86. Ang Pagharap sa Karamdaman Ay Biyaya ng Diyos

Ni Shiji, Tsina

Mahina ang kalusugan ko simula pa nang pagkabata ko. Noong tin-edyer ako, nagkaroon ako ng pananakit ng binti. Sinabi ng doktor na mayroon akong rheumatoid arthritis at kailangan ng paggagamot. Noong panahong iyon, mahirap lang ang pamilya ko at hindi kayang magbayad para sa paggagamot. Sa tuwing lumulubha ang pananakit, umiinom ako ng ilang painkiller. Nagsusuot din ako ng mga ekstrang damit o umuupo sa pinainit na ladrilyong kama para maibsan ang sakit. Sa edad na dalawampu, lumala ang kalagayan ko, at naparalisa ako. Pagkatapos ng ilang panahon ng paggagamot, bagaman nakakalakad ako, naiwan akong may isang pangmatagalang isyu; sumasakit ang mga binti ko kapag nasosobrahan ako sa paglalakad. Kinalaunan, natuto akong manampalataya sa Panginoong Jesus. Nagulat ako nang, pagkalipas ng mahigit isang buwan, milagrosong gumaling ang mga binti ko, at labis akong natuwa. Para magpasalamat sa Panginoon para sa biyaya Niya, naging aktibo ako sa pagbibigay ng mga patotoo at sa pangangaral ng ebanghelyo ayon sa pagsasaayos ng iglesia. Naramdaman ko na sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patotoo at ng pangangaral ng ebanghelyo para sa Panginoon, patuloy akong babantayan at poprotektahan ng Diyos, at baka pa nga makatanggap ako ng mas malaking biyaya. Simula noon, kumapit ako sa pananalig na para ba itong isang linya ng buhay, at ang sigasig ko sa pananampalataya sa Diyos ay nadagdagan pa nang husto.

Noong Oktubre 2006, tinanggap ko ang mga huling araw ng gawain ng Diyos. Sobrang nasabik akong salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, iniisip na, “Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw para isagawa ang gawain ng pagliligtas. Dapat kong samantalahin ang pagkakataong ito para gumawa ng higit pang mga tungkulin at maghanda ng mabubuting gawa. Hangga’t taos-puso akong nananampalataya sa Diyos at tapat na ginagawa ang mga tungkulin ko, tiyak na pananatilihin akong ligtas at malusog ng Diyos sa buong buhay ko. Kapag natapos na ang gawain ng Diyos, papasok din ako sa kaharian at matatamasa ko ang maraming pagpapala. Isa itong napakalaking pagpapala!” Hindi nagtagal pagkatapos (matutong) manampalataya sa Diyos, nagsimula akong magsanay sa paggawa ng mga tungkulin ko. Hindi alintana kung anong mga tungkulin ang isinasaayos ng iglesia, sumunod ako. Noong 2012, Umalis ako sa bahay para magrenta ng lugar sa lungsod para magsagawa ng pag-ho-host. Kahit mahirap at nakakapagod, wala akong mga reklamo sa puso ko. Mabilis na lumipas ang mga taon, at isinaayos ng mga lider na ako ang mangasiwa sa ilang grupo ng pagtitipon. Hindi ko alam kung paano sumakay ng bisikleta, kaya naglakad ako kahit gaano pa kalayo ang distansya. Minsan, kung umuuwi ako para sa tanghalian at pagkatapos ay nagtutungo sa mga pagtitipon, nahuhuli ako ng dating, kaya nilalaktawan ko na lang ang pananghalian. Kahit pa sumasakit ang mga binti ko dahil sa sobrang paglalakad, hindi ko ito pinansin. Naramdaman ko na sa paggawa ko ng mga tungkulin ko sa kabila ng mga paghihirap ko, sa paglipas ng mga taon, mapapansin ng Diyos ang lahat ng ginawa ko at tiyak na poprotektahan at pagpapalain Niya ako sa katapatan ko sa mga tungkulin ko.

Noong 2019, bumalik ang pananakit ng binti ko. Minsan, kung nasosobrahan ako sa paglalakad, sumasakit ang tuhod ko nang sobra na hindi ko ito kayang ibaluktot. Sa gabi, hindi ko lubos na maiunat ang binti ko habang natutulog, at kung minsan nagigising ako sa sakit. Nagpunta ako sa ospital para sa pagsusuri, at sinabi ng doktor na ang kasukasuan ng kanang tuhod ko ay nangangailangan ng operasyon para mapalitan. Noong panahong iyon, walang pera ang pamilya ko para sa pagpapagamot, at ginagampanan ko rin ang mga tungkulin ko. Naisip ko, “Kung gagawin ko nang tama ang mga tungkulin ko, marahil isang araw ay aalisin ng Diyos ang karamdaman.” Kaya, hindi ako sumailalim sa operasyon at sa halip ay uminom ako ng mga painkiller at naglagay ng plaster para pamahalaan ang sakit. Sa panahong iyon, minsan hindi ako makatulog sa gabi dahil sa sakit. Sa araw, kapag napakatagal ko na nakaupo, hindi ako makalakad kapag tumatayo, at kinakailangan ko pang dahan-dahang masahihin ang binti ko bago ako makapaglakad nang kahit kaunti.

Noong Agosto 2023, nakikita kung gaano (na) kalubha ang sakit ng binti ko, dinala ako ng anak ko sa ospital para sa isang X-ray. Tiningnan ng doktor ang X-ray at sinabing, “Bakit mo hinintay na lumala ito bago ka magpagamot? Ngayon, ang kasukasuan ng kanang tuhod mo ay nasa masamang lagay na, at ang parehong kasukasuan ng bukong-bukong mo ay necrotic. Hindi na makakatulong ang gamot at acupuncture. Ang pinakamahusay na plano sa paggagamot ay para palitan ang mga kasukasuan ng parehong bukong-bukong at tuhod. Palitan ang isang kasukasuan kada tatlong buwan, at matatapos mo ito sa loob ng isang taon. Kung hindi, puwede kang maparalisa.” Halos mahimatay ako nang marinig ko ang diagnosis ng doktor. Kahit na ang sakit sa binti ko ay lumala sa paglipas ng mga taon, at medyo handa na ang isip ko, hindi ko inaasahang magiging ganito kalala ang sitwasyon. Kung mapaparalisa ako, paano ako mabubuhay? Nanlumo ang puso ko, at pinigilan ko ang pagluha. Pagkauwi ng bahay, sumalampak ako sa kama tulad ng isang umimpis na lobo, wala akong magawa, at tumulo ang mga luha ko nang hindi napipigilan. Ang mga reklamo ko at mga hindi pagkakaunawa sa Diyos ay lumabas lahat, “Dati, noong tinitiis ko ang sakit at umaakyat ako sa bundok para mamitas ng mga hazelnut para ibenta para sa pagho-host, hindi ako kailanman nagreklamo gaano man ito kahirap. Nang maglaon, noong ako ang namamahala sa mga pagtitipon ng grupo, hinarap ko ang hangin at ulan, hindi kailanman inaantala ang mga tungkulin ko, at hindi ako nagreklamo tungkol sa sakit ng binti ko. Bakit hindi ako pinangalagaan ng Diyos? Ngayon kailangan kong papalitan ang kasukasuan ng tuhod ko, at walang ganoong karaming pera ang pamilya ko! Pero kung hindi ako sasailalim sa operasyon, haharap ako sa pagkaparalisa.” Sa mga araw na iyon, sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa sakit at paghihirap na tiniis ko noong naparalisa ako, nangangatal ang puso ko, at tumutulo ang mga luha ko nang hindi mapigilan. Habang nakikita ang mga kapatid na nakakapaglakad at nakakatakbo para gawin ang mga tungkulin nila, talagang nainggit ako sa kanila! Bakit hindi ako magkaroon ng dalawang malulusog na binti tulad ng sa iba? Naisip ko na sa pananampalataya ko sa Diyos, lagi Niya akong poprotektahan, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Pagkatapos malaman ng pinuno ang tungkol sa kalagayan ko, nakipagbahaginan siya sa akin, “Kapag nagkakasakit tayo, nagdadala ito ng mga layunin ng Diyos; huwag magkamali ng pag-unawa sa Diyos! Kapag nagkakasakit tayo, kailangan nating pagnilayan ang mga katiwalian at mga maling layunin at pananaw na ibinunyag natin, at kumuha ng mga aral mula rito.” Pinayuhan din ako ng lider na paulit-ulit basahin ang partikular na mga kabanata ng mga salita ng Diyos, na puwedeng tumugon sa kalagayan ko. Pagkatapos niyang umalis, agad kong nakita ang mga salita ng Diyos para basahin: “Kapag isinasaayos ng Diyos na ang isang tao ay magkasakit, ng malubhang sakit man o simple, ang layunin Niya sa paggawa nito ay hindi para iparanas sa iyo ang lahat ng aspekto ng pagkakasakit, ang pinsalang idinudulot ng sakit sa iyo, ang mga abala at paghihirap na idinudulot ng sakit sa iyo, at ang samu’t saring damdaming ipinararamdam sa iyo ng sakit—hindi layunin ng Diyos na maunawaan mo ang sakit sa pamamagitan ng pagkakasakit. Sa halip, ang layunin Niya ay para matuto ka ng mga aral mula sa sakit, matuto kung paano maarok ang mga layunin ng Diyos, malaman ang mga tiwaling disposisyon na iyong nahahayag at ang mga maling saloobing mayroon ka tungkol sa Diyos kapag ikaw ay may sakit, at matutuhan mong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, upang magkaroon ka ng tunay na pagpapasakop sa Diyos at magawa mong manindigan sa iyong patotoo—ito ay lubhang mahalaga. Nais ng Diyos na iligtas at linisin ka sa pamamagitan ng sakit. Ano ang nais Niyang linisin sa iyo? Nais Niyang linisin ang lahat ng iyong labis-labis na mga pagnanais at hinihingi sa Diyos, at pati na rin ang iba’t ibang pagkakalkula, paghuhusga, at plano na ginagawa mo anuman ang kapalit upang makaligtas ka at mabuhay. Hindi hinihingi ng Diyos na gumawa ka ng mga plano, hindi Niya hinihingi na manghusga ka, at hindi ka Niya pinahihintulutan na magkaroon ng anumang mga labis-labis na pagnanais sa Kanya; hinihingi lamang Niyang magpasakop ka sa Kanya, at sa iyong pagsasagawa at pagdanas ng pagpapasakop, na malaman mo ang iyong sariling saloobin sa pagkakasakit, at malaman mo ang iyong saloobin sa mga kondisyong ito sa katawan na itinatakda Niya sa iyo, pati na rin ang iyong mga personal na kahilingan. Kapag nalaman mo na ang mga bagay na ito, mapapahalagahan mo na kung gaano kakapaki-pakinabang sa iyo na isinaayos ng Diyos ang mga kondisyon ng karamdaman para sa iyo o na ibinigay Niya sa iyo ang mga kondisyong ito sa katawan; at mapapahalagahan mo kung gaano nakatutulong ang mga ito sa pagbabago ng iyong disposisyon, sa pagkakamit mo ng kaligtasan, at sa iyong buhay pagpasok(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Habang iniisip ko ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng kaliwanagan, “May mabuting layunin ang Diyos nang dumapo sa akin ang sakit na ito. Hindi sinusubukan ng Diyos na itiwalag ako o gawin akong mapagpahalaga sa sakit at sa lahat ng napakaraming damdaming dulot ng sakit, kundi para linisin ang mga karumihan sa pananalig ko sa paglipas ng mga taon.” Pagkatapos ay nagmuni-muni ako sa puso ko, “Anong gusto ng Diyos na dalisayin sa akin?” Napagtanto ko na sa tinagal-tagal pala ng panahon, ang pangunahing layon ko sa pananampalataya sa Diyos ay para maghangad ng biyaya at pag-asa para sa mabuting kalusugan at para magkaroon ng mapayapang buhay. Noong una, kapag ipinagkakaloob sa akin ng Diyos ang biyaya, napakasaya ko, at puno ako ng sigla na gugulin ang sarili ko sa pananampalataya sa Kanya. Subalit ngayon, nahaharap sa malubhang rheumatoid arthritis at sa posibilidad ng pagkaparalisa, nakikipagtalo ako sa Diyos at nagrereklamo ako kung bakit hindi Niya ako pinoprotektahan. Nakita ko na walang ipinagkaiba ang pananalig ko kumpara sa mga nasa relihiyon—humihingi lamang ng mga biyaya at pagpapala sa Diyos, nang hindi nananampalataya sa Kanya nang taos-puso at hinahangad ang katotohanan. Habang napagtatanto ko ito, naramdaman ko ang pagkakonsensiya at pagsisisi sa sarili. Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, sa paglipas ng mga taon ng pananampalataya sa Iyo, naghangad ako gamit ang mga maling pananaw at tumahak ako ng maling landas. Pinahintulutan Mo na dumapo ang sakit sa akin, at dala nito ang mabuting intensyon Mo. Handa akong hanapin ang katotohanan at lubos na pagnilayan ang sarili ko.”

Sa paghahanap ko, nakatagpo ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos at nakakuha ako ng ilang pag-unawa sa kalagayan ko. Sabi ng Diyos: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking kapangyarihan upang itaboy ang maruruming espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming nananampalataya sa Akin para maiwasan ang pagdurusa ng impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad magkamit ng anuman sa mundong darating. Kapag ibinuhos Ko ang Aking matinding galit sa mga tao at binabawi Ko ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati nilang taglay, napupuno sila ng pagdududa. Kapag ibinigay Ko sa mga tao ang pagdurusa ng impiyerno at binabawi Ko ang mga pagpapala ng langit, nagagalit sila nang husto. Kapag hinihiling sa Akin ng mga tao na pagalingin Ko sila, at hindi Ko sila pinapakinggan at namuhi Ako sa kanila; nililisan nila Ako upang sa halip ay hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Kapag inaalis Ko ang lahat ng hiningi ng mga tao sa Akin, naglalaho silang lahat nang walang bakas. Samakatwid, sinasabi Ko na ang mga tao ay may pananalig sa Akin sapagkat masyadong masagana ang biyaya Ko, at dahil masyadong maraming pakinabang na makakamit(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). “Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isa lamang hayagang pansariling interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng mga pagpapala. Sa madaling salita, ito ang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksiyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pagkakaunawaan, tanging walang magawang pinipigilang indignasyon at panlilinlang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman kong tinutusok ng mga ito ang puso ko, at naramdaman ko ang sakit, na para bang hinahatulan ako ng Diyos nang harap-harapan, isinisiwalat ang kalagayan ko sa malinaw na detalye. Napagtanto ko na ang pananampalataya ko sa Diyos at ang paggawa ko ng mga tungkulin ko ay naglayon para panatilihin akong ligtas ng Diyos, pagkalooban ako ng mapayapang buhay, at bigyan ako ng mabuting kalusugan. Ito mismo ang isinwalat ng Diyos: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Sa pagbabalik-tanaw, nang gumaling ako sa sakit ko matapos matutong manampalataya sa Panginoong Jesus, Kumapit ako sa Kanya tulad ng isang linya ng buhay at matatag akong nanampalataya na ang Diyos ay ang Diyos na nagbibigay ng pagpapala sa mga tao. Inisip ko na hangga’t tunay akong nananampalataya sa Diyos, nagdurusa nang higit pa, at higit pang ginugugol ang sarili ko para sa Kanya, pananatilihin ako ng Diyos sa mabuting kalusugan at bibigyan Niya ako ng mapayapang buhay na malaya mula sa sakit at sakuna. Matapos tanggapin ang mga huling araw ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, lalo akong naging masigasig sa paggugol ng sarili ko. Para gawin ang mga tungkulin ko, umupa ako ng isang lugar na malayo sa bahay para patirahin ang mga kapatid. Nang maglaon, noong ako ang responsable para sa mga pagtitipon ng grupo, hinarap ko ang lahat ng uri ng panahon at mahahabang distansya, naniniwalang makikita ng Diyos ang pagiging responsable ko at katapatan sa paggawa ng mga tungkulin ko at tiyak na pananatilihin Niya akong ligtas sa buong buhay ko. Subalit sa panahong ito, habang nahaharap sa malubhang sakit at sa posibilidad ng pagkaparalisa, tumalikod ako sa Diyos, pagalit na nagrereklamo laban sa Kanya, ginagamit ang mga sakripisyo ko at paggugol ng sarili ko para sa Kanya para makipagtalo at gumanti sa Kanya, gaya ng isiniwalat ng mga salita ng Diyos: “Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang ninanais ay nalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit-tingnan at mabangis na mamamatay-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Nang ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang biyaya, ganap akong sumunod sa Kanya. Pero nang sandali akong hindi nasiyahan sa Kanya, nagreklamo ako tungkol sa Kanya. Hindi ba’t lubos na wala akong konsensiya? Nananampalatayang tulad ng ganito at umaasa pa rin na makatatanggap ako ng mga pagpapala mula sa Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit, talagang walang-hiya ako! Ibinunyag ako nang lubusan ng karamdamang ito. Nakita ko na ang pananampalataya ko sa Diyos at ang pagganap ko ng tungkulin sa paglipas ng mga taon ay hindi kailanman naging taos-puso. Para mapagaling ako ng Diyos at makatanggap ako ng mga pagpapala kaya ginawa ko ang mga pagsisikap ko. Ginamit ko ang mga sakripisyo ko at paggugol ng saril ko para sa Diyos para subukang makipag-tawaran sa Kanya. Sa panlabas, tila ipinagpapatuloy ko ang bagong gawain ng Diyos, pero ang perspektiba ko sa kung ano ang dapat hangarin ay hindi nagbago. Hinahangad ko pa rin ang biyaya at mga pagpapala tulad ng mga nasa Kapanahunan ng Biyaya, nananampalataya para lamang makamit ang mga bagay na makasasaya sa akin. Dati, nakikipagbahaginan ako sa mga kapatid, sinasabing hindi na ginagawa ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, na sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghahatol at pagdadalisay sa mga tao, at na sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan at pagkakaroon ng pagbabago sa disposisyon sa buhay ay maliligtas tayo at makakapasok sa kaharian. Pero hindi ako naghahangad ng katotohanan o ng isang pagbabago sa disposisyon ko; sa halip, nakatuon lamang ako sa paghahangad ng biyaya at mga pagpapala. Ano ang posibleng makukuha ko sa pananampalataya ko sa Diyos nang ganito? Sa huli, kung hindi ko mauunawaan ang katotohanan at kung ang tiwaling disposisyon ko ay hindi magbabago, hindi ba mapapahamak pa rin ako? Pagkatapos ay naisip ko si Pablo. Nanampalataya siya sa Diyos nang may mga personal na motibo at karumihan, ginagamit ang paggugol ng sarili niya para sa Diyos, pagsisikap, at sipag para subukang makipagtawaran sa Diyos, hayagang binabantaan ang Diyos at nanghihingi ng korona ng katuwiran mula sa Kanya, at sa gayon ay hinihimok ang disposisyon ng Diyos at tinatanggap ang matuwid na kaparusahan Niya. Hindi ba’t ang paghahangad ko ay kaparehas ng kalikasan ng kay Pablo? Pagkatapos ng pagiging abala at paggugol ng sarili ko para sa Diyos, hiningi ko na pagalingin ako ng Diyos at panatilihing akong malusog. Nang hindi kumilos ang Diyos ayon sa mga kagustuhan ko, nakipagtalo ako at nagprotesta laban sa Kanya. Ito ay panlalaban sa Diyos. Sa pag-iisip ko ng lahat ng ito, nakaramdam ako ng matinding kalungkutan at lumuha nang may pagsisisi. Naalala ko ang pagkaparalisa ko nang higit sa dalawang buwan noong dalawampung taong gulang ako; sinabi ng mga doktor na walang lunas ang kalagayan ko, pero nakaya kong tumayo at makalakad muli. Ang Diyos ang nagpoprotekta sa akin noon pa man. Kahit na naiwan akong may pangmatagalang sakit sa binti, dahil sa karamdaman kaya ako lumapit sa Diyos at nanampalataya ako sa Panginoong Jesus. Nang maglaon, ang Diyos ay gumawa sa pamamagitan ng mga kapatid para ipangaral ang ebanghelyo sa akin, at sinuwerte ako na tanggapin muli ang mga huling araw ng ebanghelyo ng Diyos, nasisiyahan sa pagdidilig at sa pagtutustos ng mga salita ng Diyos. Napakaraming pagmamahal ang ipinakita sa akin ng Diyos! Subalit ngayon, dahil (lamang) hindi ako pinagaling ng Diyos gaya ng gusto ko, nagrebelde ako laban sa Kanya at nagreklamo tungkol sa Kanya. Wala talaga akong konsensiya! Sa puso ko, tahimik akong nanalangin, “Diyos ko, ang mga salita Mo ang gumising sa puso kong manhid. Ngayon ko lamang napagtanto na sa pananampalataya ko, sinusubukan kong makipagtawaran sa Iyo. Natamasa ko nang labis ang pagdidilig at panunustos ng salita Mo, gayon man ay hindi ko inisip na suklian ang pagmamahal Mo; sa halip, hindi kita naunawaan at nagreklamo ako tungkol sa Iyo. Talagang wala akong pagkatao! Diyos ko, handa akong magsisi at magbago.”

Pagkatapos, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o hinagupit ng kapahamakan. Naniwala siya na kung magbibigay man ng pagpapala ang Diyos sa mga tao o kaya ay magdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at dahil dito, anuman ang kalagayan ng isang tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, pinagpala ang tao, at kapag dumating ang sakuna sa tao, ito ay dahil din sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at nagsasaayos ng lahat tungkol sa tao; ang pabago-bagong kapalaran ng tao ay pagpapamalas ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at sa ano mang perspektiba mo ito tinitingnan, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan at nalaman ni Job sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga inisip at ikinilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan Niya si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Ang pusong ito ay palaging naghihintay sa utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit ano pa ang oras o lugar, tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang hiningi si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, humarap at magpasakop sa lahat ng pagsasaayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng matinding kahihiyan; Nais kong mawala na lamang ako. Nanampalataya si Job sa Diyos nang walang anumang personal na motibo o karumihan, hindi isinasaalang-alang kung makakakuha ba siya ng mga pagpapala o haharap ba siya sa kamalasan. Hindi alintana kung ang Diyos ay magbibigay o mag-aalis, wala siyang mga reklamo. Si Job ay tumindig sa posisyon ng isang nilikha, nagpapasakop at sumasamba sa Diyos. Sa panahon ng mga pagsubok niya, nawala kay Job ang lahat ng kayamanan niya, mga anak niya, at nagdusa pa nga sa masasakit na pigsa sa buong katawan. Ang paghihirap niya ay napakatindi! Kahit na kapag nauupo sa mga abo, kinakaskas ang mga sugat niya ng isang piraso ng palayok, si Job ay hindi nagreklamo tungkol sa Diyos, ni hindi niya hiniling sa Diyos na bawasan ang pagdurusa niya. Nagagawa pa rin niyang purihin ang pangalan ng Diyos at naninindigan pa rin siya sa patotoo niya para sa Diyos. Sa pag-iisip ng pagkatao at katwiran ni Job, nakaramdam ako ng matinding kahihiyan. Sa paglipas ng mga taon ng pananampalataya sa Diyos, nang matanggap ko ang mga pagpapala ng Diyos, masaya akong nagpasalamat sa Diyos sa puso ko. Pero nang lumala ang kalagayan ng binti ko, nagreklamo ako tungkol sa Diyos, nagnanais na makipagtalo at makipagkuwentahan sa Kanya. Sa pag-iisip tungkol sa pag-uugali ko, kinamuhian ko ang sarili ko at nakaramdam ako ng matinding pagkakautang sa Diyos! Bagaman napakalaki ng pakakaiba ko kay Job, wala ng pagkatao niya at ng dakilang pananalig niya, handa akong sundin ang halimbawa ni Job. Kahit na anong mangyari sa katawan ko, kahit pa nga maparalisa o mamatay ako, hindi ako magrereklamo tungkol sa Diyos; tutuparin ko ang tungkulin kong suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Kinalaunan, ninais ng anak kong lalaki na dalhin ako sa Beijing para sa isang checkup. Bago umalis, gumawa ako ng isang panalangin na pagpapasakop sa Diyos, “Makapangyarihang Diyos, nagpapasalamat ako sa Iyo! Ang awa Mo ang nagpapanatiling buhay sa akin hanggang ngayon. Kung hindi dahil sa proteksyon Mo, matagal na sana akong namatay. Pero wala akong konsensiya; hindi ko alam kung paano magpasalamat o suklian ang pagmamahal Mo. Sa mga taong ito, patuloy kong sinusubukang makipagtawaran sa Iyo, magrebelde laban sa Iyo, at manlaban sa Iyo. Diyos ko, hindi Mo ako itinrato ayon sa mga pagsasalangsang ko, kundi ay binigyan mo ako ng pagkakataong magsisi. Handa akong magsisi nang tunay. Ano man ang diagnosis na makukuha ko sa Beijing, magpapasakop ako sa mga pamamatnugot at pagsasaayos Mo. Kahit na maparalisa o mamatay man ako, iyon ay katuwiran Mo; kahit pa anong pagsasaayos ang gawin Mo, ito ay mabuti.” Pagkatapos ng pagdadasal, naramdaman ko ang labis na kaluwagan at paggaan ng pakiramdam ko. Pagdating ko sa Beijing, sinabi ng doktor na napakalala ng kalagayan ko, isang bahagi ng buto sa loob na bahagi ng kanang tuhod ko ang naging itim na at necrotic, at kung lalala ito, puwede itong maging kanser sa buto, at kung hindi ako sasailalim sa operasyon sa lalong madaling panahon, wala nang mga pagkakataon. Nang marinig ko ito, hindi na ako natakot tulad ng dati. Naisip ko na lamang na magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Dahil napakalubha ng masasamang epekto ng operasyon, at magiging masyadong masakit ito, hindi ako tumuloy sa operasyon at uminom na lamang ako ng gamot bago umuwi. Nang gabing bumalik ako mula sa Beijing, umupo ako sa kama nang minamasahe ang binti ko, iniisip sa sarili ko, “Tingnan ko nga kung maitutuwid ko ang binti ko.” Sinubukan kong dahan-dahang iunat ito, at nagulat ako, talagang tumuwid ito! Dahan-dahan kong ibinaluktot ito pabalik at sinubukang iunat muli, at tumuwid ito muli! Labis akong natuwa!

Sa mga sumunod na araw, unti-unting tumigil ang pananakit ng binti ko, at nakapaglakad ako nang mas madali kaysa dati. Sinabi ng mga kapatid na naging mas tuwid ang tindig ko at mukhang mas malusog ako. Kahit pa ang binti ko ay hindi pa rin kasing ayos ng sa karamihan ng mga tao, sobrang kontento ako, at labis akong nagpapasalamat sa Diyos. Nakita ko na ginamit ng Diyos ang karamdamang ito para linisin ang mga karumihan sa pananampalataya ko. Masyadong naging matigas ang kalooban ko. Sa lahat ng mga taong ito, nanampalataya ako sa Diyos habang pinanghahawakan ang mga relihiyosong pananaw, naghahangad ng mga pagpapala at biyaya sa halip na tumutuon sa paghahangad ng katotohanan. Ang tiwaling disposisyon ko ay hindi masyadong nagbago sa paglipas ng mga taon ng pananampalataya ko sa Diyos, at nagsayang ako ng higit sa isang dekada ng panahon. Simula ngayon, dapat kong taimtim na hangarin ang katotohanan at huwag subukang makipagtawaran sa Diyos. Ngayon inatasan ako ng iglesia na mangasiwa muli sa isang maliit na grupo ng pagtitipon, at lubos na nagpapasalamat ako sa Diyos para dito. Iniisip ko kung paano ko tapat na tutuparin ang tungkulin ko, ibinibigay ang lahat ng makakaya ko, nang hindi nagbubunga ng anumang pakiramdam ng pagkakautang o anumang mga pagsisisi.

Matapos ang karanasang ito, napagtanto ko na ang karamdamang ito ay biyaya at pagpapala ng Diyos sa akin. Sa pamamagitan ng karamdamang ito, naharap ako sa Diyos, at ibinunyag nito ang mga maling pananaw ko sa paghahangad ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang pagkakalantad ng mga salita ng Diyos ay nakatulong sa akin na makita na sa pananampalataya ko, hinangad ko lamang na makamit ang mga bagay na makasasaya sa akin, at ang pagsisikap ko at paggugol ng sarili ko para sa Diyos ay isang pagtatangkang makipagtawaran sa Diyos, na hindi tunay na pananampalataya. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang mga maling pananaw ko sa pananampalataya sa Kanya ay sumailalim sa ilang pagbabago. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  84. Hindi Ko na Pinananatili ang Aking Mabuting Imahe

Sumunod:  87. Ang Pagtupad sa Aking Tungkulin Ang Aking Misyon

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger