66. Hindi Na Ako Mapanghamak sa Aking Kapareha
Namamahala ako ng mga libro at aytem ng iglesia. Karaniwan kong tinitingnan kung ang iba’t ibang mga aytem ay nakakategorya na, at kung maayos ang pagkakaayos nito, at kung malinaw ang mga rekord ng check-in at check-out. Natatakot akong magugulo ang mga bagay-bagay kapag nagpabaya ako. Si Brother Cameron, na kasama ko sa gawain, ay may pagkawalang-ingat at hindi nakatuon sa kalinisan. Minsan, ibinabagsak lang niya ang mga bagay o kaya ay ipinagpapatong-patong, kaya lagi akong nag-aalala sa kanya at lagi kong sinusuri ang kanyang gawain. Sa tuwing nakikita kong nailalagay ni Cameron sa ibang lugar ang mga bagay o nakikita kong malabo ang sinulat niyang mga rekord ng check-in at check-out ng mga aytem, nawawalan talaga ako ng pasensya at nagagalit, na nagpapainit sa ulo ko at hindi ako nakikipagbahaginan para tulungan siya. Sa umpisa, isinasaalang-alang ko ang nararamdaman niya at nagiging maingat ako sa aking tono at pananalita, ngunit habang tumatagal, wala na akong pakialam tungkol sa mga bagay na iyon, at sa bawat pagkakataon, sinasabi ko sa kanya na mali ang ginawa niyang ito o iyon. Minsan nagalit ako at pinagsabihan siya, sinasabing, “Bakit inilalagay mo na naman ang mga bagay sa maling lugar? Inilalagay mo ang isa dito at ang isa doon. Hindi mo ba puwedeng ibalik ang mga bagay kung saan mo nakita ang mga ito? Saglit lang naman ang kailangan para maglinis pagkatapos ng ginagawa mo, pero talagang iniiwan mo lang ito nang hindi pa tapos, at kahit kailan ay hindi mo nililinis ang mga ito pagkatapos.”
Lumala nang lumala ang pakikitungo ko kay Cameron. Minsan, gumagamit ako ng pautos na tono para sabihan siyang maglinis ng kalat. Naaalala ko isang beses, noong tinitingnan ko ang mga rekord ng check-in at check-out, natuklasan kong ilan sa mga iyon ay itinama niya nang napakagulo at hindi na mabasa nang malinaw ang mga iyon. Agad na uminit ang ulo ko at naisip kong, “Ni hindi ko man lang mahulaan kung ano ang isinulat niya rito!” Dumiretso ako kay Cameron. Tulad ng isang guro na pinagagalitan ang estudyante, ipinakita ko sa kanya ang mga rekord at tinanong kung ano ang bawat isa. Sabi ko, “Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin ngayon? Gusto kong dalhin ang mga rekord na ito sa lider, para malaman niya kung paano mo ginagawa ang tungkulin mo, at kung gaano ka kawalang-ingat!” Mababakas ang pagkakonsensiya sa mukha ni Cameron, at sinabi niyang magbibigay-pansin na siya sa susunod. Sinabi niyang aksidente ang pagkakataong iyon at habang ginagawa niya ang rekord, may tumawag sa kanya para asikasuhin ang isang agarang bagay, kaya nakalimutan niya ang tungkol dito. Pero hindi ko siya hinayaang magpaliwanag. Pagalit kong sinabing, “Kapag may nangyari na namang ganitong bagay, ididiretso ko ang record sheet sa lider at ipapaubaya ko ito sa kanya!” Hindi nagtagal, nakita kong may malabong bura na naman ang isa sa mga record sheet ni Cameron. Sa pagkakataong ito, lalo akong nagalit. Pinuntahan ko si Cameron para tanungin siya, “Sinabi ko na sa iyo, kapag nagkakamali ka, isulat mo ito ulit sa ibang lugar, huwag mo lang patungan ito. Tingnan mo ang pagtatama mo. Sino ang nakakaalam ng isinulat mo? Kung hindi ko ito makita nang malinaw, kailangan kitang puntahan at tanungin. Sa tingin mo ba hindi ito nakakainis? Kung sa tingin mo ay hindi, sa akin, oo!” Nang makita niya na galit na naman ako, kinuha niya ang record sheet at sinabing, “Kung gayon ay itatama ko ulit ito.” Pagalit akong sumigaw, “Huwag ka nang mag-abala! Hindi na niyan maaayos ito!” Umalis ako pagkatapos kong sabihin iyon, iniwan siyang nakaupo roon nang mag-isa, hawak ang record sheet nang naguguluhan. Sa puntong iyon, napagtanto kong medyo sumobra ako. Pero hindi ko ito masyadong pinag-isipan, at lumipas ang bagay na iyon. Matapos ang ilang araw, nagalit ulit ako kay Cameron dahil sa isang maliit na bagay. Nagalit din siya sa akin, at nagtalo kami.
Natuklasan ng lider na hindi kami magkasundo ng maayos sa gawain, kaya nagbahagi siya sa akin at binasahan niya ako ng sipi ng salita ng Diyos: “Anuman ang tungkulin na ginagawa ng isang anticristo, sinuman ang kanilang kapareha, palaging magkakaroon ng mga alitan at pagtatalo. Puwedeng sabihin ng ilan na, ‘Kung sila ang namamahala sa paglilinis at nag-aayos sila sa loob araw-araw, bakit hindi sila makikipagtulungan sa iba?’ May disposisyonal na problema rito: Kung kanino man sila nakikisalamuha o kasamang gumagawa ng trabaho, palagi nila silang kukutyain, palaging ginugustong pangaralan sila, na ipagawa sa kanila ang sinasabi nila. Masasabi ba ninyong kayang makipagtulungan ng gayong tao sa iba? Wala silang kakayahang makipagtulungan sa kahit na kanino; ito ay dahil masyadong malala ang kanilang tiwaling disposisyon. Hindi lamang sila walang kakayahang makipagtulungan sa iba, palagi rin nilang pinangangaralan at pinipigilan ang iba mula sa itaas—ninanais nila palaging maging mas mataas sa mga tao at pilitin ang pagsunod ng mga ito. Ito ay hindi lamang isang problema sa disposisyon—isa rin itong seryosong problema sa kanilang pagkatao. Wala silang konsensiya o katwiran. … May ilang kondisyong dapat matugunan para magkasundo ang mga tao nang normal: Bago nila magawang makipagtulungan sa isa’t isa, dapat muna silang magkaroon kahit papaano ng konsensiya at katwiran, at maging matiyaga at mapagpaubaya. Kailangang magkaisa ang mga tao para magawa nilang magtulungan sa paggawa ng isang tungkulin; dapat nilang gamitin ang mga kalakasan ng iba at punan ang sarili nilang mga kahinaan, at maging matiyaga at mapagpaubaya, at magkaroon ng batayan sa kanilang asal. Ganyan ang makipagkasundo nang maayos, at kahit na puwedeng may mga alitan at pagtatalo paminsan-minsan, puwedeng magpatuloy ang pakikipagtulungan, at kahit papaano ay walang uusbong na awayan. Kung ang isang tao ay walang gayong batayan, at hindi ginagabayan ng konsensiya o hindi makatwiran, at gumagawa ng mga bagay sa paraang nakatuon sa pakinabang, tanging pakinabang ang hinahanap, ninanais palaging makinabang sa kapinsalaan ng iba, magiging imposible ang pakikipagtulungan. Ganito ang nangyayari sa masasamang tao, at sa mga diyablong hari, na nakikipaglaban sa isa’t isa, nang walang tigil. Ang iba’t ibang masamang espiritu ng espirituwal na mundo ay hindi nagkakasundo sa isa’t isa. Kahit na minsan ay puwedeng bumuo ng asosasyon ang mga demonyo, tungkol ito sa pagsasamantala sa isa’t isa para makamit ang mga sarili nilang layunin. Pansamantala ang asosasyon nila, at hindi nagtatagal, ay sinisira nila ang sarili nila. Pareho ito sa mga tao. Ang mga taong walang pagkatao ay masasamang mansanas na sumisira sa grupo; ang mga may normal na pagkatao lang ang madaling makipagtulungan, matiyaga at mapagpaubaya sa iba, nagagawang makinig sa opinyon ng iba, at nagagawang isantabi ang kanilang katayuan sa gawaing ginagawa nila, para gawin ito sa pakikipagtalakayan sa iba. Sila rin ay may mga tiwaling disposisyon, at palaging ninanais na bigyang-pansin sila ng iba—sila rin ay may ganoong layunin—pero dahil may konsensiya at katwiran sila, at kayang maghanap ng katotohanan, at kilalanin ang kanilang sarili, at nararamdamang ang paggawa nito ay hindi nararapat, kung saan nakararamdam sila ng panunuya, at nagagawa nilang pigilan ang sarili nila, ang kanilang mga paraan at pinagkukunan ng paggawa ng mga bagay-bagay ay magbabago, unti-unti. At sa gayon, magagawa nilang makipagtulungan sa iba. Nagbubunyag sila ng isang tiwaling disposisyon, pero hindi sila masasamang tao, at wala silang diwa ng mga anticristo. Hindi sila magkakaroon ng anumang malalaking problema sa pakikipagtulungan sa iba. Kung masasamang tao o mga anticristo sila, hindi nila magagawang makipagtulungan sa iba. Ganito ang lahat ng masasamang tao at mga anticristo na pinaaalis ng sambahayan ng Diyos. Wala silang kakayahang makipagtulungan sa kahit na kanino, at lahat sila ay nabubunyag at natitiwalag bilang resulta” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Pagkatapos mabasa ang salita ng Diyos, pinaalalahanan ako ng lider, sinasabing, “Para makasundo ang mga tao, kailangan natin silang irespeto man lang. Kung sisigawan mo si Cameron nang ganito at pagagalitan siya palagi, wala ka kahit ang pinakabatayang respeto. Hindi ba masyado kang mapagmataas? Minamaliit mo ang lahat ng ginagawa niya, at hindi mo pinalalagpas ang mga problema. Wasto ba ito? Abala si Cameron sa gawain at mahina ang kanyang memorya. Hindi maiiwasan ang ilang problema. Hindi ba dapat tratuhin mo siya nang tama at mas tulungan pa siya? Bukod doon, tuluy-tuloy siyang humuhusay. Pero palagi mo siyang sinisigawan. Ito ay isang tiwaling disposisyon; ito ay isa ring problema sa pagkatao. Hindi ba’t nakatingin ka lamang sa puwing na nasa mata ng iyong kapatid ngunit bulag sa trosong nasa iyong sariling mata?” Pagkatapos, binasahan ako ng lider ng isa pang sipi ng salita ng Diyos na nagsasabing: “Ano ang masasabi ninyo, mahirap bang makipagtulungan sa ibang tao? Hindi naman, sa totoo lang. Masasabi pa nga ninyong madali ito. Subalit bakit pakiramdam pa rin ng mga tao ay mahirap ito? Dahil mayroon silang mga tiwaling disposisyon. Para sa mga nagtataglay ng pagkatao, konsensiya, at katwiran, ang pakikipagtulungan sa iba ay medyo madali, at nararamdaman nilang ito ay isang bagay na nakakagalak. Ito ay dahil hindi madali para sa kahit sino na magawa ang mga bagay-bagay nang mag-isa, at anuman ang larangan na kanilang kinasasangkutan, o anuman ang kanilang ginagawa, palaging mabuti na may isang taong naroon para tukuyin ang mga bagay-bagay at mag-alok ng tulong—mas madali kaysa gawin ito nang mag-isa. Gayundin, may mga limitasyon sa kung ano ang magagawa ng kakayahan ng mga tao o kung ano ang kaya nila mismong maranasan. Walang sinuman ang maaaring maging dalubhasa sa lahat ng bagay: imposible para sa isang tao na malaman ang lahat, maging may kakayahan sa lahat, magawa ang lahat—imposible iyon, at dapat taglayin ng lahat ang gayong katwiran. At kaya, anuman ang gawin mo, mahalaga man ito o hindi, palagi kang mangangailangan ng isang taong tutulong sa iyo, para bigyan ka ng mga paalala at payo, o para gumawa ng mga bagay-bagay sa pakikipagtulungan sa iyo. Ito ang tanging paraan para masigurong magagawa mo ang mga bagay-bagay nang mas tama, mas magiging kaunti ang mga pagkakamali at mas malamang na hindi ka maliligaw—mabuting bagay ito” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi pa ang lider, at tinanong ako sa wakas, “Kung ikaw lang ang mamamahala ng mga bagay, magagawa mo ba ito nang hindi nagkakamali?” Sa kahihiyan, sinabi kong, “Hindi.” Sinabi ng lider, “Tama iyan. Walang sinuman ang nakakaalam ng lahat, at kailangan ng lahat ng katuwang para gampanan ang kanilang mga tungkulin. Kung hindi mo kayang makipagtulungan nang maayos, paano mo magagawa nang mabuti ang tungkulin mo? Kailangan mong pag-isipan ito at pagnilayan ang sarili mong mga problema.”
Pagbalik ko, ang sama-sama ng pakiramdam ko. Paanong hindi ko batid na nagkaroon ako ng ganito kalaking problema? Lagi kong iniisip noon na mabuti ang aking pagkatao at kaya kong makasundo ang aking mga kapatid, pero mula nang makipagtulungan ako kay Cameron sa aking tungkulin, lagi na akong mapagmagaling, iniisip na tama ang mga ideya at kilos ko. Ipinilit ko sa kanya ang aking kalooban at ipinagawa ko sa kanya ang aking gusto. Hindi ko siya tinulungan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan, bagkus ay nagalit ako, inakusahan siya, at sinaway siya. Wala akong pagkatao at katwiran! Pakiramdam ko lagi, mas magaling ako kay Cameron, kaya mababa ang tingin ko sa kanya. Hindi siya kaaya-aya para sa akin, at hindi ko maharap nang tama ang kanyang mga kalakasan at kahinaan. Nagpakitang-gilas ako sa bawat pagkakataon at minaliit ko siya. Sa simula, magkasama kami ni Cameron na responsable sa pamamahala sa mga aytem ng iglesia, pero wala akong tinalakay na anuman sa kanya. Lagi akong nakasentro sa sarili, at ako ang may huling pagpapasya, at nagbigay ako ng mga utos kay Cameron. Madalas ko siyang pinagagalitan at sinesermonan na parang isa siyang bata. Masyadong mapagmataas ang disposisyon ko, at kinamumuhian ito ng Diyos! Alam kong mapagmataas ako at laging pinipilit ang ibang makinig sa akin, pero hindi ko alam kung paano lulutasin ang problemang ito. Nagdasal ako sa Diyos at naghanap ako ng nauugnay na mga sipi ng salita ng Diyos. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mga anticristo ay palaging may pagnanais at ambisyon na kontrolin at lupigin ang mga tao. Ang problemang ito ay mas seryoso kaysa sa kawalan nila ng kakayahang makipagtulungan sa sinuman. Anong uri ng mga tao ang masasabi ninyong gustong kinokontrol at sinasakop ang iba? Anong uri ng tao ang may ambisyon at pagnanais na kontrolin at sakupin ang iba? Bibigyan Ko kayo ng isang halimbawa. Nasisiyahan ba sa pagkontrol at pagsakop sa iba ang mga taong partikular na gusto ng katayuan? Hindi ba’t kauri sila ng mga anticristo? Nililihis, kinokontrol, at sinusupil nila ang ibang mga tao, na pagkatapos ay sila ang sinasamba at pinakikinggan. Sa ganoon ay nakakamit nila ang pagpapahalaga at paggalang ng mga tao, at nahihimok ang mga tao na sumamba at tumingala sa kanila. Wala bang lugar para sa kanila sa puso ng mga tao? Kung ang mga tao ay hindi nakumbinsi sa kanila at hindi sumasang-ayon sa kanila, sasambahin ba sila ng mga ito? Talagang hindi. Kaya, pagkatapos magkaroon ng katayuan ang mga taong ito, kailangan pa rin nilang kumbinsihin ang iba, para lubos na makuha ang mga ito, at mapahanga sa kanila ang mga ito. Saka lamang sila sasambahin ng mga tao. Isa iyong uri ng tao. May isa pa—ang mga partikular na mayabang. Tinatrato nila ang mga tao sa parehong paraan: Nagsisimula sila sa pamamagitan ng pagsupil sa mga tao, pinasasamba at pinahahanga sa kanila ang lahat. Saka lang sila nasisiyahan. Gusto rin ng mga napakalupit na taong ito na kontrolin ang iba, hinihimok ang mga tao na pakinggan sila, maging nasa impluwensiya nila, at gumawa ng mga bagay para sa kanila. Pagdating sa parehong napakayayabang na tao at mga taong may mga malupit na disposisyon, kapag nakuha na nila ang kapangyarihan, nagiging mga anticristo sila. Ang mga anticristo ay palaging may ambisyon at pagnanais na kontrolin at sakupin ang iba; sa kanilang mga pakikipagtagpo sa mga tao, palagi nilang ninanais na tiyakin kung paano sila nakikita ng iba, at kung may lugar para sa kanila sa puso ng iba, at kung hinahangaan at sinasamba sila ng iba. Kung nakatatagpo sila ng isang taong magaling sa paninipsip, pambobola at panlalangis, sobra silang natutuwa; pagkatapos ay nagsisimula silang magmataas, nangangaral sa mga tao at sumasatsat tungkol sa magagarbong ideya, tinuturuan ang mga tao ng mga regulasyon, pamamaraan, doktrina, at mga kuru-kuro. Pinatatanggap nila sa mga tao ang mga bagay na ito bilang katotohanan, at pinagmumukha pang maganda ang mga ito: ‘Kung matatanggap mo ang mga bagay na ito, isa kang taong nagmamahal at naghahangad sa katotohanan.’ Iisipin ng mga taong hindi marunong kumilatis na makatwiran ang mga sinasabi nila, at kahit na hindi ito malinaw sa kanila, at hindi nila alam kung naaayon ba ito sa katotohanan, pakiramdam lang nila na walang mali sa sinasabi nila, at na hindi ito lumalabag sa katotohanan. At kaya, sinusunod nila ang mga anticristo. Kung makikilatis ng isang tao ang isang anticristo at mailalantad siya, gagalitin nito ang anticristo, na basta na lang ibubunton sa kanya ang sisi, hahatulan siya, at pagbabantaan siya, nang may pagpapakita ng puwersa. Ang mga walang pagkilatis ay lubusang nasusupil ng anticristo at hinahangaan nila ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso, na nagdudulot sa pagsamba nila sa anticristo, pagsandig sa kanya, at maging pagkatakot sa kanya. May pakiramdam sila na inaalipin sila ng anticristo, na para bang hindi mapapalagay ang puso nila kung mawawala sa kanila ang pamumuno, mga pangaral, at mga pamumuna ng anticristo. Kung wala ang mga bagay na ito, para bang wala silang pakiramdam ng seguridad, at baka hindi na sila gustuhin ng Diyos. Pagkatapos, natutunan ng lahat na panoorin ang ekspresyon ng anticristo kapag kumikilos sila, sa takot na hindi magiging maligaya ang anticristo. Sinusubukan ng lahat na pasayahin siya; ang gayong mga tao ay determinadong sumunod sa anticristo. Sa kanilang gawain, nangangaral ang mga anticristo ng mga salita at doktrina. Mahusay silang magturo sa mga tao na sumunod sa ilang partikular na regulasyon; hindi nila kailanman sinasabi sa mga tao kung ano ang mga katotohanang prinsipyo na dapat nilang sundin, kung bakit dapat silang kumilos nang ganito, kung ano ang mga layunin ng Diyos, kung anong mga pagsasaayos ang ginawa ng sambahayan ng Diyos para sa gawain, kung ano ang pinakamakabuluhan at mahalagang gawain, o kung ano ang pangunahing gawain na dapat gawin. Walang sinasabing anuman ang mga anticristo tungkol sa mga bagay na ito na pinakamahalaga. Hindi sila kailanman nakikipagbahaginan sa katotohanan kapag gumagawa at nagsasaayos ng gawain. Sila mismo ay hindi nakauunawa sa mga katotohanang prinsipyo, kaya ang magagawa lang nila ay turuan ang mga tao na sumunod sa ilang regulasyon at doktrina—at kung ang mga tao ay kokontra sa kanilang mga kasabihan at regulasyon, haharapin nila ang pagsaway at pagbatikos ng mga anticristo. Madalas na gumagawa ang mga anticristo sa ilalim ng bandila ng sambahayan ng Diyos, binabatikos ang iba at pinangangaralan sila mula sa isang mataas na posisyon. Masyado pa ngang nalilito ang ilang tao sa kanilang pangangaral na pakiramdam nila ay may utang na loob sila sa Diyos sa hindi nila pagkilos nang naaayon sa mga hinihingi ng mga anticristo. Hindi ba’t napasailalim sa kontrol ng mga anticristo ang gayong mga tao? (Napasailalim sila.) Anong uri ng pag-uugali ito, sa bahagi ng mga anticristo? Pag-uugali ito ng pang-aalipin” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Inilarawan ng Diyos ang eksaktong kalagayan ko. Sa paggawa ng gawain kasama si Cameron, natuklasan kong madali siyang pakisamahan. Kapag may nangyayaring mali sa gawain, tinatanggap niya kapag pinupuna ko siya at hindi niya ito sinusubukang pabulaanan. Inisip ko na malamya siya at madaling pasunurin, kaya naging dominante ako sa kanya, at laging nasa akin ang huling pagpapasya sa lahat ng bagay. Sa maraming pagkakataon, kapag tinatalakay ko sa kanya ang mga bagay-bagay, iniraraos ko lang iyon. Sa huli, ako ang nagdedesisyon sa kung ano ang gagawin. At saka, ang mga pag-iingat na nabuo ko para sa pamamahala sa mga aytem ay mistulang walang problema at nakakatulong sa pamamahala ng mga aytem, ngunit hindi ko binuo ang mga pag-iingat na ito batay sa nauugnay na mga prinsipyo. Kundi, nilikha ko ang mga ito upang tugunan ang mga problema ni Cameron. Masasabi mong pinasadya ang mga ito para sa kanya. Sa tuwing nabibigo siyang sundin ang mga pag-iingat na ito, nagkakaroon ako ng dahilan upang akusahan siya at sawayin siya, at wala siyang paraan para tumutol. Tulad na lamang noong nakaraan, nang hindi niya nagawa ang record sheet ayon sa bilin ko, walang pag-aatubili ko siyang pinagalitan at pinuwersa ko siyang gawin ang gusto ko. Naalala ko ang sinabi niya noong araw na iyon, “Kapag nakikita kong nagliligpit ka, sinusubukan kong iwasan ka. Natatakot akong pupunahin mo akong muli kung hindi ko iyon magagawa nang tama.” Naging miserable ako dahil sa isiping iyon. Ang satanikong disposisyong ipinakita ko ay nagpatamlay sa puso ng aking kapatid at nakapigil sa kanya. Tulad na lamang ng isinisiwalat ng salita ng Diyos: “Kung ang mga tao ay kokontra sa kanilang mga kasabihan at regulasyon, haharapin nila ang pagsaway at pagbatikos ng mga anticristo. Madalas na gumagawa ang mga anticristo sa ilalim ng bandila ng sambahayan ng Diyos, binabatikos ang iba at pinangangaralan sila mula sa isang mataas na posisyon. Masyado pa ngang nalilito ang ilang tao sa kanilang pangangaral na pakiramdam nila ay may utang na loob sila sa Diyos sa hindi nila pagkilos nang naaayon sa mga hinihingi ng mga anticristo. Hindi ba’t napasailalim sa kontrol ng mga anticristo ang gayong mga tao?” Sa wakas ay napagtanto kong seryoso ang aking problema. Simula nang makatuwang ko si Cameron, nabunyag na ang aking anticristong disposisyon. Wala akong katayuan sa kasalukuyan, pero kung mayroon akong katayuan, hindi ba magiging mas madaling pumigil at kumontrol ng mga tao? Sa puntong iyon, hindi ba ako magiging isang anticristo? Kadalasan ay hindi ko pinagtutuunan ang paghahanap ng katotohanan o pagninilay sa aking sarili. Madalas akong nagpapakita ng tiwaling disposisyon nang hindi ko namamalayan. Napakamanhid ko. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung miyembro ka ng sambahayan ng Diyos, pero laging mainit ang ulo mo sa iyong mga kilos, laging inilalantad kung ano ang likas sa iyo, at laging ipinapakita ang tiwali mong disposisyon, ginagawa ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng tao at nang may tiwaling, satanikong disposisyon, ang kahihinatnan sa huli ay ang paggawa mo ng masama at paglaban mo sa Diyos—at kung patuloy kang hindi magsisisi at hindi mo matatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, kakailanganin kang ibunyag at itiwalag” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Malulutas Lamang ang Isang Tiwaling Disposisyon sa Pagtanggap ng Katotohanan). Naalala ko kung paano ko tinrato si Cameron. Upang mailabas ang aking pagkadismaya para sa pansamantalang ginhawa, lubos kong binalewala ang damdamin ng aking kapatid. Nang ako ay nagalit dahil sa hindi mabasang record sheet ni Cameron, pinangaralan ko siya na parang batang nagkamali. Umupo lamang siya roon nang hindi umiimik, at nang inamin niyang siya ay nagkamali, malamig ko iyong tinanggihan. Nakapako ang imaheng iyon sa aking isip, imposibleng makalimutan. Nang mapag-isipan ko ito, hindi ko maipahayag ang pagkakonsensiya at sakit sa aking puso. Tinanong ko ang aking sarili, “Paano ko nagawang tratuhin nang ganito ang aking kapatid? Kahit kailan ay hindi ako nagbahagi o tumulong sa kanya, kaya sino ako para pagalitan siya? Anong lakas ng loob ang mayroon ako para tawagin ko siyang aking kapatid?” Iniwan akong walang imik ng bawat tanong na iyon. Dati, iniisip ko lagi na si Cameron ang dapat sisihin, na siya ang may maraming pagkakamali at nagdudulot sa akin ng maraming problema. Ngayon ko napagtanto na ako talaga ang may problema. Ako ang hindi nagbago kahit pagkatapos ng maraming paalala, at ako ang masyadong mapagmataas at walang pagkatao! Nakaramdam ako ng matinding pagsisisi, kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos at sinabi kong gusto kong magsisi.
Pagkatapos, hinanap ko kung paano itrato ang mga kapatid alinsunod sa mga prinsipyo. Sa salita ng Diyos, nabasa ko ang siping ito: “May mga prinsipyo dapat sa kung paano mag-ugnayan ang magkakapatid. Huwag kayong laging magtuon sa pagkakamali ng iba, sa halip, dapat ninyong madalas na pagnilayan ang inyong sarili, at pagkatapos ay maagap na aminin sa iba kung anong mga bagay na nagawa ninyo ang nakagambala o nakapinsala sa kanila, at dapat kayong matutong magtapat at magbahagi. Sa ganitong paraan, magagawa ninyong maunawaan ang isa’t isa. Bukod pa riyan, kahit ano pa ang mangyari sa inyo, dapat ninyong tingnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos. Kung mauunawaan ng mga tao ang mga katotohanang prinsipyo at makakahanap sila ng landas sa pagsasagawa, magkakaisa sila sa puso at isip, at magiging normal ang ugnayan sa pagitan ng mga kapatid, at hindi sila magiging kasingwalang-malasakit, kasinglamig, at kasinglupit ng mga walang pananampalataya, at matatanggal ang kanilang mentalidad ng pagdududa at kawalang-tiwala sa isa’t isa. Lalong magiging malapit ang loob ng mga kapatid sa isa’t isa; magagawa nilang suportahan at mahalin ang isa’t isa; magkakaroon ng mabuting hangarin sa kanilang mga puso, at magkakaroon sila ng kakayahang maging mapagparaya at mahabagin sa isat isa, at susuportahan at tutulungan nila ang isa’t isa, sa halip na inilalayo ang loob sa isa’t isa, naiinggit sa isa’t isa, ikinukumpara ang kanilang sarili sa isa’t isa, at palihim na nakikipagkumpitensya at nagiging mapanlaban sa isa’t isa. Paano magagampanang mabuti ng mga tao ang kanilang tungkulin kung para silang mga walang pananampalataya? Hindi lamang nito maaapektuhan ang kanilang buhay pagpasok, mapipinsala at maaapektuhan din nito ang iba. … Kapag namumuhay ang mga tao ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon, napakahirap para sa kanila na maging payapa sa harapan ng Diyos, at napakahirap para sa kanila na isagawa ang katotohanan at mamuhay nang ayon sa mga salita ng Diyos. Para makapamuhay sa harapan ng Diyos, dapat muna ninyong matutuhan kung paano pagnilay-nilayan at kilalanin ang inyong sarili, at tunay na manalangin sa Diyos, at pagkatapos ay dapat ninyong matutuhan kung paano makisama sa mga kapatid. Dapat maging mapagparaya kayo sa isa’t isa, maging mapagbigay sa isa’t isa, at magawang makita kung ano ang mga kalakasan at magandang katangian ng iba—dapat matutuhan ninyong tanggapin ang mga opinyon ng iba at ang mga bagay na tama. Huwag ninyong bigyang-layaw ang inyong sarili, huwag kayong magkaroon ng mga ambisyon at ninanasa at huwag ninyong isiping lagi na mas mahusay kayo kaysa sa ibang mga tao, at pagkatapos ay isipin na bigating tao kayo, pinupuwersa ang ibang tao na gawin kung ano ang sinasabi ninyo, na sundin kayo, na tingalain kayo, at dakilain kayo—ito ay lihis. … Kaya paano pinakikitunguhan ng Diyos ang mga tao? Hindi mahalaga sa Diyos kung ano ang hitsura ng mga tao, kung sila ba ay matangkad o maliit. Sa halip, tinitingnan Niya kung mabait ba ang kanilang puso, kung mahal ba nila ang katotohanan, at kung nagmamahal at nagpapasakop ba sila sa Kanya. Ito ang pinagbabatayan ng Diyos ng Kanyang pag-uugali sa mga tao. Kung kaya rin itong gawin ng mga tao, magagawa nilang pakitunguhan ang iba nang patas, at nang umaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Una sa lahat, dapat nating maunawaan ang mga layunin ng Diyos, at malaman kung paano pinakikitunguhan ng Diyos ang mga tao, kapag nagkagayon ay magkakaroon din tayo ng prinsipyo at landas sa kung paano pakikitunguhan ang mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tama. Kapag nakikipag-ugnayan tayo sa isa’t isa sa ating mga tungkulin, dapat man lang ay isabuhay natin ang normal na pagkatao, suportahan at tulungan ang bawat isa, maging mapagparaya at matiyaga, alagaan ang isa’t isa, magbahaginan ng katotohanan para tulungan ang mga tao kapag lumalabag sila sa mga prinsipyo, at sa malalalang kaso, maaari natin silang ilantad at pungusan. Ito lamang ang paraan para maisagawa ang mga bagay nang naaayon sa mga prinsipyo. Ang mga kapatid ay nanggaling sa iba’t ibang lugar, at ang kalagayan ng pamumuhay, karanasan, edad, at kakayahan ng lahat ay magkakaiba. Anuman ang kanilang mga kapintasan o mga kakulangan, dapat natin silang ituring nang tama, huwag kailanman humingi nang labis mula sa kanila, maging maunawain at mapagparaya sa kanila. Si Cameron ay madalas na abala sa maintenance. Dagdag pa, hindi siya magaling sa paggawa ng mga rekord ng check-in at check-out ng mga aytem. Dapat sana ay mas inako ko pa ang responsabilidad at mas naging maunawain ako, hindi ko dapat ipinilit na gawin niya ang mga bagay ayon sa aking pamamaraan. Lubos akong walang pagkatao. Mahusay si Cameron sa maintenance, matapat sa kanyang pagkukumpuni, at hindi takot na mahirapan sa kanyang tungkulin. Sa aspektong ito, lubos siyang nakahihigit kaysa sa akin. Pero hindi ko tiningnan ang mga kalakasan niya. Pinagtuunan ko ang kanyang mga kakulangan, inakusahan siya, at pinagalitan siya. Masyado akong naging mapagmataas at hangal!
Kalaunan, sinadya kong baguhin ang aking kalagayan at nagsagawa ayon sa mga prinsipyo. Nang mangyari ulit ang mga bagay, mas kalmado na ako, at mas maunawain na rin ako kay Cameron. Isang beses, lumabas ako para asikasuhin ang isang gawain at kailangan kong manatili roon nang ilang panahon, at naiwan si Cameron para mag-isang mamahala sa mga bagay-bagay. Paglipas ng ilang araw, tinawagan ko si Cameron para kumustahin ang pamamahala niya. Mahinahon at maingat niyang sinabi, “Ano sa tingin mo? Mismong sa paraang naiisip mo kung paano.” Nang marinig ko ito, lubha akong nalungkot. Bakit nasabi ng aking kapatid ang gayong bagay? Hindi ba dahil ito sa naging pagtrato ko sa kanya noon na dumaloy mula sa aking tiwaling disposisyon, at laging ipinaramdam sa kanyang wala siyang halaga’t hindi nakakagawa ng anumang mabuti? Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nasasaktan, pero pinalakas nito ang aking determinasyon para isagawa ang katotohanan at baguhin ang aking sarili. Pinagaan ko ang loob ni Cameron, sa pagsasabing, “Tingnan mo lang ang paligid kung ano ang wala sa lugar at maglaan ng oras na magligpit. Malimit kang abala sa ibang mga bagay, kaya hindi maiiwasan ang kaunting kalat. Kung wala ka talagang oras para magligpit, puwede natin iyang pagtulungan pagbalik ko.” Pagkatapos ng tawag, naisip kong hindi kakayanin ni Cameron nang mag-isa, kaya nakiusap ako sa iba para tulungan siya. Noong nangyari ang tulad nito dati, lagi ko siyang pinagagalitan at sinasaway sa kanyang mga kamalian. Ngayon, kapag nangyayari uli ang kaparehong bagay, kaya ko nang harapin ito nang tama, at kaya ko na ring magbahagi at tumulong sa kanya. Nagpaparamdam ito sa akin ng kapayapaan at kaginhawahan. Kahit na ito ay isang maliit na pagbabago, masaya ako, dahil sa tingin ko ay isang magandang simula ito. Naniniwala akong kung lagi akong magsasagawa at papasok ayon sa mga salita ng Diyos, maiwawaksi ko ang aking tiwaling disposisyon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!