57. Bakit Hindi Ko Maisagawa ang Katotohanan?

Ni Ye Di, Tsina

Noong lider pa ako, iniulat sa akin ng ilang kapatid na si Yang Li, ang lider ng isang iglesia na responsabilidad ko, ay hindi gumagawa ng anumang aktuwal na gawain. Sa pamamagitan ng tunay na pagsisiyasat, nalaman kong si Yang Li ay gumugugol ng buong araw sa paggawa ng gawain ng mga pangkalahatang usapin, kaya wala na siyang oras para gawin ang alinman sa gawain ng isang lider ng iglesia. Sa tuwing pumupunta siya sa isang pagtitipon ng grupo, palagi niyang sinasabi na abala siya, at kapag tapos na niyang gawin ang mga nararapat na pagsasaayos, palagi siyang nagmamadali umalis. Halos hindi na siya nakikipagbahaginan sa mga kapatid niya sa mga pagtitipon, ni nauunawaan o nalulutas niya talaga ang mga problema at paghihirap na kinakaharap nila sa kanilang mga tungkulin. Ilang diyakono rin ang nag-ulat na isang beses sa ilang buwan lamang nakikipagkita sa kanila si Yang Li. Hindi nalulutas sa tamang oras ang mga problema at paghihirap ng kanyang mga kapatid, naging negatibo at pasibo na sila sa kanilang mga tungkulin, at nahahadlangan ang kanilang buhay pagpasok. Bukod dito, ang ilan sa mga kapatid ay hindi nakararamdam ng pasanin at palaging iniraraos lang ang kanilang mga tungkulin. At hindi nakikipagbahaginan si Yang Li sa kanila, tumutulong sa kanila, o tinatanggal sila kaagad. Isang masamang tao ang gumagambala at gumugulo sa buhay iglesia, ngunit hindi ito inalis ni Yang Li mula sa iglesia sa loob ng makatwirang panahon. Dahil hindi talaga gumawa ng aktuwal na gawain si Yang Li, nagulo ang buhay iglesia, at hindi nagbubunga ng mga resulta ang iba’t ibang gampanin, na naglagay sa mga bagay-bagay sa isang paralisadong kalagayan. Nang makipagbahaginan ako kay Yang Li at inilantad ang kanyang mga problema, hindi lamang niya tinanggihan ang sinasabi ko—nakipagsagutan pa siya, sinubukang pangatwiranan ang kanyang sarili, at sinubukang isisi sa nakapareha niyang sister ang kawalan ng mga resulta sa gawain ng iglesia. Batay sa ugali ni Yang Li, at nakikitang ganap siyang tumatanggi na tanggapin ang katotohanan o magsisi, itinuring ko siyang huwad na lider na hindi gumagawa ng aktuwal na gawain, na dapat nang tanggalin kaagad. Ngunit nag-alinlangan ako. Hindi nakilatis ng ilang kapatid si Yang Li, at sa tingin nila ay mayroon siyang ilang kakayahan at kaloob. Sinabi nila na mabilis siyang mag-isip, at magaling makipagbahaginan sa mga pagtitipon. Sinabi nila, mahabang oras siya kung magtrabaho araw-araw para gampanan ang kanyang tungkulin, at may tunay siyang pagpapahalaga sa pasanin. Sinasamba nila siya at ipinagtatanggol siya. Dahil parang napakataas ng pagtingin ng lahat sa kanya, naisip ko, kung gayon kung tatanggalin siya pagkarating na pagkarating ko palang, hindi ba’t iisipin nilang mayabang ako? Iisipin kaya nila na tumanggi akong bigyan siya ng pagkakataong magsisi? O, iisipin ba nila na masyado lang akong masigasig gumawa ng mapapangahas na pagbabago upang igiit sa lahat ang bago kong awtoridad at itaguyod ang aking katanyagan? Naisip ko, “Baka dapat munang sumulat ang mga kapatid ng kanilang sariling mga ebalwasyon kay Yang Li. Pagkatapos, maaari ko nang husgahan kung dapat ba siyang tanggalin o hindi.” Ngunit walang pagkilatis ang mga kapatid sa kanya, at walang gaanong halaga ang kanilang mga ebalwasyon bilang mga sanggunian. Napakatindi ng pag-uusig ng CCP sa panahong ito kaya imposibleng magtipon kasama ang mga kapatid upang makipagbahaginan at kilatisin siya. Kung maghihintay ako hanggang sa makapagbahaginan ako sa kanila bago siya tanggalin, kung gayon, maaantala ang gawain ng iglesia sa loob ng hindi malamang panahon. Naisip ko, “Mas mabuting tanggalin muna siya, pagkatapos kalaunan ay makipagbahaginan at kilatisin ang pag-uugali niya kasama ng mga kapatid.” Ngunit, nag-aalala pa rin ako, napapaisip na, “Kung hindi bibigyan ng pagkakataon ang mga kapatid na magsulat ng ebalwasyon bago siya tanggalin, posible bang makumbinsi sila? May isa pang pagpipilian: Puwede kong sulatan ng liham ang lider upang iulat ang sitwasyon ni Yang Li. Kapag pumayag ang lider dito, saka ko siya tatanggalin. Sa ganitong paraan, kahit na hindi ito makapasa sa mga kapatid, hindi ko kailangang akuin ang buong responsabilidad para sa desisyong iyon. Malalaman ng lahat na hindi lamang ako ang nagdesisyon na gawin ito, kaya’t hindi nila ako masasabihan ng mga ganoong negatibong bagay.” Paikot-ikot ang mga kaisipang ito sa aking isip, at sa wakas, nagpasya akong sumulat sa lider kinabukasan.

Kinaumagahan, sinabi ko sa aking kaparehang sister ang tungkol sa sitwasyon ni Yang Li. Naniniwala rin siyang isang huwad na lider si Yang Li na dapat nang tanggalin sa lalong madaling panahon. Iminungkahi niyang tanggalin si Yang Li habang sumusulat ng isang liham upang ipaalam ang sitwasyon sa lider. Naisip ko rin na isa itong angkop na pagkilos—ngunit nang pumunta ako para isagawa ito, nag-alinlangan na naman ako, iniisip na, “Batay lamang ang lahat ng ito sa nakita kong pag-uugali ni Yang Li. Kung walang ebalwasyon mula sa mga kapatid, sasang-ayon ba talaga ang lahat na tanggalin siya? Pagdating ng panahon, magpoprotesta ba sila para kay Yang Li? Sasabihin ba nilang mayabang ako, o na hindi ko kayang tratuhin nang patas ang mga tao? Kung hindi kumbinsido ang mga kapatid sa desisyon ko at iulat nila ako dahil dito, kung gayon talagang mapapahiya ako.” Habang lalo ko itong iniisip, mas lalo akong naguguluhan. Nakita ng kapatid ko ang pagkabalisa sa aking mukha, at tinanong ako, “Nag-aalala ka ba sa ibang mga kapatid? Na kung tatanggalin mo si Yang Li nang walang ebalwasyon nila, hindi nila ito tatanggapin? Tinatanggal natin ang mga huwad na lider ayon sa mga prinsipyo, para maprotektahan ang gawain ng iglesia. Bakit ka ba alalang-alala tungkol dito?” Nang marinig ko ang sinabi niya, nagsimula akong magnilay: “Tama ito. Malinaw na hinihingi ng sambahayan ng Diyos na tanggalin natin ang mga lider at manggagawa na nagwawala at hindi nakagagawa ng anumang aktuwal na gawain, upang maiwasan ang pagkaantala ng gawain ng iglesia. Nakita ko nang isang huwad na lider si Yang Li, ngunit patuloy ko pa ring gustong makuha ang pahintulot ng mga kapatid bago siya tanggalin. Bakit ganito?” Napagtanto kong hindi tama ang kalagayang ito. Kaya, kasama ang aking kapatid, naghanap ako upang lutasin ang problemang ito. At nakita namin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kung, bilang mga lider at manggagawa, binabalewala ninyo ang mga problemang lumilitaw sa pagganap ng mga tungkulin, at naghahanap pa kayo ng iba’t ibang dahilan at palusot para umiwas sa responsabilidad, at hindi ninyo nilulutas ang ilang problema na kaya ninyo namang lutasin, at hindi ninyo inuulat sa Itaas ang mga problemang hindi ninyo kayang lutasin, na para bang walang kinalaman ang mga ito sa inyo, hindi ba’t pagpapabaya ito sa tungkulin? Ang pagtrato ba sa gawain ng iglesia sa ganitong paraan ay pagiging mautak o pagiging hangal? (Ito ay pagiging hangal.) Hindi ba’t tuso ang mga gayong lider at manggagawa? Hindi ba’t wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad? Kapag nahaharap sila sa mga problema, binabalewala nila ang mga ito—hindi ba’t mga wala silang pakialam? Hindi ba’t mga tuso silang tao? Ang mga tusong tao ang pinakahangal sa lahat. Dapat isa kang taong matapat, dapat magkaroon ka ng pagpapahalaga sa responsabilidad kapag humaharap ka sa mga problema, at dapat mong subukan ang lahat ng paraan at hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga ito. Hinding-hindi ka dapat maging tuso. Kung ang iniisip mo lang ay ang pag-iwas sa responsabilidad at paghuhugas-kamay rito kapag lumilitaw ang mga problema, makokondena ka pa dahil sa ugaling ito sa gitna ng mga walang pananampalataya, bukod pa sa sambahayan ng Diyos! Ang pag-uugaling ito ay kinokondena at isinusumpa ng Diyos, at ito ay kinasusuklaman at tinatangihan ng hinirang na mga tao ng Diyos. Gusto ng Diyos ang mga taong matapat, at nasusuklam Siya sa mga taong mapanlinlang at madaya. Kung isa kang tusong tao at kumikilos ka nang madaya, hindi ba’t mamumuhi ang Diyos sa iyo? Hahayaan ka lang ba ng sambahayan ng Diyos na makalusot? Sa malao’t madali, papapanagutin ka. Gusto ng Diyos ang mga taong matapat at ayaw naman Niya sa mga taong tuso. Dapat malinaw itong maunawaan ng lahat, at huwag nang maguluhan at gumawa ng mga kahangalan. Ang panandaliang kamangmangan ay maaaring pangatwiranan, pero kung talagang hindi tinatanggap ng isang tao ang katotohanan, masyadong matigas ang ulo niya. Marunong humawak ng responsabilidad ang mga taong matapat. Hindi nila isinasaalang-alang ang sarili nilang mga pakinabang at kawalan; iniingatan lamang nila ang gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos. Mayroon silang mababait at matatapat na puso na gaya ng mga mangkok ng malinaw na tubig kung saan makikita mo ang ilalim sa isang sulyap. Wala rin silang itinatago sa kanilang mga kilos. Ang isang taong mapanlinlang ay laging nandadaya, laging nagpapanggap, pinagtatakpan at ikinukubli ang mga bagay, at binabalot nang husto ang sarili nila. Walang makakilatis sa ganitong uri ng tao. Hindi makilatis ng mga tao ang kanilang mga saloobin, pero kaya ng Diyos na masiyasat ang mga bagay sa kaibuturan ng kanilang puso. Kapag nakikita ng Diyos na hindi sila matapat na tao, na tuso sila, na hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan, palagi Siyang nililinlang, at hindi kailanman ibinibigay ang puso nila sa Kanya—ayaw ng Diyos sa kanila, at kinasusuklaman at tatalikuran sila ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). “Lahat kayo ay nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba ay isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba ay may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matugunan sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba ay taong sumusunod sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang kasuklam-suklam kong mga layunin, nang eksaktong-eksakto. Nakita ko pagkatapos, na isa akong taksil na tao. Malinaw kong nakumpirma na si Yang Li ay isang huwad na lider na hindi gumagawa ng aktuwal na gawain at na walang pagkilatis ang mga kapatid sa kanya, at hinahangaan pa nga siya at ipinagtatanggol nila. Ngunit, sa halip na tanggalin siya kaagad alinsunod sa mga prinsipyo, naging tuso ako para maprotektahan ang aking reputasyon at katayuan. Alam na alam kong hindi siya nakikilatis ng mga kapatid, at walang tunay na saysay ang pagpapagawa sa kanila ng ebalwasyon, ngunit handa pa rin akong mag-aksaya ng oras para gawin ang prosesong ito dahil sa takot na matawag na mayabang matapos kong tanggalin si Yang Li, at na maaapektuhan nito ang aking katayuan at imahe. Pinagtakpan ko ang aking kasuklam-suklam na mga layunin sa pamamagitan ng pagdadahilan na kailangan ko munang makuha ang pagsang-ayon ng mga kapatid at gusto ko pa ngang hingin ang opinyon ng lider bago siya tanggalin—sa ganitong paraan, tumutol man ang mga kapatid na tanggalin siya, puwede kong sabihin lang na sumang-ayon ang lider dito, para hindi ko kailanganing dalhin mag-isa ang responsabilidad na iyon. Inisip ko ang lahat ng puwede kong gawin para subukan at protektahan ang sarili ko, nagpapakana at nanlalansi upang makuha ang gusto ko. Napakatuso ko! Responsabilidad ko iyon, at hinihingi ng sambahayan ng Diyos, na agad kong tanggalin ang mga hindi angkop na huwad na lider. Pero iniwasan ko ang aking responsabilidad sa pamamagitan ng pagiging pabago-bago ng isip—ang iniisip ko lang ay kung paano protektahan ang aking reputasyon at katayuan. Hindi ko isinaalang-alang kung gaano kalaking sagabal at kawalan ang idudulot nito, kapwa sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid, kung hindi ko agad tatanggalin ang huwad na lider na ito. Pinanood ko na pinsalain ng huwad na lider ang iglesia, at sa halip na tumayo para ilantad siya, tanggalin siya, at protektahan ang mga interes ng iglesia, inuna ko pa rin ang pansarili kong mga interes. Nakahanap pa nga ako ng paraan para maiiwas ang sarili ko sa sitwasyon. Napakamakasarili ko at napakasuklam-suklam! Habang mas iniisip ko ito, mas nararamdaman kong hindi ako karapat-dapat sa tungkuling ito, lalo na ang humarap sa aking mga kapatid.

Pinagnilayan ko ang lahat ng ito. Nananampalataya ako sa Diyos, araw-araw kong kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos, at ginagampanan ko ang aking tungkulin. Kaya bakit ako tumigil sa pagsasagawa ng katotohanan nang maharap ako sa isang problema? Bakit hindi ko maprotektahan ang mga interes ng iglesia? Ano nga ba talaga ang mga dahilan nito? Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at mas naunawaan ko nang kaunti pa ang problemang ito. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Mayroon ba sa inyo na sa puso ay naniniwala sa isang malabong Diyos sa langit, subalit palaging may kuru-kuro tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao? Kung tunay na may gayong mga tao, sila nga ay mga naniniwala sa relihiyon. Ang mga naniniwala sa relihiyon ay hindi kinikilala ang Diyos na nagkatawang-tao sa kanilang puso, at kahit na maniwala man sila, palagi silang may mga kuru-kuro tungkol sa Kanya at hindi kailanman kayang magpasakop. Hindi nga ba ganoon? Mas tumpak na sabihing ang gayong mga tao ay hindi mga nananampalataya sa Diyos. Kahit sabihin man nila na naniniwala sila sa Diyos, ang totoo, hindi sila gaanong naiiba sa mga naniniwala sa relihiyon. Sa kanilang puso, ang pinaniniwalaan lang nila ay ang malabong Diyos; mga tagasunod sila ng mga panrelihiyong kuru-kuro at regulasyon. Kaya, ang sinumang hindi naghahangad sa katotohanan, na nakatuon lamang sa magandang pag-uugali at pagsunod sa mga regulasyon, hindi isinasagawa ang katotohanan, at hindi man lang nagbabago ni katiting ang disposiyon, ang ginagawa ng taong iyon ay ang paniniwala sa relihiyon. Anong katangian ang tumutukoy sa yaong mga naniniwala sa relihiyon? (Nakatuon lamang sila sa panlabas na mga gawain at sa pagpapakita na maganda ang asal nila.) Ano ang mga prinsipyo at basehan para sa kanilang mga pagkilos? (Ang mga satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo.) Anong mga satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at mga sataniko at tiwaling disposisyon ang mayroon? Ang pagiging baliko at panlilinlang; pagkakaroon ng sariling batas; kayabangan at kapalaluan; pagiging mapagpasya sa lahat ng bagay; hindi kailanman paghahanap sa katotohanan o pakikipagbahaginan kasama ang mga kapatid; at kapag kumikilos, pag-iisip ng mga pansariling interes palagi, ng sariling pagpapahalaga sa sarili, at ng katayuan—lahat ng ito ay pagkilos batay sa satanikong disposisyon. Ito ay pagsunod kay Satanas. Kung nananampalataya sa Diyos ang isang tao ngunit hindi nakikinig sa Kanyang mga salita, hindi tinatanggap ang katotohanan, o hindi nagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos at pamamatnugot; kung nagpapakita lamang siya ng ilang mabubuting pag-uugali, ngunit hindi magawang maghimagsik laban sa laman, at walang inaalis sa kanyang pride o mga interes; kung, bagama’t mukha siyang gumagampan sa kanyang tungkulin, nabubuhay pa rin siya sa kanyang mga satanikong disposisyon, at hinding-hindi pa niya binibitawan o binabago ang kanyang mga satanikong pilosopiya at pamamaraan ng pag-iral, kung gayon, posible ba silang manampalataya sa Diyos? Iyon ay paniniwala sa relihiyon. Tinatalikdan ng gayong mga tao ang mga bagay at mapagpaimbabaw na ginugugol ang kanilang sarili, ngunit kung titingnan ang landas na kanilang tinatahak at ang umpisa at simula ng lahat ng kanilang ginagawa, hindi nila ibinabatay ang mga iyon sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan; sa halip, patuloy silang kumikilos alinsunod sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, pansariling palagay, at sa kanilang mga ambisyon at pagnanais. Ang mga pilosopiya at disposisyon ni Satanas ang patuloy na pinagbabatayan ng kanilang pag-iral at mga kilos. Sa mga usapin na hindi nila nauunawaan ang katotohanan, hindi nila ito hinahanap; sa mga usapin na nauunawaan nila ang katotohanan, hindi nila ito isinasagawa, hindi dinadakila ang Diyos bilang dakila, o pinahahalagahan ang katotohanan. Bagama’t sa pangalan at salita ay naniniwala at kinikilala nila ang Diyos, at bagama’t mukha silang gumagampan sa kanilang tungkulin at sumusunod sa Diyos, namumuhay sila sa kanilang satanikong disposisyon sa lahat ng sinasabi at ginagawa nila. Ang mga bagay na sinasabi at ginagawa nila ay pawang mga pagbubunyag ng tiwaling disposisyon. Hindi mo sila makikitang nagsasagawa o dumaranas ng mga salita ng Diyos, lalong hindi mo makikita ang pagpapamalas ng kanilang paghahanap at pagpapasakop sa katotohanan sa lahat ng bagay. Sa kanilang mga ikinikilos, inuuna nila ang kanilang mga sariling kapakanan, at inuunang isakatuparan ang kanilang mga sariling hangarin at layon. Ito ba ang mga taong sumusunod sa Diyos? (Hindi.) … Kailanman ay hindi nila binibigyang-pansin kung ano ang mga layunin o hinihingi ng Diyos, at kung paano dapat magsagawa ang mga tao upang mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Bagama’t nananalangin sila sa Diyos kung minsan at nakikipagbahaginan sa Kanya, kinakausap lamang nila ang kanilang sarili, hindi taos-pusong hinahanap ang katotohanan. Kapag nananalangin sila sa Diyos at binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nila iniuugnay ang mga ito sa mga bagay na nakakaharap nila sa totoong buhay. Kaya, sa kapaligirang isinaayos ng Diyos, paano nila tinatrato ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, mga pagsasaayos at pamamatnugot? Kapag nahaharap sa mga bagay na hindi nagbibigay-kasiyahan sa kanilang mga sariling pagnanasa, iniiwasan nila ang mga ito at nilalabanan sa kanilang mga puso. Kapag nahaharap sa mga bagay na nagdudulot ng kawalan sa kanilang mga interes o pumipigil sa pagsasakatuparan ng kanilang mga interes, ginagawa nila ang lahat ng paraan upang makahanap ng daan palabas, nagsusumikap na mapalaki ang kanilang sariling mga pakinabang at lumalaban upang maiwasan ang anumang pagkalugi. Hindi sila naghahangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos, bagkus ang kanilang sariling mga pagnanais lamang. Ito ba ay pananampalataya sa Diyos? Ang mga ganitong tao ba ay may relasyon sa Diyos? Wala. Namumuhay sila sa mababa, nakaririmarim, mapagmatigas, at pangit na pamamaraan. Bukod sa wala silang relasyon sa Diyos, walang patid din silang sumasalungat sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Hindi Maliligtas ang Isang Tao sa Pamamagitan ng Paniniwala sa Relihiyon o Pagsali sa Seremonyang Panrelihiyon). Habang pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, nabulabog ang puso ko gaya ng karagatan sa gitna ng bagyo. Sa pagbabalik-tanaw sa aking pag-uugali, isa ako sa mga taong inilantad ng Diyos: isang mananampalataya sa relihiyon. Bagama’t tila kaya kong talikuran at gugulin ang sarili ko, hindi ko hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo kapag may nakahaharap akong mga suliranin. Palagi ko lang iniisip ang mga pansarili kong interes, at namuhay ako ayon sa mga satanikong patakaran ng pamumuhay gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Ang matitinong tao ay mahusay sa pag-iingat sa sarili, tanging hangad nila ay hindi magkamali.” Ang mga patakarang ito ay naging malalim na nakatanim sa puso ko—Pakiramdam ko na dapat mabuhay ang mga tao para sa sarili nila, at mga hangal ang mga hindi nag-iisip tungkol sa sarili nila. Ginawa kong mga alituntunin sa sarili kong pag-asal ang mga patakarang ito, kaya’t naging mas lalong makasarili, tuso, mapanlinlang, at kasuklam-suklam ako. Kahit napakarami ko nang nabasang mga salita ng Diyos simula noong manampalataya ako sa Kanya, hindi ko pa rin tinanggap ang katotohanan. Hindi ako namuhay ayon sa mga salita ng Diyos, kundi ayon sa mga pilosopiya ni Satanas. Pagdating naman sa usapin ng pagtatanggal kay Yang Li, alam kong ang dapat kong gawin ay ang isagawa ang katotohanan, at na makabubuti ito sa gawain ng iglesia at sa buhay ng mga kapatid. Ngunit, upang pangalagaan ang aking reputasyon at katayuan, at maiwasan na tawagin akong mayabang ng mga kapatid, pinili kong ipagpaliban ang aking pagkilos, at nanood lang ako habang ang isang huwad na lider ay nagpatuloy na ipahamak at iantala ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t pinoprotektahan ko ang huwad na lider na ito, at tahimik na sinasang-ayunan ang masasama niyang gawa? Kung makikita ng isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos at may pagpapahalaga sa katarungan na nahahadlangan ang gawain ng iglesia, kikilos siya ayon sa mga salita ng Diyos at maninindigan para protektahan ang mga interes ng iglesia. Ngunit nang maharap ako sa ganitong sitwasyon, hindi ko isinagawa ang katotohanan. Sa halip, namuhay ako ayon sa mga makamundong pilosopiya ni Satanas. Paano ako naging isang mananampalataya ng Diyos? Akala ko, nananampalataya ako sa Diyos, na kaya kong talikuran at gugulin ang aking sarili, at na kaya kong magdusa at magbayad ng halaga para sa aking pananampalataya. Akala ko, kaya kong magpasakop sa anumang tungkuling itatalaga ng iglesia sa akin. Ngunit ngayon, napagtanto ko na ang lahat ng ito ay paimbabaw na mabuting asal lamang. Ibinunyag ako ng pagharap ko sa suliraning ito. Wala akong realidad ng pagsasagawa ng katotohanan, at nang gawin ko ang aking tungkulin, nagagapos ako ng aking tiwaling disposisyon at mga satanikong pilosopiya. Hindi ako nanampalataya sa Diyos, kundi sa relihiyon. Ang aking pananampalataya ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos, kundi kinamumuhian at kinasusuklaman Niya. Kung hindi ako magsisisi, ang kalalabasan ko ay kaparusahan at pagkatiwalag.

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, anumang tungkulin ang ginagawa ninyo, dapat mong maarok ang mga prinsipyo at maisagawa ang katotohanan. Ito ang ibig sabihin ng magkaroon ng mga prinsipyo. Kung hindi ninyo malinaw na makita ang isang bagay at hindi ka sigurado kung ano ang angkop na pagkilos, dapat kang maghanap at makipagbahaginan upang magkaroon ng kasunduan. Sa sandaling matukoy mo na kung ano ang pinakamainam para sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid, gawin mo iyon. Huwag magpapigil sa anumang regulasyon, huwag magpaliban, huwag maghintay, at huwag maging isang pasibong tagamasid. Kung lagi kang isang pasibong tagamasid at wala kang sariling opinyon, kung lagi ka na lang maghihintay hanggang sa ibang tao ang magdesisyon bago ka gumawa ng anuman, at kung nagmamabagal ka lang kapag walang nagdesisyon, ano ang kahihinatnan nito? Mahihinto ang bawat aytem ng gawain, at walang matatapos. Dapat kang matutong hanapin ang katotohanan, at makakilos man lang batay sa iyong konsensiya at katwiran. Basta’t malinaw mong nakikita ang angkop na paraan para gawin ang isang bagay, at iniisip din ng nakararami na pupuwede naman ang paraang iyon, dapat kang magsagawa sa gayong paraan. Huwag kang matakot na akuin ang responsabilidad, o na mapasama ang loob ng iba, o na pasanin ang mga kahihinatnan. Kung walang anumang tunay na ginagawa ang isang tao, at lagi siyang nagkakalkula, at takot siyang umako ng responsabilidad, at hindi siya nangangahas na panghawakan ang mga prinsipyo sa kanyang mga kilos, ipinapakita nito na masyado siyang tuso at mapanlinlang, at na napakarami niyang kinikimkim na tusong pakana. Gusto niyang tamasahin ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos gayong wala naman siyang ginagawang totoo. Walang-wala itong kabutihan. Wala nang higit pang kinasusuklaman ang Diyos kundi ang ganitong uri ng tuso at mapanlinlang na tao. Anuman ang iniisip mo, kung hindi ka nagsasagawa nang naaayon sa katotohanan, kung wala kang katapatan, palaging nababahiran ng mga personal na pakana, at lagi kang may sariling mga layunin at ideya, sinisiyasat at alam ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. Tingin mo ba ay hindi alam ng Diyos ang mga ito? Kung gayon ay napakahangal mo! At kung hindi ka magsisisi kaagad, hindi ka magkakaroon ng gawain ng Diyos. Bakit hindi ka magkakaroon ng gawain ng Diyos? Ito ay dahil sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao, at nakikita Niya, nang malinaw na malinaw, ang lahat ng tusong pakana na mayroon ka; nakasara ang puso mo sa Kanya, at hindi mo Siya kaisang-puso. Ano ang mga pangunahing bagay na nagpapanatili sa puso mo na nakasara sa Diyos? Ang mga kaisipan mo, ang mga interes at pagmamalaki mo, ang katayuan mo, at ang sarili mong mga munting pakana. May hadlang sa puso mo na naghihiwalay sa iyo sa Diyos, at palagi kang nagkikimkim ng mga sikreto at palagi kang may mga sariling layunin, at problema ito. Kung medyo mahina ang iyong kakayahan at medyo mababaw ang iyong karanasan, subalit handa kang hangarin ang katotohanan, at laging kaisa sa puso ng Diyos, at kaya mong ibigay ang lahat-lahat para sa ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos, nang walang ginagawang anumang panlalansi, makikita rin ito ng Diyos. Kung laging nahaharangan ang Diyos sa puso mo, at lagi kang nagkikimkim ng mga munting pakana, at kung palagi kang nabubuhay para sa sariling interes at dangal, laging kinakalkula alang-alang sa mga bagay na ito sa iyong puso, at ang puso mo ay naookupa ng mga ito, at bilang resulta ay hindi nalulugod ang Diyos sa iyo, at kaya hindi ka Niya binibigyan ng kaliwanagan o tinatanglawan, o pinapansin, at lalong nagdidilim ang puso mo, pagkatapos, kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin o ginagawa mo ang anumang bagay, magugulo mo ito, at walang magiging mabuti tungkol dito. Ito ay dahil napakamakasarili mo at ubod ka ng sama, lagi kang nagpapakana para sa sarili mong kapakanan, at hindi ka sinsero sa Diyos, at nangangahas kang maging mapanlinlang laban sa Diyos at sinusubukan mong lansihin ang Diyos, at bukod sa hindi mo tinatanggap ang katotohanan, kundi tuso ka pa sa paggampan ng iyong tungkulin—hindi iyon sinserong paggugol paggugol para sa Diyos. At dahil hindi mo ginagawa ang iyong tungkulin nang sinsero, dahil nagsisikap ka lang nang kaunti, at ginagamit mo ito bilang oportunidad para makakuha ng mas maraming pakinabang, at palagi mo ring ninanais na makipagsabwatan para makapagtamo ng katanyagan, pakinabang, at katayuan para sa iyong sarili, at dahil hindi mo ito tinatanggap at hindi ka nagpapasakop kapag ikaw ay pinupungusan, malamang talagang malabag mo ang disposisyon ng Diyos. Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Kung hindi ka magsisisi, mapapahamak ka, at malamang na itiwalag ka ng Diyos, kung magkagayon ay hindi ka na muling magkakaroon ng pagkakataong matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos(Pagbabahagi ng Diyos). Nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa ang mga salita ng Diyos. Kapag nahaharap ka sa mga problema na hindi mo makita nang mabuti, puwede kang makipagbahaginan sa mga kapatid na nakauunawa ng katotohanan, at umabot kayo sa isang pagkakasunduan bago kumilos upang lutasin ito. Kung malinaw mong nakikita na ang gagawing pagkilos ay umaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at makabubuti ito sa gawain ng iglesia, kung gayon ay dapat kang sumunod dito sa napapanahong paraan. Ngunit kung urong-sulong ka, kung palagi mong hinihintay ang pagsang-ayon ng isang lider bago ka magpasya, malamang ay maaantala nito ang gawain ng iglesia. Sa katunayan, kapag nagtatanggal ng mga hindi angkop na lider o manggagawa, magiging ayon din sa mga prinsipyo na unawain ang mga ebalwasyon ng mga kapatid, upang makagawa ng isang komprehensibong paghuhusga at saka magpasya. Puwede itong maging isang magandang paraan para maiwasan ang pagkakamali kapag nagtatalaga ng mga lider at manggagawa sa ibang tungkulin. Ngunit ang mga prinsipyo ay hindi mga alituntunin. Dapat itong gamitin nang angkop sa sitwasyon, depende sa mga pangyayari. Sa kaso ng pagtanggal kay Yang Li, nakumpirma na namin ng aking kaparehang sister na si Yang Li ay isang huwad na lider ayon sa mga prinsipyo, na kung hindi ko siya agad tatanggalin, maaantala lamang nito ang gawain ng iglesia. Hindi na kailangan pang maghintay hanggang sa makuha ko ang mga ebalwasyon ng mga kapatid bago siya tanggalin. Bukod dito, hindi nakilatis ng mga kapatid si Yang Li—nailihis niya sila. Kahit pa hingin ko sa kanila na magsulat ng ebalwasyon, wala itong saysay, pormalidad lamang ito, at pag-aaksaya ng oras. Dapat ay direkta ko siyang tinanggal at inilantad kung paanong wala siyang ginawang aktuwal na gawain, upang mabigyan ang mga kapatid ng kaunting pagkakilatis sa kanya at mapalaya sila mula sa kanyang panlilihis. Iyon lamang ang tanging paraan upang matupad ko ang aking responsabilidad bilang isang lider. Ngunit sa usaping ito, namuhay ako ayon sa pilosopiya ni Satanas, gumagamit ng panlilinlang upang protektahan ang aking sarili. Hindi ko isinagawa ang katotohanan, at wala akong inako kahit kaunting responsabilidad. Kung patuloy kong gagawin nang ganito ang aking tungkulin, itataboy ako ng Diyos. Alam kong isang huwad na lider si Yang Li, ngunit hindi ako nangahas na direkta siyang tanggalin dahil natatakot akong matawag na mayabang ng mga tao. Ipinakita nito na hindi ko nauunawaan kung ano ang kayabangan, ni nauunawaan ang mga bagay tulad ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan at pagsunod sa mga prinsipyo. Sa paghahanap at pagbubulay-bulay, naunawaan ko na ang kayabangan ng isang tao ay paghahayag ng kanyang satanikong disposisyon. Kapag hindi hinahanap ng mga tao ang mga katotohanang prinsipyo, kundi palagi silang kumakapit sa kanilang opinyon, ipinipilit ang sarili nilang mga ideya at pananaw at pinasusunod ang lahat sa kanila, iyon ay kapalaluan, kayabangan, at pagmamagaling. Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan ay ang itaguyod ang katotohanan at protektahan ang gawain ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghahanap at pananalangin, makukumpirma ng isang tao kung aling pagkilos ang naaayon sa katotohanan at sa salita ng Diyos, at maitataguyod niya ang katotohanan at mapoprotektahan ang gawain ng iglesia at maipagpapatuloy ito hanggang sa huli, kahit ano pa ang isipin o sabihin ng iba. Ito ay isang pagpapamalas ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan. Sa katunayan, ang pagtukoy namin na isang huwad na lider si Yang Li ay batay sa mga prinsipyo. Ang pagtanggal sa kanya ay makabubuti sa gawain ng iglesia. Aayon sa mga prinsipyo ang paggawa nito, at magpapakita ito ng pagpapahalaga sa katarungan. Ngunit natakot ako na, kung walang pagsang-ayon ng mga kapatid, ang pagtanggal kay Yang Li ay magiging dahilan upang sabihin ng mga tao na mayabang ako. Hindi ko makita ang pagkakaiba sa pagitan ng kayabangan at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungan—Tiningnan ko ang isang positibong bagay bilang negatibo. Dahil dito, hindi ko mapalaya ang aking sarili at umiwas ako sa paggawa ng tama. Nakita ko na ang aking pagkaunawa ay lubos na baluktot. Kung hindi makilatis ng mga kapatid ang isang huwad na lider, maaari akong makipagbahaginan sa kanila. Hindi ko puwedeng hayaang hadlangan ako ng takot ko na husgahan ng iba para manindigan ako sa mga prinsipyo. Kailangan kong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at protektahan ang mga interes ng iglesia, anuman ang kanilang isipin. Kaya, kinabukasan, tinanggal namin si Yang Li.

Pagkatapos, nakipagbahaginan kami ng kapareha kong sister sa mga kapatid batay sa mga salita ng Diyos, at hinimay namin ang paggampan ni Yang Li—kung paanong palagi siyang nabibigong gumawa ng aktuwal na gawain, at kung paanong ayaw niyang tanggapin ang katotohanan. Pagkatapos ng pagbabahaginan, napagtanto ng mga kapatid na nalinlang sila ng pakunwaring sigasig ni Yang Li, at naunawaan nila kung paano kilatisin kung ang isang lider ay kalipikado ba o hindi. Naunawaan nila na, upang magawa ito, hindi mo dapat tingnan ang kanyang mga kaloob, o ang kanyang paraan ng pananalita, o ang kanyang tila pagiging abala. Sa halip, dapat mong tingnan kung naghahangad ba siya ng katotohanan o hindi, gumagawa ng aktuwal na gawain, lumulutas ng mga aktuwal na isyu, at nagkakamit ng mga totoong resulta sa kanyang gawain. Nagpasaya sa akin na makita ang mga kapatid na magkaroon ng ganitong kaalaman, at natutunan ko na sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin mo nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, makakamtan mo ang paggabay ng Diyos. Dati, nag-alala ako na kapag direktang tinanggal ko si Yang Li, hindi ito matatanggap ng mga kapatid—na sasabihin nilang mayabang ako. Ngunit ngayon, nakita kong nasa imahinasyon ko lang ang lahat ng iyon, at nang kumilos ako nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ako hinusgahan ng mga kapatid. Sa halip, natutunan nilang kumilatis mula sa sitwasyong ito. Hindi nagtagal, naghalal ang iglesia ng isang angkop na lider, nagsimulang mamuhay ang mga kapatid ng isang normal na buhay iglesia, at muling gumana nang normal ang gawain. Lubos akong nasiyahan na makita ang lahat ng ito, at natutunan kong ang pagkilos at paggawa ng tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo ang tanging paraan upang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Pagkatapos, sinadya ko nang bitiwan ang aking mga personal na interes at nagsimula akong gumawa ng mga bagay-bagay nang batay sa mga katotohanang prinsipyo, isang pagsasagawa na nagbigay ng kapayapaan sa puso ko at nagpalaya sa akin.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nakita kong makasarili at mapanlinlang ako. Upang protektahan ang aking sariling reputasyon at katayuan, isinantabi ko ang mga interes ng iglesia, at kung hindi dahil sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, hindi ko mauunawaan ang aking sarili at hindi ako magbabago. Kasabay nito, nauunawaan ko na ngayon kung gaano kahalaga ang paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng aking ginagawa, at na sa pamamagitan lamang ng paghahanap sa katotohanan at pagkilos ayon sa mga prinsipyo, magagawa ko ang aking tungkulin nang abot sa pamantayan.

Sinundan:  56. Nilulutas ng Salita ng Diyos ang Lahat ng Kasinungalingan

Sumunod:  58. Ang Masasamang Kahihinatnan ng Pagpoprotekta sa Sarili

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger