71. Tanda Ba na Isang Mabuting Tao ang Paggalang sa Nakatatanda at Pagmamalasakit sa Nakababata?

Ni Zhou Zhou, Tsina

Isinilang ako sa isang tradisyonal na pamilyang Tsino. Magmula noong bata ako, tinuruan ako ng mga magulang ko na maging isang batang may mahusay na pinag-aralan, makatwiran, at magalang, at na magalang kong batiin ang mga nakatatanda sa akin kapag nakita ko sila at huwag maging bastos, kung hindi, sasabihin ng mga tao na wala akong modo. Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, madalas na sinasabi sa amin ng mga guro na ang Tsina ay isang bansang palaging nagbibigay-diin sa mga ritwal at magandang asal, at na dapat magkaroon ng mabuting asal ang mga tao sa kanilang mga pakikipag-ugnayan sa iba. Madalas akong nakababasa sa aking mga aklat-aralin ng mga istoryang may aral tulad ng kuwento kay Kong Rong na isinusuko ang malalaking peras, at lubos na natanim sa utak ko ang mga kuwentong ito. Akala ko, dapat magkaroon ng wastong mabuting asal at ng paggalang sa nakatatanda at ng malasakit sa nakababata ang isang tao; saka lamang siya magiging isang mabuting tao, na mula sa mabuting pamilya. Sa buong panahon, namuhay ako ayon sa tradisyonal na kulturang ito, nagpapakita ng pagrespeto at paggalang sa mga nakatatanda sa akin at hindi sila kailanman sinasalungat. Kahit na may isang pagkakataon noong nakita ko silang may ginagawang mali, hindi ako kailanman mangangahas na tukuyin ito nang harapan sa kanila. Pagkatapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos at gawin ang tungkulin ko, sa iglesia, namuhay pa rin ako sa mga tradisyonal na ideya ng isang taong may mahusay na pinag-aralan at makatwiran, may paggalang sa nakatatanda at pagmamalasakit sa nakababata. Lalo na pagdating sa kung paano ko ituring ang mga mas nakatatandang kapatid, hindi ko sila kailanman direktang tatawagin sa kanilang mga pangalan, palaging ko silang magalang na tinatawag bilang “Ginang Ganito at ganoon” o “Ginoong Ganito at ganoon” para iisipin ng mga tao na maalalahanin at may magandang asal ako. Noong ipareha ako sa ilang nakatatandang kapatid at nakita ko na may ilan silang problema sa kanilang mga tungkulin, hindi ako nangahas na banggitin ang mga ito sa kanila. Inisip ko, “Kahenerasyon ng aking mga magulang ang lahat ng kapatid na ito, at ang ilan pa nga sa kanila ay may-edad na talaga para maging aking mga lolo o lola. Kung diretsahan kong tutukuyin ang mga problema nila, hindi ba’t sasabihin nilang wala akong respeto at walang modo?” Dahil dito, bihira kong tukuyin ang mga problema nila. Kahit na may sabihin ako, dapat muna akong maghanap ng tamang mga salita at magsabi nang may banayad na tono para hindi ko masaktan ang pride nila. Dahil palagi akong umaasal sa maayos, pino, at magalang na paraan sa harap ng mga kapatid, inakala ng lahat na parang matanda akong mag-isip ako at matatag at na may mabuti akong pagkatao, at inakala ko na sa paggawa nito, isinasagawa ko ang katotohanan.

Kalaunan, tinanggap ko sa iglesia ang tungkuling nakabatay sa teksto. Isang beses, sinabi ng lider na kulang sa tao ang gawaing nakabatay sa teksto. Sinabi niya na isang brother na nagngangalang Wen Tao ang gumawa dati sa tungkuling nakabatay sa teksto at naarok ang ilang prinsipyo, kaya gusto niyang isaayos na makasama namin sa grupo ang brother na ito at inutusan akong makipagbahaginan dito. Pagkatapos kong makipagbahaginan kay Wen Tao, handa siyang makipagtulungan, sinasabi lang na mahina ang katawan niya at hindi niya kayang magtrabaho nang sobra-sobra. Sinabi ko sa kanya na puwede naming resonableng ayusin ang mga gagawin niya batay sa kalagayan ng kanyang kalusugan, at nang sa gayon ay maayos na mapapanatili ang kanyang kalusugan at lakas. Sumang-ayon siya rito. Gayumpaman, dalawang araw pa lamang ang nakalipas nang sabihin ng lider na sinulatan siya ni Wen Tao na nagsasabing hindi maayos ang kalusugan nito at na gusto nitong magpalaganap ng ebanghelyo sa halip na gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto. Inutusan ako ng lider na makipagbahaginang muli kay Wen Tao. Naisip ko, “Kapag ipinalaganap niya ang ebanghelyo, karaniwang kailangan niyang mag-iiikot; hindi ba’t kakailanganin niya pa ring magdusa? Bakit handa siyang magpalaganap ng ebanghelyo pero ayaw gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto? May pinagdaraanan ba siya? O iniisip kaya niya na hindi siya pahihintulutang makakuha ng atensyon ng paggawa sa tungkuling nakabatay sa teksto?” Kaya gusto kong makipagbahaginan sa kanya, pero nag-aalala rin ako kung ano ang iisipin niya sa akin kapag harapan ko itong sinabi sa kanya. Baka tawagin niyang bata at mayabang ako, sasabihing, “Bago ka pa sa pananampalataya sa Diyos pero tinutukoy mo na ang mga problema ko. Bastos ka at walang galang!” Batay sa edad niya, puwedeng ituring na elder ko na si Wen Tao, at kapag nakikita ko siya, karaniwan ko siyang tinatawag na “Ginoong Wen.” Kung harapan kong tukuyin sa kanya ang kanyang mga problema sa pagkakataong ito, hindi ba’t mangangahulugan iyon na hindi ako pinalaki nang maayos at wala akong galang? Sa pag-iisip ko nito, naisip kong kailangan kong itikom ang bibig ko. Nang sumunod na araw, nang makipagkita ako kay Wen Tao, tinanong ko lang siya ng ilang katanungan tungkol sa kalagayan niya, at kung may mga problema siya sa kanyang tungkulin, at pagkatapos ay nakipagbahaginan ako sa kanya batay sa aking karanasan. Sa huli, sumang-ayon siya na patuloy na gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto.

Hindi nagtagal, tinalakay ni Wen Tao sa isang pagtitipon ang kalagayan niya, at tinukoy ng isang sister ang mga isyu niya, na nagsasabing, “May problema ba na nagdulot sa iyong ayawang gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto? O may motibo ba sa likod nito? Dahil ba ginagawa ang tungkuling ito nang walang nakakakita, o may iba pang dahilan?” Salamat sa paalala ng sister na ito, nagsimulang pagnilayan ni Wen Tao ang kanyang sarili, at napagtanto niya na ang pagkamapili niya sa kanyang tungkulin ay naimpluwensiyahan ng kanyang pagnanais ng reputasyon at katayuan. Inakala niyang makaaagaw siya ng pansin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, pinahahanga sa kanya ang mga kapatid saanman siya pumunta, samantalang hindi siya pahihintulutan ng tungkuling nakabatay sa teksto para mapansin at walang makaaalam kung gaanong pagsisikap ang iginugugol niya rito. Dahil dito, gusto niyang ipalaganap ang ebanghelyo, isang tungkuling makaaagaw ng atensyon. Pagkatapos nito, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos si Wen Tao, pinagninilayan at sinusubukang kilalanin ang sarili niya, at napagtanto niya na sa kanyang paghahangad sa reputasyon at katayuan, tinatahak niya ang landas ni Pablo. Binago niya ang kanyang maling pananaw kung saan niya ibinabase ang pagturing sa kanyang mga tungkulin at sumulat siya ng isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan. Nang marinig ko ito, nagnilay ako, iniisip na, “Alam ko rin na may dahilan sa likod ng pag-ayaw ni Wen Tao na gawin ang tungkuling nakabatay sa teksto, kaya bakit napakabagal kong kumilos at ayaw tukuyin ang mga problema niya? Ano ba mismo ang nagkokontrol sa akin?” Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa iglesia, kapag ang isang tao ay mas matanda o maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, palagi mo silang ayaw mapahiya. Hinahayaan mo silang matapos magsalita, hindi ka sumasabat sa kanila kahit na walang saysay ang sinasabi nila, at kahit may ginagawa silang mali at kailangan silang pungusan, sinusubukan mo pa ring hindi sila ipahiya at umiiwas kang punahin sila sa harap ng iba, iniisip na gaano man kawalang katwiran o katerible ang mga kilos nila, kailangan pa rin silang patawarin at kunsintihin ng lahat ng tao. Palagi mo ring itinuturo sa iba: ‘Hindi natin dapat ipahiya ang matatanda at hindi natin dapat masira ang kanilang dignidad. Nakababata tayo sa kanila.’ Saan galing ang terminong ‘nakababata’? (Sa tradisyonal na kultura.) Galing ito sa kaisipan ng tradisyonal na kultura. Dagdag pa rito, isang partikular na kalagayan ang nabuo sa iglesia na kapag ang mga tao ay may mga nakakasalamuhang nakakatandang kapatid, malugod nilang tinatawag ang mga ito na ‘Kuya,’ ‘Ate,’ ‘Tita,’ o ‘Diko,’ na tila ba ang lahat ay parte ng isang malaking pamilya; ang mga nakakatandang taong ito ay binibigyan ng karagdagang respeto, na hindi napapansing nag-iiwan ng mabuting impresyon sa isipan ng ibang tao tungkol sa mga nakababata. Ang mga elementong ito ng tradisyonal na kultura ay malalim nang nag-ugat sa mga kaisipan at buto ng mga Tsino, hanggang sa puntong patuloy na pinapalaganap at hinuhubog ng mga ito ang kalagayan sa buhay iglesia. Dahil ang mga tao ay palaging nililimitahan at kinokontrol ng mga konseptong ito, hindi lang nila personal na sinusuportahan ang mga ito, nagtatrabaho nang maigi para kumilos at magsagawa sa direksyong ito, sinasang-ayunan pa nila na gawin ito ng iba, tinuturuan ang mga ito na sumunod. Ang tradisyonal na kultura ay hindi ang katotohanan; ito ay tiyak. Pero sapat na ba na malaman lang ng mga tao na hindi ito ang katotohanan? Ang hindi nito pagiging katotohanan ay isang aspekto; bakit natin ito dapat himayin? Ano ang ugat nito? Saan naroroon ang diwa ng problema? Paano mabibitawan ng isang tao ang mga bagay na ito? Ang paghimay sa tradisyonal na kultura ay para bigyan ka ng bagong-bagong pagkaunawa sa mga teorya, kaisipan, at pananaw ng aspektong ito sa kaibuturan ng puso mo. Paano makakamit ang bagong-bagong pagkaunawang ito? Una, dapat mong malaman na nagmula kay Satanas ang tradisyonal na kultura. At paano ikinikintal ni Satanas sa mga tao ang mga elementong ito ng tradisyonal na kultura? Sa bawat kapanahunan, gumagamit si Satanas ng ilang kilalang personalidad at dakilang tao para ipalaganap ang mga kaisipang ito, ang mga tinatawag na kasabihan at teoryang ito. Pagkatapos, dahan-dahang ginagawang sistematiko at kongkreto ang mga ideyang ito, palapit nang palapit sa buhay ng mga tao, at kalaunan ay nagiging laganap na ang mga ito sa mga tao; unti-unti, ang mga satanikong kaisipan, kasabihan, at teoryang ito ay naikikintal sa isipan ng mga tao. Pagkatapos silang maindoktrinahan, itinuturing ng mga tao ang mga kaisipan at teoryang ito na galing kay Satanas bilang ang pinakapositibong mga bagay na dapat nilang isagawa at kapitan. Pagkatapos, ginagamit ni Satanas ang mga bagay na ito para ikulong at kontrolin ang isipan ng mga tao. Hene-henerasyon na ang naturuan, nakondisyon, at nakontrol sa ilalim ng mga ganitong pangyayari, hanggang sa kasalukuyan. Lahat ng henerasyong ito ay naniwalang tama at mabuti ang tradisyonal na kultura. Walang naghihimay sa mga pinanggalingan o pinagmulan ng mga tinatawag na mabuti at tamang bagay na ito—ito ang nagpapalubha sa problema. Kahit ang mga mananampalatayang maraming taon nang nagbabasa ng mga salita ng Diyos ay naniniwala pa rin na tama at positibo ang mga bagay na ito, hanggang sa puntong naniniwala sila na mapapalitan ng mga ito ang katotohanan, na mapapalitan ng mga ito ang mga salita ng Diyos. Higit pa rito, may ilang nag-iisip na, ‘Gaano karami man sa mga salita ng Diyos ang binabasa natin, sa pamumuhay kasama ng mga tao, ang mga tinatawag na tradisyonal na ideya at tradisyonal na elemento ng kultura—gaya ng Tatlong Pagsunod at Apat na Birtud, gayundin ang mga konsepto gaya ng kabutihang-loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan—ay hindi puwedeng tanggalin. Ito ay dahil ang mga ito ay ipinamana sa atin ng mga ninuno natin, na marurunong. Hindi natin puwedeng kalabanin ang mga itinuro ng mga ninuno natin dahil lang nananampalataya tayo sa Diyos, at hindi natin puwedeng baguhin o abandonahin ang mga itinuro ng mga ninuno natin at ng mga sinaunang marurunong.’ Ang ganitong mga kaisipan at kamalayan ay umiiral sa puso ng lahat ng tao. Hindi nila namamalayan na nakokontrol at nagagapos pa rin sila ng mga elementong ito ng tradisyonal na kultura. Halimbawa, kapag nakita ng isang bata na nasa bente anyos ka na at tinawag ka niyang ‘tito,’ nalulugod at nasisiyahan ka. Kung direkta ka niyang tinatawag sa pangalan mo, hindi komportable ang pakiramdam mo, iniisip mo na hindi magalang ang batang ito at dapat sawayin, at nagbabago ang saloobin mo. Ang totoo, tawagin ka man niyang tito o sa pangalan mo, wala itong anumang epekto sa iyong integridad. Kaya bakit ka hindi masaya kapag hindi ka niya tinatawag na tito? Ito ay dahil pinamumunuan at iniimpluwensiyahan ka ng tradisyonal na kultura; ito ay nauna nang nag-ugat sa isipan mo at naging pangunahing pamantayan mo na sa pagtrato sa mga tao, pangyayari, at bagay, at sa pagsuri at paghusga sa lahat ng bagay. Kapag mali ang iyong pamantayan, puwede bang maging tama ang kalikasan ng iyong mga kilos? Tiyak na hindi puwede(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Lubos akong naimpluwensiyahan ng tradisyonal na kultura at ng mga ideya na gaya ng paggalang sa nakatatanda at pagmamalasakit sa nakababata at pagiging magalang at pino. Mula sa murang edad, pinaniwala ako ng aking edukasyon sa bahay at paaralan na kung may mabuting asal, may pinag-aralan, at katwiran ako, saka lamang ako maituturing na isang mabuting tao, at na mga walang modo ang mga hindi tumatawag nang angkop sa mga nakatatanda at mga walang galang sa kanila at hindi nararapat sa respeto ng mga tao. Nakikipag-ugnayan man ako sa mga walang pananampalataya o ginagawa ang aking tungkulin sa sambahayan ng Diyos, palagi akong namumuhay sa mga tradisyonal na ideyang ito, itinuturing ang mga iyon bilang mga kautusan sa pag-asal ko at naniniwalang ang pagkilos nang ganito ay nangangahulugang isinasagawa ko ang katotohanan. Kapag nakikipag-ugnayan ako sa mga kapatid na mas matanda sa akin, para bigyan sila ng positibong imahe ko bilang isang taong may mabuting asal, hindi ko sila kailanman tatawagin sa pangalan lang nila, sa halip, magalang ko silang tinatawag na “Ginoo” o “Ginang.” Sa mga panahong napapansin ko ang kanilang mga tiwaling pagbubunyag, naging tapat na tao dapat ako at inilahad ito sa kanila para tulungan silang hanapin ang katotohanan para lutasin ito, pero para maiwasang mawasak ang positibong imahe ko na pinanghahawakan ng mga kapatid sa puso nila, hindi ako kailanman nangahas na tukuyin nang direkta ang mga ito sa kanila. Inakala ko na ang paggawa nito ay magpapakita na hindi ako pinalaki nang maayos at na wala akong modo, at kung may sabihin man ako, magpapaliguy-ligoy ako at maingat na babanggitin ang paksa, na ganap na hindi epektibo. Gaya noong huling beses, nang makipagbahaginan ako kay Wen Tao tungkol sa usaping ito sa mga tungkulin niya, nakita ko nang malinaw ang problema niyang ito ng pagtanggi sa kanyang tungkulin at dapat na tinukoy ko ito sa kanya at tinulungan siyang pagnilayan ang kanyang sarili at matuto ng mga aral, pero para pigilan siyang isipin na wala akong galang at hindi pinalaki nang maayos, pinigil kong sabihin ito nang direkta sa kanya, bahagya lamang itong tinatalakay sa pagsasabi ng ilang salita at doktrina at inaakalang sapat na iyon para lutasin ang problema. Sa realidad, wala ni katiting na naitulong ito sa kanya; pinipinsala ko siya sa paggawa nito! Sa wakas ay nakita ko nang malinaw na hindi katotohanan at hindi prinsipyo ng pag-asal ng sarili ang paggalang sa nakatatanda at pagmamalasakit sa nakababata, ni hindi ito batayan ng paghusga sa pagkatao ng isang tao.

Pagkatapos nito, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa ano ipinapabatay ng Diyos sa tao ang mga pagsukat sa iba? Ayon sa ano Niya ipinapatingin sa tao ang mga tao at bagay? (Ayon sa Kanyang mga salita.) Ipinapatingin Niya sa tao ang mga tao ayon sa Kanyang mga salita. Sa partikular, nangangahulugan ito ng pagsukat sa kung may pagkatao ang isang tao batay sa Kanyang mga salita. Iyon ay bahagi nito. Bukod doon, nakabatay ito sa kung minamahal ng taong iyon ang katotohanan, kung mayroon siyang may-takot-sa-Diyos na puso, at kung kaya niyang magpasakop sa katotohanan. Hindi ba’t ang mga ito ang mga detalye nito? (Oo.) Kaya, sa ano ibinabatay ng tao ang kanyang mga pagsukat sa kabutihan ng iba? Sa kung sila ay sibilisado at lubos na may kontrol sa sarili, sa kung matunog nilang pinaglalapat ang mga labi nila o may tendensiya silang maghalukay ng mga piraso ng pagkain kapag kumakain sila, sa kung naghihintay silang makaupo ang mga nakatatanda sa kanila bago sila umupo kapag kakain. Ginagamit niya ang mga gayong bagay upang sukatin ang ibang tao. Hindi ba’t ang paggamit sa mga bagay na ito ay paggamit sa pamantayan ng pag-uugali na gaya ng pagiging may pinag-aralan at matino? (Ganoon nga.) Tumpak ba ang mga gayong pagsukat? Naaayon ba ang mga ito sa katotohanan? (Hindi.) Malinaw na malinaw na hindi naaayon ang mga ito sa katotohanan. Ano kung gayon ang kinahihinatnan ng gayong pagsukat sa huli? Naniniwala ang sumusukat na sinumang may pinag-aralan at matino ay mabuting tao, at kung hihimukin mo siyang magbahagi tungkol sa katotohanan, palagi niyang ikikintal sa mga tao ang mga patakaran at turo na pantahanan, at ang mabubuting pag-uugaling iyon. At ang kahihinatnan sa huli ng kanyang pagkintal ng mga bagay na ito sa mga tao ay na aakayin niya ang mga tao tungo sa mabubuting pag-uugali, ngunit hindi man lang magbabago ang tiwaling diwa ng mga taong iyon. Ang ganitong paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ay napakalayo sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. Nagtataglay lang ang mga gayong tao ng ilang mabuting pag-uugali. Kaya, mababago ba ang mga tiwaling disposisyon sa loob-loob nila dahil sa mabuting pag-uugali? Matatamo ba nila ang pagpapasakop at katapatan sa Diyos? Talagang hindi. Ano ang nangyari sa mga taong ito? Sila ay naging mga Pariseo, na mayroon lang panlabas na mabuting pag-uugali ngunit hindi talaga nauunawaan ang katotohanan, at hindi makapagpasakop sa Diyos. Hindi ba’t ganoon iyon? (Ganoon nga.) Tingnan ang mga Pariseo—hindi ba’t walang maipipintas sa panlabas na hitsura nila? Ipinangingilin nila ang Araw ng Sabbath; sa Araw ng Sabbath, wala silang ginagawa. Sila ay magalang magsalita, lubos na may kontrol sa sarili at sumusunod sa patakaran, lubos na nalinang, napakasibilisado at edukado. Dahil magaling silang magbalatkayo at hindi talaga sila natatakot sa Diyos, bagkus ay hinusgahan at kinondena nila ang Diyos, isinumpa sila ng Diyos sa huli. Tinukoy ng Diyos na sila ay mga mapagpaimbabaw na Pariseo, na pawang mga taong gumagawa ng masama. Gayundin, ang uri ng mga taong ginagamit ang mabuting pag-uugaling may pinag-aralan at matino bilang pamantayan ng kanilang asal at kilos ay malinaw na hindi mga taong naghahangad sa katotohanan. Kapag ginagamit nila ang patakarang ito upang sukatin ang iba, at upang umasal at kumilos, siyempre, hindi nila hinahangad ang katotohanan; at kapag hinuhusgahan nila ang isang tao o bagay, ang pamantayan at batayan ng paghusgang iyon ay hindi nakaayon sa katotohanan, bagkus ay labag dito. Ang tanging pinagtutuunan nila ay ang pag-uugali, mga gawi ng isang tao, hindi ang kanyang disposisyon at diwa. Ang kanilang batayan ay hindi ang mga salita ng Diyos, hindi ang katotohanan; sa halip, nakabatay ang kanilang mga pagsukat sa pamantayang ito ng pag-uugali sa tradisyonal na kultura na gaya ng pagiging may pinag-aralan at matino. Ang resulta ng gayong pagsukat ay na para sa kanila, mabuti at naaayon sa mga layunin ng Diyos ang isang tao basta’t ang taong iyon ay may gayong panlabas na mabubuting pag-uugali na gaya ng pagiging may pinag-aralan at matino. Kapag gumagamit ang mga tao ng mga gayong pagkaklasipika, malinaw na sumasalungat sila sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. At kapag mas ginagamit nila ang pamantayang ito sa pag-uugali upang tingnan ang mga tao at bagay, at upang umasal at kumilos, ang kinahihinatnan nito ay lahat sila ay lalong nalalayo sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Kahit ganoon, nasisiyahan sila sa ginagawa nila at naniniwala silang hinahangad nila ang katotohanan. Sa pagtataguyod sa ilan sa mabubuting pahayag ng tradisyonal na kultura, naniniwala silang itinataguyod nila ang katotohanan at ang tunay na daan. Subalit gaano man nila sinusunod at iginigiit ang mga bagay na iyon, sa huli ay hindi sila magkakaroon ng anumang karanasan o pagpapahalaga sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, at hindi rin sila magpapasakop sa Diyos kahit papaano. Lalong hindi ito makapagdudulot ng tunay na takot sa Diyos. Iyon ang nangyayari kapag itinataguyod ng mga tao ang anuman at lahat ng gayong mabubuting pag-uugali na gaya ng pagiging may pinag-aralan at matino. Kapag mas tumutuon ang tao sa mabuting pag-uugali, sa pagsasabuhay nito, sa paghahangad nito, mas napapalayo siya sa mga salita ng Diyos—at kapag mas malayo ang tao sa mga salita ng Diyos, mas hindi niya nauunawaan ang katotohanan. Malamang na ito nga ang mangyari(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (3)). Sa panlabas, mukhang tinutulungan tayo ng tradisyonal na kultura na maging may pinag-aralan, makatwiran, at mararangal na tao, pero sa realidad, tinuturuan tayo nito kung paano magkunwari at magbalat-kayo at kung paano gumamit ng mga mababaw na huwad na anyo para dayain ang mga tao. Sa pamumuhay ayon sa tradisyonal na kultura, makapagpapakita lamang tayo ng pansamantalang huwad na anyo ng mabuting pag-uugali at ganap na hindi malulutas ang ating mga tiwaling disposisyon. Sa pamumuhay ayon sa tradisyonal na kultura, hindi natin kailanman maisasabuhay ang tunay na wangis ng tao. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, ang hinihingi Niya sa atin ay: “Ang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (2)). Ibig sabihin, dapat magsalita ang mga tao at kumilos nang may-takot-sa-Diyos na puso, protektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa kanilang mga tungkulin, dalisay na magbukas at maging isang matapat na tao kapag nakikipag-ugnayan sa mga kapatid, at magtulungan sa buhay pagpasok. Ito ang pagkatao at katwiran na dapat taglayin ng mga tao. Gayumpaman, hindi ako umasal ayon sa mga kahilingan ng Diyos, sa halip ay itinuturing ko ang tradisyonal na kultura na naikintal sa atin ni Satanas, gaya ng pagiging may pinag-aralan, makatwiran, pino, at magalang, bilang mga katotohanang pinanghahawakan, gumagamit ng mga panlabas na mabuting pag-uugali para magbalat-kayo. Lalo na noong ipinareha ako sa mga nakatatandang kapatid at malinaw na kinaaayawan sila sa kaibuturan, nagkunwari pa rin akong mapagpasensiya at mapagmahal sa kanila sa panlabas, ginagamit ito para ilihis ang mga tao at para makita nila ako sa positibong paraan. Noong makita ko ang mga problema sa mga tungkulin ng mga kapatid, hindi ko ito tinukoy sa kanila at hindi sila tinulungan, sa halip ay palagi kong isinasaalang-alang ang kanilang mga damdamin at natatakot na masasaktan ko sila sa pagsasabi sa kanila. Akala ko na ang pagkilos nang ganito ay nangangahulugang iginagalang ko ang mga kapatid at na nagpapakita ako ng kapinuhan, pero sa realidad, ginagamit ko lamang ito na paraan para itatag ang mabuting imahe ko bilang isang taong pino at magalang. Paanong ang taong gaya ko ay may pagkatao? Makasarili at mapanlinlang ako, walang pinagkaiba sa mga mapagpaimbabaw na Pariseo na naglihis sa mga tao. Namumuhay ako ayon sa tradisyonal na kulturang ito at unti-unting nagiging mapagpanggap at mapanlinlang, na walang konsensiya o katwiran. Naunawaan ko rin na ang pagsasagawa ng katotohanan na hinihingi ng Diyos ay hindi ang pagkukunwaring magpakita ng mabuting pag-uugali sa panlabas, kundi sa halip ay iyong nagagawang gawin ang lahat ng bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo at hindi na namumuhay sa mga tiwaling disposisyon ng isang tao. Samantala, nagkamali ako nang ituring kong katotohanan ang gayong tradisyonal na kultura gaya ng paggalang sa nakatatanda at pagmamalasakit sa nakababata, inaakalang isasagawa ko ang katotohanan hangga’t nakakapit ako nang mahigpit sa mga mabababaw na mabuting pag-uugaling ito at binabalewala ang mga salita at hinihiling ng Diyos. Talaga bang isang mananampalataya ako sa Diyos? Gaano man ako naipit sa mabubuting pag-uugaling ito, hindi ito mangangahulugang isinasagawa ko ang katotohanan, at magiging imposible para sa akin na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos.

Kalaunan, naghanap ako mula sa mga salita ang Diyos ng isang landas para isagawa. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ano ba dapat ang batayan ng pananalita at mga pagkilos ng mga tao? Mga salita ng Diyos. Kung gayon, ano ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa pananalita ng mga tao? (Na dapat makatulong ito sa mga tao.) Tama iyan. Ang pinakamahalaga, dapat sabihin mo ang totoo, magsalita ka nang matapat, at maging kapaki-pakinabang sa iba. Kahit paano, ang pananalita mo ay dapat nakakapagpalinaw sa mga tao, at hindi niloloko, inililigaw, pinagtatawanan, tinutudyo, nililibak, tinutuya, hinihigpitan sila, inilalantad ang mga kahinaan nila, o sinasaktan sila. Ito ang pagpapahayag ng normal na pagkatao. Ito ang kabutihan ng pagkatao. Sinabi ba sa iyo ng Diyos kung gaano ka kalakas dapat na magsalita? Hiningi ba Niya na gumamit ka ng karaniwang wika? Hiningi ba Niya na gumamit ka ng mabulaklak na retorika o ng isang matayog at pinong istilo ng lingguwistika? (Hindi.) Wala Siyang hiningi sa anumang mababaw, mapagpaimbabaw, huwad, at hindi praktikal na kapaki-pakinabang na mga bagay. Ang hinihingi ng Diyos ay pawang mga bagay na dapat taglay ng normal na mga tao, mga pamantayan at prinsipyo para sa wika at pag-uugali ng tao. Hindi mahalaga kung saan ipinanganak ang isang tao o kung anong wika ang kanyang sinasalita. Ano’t anuman, ang mga salitang sinasabi mo—ang istilo ng pagkakasabi at nilalaman ng mga ito—ay dapat na nakapagpapatibay sa iba. Ano ang ibig sabihin na dapat nakapagpapatibay ang mga ito? Ibig sabihin, kapag narinig ng ibang tao ang mga ito, madarama nila na totoo ang mga ito, at makakukuha sila ng pagtustos at tulong mula sa mga ito, at mauunawaan nila ang katotohanan, at hindi na sila malilito, o madaling malilihis ng iba. Kaya, hinihingi ng Diyos na sabihin ng mga tao ang totoo, sabihin ang iniisip nila, at hindi niloloko, inililigaw, pinagtatawanan, tinutudyo, nililibak, tinutuya, hinihigpitan ang iba, o inilalantad ang mga kahinaan nila, o sinasaktan sila. Hindi ba’t mga prinsipyo ng pananalita ang mga ito? Ano ang ibig sabihin ng hindi dapat ilantad ng isang tao ang mga kahinaan ng mga tao? Ang ibig sabihin nito ay huwag dungisan ang ibang mga tao. Huwag kumapit sa kanilang nakaraang mga pagkakamali o pagkukulang para husgahan o kondenahin sila. Ito ang pinakamaliit na bagay na dapat mong gawin. Sa maagap na banda, paano ipinapahayag ang nakakatulong na pananalita? Ito ay pangunahing nanghihikayat, nagtuturo, gumagabay, nagpapayo, umuunawa, at nagpapanatag. Isa pa, sa ilang natatanging pagkakataon, kinakailangan na direktang ibunyag ang mga kamalian ng ibang tao at pungusan sila, upang magtamo sila ng kaalaman sa katotohanan at kagustuhang magsisi. Saka lang makakamtan ang nararapat na epekto. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao. Tunay na tulong ito sa kanila, at mapakikinabangan nila ito, hindi ba? … At ano, sa kabuuan, ang prinsipyo sa likod ng pagsasalita? Ito iyon: Sabihin ang nasa puso mo, at banggitin ang mga tunay na karanasan mo at kung ano talaga ang iniisip mo. Ang mga salitang ito ang may pinakamalaking pakinabang sa mga tao, tinutustusan ng mga ito ang mga tao, tinutulungan sila ng mga ito, ang mga ito ang mga pinakapositibong salita. Tumangging sambitin ang mga pekeng salitang iyon, ang mga salitang iyon na walang pakinabang o hindi nagpapatibay sa mga tao; maiiwasan nitong mapinsala sila o matisod sila, na magsasadlak sa kanila sa pagkanegatibo, at magkakaroon ng negatibong epekto. Dapat kang magsalita ng mga positibong bagay. Dapat kang magsumikap na tulungan ang mga tao hangga’t kaya mo, para makinabang sila, para matustusan sila, para magkaroon sila ng tunay na pananalig sa Diyos; at dapat mong tulutan ang mga tao na matulungan, at makinabang nang husto, mula sa iyong mga karanasan sa mga salita ng Diyos at sa paraan ng paglutas mo ng mga problema, at magawang maunawaan ang landas ng pagdanas ng gawain ng Diyos at pagpasok sa katotohanang realidad, na magtutulot sa kanilang magkaroon ng buhay pagpasok at lumago ang kanilang buhay—na pawang epekto ng pagkakaroon ng mga prinsipyo sa iyong mga salita, at pagpapatibay nito sa mga tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (3)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga prinsipyo ng pakikipag-ugnayan sa mga tao ay hindi kinasasangkutan ng paggalang sa nakatatanda at pagmamalasakit sa nakababata at pagkakaroon ng mabuting asal, gaya ng itinuro sa amin ng tradisyonal na kultura, ni hindi nauugnay ang mga iyon sa kung nagsasalita ba tayo nang banayad, pino, at magalang na paraan. Sa halip, kinasasangkutan ito ng pagtingin kung ang sinasabi ba natin ay naaayon sa katotohanan at kung nakapagpapatibay ba ito sa mga kapatid o hindi. Sa sambahayan ng Diyos, hindi pinaghihiwalay ang mga kapatid ayon sa katayuan, ni hindi isinasaayos ang pagkamataas ng tao batay sa kung sino ang pinakamatanda o kung sino na ang pinakamatagal na nanampalataya sa Diyos. Matanda o bata man ang mga kapatid, sinumang nananampalataya sa Diyos at gumagawa ng kanilang mga tungkulin ay magkakapantay ang katayuan. Kapag napansin ng mga tao ang problema ng iba, puwede nilang bahaginan ng katotohanan at tulungan ang isa’t isa, direkta ring tinutukoy ang mga problema kung kinakailangan at nagbabahagi, nagpapayo, at nagpupungos batay sa mga salita ng Diyos. Hangga’t ang isang tao ay may tamang mga layunin at kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng mga kapatid sa halip na sinasadyang lamangan ang iba at atakihin sila, magkagayon ayos pa ngang magsalita sila nang may mas mariing tono. Ang mga taong naghahangad ng katotohanan ay hindi magkakaroon ng mga pagtatangi sa akin dahil lamang sa paraan ko ng pagsasalita at sa tonong ginagamit ko, ni hindi nila ako hahamakin dahil lamang bata ako. Sa halip, tatanggapin nila ang mga bagay mula sa Diyos, hahanapin ang katotohanan, at susubukang unawain ang kanilang mga problema. Walang dahilan para magkaroon ako ng anumang mga alalahanin o pag-aalinlangan. Medyo bata pa rin ang sister na tumukoy sa mga problema ni Wen Tao, at noong tinukoy niya ang isang problema, nagawa niyang dalisay na magtapat at sabihin ang tungkol doon, tinutulungan si Wen Tao na maunawaan ang sarili nito. Hindi sumama ang loob ni Wen Tao dahil lamang bata ang sister na iyon, kundi tinanggap niya kung ano ang sinabi ng sister nang may bukas na isip at hinanap din ang katotohanan, pinagnilayan at sinubukang makilala ang kanyang sarili, at nakaranas ng mga tunay na pakinabang. Para naman sa akin, patuloy akong namuhay sa pamamagitan ng tradisyonal na kultura gaya ng paggalang sa nakatatanda at pagmamalasakit sa nakababata. Noong napansin ko ang mga problema ni Wen Tao, mabagal akong tumugon at hindi naglakas-loob na tukuyin ang mga ito, nagsasabi lamang ng ilang magagaan, hindi sinserong salita para magkunwari at ninanais kong magkaroon siya ng magandang impresyon sa akin. Ang pagkilos ko nang ganito ay hindi nakapagpapatibay kay Wen Tao, at wala itong mga dalang anumang pakinabang sa gawain ng iglesia. Naunawaan ko rin na ang pagsasagawa lamang sa mga salita ng Diyos ang naaayon sa mga layunin ng Diyos at kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa buhay ng mga kapatid. Pagkatapos niyon, kapag napansin kong nagbubunyag ang mga kapatid ng mga katiwalian o gumagawa ng mga bagay na lumalabag sa mga prinsipyo sa kanilang mga tungkulin, tinutukoy ko ito sa kanila at ibinabahagi ang mga salita ng Diyos para tulungan sila kahit pa mas matanda sila sa akin. Bagama’t sa simula ay hindi magawang makilala ng ilang kapatid ang kanilang mga problema at tanggapin ang tulong ko, sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at paghahanap at pagninilay-nilay, nagawa nilang tanggapin ang mga mungkahi ko at natuto rin ng ilang aral mula sa mga ito.

Mayroon ding isang pagkakataon noong nakita ko na mukhang medyo abala ang lider araw-araw pero ginagawa lamang niya talaga ang mga bagay ayon sa patakaran at ipinapasa ang mga tagubilin sa kanyang pagpapatupad sa gawain. Ni hindi niya inisip na lutasin ang mga kitang-kitang problema sa gawain ng iglesia, ni talagang nagtanong tungkol sa mga kalagayan ng mga kapatid. Kung magpapatuloy nang ganito ang mga bagay, magiging mahirap para sa gawain ng iglesia na magkamit ng magagandang resulta. Naisip ko, “Sinabi ko nang hindi diretsahan ang problemang ito sa kanya dati, pero hindi niya siguro napagtanto ang kaseryosohan ng isyu. Siguro dapat ko itong banggitin muli sa kanya.” Pero, naisip ko kung paanong kaedad ng nanay ko at elder ko ang lider na ito, at kung paanong magalang ko siyang tinatawag magmula pa noong bata ako. Kung aakusahan ko siya na hindi siya gumagawa ng tunay na gawain at na kumikilos siya nang tulad sa isang huwad na lider, hindi ba’t iisipin niyang wala akong galang? Siguro ay mas magiging mabuti kung iuulat ko siya sa mga mas nakatataas na lider at sila ang makipagbahaginan sa kanya. Sa pagkakaroon ng ganitong ideya, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat sabihin mo ang totoo, magsalita ka nang matapat, at maging kapaki-pakinabang sa iba. Kahit paano, ang pananalita mo ay dapat nakakapagpalinaw sa mga tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (3)). Bigla kong napagtanto na mali ang pananaw ko rito. Malinaw kong napansin na may mga problema ang lider na ito sa kanyang tungkulin, at dapat kong tukuyin ang mga ito sa kanya para tulungan siyang matanto ang kanyang mga isyu at baguhin kaagad ang landas. Ang paggawa nito ay magiging kapaki-pakinabang sa kanya at sa gawain ng iglesia. Gayumpaman, nag-atubili ako at hindi nangahas na sabihin ito, dahil nakokontrol pa rin ako ng mga tradisyonal na ideya gaya ng paggalang sa nakatatanda at pagmamalasakit sa nakababata at namumuhay sa mga kautusan ni Satanas para manatiling buhay. Kasalukuyang walang kamalay-malay ang sister na ito sa mga problema niya, at kailangan niya ang mga kapatid sa palibot niya para tukuyin ang mga ito at tulungan siya nang may pagmamahal. Dahil napansin ko ang mga problema niya, dapat kong banggitin sa kanya ang mga ito. Ganoon ang pagtupad sa aking responsabilidad. Pagkatapos nito, nang sumunod na nakipagpulong ako sa mga lider, nakakita ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos para ibahagi sa kanya at tinukoy na sa pagdaraos lamang ng mga pagtitipon at hindi naman talaga paglutas ng mga problema ay tinatahak niya ang landas ng isang huwad na lider. Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, tinanggap niya ang pagpapakita ng mga pagpapamalas ng pagiging isang huwad na lider at pinagnilayan kung paano niya isinaalang-alang ang laman at ang pagtangging mag-alala o magbayad ng halaga, at handa siyang baguhin ang landas mula noon. Pagkatapos nito, medyo nagbago siya, unti-unting naging mas detalyado sa kanyang gawain at pakikipagbahaginan at sa pagtulong sa mga kapatid para lutasin ang ilang problema. Sa puso ko ay pinasalamatan ko ang Diyos!

Sa pagdaranas nito, nakita ko na ang pamumuhay ayon sa tradisyonal na kultura ni Satanas ay maaaring pagmukhain tayong may respeto at magalang sa panlabas at tulungan tayong makamit ang respeto ng iba, pero hindi nito mababago ang ating mga tiwaling disposisyon. Sa pamumuhay sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nagmamaskara ang isang tao at unti-unting nagiging mapagpaimbabaw, kumikilos nang hindi sinsero sa mga tao. Sa pagtingin lamang sa mga tao at bagay, pag-asal, at pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos at katotohanang prinsipyo saka magiging kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa buhay ng mga kapatid ang lahat ng ginagawa ng isang tao, at noon lamang maisasabuhay ng isang tao ang tunay na wangis ng tao.

Sinundan:  70. Paano Ko Isinantabi ang Naramdaman Kong Poot

Sumunod:  72. Ang Pagkakaroon ba ng Katayuan ay Naggagarantiya ng Kaligtasan?

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger