75. Ang Pagpapahirap na Aking Tiniis

Ni Lin Guang, Tsina

Bandang 10 ng umaga, noong Marso 20, 2014, bigla akong nakatanggap ng isang tawag mula sa aking asawa habang nag-aasikaso ako ng mga gawain sa labas kung saan may pag-aapura niyang sinabi, “Dumating ang mga opisyal mula sa estasyon ng pulisya para arestuhin ka. Huwag kang uuwi!” Bigla akong kinabahan pagkarinig nito at naisip, “Saan ako puwedeng pumunta? Kung pupunta ako sa bahay ng isang kapatid, tiyak na makakaabala ako sa kanila. Ang mapagpipilian ko lang ay ang humanap ng kanlungan sa bahay ng isang kaibigan o kamag-anak.” Napagpasyahan ko sa huli na magtungo sa bahay ng anak kong babae. Bandang 2 ng hapon nang araw ding iyon, tatlong nakasibilyang opisyal ang sumugod sa bahay ng anak kong babae at sumigaw ang isa sa kanila, “Ikaw si Lin Guang, hindi ba? Mula kami sa estasyon ng pulisya at ilang taon ka na naming iniimbestigahan.” Hindi man lang nagpapakita ng anumang pagkakakilanlan, nagpatuloy sila upang puwersahin ako palabas tungo sa kanilang sedan. Noong panahong iyon, medyo natakot ako na bubugbugin nila ako at pupuwersahin akong magsiwalat ng impormasyon tungkol sa iglesia, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at lakas. Anuman ang gawin ng mga opisyal sa akin, hindi ako magiging isang Hudas at ipagkakanulo Ka.” Pagkatapos manalangin, nagawa kong kumalma.

Sa estasyon ng pulisya, kaagad akong pinuwersa ng dalawang opisyal paupo sa isang upuang tigre, ipinosas nila ang mga kamay ko sa upuan, hinubad ang aking mga sapatos at medyas at iginapos ang aking mga paa sa bakal. Sa isang nakakatakot at nakakapoot na tinig, sinabi sa akin ng direktor ng estasyon ng mga pulis, “Ang utos na arestuhin ka ngayon ay direktang nanggaling sa kagawaran ng panlalawigang pampublikong seguridad at humiling sila na ako mismo ang umaresto sa iyo. Mukhang ibang klase ka talaga! Mabuti pang magsalita ka kaagad at sabihin sa amin ang lahat ng nalalaman mo!” Pagkasabi niyon, inilagay niya sa harap ko ang isang pulgada ng mula ulo hanggang baywang na mga larawan ng mahigit sampung tao at inisa-isa ang mga ito, tinatanong sa akin kung kilala ko ang sinuman sa mga nakalarawang tao. Namukhaan ko ang isang sister doon at nagmamadaling sumagot, “Hindi ko kilala ang sinuman sa mga taong ito.” Pagkatapos ay itinuro niya sa akin ang ilang aytem na nakolekta mula sa aking bahay kabilang ang dalawang Bibliya, isang kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ilang resibo para sa pag-iingat ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, at 7,400 yuan at sinabi, “Malinaw na ebidensiya ito na nananampalataya ka sa Makapangyarihang Diyos at gumagawa ka laban sa CCP!” Pagkatapos ay dinampot niya ang mga resibo at itinanong sa akin, “Saan mo inilagay ang mga aklat na ito?” Naging kabadong-kabado ako nang nakita kong hawak niya ang mga resibong iyon at naisip, “Ang mga resibong iyon ay para sa mahigit isang libong aklat. Kung hindi ko sasabihin sa kanya, tiyak na hindi niya ako pakakawalan, pero kung sasabihin ko sa kanya, hindi ba’t magiging Hudas ako?” Pagkatanto nito, nagmamadali akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos! Pakiusap, protektahan Mo ang aking puso at pahintulutan akong maging tahimik at kalmado sa harap Mo. Anuman ang gawin ng mga pulis sa akin, hindi ako magiging isang Hudas at hindi ko pagtataksilan ang aking mga kapatid!” Pagkatapos manalangin, naalala ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1). Naramdaman ko ang awtoridad ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at mayroon Siyang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay! Hindi ba’t ang katunayan na inilipat ko noong nakaraang linggo lang ang mga aklat na itinatago ko ay isang palatandaan ng proteksiyon ng Diyos? Nang mapagtanto ito, tumugon ako nang may kumpiyansa, “Naipasa na ang mga aklat na iyon.” Nagpatuloy ang isang opisyal sa pangunguwestiyon, tinatanong, “Saan nakatira ang taong tumanggap ng mga aklat? Ano ang pangalan niya? Sino ang lider niya?” Sumagot ako, “Hindi ko alam.” Pinandilatan niya ako at sinigawan, “Sasabihin mo ba sa akin o hindi? Huwag kang magdunung-dunungan dahil lang naging maluwag ako sa iyo!” Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at marahas akong sinampal sa magkabilang pisngi. Lumapit din ang dalawang opisyal at nagsalitan sa pagsampal sa akin. Sinampal nila ako nang hindi bababa sa sampung beses at nagsimulang umikot ang aking paningin, humugong ang aking mga tainga at humapdi sa sakit ang aking mukha. Pagkakita na hindi pa rin ako nagsasalita, kinuha ng isang opisyal ang isang kable ng koryente na may kapal na 2.5 sentimetro at hinampas ako nang mahigit sampung ulit sa likod, dahilan para manginig sa sakit ang buo kong katawan. Nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, hinihingi sa Kanyang bigyan ako ng pananalig at ng determinasyong tiisin ang pagdurusa. Marahas na umangil ang ilan sa mga opisyal, “Hubarin ang mga damit niya at bugbugin siya nang husto. Tingnan natin kung hindi pa rin siya magsasalita!” Pagkatapos ay pilit nilang hinubad ang aking mga damit at patuloy akong pinaghahampas habang sumisigaw, “Magsasalita ka ba o hindi?” Hinampas nila ako nang may walo o siyam na beses, bawat hagupit ay nagdadala ng matinding sakit sa buo kong katawan. Pero paano man nila ako kuwestiyunin, hindi ako nagsalita. Pagkatapos ay dumating ang dalawa pang opisyal at nagsalitan sila sa pagsampal sa aking mukha. Binugbog nila ako hanggang sa hinang-hina na ako na hindi ko na maimulat ang aking mga mata.

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang isang opisyal na may dalang isang batyang puno ng tubig. Inihagis niya ang isang pares ng maruming pantalon sa tubig at pagkatapos ay ginamit ang isang patpat para iangat ang pantalon mula sa tubig at walang tigil na isinaboy ang tubig sa aking ulo at katawan, na nagparamdam sa akin ng ginaw at sakit. Nang makitang hindi pa rin ako nagsasalita, kinuha niya ang isang kawayang patpat na gahinliliit ang kabilugan at sinimulang idiin at ipilipit iyon sa aking mga utong sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto, na nagdudulot ng matinding sakit. Ikinuyom ko ang aking mga kamay at pinagtagis ang aking mga ngipin, pero pakiramdam ko ay hindi ko na ito matitiis pa, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at ng determinasyong tiisin ang pagdurusa. Pahintulutan Mo akong mapagtagumpayan ang pagdurusang ito at manindigan sa patotoo sa Iyo.” Habang nananalangin, naisip ko kung paanong binugbog ng mga sundalo ang Panginoong Jesus hanggang sa mapuno ng mga sugat at pasa ang Kanyang buong katawan, pinilit Siyang maglakad nang nakakadena tungo sa lugar ng pagpapakuan sa Kanya sa krus, at sa huli ay brutal Siyang ipinako sa krus. Isinakripisyo ng Panginoong Jesus ang Kanyang buhay para tubusin ang sangkatauhan. Napakadakila ng pagmamahal ng Diyos! Lubos akong binigyang-motibasyon ng pagmamahal ng Diyos. Nang maisip ko kung paanong si Pedro man ay ipinako nang patiwarik sa krus, napagtanto ko na napakaliit ng dinaranas kong paghihirap kung ihahambing doon. Alam kong kailangan kong tularan si Pedro, manindigan sa aking patotoo, at paano man ako pahirapan ng mga pulis, kahit pa nangangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng aking buhay, kailangan kong palugurin ang Diyos. Nang mapagtanto ang lahat ng ito, nagkamit ako ng pananalig, naramdamang nabawasan ang sakit sa aking katawan, at nagsimulang dumanas ng pagkakalmado. Pagkatapos niyon, nagpatuloy ang mga pulis sa salitan na pagpapahirap sa akin gamit ang kawayang patpat at kable ng koryente, pero nang nakita nilang hindi pa rin ako magsasalita, sumigaw sila, “Matigas ka! Hindi pa kami nakakatagpo ng isang taong kasintigas ng ulo mo! Kahit bayani ay susuko na sa puntong ito! Ano ba ang nagpapatatag sa iyo?” Napakasaya ko nang marinig silang sabihin iyon. Alam kong binigyan ako ng Diyos ng pananalig at ng determinasyong tiisin ang pagdurusa, pinahihintulutan akong mapagtagumpayan ang pagpapahirap. Naramdaman kong kasama ko ang Diyos sa aking tabi at mas nagkaroon ako ng pananalig—maninindigan ako sa aking patotoo sa Diyos kahit pa nangangahulugan ito ng aking kamatayan. Determinado kong sinabi, “Ang salita ng Diyos ang nagpapatatag sa akin!” Nang marinig iyon, kaagad pinatindi ng mga opisyal ang kanilang pagpapahirap, sinasampal ako, dinidiinan at pinipilipit ang mga utong ko, at hinahampas ako ng kawayang patpat sa aking mga kamay hanggang sa magpasa at mamanhid ang mga ito. Pagkatapos ay sinabi sa akin ng isang opisyal, “Kung hindi ka magsasalita, bubugbugin ka namin ngayong gabi hanggang mamatay ka. Walang may pakialam kung papatayin ka namin. Dapat patayin kayong lahat na mananampalataya!” Galit na galit ako nang sabihin niya iyon at naisip ko, “Hindi ako magsasalita kahit patayin pa ninyo ako. Huwag ninyong asahang may makukuha kayong kahit katiting na impormasyon mula sa akin!”

Kalaunan, nang makitang hindi pa rin ako nagsasalita, ginamit ng mga pulis ang kawayang patpat para diinan at pilipitin ang mga hinlalaki ko sa magkabilang paa at kable ng koryente naman para latiguhin ang aking mga paa. Patuloy silang nagsalitan sa pagitan ng paghagupit sa akin, pagdiin at pagpilipit sa mga utong at hinlalaki ko sa paa gamit ang kawayang patpat at pagsampal sa akin. Napakatindi ng sakit na naramdaman ko na nagtiim ako ng aking mga ngipin, nag-iingay sa pangangatog. Pagkatapos ay sinabi ng isang pulis, “Kung hindi ka magsasalita, ipaparada ka namin sa mga kalye bukas. Magagalit sa iyo at ikakaila ka ng lahat ng kamag-anak, kaibigan, at pamilya mo. Kung sasabihin mo sa amin, hindi namin ipapaalam sa iba na naaresto ka, at hindi ka mapapahiya.” Napagtanto ko na ito ang masamang balak ni Satanas at naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga inuusig dahil sa pagsunod sa matuwid(Mateo 5:10). Ang kutyain, insultuhin, at siraan gaya ng nangyari sa akin dahil sa pananampalataya ko sa Diyos, ang lahat ay anyo ng pag-uusig para sa kapakanan ng katuwiran. Hindi ito isang kahihiyan, ito ay isang dakilang bagay. Anuman ang iniisip ng ibang tao, ang mahalaga lang sa akin ay ang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Nang mapagtanto ko ito, hindi ko na lang pinansin ang opisyal. Pagkatapos, isa pang opisyal ang nagbanta sa akin, sinasabing, “Magsasalita ka ba o hindi? Kung hindi, bubugbugin ka namin ngayong gabi hanggang sa mamatay ka at itatapon ka namin sa daang-bayan. Magkakalasog-lasog ka sa mga sasakyan at walang sinumang makakaalam kung ano ang nangyari!” Nang marinig ito, naisip ko, “Tunay na masasama ang budhi ng mga opisyal na ito at wala silang hindi gagawin. Kung papatayin nila ako, walang sinuman ang makakaalam.” Naisip ko ang may-edad kong ama na nasa otsenta na at nasa bahay, gayundin ang aking asawa, na nagtitiis mula sa maraming karamdaman. “Kung papatayin nila ako, paano aalagaan ng aking ama at asawa ang mga sarili nila?” Sumama ang loob ko nang naisip ko ito kaya nanalangin ako sa Diyos. Kalaunan, naalala ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mapagtanto na sinusubukang gamitin ni Satanas ang kahinaan ng aking laman at ang pagmamahal ko sa aking pamilya para udyukan akong pagtaksilan ang aking mga kapatid at ipagkanulo ang Diyos. Hindi ako dapat mahulog sa mga pakana nito. Pagkatapos ay naalala ko ang isa pang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang nakasusumpong ng kanyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa Akin ay makasusumpong niyaon(Mateo 10:39). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng pananalig at lakas. Patayin man nila ako sa bugbog, nasa mga kamay ng Diyos ang aking kaluluwa, at kahit pa mangahulugan ito ng pagbubuwis ng aking buhay, kailangan kong manindigan sa aking patotoo para sa Diyos. Walang kontrol ang tao sa kanyang tadhana, at ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa ating mga kapalaran, kaya ang buhay sa hinaharap ng aking pamilya ay nasa mga kamay rin ng Diyos. Handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, kaya nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Iyong mga kamay, kasama na ang aking buhay. Paano man ako pahirapan ng mga pulis, kahit pa nangangahulugan ito ng aking kamatayan, hinding-hindi Kita ipagkakanulo o pagtataksilan ang aking mga kapatid.”

Nang makitang hindi pa rin ako nagsasalita, kinuha ng mga pulis ang gula-gulanit na pantalon mula sa batya ng tubig at ilang beses akong sinabuyan sa ulo, pinilipit nila ang kawayang patpat sa aking mga utong at hinlalaki sa paa, at malakas akong pinalo sa bubong ng aking mga paa. Sa bawat paghampas nila sa akin, sobra-sobra ang sakit na namamanhid ang buo kong katawan, pinipiga at pumapalya ang aking puso, at nahihirapan akong huminga. Pinagtagis ko ang aking mga ngipin, tahimik na nanalangin sa Diyos, at hindi pa rin nagsabi ng anuman. Pagkatapos ay kumuha ng mabahong medyas ang isang opisyal, itinapon ito sa batya para sumipsip ng maruming tubig, at pagkatapos ay idinuldol ito sa aking bibig. Mariin kong itinikom ang bibig ko kaya ikinuskos niya na lang ito sa aking mga labi. Pagkatapos, nang bahagya kong nirelaks ang aking bibig, isinuksok niya ang medyas sa loob at sinimulang ikuskos ito sa aking mga ngipin habang sinasabing, “Heto, lilinisan ko ang bibig mo para sa iyo!” Pagkatapos, kumuha sila ng isang batya ng malamig na tubig mula sa refrigerator at ibinuhos ito sa aking ulo. Pagkatapos noon, nang tumanggi pa rin akong magsalita, kinuha nila ang isang martilyo at ginamit ang kahoy na hawakan nito para piliting buksan ang aking bibig at dinala ang kalahating mangkok ng mantikang may sili at sinubukan itong ibuhos sa aking lalamunan. Nang makita nilang hindi nila maibuhos ang langis dahil matiim kong isinara ang aking bibig sa abot ng aking makakaya, ikinuskos na lang nila ito sa aking mga labi at sa mga sugat sa aking mga utong, hindi tumitigil hangga’t hindi nila nauubos gamitin ang lahat ng langis. Halos hindi ko kayanin ang matinding sakit at patuloy akong nanginig at nangatal sa upuang tigre. Nagasgas sa mga bakal na kadena ang aking mga paa, at sa huli ay nagkaroon ako ng dalawang sugat sa aking mga sakong na nagsimulang dumugo. Napakatindi ng sakit na naisip kong mas mabuti pang mamatay na lang ako at nakaramdam ako ng matinding kawalan ng pag-asa. Naisip ko, “Kung bubugbugin ninyo ako, bugbugin ninyo ako hanggang sa mamatay at tapusin na ang paghihirap kong ito.” Nang nagsimula akong isipin na gusto ko nang mamatay, napagtanto kong mali ito—kung mamamatay ako, paano ako makakapagpatotoo sa Diyos? Sa puntong iyon, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi ka pa maaaring mamatay. Itikom mo ang iyong mga kamao at matatag kang magpatuloy na mabuhay. Dapat kang mamuhay para sa Diyos. Kapag ang mga tao ay may katotohanan sa kanilang loob, nagkakaroon sila ng ganitong paninindigan at hindi na kailanman nagnanais na mamatay. Kapag pinagbabantaan ka ng kamatayan, sasabihin mo, ‘O Diyos, hindi ko gustong mamatay. Hindi pa rin Kita kilala. Hindi ko pa nasusuklian ang Iyong pag-ibig. Hindi ako puwedeng mamatay hangga’t hindi pa Kita nakikilala nang mabuti.’ … Kung hindi mo nauunawaan ang layunin ng Diyos, at iniisip mo lang ang tungkol sa pagdurusa, kung gayon ay habang mas iniisip mo ito, mas nagiging hindi ito komportable at mas lalo kang nagiging negatibo, na para bang magwawakas na ang landas ng iyong buhay. Magsisimula kang magdusa sa pagpapahirap ng kamatayan. Kung ibubuhos mo ang puso at lahat ng pagsisikap mo sa katotohanan, at mauunawaan mo ang katotohanan, sisigla ang puso mo, at makararanas ka ng kasiyahan. Makakahanap ka ng kapayapaan at kagalakan sa loob ng puso mo, at kapag sumapit ang karamdaman o naaninag na ang kamatayan, sasabihin mo na, ‘Hindi ko pa nakamit ang katotohanan, kaya hindi ako maaaring mamatay. Kailangan kong gumugol nang mabuti para sa Diyos, magpatotoo nang mabuti sa Diyos, at suklian ang pagmamahal ng Diyos. Hindi mahalaga kung paano ako mamamatay sa huli, dahil makapamumuhay ako ng kasiya-siyang buhay. Kahit anong mangyari, hindi pa ako puwedeng mamatay. Kailangan kong magpatuloy at mabuhay’(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Ang mga salita ng Diyos ay may malalim at nakaaantig na epekto sa akin. Ginagamit ng Diyos ang paghihirap na ito para maperpekto ang aking pananalig at pagmamahal, at para tulutan akong makamit ang katotohanan. Ginusto kong mamatay at maligtas mula sa paghihirap matapos lamang magdusa nang kaunti—nasaan ang aking patotoo? Naalala ko kung paanong gaano mang nagdusa at naghirap si Pedro, hindi siya kailanman nagreklamo tungkol sa Diyos, sa halip ay nanalangin siya para hanapin ang layunin ng Diyos, nagpapasakop sa lahat ng dumating mula sa Diyos, at sa huli ay nakamit ang pinakadakilang pagmamahal para sa Diyos, nagpapasakop hanggang kamatayan, ipinako nang patiwarik para sa Diyos at nagbigay ng isang kahanga-hanga at matunog na patotoo. Dapat kong tularan si Pedro—gaano man ako mahirapan, dapat patuloy akong mabuhay at manindigan sa aking patotoo para ipahiya si Satanas hanggang sa aking huling hininga. Pagkatapos noon, nagdala ng bentilador ang isang opisyal, binuksan ito sa pinakamalakas na ikot, at hinayaan itong nakatutok sa akin nang mahigit sampung minuto, kaya gininaw ako nang sobra na nagsimula akong manginig. Naisip ko, “Anumang pamamaraan ang gamitin ninyo, hindi ako kailanman magsasalita.” Pinahirapan nila ako sa ganitong paraan mula 3 ng hapon hanggang 4:30 ng madaling-araw ng sumunod na araw. Kahit na wala silang nakuha ni isa mang salita mula sa akin, sa wakas ay pagod na pagod na sila na sumuko na sila at umalis.

Sa umaga ng ikalawang araw, dinala nila ako sa kulungan. Magang-maga ang mga paa ko na hindi ko maisuot ang aking sapatos at paika-ika na lang na naglakad na ang mga paa ay babahagyang nakasuksok sa sapatos. Ang bawat hakbang ay nagdudulot sa akin ng matinding sakit. Nang pinahubad sa akin ng isang opisyal ang aking mga damit para sa pagsusuri, at nakitang puno ako ng mga sugat at pasa, tinanong niya, “Sino ang bumugbog sa iyo nang ganito?” Sasagot na sana ako, nang kaagad na sumingit ang kinatawang direktor, sinasabing, “Mga pasa lang iyan mula sa gua sha, hindi dahil sa pambubugbog.” Nang pumasok ako sa selda kung saan ako ikukulong, isang matabang bilanggo ang nagsabi sa akin, “Kailangang linisin ang mga bagong salta mula ulo hanggang paa gamit ang anim na batyang tubig. Iyan ang patakaran dito.” Nang narinig ko iyon, medyo nakaramdam ako ng kaba at naisip, “Napakalamig sa labas at siguradong nakakapanigas at masakit ang mapaliguan gamit ang anim na batyang tubig. Paano ko iyon titiisin?” Pero sa gulat ko, nang hubarin ko ang aking mga damit at nakita niyang puno ako ng mga sugat at pasa, sinabi niya sa ibang mga bilanggo, “Puro pasa ang kanyang likod, mga paa, at mukha, may malalalim at duguan siyang mga sugat sa magkabilang sakong. Masyadong malala ang pagkakabugbog sa kanya, kaya puwede niyang laktawan ang anim na batyang tubig.” Nakahinga ako nang napakaluwag at paulit-ulit na nagpasalamat sa Diyos sa aking puso.

Pagsapit ng 2 ng hapon sa ikatlong araw ng aking pagkakakulong, bigla akong nakaranas ng matinding pananakit ng ulo, nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso, at nawalan ako ng malay sa aking konkretong kama. Nang oras na iyon, nanikip ang aking dibdib na para bang may lubid na mahigpit na nakagapos sa aking dibdib at may mabigat na pakiramdam na parang may malaking tipak ng batong nakadagan dito. Lubhang hindi ito komportable, at sa sobrang sakit ng ulo ko ay para bang sasabog na ito. Kaagad na tinawag ng isang bilanggo ang isang opisyal, na dinama ang aking puso at pulso, at sinabing, “Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, ni hindi ko mabilang ang mga pintig.” Pagkatapos, isinugod nila ako sa ospital, at sa pagsusuri ay natuklasang tumitibok ng 240 pintig kada minuto ang aking puso at inatake ako sa puso. Ipinasok ako sa ospital, binigyan ng oxygen mask, at tinurukan ng gamot para sa puso. Tumagal ng apat na araw ang pananatili ko sa ospital at dahil nangamba ang mga pulis na magtatangka akong tumakas, ipinosas nila ako sa kama at naglagay ng dalawang armadong bantay sa pinto ng aking silid. Sa gabi ng ikaapat na araw, dinala nila ako pabalik sa kulungan. May ilang opisyal ang nagtanong tungkol sa aking sitwasyon, kung saan ang opisyal na sumama sa akin ay umiling-iling lang at nagsabing, “Wala na ang isang ito, wala na siyang silbi.” Naalala kong sinabi ng ibang mga bilanggo na ang mga bilanggong may malulubhang pinsala o karamdaman ay maaaring palayain pagkatapos makulong nang may sampung araw o higit pa. Naisip ko na dahil malala na ang sakit ko, malamang ay hindi na nila ako ikukulong nang napakatagal at na baka gumagawa ng paraan ang Diyos para sa akin. Nanalangin ako sa Diyos, sinasabi sa Kanyang handa akong ipagkatiwala sa Kanya ang aking karamdaman. Mabuhay man ako o mamatay, patuloy man akong makulong o mapalaya, handa akong magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Sa sumunod na ilang araw, ginugol ko ang buong araw na nakahiga sa aking kama sa sobrang sakit, at nagsalitan ang mga kaselda ko sa pag-aalaga sa akin sa loob ng isang linggo. Alam kong pinamatnugutan at isinaayos ng Diyos ang mga tao, pangyayari, at bagay para tulungan ako at patuloy akong nagpasalamat sa Kanya! Dahil may malubha akong sakit sa puso at maaaring mamatay anumang oras, nangamba ang mga opisyal sa kulungan na sila ang pananagutin kung mamatay ako habang nakakulong, kaya pinapunta nila ang asawa ko matapos ang dalawampu’t siyam na araw ng pagkakakulong para ayusin ang aking piyansa habang nakabinbin ang paglilitis, at pinalaya ako para makauwi. Naalala ko habang papaalis ako, binalaan ako ng kinatawang direktor, “Pinakawalan ka namin, pero nasa ilalim ka pa rin ng aming kontrol. Ang iyong asawa ang iyong tagapanagot. Kung makikipag-ugnayan ka sa mga mananampalataya sa hinaharap, sa susunod ay aarestuhin ka namin at ang iyong asawa. Mula ngayon, mag-uulat ka buwan-buwan sa lokal na estasyon ng pulisya.” Sa oras na iyon, hindi ako sumagot at naisip ko na lang, “Mababantayan at makokontrol ninyo ako, pero hindi ninyo makokontrol ang aking sumusunod-sa-Diyos na puso. Patuloy akong mananampalataya sa Diyos paglaya ko.”

Matapos makalaya mula sa kulungan, patuloy na lumala ang aking karamdaman at mas lalong dumalas ang aking mga atake. Sa tuwing inaatake ako, nanunulay ang sakit mula sa aking puso patungo sa aking likod at mula sa aking gulugod papunta sa aking ulo. Tumitindi ang sakit ng ulo ko na para bang may naghihigpit ng gato sa ulo ko at mas malakas ang humuhugong sa aking tainga kaysa sa isang makina sa pabrika. Sumisikip nang husto ang dibdib ko na para bang gapos ito ng lubid at nahihirapan akong huminga. Nakakakuha lang ako ng kaunting ginhawa sa pamamagitan ng paghinga nang malalim at mabagal. Kung hindi kusang bubuti ang mga atake, kakailanganin ko sanang pumunta sa ospital para sa mga ineksiyon. Hindi ako makagawa ng anumang manwal na trabaho at kahit ang pagbubuhat ng isang batyang tubig ay napakabigat na para sa aking puso. Gayundin, dahil sa pag-inom ko ng gamot sa loob ng mahabang panahon, nagkaroon ako ng malalang mga isyu sa sikmura. Halos baldado na ako at walang magawa ni katiting na gawain. Bukod pa rito, naging malaking pabigat sa aking pamilya ang mga gastusin sa pagpapagamot at ginawa nitong napakahirap ng aming buhay. Sa tuwing naiisip ko kung paanong bilang isang lalaki, hindi ako makapagtrabaho at makapagtaguyod ng aking pamilya, pabigat ako sa aking pamilya, at kung paanong kailangan kong magdusa ng sakit at paghihirap sa karamdaman bawat araw, miserableng-miserable at hirap na hirap ang pakiramdam ko. Tuwing nagdurusa ako nang ganito, naiisip ko ang mga karanasan nina Job at Pedro. Binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sumasailalim ka sa mga pagsubok kay Job, at kasabay nito ay sumasailalim ka sa mga pagsubok kay Pedro. Noong sinubok si Job, tumayo siyang saksi, at sa huli, nagpakita sa Kanya si Jehova. Pagkatapos niyang tumayong saksi, saka lamang siya naging karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos. Bakit sinabing: ‘Nagtatago Ako mula sa lupain ng karumihan ngunit ipinakikita Ko ang Aking Sarili sa banal na kaharian’? Ibig sabihin niyan ay kapag ikaw ay banal at tumatayong saksi, saka ka lamang magkakaroon ng dangal na makita ang mukha ng Diyos. Kung hindi ka makatayong saksi para sa Kanya, wala kang dangal para makita ang Kanyang mukha. Kung aatras ka o magrereklamo laban sa Diyos sa harap ng mga pagpipino, sa gayon ay bigo kang tumayong saksi para sa Kanya at pinagtatawanan ka ni Satanas, hindi mo makakamtan ang pagpapakita ng Diyos. Kung katulad ka ni Job, na sa gitna ng mga pagsubok ay isinumpa ang kanyang sariling laman at hindi nagreklamo laban sa Diyos, at nagawang kamuhian ang kanyang sariling laman nang hindi nagrereklamo o nagkakasala sa pamamagitan ng kanyang mga salita, tatayo kang saksi. Kapag sumasailalim ka sa mga pagpipino kahit paano at kaya mo pa ring maging katulad ni Job, na lubos na nagpasakop sa harap ng Diyos at walang ibang mga kinakailangan sa Kanya o sarili mong mga kuru-kuro, magpapakita sa iyo ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Sa pagbubulay sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na sa kabila ng katunayang nagdulot sa akin ng matinding karamdaman ang pagpapahirap ng CCP, ginamit ng Diyos ang kapaligirang ito para maperpekto ang aking pananalig at pagmamahal. Tiningnan Niya kung magpapasakop ba ako sa pamamatnugot at pagsasaayos na ito at maninindigan sa aking patotoo sa Kanya sa pamamagitan ng pagpipinong ito. Nang sumailalim si Job sa mga pagsubok, nawala ang lahat ng kanyang ari-arian, at nakita niyang namatay ang kanyang sariling mga anak sa loob lang ng isang araw, at kalaunan ay tinubuan siya ng mga pigsa, pinanatili niya ang isang may-takot-sa-Diyos na puso at sa kabila ng pagharap sa gayong pagdurusa at paghihirap, hindi siya kailanman nagreklamo tungkol sa Diyos at pinuri pa ang pangalan ng Diyos. Pagkatapos ay nandiyan din si Pedro, na dumaan sa daan-daang pagsubok, pero hindi kailanman nawala ang pananalig niya sa Diyos at sa huli ay ipinako nang patiwarik para sa Diyos, nagpapasakop sa Diyos hanggang sa kanyang kamatayan. Ang pagdurusa, mga pagsubok, at pagpipinong pinagdaanan nila ay higit na mas matindi kaysa sa pinagdaanan ko, pero hinding-hindi pa rin sila naghimagsik o lumaban sa Diyos, at buong-pusong nakapagpasakop sa Kanya nang walang reklamo, nakatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdusa ng kamalasan. Handa akong tularan sila at iwasang magreklamo tungkol sa Diyos gaano man kahirap ang pagdurusa at pagpipinong kaharapin ko. Determinado akong maninindigan sa aking patotoo sa Diyos.

Sa pamamagitan ng pagdanas sa pag-uusig at pagkakaarestong ito, malinaw kong nakita ang may sa demonyo, galit-sa-katotohanan at galit-sa-Diyos na diwa ng CCP. Sila ay tulad ng mismong sinabi ng Diyos: “Ang grupong ito ng magkakasabuwat sa krimen! Bumababa sila sa mundo ng mga mortal upang magpakasaya at magsanhi ng kaguluhan, na ginugulo nang husto ang mga bagay-bagay kaya nagiging salawahan at pabagu-bago ang mundo at natataranta at hindi mapakali ang puso ng tao, at napaglaruan nila nang husto ang tao kaya nagmukha siyang isang malupit na hayop sa parang, napakapangit, at wala na ang pinakahuling bakas ng orihinal na taong banal. Bukod pa rito, nais pa nilang kunin ang pinakamataas na kapangyarihan sa lupa. Hinahadlangan nila nang husto ang gawain ng Diyos kaya hindi ito halos makasulong, at sinasarhan nila ang tao nang kasinghigpit ng mga pader na tanso at bakal. Dahil napakaraming nagawang kasalanan at nagsanhi ng napakaraming kalamidad, may inaasahan pa ba silang iba maliban sa pagkastigo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)). Nilikha tayo ng Diyos, kaya ang pananampalataya at pagsamba sa Diyos ay ganap na likas at may katwiran, pero ginagamit ng CCP ang bawat pamamaraan na mayroon ito para usigin at arestuhin ang mga mananampalataya, pinupuwersa silang ipagkanulo ang Diyos at sundin ang CCP, at nangangarap ito na magkaroon ng kontrol sa sangkatauhan, sa mga nilikha ng Diyos. Napakawalanghiya nito! Sa huli, ang mga demonyong ito ay susumpain at parurusahan ng Diyos! Sa aking pagdanas, nasaksihan ko rin ang mga mapaghimalang gawa, pagkamakapangyarihan-sa-lahat, at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Sa tuwing nararamdaman kong hindi ko na kayang tiisin ang pagdurusang idinulot ng kanilang pananakit at pagpapahirap, nananalangin at umaasa ako sa Diyos at humuhupa ang pagdurusa ng aking laman. Kapag nakakaramdam ako ng pagkamiserable at pagkanegatibo, ginagabayan ako ng mga salita ng Diyos para maging matatag at hindi mapigilan ng kamatayan. Pinamatnugutan at isinaayos din ng Diyos ang mga tao, pangyayari, at bagay para tulungan ako, pinahihintulutan akong madama na Siya ay nasa aking tabi, nahahabag sa aking kahinaan. Lahat ng ito ay pagmamahal ng Diyos para sa akin, at ngayon, mas matibay pa ang pananalig ko sa Kanya kaysa dati.

Sinundan:  74. Paano Harapin ang Tulong at Payo ng Iba

Sumunod:  76. Pagninilay-nilay sa Sarili Matapos Maitalaga sa Ibang mga Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger