1. Hindi na Ako Nanonood Lang Kapag May mga Nangyayari

Ni Steven, USA

Talagang naging abala ako sa paggawa ng aking tungkulin, at hindi pa ako naharap sa anumang pagpupungos at pagdidisiplina sa loob ng napakahabang panahon. Bawat araw, bukod sa aking mga regular na espirituwal na debosyonal, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at pakikinig sa mga himno, ginagawa ko lang ang tungkulin ko. Sa pagtatapos ng araw, wala akong natutuhang kahit anong leksyon, at hindi ko rin alam kung paano matuto ng mga aral. Pinalipas ko nang ganito ang bawat araw, naguguluhan, at nakakadama ng kahungkagan sa loob ko. Paglipas ng ilang panahon, nadama kong hindi man lang lumago ang buhay ko, at hindi ko pa napasok ang katotohanan sa kahit anong aspekto; nanatili ang lahat sa antas lamang ng mga salita at doktrina, at masyado akong nabagabag tungkol dito. Isang araw, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa anong batayan nakatatag ang pag-asa ng kaligtasan? Nakatatag ito sa batayan ng kakayahan mong magsikap tungo sa katotohanan, magbulay-bulay sa katotohanan, at magsikap para sa katotohanan kapag nangyayari ang bawat usapin. Sa ganitong batayan mo lang mauunawaan ang katotohanan, maisasagawa ang katotohanan, at makakamit ang kaligtasan. Gayumpaman, kung ikaw ay palaging isang tagamasid kapag nangyayari ang mga bagay-bagay—hindi nagbibigay ng anumang mga pagsusuri o paglalarawan, at hindi nagpapahayag ng anumang mga personal na opinyon—at wala kang mga pananaw sa anumang bagay, o, kahit na may mga pananaw ka, hindi mo ipinahahayag ang mga ito, at hindi mo alam kung tama o mali ang mga ito, pero itinatago mo lang ito nang maigi sa isip mo at iniisip ang mga ito, mauuwi kang hindi natamo ang katotohanan. Pag-isipan mo ito, tulad ito ng pagdulog sa isang masaganang piging habang nagdurusa sa matinding taggutom. Hindi ba’t kaawa-awa ka? Sa gawain ng Diyos, kung sampung taon ka nang nananampalataya pero naging isang tagamasid sa buong panahong iyon, o kung 20 o 30 taon ka nang nananampalataya at naging isang tagamasid sa buong panahong iyon, kung gayon, sa huli, kapag oras na para tukuyin ang kalalabasan mo, ang marka na ilalagay ng Diyos sa talaan mo ay dalawang puntos, at kaya ikaw ay magiging isang hangal na walang halaga, at ang pagkakataon mong matamo ang katotohanan at ang pag-asa mong maligtas ay ganap na masisira ng sarili mo mismo. Sa pinakahuli, mababansagan ka bilang isang hangal na walang halaga, at magiging nararapat lang sa iyo ito, hindi ba? (Oo.) Ano ang sikreto para hindi maging isang hangal na walang halaga? (Ang sikreto ay ang huwag maging isang tagamasid.) Huwag maging tagamasid. Nananampalataya ka sa Diyos, kaya dapat mong danasin ang gawain ng Diyos para makamit mo ang katotohanan. Maaaring itanong ng ilan, ‘Kaya, gusto Mong makisangkot ako sa lahat ng bagay? Pero sinasabi ng mga tao, “Huwag kang makialam sa hindi mo problema.”’ Ang paghingi sa iyo na makisangkot ay nangangahulugan ng paghingi sa iyo na hanapin ang katotohanan at matuto ng mga aral mula sa mga bagay na nararanasan mo. Halimbawa, kapag nakakatagpo mo ang isang partikular na uri ng tao, dapat kang magkamit ng pagkilatis mula sa mga pagpapamalas niya at mula sa mga bagay na ginagawa niya. Kung nilalabag niya ang katotohanan, dapat mong kilatisin kung ano ang ginawa niya na lumalabag sa katotohanan. Kung sinasabi ng iba na isang masamang tao ang isang tao, dapat mong kilatisin kung ano ang sinabi at ginawa niya at kung anong mga pagpapamalas ng paggawa ng masama ang mayroon siya para mailarawan siya bilang isang masamang tao. Kung sinasabi ng iba na hindi ipinagtatanggol ng taong ito ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at tinutulungan ang mga tagalabas sa kapinsalaan nito, dapat mong alamin kung ano ang ginagawa ng taong ito. At pagkatapos mong malaman, hindi sapat na malaman lang ang mga bagay na ito. Dapat mo ring pagbulay-bulayan: “Magagawa ko kaya ang gayong mga bagay? Kung walang nagpaalala sa akin, maaaring magawa ko rin ang mga parehong bagay, at kapag nagkagayon, hindi ba’t matutulad ng sa taong iyon ang magiging kalalabasan ko? Hindi ba’t mapanganib ito? Buti na lang, inilatag ng Diyos ang kapaligirang ito para ihanda ako, na siyang pinakadakilang proteksiyon para sa akin!” Pagkatapos itong pagbulay-bulayan, napagtatanto mo ang isang bagay: Hindi mo maaaring sundan ang landas na sinusundan ng ganoong uri ng tao, hindi ka maaaring maging ganoong uri ng tao, dapat mong pagsabihan ang sarili mo. Anumang mga bagay ang makaharap mo, dapat kang matuto ng mga aral mula sa mga ito. Kung may mga bagay na hindi mo lubusang nauunawaan at na pakiramdam mo sa puso mo ay kakatwa, dapat kang magtanong tungkol sa mga ito at alamin ang tungkol sa mga ito, at tiyakin ang tunay na kalagayan ng mga usapin sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Hindi ito pagkamausisa; pagiging taimtim ito. Ang pagiging taimtim ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng pabasta-basta o pagsunod sa nakararami—isa itong saloobin ng pag-ako ng responsabilidad. Sa pamamagitan ng pagkakamit ng kalinawan tungkol sa mga problema at pagkatapos ay paghahanap sa katotohanan para lutasin ang mga ito, kapag nahaharap sa parehas na uri ng sitwasyon sa hinaharap, saka ka lang magkakaroon ng landas ng pagsasagawa, ng kakayahang magsagawa nang tumpak, at ng pakiramdam ng pagiging payapa at panatag. Nagiging taimtim ka batay sa prinsipyo ng pagsubok na maunawaan ang mga katunayan at ang tunay na kalagayan ng mga usapin at mula sa mga ito ay makamit ang katotohanan at matuto kung paano tingnan ang mga tao at bagay, sa halip na sumunod sa ibang tao at sumunod lang sa agos sa lahat ng usapin. Sa pamamagitan ng pagiging taimtim sa mga kilos mo, saka mo lang magagawang isagawa ang katotohanan at kumilos batay sa mga prinsipyo. Iyong mga hindi taimtim ay malamang na sumunod sa ibang mga tao at sumunod sa agos, at sa ganitong paraan, malamang na malabag nila ang mga katotohanang prinsipyo(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Itinuro ng mga salita ng Diyos sa mga tao ang landas para sa paghahangad sa katotohanan, iyon ay ang matuto ng mga aral mula sa mga tao, pangyayari, at bagay-bagay na nakakatagpo natin araw-araw. Ito man ay isang bagay na nakikita natin, naririnig, o personal na nararanasan, dapat nating hanapin ang katotohanan dito. Lalo na kapag nakita natin ang isang tao na ginugulo at ginagambala ang gawain ng iglesia, hindi tayo dapat makinig lang dahil sa pagkamausisa at hayaan na lang iyon. Sa halip, dapat nating aktibong maunawaan ang partikular na pag-uugali ng taong iyon, hanapin ang katotohanan para magkamit ang pagkilatis, at matuto ng mga aral mula roon, iniisip kung paano natin maiiwasan ang parehong mga pagkakamali at hindi guluhin at gambalain ang gawain ng iglesia. Tanging sa ganitong paraan lamang natin mauunawaan ang katotohanan at matututuhan ang mga aral. Inisip ko kung paano ipinapahayag ng Diyos ang napakaraming katotohanan at isinasaayos ang iba’t ibang tao, pangyayari, bagay-bagay, at kapaligiran para sanayin tayo sa pagpasok sa katotohanang realidad. Halimbawa, ang pagpapakita sa iglesia ng masasamang tao, mga huwad na lider, at mga anticristo ay para sanayin tayo sa pagtingin sa mga tao at pangyayari ayon sa mga salita ng Diyos. Pero hindi ako naging seryoso tungkol sa mga tao, pangyayari, at bagay-bagay sa paligid ko. Anuman ang nangyari, nakikinig at pagkatapos ay pinalalampas ko lang ito. Bawat araw, palagi kong paimbabaw na inaasikaso ang mga bagay-bagay, at hindi pa lumago ang buhay ko. Kung magpapatuloy ako nang ganito, magdurusa ng malaking kawalan ang buhay ko. Nang pagnilayan ko ito, mas lalong lumiwanag ang kalooban ko, at mula noon ay ginusto kong magsimulang isagawa ang katotohanan ayon sa mga salita ng Diyos.

Hindi inaasahan, sa parehong araw na iyon, nakita kong biglang iniwan ni Sister Winnie ang lahat ng grupo ng gawain. Naisip ko, tinanggal ba siya? Habang iniisip ko ang ibinahagi ng Diyos, napagtanto ko na gusto ng Diyos na maging mausisa tayo sa mga bagay na nangyayari sa paligid natin sa ating pang-araw-araw na buhay, makisangkot, hanapin ang katotohanan, at matutuhan ang mga aral mula sa mga iyon, sa halip na maging mga tagapanood lang. Kaya, tinanong ko ang ilang kapatid tungkol sa dahilan ng pagtanggal sa kanya. Nalaman kong mayabang siya at mahilig mangaral sa iba. Magmula nang tanggapin niya ang papel bilang superbisor, tuwing nakikita niyang nababawasan ang pagiging epektibo ng mga kapatid sa mga tungkulin nila, pinangangaralan niya sila nang hindi kinikilala ang tama sa mali. Natatakot ang ilang kapatid tuwing gusto niyang subaybayan ang kanilang gawain, at marami silang reklamo tungkol sa kanya. Kapag nagbibigay ng mga mungkahi ang mga kapatid, hindi niya tinatanggap at malupit niya silang pinagagalitan. Pakiramdam ng lahat ay nalilimitahan niya sila at isa-isa nilang iniulat ang pag-uugali niya. Dagdag pa rito, walang naging bunga ang tungkulin niya, kaya tinanggal siya ng iglesia ayon sa mga prinsipyo. Nagulat ako nang mabalitaan ang tungkol sa paggampan niya. Hindi ko inasahang magiging napakayabang niya na kaya niyang pabasta-bastang pangaralan ang mga tao, limitahan sila, at direktang apektuhan ang gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Ang pagkakatanggal sa kanya ay katuwiran ng Diyos. Gayundin, ginawa ito para protektahan ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng mga kapatid. Kasunod nito, pinagnilayan ko ang sarili ko. Ako rin ba ay may kaparehong problema ng pangangaral sa iba gaya ng ginawa ni Winnie? Naalala ko ang karanasan ko dalawang taon na ang nakalilipas. Noong panahong iyon, isinasagawa ko paggampan sa tungkulin ko bilang isang lider. Kapag may mga problemaang mga kapatid o nasa masasamang kalagayan, lalapit sila sa akin para makipagbahaginan, at ibabahagi ko sa kanila ang mga karanasan ko ayon sa kanilang mga kalagayan. Sa ilang antas ay nakatulong ito sa mga kapatid. Si Sister Rita na nakipagtulungan sa akin ay madalas akong hingan ng payo kapag naharap siya sa mga problemang hindi niya maunawaan. Nagsimula kong madama na may kaunti akong mga katotohanang realidad at na mas mahusay kaysa sa iba ang abilidad kong tingnan ang mga tao at bagay-bagay. Sa loob ng ilang panahon, hindi matiwasay na nagtulungan sina Susanne at Tiffany. Madalas na iniuulat ni Susanne ang mga problema ni Tiffany, at madalas ding nagsasabi ng masama si Tiffany tungkol kay Susanne. Naisip ko, pareho silang may mga isyu at hindi nila hinahanap ang katotohanan o pinagninilayan ang kanilang sarili. Minsan, iniulat muli ni Susanne na hindi sinusunod ni Tiffany ang mga prinsipyo sa tungkulin nito. Kahit hindi ko nauunawaan ang aktuwal na sitwasyon, inakala kong nagiging mapamintas lang ulit si Susanne, at malupit ko siyang pinangaralan, “Bakit hindi mo pagnilayan ang sarili mo? Palagi mong pinagtutuunan ang iba, pinanghahawakan mo ang mga pagkakamali nila at hindi ito binibitiwan. Palagi ninyong sinisising dalawa ang isa’t isa. Hindi ba’t maliliit na pagtatalo lang ang mga iyon? Ginagambala at ginugulo nito ang buhay iglesia!” Kalaunan, nalaman ko na maktwiran pala ang reklamo ni Susanne, pero pagkatapos ng “pagpupungos” ko, takot na takot siya na iulat ang anumang mga paglabag ni Tiffany sa mga prinsipyo. Kalaunan, kumilos si Tiffany nang labag sa mga prinsipyo at nagdulot iyon ng malalaking kawalan sa gawain ng iglesia. Dahil nakita kong ang aking walang prinsipyong pagpupungos ay nagdala lamang ng pinsala sa iba at nagdulot ng mga kaguluhan, napagtanto ko na ang pagkakatanggal kay Winnie ay isa ring babala at paalala sa akin. Alam kong malala rin ang tiwaling disposisyon ko sa aspektong ito, kaya sa aking puso ay nanalangin ako, hinihingi sa Diyos na gabayan akong maunawaan ang katotohanan at makilala nang mas mabuti ang sarili ko, nang sa gayon ay hindi ako magdulot ng ano pa mang pinsala sa mga kapatid.

Isang araw, napansin kong hindi pa nakagawa ng maraming disensyo si Sister Lorna, at naisip ko na mababa ang husay niya sa pagdidisensyo sa loob ng ilang panahon. Binigyan ko na siya dati ng ilang magagandang teknika at paraan, pero hindi pa rin masyadong bumuti ang husay niya. Nadama kong ginagampanan lang niya ang kanyang tungkulin nang walang kahit anong pasanin, hindi nagsisikap na humusay. Habang inisip ko ito, nagsimula kong madama ang pagbuhos ng galit ko at gusto ko siyang komprontahin tungkol sa mga isyu niya. Gayumpaman, bago ko pa siya napuna, naalala kong mahilig si Winnie na kaswal na pagalitan ang mga tao, dahilan para madama ng mga ito na nalilimitahan sila habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin. Naisip ko, “Paano kung hindi naman nagpapabaya si Lorna sa tungkulin niya kundi may ibang pinagdadaanan? Hindi ba’t malilimitahan siya kung sisihin ko siya nang hindi ko nauunawaan kung ano ang nangyayari? Dapat ko munang tanungin ang tungkol sa tungkulin niya.” Noon ko nalaman na talagang gustong gawin ni Lorna nang maayos ang tungkulin niya, pero dahil sa mas mahina niyang kakayahan at kawalan ng pagkaarok sa mga prinsipyo, madalas siyang naiipit sa ilang detalye. Hindi pa niya nagamit nang angkop ang mga pamamaraang itinuro ko sa kanya, at nagdulot ito ng mababang kahusayan niya. Kaya binigyan ko siya ng ilang aktuwal na paggabay batay sa mga paghihirap niya. Kalaunan, ang kahusayan niya ay bumuti sa isang partikular na antas. Pagkatapos, naisip ko, “Mabuti na lang, hindi ko sinimulang pagsabihan si Lorna, kung hindi ay baka nasaktan ko siya.” Kaya, hinanap ko ang katotohanan at pinagnilayan ang mga isyu sa loob ko.

Sa aking espirituwal na debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Magagawa mo bang ipaunawa sa mga tao ang katotohanan at mapapasok sa realidad kung nangangaral ka lang ng mga salita at doktrina para turuan at pungusan sila? Kung hindi praktikal ang ibinabahagi mo, kung pawang mga salita at doktrina lamang ang mga ito, kahit gaano mo pa sila pungusan at turuan, mauuwi lang ito sa wala. Sa tingin mo ba na kapag natatakot ang mga tao sa iyo, at sinusunod nila kung anong sabihin mo sa kanila, at hindi sila naglalakas-loob na tumutol, ay nangangahulugan na nauunawaan nila ang katotohanan at nagiging mapagpasakop? Isa itong malaking pagkakamali; hindi ganoon kadali ang buhay pagpasok. Ang ilang lider ay parang isang bagong tagapamahala na sumusubok na magkaroon ng malakas na impresyon, sinusubukan nilang ipatupad ang bago nilang taglay na awtoridad sa mga hinirang ng Diyos upang magpasakop ang lahat sa kanila, iniisip na mas mapapadali nito ang kanilang trabaho. Kung wala kang katotohanang realidad, hindi magtatagal ay mabubunyag ang iyong totoong tayog, malalantad ang mga tunay mong kulay, at maaaring itiwalag ka. Sa ilang administratibong gawain, katanggap-tanggap ang kaunting pagpupungos at pagdidisiplina. Ngunit kung wala kang kakayahang magbahagi ng katotohanan, sa huli, hindi mo pa rin magagawang lutasin ang mga problema, at maaapektuhan nito ang mga resulta ng gawain. Kung, kahit ano pang mga isyu ang lumitaw sa iglesia, patuloy kang nanenermon sa mga tao at naninisi—kung ang ginagawa mo lang ay umasta nang pagalit—ito ang tiwali mong disposisyon kung gayon na ibinubunyag ang sarili nito, at naipakita mo ang pangit na hitsura ng iyong katiwalian. Kung palagi mong iniaangat ang iyong sarili at sinesermunan ang mga tao nang ganito, sa paglipas ng panahon, hindi makakatanggap ang mga tao ng panustos ng buhay mula sa iyo, wala silang anumang makakamit na praktikal, at sa halip ay mamumuhi at masusuklam sila sa iyo. Dagdag pa rito, magkakaroon ng ilang tao na matapos mong maimpluwensiyahan dahil sa kawalan ng pagkakilala, ay manenermon din sa iba at pupungusan sila. Magagalit din sila at iinit ang kanilang mga ulo. Hindi lang sa hindi mo magagawang lutasin ang mga problema ng mga tao—mauudyukan mo rin ang kanilang mga tiwaling disposisyon. At hindi ba’t iyon ay pag-akay sa kanila sa landas tungo sa kapahamakan? Hindi ba’t isa itong masamang gawain? Ang isang lider ay pangunahing dapat manguna sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan at pagtutustos ng buhay. Kung palagi mong iniaangat ang iyong sarili at sinesermunan ang iba, magagawa ba nilang maunawaan ang katotohanan? Kung gagawa ka sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, kapag malinaw nang nakikita ng mga tao kung ano ka talaga, iiwanan ka nila. Madadala mo ba ang mga tao sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan? Tiyak na hindi; ang magagawa mo lang ay sirain ang gawain ng iglesia at maging sanhi para kamuhian at iwanan ka ng lahat ng taong hinirang ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa ating paggawa ng gawain natin, hindi natin puwedeng basta-basta pungusan at pangaralan ang mga tao; dapat nating isaalang-alang ang aktuwal na kalagayan at tunay na sitwasyon. Kung ang usapin ay kinasasangkutan ng paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia o pagpinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, puwedeng pungusan o tanggalin at ilipat ang isang tao. Gayumpaman, kung hindi nauunawaan ng isang kapatid ang mga katotohanang prinsipyo, nagdudulot ng ilang paglihis at problema sa paggawa ng kanyang mga tungkulin, o ang kanyang tiwaling disposisyon ay humahantong na maging mahina ang mga resulta ng paggawa niya sa kanyang mga tungkulin, kung gayon, dapat nating ibahagi pa ang katotohanan at magbigay ng tagubilin at tulong, tinutulutan siyang makita ang mga isyu niya at magkaroon ng isang landas ng pagsasagawa. Kung palagi tayong magagalit at mangangaral sa mga tao anuman ang sitwasyon o kalagayan, hindi lamang nito mabibigong malutas ang kanilang mga aktuwal na problema at paghihirap, kundi mapipigilan din sila nito at negatibong maaapektuhan ang gawain. Halimbawa, noong makita kong hindi pa umusad ang kahusayan ni Lorna sa paggawa ng kanyang tungkulin at hindi pa siya nagkaroon ng higit na pagsulong nang ilang panahon, ipinalagay kong hindi niya ito isinasapuso, at sa loob ko ay nagbunyag ako ng pagkamainitin ng ulo at gusto kong turuan siya ng leksyon. Pero ang totoo, gusto niya ring gawin nang maayos ang kanyang tungkulin; mayroon nga lang siyang mas mababang antas ng kakayahan at hindi niya lubos na naarok ang mga prinsipyo, na nagdulot sa kanya ng mababang kahusayan sa paggawa nito. Ang kailangan niya ay higit na tulong mula sa akin. Kung pinungusan at pinangaralan ko ang mga tao nang hindi isinasaalang-alang ang kalagayan, o ang kakayahan at tayog ng bawat tao, hindi lang ako mabibigong tulungan sila, kundi maaaring malimitahan ko sila, nagdudulot para maging negatibo sila at malugmok sa depresyon at hindi magawang gampanan nang wasto ang tungkulin nila. Hindi ba’t nakakagulo ito? Paglipas ng panahon, malamang na makikilatis ako ng mga kapatid at tatanggihan ako. Ipinaalala nito sa akin si Winnie. Tuwing nakikita niyang ginagawa ng mga kapatid ang mga bagay-bagay nang hindi naaayon sa mga gusto niya o nakakagawa ng mga bahagyang pagkakamali sa kanilang gawain, igigiit niya ang katayuan niya at pinapangaralan sila, na dahilan kaya nadama nilang nalilimitahan sila, kaya natatakot ang mga kapatid tuwing nababalitaan nilang darating si Winnie para tingnan ang kanilang gawain. Dahil sa kanyang pabasta-bastang pagpupungos, seryoso niyang nagambala at nagulo ang gawain ng ebanghelyo, nagdudulot ng laganap na pagrereklamo at maraming ulat laban sa kanya. Kalaunan, tinanggal siya ng iglesia batay sa prinsipyo. Ipinakita nito na ang hindi pagkilos nang nayon sa katotohanan at pangangaral sa mga tao ayon sa sariling kalooban ng isang tao ay puwedeng humantong sa napakaseseryosong kahihinatnan.

Pinagnilayan kong muli: Bakit may tendensiya akong pabasta-bastang pangaralan ang iba? Ano ang pinakaugat nito? Kaya, naghanap ako ng mga may kaugnayang salita ng Diyos at nakita ko ang siping ito: “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang itinuturing ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang pusong may takot sa Diyos. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa sa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging hilig ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para sa kapangyarihan at kontrol sa iba. Ang ganitong tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lalo na iyong mga nawalan na ng katwiran sa sobrang mapagmataas, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang pananampalataya sa Kanya, at sarili pa nga nila ang kanilang itinataas at pinatototohanan. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos at talagang hindi nagtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso. Kung nais ng mga tao na magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso, kailangan muna nilang lutasin ang mapagmataas nilang disposisyon. Habang mas masinsinan mong nilulutas ang mapagmataas mong disposisyon, mas lalong magkakaroon ka ng pusong may takot sa Diyos, at saka ka lang makakapagpasakop sa Kanya at makakapagtamo ng katotohanan at makikilala Siya. Ang mga nagkakamit lamang ng katotohanan ang siyang tunay na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang tendensiya kong pabasta-basta pangaralan ang mga tao ay umusbong mula sa aking mayabang at palalong disposisyon. Ang kayabangan at kapalaluang ito ay nangangahulugang nabigo ako na makatwirang himayin ang kalikasan ng mga sitwasyong nakakaharap ko, hindi ko talaga naunawaan ang pinanggalingan ng mga isyu, at tiningnan ko ang mga tao at pangyayari batay sa sarili kong mga karanasan at imahinasyon, masyado kong pinagkakatiwalaan ang sarili kong paghusga, pabasta-bastang nagbibigay ng hatol sa mga tao at pinangangaralan sila. Sa pagninilay ko noong ginagawa ko ang tungkulin bilang isang lider, nakita ko na dahil kaya kong ibahagi ang katotohanan at lutasin ang ilang problema, at ang mga sister na nakasama ko ay madalas na lumalapit sa akin para hanapin at talakayin ang mga isyung hindi nila makilatis, nagsimula kong madama na ang abilidad kong tingnan ang mga tao at bagay ay mas mahusay kaysa sa iba. Kaya, kinuha ko ito bilang kapital at nagsimula akong maging mayabang. Halimbawa, noong iniulat ni Susanne na mayroong mga isyu sa paggampan ni Tiffany sa kanyang tungkulin, sa ilalim ng normal na mga sitwasyon, dapat ay inunawa ko muna at kinumpirma ang sitwasyon at pagkatapos ay nagbahagi ako para tugunan ito ayon sa mga aktuwal na pangyayari. Gayumpaman, hinusgahan ko ang sitwasyon ayon sa personal kong opinyon. Dahil nakikita kong madalas na hindi matiwasay na magtulungan ang dalawa at hindi nila alam kung paano pagnilayan ang sarili nila kapag lumilitaw ang mga usapin, kaya ang naging kongklusyon ko ay naudyukan ng pagkamainitin ng ulo ang ulat ni Susanne tungkol kay Tiffany, at na siya ay mapamintas lang, at pinagsabihin ko si Susanne nang hindi man lang sinubukang alamin kung sino ang nasa tama at kung sino ang nasa mali. Dahil doon, nalimitahan si Susanne, at noong mapansin niya kalaunan na nilalabag ni Tiffany ang mga prinsipyo sa paggawa ng tungkulin nito, hindi na nangahas si Susanne na iulat ito, na nagdulot ng mga kawalan sa mga interes ng iglesia. Gayundin, sa isyu kay Lorna, hinimay ko rin ito batay sa karanasan ko, inaakala ko na dahil nagabayan ko na siya pero hindi pa rin siya umuunlad, malamang na ito ay dahil sa hindi niya isinapuso ang tungkulin niya. Muntik ko na siyang pagalitan dulot ng mayabang kong disposisyon, na malamang ay naging dahilan para malimitahan at magdalamhati siya. Dahil dito, napagtanto ko na napakalala ng mayabang kong disposisyon. Tinatrato ko ang mga tao batay sa mga sarili kong imahinasyon, itinuturing kong mga katotohanang prinsipyo ang aking mga pamantayan ng pagsukat—talagang hindi makatwiran ang kayabangan ko! Sa susunod, sa tuwing mahaharap ako sa mga isyu sa darating na panahon, dapat kong harapin ang mga iyon nang may isang may-takot-sa-Diyos na puso, lumalapit muna sa Diyos para mas maghanap pa, at ganap na nauunawaan ang mga isyu ng mga kapatid. Hindi ako puwedeng pikit-matang gumawa ng mga kongklusyon o pabasta-bastang pagsabihan ang mga tao batay sa aking mayabang na disposisyon, dahil may posibilidad ito na hindi lamang makapinsala sa mga kapatid, kundi magambala at magulo rin ang gawain ng iglesia at salungatin ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos niyon, hinanap ko na ang katotohanan para lutasin ang aspektong ito ng aking tiwaling disposisyon.

Sa aking paghahanap, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kahit papaano, ang hinirang na mga tao ng Diyos ay dapat magtaglay ng konsensiya at katwiran, at makisalamuha, makihalubilo, at makipagtulungan sa iba ayon sa mga prinsipyo at pamantayang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Ito ang pinakamainam na pamamaraan. Nakapagpapalugod ito sa Diyos. Kaya, ano ang mga katotohanang prinsipyo na hinihingi ng Diyos? Na maging maunawain ang mga tao sa iba kapag ang iba ay mahina at negatibo, maging mapagsaalang-alang sa pasakit at mga paghihirap, at pagkatapos ay mag-usisa sa mga bagay na ito, mag-alok ng tulong at suporta, at basahan sila ng mga salita ng Diyos para tulungan silang malutas ang kanilang mga problema, binibigyang-daan silang makaunawa sa mga layunin ng Diyos at huminto sa pagiging mahina, at dinadala sila sa harap ng Diyos. Hindi ba’t naaayon sa mga prinsipyo ang ganitong paraan ng pagsasagawa? Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Natural na ang mga ganitong uri ng ugnayan ay mas lalo pang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kapag ang mga tao ay sadyang nagsasanhi ng mga panggugulo at paggambala, o sadyang ginagawa nang pabasta-basta ang kanilang tungkulin, kung nakikita mo ito at nagagawa mong ipaalam ang mga bagay na ito sa kanila, sawayin sila, at tulungan sila ayon sa mga prinsipyo, naaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo. Kung magbubulag-bulagan ka, o kukunsintihin mo ang pag-uugali nila at pagtatakpan sila, at kung aabot ka pa nga sa pagsasabi ng magagandang bagay para purihin at hangaan sila, ang ganitong mga paraan ng pakikisalamuha sa mga tao, pagharap sa mga isyu, at pangangasiwa sa mga problema ay malinaw na salungat sa mga katotohanang prinsipyo, at walang batayan sa mga salita ng Diyos. Kaya, ang mga paraang ito ng pakikisalamuha sa mga tao at pagharap sa mga isyu ay malinaw na di-wasto, at talagang hindi ito madaling matuklasan kung hindi hihimayin at kikilatisin ang mga ito ayon sa mga salita ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (14)). “Paano tinatrato ng Diyos ang bawat isang tao? Ang ilang tao ay kulang sa gulang ang tayog; o bata pa; o maikling panahon pa lamang nananalig sa Diyos; o hindi masama ang kalikasang diwa, hindi mapag-isip ng masama, kundi ay medyo mangmang lang sila o kulang sa kakayahan. O nasa ilalim sila ng napakaraming pagpigil, at hindi pa nauunawaan ang katotohanan, hindi pa nagkakaroon ng buhay pagpasok, kaya hindi nila maiwasang gumawa ng mga kahangalan o mangmang na mga pagkilos. Ngunit hindi tumutuon ang Diyos sa lumilipas na kahangalan ng mga tao; tumitingin lamang Siya sa puso nila. Kung desidido silang hangarin ang katotohanan, tama sila kung gayon, at kapag ito ang kanilang layon, nagmamasid sa kanila ang Diyos, naghihintay, at nagbibigay ng panahon at mga pagkakataon para makapasok sila. Hindi sila tatanggihan ng Diyos dahil sa iisang pagsalangsang. Iyon ay isang bagay na mga tao ang madalas gumagawa; hindi kailanman tinatrato ng Diyos ang mga tao nang ganoon. Kung ang Diyos ay hindi tinatrato ang mga tao sa ganoong paraan, bakit tinatrato ng mga tao ang iba nang ganoon? Hindi ba ipinapakita nito ang kanilang tiwaling disposisyon? Iyan mismo ang kanilang tiwaling disposisyon. Kailangan mong tingnan kung paano tinatrato ng Diyos ang mga taong mangmang at hangal, kung paano Niya tinatrato ang mga kulang sa gulang ang tayog, kung paano Niya tinatrato ang normal na mga pagpapakita ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, at kung paano Niya tinatrato yaong mga may masamang hangarin. Pinakikitunguhan ng Diyos ang iba’t ibang tao ayon sa iba-ibang mga paraan, at mayroon din Siyang sari-saring pamamaraan ng pamamahala sa iba’t ibang kalagayan ng iba’t ibang tao. Dapat mong maunawaan ang mga katotohanang ito. Kapag naunawaan mo na ang mga katotohanang ito, malalaman mo na sa gayon kung paano danasin ang mga bagay-bagay at tratuhin ang mga tao ayon sa mga prinsipyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Malapit). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na magkakaiba ang kakayahan at tayog ng bawat tao, at magkakaiba rin ang mga pinanggalingan at kapaligiran kung nasaan sila sa iba’t ibang oras. Gayundin ang kanilang mga kalagayan at paghihirap. Bagama’t lahat sila ay may mga isyu at paglihis sa paggawa ng mga tungkulin, ang kalikasan ng mga problemang ito ay magkakaiba. Para sa ilan, na nagsisimula pa lang isagawa ang paggampan sa isang tungkulin, maaaring mahirapan sila dahil hindi sila pamilyar sa mga propesyonal na kasanayan, at sa gayong mga sitwasyon, dapat tayong mag-alok ng tulong at makipagbahaginan nang may pagmamahal, ginagabayan silang maunawaan ang mga layunin ng Diyos, upang magkaroon sila ng landas para magsagawa ng paggampan ng kanilang mga tungkulin. Para sa iba, kung nauunawaan nila ang katotohanan pero nabibigo silang isagawa ito, palaging pabaya at ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, kung gayon, kailangan nila ng pagpupungos. Kung malala ang kalikasan, maaaring kailanganing ilipat o tanggalin sila ayon sa mga prinsipyo. Sa sambahayan ng Diyos, may mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao; nakadepende ito sa mga pinanggagalingan nila at hindi puwedeng gawing pangkalahatan. Gayumpaman, noong tinrato ko ang mga kapatid, madalas akong walang mga prinsipyo, pabasta-bastang nagbibigay ng paghuhusga at pinagsasabihan sila mula sa mayabang na disposisyon, na labis na hindi makatwiran! Noong pagnilayan ko ang tungkol kay Sister Susanne, bagama’t nagkaroon siya ng pagkiling laban kay Tiffany, dapat ay kinumpirma ko muna kung totoo ba o hindi ang ulat niya tungkol kay Tiffany na nilalabag nito ang mga prinsipyo sa tungkulin nito. Kung pinangasiwaan ko ang sitwasyon bilang pamimintas lang nang hindi ito nauunawaan, hindi lamang nito mabibigong matulungan si Susanne, kundi magdudulot din ito sa kanya ng pinsala at limitasyon. Gayundin, bagama’t mababa ang kahusayan ni Sister Lorna sa paggawa niya ng kanyang tungkulin, kailangan kong maunawaan kung dahil ba ito sa kanyang kakulangan sa kakayahan o dahil pabaya siya at walang malasakit sa paggawa ng tungkulin niya. Dapat muna akong magkamit ng malinaw na pang-unawa at pagkatapos ay pangasiwaan ito ayon sa mga prinsipyo. Ang paghusga batay lamang sa mga hitsura at paggawa agad ng kongklusyon ay hindi lamang mabibigong makatulong sa iba kundi maaari ding maging dahilan para maging mas negatibo at pasibo pa sila. Ngayong nauunawaan ko na ang ilang mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao, sa hinaharap ay kailangan kong isagawa ang pagtrato sa mga kapatid nang ayon sa mga salita ng Diyos.

Kamakailan lang, bagama’t hindi pa ako naharap sa anumang pagpupungos, ang pagninilay ko sa kabiguan ni Winnie ay nagpatanto sa akin ng tendensiya kong pabasta-basta pagsabihan ang iba. Napagtanto ko na idinulot ito ng pangingibabaw ng aking mayabang na disposisyon, at natutuhan ko rin ang mga prinsipyo sa pagtrato sa mga kapatid, may ilan akong nakamit. Ngayon, nakikita ko na talagang mahalaga ang paghahanap sa katotohanan at pagkatuto ng mga aral mula sa mga pang-araw-araw na sitwasyon. Napagtanto ko na kung gusto nating maunawaan ang katotohanan at lumago sa buhay, hindi natin kailangang maghintay ng malalaking pagpupungos, pagsubok, o pagpipino para magkamit ng isang bagay. Ang susi ay magsimula sa mga tao, pangyayari, at bagay-bagay sa paligid natin. Ito man ay kung ano ang nakikita natin, naririnig, o personal na karanasan, dapat tayong makisangkot sa mga ito nang may isang pusong naghahanap sa katotohanan. Pagkatapos, dapat nating hanapin ang mga kaugnay na salita ng Diyos at matutuhang tingnan ang mga tao at bagay-bagay, umasal, at kumilos ayon sa katotohanan. Sa ganitong paraan, ang ating buhay ay puwedeng patuloy na lumago.

Sumunod:  2. Ang mga Tagumpay at Kabiguan ng Landas ng Pangangaral ng Ebanghelyo ng Isang Sundalo

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger