94. Sa Wakas ay Nakalaya Ako Mula sa mga Paglilimita ng Mahinang Kakayahan
Noong Abril 2020, nahalal ako para maging isang tagapangaral at ginawang responsable para sa gawain ng dalawang iglesia. Bagama’t parehong hindi napakahusay ng kakayahan ko maging ang aking mga kapabilidad sa gawain, alam kong pinahintulutan ng Diyos ang tungkulin, kaya handa akong magtiwala sa Diyos at gawin ang makakaya ko para makipagtulungan. Dahil lumalaganap ang gawain ng ebanghelyo, kailangang kaagad na linangin ng iglesia ang mga manggagawa sa ebanghelyo at ang mga tagadilig. Kailangan ko ring makilahok sa gawaing nakabatay sa teksto at sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Kaya ko lamang tumuon sa isang bagay sa bawat pagkakataon, at lubos akong nalula. Hindi ko rin kayang makilatis ang ilang isyu, at alinman sa mga gawaing ito ay hindi nagbubunga ng kahit anong resulta. Dahil naharap ako sa ganitong sitwasyon, sobrang pressure ang nadama ko. Naalala ko ang dating tagapangaral. May mahusay siyang kakayahan at mga abilidad sa gawain, at nagawa niyang pangasiwaan ang maraming gawain. Kumpara sa kanya, lubos na mas mahina ang kakayahan ko. Dahil sa mahina kong kakayahan, hindi ko magawa nang maayos ang anumang gawain at maaari akong matanggal anumang araw. Talagang nagdusa ako. Kalaunan, humanap ako ng mga paraan para paghusayin ang kasanayan ko sa aking tungkulin. Kapag nakakita ako ng problema, isinusulat ko ito kaagad at naghahanap ng mga nauugnay na katotohanang prinsipyo. Pero makalipas ang ilang panahon, hindi pa rin bumuti ang mga resulta. Inisip ko na lang na mahina ang kakayahan ko at na gaano ko mang subukang magsikap, ito lamang ang pinakamagagawa ko. Makalipas ang ilang panahon, dumating sa iglesia ang nakatataas na pamunuan para magsarbey ng opinyon. Noong makita nilang mahina ang kakayahan ko at na hindi ko kayang gumawa ng aktuwal na gawain, tinanggal nila ako.
Pagkatapos tanggalin, talagang nakadama ako ng pagkanegatibo, at naisip ko, “Bakit napakahina ng kakayahan ko? Kung binigyan ako ng Diyos ng mas mahusay na kakayahan, hindi ko sana mahina ang paggawa ko sa tungkulin ko. Kayang gawin ng mga taong may mahusay na kakayahan ang maraming klase ng gampanin saanman sila pumunta. Nakaiipon ng mas maraming mabubuting gawa ang mga taong ito at may mas malaking pagkakataon para maligtas. Napakahina ng kakayahan ko na hindi ko kayang gawin nang maayos ang anumang gawain. Kung wala akong silbi sa sambahayan ng Diyos at hindi kayang gawin ang tungkulin ko, hindi ako magkakaroon ng anumang mabuting gawa at walang anumang pag-asang maligtas.” Kalaunan, isinaayos ng iglesia na pangasiwaan ko ang gawain ng ebanghelyo, at medyo nagkaroon ako ng pag-asa, iniisip na, “Marami akong klase ng gampaning pinangangasiwaan noon bilang isang tagapangaral, at hindi maayos ang gawa ko dahil sa mahinang kakayahan ko. Dapat ko nang magawa ngayon nang maayos ang isang tungkulin na may iisang gampanin.” Dahil hindi ako masyadong pamilyar sa gawain ng ebanghelyo, pinagsikapan kong matutuhan ang mga nauugnay na prinsipyo. Makalipas ang ilang panahon, nagawa ko nang pangasiwaan ang ilang simpleng problema, pero hindi ko makilatis ang ilang mas kumplikadong isyu. Hindi pa rin nagbunga ng mahahalagang resulta ang gawain ng ebanghelyo, kaya lalo pa akong naging negatibo, iniisip na, “Ni hindi ko magawa nang maayos ang isang gampaning ito. Hanggang dito na lang ba ako? Ginagamit ba ng Diyos ang tungkuling ito para ibunyag na mahina ang kakayahan ko at na wala akong silbi? Pinaplano ba Niyang itiwalag ako? Matatapos na ang gawain ng Diyos, at kung hindi ko magawa nang maayos ang anumang tungkulin, wala akong pag-asang maligtas. Mawawalan kaya ng saysay ang maraming taon na ito ng pananalig? Sa halip na hadlangan ang gawain ng ebanghelyo rito, mas mabuti pang magbitiw ako at gumawa ng ilang pangkalahatang gawain. Marahil puwede pa rin akong maging isang tagapagserbisyo at manatiling buhay.” Talagang nahihirapan ako, at ginugol ko ang mga araw ko na nagbubuntong-hininga sa kawalan ng pag-asa at wala akong gana sa tungkulin ko. Nadama ko rin na ayaw kong magsikap na sangkapan ang sarili ko ng mga katotohanang nauugnay sa pangangaral ng ebanghelyo, at ayaw kong hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga katiwaliang ibinunyag ko. Nadama kong walang saysay na maghangad pa, dahil sa aking mahinang kakayahan. Pagkatapos ng puntong ito, patuloy na lumala ang kalagayan ko. Hindi ko malutas ang mga problema, at lalo pang bumagsak ang mga resulta ng gawain ko. Tuwing natatapos ang bawat araw, parehong pagod na pagod ang katawan at isip ko, at kapag alas otso o alas nuwebe na ng gabi, aantukin na ako. Naging napakapasibo ko sa aking tungkulin, at sa ilang pagkakataon, nakalimutan ko pa ang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na kailangan kong pangaralan ng ebanghelyo. Lalo ako nitong ginawang negatibo. Sinabi ko sa anak ko, “Napakahina ng kakayahan ko na hindi ko kayang gawin nang maayos ang anumang tungkulin. Dapat kang patuloy na maghangad nang masigasig, at kukunin ko na lamang ang papel ng pagpapatira sa iyo at magserbisyo nang kaunti.” Nakipagbahaginan ang anak ko sa akin, “Nanay, hindi kailanman sinabi ng Diyos na ang pagkakaroon ng mahinang kakayahan ay nangangahulugang hindi maliligtas ang isang tao. Napopoot ang Diyos sa tiwaling disposisyon ng mga tao. Hangga’t hinahangad ng isang tao ang katotohanan, tumutuon sa pagbabago ng kanyang disposisyon, at ginagawa ang kanyang tungkulin sa abot ng makakaya ng mga abilidad niya, puwede pa rin siyang maligtas, kahit na may mahinang kakayahan. Napansin ko nitong ilang araw, hindi mo hinahanap ang mga layunin ng Diyos kapag may nangyayari sa iyo at palagi kang nagrereklamo tungkol sa mahinang kakayahan mo. Medyo mapanganib ang kalagayan mong ito, at kung hindi ito malulutas, sa huli, hindi ka maliligtas, at ito ay dahil hindi mo hinangad ang katotohanan, hindi dahil sa mahinang kakayahan mo.” Nagulat ako sa mga sinabi ng anak ko. “Tama iyan. Sa panahong ito, dahil walang mga resulta sa tungkulin ko, nililimitahan ko ang sarili ko, iniisip na dahil mahina ang kakayahan ko, gaano ko mang pagsikapang maghangad, magiging walang saysay ito. Ayaw ko ring isipin ang mga paghihirap sa tungkulin ko, ni magsikap sa pag-aaral. Nabitag ako sa isang negatibong kalagayan at hindi magawang makatakas. Kung magpapatuloy akong maging negatibo at lilimitahan ang sarili ko, na hindi ginagawa nang tama ang tungkulin ko o hinahanap ang katotohanan, ako na talaga ang magtitiwalag sa sarili ko. Kailangan kong hanapin ang mga layunin ng Diyos at lutasin kaagad ang mga isyu ko.” Kalaunan, lumapit ako sa Diyos para manalangin, “O Diyos, pakiramdam ko na dahil sa mahina kong kakayahan, nabunyag ako bilang isang walang silbing tao na hindi maliligtas. Nadarama ko talaga ang pagkanegatibo at mahina sa kalagayang ito. O Diyos, pakigabayan Mo ako palabas sa maling kalagayang ito.”
Kalaunan, hinanap ko ang mga salita ng Diyos na nauugnay sa kalagayan ko. Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Lahat ng tao ay may ilang maling kalagayan sa loob nila, gaya ng pagiging negatibo, kahinaan, kawalan ng pag-asa, at karupukan; o mayroon silang masasamang intensyon; o palagi silang nababagabag ng kanilang pagpapahalaga sa sarili, mga makasariling pagnanais, at pansariling interes; o iniisip nila na may mahina silang kakayahan, at dumaranas sila ng ilang negatibong kalagayan. Magiging napakahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu kung palagi kang namumuhay sa ganitong mga kalagayan. Kung mahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, magiging kaunti ang mga aktibong elemento sa loob mo, at lilitaw ang mga negatibong elemento at guguluhin ka. Palaging umaasa ang mga tao sa kanilang sariling kalooban para supilin ang mga negatibo at masamang kalagayang iyon, ngunit gaano man nila ito supilin, hindi nila ito maiwawaksi. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil hindi lubusang matukoy ng mga tao ang mga negatibo at masamang bagay na ito; hindi nila makita nang malinaw ang diwa ng mga iyon. Kaya nagiging napakahirap para sa kanila na maghimagsik laban sa laman at kay Satanas. Dagdag pa roon, palaging naiipit ang mga tao sa mga negatibo, malungkot, at malubhang kalagayang ito, at hindi sila nananalangin o tumitingala sa Diyos, sa halip ay iniraraos lang nila ang mga ito. Bilang resulta, hindi gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, at dahil dito ay hindi nila nauunawaan ang katotohanan, wala silang landas sa lahat ng kanilang ginagawa, at hindi nila nakikita nang malinaw ang anumang bagay. Napakaraming negatibo at masamang bagay sa loob mo, at pinuno na nito ang puso mo, kaya madalas kang negatibo, malungkot ang espiritu, at palayo ka nang palayo sa Diyos, at nanghihina nang nanghihina” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ang inilantad ng Diyos ay ang tunay kong kalagayan. Sa realidad, alam mismo ng Diyos kung ano ang kakayahan ko. Pagkatapos kong matanggal bilang isang tagapangaral, itinalaga ako ng iglesia para pangasiwaan ang gawain ng ebanghelyo, dahil nakita nila ang kawalan ko ng kakayahang pangasiwaan ang mga trabahong kinasasangkutan ng maraming gampanin. Pero palagi akong napipigilan ng aking mahinang kakayahan, at noong makita kong walang mga resulta ang gawain ng ebanghelyo, sa halip na ibuod ang mga problema at hanapin ang mga prinsipyo para malaman kung paano gagawin nang maayos ang aking tungkulin, inakala kong ibinubunyag ako ng Diyos bilang isang walang silbing tao na walang pag-asang maligtas. Naging napakanegatibo ko na ganap na akong sumuko, nabibigong gawin kahit ang tungkuling kaya ko. Hindi lamang napinsala ang buhay pagpasok ko, kundi naantala rin ang tungkulin ko. Kung nagpatuloy akong maging negatibo nang ganito, magpapatuloy lamang ako sa paglayo sa Diyos, at sa huli, hindi ko talaga magagawang gampanan man lang ang kahit anong tungkulin. Hindi na iyon pagbubunyag ng Diyos sa akin, kundi pagtitiwalag ko sa aking sarili.
Kaya naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang matatalikuran. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Lubos akong naantig ng mga salita ng Diyos. Nakita ko na hindi mataas ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao, at anuman ang kakayahan nila, lahat ng lumalapit sa Diyos ay nagtatamasa ng panustos ng mga salita ng Diyos at may pagkakataong maligtas. Inililigtas ng Diyos ang mga tao sa pinakamalawak na antas. Itinakda ng Diyos ang kakayahan ng isang tao, at alam mismo ng Diyos kung anong mga tungkulin ang kayang pangasiwaan ng isang tao. Hindi hinahamak ng Diyos ang isang tao sa pagiging mangmang o pagkakaroon ng mahinang kakayahan. Hindi pare-pareho sa lahat ang mga hinihingi Niya. Sa halip, nagsasaayos Siya ng mga angkop na tungkulin para sa bawat tao ayon sa kakayahan nito at nagtatakda ng mga hinihingi sa taong iyon batay sa kakayahan nito. Hangga’t ginagawa ng isang tao ang kanyang tungkulin nang may buong pusong dedikasyon at pagsisikap, magkagayon, kahit pa hindi niya matugunan ang mga pamantayang hinihingi ng Diyos, hindi siya kokondenahin ng Diyos, ni magpapasyang abandonahin o itiwalag siya nang basta na lang. Pero noong may mga nangyari sa akin, hindi ko hinanap ang mga layunin ng Diyos. Noong tanggalin ako bilang isang tagapangaral dahil sa mahina kong kakayahan at walang nakitang mga resulta sa gawain ng ebanghelyo na pinangangasiwaan ko, nagpakalugmok ako sa pagkanegatibo, iniisip na ginawa akong walang silbi ng aking mahinang kakayahan. Sinukuan ko ang sarili ko at inisip pang magbitiw. Pero ang totoo, hindi kailanman sinabi ng Diyos na ang mahinang kakayahan ay nangangahulugang hindi maliligtas ang isang tao, ni hindi Siya nagtakda ng sobra-sobrang matataas na hiling na lampas sa kakayahan ng isang tao. Noong hindi sapat ang kakayahan ko para sa mga tungkulin na kinasasangkutan ng maraming gampanin, itinalaga ako ng iglesia para pangasiwaan lamang ang gawain ng ebanghelyo ayon sa aking kakayahan, na nagbigay sa akin ng pagkakataon para magsanay. Kung hindi nagbunga ng mga resulta ang tungkulin ko, inimbestigahan ko dapat ang mga dahilan kung bakit, mas nagsikap na punan ang mga pagkukulang ko, at ginawa ang pinakamakakaya ko para makipagtulungan. Kahit pa tanggalin ako kalaunan dahil sa kawalan ng kahusayan, kahit papaano ay wala akong pagsisisihan. Pagkatapos na mapagtanto ang mga ito, hindi na ako masyadong napipigilan ng aking mahinang kakayahan sa tungkulin ko. Nagsimula kong sangkapan ang sarili ko ng mga katotohanang nauugnay sa pangangaral ng ebanghelyo at nanood ng mga pelikula at video ng ebanghelyo. Tuwing may hindi ako naunawaan, sasabihin at tatalakayin ko ito sa aking mga kapatid. Pagkatapos magsanay nang ilang panahon, nagsimula kong makita ang mga problema nang mas malinaw kaysa dati, nagawa kong magbigay ng aktuwal na gabay at tulong sa aking mga kapatid na nahihirapan, at kapag may mga paglihis sa gawain, ibubuod ko ang mga ito sa aking mga kapatid. Unti-unti, nagsimulang magpakita ng ilang pagbuti ang gawain ng ebanghelyo.
Kalaunan, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunti pang pagkaunawa sa mga problema ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May isang kasabihan sa mga walang pananampalataya: ‘Walang libreng tanghalian.’ Kinikimkim din ng mga anticristo ang ganitong lohika, iniisip nila, ‘Kung gagawa ako para sa iyo, ano ang ibibigay mo sa akin bilang kapalit? Anong mga pakinabang ang matatamo ko?’ Paano bubuurin ang kalikasang ito? Inuudyukan ito ng mga pakinabang, inuuna ang pakinabang bago ang lahat, at pagiging makasarili at kasuklam-suklam. Ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Nananampalataya sila sa Diyos para lamang sa layon na makapagtamo ng pakinabang at mga pagpapala. Kahit na magtiis sila ng kaunting pagdurusa o magbayad ng kaunting halaga, ito ay pawang para makipagtawaran sa Diyos. Napakalaki ng kanilang layunin at pagnanais na magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at mahigpit nila itong pinanghahawakan. Wala silang tinatanggap na kahit ano sa maraming katotohanang ipinahayag ng Diyos, sa puso nila ay palagi nilang iniisip na ang pananampalataya sa Diyos ay pawang tungkol sa pagtatamo ng mga pagpapala at pagtitiyak ng isang magandang hantungan, na ito ang pinakamataas na prinsipyo, at na walang makakalampas dito. Iniisip nila na hindi dapat manampalataya ang mga tao sa Diyos maliban na lang para sa kapakanan ng pagkamit ng mga pagpapala, at na kung hindi dahil sa mga pagpapala, ang pananampalataya sa Diyos ay magiging walang kahulugan o halaga, na mawawalan ito ng kahulugan at halaga. Ikinintal ba ng ibang tao ang mga ideyang ito sa mga anticristo? Nagmumula ba ang mga ito sa edukasyon o impluwensiya ng iba? Hindi, itinatakda ang mga ito ng likas na kalikasang diwa ng mga anticristo, na isang bagay na walang sinuman ang makakabago” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Mapaminsala, at Mapanlinlang (Ikalawang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagkanegatibo at pasakit ko ay dahil sa sobra-sobra kong pagnanais sa mga pagpapala. Nakontrol ako ng mga lason ni Satanas, gaya ng “Huwag tumulong kung walang gantimpala,” at “Unahin ang kita.” Lahat ng ginawa ko ay inudyukan ng paghahangad sa pakinabang at nakapunterya sa pagtatamo ng mga pagpapala. Noong una kong matagpuan ang Diyos, maaga akong gigising at gagawa hanggang gabi bawat araw, handang magtiis ng pagdurusa at gugulin ang sarili ko, dahil naniwala ako na hahantong sa isang magandang destinasyon ang higit na kasigasigan sa tungkulin ko. Pero noong tanggalin ako dahil sa mahinang kakayahan ko, nawalan ako ng motibasyon. Nadama ko na ang mga isyu ng kakayahan ay hindi tulad ng mga tiwaling disposisyon na puwedeng baguhin. Inakala kong napirmi na ako sa kalagayang ito, hindi nararapat sa paglilinang, isa lamang walang silbing tao at nakatakdang maitiwalag. Lalo na noong walang mga resulta sa gawain ng ebanghelyo, nagkamali ako ng pang-unawa na ibinubunyag at itinitiwalag ako ng Diyos. Namuhay ako sa isang negatibong kalagayan at tumigil sa pagsisikap na gawin ang mga tungkuling kaya ko, at isinaalang-alang ko pang sukuan ang tungkulin ko. Talagang wala akong pagkatao! Nakita ko na sa maraming taong ito ng paggawa ko ng aking tungkulin para lamang magkamit ng mga pagpapala, at para bang nagtatrabaho ako para sa isang amo sa mundong ito, kung saan kung binayaran ako, magsisikap ako, at kung hindi, aalis ako. Hindi ko hinahangad ang katotohanan sa aking tungkulin kundi sinusubukang gamitin ito para makipagtawaran para sa isang magandang destinasyon. Sinusubukan kong samantalahin at linlangin ang Diyos dito. Ganap na kasuklam-suklam at buktot ang kalikasan ko, at talagang dahil dito, kinamuhian ako ng Diyos. Sa kabila ng mahinang kakayahan at lubos na katiwalian ko, binigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataong magsanay, pero hindi ko ito pinahalagahan o hinangad na gawin nang maayos ang tungkulin ko para tugunan ang Diyos. Sa halip, sinubukan kong makipagtawaran sa Kanya. Talagang may pagkakautang ako sa Diyos! Nagpapasalamat akong isinaayos ng Diyos ang sitwasyong ito para ibunyag ang mga layunin at pananaw ko tungkol sa aking paghahangad sa mga pagpapala sa pamamagitan ng aking pananalig sa Diyos. Pinahintulutan ako nitong makilala at maitama nang napapanahon ang mga paglihis ko, kung hindi, magpapatuloy akong hangarin ang mga pagpapala sa halip na hangarin ang katotohanan, at sa huli, talagang hindi na ako maliligtas.
Mayroon ding isang sipi ng mga salita ng Diyos na lubos na umantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “‘Kahit mahina ang kakayahan ko, mayroon akong tapat na puso.’ Ang mga salitang ito ay napakatotoo pakinggan, at sinasabi ng mga ito ang isang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Anong hinihingi? Na kung kulang sa kakayahan ang mga tao, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo, sa halip dapat silang magtaglay ng tapat na puso, at kung mayroon sila noon, makatatanggap sila ng pagsang-ayon ng Diyos. Anuman ang iyong sitwasyon o pinagmulan, dapat kang maging matapat na tao, nagsasabi nang tapat, kumikilos nang tapat, nagagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at isipan, maging tapat sa pagganap ng iyong tungkulin, hindi magpabaya, hindi maging tuso o mapanlinlang na tao, hindi magsinungaling o manlinlang, at hindi magpaligoy-ligoy sa pagsasalita. Kailangan mong kumilos ayon sa katotohanan at maging isang taong naghahangad sa katotohanan. Maraming tao ang nag-iisip na mababa ang kanilang kakayahan, at hindi nila kailanman maayos na nagagampanan ang kanilang tungkulin o naaabot ang pamantayan. Ibinubuhos nila ang lahat-lahat nila sa kanilang ginagawa, ngunit hindi nila kailanman maunawaan ang mga prinsipyo, at hindi pa rin sila makapagtamo ng napakagagandang resulta. Sa huli, ang nagagawa na lamang nila ay dumaing na sadyang napakababa ng kanilang kakayahan, at sila ay nagiging negatibo. Kaya, hindi na ba makasusulong kung mababa ang kakayahan ng isang tao? Ang pagkakaroon ng mababang kakayahan ay hindi isang nakamamatay na sakit, at hindi kailanman sinabi ng Diyos na hindi Niya ililigtas ang mga taong may mababang kakayahan. Tulad ng sinabi noon ng Diyos, nagdadalamhati Siya sa mga taong matatapat ngunit mangmang. Anong ibig sabihin ng pagiging mangmang? Sa maraming kaso, ang kamangmangan ay nagmumula sa pagiging mababa ang kakayahan. Kapag mababa ang kakayahan ng mga tao, may mababaw silang pagkaunawa sa katotohanan. Hindi ito sapat na partikular o praktikal, at kadalasang limitado ito sa isang paimbabaw o literal na pagkaunawa—limitado ito sa doktrina at mga regulasyon. Iyon ang dahilan kung kaya’t hindi nila makita nang malinaw ang maraming problema, at hindi kailanman maunawaan ang mga prinsipyo habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, o mahusay na magawa ang kanilang tungkulin. Ayaw ba ng Diyos, kung gayon, sa mga taong may mababang kakayahan? (Gusto Niya.) Anong landas at direksiyon ang itinuturo ng Diyos na tuntunin ng mga tao? (Na maging isang matapat na tao.) Maaari ka bang maging matapat na tao kung sasabihin mo lamang ito? (Hindi, kailangang mayroon kang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao.) Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos. Isa iyon sa mga pagpapamalas ng isang matapat na tao. Bukod dito, ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayumpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang pagganap nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para palugurin ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na bagama’t may mas mababaw na pagkaunawa sa mga problema ang mga taong may mahinang kakayahan, kung may matapat silang puso, totoong hinahanap ang katotohanan, at ginagawa ang kanilang tungkulin nang buong puso at lakas nila, kayang unti-unting bumuti ng buhay nila, at sa huli, puwede silang maligtas. Tunay na mahina ang kakayahan ko. May tendensiya akong makita lamang ang ibabaw ng mga problema at hindi ko naisasabuhay nang maayos ang mga prinsipyo. Pero sinasabi ng Diyos na hindi nakamamatay na karamdaman ang mahinang kakayahan, at hangga’t kaya kong isagawa ang pagiging isang matapat na tao ayon sa mga hinihingi ng Diyos, manalangin sa Diyos at mas magtiwala sa Kanya sa mga isyung hindi ko makilatis, magsikap sa pagsasangkap sa aking sarili ng mga nauugnay na katotohanan, at maagap na maghanap ng pakikipagbahaginan kasama ng mga nakakaunawa sa katotohanan kapag nahaharap sa mga paghihirap, kaya kong punan ang mga pagkukulang ko at magkamit ng ilang resulta sa tungkulin ko. Naalala ko rin ang tagapangaral na hinangaan ko. Nagawa niyang ibahagi ang katotohanan para lutasin ang mga problema at magkamit ng mga resulta sa kanyang tungkulin, pero ito ay dahil masigasig siyang nakipagtulungan sa kanyang tungkulin at natanggap niya ang gawain ng Banal na Espiritu. Pero kalaunan ay namuhay siya sa isang tiwaling disposisyon, nakikipagkompetensiya para sa kasikatan at pakinabang, at hindi inaasikaso ang kanyang wastong gawain, at walang mga ibinungang resulta ang tungkulin niya. Kahit na nagbigay ng pagbabahaginan at tulong ang mga kapatid, hindi siya nagsisi, at sa huli, tinanggal at itiniwalag siya. Ipinakita nito na kahit na may mahusay na kakayahan ang isang tao, kung hindi niya hinahangad ang katotohanan, hindi niya matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi niya kayang magkamit ng magagandang resulta sa kanyang tungkulin. Bagama’t mahina ang kakayahan ko, hindi ito masyadong mahina na hindi ko na kayang maarok ang katotohanan o maunawaan ang anumang bagay. Halimbawa, sa aking tungkulin sa ebanghelyo, kung hindi ako tumutok sa aking mga oportunidad sa hinaharap kundi ginawa nang tapat ang tungkulin ko, at nagsikap na matuto at maunawaan ang hindi ko alam, magkakamit pa rin ako ng ilang resulta sa tungkulin ko. Nakita ko na ang dating paniniwala ko na ang “Ang mahinang kakayahan ay nangangahulugang hindi kayang gawin nang maayos ng isang tao ang tungkulin niya at hindi siya maliligtas, at ang mga may mahusay na kakayahan lamang ang maliligtas” ay ganap na katawa-tawa at nakalilinlang at hindi talaga naaayon sa katotohanan!
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nagpahayag ng napakaraming salita ang Diyos, at bago Niya ginawa iyon, nagsagawa Siya ng maraming paghahanda. Kung, sa huli, hindi mo hinahangad o pinapasok ang mga salitang ito matapos Niyang maipahayag ang mga ito, ano ang magiging tingin ng Diyos sa iyo? Ano ang magiging hatol ng Diyos sa iyo? Napakalinaw nito. Kaya, para sa bawat tao, hindi mahalaga ang iyong kakayahan, o edad, o kung ilang taon ka nang nananampalataya sa Diyos, dapat kang magsumikap tungo sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Hindi mo dapat bigyang-diin ang anumang obhetibong mga palusot; dapat mong hangarin ang katotohanan nang walang kondisyon. Huwag iraos lang ang mga bagay-bagay. Ipagpalagay nang itinuring mo ang paghahangad sa katotohanan bilang isang dakilang usapin ng buhay mo, at nagpupursigi at nagsusumikap ka para dito, at marahil ang mga katotohanang nakamit at nagawa mong maabot ay hindi ang mga inaasam mo, pero sinabi ng Diyos na bibigyan ka Niya ng nababagay na hantungan dahil sa saloobin mo ng paghahangad sa katotohanan at sa sinseridad mo—napakaganda niyon! Sa ngayon, huwag tumuon sa kung ano ang kahahantungan at kalalabasan mo, o kung ano ang mangyayari at ano ang magaganap sa hinaharap, o kung maiiwasan mo ba ang sakuna at hindi ka mamamatay—huwag mong isipin o hilingin ang mga bagay na ito. Tumuon ka lang sa mga salita at mga hinihingi ng Diyos, at hangarin mo ang katotohanan, gawin nang maayos ang iyong tungkulin, at tugunan ang mga layunin ng Diyos, at iwasang biguin ang anim na libong taong paghihintay ng Diyos, at ang Kanyang anim na libong taon ng pananabik. Bigyan ng kaunting kapanatagan ang Diyos; hayaan Siyang makakita ng pag-asa sa iyo, at hayaang matupad ang Kanyang mga kahilingan sa iyo. Sabihin mo sa Akin, tatratuhin ka ba ng Diyos nang masama kung gagawin mo ito? Siyempre hindi! At kahit na ang mga resulta sa huli ay hindi ang ninanais ng mga tao, paano nila dapat harapin ang katunayang iyon, bilang mga nilikha? Dapat silang magpasakop sa lahat ng bagay sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, nang walang anumang mga personal na plano. Hindi ba’t ito ang perspektiba na dapat taglayin ng mga nilikha? (Ito nga.) Tama na magkaroon ng ganitong mentalidad” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na matuwid ang Diyos, at tinatakda Niya ang kalalabasan ng isang tao depende kung mayroon ba siyang katotohanan. Bagama’t mahina ang kakayahan ko, hindi ko dapat negatibong nilimitahan ang sarili ko. Kailangan kong patuloy na magsikap, hangarin ang katotohanan, at hangarin ang mga pagbabago sa aking disposisyon. Kailangan kong tuparin ang mga responsabilidad ko sa aking tungkulin at ibigay ang lahat ng pagsisikap para gawin ang makakaya ko, at magkakaroon man ako o hindi ng katanggap-tanggap na kalalabasan at destinasyon sa huli, kailangan kong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ito ang katwirang dapat mayroon ako bilang isang nilikha. Sa pagninilay-nilay ko sa aking mga karanasan, bilang isang mangangaral man o sa paggawa ng tungkulin sa ebanghelyo, ang kawalan ko ng mga resulta ay hindi talaga dahil sa mahina kong kakayahan, kundi dahil palagi kong nililimitahan ang sarili ko, naniniwalang nakamamatay na karamdaman ang mahinang kakayahan, at dahil hindi ako nagpunyaging humusay o nagsikap sa pagsasangkap sa sarili ko ng katotohanan. Noong hindi ko makilatis ang mga problema, hindi ko hinanap ang katotohanan o nakipagbahaginan sa iba, kaya bilang resulta, hindi ako sumulong. Sa hinaharap, anumang problema ang kahaharapin ko sa gawain, hindi na ako puwedeng malimitahan ng aking mahinang kakayahan, dapat kong harapin nang tama ang mga iyon at hanapin ang katotohanan para sa mga solusyon. Anumang mga katotohanan na hindi ko naunawaan o mga isyung hindi ko makilatis, dapat talaga akong magbayad pa ng halaga para masangkapan ang sarili ko at matuto. Basta’t taos-puso akong nakikipagtulungan sa Diyos, siguradong susulong ako. Nang isipin ko ito nang ganito, mas napanatag ako at tumatag sa tungkulin ko. Dati, madalas kong sinasabi ang tungkol sa mahinang kakayahan ko, at ang mga salitang iyon, “mahinang kakayahan,” ay gaya ng isang sumpang mahigpit na gumagapos sa akin, nagdudulot para magpakalugmok ako sa kapaitan at kapaguran at hindi sumusulong sa buhay. Ngayon, sa puso ko ay nakadama ako ng kalayaan. Mula ngayon, sa paggawa sa aking tungkulin, tumuon ako sa pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, at para sa mga pagkukulang at kahinaan ko, sasangkapan ko ang sarili ko ng mga nauugnay na katotohanang prinsipyo. Para sa mga bagay na hindi ko naunawaan, mananalangin ako sa Diyos at matututo mula sa mga sister na may karanasan. Sa ganitong paraan, nadama ko ang gabay ng Diyos sa aking tungkulin, mas naarok ang mga prinsipyo, at nagkamit ako ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa mga isyu na dating malabo, at nagbunga rin ng kaunting resulta ang gawain ng ebanghelyo. Bagama’t marami pa rin akong kakulangan, handa akong magtiwala sa Diyos para magawa nang maayos ang tungkulin ko. Salamat sa Diyos!