilan ng aking kabiguan: Pangunahin itong nagmula sa aking mapagmataas na disposisyon at sobrang tiwala sa sarili. Naniwala ako na seryoso sila at responsable sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, may pasanin, at hindi sila magiging pabaya. Kaya, ganap akong nagtiwala sa aking sarili, lagi kong iniisip ang “sa aking opinyon,” “naniniwala ako,” “pakiramdam ko,” at inakala ko na ang aking paghusga sa tao ay tama at hindi magkakamali. Matapos ipasa ang gawain sa kanila, hindi na ako nag-abalang mangasiwa o magtanong sa kanila. Kahit noong malinaw na itinuro ng lider ang kanilang mga problema, hindi ko iyon sineryoso, sa pag-aakalang nagsisiwalat lang sila ng kaunting katiwalian, hindi malaking problema. Ang kabiguan ko ay dahil sa aking sobrang tiwala sa sarili. Ginamit ko ang sarili kong mga pananaw bilang mga pamantayan sa pagsukat ng mga tao. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, hindi ko ito tatanggapin. Naniwala ako na tumpak ang aking pagsusuri sa mga tao, kilala ko sila nang mabuti, at kwalipikado ako na suriin sila. Hindi ako sumang-ayon at tinanggihan ko ang anumang pananaw na pinanghahawakan ng ibang tao na naiiba sa akin. Hindi ko kailanman isinaalang-alang kung ang aking mga kaisipan at pananaw ba ay maaaring mali, may kinikilingan, o maaaring makapaminsala sa gawain. Sobrang mapagmataas ako at wala sa katwiran! Umaasa sa aking mapagmataas na disposisyon upang gawin ang aking mga tungkulin, hindi ko sineryoso ang mga mungkahi ng iba, lalo na ang paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo. Naging mapagmataas talaga ako at mapagwalang-bahala sa iba, ni walang lugar para sa Diyos sa aking puso. Inakala ko na ang mga taong pinagkatiwalaan ko at ang mga bagay na napagpasyahan ko ay tiyak na tama ayon sa aking sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, matigas ang ulo na kinakapitan ko ang sarili kong mga pananaw at nagpapabaya ako sa aking mga tungkulin, na nagdudulot ng malalaking kawalan sa gawain. Sa ganitong paraan, ginagampanan ko pa ba talaga ang aking tungkulin? Nilabanan ko ang Diyos, gumawa ako ng masama. Nang mapagtanto ko ang tindi ng kalikasan at kahihinatnan, agad akong lumapit sa Diyos upang manalangin at magsisi.

Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anuman ang ginagawa mo, dapat mong matutuhang hanapin at magpasakop sa katotohanan; sinuman ang nag-aalok sa iyo ng payo, kung naaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo, kahit pa nanggagaling ito sa isang maliit na bata, dapat mong tanggapin ito at magpasakop dito. Anuman ang mga suliraning mayroon ang isang tao, kung ang kanyang mga salita at payo ay ganap na naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, dapat mong tanggapin kung gayon ang mga ito at magpasakop dito. Ang mga resulta ng pagkilos sa ganitong paraan ay magiging maganda at nakasunod sa mga layunin ng Diyos. Ang susi ay ang suriin ang iyong mga motibo, at ang mga prinsipyo at pamamaraan sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay. Kung ang iyong mga prinsipyo at pamamaraan sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay ay nagmumula sa kalooban ng tao, mula sa mga kaisipan at kuru-kuro ng tao, o mula sa mga satanikong pilosopiya, kung gayon ay hindi praktikal ang mga prinsipyo at pamamaraang iyon, at malamang na hindi maging epektibo. Ito ay dahil sa ang pinagmulan ng mga prinsipyo at pamamaraan mo ay mali, at hindi nakaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung ang mga pananaw mo ay batay sa mga katotohanang prinsipyo, at pinangangasiwaan mo ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kung gayon ay walang-dudang mapangangasiwaan mo ang mga ito nang tama. Kahit na sa panahong iyon ay hindi tinatanggap ng mga tao ang paraan mo ng pangangasiwa sa mga bagay-bagay, o kaya ay may mga kuru-kuro sila tungkol dito, o tumututol sila rito, paglipas ng ilang panahon ay mapapatunayang tama ka. Mas positibong namumunga ang mga bagay-bagay na naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, habang ang mga bagay naman na hindi ay mas negatibo ang mga kinahihinatnan, kahit pa akma ang mga ito sa kuru-kuro ng mga tao nang mga panahong iyon. Tatanggap ng kumpirmasyon ang lahat ng mga tao tungkol dito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Paglutas sa Isang Tiwaling Disposisyon). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na kapag nahaharap sa ilang sitwasyon, kailangan muna nating pagkaitan ang ating mga sarili, hanapin ang katotohanan, at tingnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos. Dapat nating suriin kung ang ating mga pananaw at perspektiba ay nakaayon sa mga layunin ng Diyos, at kung may pinagbabasehan ang mga ito na mga salita ng Diyos at katotohanang prinsipyo. Kailangan nating magkaroon ng mapaghanap na puso kapag tumatanggap tayo ng mga paalala at mungkahi mula sa mga kapatid, hindi kumakapit sa sarili nating mga pananaw. Dapat nating harapin ang mga ito ayon sa mga prinsipyo. Ang gayong saloobin ay nangangahulugan ng paghahanap, pagpapasakop, at pagkamakatwiran sa harap ng Diyos. Sa pagninilay sa aking naging pamamaraan, hindi ko nakita ang mga bagay-bagay batay sa mga katotohanang prinsipyo, kundi kumapit ako sa sarili kong mga pananaw, iniisip na mas alam ko kaysa sa iba. Noong magmungkahi ang mga kapatid, wala akong mapaghanap na puso at masyado akong nagtiwala sa aking sarili. Ito ang pangunahing dahilan ng aking pagkabigo. Para makapagpatuloy, kinailangan ko munang matutong isantabi ang aking sarili at mas makinig sa mga mungkahi ng mga kapatid.

Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kung pagbabatayan ang literal na kahulugan, ang kahulugan ng pangangasiwa ay pag-iinspeksiyon: sinusuri kung aling mga iglesia ang nagpatupad ng mga pagsasaayos ng gawain at alin ang mga hindi, ang pag-usad ng pagpapatupad, kung sinong mga lider at manggagawa ang gumagawa ng totoong gawain at kung sino ang mga hindi, at kung may mga lider o manggagawa na basta na lang ipinapasa ang mga pagsasaayos ng gawain nang hindi nakikilahok sa mga partikular na gampanin. Ang pangangasiwa ay isang partikular na gampanin. Bukod sa pangangasiwa sa pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain—kung naipatupad ba ang mga ito, ang bilis ng pagpapatupad, ang kalidad ng pagpapatupad, at ang mga nakamit na resulta—dapat suriin ng mas nakatataas na mga lider at manggagawa kung mahigpit bang sinusunod ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain. Sa panlabas, sinasabi ng ilang lider at manggagawa na handa silang sundin ang mga pagsasaayos ng gawain, pero pagkatapos maharap sa isang partikular na kapaligiran, natatakot silang maaresto at nakatuon na lang sa pagtatago, matagal na nilang isinantabi sa isip nila ang mga pagsasaayos ng gawain; hindi nalulutas ang mga problema ng mga kapatid, at hindi nila alam kung ano ang tinutukoy ng mga pagsasaayos ng gawain o kung ano ang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Ipinapakita nito na talagang hindi naipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain. Ang ibang lider at manggagawa ay may mga opinyon, kuru-kuro, at paglaban sa ilan sa mga hinihingi sa mga pagsasaayos ng gawain. Kapag oras na para ipatupad ang mga ito, lumilihis sila mula sa tunay na kahulugan ng mga pagsasaayos ng gawain, ginagawa nila ang mga bagay ayon sa sarili nilang mga ideya, iniraraos lang ang gawain at padalos-dalos na ginagawa ang mga bagay-bagay para lang matapos na sila sa mga ito, o tinatahak nila ang sarili nilang landas, ginagawa ang mga bagay sa anumang paraang gusto nila. Ang lahat ng gayong sitwasyon ay nangangailangan ng pangangasiwa ng mga mas nakatataas na mga lider at manggagawa. Ang layon ng pangangasiwa ay upang mas mahusay na maipatupad ang mga partikular na gampaning hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain nang walang paglihis at nang alinsunod sa mga prinsipyo. Habang isinasagawa ang pangangasiwa, kailangang labis na bigyang-diin ng mga mas nakatataas na lider at manggagawa ang pagtukoy kung mayroon bang sinuman na hindi gumagawa ng totoong gawain o iresponsable at mabagal sa pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain; kung may sinumang nagpapakita ng paglaban patungkol sa mga pagsasaayos ng gawain at hindi handang ipatupad ang mga ito o pumipili lamang ng mga ipinapatupad mula sa mga ito, o sadyang hindi sumusunod sa mga pagsasaayos ng gawain kahit kaunti at sa halip ay nagsasagawa lang ng sarili niyang mga proyekto; kung may sinumang nagtatago sa mga pagsasaayos ng gawain, at ipinapaalam lamang ang mga ito ayon sa sarili niyang mga ideya, hindi hinahayaan ang hinirang na mga tao ng Diyos na malaman ang tunay na kahulugan at mga partikular na hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain—sa pamamagitan lamang ng pangangasiwa at pag-iinspeksiyon sa mga isyung ito maaaring malaman ng mga mas nakatataas na lider kung ano talaga ang nangyayari. Kung hindi nagsasagawa ng pangangasiwa at inspeksiyon ang mga mas nakatataas na lider, matutukoy ba ang mga problemang ito? (Hindi.) Hindi matutukoy ang mga ito. Samakatwid, bukod sa dapat ipaalam ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain at magbigay ng patnubay sa bawat antas, dapat din nilang pangasiwaan ang gawain sa bawat antas kapag ipinatutupad ang mga pagsasaayos ng gawain. Dapat pangasiwaan ng mga lider ng rehiyon ang gawain ng mga lider ng distrito, dapat pangasiwaan ng mga lider ng distrito ang gawain ng mga lider ng iglesia, at dapat pangasiwaan ng mga lider ng iglesia ang gawain ng bawat grupo. Ang pangangasiwa ay dapat isagawa sa bawat antas. Ano ang layon ng pangangasiwa? Ito ay para mapadali ang tumpak na pagpapatupad ng nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain ayon sa mga partikular na hinihingi ng mga ito. Kaya naman, napakahalaga ng gampanin ng pangangasiwa(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 10). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na upang sapat na magampanan ang tungkulin, ang mga lider at manggagawa ay dapat praktikal na mangasiwa at magsuri sa bawat aytem ng gawain, maimbestigahan ang mga detalye, at malaman at maarok ang pag-unlad ng gawain. Dapat nilang gawin ang kanilang gawain ayon sa mga hinihingi ng Diyos at mga pagsasaayos ng gawain. Anumang mga paglabag sa mga prinsipyo na makikita sa gawain ay dapat na matugunan kaagad sa pamamagitan ng pagbabahaginan. Ang mga taong may talento na may potensyal ay dapat na linangin sa oras, kapag natuklasan. Nangangailangan ito ng praktikal na pagsisiyasat, pagtatanong, pangangasiwa, at magsusuri, na nagpapakita ng isang responsableng saloobin sa mga tungkulin ng isang tao. Noon, umasa ako sa aking personal na mga imahinasyon, madali kong ipinapasa ang gawain sa mga pinapaboran ko nang walang pangangasiwa o pagsusuri, o pag-unawa sa aktwal na sitwasyon sa kanilang gawain. Ang pamamaraang ito ay talagang iresponsable, at hindi ko nagampanan ang aking mga tungkulin. Sa hinaharap, dapat akong magsanay ayon sa mga salita ng Diyos at praktikal na mangasiwa at magsuri sa gawaing pananagutan ko.

Matapos tanggalin si Li Can, binisita ko ang iglesia na kanyang pinanagutan at nakilala ko ang ilang bagong mananampalataya na maaaring linangin. Nagdaos ako ng mga pagtitipon kasama nila upang praktikal na maunawaan ang kanilang mga kalagayan at kahirapan, at nagbahagi ako upang malutas ang mga isyung ito. Nagbahagi rin ako sa mga tagadilig upang matugunan ang mga paghihirap sa kanilang gawain, iwasto ang mga paglihis sa kanilang mga pamamaraan. Ipinatuon ko ang kanilang pansin sa pagbabahagi ng katotohanan tungkol sa pag-unawa sa gawain ng Diyos, upang ang mga bagong mananampalataya ay makapaglatag ng matatag na pundasyon sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Kalaunan ay napagtanto ko na ang mga problema sa pagdidilig ng mga bagong miyembro sa iglesiang ito ay maaaring umiiral din sa ibang mga iglesia. Kaya, daglian akong sumulat sa mga lider ng mga grupo ng pagdidilig sa ibang mga iglesia. Matapos isulat ang mga liham, hindi pa rin ako mapakali dahil ang sulat-kamay na komunikasyon ay hindi kasing-bisa ng harapang pagbabahaginan. Samakatuwid, sinulatan ko ang mga lider, umaasa ako na maaari nilang pangasiwaan at suriin nang personal ang gawaing ito. Sa huli, sumagot ang mga lider na ang mga isyung ito ay umiiral din sa iba’t ibang antas sa kanilang mga iglesia, at sila ay nangangasiwa at nagsusuri nang naaayon. Doon ko talaga napagtanto ang kahalagahan ng mga hinihingi ng Diyos sa mga lider at manggagawa na praktikal na mangasiwa at magsuri sila sa mga gawain.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong mapagmataas na disposisyon at napagtanto ko rin kung gaano kahalagang “ang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan” gaya ng sinasabi ng Diyos. Simula ngayon, hindi na ako dapat kumilos batay sa sarili kong mga imahinasyon. Kapag nahaharap sa mga bagay-bagay, kailangan ko munang hanapin ang katotohanan at pakitunguhan ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa paligid ko ayon sa mga salita ng Diyos.

Sinundan:  39. Ikinulong Nang 75 Araw

Sumunod:  41. Inihayag Ako ng Pagkakalipat ng Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger