40. Pagdaranas ng Pagkatanggal

Ni Bingqi, Tsina

Noong 2022, inayos ng lider ng iglesia na magdilig ako ng ilang bagong mananampalataya na medyo mahusay ang kakayahan. Sa loob-loob ko ay natuwa ako rito, nadarama na sa mataas na pagtingin sa akin ng mga lider kaya pinili nila ako para sa tungkuling ito sa dami ng ibang mga tagadilig, nangangahulugan ito na ginagawa ko nang mabuti ang aking tungkulin. Pagkalipas ng dalawang buwan, may bagong sister na nagngangalang Chen Dan ang sumali sa aming pangkat. Medyo mahusay ang kakayahan niya, may abilidad siyang umarok, at mabilis ang kanyang naging pag-usad. Sa pagdidilig sa mga bagong mananampalataya, nagbabahagi siya ng katotohanan nang malinaw at puspusan, at mayroon din siyang abilidad na ipahayag nang mabuti ang kanyang sarili gamit ang salita, at nagbabahagi siya nang maliwanag at organisado. Agad akong nakaramdam ng krisis, iniisip na, “May mahusay na kakayahan si Chen Dan at napakabilis niyang umuusad. Kung magpapatuloy ito, hindi ba at malalampasan niya ako? Kung magawa niya, mangangahulugan ito na hindi ako kasinggaling niya, at anong dignidad na lang ang matitira sa akin kung ganoon?” Isinasaalang-alang ito, lihim kong napagpasyahan na magsikap na magsangkapan ng mga katotohanan sa aking sarili at mapagbuti ang abilidad kong magpahayag, determinadong hindi niya ako malampasan kahit ano ang mangyari. Gayumpaman, kahit gaano ko man subukan, napakaliit ng aking pag-usad. Sa paglutas sa mga problema, habang mas lalo kong ninanais na maayos na ipahayag ang aking sarili, mas lalo akong hindi maintindihan, ni hindi ko man lang magamit ang abilidad kong magpahayag na mayroon naman na ako. Ang makita si Chen Dan na makapagbahagi ng mga katotohanan para malutas ang mga problema ay labis na nagpapahina sa loob ko. Pagtagal-tagal, napili si Chen Dan na maging lider ng pangkat. Napuno ako ng inggit at pakiramdam ko, lubusang natapakan ang aking dangal. Ayaw ko sa kanya mula sa kaibuturan ng aking puso, nadarama na dahil sa presensiya niya kaya sobra akong napahiya. Pagkatapos noon, malungkot ako araw-araw, walang sigla sa aking tungkulin, at nagrereklamo pa sa Diyos na hindi ako nabigyan ng mahusay na kakayahan tulad ng sa kanya. Minsan, kapag may inayos na mga gampanin para sa akin si Chen Dan, hindi ako nakikipagtulungan at sinisimangutan ko siya. Nang tukuyin niya ang mga problema sa gawain ko ng pagdidilig, naging mapanglaban ako at nakapagbitaw ng masasakit na salita. Kalaunan, dalawa pang sister ang sumali sa aming pangkat. Nang makita ko silang humihingi ng tulong kay Chen Dan sa halip na sa akin, para akong sinampal sa mukha. Napakasama ng loob ko dahil dito, at isinisi ito sa pag-ungos niya sa akin, kaya lalong lumala ang pagkainggit ko sa kanya. Bilang lider ng pangkat, responsable si Chen Dan sa pag-aasikaso sa lahat ng magkakaibang mga gampanin. Nang matambakan siya ng gawain, humingi siya ng tulong sa akin upang linangin ang mga bagong mananampalataya. Naisip ko, “Kung maayos kong malilinang ang mga bagong mananampalataya, hindi ba at sa iyo mapupunta ang lahat ng pagkilala?” Kaya tumanggi ako at sinabi sa kanya na, “Ikaw ang lider ng pangkat, trabaho mo ang maglinang sa mga bagong mananampalataya.” Sa isang pagtitipon, ibinahagi ni Chen Dan na ang pagiging lider ng pangkat ay puno ng hamon at pinag-iisipan niyang magbitaw sa tungkuling ito. Nang marinig ko ito, sa halip na pagnilayan ko ang aking sarili, ikinatuwa ko pa ang mga paghihirap niya at sa loob ko ay kinutya ko siya, iniisip na, “Hindi ba dapat ay mas mahusay ka kaysa sa akin sa lahat ng bagay? Kaya ikaw dapat ang bahala sa lahat.” Ilang beses ko pa ngang inihain ang aking pagbibitiw. Sa huli, natanggal ako sa aking posisyon dahil nagdadala ng masamang impluwensiya sa pangkat ang pagkainggit ko sa mga abilidad ni Chen Dan.

Sa aking debosyonal, nabasa ko ang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang lantarang panunupil ng mga anticristo sa mga tao, pagbubukod sa mga tao, pambabatikos laban sa mga tao, at paglalantad sa mga problema ng mga tao ay pawang may pinupuntirya. Walang pag-aalinlangan, ginagamit nila ang mga kaparaanang tulad nito para puntiryahin ang mga naghahangad sa katotohanan at nakakakilatis sa kanila. Sa pagsira sa mga taong ito, nakakamit nila ang layon na patatagin ang sarili nilang posisyon. Ang pambabatikos at paghihiwalay sa mga tao nang ganito ay likas na mapaminsala. May kalupitan ang kanilang pananalita at paraan ng pagsasalita: paglalantad, pagkokondena, paninirang-puri, at panlalapastangan. Binabaluktot pa nila ang mga katunayan, nagsasabi ng mga positibong bagay na para bang negatibo ang mga iyon at ng negatibo na para bang positibo ang mga iyon. Ang pagbabaligtad ng itim at puti at paghahalo-halo ng tama at mali nang ganito ay isinasakatuparan ang layon ng mga anticristo na talunin ang mga tao at sirain ang reputasyon ng mga ito. Anong pag-iisip ang nag-uudyok sa pambabatikos at paghihiwalay na ito sa mga hindi sumasang-ayon? Kadalasan, nagmumula ito sa inggit. Sa isang malupit na disposisyon, ang inggit ay may kasamang matinding pagkamuhi; at dahil sa inggit nila, binabatikos at inihihiwalay ng mga anticristo ang mga tao. Sa sitwasyong katulad nito, kung ang mga anticristo ay malalantad, maiuulat, mawawalan ng katayuan, at lubos na mababatikos sa kanilang isipan; hindi sila magpapasakop ni matutuwa roon, at magiging mas madali pa nga na magkaroon sila ng determinasyong maghiganti. Ang paghihiganti ay isang uri ng pag-iisip, at isang uri din ito ng tiwaling disposisyon. Kapag nakikita ng mga anticristo na nakasisira sa kanila ang ginawa ng isang tao, na mas may kakayahan ang iba kaysa sa kanila, o na mas maganda o mas madunong ang mga pahayag at mungkahi ng isang tao kaysa sa kanila, at sumasang-ayon ang lahat sa mga pahayag at mungkahi ng taong iyon, nadarama ng mga anticristo na nanganganib ang kanilang posisyon, umuusbong ang inggit at pagkamuhi sa kanilang puso, at nambabatikos at naghihiganti sila. Kapag naghihiganti, karaniwan na ang mga anticristo ang unang umaatake sa kanilang pinupuntirya. Maagap sila sa pambabatikos at pagpapabagsak sa mga tao, hanggang sa magpasakop ang mga ito. Saka lamang nila madarama na nakapaglabas na sila ng galit. Ano ang iba pang mga pagpapamalas ng pambabatikos at paghihiwalay sa mga tao? (Paghamak sa iba.) Ang paghamak sa iba ay isa sa mga paraan ng pagpapamalas nito; gaano ka man kahusay sa paggawa ng iyong trabaho, hahamakin o kokondenahin ka pa rin ng mga anticristo, hanggang sa ikaw ay maging negatibo at mahina at hindi na makatayo. Pagkatapos ay matutuwa sila, at naisakatuparan na nila ang kanilang layon kung magkagayon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon). Inilantad ng Diyos na ang mga anticristo ay mayroong mga malupit na disposisyon, mainggiting mga puso at matinding pagnanais para sa katayuan. Sa oras na may isa sa paligid nila na tila mas magaling sa kanila at nagbabanta sa kanilang katayuan, lumalaki ang inggit ng mga anticristo at nakabubuo sila ng kaisipan ng paghihiganti. Upang mapanatili ang kanilang katayuan, maaari silang gumamit ng iba’t ibang taktika upang supilin at ibukod ang mga hindi sumasang-ayon. Naalala ko na noong kadarating pa lang ni Chen Dan, nang makita kong mayroon siyang mahusay na kakayahan at nahigitan niya ako sa lahat ng aspekto, at na ang mga bagong miyembro ng pangkat ay nahahatak sa kanya at mataas ang tingin sa kanya, masama ang loob ko, naniniwala na si Chen Dan ang dahilan ng pagkakapahiya ko, kaya ang inggit at sama ng loob na naipon ko laban sa kanya ay hindi napigilang sumabog. Kalaunan, nang may isinaayos na ilang gampanin si Chen Dan para sa akin, hindi ako nakipagtulungan, at sinimangutan ko siya, at kinausap ko siya sa pabalang na tono, na nakaapekto rin sa kalagayan niya. Minsan, kapag tinatalakay namin ang mga problema, alam ko naman na naaayon sa mga prinsipyo ang sinabi ni Chen Dan, pero sinasadya kong ipilit ang sarili kong mga pananaw at hindi binibitawan ang mga ito, at inuudyukan ko pa ang iba na kampihan ako laban sa kanya, na nagdudulot ng pagkaantala sa gawain. Alam kong maraming gawain at na si Chen Dan, dahil bago sa papel ng lider ng pangkat, ay tiyak na humarap sa maraming pagsubok, pero dahil sa inggit, sinasadya kong maging sagabal sa pamamagitan ng hindi paggawa ng aking mga tungkulin upang mapahirapan siya, gusto kong pabagsakin siya. Sa pagninilay ko sa mga asal na ito, napagtanto ko na para lang din akong isang anticristo, na may napakatinding pagnanais sa katayuan, at napagtanto ko na kapag may isang taong nagbanta sa aking posisyon, nakadarama ako ng inggit at pagkamapaghiganti at tuluyan kong ipinagsawalang-bahala ang gawain ng iglesia, at napagtanto ko na malupit at walang pagkatao ang disposisyon ko. Naalala ko na noong magsimula akong magsanay para sa tungkuling ito, espesyal na nagsaayos ang mga lider ng tao na gagabay at tutulong sa amin upang mabilis naming maintindihan ang mga prinsipyo at magampanan ang aming mga tungkulin nang mabuti. Itinaguyod at nilinang ako ng iglesia sa ganitong paraan, ngunit hindi ko sinunod ang tamang daan at hinangad ko ang kasikatan at pakinabang, sinusubukan ang bawat paraan upang ibukod ang mga hindi sang-ayon sa akin at guluhin ang gawain ng iglesia. Ang sama ko talaga!

Pagkatapos, may nabasa akong isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Kung sabihin ng isang tao na mahal niya ang katotohanan at hinahangad niya ang katotohanan, subalit sa diwa, ang layong hinahangad niya ay gawing tanyag ang sarili, magpakitang-gilas, gawing mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, makamit ang kanyang sariling mga interes, at ang pagganap ng kanyang tungkulin ay hindi upang magpasakop o bigyang-kaluguran ang Diyos, at sa halip ay upang magtamo ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, kung gayon ay hindi lehitimo ang kanyang paghahangad. At kung ganoon ang kaso, pagdating sa gawain ng iglesia, balakid ba ang kanyang mga kilos, o nakakatulong ba ang mga ito upang maisulong iyon? Malinaw na balakid ang mga ito; hindi napapasulong ng mga ito ang gawain ng iglesia. Ang ilang tao ay nagkukunwaring gumagawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagpapatakbo ng sarili nilang operasyon, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagawa ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa esensya, ay nakakagambala, nakakagulo, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng kasikatan, pakinabang, at katayuan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos nang normal at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang kanilang buhay pagpasok, pinipigilan silang pumasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay panggugulo, pamiminsala, at pagbuwag. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba ito masasabing pagtahak sa landas ng isang anticristo? Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang hinahangad ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng maraming tao ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na tutuparin ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, nang wala ni katiting na eksepsyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa pagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang kalikasan ng paghahangad ng mga tao sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Ang mali sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga mithiin ni Satanas, at ang mga ito ay masasama at mga hindi makatarungang layon. Kapag hinahangad ng mga tao ang mga personal na interes gaya ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi nila namamalayang nagiging kasangkapan na pala sila ni Satanas, nagagamit na sila ni Satanas, at, higit pa rito, nagiging kinatawan sila ni Satanas. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa iglesia; sa gawain ng iglesia, at sa normal na buhay iglesia at normal na paghahangad ng mga taong hinirang ng Diyos, ang epekto nila ay mang-abala at maminsala; mayroon silang masama at negatibong epekto(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Iniisip ko dati na ang paghahangad ng reputasyon at katayuan ay ang pagkabigo lang ng isang tao na hangarin ang katotohanan, at na magdudulot lang ito ng mga kawalan sa buhay ng isang tao nang hindi nakaaapekto sa iba. Noon pa man ay itinuring ko ito na maliit na pagbubunyag ng katiwalian, iniisip na lahat ay mayroong ganitong uri ng katiwalian at na hindi ito mababago sa isang kisapmata; kailangan itong gawin nang paunti-unti. Hindi ko naintindihan kung bakit poot na poot ang Diyos sa paghahangad sa reputasyon at katayuan. Pagkatapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang paghahangad ng reputasyon at katayuan ay hindi lang nakasisira sa buhay ng isang tao kundi nakagugulo rin ito sa gawain ng iglesia. Si Chen Dan ang lider ng pangkat, at dapat sana ay sinuportahan at tinulungan ko siya sa kanyang gawain. Subalit, bunga ng inggit, sinadya kong hindi tumulong sa mga isinaayos niyang gawain at pinahirapan ko siya, na nakaapekto sa gawain ng pagdidilig. Kapag tinatalakay ang mga problema, kahit pa alam ko na tama ang pagbabahagi niya, natakot ako na magmumukha akong mas mababa sa kanya at mawawalan ako ng kahihiyan sa pakikinig sa kanya. Kaya naman, matigas kong pinanghawakan ang sarili kong mga pananaw, na nagresulta sa pagkaantala ng gawain. Sinadya ko pa ngang maging sagabal, magprotesta, at tumangging makipagtulungan kahit sa mga bagay na kaya kong gawin, ipinapasa ang gawain kay Chen Dan upang gipitin siya. Sa panlabas, tila nakikipagkompetensiya ako sa iba para sa kasikatan at pakinabang, pero ang totoo, nilalabanan ko ang Diyos. Tinutugunan ko ang aking banidad kapalit ng pagkaantala ng gawain sa iglesia. Ngayon ko lang naintindihan na maraming anticristo ang napatalsik hindi dahil hinangad nila ang reputasyon at katayuan o dahil may mga tiwaling disposisyon sila, kundi nang dahil sa paghahangad ng kasikatan at katayuan, ginagawa nila ang lahat upang supilin ang iba at pahirapan ang iba, ginugulo ang gawain ng sambahayan ng Diyos at gumagawa ng masasamang gawain. Sa kalikasan nito, ang mga kilos ko ay katulad ng sa mga anticristo. Kung hindi ako nagsisi, sa huli ay mapatatalsik ako sa iglesia dahil sa maraming masamang gawa ko. Sa pagninilay ko rito ay natakot ako. Nang oras na iyon, bahagya akong nasiraan ng loob, iniisip kung may pag-asa pa ako upang maligtas pagkatapos ng maraming kasamaang nagawa ko, at kung ginagamit ba ng Diyos ang sitwasyong ito upang ibunyag at itiwalag ako.

Kalaunan, may nabasa akong sipi ng mga salita ng Diyos: “Ngayon ay hindi lamang ninyo nagagawang makita ang Diyos, kundi ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, natanggap ninyo itong napakalalim na pagliligtas, ibig sabihin, natanggap ninyo ang pinakadakilang pagmamahal ng Diyos. Sa lahat ng Kanyang ginagawa, totoong mapagmahal ang Diyos sa inyo. Wala Siyang masamang layon. Dahil sa inyong mga kasalanan kaya Niya kayo hinahatulan, upang pagnilayan ninyo ang inyong sarili at tanggapin ang napakalaking pagliligtas na ito. Lahat ng ito ay ginagawa para gawing ganap ang tao. Mula simula hanggang wakas, ginagawa na ng Diyos ang Kanyang buong makakaya upang iligtas ang tao, at wala Siyang hangaring ganap na wasakin sa Kanyang sariling mga kamay ang mga taong Kanyang nilikha. Ngayon, naparito Siya sa inyo upang gumawa; hindi ba ito mas maituturing na pagliligtas? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawa pa ba Siya ng gayon kalaking gawain upang personal kayong gabayan? Bakit Niya kailangang magdusa nang gayon? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o wala Siyang anumang masamang layon sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatotoo. Dahil lamang sa mapaghimagsik ang mga tao kaya Niya sila kailangang iligtas sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi dahil dito, imposible silang mailigtas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (4)). Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig at napagtanto ko kung gaano ako naging hindi makatwiran. Ang pagkakatanggal ko ngayong araw ay dahil naghangad ako ng kasikatan at pakinabang, at dahil hindi ako lumakad sa tamang daan, kundi gumawa ako ng masama at ginulo ko ang gawain ng iglesia. Anupa’t dapat kong tanggapin ang pagdidisiplina at pagtutuwid, sa halip na unawain ko nang mali ang layunin ng Diyos. Pinagnilayan ko rin kung bakit ako nakagawa ng gayong masasamang gawa. Maliban sa pagkakaroon ng matinding pagnanasa sa reputasyon at katayuan, walang-wala ako ng puso na may-takot-sa-Diyos. Sa tuwing may nangyayari na nagbabanta sa aking reputasyon at katayuan, nakasanayan kong kumilos nang pabalang, gumawa ng masama at lumaban sa Diyos. May nabasa rin akong isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kaya kung mayroong isang taong may takot sa Diyos na puso, paano siya kikilos? (Hindi siya kikilos nang walang ingat o sutil.) Ang dalawang salitang ito ay medyo angkop. Kaya paano mo isasagawa ang hindi pagkilos nang walang ingat at sutil? (Dapat tayong magkaroon ng pusong naghahanap.) Kapag nahaharap sa isang problema, totoong naghahanap ng sagot ang ilang tao mula sa iba, pero kapag nagsasalita ang ibang tao ayon sa katotohanan, hindi nila iyon tinatanggap, hindi sila makasunod, at sa puso nila, iniisip nilang, ‘Hindi hamak na mas magaling ako kaysa sa kanya. Kung makikinig ako sa mungkahi niya sa pagkakataong ito, hindi ba magmumukhang mas magaling siya sa akin? Hindi, hindi ako maaaring makinig sa kanya tungkol sa bagay na ito. Gagawin ko na lang ito sa aking paraan.’ Pagkatapos ay nakakahanap sila ng dahilan at palusot para kontrahin ang pananaw ng ibang tao. Anong uri ng disposisyon ito kapag may nakita ang isang tao na mas mahusay kaysa sa kanya at sinusubukan niya itong pabagsakin, nagkakalat ng mga tsismis tungkol dito, o gumagamit ng mga kasuklam-suklam na paraan para siraan ito at isabotahe ang reputasyon nito—inaapakan pa maging ang pagkatao nito—para maprotektahan niya ang sarili niyang puwang sa isip ng mga tao? Hindi lang ito kayabangan at kapalaluan, ito ay disposisyon ni Satanas, ito ay isang mapaminsalang disposisyon. Mapanira at buktot na nagagawa ng taong ito na batikusin at ihiwalay ang mga taong mas mahusay at mas malakas kaysa sa kanya. At ipinapakita ng hindi niya pagtigil hanggang sa mapabagsak ang mga tao kung gaano siya kademonyo! Dahil namumuhay siya ayon sa disposisyon ni Satanas, malamang na maliitin niya ang mga tao, subukang isangkalan sila, at pahirapan sila. Hindi ba ito paggawa ng masama? At habang namumuhay nang ganito, iniisip pa rin niyang maayos ang lagay niya, na mabuti siyang tao—subalit kapag may nakita siya na taong mas magaling kaysa sa kanya, malamang na pahirapan niya ito, na tapak-tapakan niya ito. Ano ang isyu rito? Hindi ba’t ang mga taong kayang gumawa ng ganoong masasamang gawa ay mga imoral at matitigas ang ulo? Ang mga gayong tao ay iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, isinasaalang-alang lamang nila ang sarili nilang damdamin, at ang tanging nais nila ay matupad ang sarili nilang mga pagnanais, ambisyon, at pakay. Wala silang pakialam kung gaano kalaking pinsala ang idinudulot nila sa gawain ng iglesia, at mas gugustuhin nilang isakripisyo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos para maprotektahan ang kanilang katayuan sa isipan ng mga tao at ang sarili nilang reputasyon. Hindi ba’t ang mga taong gaya nito ay mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, mga makasarili at ubod ng sama? Ang gayong mga tao ay hindi lamang mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, labis din silang makasarili at ubod ng sama. Hinding-hindi sila mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Mayroon bang may-takot-sa-Diyos na puso ang gayong mga tao? Wala man lang silang may-takot-sa-Diyos na puso. Ito ang dahilan kung bakit wala silang pakundangan kung kumilos at ginagawa nila ang anumang gusto nila, nang walang nadaramang anumang pagsisisi, walang anumang pangamba, walang anumang pagkabalisa o pag-aalala, at hindi iniisip ang mga ibubunga nito. Ito ang madalas nilang ginagawa, at kung paano sila palaging kumikilos. Ano ang kalikasan ng ganoong pag-uugali? Sa mas magaang na salita, ang mga gayong tao ay napakamainggitin at may napakalakas na paghahangad para sa pansariling reputasyon at katayuan; sila ay napakamapanlinlang at mapanira. Sa mas masakit na pananalita, ang diwa ng problema ay ang gayong mga tao ay wala man lang may-takot-sa-Diyos na puso. Hindi sila natatakot sa Diyos, naniniwala sila na sila ang pinakamahalaga, at itinuturing nila ang bawat aspekto ng kanilang sarili bilang mas mataas kaysa sa Diyos at mas mataas kaysa sa katotohanan. Sa kanilang puso, ang Diyos ay hindi karapat-dapat banggitin at hindi mahalaga, at wala man lang anumang katayuan ang Diyos sa kanilang puso. Maisasagawa ba ang katotohanan ng mga walang puwang ang Diyos sa puso nila, at ng mga walang may-takot-sa-Diyos na puso? Hinding-hindi. Kaya, kapag karaniwan ay masaya silang kumikilos at pinananatiling abala ang kanilang sarili at gumugugol ng matinding lakas, ano ang ginagawa nila? Sinasabi pa ng mga taong ito na tinalikuran na nila ang lahat upang gumugol para sa Diyos at nagdusa na sila nang malaki, ngunit ang totoo, ang motibo, prinsipyo, at layon ng lahat ng kilos nila ay para sa sarili nilang katayuan at prestihiyo, para maprotektahan ang lahat ng interes nila. Masasabi ba ninyo o hindi ninyo masasabing masama ang ganitong uri ng tao? Anong uri ng mga tao ang naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit wala namang may-takot-sa-Diyos na puso? Hindi ba’t mapagmataas sila? Hindi ba’t mga Satanas sila? At anong mga bagay ang pinakawalang may-takot-sa-Diyos na puso? Bukod sa mga halimaw, ito ay ang masama at ang mga anticristo, ang kauri ng mga diyablo at ni Satanas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan Para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos). Sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, nasaktan ako nang husto sa aking puso at nakita ko na ako mismo ang uri ng tao na inilantad Niya, ang uri ng tao na walang puso na may-takot-sa-Diyos. Sinabi ng Diyos na tanging mga hayop, masasamang tao, mga anticristo, mga demonyo at si Satanas ang talagang walang puso na may-takot-sa-Diyos, at ramdam ko ang pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos sa ganitong mga tao. Sa pag-iisip ko rito, kahit naniniwala ako sa Diyos, walang lugar para sa Kanya sa aking puso; lagi kong inuuna ang sarili kong reputasyon at katayuan, maging hanggang sa pagsupil at pagbubukod sa iba sa anumang paraan. Nang makita ko na may mas mahusay na kakayahan si Chen Dan kaysa sa akin, nainggit ako at ikinumpara ko ang sarili ko sa kanya sa lahat ng bagay. Pagkatapos maging lider ng pangkat ni Chen Dan, pakiramdam ko ay nakasisira sa dangal ko ang pagsasaayos niya ng gampanin para sa akin dahil mas matagal kong ginagawa ang gawain ng pagdidilig kaysa sa kanya. Kaya, sinadya kong tumangging makipagtulungan sa kanya at pinahirapan ko siya. Kahit sa mga talakayan, lagi kong pinangangalagaan ang kahihiyan ko sa pamamagitan ng pagtanggi sa naaangkop niyang mga suhestiyon, dahil sa takot na sa pakikinig sa kanya ay magmukha akong mas mababa. Sa huli, nang makita kong nahigitan niya ako sa lahat ng aspekto at hindi ko na siya mahihigitan pa, pakiramdam ko ay wala nang posibilidad na mapansin ako sa pangkat, kaya sadya na akong naging mapansagabal at tumanggi akong gawin ang aking tungkulin. Ibinunyag nito na wala akong takot sa Diyos sa aking puso at wala akong pagkatao. Kung nagkaroon man lang sana ako ng kahit katiting na takot sa Diyos sa aking puso, hindi sana ako nakagawa ng gayon kasamang gawain, o nangahas na ibunton ang mga sama ng loob ko sa gawain ng iglesia. Hindi lang ako nabigong gawin nang taos-puso ang mga tungkulin ko, kundi naabala ko rin ang iba sa paggawa ng kanilang mga tungkulin at nagulo ko ang gawain ng iglesia. Paano nito hindi mapupukaw ang pagkasuklam ng Diyos? Ang pagkakatanggal na ito ay resulta ng matuwid na disposisyon ng Diyos na dumating sa akin—ako ang may gusto nito. Nakaramdam ako ng matinding panghihinayang at pagsisisi sa sarili, at tahimik akong nanalangin sa Diyos, nagkumpisal, at nagsisi.

Kasunod ay sinubukan kong tuklasin kung paano ko malulutas ang aking problema sa pagiging mainggitin sa mga taong may talento at mahusay, at kung paano ko haharapin ang ambisyon ko sa paghahangad ng reputasyon at katayuan. Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang mga kaloob at kakayahan na taglay ng tao nang ipanganak sila ay ibinigay ng Diyos. Matagal nang paunang itinalaga ng Diyos ang mga ito. Kung ginawa kang hangal ng Diyos, kung gayon ay may katuturan sa iyong kahangalan; kung ginawa ka Niyang matalino, kung gayon ay may katuturan sa iyong katalinuhan. Anumang talento ang ibinibigay ng Diyos sa iyo, anuman ang iyong mga kalakasan, gaano man kataas ang iyong IQ, lahat ng ito ay may layon para sa Diyos. Ang lahat ng bagay na ito ay pauna nang itinalaga ng Diyos. Ang papel na ginagampanan mo sa iyong buhay at ang tungkuling ginagawa mo ay matagal na panahon nang paunang itinalaga ng Diyos. Nakikita ng ilang tao na ang iba ay nagtataglay ng mga kalakasan na wala sa kanila at hindi sila nasisiyahan. Gusto nilang baguhin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng ibayong pag-aaral, ibayong pagtuklas, at pagiging mas masikap. Ngunit may limitasyon ang maaaring matamo ng kanilang sigasig, at hindi nila mahihigitan ang mga may kaloob at kadalubhasaan. Gaano ka man lumaban, wala itong saysay. Inorden ng Diyos kung magiging ano ka, at walang magagawa ang sinuman para baguhin ito. Saan ka man magaling, doon ka dapat magsumikap. Anuman ang tungkuling nababagay sa iyo ay ang tungkulin na dapat mong gampanan. Huwag mong subukang ipilit ang iyong sarili sa mga larangang hindi saklaw ng iyong mga kasanayan at huwag mainggit sa iba. May kanya-kanyang tungkulin ang bawat tao. Huwag mong isiping magagawa mo ang lahat nang mabuti, o na mas perpekto ka o mas mahusay kaysa sa iba, na palaging gustong palitan ang iba at ibida ang sarili. Isa itong tiwaling disposisyon. … Kapag may ganoon kang disposisyon, palagi mong sinisikap na pigilan ang iba, palagi mong sinusubukang maungusan ang iba, palagi mong minamanipula ang iba, palaging sinusubukang may makuha sa mga tao. Labis kang naiinggit, wala kang sinusunod, at palagi mong sinusubukan na mamukod-tangi sa lahat. Magiging problema ito; ganito kumilos si Satanas. Kung talagang nais mong maging isang katanggap-tanggap na nilikha ng Diyos, huwag mo nang hangarin ang iyong sariling mga pangarap. Masama ang subukang maging higit pa at mas mahusay kaysa sa kung ano ka para makamit ang iyong mga pakay. Dapat kang matutong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at dapat kang tumindig sa posisyon na dapat okupahin ng tao; ito lamang ang pagpapakita ng katwiran(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naantig ang puso ko. Napagtanto ko na sa tuwing may nakakaharap akong mga tao na may mahusay na kakayahan, mahilig akong mainggit at ikumpara ang sarili ko sa kanila, hindi mapigilang hangarin ang reputasyon at katayuan. Nag-ugat ang pag-uugaling ito sa sarili kong mapagmataas na disposisyon, gustong mahigitan ang iba sa lahat ng bagay. Gayumpaman, ang mga kaloob at kakayahang mayroon ako ay itinalaga ng Diyos, at may magandang layunin ang Diyos dito. Ang mapagmataas kong disposisyon ang dahilan kaya lagi akong naghahangad ng reputasyon at katayuan, at kung tunay na mayroon akong mahusay na kakayahan, sino’ng nakaaalam kung gaano ako magiging mapagmataas? Maaaring mapatalsik ako sa iglesia dahil sa masasamang nagawa ko at sa pagsunod sa daan ng anticristo. Ang itinadhana ng Diyos na pangkaraniwang kakayahan ko ay isang paraan ng proteksyon sa akin. Idagdag pa, hindi hinihingi ng Diyos sa atin na maging superhero tayo o dakilang mga tao at maging mas mataas sa iba sa lahat ng bagay. Ang pinahahalagahan ng Diyos ay iyong tayo, ayon sa ating mga tayog at kakayahan, ay lubos na magamit ang ating mga kayang gawin, tumutuon sa maayos na pagtupad sa ating mga tungkulin nang may tapat na puso. May mas mahusay na kakayahan si Chen Dan, at tungkulin niyang tumulong pangunahan ang kabuuang gawain bilang lider ng pangkat. Dapat sana ay sinuportahan ko at nakipagtulungan ako sa kanya, natuto sa kanyang mga kalakasan at gumawa nang nakikiisa sa kanya, upang natupad ko nang mas maayos ang aking mga tungkulin. Mahusay man o hindi ang aming kakayahan, ang layunin ng lahat ay ang magampanan nang mabuti ang aming tungkulin, at iyon ang pinakamahalagang bagay. Ang palagi kong pagkukumpara at pakikipagkumpetensiya sa iba, sa totoo lang ay panlalaban sa Diyos at hindi pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos, at dinala lang ako nito upang masadlak sa mga pagpapahirap ni Satanas. Sa pagninilay ko sa kung paanong hindi ko pinahalagahan ang pagkakataon na gawin ang mga tungkulin ko, at sa halip, tumuon ako sa pakikipag-away at pakikipagkumpetensiya sa iba, may panghihinayang akong naramdaman.

Pagkalipas ng ilang buwan, isinaayos ng mga lider na gumawa ako kasama si Chen Dan at ng iba pa. Noong una, medyo nag-alala ako, natatakot na baka maglantad akong muli ng mga tiwaling disposisyon. Gayumpaman, alam ko ring isinaayos ng Diyos ang sitwasyong ito at isang pagkakataon ito para sa akin upang magsisi; hindi ko gustong biguin ang Diyos, kaya kailangan ko itong harapin. Sinadya kong magdasal pa sa Diyos, humihingi ng proteksyon upang makapamuhay ako sa Kanyang presensya, at palagi kong pinaaalalahanan ang aking sarili na huwag maghangad ng kasikatan at pakinabang, o ikumpara ang sarili ko sa iba. Naalala ko minsan na napansin ko ang isang sister na malaki ang pag-usad, at nawalan agad ako ng kumpiyansa at nabalisa ako, natatakot na mahigitan ako ng sister at ako ang maging pinakamahina ang kakayahan sa pangkat at mawalan ng kahihiyan. Agad kong napagtanto na ikinukumpara ko na naman ang aking sarili sa iba at sadya akong nagdasal sa Diyos sa puso ko. Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nabasa ko dati: “Kung talagang nais mong gawin nang maayos ang iyong tungkulin, kailangan mo munang makita ang tamang lugar para sa iyo, at gawin pagkaraan ang iyong makakaya nang buong puso, nang buong pag-iisip, nang buong lakas, at gawin ang lahat ng makakaya mo. Ito ay pasok sa pamantayan, at ang gayong pagganap sa tungkulin ay may antas ng kadalisayan. Ito ang dapat gawin ng isang tunay na nilikha. Una, dapat mong maunawaan kung ano ang tunay na nilikha: Ang isang nomal na nilikha ay hindi isang mahigit pa sa tao, kundi isang tao na namumuhay sa lupa nang praktikal; hindi talaga siya ekstraordinaryo at katangi-tangi, sa halip ay katulad lamang ng ordinaryong tao. Kung palagi mong ninanais na mahigitan ang iba, mailuklok nang mataas sa iba, ikaw ay pinamumunuan ng mayabang na disposisyon ni Satanas, at ito ay kahibangan na dinulot ng ambisyon mo. Ang totoo ay hindi mo ito matatamo, at imposible para sa iyo na magawa ito. Hindi ka binigyan ng Diyos ng gayong talento o kasanayan, at hindi ka rin Niya binigyan ng gayong diwa. Huwag mong kalimutan na ikaw ay isang karaniwang kasapi ng sangkatauhan, hindi naiiba sa iba sa anumang paraan; sadya lang na maaaring naiiba ang iyong anyo, pamilya, at pinagmulang pamilya, at maaaring may mga pagkakaiba sa iyong mga kalakasan at kaloob. Ngunit huwag mong kalimutan ito: Gaano ka man natatangi, ito ay nasa ganitong maliliit na bagay lamang, at ang iyong tiwaling disposisyon ay katulad ng sa iba. Ang saloobin na dapat mayroon ka at ang mga prinsipyo na dapat mong panghawakan sa pagtupad ng iyong tungkulin ay katulad ng taglay ng iba. Tanging sa kanilang mga kalakasan at kaloob nagkakaiba ang mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na isa akong ordinaryong nilikha, isang normal na tao. Normal na may mga bagay akong hindi alam o larangan kung saan hindi ako kasinggaling ng iba. Hindi naman dahil sa nauna akong magsagawa ng pagdidilig sa mga bagong mananampalataya, ibig sabihin ay dapat na mas mahusay na ako sa iba sa lahat ng aspekto. Ang pag-iisip sa ganitong paraan ay mapagmataas at hindi makatwiran. Hinihingi ng Diyos na maging normal na tao ako, na gawin ko ang makakaya ko nang may pag-iingat, at magamit ko nang lubos ang mga kakayahan ko ayon sa aking tayog at kakayahan. Bukod dito, binigyan ng Diyos ang bawat isa ng magkakaibang kakayahan at kalakasan. Sa paggawa ng magkakasama, mapupunan natin ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa, makapagtutulungan nang maayos, na kapaki-pakinabang sa tungkulin. Kung may mga kakayahan ang sister na wala ako, dapat akong matuto mula sa kanya, at maging ito ay paraan ng Diyos na mapunan ang mga kakulangan ko. Nagdulot sa akin ng maginhawang pakiramdam ang pagkakatanto sa layunin ng Diyos, at unti-unti akong mas nakatuon sa aking mga tungkulin. Nang makaharap kong muli si Chen Dan, nagawa ko nang suportahan ang gawain niya at nakipagtulungan ako nang maayos sa kanya. Kung nahaharap ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan, handa akong isantabi ang aking dangal at humingi ng payo mula sa kanya. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, naging magaan at maginhawa ang pakiramdam ko, at nagkaroon din ako ng kaunting pag-usad sa paggampan ko sa aking mga tungkulin. Nagpapasalamat ako sa Diyos para dito!

Sinundan:  39. Hindi Madali ang Paglutas sa Pagiging Mapagmataas

Sumunod:  41. Naging Hudas ang Pamunuan Pagkatapos Maaresto

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger