6. Sinubok ng Dobleng Suliranin

Ni Zhong Zhen, Tsina

Sabado, Oktubre 15, 2022, Maaraw, Nagiging Maulap

Hindi pa katagalan, naharap ang Iglesia ng Huaxi sa isang malakihang pagsupil, at itinalaga ng mga lider na pumunta ako at tumulong sa pag-aayos sa epekto nito. Ngayon, pagdating ko sa Iglesia ng Huaxi, dinala ako ni Wang Ying sa tutuluyan kong bahay at sinabi niya sa akin, “Maraming kapatid natin, mga lider at manggagawa ang naaresto noong Setyembre 26. Hindi na ligtas ang karamihan sa mga tahanan namin; ang mga pulis ay may mga pangalan at litrato naming mga hindi naaresto, kaya mahirap para sa amin na magpakita para sa gawain.” Namigat ang puso ko pagkarinig ko sa mga salitang ito. Naisip ko, “Nagplano na akong umuwi pagkatapos na pagkatapos ng gawain ko rito. Pero ngayon nakikita kong mas malala pa ang mga bagay-bagay kaysa sa inakala ko. Napakarami sa aming mga kapatid, lider at manggagawa ang naaresto; napakaraming libro ng mga salita ng Diyos ang kailangang ilipat. Hindi magiging madaling humanap ng ligtas na lugar ngayon, at bukod pa roon, kailangan kong talakayin sa mga nanganganib ang kaligtasan ang tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain. Hindi ko kailanman malalaman kung kailan ako mamatyagan at pagkatapos ay maaaresto. Agresibong nanghuhuli ngayon ng mga mananampalataya ang mga pulis. Sa takbo ng mga nangyayari, mauusig ako hanggang kamatayan kung maaaresto ako. Kung pahihirapan ako ng mga pulis hanggang sa mamatay, hindi ba’t maiwawala ko ang pagkakataong gawin ang aking tungkulin? Paano na ako maliligtas kung ganoon?” Pero naisip ko na ang kapaligirang ito at lumitaw sa ilalim m ng kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Sa gabay ng katwiran, nagpasakop ako sa mga sitwasyon at kaagad na nagsimulang tingnan ang sitwasyon ng mga libro ng mga salita ng Diyos.

Pagkaalis ni Wang Ying, sinabi ng sister na nagpapatuloy sa akin na hindi pa nailipat ang mga librong nasa bahay niya ni ang mga librong nasa bahay ng isang kapatid, at naaresto na ang kapatid na iyon. Nang marinig ko ito, nanikip ang dibdib ko: Mahigit 20 araw na ang nakakalipas mula noong naaresto ang ating mga kapatid, at ang mga librong ito ng mga salita ng Diyos ay naroon pa rin sa mga hindi ligtas na lugar. Kung mapupunta ang mga iyon sa mga kamay ng mga pulis, magiging napakalaki ng kawalan. Dapat protektahan ang mga libro sa anumang paraan. Pero nang maisip ko na ako mismo ang maglilipat ng mga libro, nabalisa ako. Naalala ko ang isang sister na nahuli habang naglilipat ng mga libro at ginulpi siya ng mga pulis hanggang mamatay. Paano kung mahuli ako habang inililipat ang mga libro? Hindi ako pakakawalan kailanman ng mga pulis, at malamang na hahatulan ako ng isang mabigat na sentensiya. Baka bugbugin pa nga ako hanggang mamatay. Hindi ba’t iyon na ang katapusan ng buhay ko bilang isang mananampalataya sa Diyos? Naguguluhan ako sa pagitan ng sariling kinabukasan ko at ng mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bumuhos sa aking puso ang pasakit at salungatan. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, mapupuno ako ng pagsisisi kung tatayo lang ako at walang gagawin habang nananatiling nanganganib ang mga libro ng mga salita ng Diyos. Kaya sinimulan ko kaagad na talakayin sa sister ang tungkol sa isang lugar na paglalagyan ng mga libro. Pero mapanganib ang kapaligiran dito at wala kaming maisip na isang lugar na magiging angkop. Dahil nakikita kong hindi sumusulong ang gawain, para bang tone-toneladang pasanin ang nagpapabigat sa puso ko.

Lunes, Oktubre 17, 2022, Maulap

Tinalakay namin ang gawain hanggang gabing-gabi kahapon, kaya nanatili ako magdamag sa bahay ni Sister Song Yi. Nitong hapon, dumating si Wang Ying, balisang sinasabi sa akin na, “Nagkaroon ng outbreak at naka-lock down ang lungsod kagabi. Hindi ka puwedeng bumalik.” Nang mabalitaan ko ito, nabalisa ako. Mahirap na ngang ayusin ang epekto ng pagsupil; dumating pa ngayon ang salot at naka-lock down ang lungsod. Paano na matatapos ang gawaing ito ngayong nahaharap kami sa gayong dobleng suliranin? Masidhi ang salot na ito; sa labas, may mga nagpapatrolya kahit saan. Ang lahat ng checkpoint ay mahigpit na kontrolado. Kahit na makakita ako ng ligtas na lugar para sa mga libro, hindi ko magagawang panatilihing ligtas ang mga iyon kung mahuhuli ako ng mga nagpapatrolyang pulis habang inililipat ang mga iyon. Magiging mas malaking kawalan pa iyon. Pero hindi ko rin puwedeng basta iwan na lang ang mga libro sa mga hindi ligtas na lugar. Ano ang dapat kong gawin? Ang tanging pag-asa ko ay ang alisin na kaagad ang lockdown at mailipat ko ang mga libro sa lalong madaling panahon.

Huwebes, Nobyembre 10, 2022, Makulimlim na may ulan

Sa umagang ito, balisa akong dumungaw sa bintana. Sa lansangan sa ibaba, may mahabang pila ng mga tao na nagpapa-PCR test. Nakita ko na talagang walang palatandaan na aalisin na ang lockdown. Sa pagkabalisa ko, inudyukan ko ang sister na nag-host sa akin na tingnan kung may iba pang paraan para makalabas. Walang magawa, sinabi niya sa akin, “Lumalala ang salot. Hindi pinapayagan ang sinuman na umalis sa lugar; nakasara ang lahat.” Mas lalo akong nabalisa nang marinig ko ito, iniisip ko, “Paano ko matatapos ang gawaing ito kung ganap na naka-lock down ang lungsod? Kung magpapatuloy ang lockdown, paano ko maililipat ang mga libro ng mga salita ng Diyos? Kailan ba talaga matatapos ang lockdown? Mahigit 20 araw na akong naririto, at ang sister na nagho-host sa akin ay tinutugis din ng mga pulis. Nanganganib akong maaresto anumang oras. Ang lungsod ay isa ring high-risk na lugar para sa salot, kaya kahit tanggalin pa ang lockdown, mahahawa ako nang husto at maka-quarantine kapag lumabas ako. At paano kung mahawa at mamatay ako rito?” Kapag iniisip ko ang tungkol dito pinapahina nito ang puso ko. Naisip ko, “Wala na akong ligtas na matutuluyan ngayon. Napakadelikado nito! Kailangan ko nang tapusin ang gawain ko rito at umuwi na sa lalong madaling panahon para hindi ko na kailanganing magtago sa iba’t ibang lugar at mamuhay sa gayong mapaniil na kalagayan. Pero ngayon ay matindi ang salot; wala nang biyahe ang mga bus at tren, kaya paano ako makakabalik?” Nag-isip ako nang nag-isip ng mga paraan para makabalik nang ligtas. Habang mas lalo akong nag-iisip, lalo akong nagiging malayo sa Diyos. Naguluhan at nabahala ako. Nasa matinding paghihirap ako.

Sa gabing ito, nagkasakit ako. Sumasakit ang ulo ko at nananakit ang buong katawan ko sa panghihina. Hindi ako makalakad nang maayos at nanghihina ang katawan ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa, hindi ko ito maiangat. Pakiramdam ko ay parang nararanasan ko ang mga sintomas ng salot. Litong-lito ako tungkol sa lahat ng ito. Paano ako biglang nagkasakit samantalang ayos na ayos ako kanina? Anong aral ang dapat kong matutuhan? Ano ang layunin ng Diyos sa sitwasyong ito?

Biyernes, Nobyembre 11, 2022, Maaraw

Habang ginagawa ko ang aking debosyonal ngayong umaga, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos na nagsasabing: “Sa mainland China, naranasan na ng hinirang na mga tao ng Diyos ang panunupil at mga pang-aaresto ng malaking pulang dragon, at nakaranas na rin sila ng ilang tukso. Gaano karaming beses man silang naging mahina at nabigo, ang lahat ng kayang maghangad sa katotohanan ay unti-unting lumago sa tayog at nagkaroon ng buhay pagpasok. Kung makaharap nilang muli ang mga kapaligiran at tuksong naranasan nila noon, magkakaroon sila ng kaunting pananalig. Kung isang araw ay dalhin sila ng karanasan nila sa puntong hindi na sila takot sa kamatayan, at kaya na nilang malinaw na makita na ang buhay at kamatayan ng mga tao ay nasa mga kamay nga ng Diyos at pinamamatnugutan at isinasaayos ng Diyos, hindi ba’t ibig sabihin niyon na mas lumakas na ang pananalig nila? Tulad lang ng sa kapanahunan ng Lumang Tipan—bakit hindi sinakmal ng mga leon si Daniel nang itinapon siya sa lungga ng mga leon? Dahil may pananalig siya na hindi pinahintulutan ng Diyos ang mga leon na sakmalin siya. Kung gayon, ano ang iniisip ni Daniel sa puso niya? Hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos. Sa puso niya, sinabi niya: ‘Itinapon ako ng Diyos sa lungga ng mga leon. Ako at ang mga leon ay kapwa mga nilikha. Kung pahihintulutan ng Diyos ang mga ito na kainin ako, oras na para mamatay ako. Kung hindi ito pahihintulutan ng Diyos, hindi ako kakainin ng mga leon. Pinatutunayan nito na dapat pa rin akong mamuhay sa mga kamay ng Diyos, at na hindi pa tapos ang buhay ko at hindi pa ako dapat na mamatay. Itinatakda ito ng Lumikha.’ Nang maharap si Daniel sa usaping ito, una, hindi niya itinatwa ang pangalan ng Diyos; pangalawa, wala siyang paghihinala sa ginawa ng Diyos, hindi niya ito hinusgahan o kinondena, o hindi siya naghimagsik laban sa Diyos, at nagawa niyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya natalo at napahiya si Satanas. Kaya, ano ang mga kilos at pagpapamalas ni Daniel? Mga patotoo ang mga ito. Kapag may gayon kang tayog ay saka ka lang mahaharap sa mga gayong pagsubok. Ipagpalagay nang kahit ilagay ka ng Diyos sa lungga ng mga leon, hindi ka takot, at hindi nangangahas ang mga leon na kainin ka, pinatutunayan nito na mayroon kang tunay na pananalig at na tumahak ka na sa landas ng pagpeperpekto. Ganito mismo ang paglago sa buhay. Isang pagsubok din ang pagkakatapon sa lungga ng mga leon, tulad lang ng pagkakaalis sa napakalaking kayamanan ni Job. Ano ang pagpapamalas ni Job? (Pagpapasakop.) Bakit nagawa niyang magpasakop? Ito ay dahil walang mga pagdududa si Job tungkol sa ginawa ng Diyos. Nagkaloob o nag-alis man ang Diyos ng mga gantimpala, ayos lang ito para kay Job. Kahit na ibigay ng Diyos ang isang araw at kunin ang susunod, magpapasakop pa rin si Job. Paano man kumilos ang Diyos, ayos lang ito para kay Job; kaya niyang hayaan ang Diyos na mamatnugot ayon sa gusto ng Diyos at magpasakop sa Diyos. Kaayon siya ng Diyos. Paano man kumilos ang Diyos, kahit na paglaruan siya ng Diyos, kaya pa rin niyang magpasakop. … Ang tunay na pananalig ay naglalaman ng tunay na pagpapasakop, at ang tunay na pagpapasakop ay nagpapalitaw sa tunay na pananalig. Kung mayroon kang tunay na pananalig at kaya mong magkamit ng tunay na pagpapasakop, anong pagsubok ang makakatalo sa iyo? Anong kapaligiran ang makakatalo sa iyo? Walang makakatalo sa iyo. Kahit na itapon ka sa lungga ng mga leon, hindi mangangahas ang mga leon na kainin ka. Hindi ba’t mabuting bagay ito? (Oo.)” (Pagbabahagi ng Diyos). Pinagliwanag ng mga salita ng Diyos ang puso ko na gaya ng isang parola. Noong inihagis si Daniel sa lungga ng mga leon sa ilalim ng pang-aapi ng hari, hindi niya sinisi ang Diyos kahit na nahaharap siya sa kamatayan. Sa halip, mahigpit niyang pinanghawakan ang kanyang pananalig sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay at ganap na ibinigay ang kanyang sarili sa Diyos. May tunay siyang pananalig sa Diyos. Nagbigay-inspirasyon sa akin ang karanasan ni Daniel. Ipinakita nito sa akin na, gaya ni Daniel, kailangan kong magkaroon ng katulad na pananalig sa Diyos at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan sa isang kapaligiran ng pang-uusig at pang-aapi. Pero kapag naharap na sa mga ganitong sitwasyon ng tunay na buhay, wala ako ng pananalig na taglay-taglay ni Daniel. Noong naharap ang iglesia sa malakihang pagsupil at kailangang ilipat kaagad ang mga libro ng mga salita ng Diyos, ang mga unang naisip ko ay tungkol sa malalaking panganib na kaakibat ng tungkuling ito. Natakot ako na mahuhuli ako ng mga pulis sa daan at gugulpihin ako hanggang mamatay. Noong magsimula ang pandemya, natakot ako na mahawa at mamatay, at namuhay ako sa isang kalagayan ng takot at kaduwagan. Ginusto ko pa ngang abandonahin ang tungkulin ko para protektahan ang sarili ko at tumakas nang mabilis hangga’t kaya ko. Ibinunyag ng mapanganib na kapaligirang ito ang kawalan ko ng tunay na pananalig at pagpapasakop sa Diyos. Kapag nakita ng mga walang pananampalataya na nilamon na ng pandemya ang buong lungsod, nalulugmok sila sa takot at pangamba. Ito ay dahil hindi sila nananampalataya sa Diyos at wala silang maaasahan. Pero ako, na isang mananampalataya sa Diyos, ay takot na takot pa rin at wala akong pananalig sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kaya paano ko matatawag ang sarili ko na isang mananampalataya? Naisip ko si Daniel, na napunta sa lupain ng mga banyaga, at inusig ng isang hari na pumigil sa kanya na manalangin sa Diyos. Tumanggi si Daniel na makipagkompromiso sa mga puwersa ng kadiliman, pinili niya ang kamatayan kaysa sumuko, at patuloy siyang manalangin sa Diyos. Sa huli, inihagis siya sa lungga ng mga leon, pero dahil nasa tabi niya ang Diyos, hindi nangahas ang mga leon na saktan siya. Gayundin, komprontahin man tayo ng pandemya o ng mga pang-aaresto, lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Diyos. Lubusang nasa Diyos kung maaresto man ako o hindi. Kahit pa maaresto at makulong ako, dapat kong ibigay ang aking sarili sa Diyos at manindigan sa aking patotoo tungkol sa Kanya. Kung mahawa man ako ng virus, magpapasakop ako sa mga pamamatnugot at pagsasaayos Niya. Kahit mamatay ako, hindi ako magrereklamo. Ang pinakamahalagang bagay ngayon ay ang protektahan ang mga libro ng mga salita ng Diyos. Anuman ang panganib, dapat akong magtiwala sa Diyos na mabilis na ilipat ang mga ito hangga’t maaari. Dapat kong bitiwan ang mga pag-aalala ko at gumawa kaisa ng mga kapatid para maayos na mapangasiwaan ang gawain pagkatapos ng insidente. Nang magsimula na akong mag-isip sa ganitong paraan, nakaramdam ako ng malaking kaginhawahan. Nitong hapon, bago ko pa namalayan, mabuti na ang pakiramdam ko.

Huwebes, Disyembre 15, 2022, Maulan

Ang bilis lumipas ng panahon. Dalawang buwan na magmula noong dumating ako rito. Pinangangasiwaan ko na ang epekto ng nangyaring pagsupil magmula nang dumating ako rito, pero dahil sa mapanganib na kapaligiran, mabagal ang pag-unlad. Kagabi, nalaman ko na may isang tao na kumilos bilang isang Judas at ipinagkanulo ang maraming lider, manggagawa at kapatid. Naisip ko, “Ang mga tahanan dito na puwede sanang magpatuloy ng mga tao ay hindi na ligtas. Ang lahat ng gawain namin ay ganap na nahahadlangan, at ngayon ay lalong lumala ang sitwasyon. Gaano kaya katagal para matapos ang gawaing ito?” Hindi ako makahinga dahil sa kaisipang ito. Ngayong gabi, dumating si Wang Ying, nagsasabing malamang na nasundan siya noong isang gabi at hindi na ligtas dito. Iminungkahi niya na bumalik na ako. Lubos na katanggap-tanggap ang mungkahi niya, at naisip ko, “Dahil masama na ang mga bagay-bagay, magiging pinakamainam na bumalik na. Ano’t anuman, hindi naman dahil sa ayaw kong manatili rito, kundi dahil wala lang talagang ligtas na lugar na matutuluyan. Ngayon ganap na makatwiran na umalis ako.” Pero nang maisip ko ang pag-alis, nagsimula na naman akong makonsensiya. Napakarami pang gawain ang dapat tapusin dito. Magiging tama bang abandonahin ang mga tungkulin at umalis? Sa kabila ng pagiging mapanganib ng kasalukuyang sitwasyon, nakahanap pa rin ang ating mga kapatid ng paraan para makapunta rito at talakayin ang gawain. Kung babalik na ako, hindi ko na masusubaybayan ang gawain. Pero walang ligtas na matutuluyan dito. Natagpuan ko ang sarili ko na namumuhay sa tuluy-tuloy na pagkatakot at pagkabalisa, gaya ng isang takot na takot na ibon. Gulung-gulo ako. Dapat ba akong umalis, o dapat ba akong manatili? Hindi ko alam kung ano ang gagawin?

Linggo, Disyembre 18, 2022, Maaraw

Ngayon, nagpatuloy akong magnilay, “Bakit gusto ko palaging tumakas kapag nahaharap ako sa isang mapanganib na kapaligiran?” Nagkataon na nakatanggap ako ng isang liham mula sa isang kapatid, at lubos akong naantig pagkabasa ko rito. Nagsabi siya kung paanong, pagkatapos niyang lumaya mula sa kulungan, hiniling niyang manatili sa iglesia para ayusin ang epekto ng pagsupil. Pero dahil nag-alala siya na maaari siyang maaresto ng mga pulis anumang oras, umalis siya. Bilang resulta, saglit niyang hindi nagampanan ang kanyang tungkulin, na pinanghinayangan niya. Sa partikular, nagbanggit siya ng isang sipi mula sa mga salita ng Diyos na sobrang may kaugnayan sa kalagayan ko mismo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa proseso ng pagganap mo ng iyong mga tungkulin, sa positibong banda, kung kaya mong tratuhin ang iyong mga tungkulin nang tama, hindi kailanman tinatalikuran ang mga ito anumang pangyayari ang iyong hinaharap, at kahit pa nawalan ng pananalig ang iba at tumigil na gampanan ang kanilang mga tungkulin, patuloy mong pinaninindigan ang sa iyo at hindi kailanman tinatalikuran ang mga ito mula simula hanggang sa huli, nananatiling matatag at tapat sa iyong mga tungkulin hanggang sa huli, tunay mong tinatrato ang iyong mga tungkulin bilang mga tungkulin at nagpapakita ng kumpletong katapatan. Kung kaya mong tugunan ang pamantayang ito, talagang naabot mo na ang pamantayan sa sapat na pagganap ng iyong mga tungkulin; ito ay sa positibong banda. Gayunpaman, bago maabot ang pamantayang ito, sa negatibong banda, dapat ay magagawa ng isang taong labanan ang iba’t ibang tukso. Anong uri ito ng problema kapag hindi kaya ng isang taong labanan ang mga tukso sa proseso ng pagtupad ng kanyang tungkulin, kaya tinatalikuran niya ang kanyang tungkulin at tumatakas, ipinagkakanulo ang kanyang tungkulin? Katumbas iyon ng pagkakanulo sa Diyos. Ang pagkakanulo sa atas ng Diyos ay pagkakanulo sa Diyos. Maliligtas pa rin ba ang isang taong nagkakanulo sa Diyos? Tapos na ang taong ito; lahat ng pag-asa ay nawala na, at ang mga tungkuling dati niyang ginampanan ay pawang pagtatrabaho lamang, na nauwi sa wala dahil sa kanyang pagkakanulo. Kaya, mahalagang mahigpit na panghawakan ang tungkulin ng isang tao; sa paggawa nito, may pag-asa. Sa pamamagitan ng tapat na pagtupad ng tungkulin ng isang tao, puwede siyang maligtas at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ano para sa lahat ang pinakamahirap na bahagi ng paninindigan sa kanilang tungkulin? Ito ay kung kaya nilang maging matatag kapag nahaharap sa mga tukso. Ano ang kabilang sa mga tuksong ito? Salapi, katayuan, mga matalik na relasyon, mga damdamin. Ano pa? Kung may dalang panganib ang ilang tungkulin, maging mga panganib sa buhay ng isang tao, at ang pagganap sa gayong mga tungkulin ay maaaring magresulta sa pagka-aresto at pagkakakulong o maging pag-uusig hanggang sa kamatayan, kaya mo pa rin bang gampanan ang iyong tungkulin? Kaya mo pa rin bang magtiyaga? Ang kadaliang mapagtagumpayan ang mga tuksong ito ay nakabatay sa kung naghahangad ang isang tao ng katotohanan. Batay ito sa kakayahan ng isang tao na unti-unting kilatisin at kilalanin ang mga tuksong ito habang hinahangad ang katotohanan, para makilala ang diwa ng mga ito at ang mga satanikong panlilinlang sa likod ng mga ito. Hinihingi din nitong kilalanin ang mga sariling tiwaling disposisyon, sariling kalikasang diwa, at sariling kahinaan ng isang tao. Dapat ay patuloy ding hinihingi ng tao sa Diyos na protektahan siya para mapaglabanan niya ang mga tuksong ito. Kung kaya ng isang tao na paglabanan ang mga ito, at manindigan sa kanyang tungkulin nang walang pagkakanulo o pagtakas sa anumang pangyayari, ang posibilidad na maligtas ay umaabot sa 50 porsyento. Madali bang makamit ang 50 porsyento na ito? Ang bawat hakbang ay isang hamon, na puno ng panganib; hindi ito madaling makamit!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Lubos na naantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko. Ang layunin ng Diyos ay ang pag-asa na palagi akong nakakapit nang mahigpit sa mga tungkulin ko anuman ang mga sitwasyong dumating sa akin nang hindi nagkakanulo o tumatakas. Saka lamang ako magkakaroon ng tunay na patotoo. Kung aatras ako dahil sa kaduwagan at takot sa harap ng isang mapanganib na kapaligiran, inaabandona ang mga tungkulin ko sa ngalan ng pag-iingat sa sarili, ipagkakanulo ko ang Diyos at maiwawala ko ang aking patotoo. Sa dami ng mga kapatid na naaaresto, napakahalaga na agad na asikasuhin ang epekto ng pagsupil. Marami na akong nabasang mga salita ng Diyos at natamasa ko ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos, pero sa sandali ng katotohanan, hindi ko magawang manatiling tapat sa Diyos o gampanan ang papel ko bilang isang nilikha. Gusto ko pa ngang gamitin ang mapanganib na kapaligiran dito bilang katwiran para umalis. Napakamakasarili at tuso ko! Kung aalis ako, hindi ko na magagawang harapang talakayin ang gawain sa aking mga kapatid. Maaapektuhan nito ang gawain. Bukod doon, medyo nagiging mahiyain at takot ang mga kapatid dahil sa malawakang pang-aaresto, kaya kailangan naming suportahan at hikayatin ang isa’t isa sa panahong ito. Kakailanganin kong mas madalas na makipagbahaginan sa kanila tungkol sa layunin ng Diyos at kung paano gagawin nang maayos ang mga tungkulin namin sa harap ng pang-uusig at mga paghihirap. Kaya, kapaki-pakinabang para sa gawain na manatili ako rito. Kung nag-aalala lamang ako sa sariling kong mga interes at aabandonahin ko ang aking tungkulin dahil natatakot ako sa kamatayan, tahasang magiging isang taksil at traydor ako sa Diyos kung gayon. Magiging napakamakasarili, kasuklam-suklam, at walang pagkatao niyon! Sa mga bagay na ito na nasa isip ko, alam ko kung ano ang kailangan kong gawin. Hindi ko puwedeng hayaang takutin ako ng mga kasalukuyang sitwasyon, ni hindi ko puwedeng abandonahin ang tungkulin ko at umalis dahil lang sinusundan si Wang Ying at natatakot akong madamay. Dapat akong magtiwala sa Diyos at gawin ang lahat ng makakaya ko sa pagsubaybay sa gawain pagkatapos ng insidente na pinangangasiwa sa akin sa kaya ako ipinadala rito. Anumang mga panganib ang mangyari sa akin o gaano man kahirap ang gawain, handa akong ibigay ang aking katapatan. Mabuhay man ako o mamatay, ipagkakatiwala ko ang sarili ko sa Diyos, hahayaan ko Siyang pamatnugutan ang lahat ng bagay, at magpapasakop ako sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Kahit na buhay ko ang kapalit, gagawin ko nang maayos ang gawaing ito.

Martes, Disyembre 20, 2022, Maaraw

Sa pagninilay-nilay ko sa nangyayari sa akin, sa bawat eksena, pinag-isipan ko: “Bakit kaya hinihiling kong tumakas at abandonahin ang aking tungkulin sa sandaling naharap ako sa isang mapanganib na kapaligiran? Anong kalikasan ang nagkokontrol sa akin?” Sa aking paghahanap, nakakita ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga anticristo ay lubhang makasarili at kasuklam-suklam. Wala silang tunay na pananalig sa Diyos, lalong wala silang katapatan sa Diyos; kapag nahaharap sila sa isyu, sarili lamang nila ang kanilang pinoprotektahan at iniingatan. Para sa kanila, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa sarili nilang seguridad. Hangga’t maaari silang mabuhay at hindi maaaresto, wala silang pakialam kung gaano kalaki ang pinsalang naidulot sa gawain ng iglesia. Labis na makasarili ang mga taong ito, hindi man lang nila iniisip ang mga kapatid, o ang gawain ng iglesia, sariling seguridad lamang nila ang kanilang iniisip. Sila ay mga anticristo. … Tinatalikuran ng mga anticristo ang gawain ng iglesia at ang mga handog ng Diyos, at hindi nila isinasaayos na pangasiwaan ng mga tao ang mga naiwang pinsala. Katulad ito ng pagpapahintulot sa malaking pulang dragon na kamkamin ang mga handog ng Diyos at ang Kanyang mga hinirang. Hindi ba’t isa itong lihim na pagkakanulo sa mga handog ng Diyos at sa Kanyang mga hinirang? Kapag malinaw na alam ng mga tapat sa Diyos na mapanganib ang isang kapaligiran, hinaharap pa rin nila ang panganib ng paggawa sa gawain ng pangangasiwa sa mga naiwang pinsala, at sinisikap nilang panatilihing kakaunti lang ang mga kawalan sa sambahayan ng Diyos bago sila mismo ang umatras. Hindi nila inuuna ang kanilang sariling seguridad. Sabihin mo sa Akin, sa buktot na bansang ito ng malaking pulang dragon, sino ang makatitiyak na walang anumang panganib sa pananampalataya sa Diyos at sa paggawa ng isang tungkulin? Anuman ang tungkuling akuin ng isang tao, may nakapaloob na panganib dito—gayumpaman, ang pagganap sa tungkulin ay iniatas ng Diyos, at habang sinusunod ang Diyos, dapat akuin ng isang tao ang panganib sa paggawa ng kanyang tungkulin. Dapat gumamit ng karunungan ang isang tao, at kailangan niyang gumamit ng mga hakbang para matiyak ang kanyang seguridad, ngunit hindi niya dapat unahin ang pansarili niyang seguridad. Dapat niyang isaalang-alang ang layunin ng Diyos, unahin ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang pagkumpleto sa atas ng Diyos sa kanila ang pinakamahalaga, at ito ang prayoridad. Pangunahing prayoridad ng mga anticristo ang kanilang personal na seguridad; naniniwala sila na walang anumang kinalaman sa kanila ang iba pang bagay. Wala silang pakialam kapag may nangyayari sa ibang tao, kahit sino man ito. Hangga’t walang masamang nangyayari sa mismong mga anticristo, panatag ang pakiramdam nila. Wala silang anumang katapatan, na natutukoy sa kalikasang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). “Ang mga anticristo ay walang ipinapakitang katapatan sa Diyos. Kapag inaatasan sila ng gawain, masaya nila itong tinatanggap, at gumagawa sila ng ilang magagandang deklarasyon, ngunit kapag dumarating ang panganib, tumatakbo sila nang napakabilis; sila ang unang tumatakbo, ang unang tumatakas. Ipinapakita nito na ang kanilang pagiging makasarili at kasuklam-suklam ay talagang malala. Wala silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad o katapatan man lang. Kapag nahaharap sa isang problema, ang alam lang nila ay tumakas at magtago, at iniisip lang nila ang pagprotekta sa kanilang sarili, hindi kailanman isinasaalang-alang ang kanilang mga responsabilidad o tungkulin. Alang-alang sa kanilang pansariling seguridad, palaging ipinapakita ng mga anticristo ang kanilang makasarili at kasuklam-suklam na kalikasan. Hindi nila inuuna ang gawain ng sambahayan ng Diyos o ang kanilang sariling mga tungkulin. Lalong hindi nila inuuna ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, inuuna nila ang sarili nilang seguridad(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Inilalantad ng Diyos ang pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam ng mga anticristo. Kapag nahaharap sila sa isang mapanganib na kapaligiran habang ginagawa ang kanilang tungkulin, iniisip lang nila ang kanilang sarili saanman sila pumunta. Partikular nilang pinapahalagahan ang kanilang sariling kaligtasan at buhay. Kapag naapektuhan na ang sarili nilang mga interes, inaabandona nila ang gawain ng sambahayan ng Diyos at hindi nagpapakita ng katapatan sa Diyos. Sa pagbabasa ko ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga anticristo, tinamaan ang puso ko. Hindi ba’t kumilos ako nang ganito? Dahil nakikita ko ang masamang kapaligiran dito sa iglesia at ang pagkalat ng salot, natakot ako na maaaresto at pahihirapan ako ng mga pulis hanggang mamatay; natakot din ako na mahahawa ako ng virus at mamamatay. Partikular akong takot sa kamatayan at hiniling kong makatakas kaagad hangga’t kaya ko. Dahil namumuhay ako sa mga satanikong lason gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,” at “Mas mainam ang masamang buhay kaysa isang mabuting kamatayan,” naniwala ako na sa buhay, dapat nating isipin ang ating mga sarili; mas pipiliin kong magpatuloy sa isang hamak na pag-iral kaysa magbayad ng halaga para gawin ang tungkulin ko. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Ang mga kapatid na tapat na gumagawa ng kanilang mga tungkulin, kahit na alam nila ang peligro ng paggawa niyon sa mga mapanganib na kapaligiran, ay mahigpit na nakakapit sa kanilang mga tungkulin sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos, isinasapalaranbinubuwis ang kanilang mga buhay at sa huli ay pinoprotektahan ang mga libro ng mga salita ng Diyos at ang kaligtasan ng ibang mga kapatid. Sa kabilang banda, hiyang-hiya ako. Mapanganib ang kapaligiran dito, medyo mas malala ang salot, pero may mga kapatid pa rin na naglalagay ng kanilang sarili sa panganib sa pagpapatuloy sa akin, pero patuloy akong nag-aalala para sa sarili ko, hindi ko magawang buong pusong gugulin ang sarili ko sa aking tungkulin. Talagang wala akong pagkatao! Kung may kaunting konsensiya o katwiran man lang ako at alam ko na nanganganib ang mga libro ng mga salita ng Diyos, gagawin ko ang pinakamakakaya ko para tiyaking nagawa nang maayos ang gawain pagkatapos ng pangyayari at mabawasan ang mga kawalan. Kung talagang tumakas ako at hindi nailipat sa tamang oras ang mga libro ng mga salita ng Diyos, malamang na mapapasakamay ng malaking pulang dragon ang mga ito. Mas marami pang kapatid ang manganganib na maaresto, at bilang resulta, magdurusa pa ng mas malalaking kawalan ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Sa ganitong paraan, kahit pa maiwasan kong mahuli at mailigtas ko ang buhay ko, mag-iiwan ako ng isang seryosong pagsalangsang. Mapupuno ako ng labis-labis na pagsisisi, pero magiging masyadong huli na para may magawang anuman tungkol dito! Naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwat hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y Siyang makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno(Mateo 10:28). “Ang nakasusumpong ng kanyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa Akin ay makasusumpong niyaon(Mateo 10:39). Naalala ko rin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; ang tanging bagay na may kaugnayan sa sarili ay ang buhay. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinakakarapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila—ang buhay—bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa araw na sila ay mamatay, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang mga huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katunayang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad sa kanyang pananagutan. Nang pagbantaan at takutin sila ni Satanas, at, sa huli, kahit pa nang ipabayad sa kanila ang kanilang mga buhay, hindi nila tinalikdan ang kanilang responsabilidad. Ito ang kahulugan ng pagtupad ng isang tao sa tungkulin hanggang sa pinakasukdulang punto. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Ko bang sabihin na gamitin ninyo ang ganoon ding paraan upang magpatotoo sa Diyos at upang maipalaganap ang Kanyang ebanghelyo? Sadyang hindi kinakailangang gawin mo ang ganoon, ngunit dapat mong maunawaan na ito ay iyong pananagutan, na kung kinakailangan ng Diyos na gawin mo ito, dapat mo itong tanggapin bilang iyong obligasyon. May takot at pag-aalala sa mga layunin ang mga tao ngayon, ngunit anong silbi ng mga damdaming iyon? Kung hindi kailangan ng Diyos na gawin mo ito, para saan ang pag-aalala tungkol dito? Kung kailangan ng Diyos na gawin mo ito, hindi ka dapat umiwas o tumanggi sa pananagutang ito. Dapat kang maagap na makipagtulungan at tanggapin ito nang walang pag-aalala. Paano man mamatay ang isang tao, hindi siya dapat mamatay sa harap ni Satanas, at hindi mamatay sa mga kamay ni Satanas. Kung mamamatay ang isang tao, dapat siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos. Nagmula sa Diyos ang mga tao, at sa Diyos sila magbabalik—gayon ang katwiran at saloobing dapat taglayin ng isang nilikha(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na kapag dumating sa akin ang panganib at ang banta ng kamatayan habang ginagawa ko ang aking tungkulin, dapat akong manatiling tapat sa Diyos. Kahit na ang ibig sabihin pa nito ay ang pagsasakripisyo ng aking buhay, dapat akong kumapit nang mahigpit sa tungkulin ko at huwag kailanman sumuko kay Satanas. Ito ang pinakamakapangyarihang patotoo ng pagtalo kay Satanas, na sinang-ayunan ng Diyos. Kapag nahaharap sa mga banta sa aking buhay, kung tatanggihan ko ang atas ng Diyos dahil sa takot sa kamatayan, magiging marka ito ng kahihiyan at kamumuhian ako ng Diyos. Ang mga propeta at apostol na iyon sa mga nakalipas na kapanahunan ay naharap sa mga karumal-dumal na kamatayan alang-alang sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo tungkol sa Diyos: Ang ilan ay hinati-hati ng mga kabayo, ang iba naman ay tinagpas hanggang mamatay, habang ang iba pa ay sinunog hanggang mamatay. Si Pedro ay ipinako pa nga sa krus nang patiwarik para sa Diyos. Sa mga huling araw, maraming kapatid ang naaresto at brutal na pinahirapan ng Partido Komunista dahil sa pagpapalaganap sa ebanghelyo ng kaharian. Kahit sa bingit ng kamatayan, tumatanggi pa rin silang itatwa ang pangalan ng Diyos; habang ang ilan, kahit na pinapahirapan hanggang mamatay ay tumatangging maging Judas o ipagkanulo ang Diyos. Nagpatotoo sila ng maganda at matunog na mga patotoo tungkol sa Diyos. Ginamit nila ang kanilang sariling buhay para ipagtanggol ang tunay na daan at nagproklama at nagpatotoo sa masamang mundong ito sa pamamagitan ng kanilang kamatayan na ang Diyos ay ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Lumikha. Kahit na ang ibig sabihin nito ay ang pagsasakripisyo ng kanilang buhay, hindi pa rin sila mag-aatubili. Ang pagbibigay ng buhay para magpatotoo tungkol sa Diyos ay isang mahalaga at makahulugang pagkilos. Ito ang pinakamataas na uri ng patotoo. Nang mapagtanto ko ito, nabawasan ang takot ko. Handa akong harapin ang kapaligirang ito sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos.

Nang sandaling ito, pumasok sa isip ko ang mga salitang ito ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit gaano pa ‘kamakapangyarihan’ si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga paraan para gawing tiwali at akitin nito ang tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana nito sa pananakot sa tao, kahit gaano pa pabago-bago ang anyo ng pag-iral nito, hindi pa ito kailanman nakalikha ng kahit isang buhay na nilalang, hindi pa kailanman nakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay, at hindi pa kailanman naghari o kumontrol ng anumang bagay, may buhay man o wala. Sa loob ng kosmos at sa kalangitan, wala ni isang tao o bagay ang naisilang mula rito, o umiiral nang dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinaghaharian nito, o kinokontrol nito. Sa kabaligtaran, hindi lamang nito kailangang magpasailalim sa kapamahalaan ng Diyos, kundi higit pa rito, ay kailangang magpasakop sa lahat ng atas at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa mga isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng bagay, para pagsilbihan ang sangkatauhan, at para pagsilbihan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ng pamamahala. Kahit gaano pa kamalisyoso ang kalikasan nito, at gaano man kasama ang diwa nito, ang tanging bagay na magagawa nito ay ang tapat na gawin ang tungkulin nito: ang magsilbi sa Diyos, at magbigay ng hambingan sa Diyos. Ito ang diwa at kinatatayuan ni Satanas. Ang diwa nito ay hindi kaugnay sa buhay, hindi kaugnay sa kapangyarihan, hindi kaugnay sa awtoridad; laruan lamang ito sa mga kamay ng Diyos, isa lang makina na nagsisilbi sa Diyos!(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging walang halaga, at walang makagagapi sa kanila. Ano ang maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa ganitong paraan nawawalan si Satanas ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” Kabanata 36). May awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos. Nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos ang lahat ng bagay. Gaano man kabangis at kabagsik si Satanas, maging ito ay hindi makakatakas sa hangganang itinakda ng Diyos. Kung wala ang pahintulot ng Diyos, hindi ito mangangahas lumagpas ng linya, lalo pa ang pinsalain tayo. Gaya ng kung paanong gustong wasakin ni Satanas si Job, hindi hinayaan ng Diyos si Satanas na kunin ang buhay ni Job. At bagama’t ginamit ni Satanas ang bawat panlalansi at pakana nito, hindi ito nangahas na kunin ang buhay ni Job. Ipinatanto nito sa akin na ang awtoridad ng Diyos ay lampas sa maaabot ng anumang mga kumakalabang puwersa. Kahit gaano kasama ang sitwasyon dito, hindi pa rin ako naaaresto. Ito ay dahil lahat sa proteksyon ng Diyos. Isang beses, pumunta ako sa isang nagho-host na bahay, pero hindi dumating ang sister para sunduin ako. Kalaunan, nalaman ko na naipagkanulo na ng isang Judas ang bahay at nasa ilalim ng matinding pagmamanman ng mga pulis. Dahil lahat sa proteksyon ng Diyos kaya hindi ako nakarating doon. Dagdag pa rito, tinalian ng salot na ito ang mga kamay ng mga pulis, hinahadlangan ang kanilang mga pagsisikap na arestuhin ang mga kapatid. Kung hindi, sino ang nakakaalam kung ilan pang mga kapatid ang mahaharap sa mga pang-aaresto. Lahat ng ito ay mahimalang gawa, karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos. Kahit sa gitna ng mapanganib na kapaligirang ito, hindi nangangahas ang CCP na hawakan ako nang walang pahintulot ng Diyos. Nasa sa Diyos kung maaaaresto ba ako at mabibigyan ng mabigat na sentensiya. Hindi ko na kayang mabuhay para sa sarili ko; handa akong ibigay ang sarili ko sa Diyos at hayaan Siyang pangunahan ako sa bawat araw. Gaano man kamapanganib ang kapaligiran dito o kung gaano katindi ang salot, kakapit ako nang mahigpit sa aking tungkulin hanggang wakas. Nang mapagtanto ko ito, nagkaroon ng kapayapaan ang isip ko at itinuon ko ang sarili ko sa aking tungkulin.

Sabado, Disyembre 31, 2022, Maaraw

Kahapon, dumating kami ni Su Xiao sa isang iglesia. Nagulat kami, na ang kapatid na nagpatuloy sa amin ay nagbigay ng isang lugar para pagtaguan ng mga libro. Natuwa kami pareho at pagkatapos ay nagpasya kaming paghatian ang gawain. Inalam ni Su Xiao ang sitwasyon ng bahay samantalang bumalik naman ako para talakayin sa mga kapatid ang usapin tungkol sa paglilipat ng mga libro ng mga salita ng Diyos. Nang hapong ito, matagumpay naming nailipat ang unang batch ng mga libro.

Martes, Pebrero 14, 2023, Maaraw

Patuloy naming inililipat ang mga libro ng mga salita ng Diyos sa nakalipas na ilang araw, sa wakas ay ililipat na namin ang huling batch ng mga libro ngayon. Mga alas-3:00 ng umagang ito, nakita kong nakauwi nang ligtas ang mga kapatid na naglilipat ng mga libro, at napuno ako ng emosyon na hindi maipapaliwanag ng mga salita. Sa panahong ito, nagawa naming mailipat nang ligtas ang lahat ng libro sa kabila ng gayong mapanganib na kapaligiran. Lahat ng ito ay bunga ng paggabay ng Diyos at ang nagkakaisang pagtutulungan ng mga kapatid. Habang nakaupo sa bus pauwi ng bahay, napuno ako ng damdamin ng kapayapaan at seguridad. Sa buong paglalakbay ko, patuloy kong pinag-isipan: Sa kabila ng pagpunta ko rito para gumawa sa isang mapanganib na kapaligiran, lubos kong napagtanto na dahil mismo sa mapapanganib na kapaligirang tulad nito na nagawa naming makita ang mga mahimalang pagkilos ng Diyos, at makilala na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay hindi maaabot ng anumang mga kumakalabang puwersa. Nauunawaan ko na rin ngayon na ang pagdanas ng gayong mapapanganib na kapaligiran ay kayang mangperpekto ng pananalig ko, matulungan akong maunawaan ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at mabunyag ang aking pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam. Kapag ako ay nasa isang mapanganib na kapaligiran may gawi akong protektahan ang sarili kong mga interes at isipin lamang ang sarili kong kinabukasan at kapalaran. Ginabayan ako ng mga salita ng Diyos para malampasan ang madilim na impluwensiya ni Satanas, magtiyaga hanggang wakas at tapusin ang gawain kung saan ako ipinadala. Napakarami kong nakamit sa buong paglalakbay na ito. Isa itong hindi malilimutang karanasan at isang mahalagang kayamanan sa buhay ko! Salamat sa Diyos!

Sinundan:  5. Tunay Bang Birtud ang “Pagiging Mahigpit sa Iyong Sarili at Mapagparaya sa Iba”?

Sumunod:  7. “Paghahanda” Para sa Isang Pagtitipon

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger