26. Isang Masakit na Aral Dahil sa Paghahangad ng Kaginhawaan
Noong huling bahagi ng 2017, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil wala akong karanasan sa ganitong klase ng tungkulin. Pero alam kong ang pagkakataong gampanan ang tungkuling ito ay isang pagpaparangal at biyaya ng Diyos, kaya naman handa akong tanggapin ang responsibilidad na ito. Sa simula, kapag may mga problema ang ating mga kapatid, sumasangguni ako sa Diyos at sa mga prinsipyo ng katotohanan para makapagbigay-solusyon. Minsan pa, nagtatrabaho ako hanggang hatinggabi pero hindi ako nakakaramdam ng hirap o pagod. Pagkalipas ng ilang panahon, unti-unting bumuti ang ilang aspeto sa mga gawain sa iglesia, at naunawaan ko ang mga prinsipyong kaugnay ng tungkuling ito, na nagpagaan sa bigat ng nararamdaman ko.
Mabilis na lumipas ang mga taon, at pagsapit ng Marso 2021, dumami ang trabaho dahil sa pagtaas ng bilang ng mga miyembro ng iglesia—nagsimula akong makaramdam ng bigat ng responsibilidad. Si Sister Jing Yuan, na katuwang ko sa mga gawain noong panahong iyon, ay isang bagong miyembro rin at hindi pa sanay sa trabaho. Madalas din siyang panghinaan ng loob sa mga hamong kinakaharap namin, kaya halos lahat ng gawain sa iglesia ay napunta sa akin. Noong umpisa, maayos kong nagagampanan ang lahat. Batid ko na dahil bago pa lamang si Jing Yuan at hindi pa siya handa para sa trabaho, ayos lamang na ako muna ang tumugon sa karamihan ng tungkulin. Sa araw, abala ako sa mga pagtitipon para maipatupad ang gawain at maresolba ang mga problema ng aming mga kapatid. Pag-uwi ko sa gabi, isinasaisip ko naman ang mga hamon at problema sa trabaho. Sa mahabang panahon ng ganitong gawain, napagtanto ko na sadyang mahirap at wala na akong oras para sa aking sarili. Humina ang aking kalusugan, nagkaroon na ako ng cancer noon at ilang taon pa lamang simula noong ako ay gumaling. Sinabihan ako ng doktor na magpahinga nang husto. Naisip ko, “Araw-araw akong abala; kung patuloy kong papagurin ang sarili ko nang ganito, hindi kaya bumalik ang sakit ko? Kapag nangyari iyon, hindi lang basta babagsak ang katawan ko maaari ring ikamatay ko ito.” Sa pag-iisip nito, labis akong nag-alala. Hindi ko na nais pang gampanan ang tungkulin ko bilang isang lider. Naisip kong kumuha ng mas magaan na tungkulin upang magkaroon ako ng oras na makapagpahinga. Maraming beses kong ginustong magsulat ng resignation letter. Ngunit tuwing naiisip ko iyon, nakokonsensya naman ako. Walang iba pang aakmang pinuno para sa iglesia, ano na lamang ang mangyayari sa mga gawain sa iglesia kung aalis ako? Sa kalaunan, naatasan ako para sa gawain ng ebanghelyo, nalaman kong maraming maling pananaw ang mga kapatid na nakahahadlang mismo sa kanila Sa una, ginugol ko ang aking lakas sa mga fellowship at paglutas sa mga problema, ngunit sa kalaunan, hindi pa rin maganda ang resulta ng mga trabaho. Tuwing iisipin ko ang oras at lakas na iginugol ko sa paglutas ng mga problema at kung paano ko pa rin patuloy na binantayan ang mga isyu ng mga tatanggap ng ebanghelyo, at kung gaano pa rin karami ang mga gawaing kailangang tapusin, napapagod ako. Naisip ko, “Ang dami ko nang gawain. Paano ko pa kakayanin ang lahat ng ito? Paano na lamang kung bumigay ang katawan ko? Katawan ko ito. Kailangan kong mag-hinay-hinay, hindi ko dapat pagurin ang sarili ko nang ganito.” Kaya, tuwing nakikipagkita ako sa mga kapatid, nagtatanong lang ako kung may mga potensyal bang tatanggap ng ebanghelyo na pangangaralan, pagkatapos ay magsasabi ako ng ilang salita ng doktrina at aalis na ako. Hindi nagtagal, nagpadala ng liham ang nakatataas na pamunuan, sinasabi na walang nakikitang resulta sa gawain ng ebanghelyo dahil ang lider ay hindi gumagawa ng aktuwal na gawain. Nainis ako, iniisip na, “Responsabilidad ko ang gawain ng ebanghelyo, at ang kawalan ng resulta ay direktang nauugnay sa akin.” Naramdaman ko rin na medyo nalimitahan ako, iniisip na mas mabuti sigurong gumawa na lamang ng isang mas simpleng gampanin, tulad ng pagdidilig sa mga baguhan sa iglesia, nang sa gayon, makapagpapahinga ako nang kaunti at hindi masyadong mapapagod. Ang pagiging lider ay sadyang napakahirap na gawain, at kapag hindi nagawa nang maayos ang trabaho, kailangan kong managot. Nadama kong dapat ko na lamang akuin ang responsabilidad at magbitiw sa puwesto. Kaya, nang makipagkita ako sa nakatataas na lider, nagreklamo ako tungkol sa mga paghihirap at pagsubok, sinasabi na wala ako ng kakayahang kinakailangan para gampanan ang tungkuling ito, at na sa paghawak ko bilang isang pagkalider ay umaantala sa buhay pagpasok ng mga kapatid at nakaaapekto sa gawain ng iglesia, at na ito ay paggawa ng masama. Hindi tinanggap ng lider ang pagbibitiw ko sa puwesto, sa halip, inalok niya ako ng pakikipagbahaginan at tulong. Napagtanto ko na hindi naman pala sa wala akong kakayahan, kundi masyado kong inaalala ang aking sariling laman. At sa tuwing naiisip kong dadanas ako ng pisikal na paghihirap, natatakot pa rin akong baka bumagsak ang katawan ko, at iniisip ko kung ano na lamang ang mangyayari kapag bumalik ang dati kong karamdaman at mamatay ako. Kahit na mukha akong gumagawa ng aking tungkulin, nagdurusa ako at hindi makawala. Hindi nagtagal, sinabi sa akin ng sister na namamahala sa gawain ng ebanghelyo na, “Ang hindi magagandang resulta ng gawain ng ebanghelyo sa inyong iglesia ay direktang nauugnay sa iyo.” Hindi ko pinagnilayan ang aking sarili, sa halip, nagdahilan at nangatwiran pa ako, sinasabi na wala akong kakayahan at hindi ko kayang asikasuhin ang gawain. Matapos iyon, patuloy akong naging pasibo sa aking tungkulin.
Isang araw noong Hunyo 2021, inaresto ako ng mga pulis sa isang pagtitipon. Noong sandaling iyon, malinaw kong napagtanto na ito ay ang Diyos na itinutuwid ako. Palagi akong pasibo sa aking tungkulin, laging inaalala ang aking laman at nais magbitiw sa puwesto, ayaw kong gawin ang tungkulin ng isang lider, at ngayon ay nawala na ang pagkakataon kong magampanan ang aking tungkulin. Nadama ko na ginamit ng Diyos ang sitwasyong ito upang bawiin ang kuwalipikasyon ko sa paggampan ng aking tungkulin, at napuno ng pagdurusa ang puso ko. Kalaunan, dahil sa proteksyon ng Diyos, mabilis akong napalaya. Upang maiwasang masubaybayan at muling maaresto ng mga pulis, kinailangan kong magtago sandali at hindi ako makalabas para gampanan ang aking tungkulin. Nasaktan ako nang lubos at negatibong-negatibo ako, iniisip ko kung ang sitwasyon bang ito ay nangangahulugan na ibinubunyag ako ng Diyos at ayaw na Niya sa akin. Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at naunawaan ko ang layunin ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Paminsan-minsan, gumagamit ang Diyos ng isang partikular na bagay upang ibunyag ka o disiplinahin ka. Kung gayon ba ay nangangahulugan ito na tiniwalag ka na? Nangangahulugan ba ito na dumating na ang katapusan mo? Hindi. … Sa katunayan, sa maraming pagkakataon, ang pag-aalala ng mga tao ay nagmumula sa kanilang pansariling mga interes. Sa pangkalahatan, natatakot sila na baka wala silang kahinatnan. Palagi nilang iniisip, ‘Paano kung ibunyag, itiwalag, at tanggihan ako ng Diyos?’ Ito ang maling interpretasyon mo sa Diyos; ang mga ito ay isang panig na pala-palagay mo lamang. Kailangan mong alamin kung ano ang layunin ng Diyos. Kapag ibinubunyag Niya ang mga tao, hindi ito para itiwalag sila. Ibinubunyag ang mga tao para ibunyag ang kanilang mga pagkukulang, pagkakamali, at kalikasang diwa, para makilala nila ang kanilang sarili, at maging kaya nila ang tunay na pagsisisi; sa kadahilanang ito, ang pagbubunyag sa mga tao ay para tulungan ang buhay nilang lumago. Kung walang dalisay na pagkaunawa, malamang na magkamali ng pag-unawa ang mga tao sa Diyos at maging negatibo at mahina. Maaari pa nga silang magpatangay sa kawalan ng pag-asa. Sa katunayan, ang maibunyag ng Diyos ay hindi naman nangangahulugan na ititiwalag ka. Ito ay para tulungan kang malaman ang sarili mong katiwalian, at pagsisihin ka. Kadalasan, dahil suwail ang mga tao, at hindi naghahanap ng kasagutan sa katotohanan kapag nagbubunyag sila ng kanilang katiwalian, kailangang magdisiplina ng Diyos. At dahil dito, minsan, ibinubunyag Niya ang mga tao, ibinubunyag ang kanilang kapangitan at pagiging kaawa-awa, tinutulutan silang makilala ang kanilang sarili, na nakakatulong para lumago ang kanilang buhay. Ang pagbubunyag sa mga tao ay may dalawang magkaibang implikasyon: Para sa masasamang tao, ang maibunyag ay nangangahulugan na itiniwalag na sila. Para sa mga nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang paalala at isang babala; pinagninilay sila tungkol sa kanilang sarili, para makita ang kanilang tunay na kalagayan, at para huminto na ang kanilang pagiging suwail at walang ingat, sapagkat magiging mapanganib ang magpatuloy nang ganito. Ang pagbubunyag sa mga tao sa ganitong paraan ay para paalalahanan sila na baka, sa pagsasagawa nila ng kanilang tungkulin, sila ay maguluhan at hindi mag-ingat, hindi maging seryoso sa mga bagay, makuntento sa kaunting resulta, at mag-isip na nagampanan nila ang kanilang tungkulin ayon sa katanggap-tanggap na pamantayan samantalang, ang totoo, kapag sinukat ayon sa hinihingi ng Diyos, nagkulang silang masyado, subalit kampante pa rin sila, at naniniwalang ayos lang sila. Sa gayong mga sitwasyon, didisiplinahin, babalaan, at paaalalahanan ng Diyos ang mga tao. Kung minsan, ibinubunyag ng Diyos ang kanilang kapangitan—na malinaw na para magsilbing isang paalala. Sa gayong mga pagkakataon dapat mong pagnilayan ang iyong sarili: Hindi sapat ang gampanan mo nang ganito ang iyong tungkulin, may paghihimagsik sa iyong kalooban, napakaraming negatibong elemento, lahat ng ginagawa mo ay basta-basta lang, at kung hindi ka pa rin magsisisi, makatarungan na, dapat kang maparusahan. Paminsan-minsan, kapag dinidisiplina ka ng Diyos, o kaya ay ibinubunyag ka, hindi ito nangangahulugang ititiwalag ka. Dapat harapin ang bagay na ito nang tama. Kahit itiwalag ka pa, dapat mo itong tanggapin at magpasakop ka rito, at magmadaling magnilay-nilay at magsisi” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan at Pagpapasakop sa Diyos Maaaring Matamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon). Iwinaksi ng mga salita ng Diyos ang maling pagkaunawa ko sa Kanya. Ang akala ko, ang pagkakaaresto at pagkakawala ng tungkulin ko ay paraan ng Diyos para ako’y ibunyag at itiwalag, ngunit sa katunayan, ginamit Niya ang sitwasyong ito para paalalahanan at balaan ako, at ito’y nagtulak sa akin na pagnilayan ang aking sarili. Palagi akong nagrereklamo tungkol sa paghihirap at pagsubok at naghahanap ng kaginhawahan sa halip na gumawa ng aktuwal na gawain sa aking tungkulin, na nakasagabal lamang sa gawain. Kung hindi nangyari sa akin ang sitwasyong ito, hindi ko mapagninilayan ang aking sarili at patuloy kong hindi seseryosohin ang aking tungkulin. Maaari itong magdulot ng hindi na mababawi pa na mga pagkalugi sa gawain at ikagagalit ng Diyos, na siguradong hahantong sa pagkakatanggal ko. Alam kong dapat kong lubos na pagnilayan ang aking sarili at tunay na magsisi, sapagkat ito ang naaayon sa layunin ng Diyos. Hindi na ako maaaring magkamali sa pagkaunawa sa Diyos. Kaya, nagsimula akong magnilay, at nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako upang makakuha ng aral mula sa pangyayaring ito.
Pagkatapos, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kapag gumagawa ng isang tungkulin, palaging pinipili ng mga tao ang magaan na gawain, ang gawaing hindi nakakapagod, at na hindi nila kailangang suungin ang panahon sa labas. Pagpili ito sa madadaling trabaho at pag-iwas sa mahihirap ang tawag dito, at pagpapamalas ito ng pagnanasa sa mga kaginhawahan ng laman. Ano pa? (Palaging pagrereklamo kapag ang kanilang tungkulin ay medyo mahirap, medyo nakakapagod, kapag may kaakibat itong pagbabayad ng halaga.) (Pagkahumaling sa pagkain at pananamit, at sa mga kasiyahan ng laman.) Mga pagpapamalas lahat ito ng pagnanasa sa mga kaginhawahan ng laman. Kapag nakikita ng gayong tao na masyadong matrabaho o delikado ang isang gampanin, ipinapasa niya ito sa iba; magaan na trabaho lang ang mismong ginagawa niya, at nagdadahilan siya, sinasabing mahina ang kakayahan niya at na wala siyang kakayahan sa gawain, at hindi niya kayang akuin ang gampaning ito—pero ang totoo, ito ay dahil nagnanasa siya ng mga kaginhawahan ng laman. Ayaw niyang magdusa, anumang gawain ang ginagawa niya o anumang tungkulin ang ginagampanan niya. … Nariyan din kapag palaging nagrereklamo ang mga tao tungkol sa mga paghihirap habang ginagawa ang tungkulin nila, kapag ayaw nilang gumugol ng anumang pagsisikap, kapag, sa sandaling magkaroon sila ng kaunting libreng oras ay nagpapahinga sila, nakikipagdaldalan, o nakikisali sa paglilibang at pagsasaya. At kapag dumarami na ang gawain at nasisira nito ang takbo at nakagawian nila sa mga buhay nila, hindi sila nasisiyahan at nakokontento rito. Nagmamaktol at nagrereklamo sila, at nagiging pabaya sila sa paggawa ng tungkulin nila. Pag-iimbot ito sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba? … Gaano man kaabala ang gawain ng iglesia o gaano man sila kaabala sa kanilang mga tungkulin, ang karaniwang gawain at normal na kundisyon ng kanilang buhay ay hindi nagagambala kailanman. Kailanman ay hindi sila pabaya sa anumang maliliit na detalye ng buhay ng laman at lubos nilang nakokontrol ang mga iyon, dahil napakahigpit nila at seryoso sila. Pero, kapag hinaharap ang gawain ng sambahayan ng Diyos, gaano man kalaki ang usapin at kahit sangkot dito ang kaligtasan ng mga kapatid, pabaya sila sa pagharap dito. Ni wala silang pakialam sa mga bagay na iyon na kinasasangkutan ng atas ng Diyos o ng tungkuling dapat nilang gawin. Wala silang inaakong pananagutan. Ito ay pagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba? Angkop bang gumawa ng tungkulin ang mga taong nagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman? Sa sandaling banggitin ng isang tao ang paksa ng paggawa sa kanyang tungkulin, o talakayin ang tungkol sa pagbabayad ng halaga at pagdanas ng paghihirap, iling nang iling ang ulo nila: Masyado silang maraming problema, ang dami nilang mga reklamo, at puno sila ng pagkanegatibo. Walang silbi ang mga gayong tao, hindi sila kalipikadong gumawa ng kanilang tungkulin, at dapat silang itiwalag” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 2). “Ito ay dahil ang bagay na pinakakapansin-pansing sumasalamin sa ugnayang nagdurugtong sa iyo sa Diyos ay kung paano mo ituring ang mga bagay na ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos at ang tungkuling iniaatas Niya sa iyo, at ang saloobing mayroon ka. Ang pinakakapuna-puna at pinakapraktikal ay ang usaping ito. Naghihintay ang Diyos; gusto Niyang makita ang iyong saloobin. Sa pinakamahalagang sandaling ito, dapat mong bilisang ipaalam sa Diyos ang iyong paninindigan, tanggapin ang Kanyang atas, at gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kapag naunawaan mo ang napakahalagang puntong ito at natupad ang gawaing ibinigay sa iyo ng Diyos, ang relasyon mo sa Diyos ay magiging normal. Kung, sa pagkakatiwala sa iyo ng Diyos ng isang gawain, o pagsasabi sa iyo na gampanan mo ang isang tiyak na tungkulin, ang iyong ugali ay pabaya at walang pakialam, at hindi mo ito sineseryoso, hindi ba ito mismo ang kabaligtaran ng pagbibigay ng buong puso at lakas? Magagampanan mo ba nang maayos ang iyong tungkulin sa ganitong paraan? Siguradong hindi. Hindi mo magagampanan nang sapat ang iyong tungkulin. Kaya, napakahalaga ng iyong saloobin kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, pati na ang pamamaraan at landas na iyong pinipili. Gaano man karaming taon silang nananalig sa Diyos, ang mga hindi nagagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin ay ititiwalag” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pagninilay ko sa mga salita ng Diyos, pakiramdam ko ay nasaksak ang puso ko, para bang nasa harap ko ang Diyos at hinahatulan ako. Ipinagkakatiwala ng Diyos ang mga atas Niya sa mga tao at umaasang matatapos nila ito nang buong puso at lakas nila, ngunit mayroon akong gayong mapagpabayang saloobin sa aking tungkulin, at hindi ko nagampanan nang maayos ang aking mga responsabilidad. Sa tuwing bahagyang magkakapatong-patong ang aking mga tungkulin o may ilang mga problema na kailangan kong pag-isipan o bayaran ang halaga, naghahanap ako ng ginhawa at nagrereklamo, hindi handang magtiis ng paghihirap o magbayad ng halaga. Ninais ko pang magbitiw at takasan ang aking mga tungkulin. Naalala ko noong una kong hinawakan ang tungkulin bilang lider ng iglesia. Bagamat napakarami ng gawain, umasa ako sa Diyos at nagbayad ng tunay na halaga, at ginabayan ako ng Diyos, at nagkaroon ng kaunting pag-usad ang aking gawain. Pagkatapos, habang dumarami ang mga miyembro ng iglesia, dumarami rin ang mga gawaing dapat tapusin, at ang sister na kasama ko sa gawain ay baguhan pa lamang, kaya naman halos lahat ng gawain ng iglesia ay kinailangan kong pagtuunang-pansin. Abala ako araw at gabi, at pakiramdam ko ay lubos na nahihirapan ang aking katawan. Mas nag-alala ako na maaaring bumalik ang cancer ko, kaya hindi ko na ninais pa na ibuhos ang lahat ng makakaya ko sa aking mga tungkulin. Dahil walang pag-usad sa gawain ng ebanghelyo, inireklamo ko ang bawat problema at paghihirap, nagdadahilan ako na wala akong kakayahan kaya hindi ko mapangasiwaan ang mga gawain, palagi kong ninanais takasan ang aking mga responsabilidad para sa isang mas madaling tungkulin. Ang katotohanan niyan ay, kung handa lamang ako na magbayad ng halaga, nagawa ko sana nang maayos ang gawain, ngunit natakot ako sa gulo, at hindi ko ginustong magsikap na hanapin ang mga salita ng Diyos para malutas ang mga suliranin ng mga kapatid. Natakot ako na bumigay ang katawan ko, kaya pinanood ko lang ang mabagal na pag-usad ng gawain nang walang pakialam, na nagresulta ng ilang buwan na palpak na gawain ng ebanghelyo. Ang lahat ng ito ay dahil sa lubos kong pagpipita ng ginhawa. Sa kabila nito, nang pungusin ako ng sister, hindi man lang ako nagnilay at nangatwiran pa ako. Nasuklam at nagalit ang Diyos sa aking saloobin sa aking mga tungkulin. Ginamit ng Diyos ang sitwasyong ito para ihinto ang aking mga tungkulin, lubos na ipinapakita ang matuwid Niyang disposisyon. Ngunit hindi ko pa rin pinagnilayan ang sarili ko, at inisip ko pang ginamit ng Diyos ang sitwasyong ito upang ibunyag at alisin ako, at nabuhay ako sa maling pagkaunawa. Hindi ko talaga naunawaan ang mga mabubuting layunin ng Diyos! Nang mapagtanto ko ito, pakiramdam ko ay napakalaki ng pagkakautang ko sa Diyos, kaya nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos ko, hindi ko nagampanan ang aking mga responsabilidad, at sa harap ng mga hamon, nagreklamo ako, inalala lamang ang aking laman at natakot akong mapagod. Hindi ko man lamang isinaalang-alang ang Iyong layunin. Ngayon, nakikita ko na ang aking pagrerebelde at handa akong magsisi. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng pagkakataong tumupad ng mga tungkulin sa hinaharap, ngunit kung sakali man, handa akong isaalang-alang ang Iyong layunin, at hindi na maghahangad pa ng kaginhawahan.”
Pagkatapos niyon, kumalma ako, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at nanalangin sa Kanya, nagnilay-nilay kung bakit hindi ko gustong magtiis o magbayad ng halaga sa mga tungkulin ko. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Umaasa ka na ang iyong pananalig sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahangad ang mga bagay na iyon na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw ay napakawalang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahangad sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay pawang mga hayop? Hindi ba’t ang mga patay na walang mga espiritu ay mga naglalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting gawain lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa ang iyong mga kaisipan ay masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang makamtan ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? … Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahangad sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tunay na daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga nananampalataya sa Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Isinisiwalat ng Diyos na kapag ang mga tao ay nahaharap sa mga pagsubok sa kanilang tungkulin, sila ay nagrereklamo at hindi handang makipagtulungan, at ang mga taong naghahanap ng ginhawa ay tulad ng mga baboy, iniisip lamang na busugin ang kanilang sarili sa pagkain, inumin, at sa tulog, nang walang anumang hangaring umunlad sa positibong paraan. Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, nakita kong ganito rin ako. Ang paggampan sa tungkulin ng isang lider ay isang pagkakataon upang ako ay magsagawa, binibigyang-daan ako upang hanapin ang katotohanan at pasanin ang gawain kapag nagkaroon ng mga pagsubok. Subalit nang makita kong ang pagiging lider ay nangangahulugan ng napakaraming pagaasikaso at pagsisikap, naging mapanlaban ako, at noong ang gawain ng ebanghelyo ay hindi naging epektibo at kinailangan kong magtiis at magbayad ng halaga, ang tanging inisip ko ay ang aking katawan, natatakot na ang labis na pagkapagod ay magdudulot ng pagbabalik ng aking cancer, kaya patuloy akong nagdahilan at nais kong magbitiw. Nakita kong wala akong konsensya o pagpapahalaga sa responsabilidad. Naging iresponsable ako sa aking mga tungkulin at hindi ito sineryoso, na nagresulta sa kawalan ng pag-usad sa gawain ng ebanghelyo, at hindi ko rin naibigay ang anumang tulong sa mga kapatid. Kahit na hindi ako nagpakapagod, naantala ko naman ang gawain ng iglesia. Ako ay naging isang makasarili at hindi mapagkakatiwalaang tao, paanong hindi mamumuhi at masusuklam ang Diyos sa akin? Nang balikan ko ang panahon noong kakaunti pa lamang ang miyembro ng iglesia, kahit na maraming gampanin at may ilang pagsubok sa gawain, sa pamamagitan ng pagbabayad ng halaga at pakikipagtulungan, pagkalipas ng kaunting panahon, nagpakita ng pag-unlad ang gawain, at natutunan ko ang ilang mga katotohanang prinsipyo. Nang nadagdagan ang miyembro ng iglesia at lumitaw ang ilang problema sa gawain, hindi ko na ginusto pang magbayad ng halaga o hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito, dahil natakot akong bumigay ang aking katawan. Dahil dito, hindi lamang pumalpak ang gawain, kundi wala rin akong natamo na anumang katotohanan. Napakalaking halaga ang ibinayad ng Diyos para sa akin, inayos Niya ang maraming sitwasyon upang dalisayin at baguhin ang aking tiwaling disposisyon, at binigyan Niya ako ng pagkakataong matamo ang katotohanan sa pamamagitan ng aking mga tungkulin, ngunit nang maharap sa mga pagsubok na may kasamang pisikal na pagdurusa, umatras ako. Hindi lamang nito ipinakita ang aking pagkabigo sa masusing layunin ng Diyos, kundi nagdulot din ako ng mga pagkalugi sa gawain ng iglesia, at nag-iwan ng mga pagsalangsang sa aking landas. Lubos akong nakonsensya at nanalangin ako sa Diyos, hinihiling na magsisi.
Matapos manalangin, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat kang parusahan. Ito ay talagang natural at makatuwiran na dapat tapusin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, ipinagkakanulo mo Siya sa pinakamalalang paraan. Sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Hudas, at dapat na sumpain” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Ito ang katotohanan. Ako ay naging pabaya, mapanlaban at nawalan ng pagpapahalaga sa pananagutan sa aking mga tungkulin. Ito ay isang matinding pagkakanulo sa Diyos, at higit pa akong naging mas kahabag-habag kaysa kay Judas. Ipinagkanulo ni Judas ang Panginoong Jesus para sa kapakanan ng kanyang sariling mga interes, at noong panahong iyon, hindi siya pinangaralan nang husto ng Diyos. Sa kasalukuyan, nabasa ko na ang napakaraming salita ng Diyos, at naunawaan ko ang ilang katotohanan at layunin ng Diyos sa pagliligtas ng mga tao, ngunit sa halip na magsumikap ako upang magampanan ang aking mga tungkulin bilang kabayaran sa pag-ibig ng Diyos, pinagbigyan ko ang aking laman at naging iresponsable sa gawain ng iglesia. Hindi ba’t mas kasuklam-suklam pa ang aking mga kilos kaysa kay Judas? Sa pagtupad ng aking mga tungkulin, isinaalang-alang ko lamang ang aking laman, palaging pinipili ang mas madaling paraan, at buong-buong binalewala ang gawain ng iglesia. Ang pag-uugali ko ay kumatawan sa pagkakanulo sa Diyos, at karapat-dapat na isumpa at parusahan ng Diyos. Ang totoo, kung naging mas masigasig ako sa aking mga tungkulin at handang magsumikap at magbayad ng halaga, hindi sana naging palpak ang gawain ng ebanghelyo sa loob ng maraming buwan. Hindi ko sineryoso ang aking mga tungkulin at nagdulot ako ng pagkaantala sa gawain ng ebanghelyo. Ito ay isang matinding pagsalangsang. Nang mapagtanto ko ito, natakot ako. Pinagnilayan ko ang katunayang ang aking saloobin sa aking mga tungkulin ay tunay na kinasuklaman at kinamuhian ng Diyos at nararapat lamang na ako’y isumpa. Ngunit hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa aking mga ginawa. Sa halip, ginamit Niya ang pagkaaresto ng CCP sa akin upang pilitin akong lumapit sa Kanya para mapagnilayan at makilala ang aking tiwaling disposisyon, sa pag-asang magagawa kong talikuran ang aking laman at magbabalik-loob ako sa Kanya. Handa akong tanggapin ang paghatol ng Diyos at magsisi sa Diyos, at sa hinaharap, kahit gaano pa nakapapagod o gaano pa kahirap ang aking mga tungkulin, hindi ko tatakasan ang mga ito, at gugustuhin ko na lamang gawin ang lahat ng aking makakaya para makipagtulungan.
Pagkatapos, upang tugunan ang aking patuloy na takot sa panghihina ng aking katawan at ang kalagayan kong takot sa kamatayan, nagbasa pa ako ng mas maraming salita ng Diyos na nagresolba sa aking mga alalahanin. Sabi ng Diyos: “Sa katunayan, kung ang isang tao ay talagang may pananampalataya sa Diyos sa kanyang puso, una sa lahat, dapat ay alam niyang nasa mga kamay ng Diyos ang haba ng buhay ng isang tao. Ang panahon ng kapanganakan at kamatayan ng isang tao ay itinakda ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “May ibang tao na ginagawa ang lahat ng puwedeng gawin, gumagamit ng samu’t saring paraan upang magamot ang kanilang mga karamdaman, ngunit anumang paggamot ang gawin, hindi sila gumagaling. Habang lalo silang ginagamot, lalong lumalala ang karamdaman. Sa halip na manalangin sa Diyos upang malaman kung ano mismo ang nangyayari sa sakit, at hanapin ang pinag-uugatan nito, inilalagay nila ang mga bagay sa sarili nilang mga kamay. Nauuwi sila sa paggamit ng napakaraming paraan at paggastos nang malaki, ngunit hindi pa rin gumagaling ang kanilang sakit. Pagkatapos, kapag sinukuan na nila ang gamutan, kusang gumagaling ang karamdaman nang hindi inaasahan paglipas ng ilang panahon, at hindi nila alam kung paano ito nangyari. May ilang taong nagkakaroon ng hindi kapansin-pansing sakit at hindi talaga nila ito inaalala, ngunit isang araw lumala ang kondisyon nila at bigla na lang silang namatay. Anong nangyayari doon? Hindi iyon maarok ng mga tao; sa katunayan, mula sa pananaw ng Diyos, ito ay dahil tapos na ang misyon ng taong iyon sa mundong ito, kaya kinuha na Niya ito. Madalas sinasabi ng mga tao, ‘Hindi mamamatay ang mga tao kung wala silang sakit.’ Totoo ba talaga iyon? May mga tao na, pagkatapos masuri sa ospital, ay napag-alamang walang sakit. Talagang malusog sila ngunit namatay rin sila makalipas ang ilang araw. Ang tawag dito ay pagkamatay nang walang sakit. Maraming ganoong tao. Ibig sabihin nito, umabot na ang isang tao sa dulo ng kanyang buhay, at bumalik na siya sa espirituwal na mundo. May ilang taong nakaligtas sa kanser at tuberkulosis at umabot pa hanggang pitumpu o walumpung taong gulang. May ilang ganoong tao. Ang lahat ng ito ay nakadepende sa mga ordinasyon ng Diyos. Ang pagkakaroon ng ganitong pagkaunawa ay tunay na pananampalataya sa Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung babalik man ang aking karamdaman at kung mamamatay man ako ay nasa mga kamay ito ng Diyos, at hindi ito mga bagay na kaya kong kontrolin. Gaya na lamang ng aking cancer na hindi bunga ng aking sariling kalooban, at noong nagkasakit at gumaling ako, ang lahat ng ito ay itinakda na ng Diyos. Ang dapat kong gawin ay magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at gampanan nang maayos ang aking tungkulin, at hindi ako dapat magsayang ng oras sa pag-aalala tungkol sa buhay at kamatayan. Palagi kong inaalala na ang labis kong pagkapagod sa aking mga tungkulin ay magsasanhi ng pagbabalik ng aking sakit at na mamamatay ako, wala akong pagpapahalaga sa pananagutan para sa aking mga tungkulin, at naantala ko ang gawain ng iglesia. Sa puntong iyon, naunawaan ko na ang buhay at kamatayan ng isang tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at na hindi mahalaga kung bumalik man ang aking cancer, kailangan kong gawin nang maayos ang aking mga tungkulin, at kung pahintulutan ng Diyos na abutan ako ng kamatayan, dapat akong magkaroon ng saloobin ng pagtanggap at pagpapasakop, na siyang naaayon sa layunin ng Diyos.
Naisip ko rin kung paano tinanggap ni Noe ang atas ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Nahaharap sa lahat ng uri ng problema, mahihirap na sitwasyon, at mga hamon, hindi umurong si Noe. Nang madalas na nabigo at nasira ang ilan sa kanyang mas mahihirap na gawaing pang-inhinyero, kahit nahihirapan ang kalooban ni Noe at nababalisa siya sa kanyang puso, nang maisip niya ang mga salita ng Diyos, nang maalala niya ang bawat salitang iniutos sa kanya ng Diyos, at ang pagtataas sa kanya ng Diyos, madalas siyang nakararamdam ng labis na pagganyak: ‘Hindi ako puwedeng sumuko, hindi ko maaaring iwaksi ang iniutos at ipinagkatiwala ng Diyos na gawin ko; atas ito ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito, dahil narinig ko ang mga salitang sinambit ng Diyos at ang tinig ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito mula sa Diyos, dapat akong ganap na magpasakop, na siyang dapat gawin ng isang tao.’ Kaya, anumang uri ng mga hirap ang nakaharap niya, anumang uri ng pangungutya o paninira ang naranasan niya, gaano man kapagod ang kanyang katawan, gaano man kapagal, hindi niya tinalikuran ang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at patuloy niyang isinaisip ang bawat isang salita na sinabi at iniutos ng Diyos. Paano man nagbago ang kanyang mga kapaligiran, gaano man kalaking hirap ang kanyang nakaharap, nagtiwala siya na walang anuman dito ang magpapatuloy magpakailanman, na ang mga salita lamang ng Diyos ang hinding-hindi lilipas, at iyon lamang iniutos ng Diyos na gawin ang siguradong maisasakatuparan. May tunay na pananalig si Noe sa Diyos, at pagpapasakop na nararapat niyang taglayin, at patuloy niyang binuo ang arka na hiningi ng Diyos na buuin niya. Araw-araw, taun-taon, tumanda si Noe, ngunit hindi nabawasan ang kanyang pananalig, at hindi nagbago ang kanyang saloobin at determinasyon na kumpletuhin ang atas ng Diyos. Bagama’t may mga pagkakataon na pagod at pagal na ang kanyang katawan, at nagkasakit siya, at sa kanyang puso ay mahina siya, hindi nabawasan ang kanyang determinasyon at tiyaga na tapusin ang atas ng Diyos at magpasakop sa mga salita ng Diyos. Sa mga taon na binuo ni Noe ang arka, nagsasagawa si Noe ng pakikinig at pagpapasakop sa mga salitang sinabi ng Diyos, at isinagawa rin niya ang isang mahalagang katotohanan ng isang nilikha at ang pangangailangan ng isang ordinaryong tao na makumpleto ang atas ng Diyos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na nagawang naunawaan ni Noe ang layunin ng Diyos. Sa harap ng matinding hamon ng pagbuo ng arko, bagaman kinailangang tiisin ng kanyang katawan ang matinding hirap, hindi siya umurong. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagtupad sa atas ng Diyos araw-araw sa loob ng isang daang taon, hanggang sa tuluyang maitayo ang arko. Sa paghahambing ng pagsasagawa ni Noe at ng pagsasagawa ko, nakadama ako ng matinding kahihiyan at pagkapahiya. Hindi ako nagtiyaga sa aking tungkulin, sa halip, inireklamo ko ang mga paghihirap at pagsubok, at palaging iniisip lamang ang aking katawan. Sadyang hindi ko maikukumpara ang aking sarili kay Noe, isa lamang akong taong walang konsensya. Nagkaroon ako ng cancer at napagaling sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos, at sa maraming taon na tinutupad ko ang aking tungkulin, hindi bumalik ang aking karamdaman, ngunit sa halip na subukang suklian ang pagmamahal ng Diyos, palagi kong iniisip ang aking laman, nag-aalala kung babalik ba ang aking cancer, at palagi kong hinahanap ang kaginhawahan ng katawan. Maraming beses na gusto kong takasan ang aking tungkulin. Wala akong katapatan sa Diyos, ako ay naging tunay na makasarili at kasuklam-suklam, walang anumang pagkatao o katwiran! Habang naiisip ko ito, mas lalo akong nagsisisi, at naramdaman kong hindi ako karapat-dapat para sa matinding kagalakan at sa pagliligtas mula sa Diyos. Dapat kong tularan si Noe at tumigil sa pagtalima sa aking laman. Kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon upang gawin ang aking tungkulin, dapat ko itong pahalagahan.
Makalipas ang ilang panahon, itinalaga ako ng nakatataas na pamunuan upang mangasiwa sa gawain ng isang iglesia ng mga baguhan. Lubos akong natuwa sapagkat alam kong ito ay ang Diyos na binibigyan ako ng pagkakataon upang magsisi. Pagdating ko sa iglesia ng mga baguhan, nakita kong hindi magaganda ang resulta ng gawain, partikular na ang gawain ng ebanghelyo na hindi pa umuusad, at kulang din sa tauhan ang pangkat. Dahil dito, nadama kong napakalaki ng hamon, at naisip ko, “Upang magampanan nang mahusay ang gawaing ito, kailangan ng maraming pagsisikap, pati na rin ng pag-aaral at pagpapakadalubhasa sa iba’t ibang prinsipyo ng gawain. Hindi maganda ang lagay ng aking kalusugan, paano kung bumigay ang aking katawan?” Dahil dito, ayaw kong magbayad ng halaga. Ngunit napagtanto kong mali ang paraan ng aking pag-iisip, kaya’t nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos ko, hindi ko na nais pang tumalima sa aking laman kapag nakahaharap ng mga pagsubok sa gawain ng iglesia, dapat akong magkaroon ng konsensya at katwiran upang makipagtulungan sa Iyo, pakiusap, gabayan Mo ako. Handa akong makipagtulungan nang buo sa mga kapatid upang magampanan nang maayos ang gawain.” Pagkatapos noon, nagsikap akong maghanap ng angkop na mga bahay na nagpapatuloy nang makita kong walang lugar para sa mga pagtitipon, upang ang mga kapatid ay makapamuhay ng buhay-iglesia. Nag-alala rin ako nang makita kong ang mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo ay nahihirapan sa buhay, ngunit naisip ko na ang pangangaral ng ebanghelyo ay ayon sa layunin ng Diyos, at hindi ako dapat umatras sa harap ng mga pagsubok, kaya’t hinanap ko ang mga salita ng Diyos upang malutas ang kalagayan ng mga kapatid, at nakipagbahaginan ako sa kung paano tinanggap ni Noe ang atas ng Diyos, binibigyang-daan ang mga kapatid upang maunawaan ang kahalagahan ng pangangaral ng ebanghelyo at ang agarang layunin ng Diyos Matapos ang aking pagbabahagi, bumuti ang kalagayan ng mga kapatid, at naging handa silang makipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo. Pagtagal-tagal, nagkaroon ng pag-usad sa gawain ng ebanghelyo kumpara sa dati, na ang lahat ng ito ay kung hindi dahil sa gabay ng Diyos!
Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa diwa at mga kahihinatnan ng pagpipita ng kaginhawahan, at nagkaroon din ako ng kaunting pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ngayon, kaya kong itama ang aking saloobin at mayroon akong pagpapahalaga sa responsabilidad sa aking mga tungkulin. Ang resulta na ito ay dulot ng mga salita ng Diyos, salamat sa Diyos!