60. Walang Ranggo o Pagtatangi sa mga Tungkulin

Ni Li Min, Tsina

Noong Pebrero ng 2019, tinanggal ako sa tungkulin ko bilang lider dahil naghangad ako ng reputasyon at katayuan sa halip na gumawa ng tunay na gawain. Noong araw matapos ang pagkatanggal ko, ang asawa ng sister mula sa pamilyang nagpapatuloy sa akin sa bahay ay nasugatan sa isang aksidente, at kailangang umuwi ng sister na ito para alagaan ang asawa niya. Isinaayos ng superbisor na pansamantala kong akuin ang kanyang tungkuling pagpapatira sa bahay. Naisip ko sa sarili ko, “Kung malalaman ng mga kapatid na matapos akong tanggalin, ay gumagawa na lang ako ng mga tungkuling pagpapatira sa bahay, nagluluto, nag-aasikaso ng mga lakad, at naghahatid ng mga mensahe, ano ang iisipin nila tungkol sa akin? Siguradong hahamakin nila ako. Paano ba ako makaliligtas sa kahihiyan?” Pero nang maisip ko na pansamantala lang naman ang tungkuling ito, sinang-ayunan ko na gawin muna ito. Gayunpaman, nang walang makitang taong nababagay na pumalit sa akin matapos ang ilang linggo, nakipagbahaginan sa akin ang superbisor at hiniling na ipagpatuloy ko ang pagsasagawa ng mga tungkuling pagpapatira sa bahay. Nang marinig ko ito, nabagabag ang puso ko, habang iniisip, “Bakit isinasaayos nang ganito ang mga bagay-bagay? Kung malalaman ng mga kapatid na nakakakilala sa akin na pangmatagalan na akong gagawa ng mga tungkuling pagpapatira sa bahay, tiyak na hahamakin nila ako. Hindi kaya nila sabihin na hindi ako isang taong naghahangad ng katotohanan, at na wala akong kaya maliban sa manual na trabaho at mga tungkuling pagpapatira sa bahay? Paano ako makakaligtas sa kahihiyan? Bukod doon, bago ako natanggal, nakipagtulungan ako sa ilang kapatid para gawin ang mga tungkulin namin. At ngayon, heto ako, nagluluto lang. Napakalaking pagkakaiba! Sobrang nakakahiya!” Sa pag-iisip nito, hindi ko na gustong gumawa ng mga tungkuling pagpapatira sa bahay. Nakita ng superbisor na nasa masamang kalagayan ako at ibinahagi niya ang sarili niyang karanasan sa pagkakatanggal. Napagtanto kong bawat tungkulin ay mula sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, kaya nagpasakop ako. Pero noong gabing iyon, hindi ako mapakali sa kama, hindi makatulog. Naisip ko sa sarili ko, “Mula nang matagpuan ko ang Diyos, karamihan sa mga tungkulin ko ay bilang isang lider o manggagawa. Hindi ko kailanman inakala na hahantong ako sa paggawa lang ng maliliit na gawain at pagluluto. Ano ang iisipin sa akin ng mga kapatid na nakakakilala sa akin kung malaman nila? Magiging lubos na nakakahiya iyon!” Nakita ko ang mga kapatid na magkakasamang nagtatalakay ng gawain, at naalala kong noong lider pa ako, gumagawa ako dati kasama nila sa mga ganoong talakayan. Pero ngayon, nandito ako, ginugugol ang mga araw ko sa paghuhugas ng mga pinggan, pagluluto, at maging paglilinis. Napakalaking pagkakaiba! Nabuhay ako sa isang maling kalagayan, at habang mas lalo ko iyong iniisip, mas lalo iyong nagiging masakit. Pagkatapos, tuwing ginagawa ko ang maruruming trabahong ito, natatakot ako na hahamakin ako ng mga kapatid, kaya minamadali ko iyong gawin kapag wala sila. Pakiramdam ko ay nakakahiya ang paggawa ng ganitong maruming gawain. Napuno ang puso ko ng bigat at pagdurusa, at dumaloy ang mga luha sa mukha ko nang hindi ko namamalayan.

Isang araw, hiniling sa akin ng superbisor na ilabas ko ang basura kapag lumabas ako. Nang marinig ko ito, nakaramdam ako ng labis na paglaban, iniisip ko, “Ano ang akala ninyo sa akin? Dati tayong nagtutulungan nang magkasama, pero ngayon inuutus-utusan ninyo ako nang ganito.” Habang mas lalo ko iyong iniisip, mas lumala ang pakiramdam ko. Masamang-masama ang loob ko. Lumapit ako sa Diyos at nanalangin, hiniling sa Diyos na bigyang-liwanag at gabayan Niya ako upang makilala ang sarili ko at maunawaan ang Kanyang mga layunin. Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ano ang saloobin na dapat mayroon ka sa iyong tungkulin, na matatawag na tama at naaayon sa mga layunin ng Diyos? Una, hindi mo puwedeng suriing mabuti kung sino ang nagsaayos nito, kung ano ang antas ng pamumuno ng nagtalaga nito—dapat mo itong tanggapin mula sa Diyos. Hindi mo ito maaaring suriin, dapat mong tanggapin ito mula sa Diyos. Ito ay isang kondisyon. Bukod pa riyan, anuman ang tungkulin mo, huwag mong diskriminahin kung ano ang mataas at mababa. Ipagpalagay na sinasabi mong, ‘Bagama’t ang gampaning ito ay isang atas mula sa Diyos at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung gagawin ko ito, baka maging mababa ang tingin ng mga tao sa akin. Ang iba ay may gawain na tinutulutan silang mamukod-tangi. Ibinigay sa akin ang gampaning ito, na hindi ako hinahayaang mamukod-tangi kundi pinapagugol ako ng sarili ko nang hindi nakikita, hindi ito patas! Hindi ko gagawin ang tungkuling ito. Ang tungkulin ko ay dapat magbibigay-daan sa akin na mamukod-tangi sa iba at tinutulutan akong magkapangalan—at kahit na hindi ako magkapangalan o mamukod-tangi, dapat pa rin akong makinabang dito at maging pisikal na maginhawa.’ Ito ba ay katanggap-tanggap na saloobin? Ang pagiging maselan ay hindi pagtanggap sa mga bagay mula sa Diyos; ito ay pagpili ayon sa iyong mga sariling kagustuhan. Hindi ito pagtanggap ng iyong tungkulin; ito ay pagtanggi sa iyong tungkulin, isang pagpapamalas ng iyong paghihimagsik laban sa Diyos. Ang ganoong pagkamaselan ay nahahaluan ng mga pansarili mong kagustuhan at pagnanais. Kapag isinasaalang-alang mo ang iyong sariling pakinabang, ang iyong reputasyon, at iba pa, ang saloobin mo sa iyong tungkulin ay hindi mapagpasakop. Anong saloobin ang dapat mayroon ka sa iyong tungkulin? Una, hindi mo ito dapat suriin, sinusubukang tukuyin kung sino ang nagtalaga nito sa iyo; sa halip, dapat mo itong tanggapin mula sa Diyos, bilang isang tungkuling ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, at dapat mong sundin ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at tanggapin ang iyong tungkulin mula sa Diyos. Ikalawa, huwag mong diskriminahin kung ano ang mataas at mababa, at huwag mong abalahin ang sarili mo tungkol sa kalikasan nito, kung tinutulutan ka man nitong mamukod-tangi o hindi, kung ito man ay ginagawa sa harap ng publiko o nang hindi nakikita. Huwag mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Mayroon pang ibang saloobin: pagpapasakop at aktibong pakikipagtulungan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). “Hindi madali ang magawang magtiis ng paghihirap sa pagganap sa tungkulin. Hindi rin madaling gampanan nang mahusay ang isang partikular na uri ng gawain. Tiyak na gumagawa ang katotohanan sa mga salita ng Diyos sa kalooban ng mga tao na kayang gawin ang mga bagay na ito. Hindi nito ibig sabihin na ipinanganak silang walang takot sa paghihirap at pagod. Saan ba makakakita ng ganoong tao? May ilang motibasyon ang lahat ng taong ito, at mayroon silang ilang katotohanan sa mga salita ng Diyos bilang kanilang pundasyon. Kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, nagbabago ang kanilang mga pananaw at paninindigan—mas nagiging madali ang pagganap nila sa kanilang mga tungkulin at nagsisimula nang mawalan ng kabuluhan para sa kanila ang pagtitiis ng ilang paghihirap at pagod ng katawan. Ang mga hindi nakauunawa sa katotohanan at hindi pa nagbabago ang mga pananaw sa mga bagay-bagay ay nabubuhay ayon sa mga ideya, kuru-kuro, makasariling naisin, at personal na kagustuhan ng tao, kaya nag-aalangan sila at ayaw gampanan ang kanilang mga tungkulin. Halimbawa, pagdating sa paggawa ng marumi at nakapapagod na gawain, sinasabi ng ilang tao, ‘Susunod ako sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Anumang tungkulin ang isaayos ng iglesia para sa akin, gagampanan ko ito, marumi man o nakapapagod ito, kahanga-hanga man o karaniwan. Wala akong hinihingi, at tatanggapin ko ito bilang aking tungkulin. Ito ang atas na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos, at ang kaunting dumi at pagod ay mga paghihirap na dapat kong tiisin.’ Bunga nito, kapag gumagawa sila, hindi man lamang nila nararamdaman na nagtitiis sila ng anumang paghihirap. Habang marumi at nakapapagod ito para sa iba, madali ito para sa kanila, dahil panatag at hindi nagagambala ang kanilang puso. Ginagawa nila ito para sa Diyos, kaya hindi nila nararamdaman na mahirap ito. Itinuturing ng ilang tao na insulto sa kanilang katayuan at karakter ang gawaing marumi, nakapapagod, o karaniwan. Tinitingnan nila ito bilang kawalang-respeto sa kanila, pang-aapi sa kanila, o panlilibak sa kanila ng ibang tao. Bunga nito, kahit pa maharap sa parehong mga gawain at dami ng trabaho, mabigat ito para sa kanila. Anuman ang gawin nila, may dala silang sama ng loob sa kanilang puso, at pakiramdam nila ay hindi nangyayari ang mga bagay sa paraang gusto nila o na hindi kasiya-siya ang mga ito. Sa kalooban nila, puno sila ng pagkanegatibo at paglaban. Bakit sila negatibo at lumalaban? Ano ang ugat nito? Kadalasan, ito ay dahil hindi sila nagkakasuweldo sa pagganap sa kanilang mga tungkulin; para itong pagtatrabaho nang walang bayad. Kung may mga gantimpala sana, maaaring maging katanggap-tanggap ito sa kanila, pero hindi nila alam kung makakakuha sila ng mga ito o hindi. Samakatuwid, pakiramdam ng mga tao ay hindi sulit ang pagganap sa mga tungkulin, na itinutumbas nila ito sa pagtatrabaho para sa wala, kaya madalas silang nagiging negatibo at lumalaban pagdating sa pagganap sa mga tungkulin. Hindi ba’t ito ang sitwasyon? Sa totoo lang, ayaw ng mga taong ito na gumanap ng mga tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Isinisiwalat ng Diyos na kapag nakakatanggap ng ilang tungkulin ang ilang tao, hindi nila iyon matanggap mula sa Diyos at sa halip ay pinipili ang kanilang mga tungkulin batay sa sarili nilang mga kagustuhan. Tinatanggap nila ang mga tungkuling nagpapahintulot na mapansin sila, pero nilalabanan at tinatanggihan ang hindi nagdadala sa kanila ng pagkilala. Wala silang ugali ng pagpapasakop sa kanilang mga tungkulin. Ang isiniwalat ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Naniwala akong ang pagiging isang lider ay may kaakibat na karapatang magsalita, at saan man ako magpunta, ako ay titingalain ng aking mga kapatid, kaya payag akong makipagtulungan sa tungkuling iyon. Gayumpaman, pakiramdam ko ang tungkuling pagpapatira sa bahay ang pinakamababa, at binubuo lang iyon ng manual na trabaho, kaya hindi ko magawang magpasakop dito. Pakiramdam ko ay ipinahiya ako ng tungkuling ito, at na naagrabyado ako. Nang hilingin sa akin ng superbisor na linisin ko ang bakuran at ilabas ang basura, nahirapan akong tanggapin iyon. Pakiramdam ko ay nilalapastangan niya ako sa pamamagitan ng pag-uutos sa akin, at ikinagalit ko iyon. Ginamit ko ang mga antas ng katayuan bilang sukatan kung may dignidad ba ang isang tao. Inakala kong ang paggawa ng tungkulin ng isang lider ay parang pagiging isang amo o tagapamahala ng isang kompanya, at may kaakibat iyong katayuan at posisyon, at hinahangaan ang mga taong ito saan man sila magpunta, at kinainggitan ko ang mga ganitong tao. Nang marinig ko ang tungkol sa mga tungkuling pagpapatira sa bahay, pakiramdam ko iyon ay paggawa lang ng mga gawaing-bahay at pagluluto, katulad ng mababang-uri ng trabaho, at pakiramdam ko ang mga taong gumagawa ng ganitong tungkulin ay mabababa at hinahamak saan man sila magpunta. Para sa akin, nakakahiya ang tungkuling ito. Nananampalataya ako sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, pero may mga pananaw pa rin ako na kagaya ng sa mga walang pananampalataya. Talagang katawa-tawa ang mga pananaw kong ito! Sa sambahayan ng Diyos, pantay-pantay ang lahat sa kanilang mga tungkulin. Walang pagkakaiba sa mga tungkulin pagdating sa taas o baba, marangal o mababang-uri, malaki o maliit. Tungkulin man iyan ng pamumuno o pagpapatira sa bahay, nagmumula sa Diyos ang lahat ng iyon. Nagsisilbi lang ang mga ito ng iba’t ibang tungkulin, at bilang mga nilikha, dapat natin iyong tanggapin at magpasakop doon. Pero sa mga tungkulin ko, ang isinaalang-alang ko lang ay ang sarili kong mga interes at pagpapahalaga sa sarili. Hindi ko trinato ang mga tungkulin ko bilang isang atas ng Diyos. Dahil hindi ako mapapansin sa tungkuling pagpapatuloy sa bahay, nilabanan ko iyon. Wala akong pagpapahalaga sa responsabilidad patungkol sa mga tungkulin ko at ginawa ko lang ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta. Nakita kong talagang makasarili ako at kasuklam-suklam, at na wala akong konsiyensiya o katwiran!

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Isinilang sa gayong napakaruming lupain, labis nang naimpeksiyon ng lipunan ang tao, naimpluwensiyahan na siya ng mga etikang piyudal, at naturuan na siya sa ‘mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.’ Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, masamang pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo, lubos na hungkag na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang nagpahina at sumalakay sa kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Lalong nagiging mas mabangis ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang magkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang magkukusang magpasakop sa Diyos, ni, higit pa rito, isang taong magkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, walang ginawa ang tao kundi maghangad ng kalayawan, ibinibigay ang sarili sa katiwalian ng laman sa lupain ng putik. Marinig man nila ang katotohanan, hindi nag-iisip ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, ni nakahandang hanapin ang Diyos kahit na nasaksihan na nila ang Kanyang pagpapakita. Paano magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan ang isang sangkatauhang napakasama? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang sangkatauhang labis nang namumulok?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Isiniwalat ng mga salita ng Diyos ang ugat kung bakit hindi ako makapagpasakop sa Kanya. Mula sa murang edad, naimpluwensyahan ako ng mga satanikong lason gaya ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” at “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa” at ang mga iyon ang naging pamantayan sa aking mga kilos at asal. Naniwala akong dapat mabuhay ang mga tao para sa kanilang pagpapahalaga sa sarili, at ang tingalain saan man sila magpunta ay ang paraan para mabuhay ang tao nang may dignidad. Gusto ko ring gumawa ng gawaing pahihintulutan akong mapansin at mahangaan ng iba, at inakala kong ganito ang paraan para mabuhay nang may dignidad at halaga. Pero sa akin, ang paggawa ng marumi o hindi kinikilalang gawain ay nakabababa at nakapangliliit, kaya ayaw ko iyong tanggapin. Bago ko nahanap ang Diyos, nabuhay ako sa mga pananaw na ito, laging gustong mabuhay nang mas mabuti kaysa iba. Hinamak ko ang mga magsasaka at manggagawa na kumikita sa pamamagitan ng mahirap na trabaho, at pakiramdam ko ang pagpapatakbo ng isang negosyo ng damit ay mas kagalang-galang kaysa sa pisikal na trabaho, at pahihintulutan ako nito na maging kumpiyansa sa harap ng iba, at babaguhin din ang tingin sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Matapos mahanap ang Diyos, nabuhay pa rin ako sa mga satanikong lason na ito habang ginagawa ang mga tungkulin ko sa iglesia. Natugunan ng tungkulin ng pamumuno ang aking banidad at pagpapahalaga sa sarili at pinahintulutan akong hangaan ng aking mga kapatid, at pinasaya ako niyon. Handa pa nga akong magtiis ng ilang paghihirap at kapaguran para roon. Pero matapos gawin ang tungkulin ng pamumuno, patuloy akong naghanap ng paghanga mula sa iba, palaging sinusubukang protektahan ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan. Hindi ako gumawa ng anumang tunay na gawain, kaya tinanggal ako. Nang binigyan ako uli ng isang tungkulin, hindi ko alam kung paano iyon pahalagahan. Hindi ko lang hindi pinagnilayan ang mga dahilan ng pagkabigo ko, patuloy ko pang inisip ang tungkol sa aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan. Inisip kong nakakahiya ang paggawa ng mga tungkuling pagpapatuloy sa bahay, at kahit nang atubili ko iyong tinanggap, ginawa ko iyon sa isang lumalaban at pabasta-bastang paraan. Wala akong konsiyensiya o katwiran. Inuna ko sa lahat ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, at kahit alam kong walang ibang makagagawa ng mga tungkuling pagpapatuloy sa bahay, gusto ko pa ring tanggihan at pabayaan ang mga ito. Hindi ko talaga isinaalang-alang ang mga interes ng iglesia, ni hindi ko inisip ang tungkol sa aking mga tungkulin at responsabilidad. Lubos akong makasarili! Kung hindi ako magsisisi, kamumuhian at ititiwalag ako ng Diyos. Napagtanto ko ang mga nakasasamang kahihinatnan ng paghahangad sa pagpapahalaga sa sarili at katayuan, ninais kong magsisi sa Diyos, para bitiwan ang aking pagpapahalaga sa sarili at katayuan, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa nang maayos ng mga tungkuling ito ng pagpapatuloy sa bahay.

Pagkatapos niyon, hindi na ako nakaramdam ng paglaban kapag gumagawa ng mga tungkuling pagpapatuloy sa bahay. Minsan, nagawa ko pang magtapat at makipagbahaginan sa mga kapatid, at ramdam kong naging mas malaya at napalayaa ako. Nakita kong hindi ako minaliit ng mga kapatid sa paggawa ko ng mga tungkuling pagpapatuloy sa bahay, at talagang napagtanto ko na sa sambahayan ng Diyos, walang pagkakaiba ang matataas o mabababang tungkulin. Ang mga ginagawa ang naiiba lamang. Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, sa tuwing may isinasaayos na gawin mo, mahirap man ito o nakapapagod na gawain, at gusto mo man ito o hindi, tungkulin mo ito. Kung maituturing mo itong isang atas at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Diyos, sa gayon ay may kabuluhan ka sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao. At kung ang ginagawa mo at ang tungkuling ginagampanan mo ay may kabuluhan sa gawain ng Diyos ng pagliligtas ng tao, at kaya mong taimtim at taos-pusong tanggapin ang atas na ibinigay ng Diyos sa iyo, paano ka Niya ituturing? Ituturing ka Niya bilang isang miyembro ng Kanyang pamilya. Isa ba iyong pagpapala o isang sumpa? (Isang pagpapala.) Isa itong malaking pagpapala(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). “Ano ang gampanin ninyo bilang mga nilikha? May kaugnayan ito sa pagsasagawa at sa tungkulin ng isang tao. Isa kang nilikha, at kung binigyan ka ng Diyos ng kaloob sa pag-awit, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na umawit ka, kailangan mong umawit nang maayos. Kung may talento ka ng pangangaral ng ebanghelyo, at isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na ipangaral mo ang ebanghelyo, kung gayon, dapat mo itong gawin nang mahusay Kapag inihahalal ka ng mga hinirang ng Diyos bilang isang lider, dapat mong tanggapin ang atas ng pamumuno, at pangunahan ang mga hinirang ng Diyos sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, sa pagbabahagi tungkol sa katotohanan, at sa pagpasok sa realidad. Kapag ginawa mo ito, magagampanan mo nang mabuti ang iyong tungkulin. Lubhang mahalaga at makahulugan ang atas na ibinibigay ng Diyos sa tao! Kaya, paano mo ba dapat tanggapin ang atas na ito at tuparin ang iyong gampanin? Ito ang isa sa pinakamalalaking isyu na kinakaharap mo, at dapat kang magpasya. Maaaring sabihin na isa itong napakahalagang sandali na magpapasya kung makakamit mo ba ang katotohanan at mapeperpekto ka ba ng Diyos o hindi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, nahanap ko ang isang landas ng pagsasagawa, at naunawaan ko ang posisyong dapat akuin ng mga nilikha sa harap ng Diyos, kasama ng tamang katwiran na dapat nating taglayin. Anumang tungkulin ang isinasaayos ng iglesia, tungkulin man iyan ng pagpapatuloy sa bahay o anumang ibang tungkulin, dapat tayong magpasakop sa Diyos nang walang pasubali. Ito ang tamang katwiran na dapat nating taglayin. Gaano man kalaki ang tungkulin, kung kaya nating magpasakop at tratuhin iyon bilang isang responsabilidad na ibinigay ng Diyos, umasa sa Diyos at gawin ang ating makakaya para makipagtulungan, magkakamit tayo ng mga pakinabang. Halimbawa, maaaring mas hindi kita ang mga tungkuling ginagawa ng ilang kapatid, pero hindi sila naghahangad na mapansin. Nakatuon sila sa paghahanap sa katotohanan at paggawa ng kanilang mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo, at mayroon pa rin silang pag-usad. Kung hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan o hindi nagpapasakop habang ginagawa ang kanyang tungkulin, kung gayon ay gaano man mistulong kahanga-hanga ang tungkulin niya, kung hindi siya nagkakamit ng katotohanan o nakakaranas ng pagbabago sa kanyang disposisyon, tumututol pa rin siya sa Diyos, at ititiwalag sila ng Diyos sa huli. Bawat tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay mahalaga at hindi maaaring mawala. Kagaya kung paanong ang isang makina ay hindi gagana kung mawala ang kahit isang turnilyo. Parang hindi makabuluhan ang mga tungkuling pagpapatuloy sa bahay, pero kung walang sinumang gagawa niyon, hindi magkakaroon ang mga kapatid ng tahimik na kapaligiran kung saan sila magtitipon at gagawa ng kanilang mga tungkulin. Sa pagkatanto nito, sinimulan kong pahalagahan mula sa kaibuturan ng aking puso ang tungkulin kong pagpapatuloy sa bahay, at naging handa akong makipagtulungan nang maayos.

Simula noon, tuwing mayrooon akong mga maling layunin sa aking tungkulin, sadya akong nananalangin sa Diyos para maghimagsik laban sa sarili ko. Matapos makumpleto ang tungkulin ko bawat araw, nananahimik ako, nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nagsusulat ng mga talang debosyonal. Mas may oras akong maging mas malapit sa Diyos. Unti-unti, bumuti ang kalagayan ko, at naramdaman ko na talagang maganda ang tungkuling ito. Totoong naranasan ko ang maiingat na layunin ng Diyos, dahil anumang mga pamamatnugot at pagsasaayos na ginagawa ng Diyos ay sadyang para linisin at baguhin tayo. Hindi nagpapakita ng pagkiling ang Diyos, at anumang tungkulin ang ginagawa ng isang tao, basta tinatanggap niya iyon mula sa Diyos at handa siyang magpasakop at hangarin ang katotohanan, magkakaroon siya ng mga pakinabang.

Sa pagninilay sa karanasang ito, tahimik kong pinasalamatan ang Diyos sa puso ko. Isinaayos ng Diyos ang kapaligirang ito para gumawa ako ng mga tungkuling pagpapatuloy sa bahay, pinungos ako dahil sa paghahangad ko ng pagpapahalaga sa sarili at katayuan, at itinama ang aking mga nakalilinlang na pananaw ukol sa kung paano harapin ang tungkulin ko. Isa itong bagay na kailangan ng buhay ko, at ito ay ang pagmamahal ng Diyos. Naunawaan ko rin na hindi hinahanay ang mga tungkulin pagdating sa kahalagahan o saysay, at anumang uri ng tungkulin ang ginagawa natin, iyon ang mga tungkulin na dapat isagawa ng mga nilikha. Hindi natin dapat gawin ang ating mga tungkulin batay sa personal nating mga kagustuhan, at hindi tayo dapat maging mapili. Dapat tayong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, dahil ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng pagkatao at katwiran. Ang pang-unawa at pagbabagong nakamit ko rito ay dumating bilang resulta ng paggabay ng mga salita ng Diyos.

Sinundan:  59. Lumalago sa Gitna ng Isang Bagyo

Sumunod:  61. Hindi Ako Dapat Magpakita ng Pagkiling Sa Aking Ina

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger