67. Pagkatapos ang Aking Cancer Diagnosis
Noong 1997, sumampalataya ako sa Panginoong Jesus dahil hindi ko magamot ang aking chronic enteritis, at pagkatapos mahanap ang Panginoon, bumuti nang husto ang karamdaman ko. Makalipas ang dalawang taon, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ginagawa ko na ang mga tungkulin ko sa iglesia mula noon. Nang hindi ko man lang namamalayan, tuluyang gumaling ang aking enteritis. Mas lalo pa akong naging masigasig sa paggawa ng mga tungkulin ko, at hindi ko kailanman iniwasan o tinanggihan ang anumang tungkuling isinaayos ng iglesia. Hinahadlangan man ako o inuusig ng aking mister oo sinusubukang arestuhin at usigin ng Partido Komunista, hindi ako umatras ni minsan, at hindi ko kailanman ipinagpaliban ang mga tungkulin ko.
Isang araw noong Mayo 2020, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa aking leeg na parang nasasakal ako, kaya pumunta ako sa ospital para magpacheck-up. Na-diagnose ako na may thyroid nodule. Pagkatapos ng pagsusuri, sinabi ng doktor, “Hindi ito malubha. Uminom ka ng gamot at magpacheck-up ka kada anim na buwan. Hangga’t walang mga abnormalidad, hindi na kailangan magpagamot.” Nang marinig ko ang sinabi ng doktor, naisip ko, “Hindi ito malubhang karamdaman. Hangga’t nagsisikap ako sa mga tungkulin ko, poprotektahan ako ng Diyos.” Kaya, inimom ko ang gamot ko at nagpatuloy ako sa paggawa ng aking mga tungkulin, at tila bumuti naman nang kaunti ang karamdaman ko. Noong 2023, lumala ang kondisyon ko. May nararamdaman akong presyur sa leeg ko kapag natutulog ako, at kinakapos ako ng hininga. Naging mahirap ang pagsasalita, at hindi ako makapagsalita nang hindi pilit. Pagkatapos ng pagsusuri, sinabi ng doktor na lumalala at nagiging kanser ang kondisyon ko at kailangan kong operahan. Naisip ko, “Kasalukuyan akong gumagawa ng mga tungkulin sa pamumuno, at araw-araw akong abala mula umaga hanggang gabi. Poprotektahan ako ng Diyos dahil sa mga pagsisikap at paggugol ko, at hindi ito magiging kanser.” Kaya, hindi na ako masyadong natakot, at sumailalim ako sa operasyon. Maayos naman ang naging takbo ng operasyon, at dalawang araw matapos ang operasyon, sa tulong ng aking pamilya, nakabangon na ako mula sa kama. Pakiramdam ko, ito ang pag-aalaga at proteksiyon ng Diyos, at pinasalamatan ko Siya mula sa kaibuturan ng aking puso.
Makalipas ang kalahating buwan,bumalik ako sa ospital para kunin ang mga medical record ko. Nakita ko na nakasaad sa mga rekord ang isang malignant tumor, isang kanser, at nagsimula akong mabagabag, iniisip na, “Kung gayon, talagang may kanser ako! Kahit inoperahan ako, maaari itong bumalik o kumalat sa katawan ko balang araw. Ibig sabihin ba niyon ay malapit na akong mamatay? Bakit hindi ako pinrotektahan ng Diyos? Nagdusa ako nang husto sa paggawa ng mga tungkulin ko sa loob ng mahigit dalawampung taon. Nagpatuloy ako sa mga tungkulin ko sa kabila ng maraming mapanganib at mahirap na sitwasyon, kaya bakit ako nagkaroon ng kanser? Kung alam ko lang na magkakaroon ako ng kanser, hindi ko sana tinalikuran ang pamilya at trabaho ko para gawin ang mga tungkulin ko. Inakala ko na makakamit ko ang pagliligtas ng Diyos at ang isang magandang hantungan sa hinaharap, pero ngayong may nakamamatay akong sakit at maaari akong pumanaw, hindi na maaabot ang magandang hantungang iyon!” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa at pagkabagabag. Pakiramdam ko ay labis akong kaawa-awa, at hindi ko napigilang umiyak. Sa mga sumunod na araw, isang salita ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isipan—kanser. Lubha akong nasiraan ng loob. Hindi ako makakain o makatulog, masakit ang lahat ng buto ko, at manhid ang mga braso ko. Lumapit ako sa Diyos para magdasal, sinasabi sa Kanya ang tungkol sa kalagayan ko, umaasa na tutulungan Niya akong maunawaan ang Kanyang layunin. Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos kung paano harapin ang karamdaman. Binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at mas naunawaan ko nang kaunti ang layunin Niya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag isinasaayos ng Diyos na ang isang tao ay magkasakit, ng malubhang sakit man o simple, ang layunin Niya sa paggawa nito ay hindi para iparanas sa iyo ang lahat ng aspekto ng pagkakasakit, ang pinsalang idinudulot ng sakit sa iyo, ang mga abala at paghihirap na idinudulot ng sakit sa iyo, at ang samu’t saring damdaming ipinararamdam sa iyo ng sakit—hindi layunin ng Diyos na maunawaan mo ang sakit sa pamamagitan ng pagkakasakit. Sa halip, ang layunin Niya ay para matuto ka ng mga aral mula sa sakit, matuto kung paano maarok ang mga layunin ng Diyos, malaman ang mga tiwaling disposisyon na iyong nahahayag at ang mga maling saloobing mayroon ka tungkol sa Diyos kapag ikaw ay may sakit, at matutuhan mong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, upang magkaroon ka ng tunay na pagpapasakop sa Diyos at magawa mong manindigan sa iyong patotoo—ito ay lubhang mahalaga. Nais ng Diyos na iligtas at linisin ka sa pamamagitan ng sakit. Ano ang nais Niyang linisin sa iyo? Nais Niyang linisin ang lahat ng iyong labis-labis na mga pagnanais at hinihingi sa Diyos, at pati na rin ang iba’t ibang pagkakalkula, paghuhusga, at plano na ginagawa mo anuman ang kapalit upang makaligtas ka at mabuhay. Hindi hinihingi ng Diyos na gumawa ka ng mga plano, hindi Niya hinihingi na manghusga ka, at hindi ka Niya pinahihintulutan na magkaroon ng anumang mga labis-labis na ninanasa sa Kanya; hinihingi lamang Niyang magpasakop ka sa Kanya, at sa iyong pagsasagawa at pagdanas ng pagpapasakop, na malaman mo ang iyong saloobin tungkol sa pagkakasakit, at malaman mo ang iyong saloobin sa mga kondisyong ito sa katawan na itinatakda Niya sa iyo, pati na rin ang iyong mga personal na kahilingan. Kapag nalaman mo na ang mga bagay na ito, mapapahalagahan mo na kung gaano kakapaki-pakinabang sa iyo na isinaayos ng Diyos ang mga kondisyon ng karamdaman para sa iyo o na ibinigay Niya sa iyo ang mga kondisyong ito sa katawan; at mapapahalagahan mo kung gaano nakatutulong ang mga ito sa pagbabago ng iyong disposisyon, sa pagkakamit mo ng kaligtasan, at sa iyong buhay pagpasok. Kaya nga, kapag dumadapo ang karamdaman, hindi mo dapat palaging isipin kung paano mo ito maiiwasan o matatakasan o matatanggihan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, mas lumiwanag ang puso ko. Hindi pala pagbubunyag at pagtitiwalag ng Diyos sa akin ang karamdamang ito, sa halip, nililinis Niya ang aking tiwaling disposisyon at inililigtas ako. Pero hindi ko hinanap ang layunin ng Diyos, at inakala ko na ang pagkakaroon ng karamdamang ito ay nangangahulugang ibinubunyag at itinitiwalag ako ng Diyos. Namuhay ako sa kawalan ng pag-asa, nakikipagtalo at nagrereklamo sa Diyos, at pinagsisihan ko pa nga ang lahat ng pagsisikap at paggugol ko noon. Napagtanto ko na talagang wala akong konsensiya! Ngayon, nauunawaan ko na kung babalik o kakalat man sa katawan ko ang aking karamdaman, at kung gaano man ito lalala, ang lahat ay naglalaman ng layunin ng Diyos. Hindi na ko puwedeng magkamali ng pag-unawa sa Diyos. Kailangan kong hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking mga isyu.
Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa tamang pagharap sa kamatayan, kaya hinanap at binasa ko ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang usapin ng kamatayan ay may kalikasang katulad ng sa iba pang mga bagay. Hindi ang mga tao ang magdedesisyon para sa kanilang sarili, at lalong hindi ito mababago ng kalooban ng tao. Ang kamatayan ay katulad ng anumang mahalagang pangyayari sa buhay: Ito ay ganap na nasa ilalim ng paunang pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Kung ang isang tao ay magmamakaawang mamatay, maaaring hindi siya mamatay; kung magmamakaawa siyang mabuhay, maaaring hindi siya mabuhay. Lahat ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatakda ng Diyos, at ito ay binabago at pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos, ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya nga, kung sakaling ikaw ay magkasakit nang malubha, ng nakamamatay na sakit, hindi tiyak na ikaw ay mamamatay—sino ang nagdedesisyon kung mamamatay ka ba o hindi? (Ang Diyos.) Ang Diyos ang nagdedesisyon. At dahil ang Diyos ang nagdedesisyon at hindi kayang pagdesisyonan ng tao ang gayong bagay, ano ang ikinababalisa at ikinababagabag ng mga tao? … Ang dapat gawin ng mga tao kapag nahaharap sa napakahalagang usapin ng kamatayan ay ang hindi mabagabag, o maligalig, o mangamba dahil dito, kundi ano? Ang mga tao ay dapat maghintay, tama ba? (Oo.) Tama? Ang paghihintay ba ay nangangahulugan ng paghihintay sa kamatayan? Paghihintay na mamatay habang nahaharap sa kamatayan? Tama ba iyon? (Hindi, dapat positibo itong harapin ng mga tao at sila ay magpasakop.) Tama, hindi ito nangangahulugan ng paghihintay sa kamatayan. Huwag kang matakot sa kamatayan, at huwag mong gamitin ang iyong buong lakas sa pag-iisip ng kamatayan. Huwag mong isipin buong araw, ‘Mamamatay ba ako? Kailan ako mamamatay? Ano ang gagawin ko pagkatapos kong mamatay?’ Huwag mo na itong isipin pa. May ilang nagsasabi, ‘Bakit hindi ko ito pag-iisipan? Bakit hindi ko ito pag-iisipan kapag malapit na akong mamatay?’ Dahil hindi alam kung mamamatay ka ba o hindi, at hindi alam kung pahihintulutan ka ba ng Diyos na mamatay—ang mga bagay na ito ay hindi batid. Partikular na hindi batid kung kailan ka mamamatay, saan ka mamamatay, anong oras ka mamamatay, o kung ano ang mararamdaman ng iyong katawan kapag ikaw ay namatay. Sa pagpiga sa iyong utak sa pag-iisip at pagninilay-nilay tungkol sa mga bagay na hindi mo alam at pagkabalisa at pag-aalala tungkol sa mga ito, hindi ba’t nagiging hangal ka? Dahil nagiging hangal ka, hindi mo dapat pigain ang iyong utak tungkol sa mga bagay na ito” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (4)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, lalo pang lumiwanag ang puso ko. Bawat isa sa atin ay makakaranas ng kamatayan, at kung anong sakit ang makukuha natin at kung kailan tayo mamamatay ay pawang pauna nang itinakda ng Diyos. Ang buhay at kamatayan ng isang tao ay hindi naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik, sa halip ay nakasalalay lang sa kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatakda ng Diyos. Pauna nang itinakda ng Diyos ang haba ng buhay ng bawat tao, at wala itong kinalaman sa kanilang pisikal na kondisyon o kung mayroon ba silang malubhang karamdaman. Naisip ko ang nanay ko, na palaging malusog pero nagkaroon siya ng hemiplegia at pumanaw makalipas lang ang ilang taon. Pero ang isa kong kapitbahay, na nabalitaan kong mahina ang kalusugan mula pa noong kuwarenta anyos siya, madalas magkasakit, hindi makapagtrabaho sa bukid, at kaya lang magluto at mag-asikaso ng gawaing bahay, ay ngayon nasa nobenta anyos na. Ipinapakita nito na ang kalusugan at haba ng buhay ng isang tao ay pauna nang itinakda ng Diyos, at kahit na may malubhang karamdaman, kung hindi pa oras ng tao ayon sa paunang pagtatakda ng Diyos, hindi siya mamamatay. Nang maisip ko ito, nagawa kong harapin nang mahinahon ang sarili kong karamdaman.
Pagkatapos, higit pa akong nagbasa ng mga salita ng Diyos: “Sabihin mo sa Akin, sino sa bilyon-bilyong tao sa mundo ang labis na pinagpala na makarinig ng napakaraming salita ng Diyos, na makaunawa ng napakaraming katotohanan ng buhay, at makaunawa ng napakaraming misteryo? Sino sa kanila ang personal na nakakatanggap ng patnubay ng Diyos, ng panustos ng Diyos, ng Kanyang pag-aalaga at proteksyon? Sino ang lubos na pinagpala? Iilan-ilan lamang. Kaya naman, dahil kayong kakaunti ay nakakapamuhay sa sambahayan ng Diyos ngayon, nakakatanggap ng Kanyang kaligtasan, at nakakatanggap ng Kanyang panustos, nagiging sulit ang lahat kahit pa mamatay kayo ngayon din. Kayo ay labis na pinagpala, hindi ba? (Oo.) Kung titingnan ito mula sa perspektibang ito, hindi dapat matakot nang sobra ang mga tao sa usapin ng kamatayan, at hindi rin sila dapat malimitahan nito. Kahit na hindi mo pa natatamasa ang anuman sa kaluwalhatian at kayamanan ng mundo, natanggap mo naman ang habag ng Lumikha at narinig ang napakaraming salita ng Diyos—hindi ba’t kasiya-siya ito? (Oo.) Ilang taon ka mang mabuhay sa buhay na ito, lahat ito ay sulit at wala kang pagsisisihan, dahil palagi mong ginagampanan ang iyong tungkulin sa gawain ng Diyos, naunawaan mo ang katotohanan, naunawaan mo ang mga misteryo ng buhay, at naunawaan mo ang landas at mga layunin na dapat mong hangarin sa buhay—napakarami mo nang natamo! Namuhay ka nang makabuluhan!” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (4)). Ang makatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang isang taong kasinghamak ko ay pagtataas ng Diyos. Sa mahigit dalawampung taon ng pananampalataya ko sa Diyos, natamasa ko ang labis na pagdidilig at pagtustos mula sa mga salita ng Diyos, at ang pag-aalaga at proteksiyon ng Diyos, pero nang magkasakit ako, nagkamali pa rin ako ng pag-unawa at nagreklamo, nakipagtalo ako sa Diyos, at nilabanan ko Siya. Ganap na wala akong patotoo at naging isa akong tanda ng kahihiyan. Labis akong nasaktan, iniisip na sa kabila ng pananampalataya ko sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, hindi pa rin ako nakapasok sa kalakhan ng katotohanang realidad, at na kung mamamatay ako, tanging mga pagsisisi ang maiiwan ko. Dahil buhay pa ako, pakiramdam ko, dapat kong taimtim na hangarin ang katotohanan, at gaano man kahaba ang buhay ko, dapat kong pahalagahan ang bawat araw na mayroon ako, at tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, nang walang pagsisisihan.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at lubos akong naantig. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang inaalala lamang ng marami sa sumusunod sa Diyos ay kung paano magtamo ng mga pagpapala o umiwas sa sakuna. … Iisa lamang ang simpleng pakay ng gayong mga tao sa pagsunod sa Diyos, at ang pakay na iyon ay ang magkamit ng mga pagpapala. Ang gayong mga tao ay ayaw magbigay-pansin sa anumang ibang bagay na hindi direktang may kinalaman sa pakay na ito. Para sa kanila, walang layon na mas lehitimo kaysa maniwala sa Diyos upang makatanggap ng mga pagpapala—ito ang mismong halaga ng kanilang pananalig. Kung may isang bagay na hindi nakakatulong sa pakay na ito, nananatili silang ganap na hindi naaantig nito. Ganyan ang karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang pakay at intensyon ay mukhang lehitimo, dahil habang naniniwala sila sa Diyos, gumugugol din sila para sa Diyos, inaalay ang kanilang sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinusuko nila ang kanilang kabataan, tinatalikuran ang pamilya at propesyon, at gumugugol pa nga ng maraming taon na malayo sa tahanan na abalang-abala. Para sa kapakanan ng kanilang pinakalayon, binabago nila ang kanilang sariling mga interes, ang kanilang pananaw sa buhay, at maging ang direksyong kanilang hinahanap; subalit hindi nila mabago ang pakay ng kanilang pananampalataya sa Diyos. … Sa sandaling ito, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunman, ay lubos na karapat-dapat nating himayin. Bukod sa mga pakinabang na lubos na nauugnay sa kanila, maaari kayang may iba pang dahilan kaya ang mga taong hindi kailanman nauunawaan ang Diyos ay nagbibigay ng napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating di-matukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isa lamang hayagang pansariling interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pagkakaunawaan, tanging walang magawang pinipigilang indignasyon at panlilinlang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Matapos manampalataya sa Diyos at makitang pinagaling Niya ang aking karamdaman, tinalikuran ko ang pamilya at propesyon ko para gawin ang aking tungkulin, at kahit nang inusig ako ng pamilya ko at nanganganib akong maaresto, hindi ako naapektuhan. Pero nang malaman kong may kanser ako, at nasira ang mga pag-asa ko sa mga pagpapala, nakipagtalo ako sa Diyos, nagreklamo na hindi Niya ako pinrotektahan, at pinagsisihan ko ang mga dating paggugol at pagsisikap ko, at ayaw ko nang magdasal sa Diyos o magbasa ng Kanyang mga salita. Saka ko lang nakita na ang ugnayan ko sa Diyos ay transaksiyonal lang. Gusto kong ipagpalit ang mga sakripisyo at pagsisikap ko sa isang magandang hantungan. Sinusubukan kong linlangin at gamitin ang Diyos. Napakamakasarili at kasuklam-suklam ko! Ang isang taong may pagkatao ay hindi magkakamali ng pag-unawa o magrereklamo tungkol sa Diyos kapag nahaharap sa mga pagsubok, kundi hahanapin niya ang layuning ng Diyos, at kahit nasasaktan, tatayo pa rin siya sa kanyang tamang posisyon bilang isang nilikha at hahayaan ang Diyos na mamatnugot sa kanya ayon sa nais ng Diyos. Pero kung titingnan ko ang sarili ko, ipinagwalang-bahala ko ang lahat ng biyaya at pagpapalang ibinigay sa akin ng Diyos, at nang may isang bagay na hindi tumugon sa mga hinihingi ko, sinisi ko ang Diyos. Tunay na wala akong pagkatao at hindi ako karapatdapat mabuhay. Kahit na wasakin ako ng Diyos, iyon ay pagiging matuwid Niya! Pero binigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataong magsisi, gamit ang mga salita Niya para bigyang-liwanag at gabayan ako na magnilay sa aking sarili. Hindi na ako puwedeng magkamali ng pag-unawa o magreklamo tungkol sa Diyos. Kailangan kong hangarin ang katotohanan at gawin nang maayos ang mga tungkulin ko.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nakahanap ako ng ilang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa kapag nagawang perpekto at nagtamasa ng mga biyaya ng Diyos ang isang tao matapos magdanas ng paghatol. Ang magdusa sa kasawian ay tumutukoy sa kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbago matapos siyang magdanas ng pagkastigo at paghatol; hindi niya nadanas na magawang perpekto kundi maparusahan. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag. Yaong mga pabasta-basta sa kanilang tungkulin at hindi hinahanap ang katotohanan ay ititiwalag sa bandang huli, sapagkat ang gayong mga tao ay hindi ginagawa ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa paggampan ng kanilang tungkulin. Sila yaong mga nananatiling hindi nagbabago at magdurusa sa kasawian. Hindi lamang marumi ang kanilang mga pagpapahayag, kundi buktot ang lahat ng kanilang ipinapahayag” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang paggampan sa tungkulin ay walang kinalaman sa pagtanggap ng mga pagpapala o pagdurusa sa mga sakuna, at na ganap na likas at may katwiran na gawin ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, at hindi mahalaga kung mayroon silang magandang kalalabasan o hantungan, o kung maaari silang pagpalain, dapat nilang gawin ang kanilang mga tungkulin. Dagdag pa rito, ang mga pagpapala ang tinatamasa ng mga tao bilang resulta ng paghahangad sa katotohanan at pagkamit ng pagbabago sa disposisyon habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin at kapag naligtas sila ng Diyos sa huli. Kung hindi magbabago ang tiwaling disposisyon ng isang tao, maparurusahan siya sa huli. Batay sa mga salita ng Diyos, nakita ko kung gaano katawa-tawa ang mga pananaw ko. Palagi kong inakala na basta’t higit akong nagdurusa, nagsasakripisyo, at gumugugol ng sarili ko para sa Diyos, maliligtas ako, at matatanggap ko ang magandang hantungan na ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao. Pero ito ay pag-iilusyon ko lang. Kung ginawa ko lang ang tungkulin ko nang hindi sinusuri ang mga karumihan nito, hindi pinagtuunan ang paghahangad sa katotohanan, at hindi kailanman nagbago ang aking tiwaling disposisyon, at nang hindi ako makatanggap ng mga pagpapala, sinisi ko pa ang Diyos, sa huli, parurusahan ako dahil sa paglaban sa Diyos. Nang makita ko ito, napagtanto ko kung gaano ako nanganganib. Kung magpapatuloy ako sa landas na ito, ititiwalag ako nang hindi ko man lang nalalaman kung bakit! Taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos sa pagpapahintulot ng karamdamang ito na tulungan akong makita ang maling landas na tinahak ko sa aking pananalig at maituwid ko ang sarili ko sa oras. Naunawaan ko rin na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi dapat tungkol sa paghahangad ng mga pagpapala, kundi tungkol sa paghahangad ng katotohanan at pagbabago sa disposisyon, at pagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos. Nang mapagtanto ang mga bagay na ito, agad na gumaan at lumaya ang puso ko, at hindi na ako napipigilan ng karamdaman o kamatayan. Kung babalik ang sakit ko o kakalat sa katawan ko, handa na akong magpasakop sa mga pamamatnugot ng Diyos. Hindi mahalaga kung magagamot ang sakit ko o kung makakatanggap ako ng mga pagpapala sa hinaharap, sisikapin ko sa abot ng aking makakaya na gawin nang maayos ang aking mga tungkulin. Pagkatapos niyon, nagsimula akong makipagtulungan sa mga kapatid para lutasin ang mga paghihirap at problema sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at nagkamit kami ng ilang resulta. Makalipas ang mahigit sampung araw, nagpa-health check-up uli ako, at sa hindi inaasahan, naging normal na ang lahat ng resulta.
Marami akong nakamit mula sa karamdamang ito. Nakita ko ang tunay kong tayog, at nakita ko na tinalikuran ko ang aking pamilya at propesyon sa loob ng maraming taon para lang sa mga pagpapala, at para lang sa mga pakinabang. Tunay na matigas ang kalooban ko! Binigyan ako ng Diyos ng napakaraming biyaya at pagpapala, at palagi siyang gumagawa para iligtas ako, pero dahil sa isang bagay na ito na hindi nakakatugon sa mga hinihingi ko, nakipagtalo ako sa Diyos at sinisi ko Siya. Nagbayad nang napakalaki ang Diyos para sa akin pero hindi Niya makuha ang tunay kong puso bilang kapalit! Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng labis na pagkakautang sa Diyos. Pero kasabay nito, lubos akong nagpapasalamat sa Diyos, dahil kung hindi dahil sa karamdamang ito, hinding-hindi ko sana makikilala at mapagninilayan ang aking sarili, magpapatuloy sana ako sa panlilinlang, pangingikil at pakikipagtransaksiyon sa Kanya. Kung hindi ito ibinunyag ng Diyos, iisipin ko pa rin na maliligtas ako. Pero ngayon, nakikita ko na kahabag-habag ang liit ng tayog ko at malayong maliligtas ako! Kailangan kong magsimulang muli, pero sa pagkakataong ito, nang may katwiran. Paano man ako subukan ng Diyos sa hinaharap, dapat akong magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot, maghangad sa katotohanan at maghanap ng pagbabago sa aking disposisyon.