38. Bakit Hindi Ko Matanggap nang Matiwasay ang Aking Tungkulin

Ni Song Chuying, Tsina

Sa pagtatapos ng Marso 2023, hiniling sa akin ng mga lider na pangasiwaan ang gawain ng paglilinis ng iglesia. Nakadama ako ng matinding pressure noong sinabi nila ito sa akin, at naisip ko, “Mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan at wala akong pagkilatis. Kung hindi ko kayang gumawa ng aktuwal na trabaho, baka hindi magtagal ay tanggalin ako. Sobrang nakakahiya iyon! Mas kaunti ang responsabilidad ng pagiging miyembro ng isang pangkat at may superbisor na magsusuri sa mga bagay-bagay, kaya mas maliit ang pagkakataong magkamali. Kapag naging superbisor ako, dadami ang trabaho, at sa oras na magkamali ako, maaantala ang trabaho, o mas malala pa, hahantong ito sa mga maling akusasyon at parusa. Magiging malaking pagsalangsang iyon! Ang paggawa ng tungkulin ay itinakda para maging isang paraan para maghanda ng mabubuting gawa, pero kung labis akong sasalangsang, magaan na kaparusahan na ang matanggal ako at mapahiya, at sa mas malalalang kaso, maaari akong mapatalsik sa iglesia. Maganda pa rin ba ang magiging kalalabasan at destinasyon ko kung magkaganoon?” Dahil iniisip ko ito, nagdahilan na lang ako para tanggihan ang tungkulin sa pamamagitan ng pagsasabing mababaw ang buhay pagpasok ko, at hindi ako angkop para sa tungkuling ito. Wala masyadong sinabi ang lider ngunit sinabihan niya akong magpatuloy sa paghahanap. Sa mga sumunod na araw, pinanghihinaan ako ng loob sa tuwing naiisip ko ang sinabi ng lider. Nagkataon din na noong mga panahong iyon, mayroon akong problema sa pagkilatis sa pag-uugali ng isang tao. Tumingin lang ako sa mabibigat na kinahinatnan ng masasama niyang kilos at tinukoy ko siya bilang isang masamang tao nang hindi sinusuri ang kanyang kalikasang diwa o kadalasang pag-uugali. Kalaunan ko lang napagtanto na bagama’t ang taong ito ay nakagawa ng masasamang bagay, hindi siya masamang tao. Ang pangyayaring ito ay mas nagpabigat pa ng puso ko. Ang pagkakamali kong ito ay muntik nang makapinsala ng isang tao at gumambala sa gawain ng pag-aalis. Talagang kulang ang pagkilatis ko. Kung naging superbisor ako at nagkamali ulit, hindi ba’t mas lalo lang akong sasalangsang? Naisip ko si Sister Lin Fang, ang kakatanggal lang na superbisor dahil hindi siya gumawa ng aktuwal na gawain at nabigo siya sa pangangasiwa at pagsusuri sa gawain. Ang dalawang superbisor na nauna sa kanya ay napatalsik mula sa iglesia dahil napakarami ng masasamang nagawa nila. Mas lalo ko pang naramdaman na ang pagiging isang superbisor ay masyadong mapanganib, at kung hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho, tatanggalin lang ako o hindi magtatagal ay ititiwalag. Mas ligtas kung isang miyembro lang ako ng pangkat. Pero ang tahasang pagtanggi sa tungkulin ay hindi rin angkop, kaya nagdadalawang-isip ako. Sa mga sumunod na araw, patuloy kong pinag-isipan ang mga bagay na ito, pakiramdam ko ay naiipit ako masyado, at naapektuhan ang kalagayan ko. Nanalangin ako sa Diyos at humingi ng Kanyang gabay.

Sa isa sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang artikulo ng patotoong batay sa karanasan, kung saan ang bida ay laging nagdadahilan at tumatanggi sa mga tungkulin dahil iniisip niya ang sarili niyang pride at mga interes, ngunit kalaunan, napagtanto niya na ang mga tungkulin ay bahagi ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at na pinagmamasdan ng Diyos ang saloobin niya sa mga tungkulin, at kailangan niya munang magpasakop. Kailangan ko rin munang pumasok sa katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos. Kaya, hinanap ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na may kaugnayan dito. Nabasa ko na sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Noong gumawa si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang gustong maisakatuparan ng Diyos. Binigyan lang siya ng Diyos ng utos at binilinan siyang gumawa ng isang bagay, at nang walang gaanong paliwanag, nagpatuloy si Noe at ginawa ito. Hindi niya sinubukang alamin ang mga pagnanais ng Diyos nang palihim, ni hindi siya lumaban sa Diyos o nagpakita nang kawalang-katapatan. Humayo lamang siya at ginawa ito nang may malinis at simpleng puso. Anuman ang ipinagawa ng Diyos, ginawa niya, at ang pagpapasakop at pakikinig sa salita ng Diyos ang pananampalatayang naging pundasyon ng kanyang mga pagkilos. Ganito katapat at kasimple ang pagharap niya sa ipinagkatiwala ng Diyos. Ang kanyang diwa—ang diwa ng kanyang mga pagkilos ay pagpapasakop, hindi pagdadalawang-isip, hindi paglaban, at higit pa rito, hindi pag-iisip ng mga pansarili niyang kapakanan o pakinabang at kawalan. At higit pa, noong sinabi ng Diyos na gugunawin Niya ang mundo sa pamamagitan ng isang baha, hindi tinanong ni Noe kung kailan o kung anong mangyayari sa mga bagay-bagay, at tiyak na hindi tinanong ang Diyos kung paano Niya gugunawin ang mundo. Gumawa lang si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos. Sa paano mang paraan nais ng Diyos na gawin ito at kung sa ano gawa ito, ginawa niya mismo ang hiningi ng Diyos at kaagad na sinimulan ang paggawa. Kumilos siya alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos nang may saloobing nagnanais na magbigay-kasiyahan sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang hinihingi ng Diyos sa mga tao ay ang magawang magpasakop sa anumang sitwasyon at ito ang katwirang dapat taglay ng mga nilikha. Nakita ko na busilak ang puso ni Noe sa kanyang pagharap sa atas ng Diyos. Sumunod lang siya at nagpasakop. Hindi na niya isinaalang-alang ang bilang ng mga paghihirap na maaari niyang harapin sa paggawa ng arka, o kung anong mga responsabilidad ang maaari niyang pasanin kung hindi ito magagawa nang maayos. Gusto lang niyang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, upang magawa ang arka ayon sa hinihingi ng Diyos sa lalong madaling panahon, para maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Ngunit nang mabigyan ako ng tungkulin, nabalisa ang isipan ko, at paulit-ulit kong inisip ang mga paghihirap, kinabukasan, at hantungan ko. Naisip ko na masyadong mapanganib ang pagiging superbisor at malamang ay sumalangsang ako, at na kung marami akong magagawang pagsalangsang, hindi magiging maganda ang kalalabasan ko. Nang maisip ko ang mga ito, nakita ko na hindi ko talaga kayang magpasakop, at patuloy kong gustong magdahilan para iwasan ang tungkuling ito. Sa pag-iisip nito, nahiya talaga ako. Napakaraming taon na akong nananampalataya sa Diyos ngunit wala pa rin akong pangunahing pagpapasakop. Talagang walang-wala akong katotohanang realidad. Hindi ako pwedeng magpatuloy nang ganito. Bagama’t mayroon akong mga paghihirap at alalahanin, kailangan ko munang magpasakop at tanggapin ang tungkuling ito.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa tungkol sa kalagayan ko. Sabi ng Diyos: “Batay sa saloobin ng mga anticristo sa Diyos, sa mga kapaligiran at mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinaayos ng Diyos, sa pagbubunyag at pagdidisiplina ng Diyos sa kanila, at iba pa, mayroon ba silang kahit katiting na layunin na hanapin ang katotohanan? Mayroon ba silang kahit katiting na layunin na magpasakop sa Diyos? Mayroon ba silang kahit katiting na pananalig na ang lahat ng ito ay hindi aksidente kundi nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ba silang ganitong pagka-unawa at kamalayan? Maliwanag na wala. Ang ugat ng pagiging mapagbantay nila ay masasabing nagmumula sa mga pagdududa nila tungkol sa Diyos. Ang ugat ng paghihinala nila sa Diyos ay masasabi ring nagmumula sa mga pagdududa nila tungkol sa Diyos. Dahil sa mga resulta ng pagsisiyasat nila sa Diyos, lalo silang nagiging mapaghinala sa Diyos, at kasabay nito, mas nagiging mapagbantay sila laban sa Diyos. Batay sa iba’t ibang kaisipan at pananaw na nabubuo mula sa pag-iisip ng mga anticristo, pati na rin sa iba’t ibang pamamaraan at pag-uugali na nabubuo sa pangingibabaw ng mga kaisipan at pananaw na ito, sadyang hindi makatwiran ang mga taong ito; hindi nila kayang maunawaan ang katotohanan, hindi nila kayang magkaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, hindi nila kayang lubusang manampalataya at kilalanin ang pag-iral ng Diyos, at hindi nila kayang manampalataya at kilalanin na may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng nilikha, na may kataas-taasan Siyang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang lahat ng ito ay bunga ng kanilang buktot na disposisyong diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus). Mula sa mga salita ng Diyos nakita ko na ang mga anticristo ay hindi nananampalataya sa katuwiran ng Diyos kapag may nangyayaring mga bagay. Sa halip na hanapin ang katotohanan upang malaman ang disposisyon ng Diyos, gumagamit sila ng mga kuru-kuro ng tao, mga imahinasyon, at mga satanikong pilosopiya para suriin ang gawain ng Diyos at ang mga sitwasyong isinasaayos Niya. Samakatwid, nagiging maingat sila at hindi nila nauunawaan ang Diyos. Ang buktot na kalikasan ng anticristo ang nagdulot nito. Sa pagsusuri ko sa aking sarili sa liwanag ng mga salita ng Diyos, nakita kong kapareho nito ang kalagayan ko. Nang makita kong tinanggal at itiniwalag ang naunang tatlong superbisor, hindi ko hinanap ang katotohanan, hindi isinaalang-alang kung bakit sila nabigo, o kaya ay nagkaroon ng pagkilatis at natuto ng mga aral mula sa mga pagkakamali nila. Sa halip, naging maingat ako, namuhay sa mga satanikong pilosopiya gaya ng “Sa pag-iingat nagmumula ang kaligtasan,” at “Kapag mas malaki sila, mas mahirap kapag sila’y nahulog.” Pakiramdam ko ay masyadong mapanganib ang pagiging superbisor, at kung magdulot ko ang anumang mga maling akusasyon at parusa, ito ay magiging isang malaking pagsalangsang, at hindi ako magkakaroon ng mabuting kalalabasan o hantungan. Naisip ko na kailangan kong protektahan ang sarili ko para maiwasan ang mga panganib, kaya nagpatuloy ako sa pagdadahilan para maiwasan ang tungkuling ito. Kalaunan, tinanong ko ang aking sarili, “Ano ang mga layunin ng Diyos sa pagbibigay sa akin ng tungkuling ito? Ang pangangasiwa sa gawaing pag-aalis ay nagpapasan ng mabibigat na responsabilidad, ngunit magagawa kong makilala ang iba’t ibang uri ng mga masamang tao, anticristo, at hindi mananampalataya, na makatutulong sa akin para sa mabilis na pag-usad sa pagkilatis sa mga tao. Gayundin, kabilang sa pagiging superbisor ang pag-aasikaso sa maraming problema, at ito ang magtutulak sa akin para hanapin ang mga katotohanang prinsipyo na may kaugnayan dito at sangkapan ang aking sarili ng katotohanan, na isang magandang pagkakataon para makapagsanay. Pero sa halip na hanapin ang katotohanan sa bagay na ito, lagi kong naiisip na ang pagiging superbisor ay nangangahulugan ng pagpasan ng mas mabibigat na responsabilidad at na mas madali akong mabubunyag at matitiwalag, kaya puno ako ng paghihinala at pag-iingat sa Diyos. Sinugatan ko talaga ang puso ng Diyos!”

Pagkatapos ay naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Na ang Diyos ay matuwid at patas sa lahat. Hindi tinitingnan ng Diyos kung ano ka dati o ang iyong kasalukuyang tayog, tinitingnan Niya kung hinahangad mo ang katotohanan at kung tinatahak mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan. … Hinahayaan ka ng Diyos na madapa, mabigo, at gumawa ng mga pagkakamali. Bibigyan ka ng Diyos ng mga pagkakataon at oras upang maunawaan ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, unti-unting maunawaan ang Kanyang mga layunin, gawin ang lahat nang naaayon sa Kanyang mga layunin, tunay na magpasakop sa Diyos, at makamit ang katotohanang realidad na hinihingi ng Diyos na taglayin ng mga tao. Gayunpaman, sino ang taong pinakakinasusuklaman ng Diyos? Ito ay ang taong kahit na alam niya ang katotohanan sa kanyang puso, tumatanggi siyang tanggapin ito, lalo na ang isagawa ito. Sa halip, namumuhay pa rin siya sa mga pilosopiya ni Satanas, ngunit itinuturing ang kanyang sarili na mabuti at mapagpasakop sa Diyos habang naghahangad din na iligaw ang iba at magkaroon ng posisyon sa sambahayan ng Diyos. Pinakakinasusuklaman ng Diyos ang ganitong uri ng tao, siya ay isang anticristo. Bagaman lahat ng tao ay may tiwaling disposisyon, ang mga kilos na ito ay may ibang kalikasan. Hindi ito ordinaryong tiwaling disposisyon o normal na pagbubunyag ng katiwalian; sa halip, sinasadya at mapagmatigas mong nilalabanan ang Diyos hanggang sa huli. Alam mo na may Diyos, nananalig ka sa Diyos, ngunit sadya mong pinipiling labanan Siya. Hindi ito pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos at problema ng maling pagkaunawa; sa halip ay sinasadya mong labanan ang Diyos hanggang sa huli. Maililigtas ba ng Diyos ang isang tulad nito? Hindi ka ililigtas ng Diyos. Ikaw ay kaaway ng Diyos, samakatuwid, ikaw ay isang diyablo at isang Satanas. Maililigtas pa ba ng Diyos ang mga diyablo at mga Satanas?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na patas ang Diyos sa mga tao. Hindi itinitiwalag ng Diyos ang mga tao dahil sa panandaliang pagkakamali o kabiguan, ngunit ibinubunyag at itinitiwalag ang mga tao kapag paulit-ulit nilang tinatanggihan ang katotohanan at matigas ang ulo na nilalabanan Siya. Naisip ko kung paano ako humantong sa paggawa ng mga pagkakamali sa pagkilatis ng mga tao dahil sa kakulangan ko sa pagkaunawa, ngunit walang naghanap na papanagutin ako o pigilan akong gawin ang tungkuling ito dahil dito. Ginagamit ng Diyos ang mga pagkakamali ko para sangkapan ako ng katotohanang may kaugnayan sa pagkilatis ng masasamang tao para makabawi sa mga pagkukulang ko. Mas pinag-isipan ko kung bakit nabigo si Lin Fang. Kamakailan lang, narinig ko siyang magsalita tungkol sa mga mali niyang layunin sa kanyang tungkulin. Nang makita niya ang hindi magagandang resulta sa gawain, ipinasa niya ang gawin sa kanyang kapatid, at hindi siya mismo ang umako ng responsabilidad. Nang magbahaginan ang mga nakatataas na pinuno at itinama siya, nagdahilan lang siya at sinubukang ipagtanggol ang kanyang sarili, at tumangging pagnilayan at kilalanin ang kanyang sarili tungkol sa mga isyung ito. Si Lin Fang ay tinanggal hindi dahil sa kanyang mga pagkakamali, kundi higit sa lahat, dahil sa pagtanggi niyang tanggapin ang katotohanan at sa pagiging iresponsable. May dalawa pang ibang superbisor. Ang isa ay may mayabang na disposisyon, autokratiko at laging gustong nasa kanya ang lahat ng awtoridad, at kapag hindi nakinig ang iba sa kanya, susubukan niyang pigilan at pahirapan sila. Ang isa pang superbisor ay patuloy na naghahangad ng reputasyon at katayuan, pinipigilan at hindi isinasama ang mga opinyong salungat. Dumaan sila pareho sa landas ng isang anticristo at pinatalsik sila dahil sa maraming masasamang bagay na ginawa nila. Nakita ko na makatuwiran ang Diyos at na hindi Niya tinatanggal o pinapaalis ang mga tao dahil lamang sa pagkakamaling nagawa nila sa kanilang tungkulin, kundi ayon sa pag-uugali ng mga tao patungkol sa katotohanan ng Diyos, at sa landas na tinatahak nila. Mula sa palagian nilang pag-uugali, malinaw na ang kalikasang diwa nila ay tumututol at namumuhi sa katotohanan, at ang reputasyon at katayuan lang ang hinangad nila at hindi nila pinangalagaan ang gawain ng iglesya, na humantong sa pagbubunyag at pagtitiwalag sa kanila ng Diyos. Ngunit naisip ko na ang mga may katayuan o malaking responsabilidad ay ang mas malamang na mabunyag at matiwalag, habang ang isang ordinaryong kapatid, na mas kaunti ang tungkulin, ang gagawa ng mas kaunting pagsalangsang dahil mas kaunti ang mga bagay na kasangkot, at dahil dito ay makaiiwas sila sa pagkabunyag at pagkatiwalag. Ngunit mga kuru-kuro at imahinasyon ko lang ang mga ito. Lagi akong nakabantay laban sa Diyos at umiiwas sa tungkulin ko. Kahit na wala akong nagawang pagsalangsang, kung hindi ko hinangad ang katotohanan, hindi malilinis o mababago ang tiwali kong disposisyon, at hindi ko matatanggap ang kaligtasan, at sa huli, wala pa rin akong magandang kalalabasan. Habang iniisip ito, naging handa akong tanggapin ang tungkuling ito. Pinahihintulutan ng Diyos ang mga paglihis at mga isyu sa tungkulin ng isang tao, at basta kayang hanapin ng isang tao ang katotohanan pagkatapos, pagnilayan ang kanyang sarili, at mabilis na iwasto ang mga paglihis na ito, patuloy silang gagabayan ng Diyos. Noong pinag-isipan ko ito, nakita ko na medyo matagal ko nang ginagawa ang gawain ng paglilinis, at naunawaan ko na ang ilang prinsipyo sa pagkilatis. Kagyat na nangangailangan ang gawain ng iglesia ng mga tao upang makipagtulungan, kaya kinailangan kong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at gawin ang aking makakaya para makipagtulungan, dahil ito ang katwiran at pagpapasakop na dapat taglay ko. Ngunit ang isip ko ay puno lamang ng mga kaisipan ng sarili kong mga interes, kalalabasan, at hantungan. Masyado akong naging makasarili at kasuklam-suklam!

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa anong paraan mali ang pagturing sa paghahangad ng mga pagpapala bilang layunin? Ganap itong sumasalungat sa katotohanan, at hindi ito naaayon sa layunin ng Diyos na magligtas ng mga tao. Dahil ang mapagpala ay hindi isang naaangkop na layuning dapat hangarin ng mga tao, ano ang isang naaangkop na layunin? Ang paghahangad ng katotohanan, ang paghahangad ng mga pagbabago sa disposisyon, at ang magawang magpasakop sa lahat ng pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos: ito ang mga layuning dapat hangarin ng mga tao. Sabihin natin, halimbawa, na ang mapungusan ay nagdudulot sa iyong magkaroon ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa, at hindi mo na magawang magpasakop. Bakit hindi mo magawang magpasakop? Dahil pakiramdam mo ay nakuwestiyon ang iyong hantungan o ang iyong pangarap na mapagpala. Nagiging negatibo ka at sumasama ang loob mo, at gusto mong sukuan ang iyong tungkulin. Ano ang dahilan nito? May problema sa iyong hangarin. Kaya paano ito dapat lutasin? Kinakailangan na agad mong talikuran ang mga maling ideyang ito, at na agad mong hanapin ang katotohanan para lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon. Dapat mong sabihin sa iyong sarili, ‘Hindi ako dapat sumuko, dapat ko pa ring magawa nang mabuti ang tungkuling dapat gawin ng isang nilikha, at isantabi ang aking pagnanais na mapagpala.’ Kapag binitiwan mo ang pagnanais na mapagpala at tinahak mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan, mawawala ang bigat na pasan mo sa iyong mga balikat. At magagawa mo pa rin bang maging negatibo? Kahit na may mga pagkakataon pa rin na negatibo ka, hindi mo ito hinahayaang limitahan ka, at sa puso mo, patuloy kang nagdarasal at nakikibaka, binabago ang layunin ng iyong paghahangad mula sa paghahangad na mapagpala at magkaroon ng hantungan, ay nagiging paghahangad sa katotohanan, at iniisip mo, ‘Ang paghahangad sa katotohanan ay ang tungkulin ng isang nilikha. Para maunawaan ang ilang partikular na katotohanan ngayon—wala nang mas dakilang pag-aani, ito ang pinakadakilang pagpapala sa lahat. Kahit na ayaw sa akin ng Diyos, at wala akong magandang hantungan, at gumuho ang aking mga pag-asa na mapagpala, gagawin ko pa rin ang aking tungkulin nang maayos, obligado akong gawin iyon. Anuman ang dahilan, hindi ko ito hahayaang makaapekto sa wasto kong paggampan sa aking tungkulin, hindi ko ito hahayaang maapektuhan ang pagsasakatuparan ko sa atas ng Diyos; ito ang prinsipyong sinusunod ko sa aking pagkilos.’ At sa pamamagitan nito, hindi ba’t nadaig mo ang mga paglilimita ng laman?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok). “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa kapag nagawang perpekto at nagtamasa ng mga biyaya ng Diyos ang isang tao matapos magdanas ng paghatol. Ang magdusa sa kasawian ay tumutukoy sa kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbago matapos siyang magdanas ng pagkastigo at paghatol; hindi niya nadanas na magawang perpekto kundi maparusahan. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag. Yaong mga pabasta-basta sa kanilang tungkulin at hindi hinahanap ang katotohanan ay ititiwalag sa bandang huli, sapagkat ang gayong mga tao ay hindi ginagawa ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa paggampan ng kanilang tungkulin. Sila yaong mga nananatiling hindi nagbabago at magdurusa sa kasawian. Hindi lamang marumi ang kanilang mga pagpapahayag, kundi buktot ang lahat ng kanilang ipinapahayag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na nakatatanggap man ng mga pagpapala ang isang tao o dumaranas ng kasawian, ganap na likas at may katwiran para sa isang nilikha na gawin niya ang kanyang tungkulin. Dahil sumusunod ang mga tao sa Diyos, dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad, dahil ito ang paraan para mamuhay ng isang mahalaga at makabuluhang buhay. Ang mga layunin ng Diyos ay para makapasok ang mga tao sa katotohanang realidad sa pamamagitan ng kanilang tungkulin. Sa pagsasagawa ng tungkulin ng isang tao, maraming mga tiwaling disposisyon ang mabubunyag, at maraming pagkukulang ang masisiwalat. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, mahahanap ng isang tao ang katotohanan at mapagninilayan niya ang kanyang sarili, at nang sa gayon ay maging malinis siya at mabago. Bagama’t humaharap ako ngayon sa mga paghihirap sa pagsasanay bilang isang superbisor, mas makakaasa ako sa Diyos, makapagtutuon sa paghahanap sa katotohanan, makagagawa ng mga tungkulin ko ayon sa mga prinsipyo, makapagsasagawa ng aking mga responsabilidad, at makapagpapakita ng aking katapatan. Kung pagkatapos ng panahon ng pagsasanay, mauwi ako sa pagkakalipat dahil sa hindi sapat na kakayahan ko, hindi ako manghihinayang.

Sa pagsulong, habang ginawa ko ang tungkulin ng isang superbisor, harapin ko man ang mga paghihirap o lumihis sa aking mga tungkulin, nakita ko ito bilang isang magandang pagkakataon para makamit ang katotohanan, makipagbahaginan at maibuod ang mga bagay na ito kasama ang mga kapatid ko, at mahanap ang mga may kaugnayang katotohanang prinsipyo. Unti-unting naging malinaw ang mga katotohanang hindi ko naunawaan dati, at nakausad ako nang kaunti. Hindi na ako nagbabantay laban sa Diyos, at gusto ko lamang na matutunan talaga ang mga aral sa bawat sitwasyong isinasaayos ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagpapahintulot Niya sa akin na magkamit ng mga tunay na pakinabang at makakuha ng ilang aktuwal na kaalaman.

Sinundan:  37. Ayon Ba sa Katotohanan Ang Pananaw na “Dapat Kilalanin ang Pagsisikap, Kahit Hindi ang Merito, ng Isang Tao”?

Sumunod:  39. Hindi Madali ang Paglutas sa Pagiging Mapagmataas

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger