82. Ang Pagsisisi Matapos Tanggalin

Ni Zhuo Jing, Tsina

Noong Nobyembre 2020, naglilingkod ako bilang isang lider sa iglesia, na ipinareha sa bagong halal na si Sister Wang Chen. Noong panahong iyon, nahaharap ang iglesia sa mga pang-aaresto ng CCP, ang ilang kapatid ay nahuli, at kailangang pangasiwaan ang gawain ng kinahinatnan, at dahil sa lahat ng ito, abalang-abala ako araw-araw. Wala akong napakahuhusay na kapabilidad sa gawain, at hindi malakas ang pangangatawan ko, kaya talagang napresyur ako, iniisip na, “Sa ganitong bilis ko sa gawain at sa lahat ng gampaning ito na tatapusin sa araw-araw, gaano karaming oras at lakas ang kakailanganin ng lahat ng ito? Mahina ang katawan ko, kaya ko bang magpatuloy nang ganito sa pangmatagalan?” Taglay ito sa isip ko, nagsimula akong gawin nang pabasta-basta ang mga tungkulin ko, at hindi ko gaanong pinagbuhusan ng pagsisikap ang mga gampanin na dapat ay iniisip ko. Ako ang pangunahing responsable sa gawain ng ebanghelyo at ng pagdidilig, at noong panahong iyon, kinailangan naming linangin ang mga manggagawa ng ebanghelyo at ang mga tagadilig. Alam ko na kailangang ipatupad nang agaran ang gawaing ito, pero dahil kailangan naming maghanap ng mga angkop na tauhan, at kailangan ding malaman kung paano sila epektibong babahaginan at sasanayin na humihingi ng matinding pagsisikap at lakas, hindi ko sinubaybayan ang mga detalye, at basta hinayaan ko lang ang mga diyakono ng ebanghelyo at ng pagdidilig na pangasiwaan ito. Minsan, noong nag-uulat ng gawain, napansin ko ang ilang paglihis at problema, at alam ko na kailangan kong magbahagi at lutasin kaagad ang mga iyon para maiwasang maantala ang gawain. Pero nang naisip ko kung gaanong mangangailangan ng maraming oras at pagsisikap ang paghahanap sa mga prinsipyo ng pagsasagawa at mga solusyon para sa bawat isyu, nabigatan ako at ayaw ko itong harapin, at pumili na lang ako ng mas simpleng mga gampaning gagawin. Kalaunan, napansin ni Wang Chen ang mga isyung ito at nagkusang magbahagi at lutasin ang mga iyon, na pumipigil sa mga pagkaantala. Mayroon ding gawain ng pag-aalis na humihingi sa akin na suriin ang ilang materyal para sa pagpapaalis sa mga tao, pero ayaw kong magdusa, kaya ipinagpapaliban ko ito tuwing kaya ko. Minsan, kapag maraming materyal, ayaw kong gumugol ng ganoon karaming lakas o suriin ito nang maingat, at isang beses, muntikan ko nang mapaalis ang isang tao na hindi pasok sa pamantayan. Noong nakita ko ang mga kapatid na gumagawa ng mga tungkulin na may iisang gampanin kung saan hindi nila kailangang magpakaabala o magpakapagod, nainggit ako, nag-iisip na ang pagiging lider ay masyadong nakakapagod at napakaabala, at napaisip ako kung ano’ng gagawin ko kapag lubusan kong pinagod ang sarili ko. Lalo na kapag dumarami ang mga paghihirap, lalo pa akong naiirita at gusto kong takbuhan ang mga gampaning ito. Noong nakita ko na ang mga tinanggal ay kayang gumawa ng mga debosyonal sa bahay nila, inisip ko kung kailan ko rin kaya magagawang makapagpahinga sa bahay, at sa ganoong paraan, hindi ko na kakailanganing isipin ang tungkol sa mga isyung ito o pagtiisan pa ang pagdurusang ito. Pero naisip ko naman kung paanong dadalawa lang kami na responsable sa gawain ng iglesia, na kahahalal lang kay Wang Chen, at na napakaraming gawain ang kinakailangang tapusin. Kung sasabihin ko na hindi ko gagawin ang mga tungkulin ko, ipapakita niyon na wala akong konsensiya. Medyo nakonsensiya ako sa pag-iisip nito. Pero kapag napakatindi ng presyur ng gawain, hindi ko pa rin mapagtagumpayan ang laman ko, at ayaw kong gawin ang mga tungkulin ko. Nakita ng sister na nagiging napakapasibo ko sa mga tungkulin ko, kaya tinukoy niya na wala akong pagpapahalaga sa pasanin at sinusunod ko ang laman ko. Medyo nalungkot ako, iniisip na hindi ko dapat itrato nang ganito ang mga tungkulin ko, pero pagkatapos niyon, natagpuan ko pa rin ang sarili ko na namumuhay sa laman ko nang hindi sinasadya, nadaramang napakahirap at nakapapagod ang tungkuling ito.

Kalaunan, iniulat ako ng isang sister, at pagkatapos beripikahin at suriin ng nakatataas na pamunuan ang sitwasyon, tinanggal nila ako batay sa palagiang pag-asal ko. Binasa sa akin ng lider ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung sa pananalig ng mga tao sa Diyos ay hindi nila ibinibigay ang kanilang puso sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya, at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sarili nilang pasanin, lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, isang tipikal na kilos ng mga taong relihiyoso, at hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. Walang makakamit ang Diyos sa ganitong klaseng tao, maaari lamang silang magsilbing mapaghahambinganan ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay gaya ng mga palamuti sa sambahayan ng Diyos—sila ay umookupa lamang ng lugar at sila ay basura, at hindi sila ginagamit ng Diyos. Hindi lamang walang pagkakataon na gagawaan sila ng Banal na Espiritu, wala ring halaga na gawin silang perpekto. Ang ganitong klaseng tao, sa totoo lang, ay isang naglalakad na bangkay. Walang bahagi nila ang magagamit ng Banal na Espiritu—lubusan na silang pinangibabawan at malalim na nagawang tiwali ni Satanas. Ititiwalag ng Diyos ang mga taong ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos). Nang makita ko ang pagsisiwalat ng Diyos gamit ang mga salitang “mapaghahambingan,” “palamuti,” at “basura,” Talagang nasaktan at nabagabag ako. Magmula nang maging lider ako, hindi ko kailanman tunay na tinanggap ang mga tungkulin ko nang mula sa puso ko, palagi kong sinusunod ang laman ko, at pinababayaan ang maraming partikular na mga gampanin. Naging tau-tauhang lider lang ako, na wala man lang positibong layunin. Nakita ko na basura ako, isang huwad na lider na hindi lumalahok sa tunay na gawain. Tinanggap ko ang mga tungkulin ko pero naging iresponsable ako, palaging nagrereklamo sa mga paghihirap at pagkapagod, at ayaw pag-alalahanin ang sarili ko, at kapag nadaragdagan ang dami ng gawain, nanlalaban ako. Hindi ko natupad ang mga responsabilidad ko, at hindi ko nagawa nang maayos ang mga tungkulin ko. Naantala nito ang gawain. Ang pagtrato ko sa mga tungkulin ko ay isang pagkakanulo sa Diyos, at sumasalungat sa Diyos! Naiinggit pa nga ako sa mga tinanggal, nag-iisip na kung matanggal ako, hindi ko na kakailanganing maging napakaabala. Nakuha ko na ngayon ang hinihiling ko, at ngayong natanggal na ako, puwede na akong manatili sa bahay at hindi magdusa sa laman. Pero nasa kadiliman ang puso ko. Nadama kong isinantabi ako ng Diyos at aabandonahin Niya ako, at masyado akong nabagabag. Nang sandaling ito, nagsimula akong matakot at gusto kong bumalik sa Diyos.

Kalaunan, naghanap ako ng nauugnay na mga salita ng Diyos para kainin at inumin para tugunan ang mga isyu ko. Natagpuan ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na labis na umantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung tunay kang may pagpapahalaga sa responsabilidad, ipinapakita nito na mayroon kang konsensiya at katwiran. Gaano man kalaki o kaliit ang gampanin, kahit sino pa ang magtalaga sa iyo ng gampaning iyon, kung ang sambahayan ng Diyos man ang nagkatiwala nito sa iyo o kung isang lider ng iglesia o manggagawa ang nagtalaga nito sa iyo, dapat ang saloobin mo ay: ‘Sapagkat itinalaga sa akin ang tungkuling ito, ito ay pagtataas at biyaya ng Diyos. Dapat ko itong gawin nang maayos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa kabila ng pagkakaroon ng katamtamang kakayahan, handa akong akuin ang responsabilidad na ito at ibigay ang lahat ng makakaya ko para magawa ito nang maayos. Kung hindi ako makagagawa ng mahusay na trabaho, dapat akong managot para dito, at kung makagagawa ako ng mahusay na trabaho, hindi ito kredito sa akin. Ito ang dapat kong gawin.’ Bakit Ko sinasabi na ang pagtrato ng isang tao sa kanyang tungkulin ay isang usapin ng prinsipyo? Kung talagang mayroon kang pagpapahalaga sa responsabilidad at isang responsableng tao, magagawa mong pasanin ang gawain ng iglesia at tuparin ang tungkuling nararapat mong gawin. Kung basta-basta mo lang tatratuhin ang iyong tungkulin, hindi tama ang pananaw mo sa pananampalataya sa Diyos, at may problema sa iyong saloobin sa Diyos at sa iyong tungkulin. Ang pananaw mo sa paggawa ng iyong tungkulin ay ang gawin ito nang pabasta-basta at iraos lang ito, at kung ito man ay isang bagay na handa kang gawin o hindi, isang bagay kung saan ka mahusay o hindi, palagi mo itong hinaharap nang may saloobin na basta mairaos lang, kaya, hindi ka angkop na maging lider o manggagawa at hindi ka nararapat gumawa ng gawain ng iglesia. Higit pa rito, sa prangkang salita, ang mga taong katulad mo ay walang kuwenta, nakatadhana na walang makakamit, at sadyang mga walang silbing tao(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). “Ang mga taong tamad ay walang anumang nagagawa. Para ibuod ito sa dalawang salita, sila ay walang silbi; para silang may kapansanan. Gaano man kahusay ang kakayahan ng mga taong tamad, paimbabaw lamang iyon; kahit na may mahusay silang kakayahan, wala itong silbi. Masyado silang tamad—alam nila ang dapat nilang gawin, ngunit hindi nila ito ginagawa, at kahit alam nila na may problema, hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, at bagama’t alam nila kung anong mga paghihirap ang dapat nilang danasin para maging epektibo ang gawain, ayaw nilang tiisin ang mga makabuluhang paghihirap na ito—kaya, hindi sila makapagkamit ng anumang katotohanan, at hindi sila makagawa ng anumang tunay na gawain. Hindi nila nais na magtiis ng mga paghihirap na dapat tiisin ng mga tao; ang alam lamang nila ay magpakasasa sa kaginhawahan, magtamasa ng mga panahon ng kagalakan at paglilibang, at magtamasa ng malaya at maluwag na buhay. Hindi ba’t wala silang silbi? Ang mga taong hindi kayang tiisin ang paghihirap ay hindi karapat-dapat na mabuhay. Iyong mga palaging nagnanais na mamuhay ng buhay ng isang parasito ay mga taong walang konsensiya o katwiran; sila ay mga halimaw, at ang gayong mga tao ay hindi angkop kahit na gumampan ng trabaho. Dahil hindi nila kayang tiisin ang paghihirap, kahit na kapag gumagampan nga sila ng trabaho, hindi nila ito magawa nang maayos, at kung nais nilang makamit ang katotohanan, mas lalong wala silang pag-asang makamit iyon. Ang isang taong hindi kayang magdusa at hindi nagmamahal sa katotohanan ay isang walang silbing tao; ni hindi siya kalipikadong gumampan ng trabaho. Isa siyang halimaw, na wala ni katiting na pagkatao. Dapat itiwalag ang gayong mga tao; ito lang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Nagbabanggit ang mga salita ng Diyos ng dalawang klase ng tao at iba-ibang saloobin nila sa kanilang mga tungkulin: Ang isang klase ay binabalewala ang kakayahan nila, tinutugma muna nila ang pag-iisip nila at isinasapuso ang mga tungkulin nila, at nakikipagtulungan sila sa abot ng makakaya nila at ginagawa ang mga tungkulin nila ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Ito ang taong may pagkatao at katwiran. Ang isa pang klase ay alam lang bigyang-layaw ang pisikal na kaginhawahan. Ayaw nilang magdusa ng anumang paghihirap, at kapag nagiging abala o nakapapagod ang gawain, gusto nilang tumakas at magpakatamad. Ang gayong mga tao, kahit na may kakayahan sila, ay hindi pa rin kayang gawin nang maayos ang mga tungkulin nila. May mga isyu sa karakter ang mga taong ito, walang kayang gawin, at mga basura, at sa kalaunan ay mabubunyag sila at ititiwalag ng Diyos. Sa pagtingin ko sa sarili kong pag-uugali batay rito, nakita ko na isa ako sa mga tamad na tao at basurang inilantad ng Diyos. Magmula nang maging lider ako, kapag tumitindi ang presyur sa gawain at humihingi ng lakas at pagsasakripisyo, naiirita ako, nagrereklamo, at nag-aalala tungkol sa pagkapagod ng katawan ko. Nagkaroon ako ng isang pabayang saloobin sa mga tungkulin ko at nagpapaliban ako hangga’t kaya ko. Wala akong pagpapahalaga sa pasanin o sa responsabilidad para sa gawain ng ebanghelyo at pagdidilig na pangunahing responsabilidad ko, ni hindi ko sinubaybayan o ipinatupad ang gawain ng paglilinang sa mga manggagawa ng ebanghelyo at mga tagadilig, na nagpaantala sa pag-usad ng gawain ng ebanghelyo. Kapag nag-uulat ng gawain, hindi ako maabalang maghanap ng mga prinsipyo ng pagsasagawa para ibahagi at lutasin ang mga problemang natuklasan ko. Iresponsable rin ako at sinusunod ang laman ko habang nakikipagtulungan sa pag-aalis na gawain ng iglesia, at dahil hindi ko maingat na sinuri ang mga materyal sa pagpapaalis sa mga tao, halos napaalis ko ang isang tao na hindi naman dapat paalisin. Batay sa palagiang pag-asal ko sa mga tungkulin ko, talagang ako ang klase ng taong may mga isyu sa karakter na nilantad ng Diyos. Hindi ako nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos, hindi ko itinaguyod ang mga interes ng iglesia, at isa akong huwad na lider na hindi lumahok sa tunay na gawain. Gaano man kaabala ang mga tungkulin ko o kahalaga ang gawain, gusto ko lang pasayahin ang laman ko. Kung bahagyang nadagdagan ang gawain kaysa sa karaniwan, nagrereklamo at nagmamaktol ako, madalas kong gamitin ang mahinang pangangatawan ko na dahilan para iwasan ang mga tungkulin ko. Sa huli, wala akong natupad na kahit ano sa mga responsabilidad ko at naantala ko ang gawain. Kahit ang mga pagsisikap ko na magtrabaho ay wala sa pamantayan. Bagama’t hindi malakas ang pangangatawan ko, wala akong anumang malalang sakit, at kung isasapuso ko ang tungkulin ko, kakayanin ko pa rin. Dati, noong may tamang pag-iisip ako sa mga tungkulin ko, kaya kong sumandig sa Diyos para makipagtulungan sa mahihirap na sitwasyon, at nagagawa kong lutasin ang ilang isyu sa gawain ko at masuri nang tumpak ang mga problema. Pero kalaunan, namuhay ako sa kalagayan ng pagsunod sa laman ko, at tuwing nahaharap ako sa mga gampaning humihingi ng pagsisikap at pagsasakripisyo, ginusto kong iwasan ang mga iyon. Hindi ko ginawa ang mga gampaning kailangan kong gawin, at unti-unti, pamanhid nang pamanhid ang espiritu ko. Hindi ko lang hindi nagawang matukoy ang mga problema, kundi naantala ko rin ang gawain. Ginamit ng Diyos ang mga kapatid ko para iulat ako, at sa huli, tinanggal ako; ibinunyag nito ang katuwiran ng Diyos. Naiwala ko nang ganap ang integridad at dignidad ko—ayaw sa akin ng mga tao, hindi ako pinaboran ng Diyos, at ni hindi ko magawa ang mga tungkuling kaya kong gawin. Tunay na basura ako at isang hindi mapagkakatiwalaang tao.

Pagkatapos ay nagpatuloy akong maghanap, na tinatanong ang sarili ko, “Bakit palagi akong nagbibigay-layaw sa kaginhawahan at nabibigong gawin nang maayos ang mga tungkulin ko? Ano ang mga kahihinatnan ng pagiging sobrang mapagsaalang-alang sa laman ko?” Isang araw, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na mahanap ang ugat ng problemang ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Kaya, ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). “Habang mas binibigyang-kasiyahan mo ang laman, mas kumikilos ito nang walang permiso; kung bibigyang-kasiyahan mo ito ngayon, higit pa ang hihingin nito sa susunod. Habang nagpapatuloy ito, lalo pang napapamahal sa mga tao ang laman. Ang laman ay laging mayroong maluluhong pagnanasa, palagi nitong hinihingi sa iyo na bigyan ito ng kasiyahan at palugurin ito sa kalooban mo, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong sinusuot, o sa pag-init ng ulo mo, o pagpapabuyo sa mga sarili mong kahinaan at katamaran…. Habang lalo mong binibigyang-kasiyahan ang laman, mas tumitindi ang mga pagnanasa nito, at mas nagiging mapagpalayaw ang laman, hanggang umabot sa puntong ang laman ng mga tao ay nagkikimkim na ng mas malalalim pang mga kuru-kuro, at naghihimagsik laban sa Diyos, at dinadakila ang sarili nito, at nagiging mapagduda sa gawain ng Diyos. Habang lalo mong binibigyang-kasiyahan ang laman, mas tumitindi ang mga kahinaan ng laman; palagi mong mararamdaman na walang nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: ‘Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya lubayan ang mga tao?’ Kapag binibigyang-kasiyahan ng mga tao ang laman at labis itong minamahal, sinisira nila ang kanilang sarili. … Sinasabi na may isang magsasaka noon na nakakita ng ahas na naninigas sa lamig sa kalsada. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa kanyang dibdib, at matapos na makabawi ng lakas ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang sa mamatay ito. Ang laman ng tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay ang mapinsala ang kanyang buhay—at kapag ito nga ay ganap na nagtagumpay, mawawala ang iyong buhay. Ang laman ay kay Satanas. Palaging may maluluhong pagnanais sa loob nito, palagi itong nag-iisip para sa sarili nito, at palagi itong nagnanais ng kapanatagan at gustong magpakasasa sa kaginhawahan, na walang pagkabalisa at pakiramdam ng pag-aapura, nalulugmok sa katamaran, at kung tutugunan mo ito hanggang sa isang partikular na punto, sa huli ay lalamunin ka nito. Na ang ibig sabihin, kung bibigyang-kasiyahan ninyo ito ngayon, hihilingin nito sa iyo na palugurin uli ito sa susunod. Lagi itong may maluluhong pagnanasa at mga bagong kahilingan, at sinasamantala ang iyong pagkabuyo sa laman upang gawin kang mas pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito kailanman malalampasan, sisirain mo ang iyong sarili sa huli(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang dahilan kaya namuhay ako sa gayong masamang paraan, na sinusunod ang laman ko, ay dahil ang mga satanikong lason gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya” ay malalim na nag-ugat sa akin. Itinuring ko bilang layon ng buhay ko ang pagtatamasa sa kaginhawahan ng laman, at akala ko, ang pamumuhay ay nangangahulugang tinatrato nang maayos ang sarili ko at tinutulutan ang laman ko na mamuhay nang komportable. Noong may kaunting presyur ang mga tungkulin ko at humihingi ng mas malalim na pag-iisip, ayaw ko nang gumampan. Nilabanan ko rin ang pagdurusa at mga pasanin sa laman, dahil sa tingin ko ang gawin iyon ay nangangahulugan ng pagdurusa ng kawalan. Halimbawa, ang pagbubuod at paglutas sa mga problema ay humihingi ng oras at pagsisikap, kaya isasantabi ko ang mga gampaning iyon at pipiliin ang mas madadaling gampanin, nang hindi man lang isinasaalang-alang kung makakaapekto ba sa gawain ang hindi kaagad pagtugon sa mga problemang ito. Gayundin ang nangyari sa pakikipagtulungan sa gawain ng pag-aalis. Dahil sinusunod ko ang laman ko, hindi ako masigasig sa pagsusuri ng mga materyal sa pagpapaalis sa mga tao, at halos mapaalis ko ang isang taong hindi dapat paalisin. Sa anong paraan ko ginagawa ang mga tungkulin ko? Gumagawa lang ako ng kasamaan! Pero hindi ko pinagnilayan ang mga problema ko, at nang naging mas abala ang gawain, nagreklamo ako. Umasa pa akong matanggal para hindi na ako masyadong mag-alala o gumawa. Palagi kong binibigyang-layaw ang sarili ko, isinasaalang-alang ang laman ko sa lahat ng oras. Nakita ko kung gaano ako malalim na napinsala ng mga satanikong lason, pasama na ako nang pasama. Naging makasarili ako, mapanlinlang, at walang pagkatao. Nagkaroon ako ng pagkakataong maging isang lider, na may kaakibat na pakikipag-ugnayan sa mas maraming tao, pangyayari, at bagay, paghahanap at pagpasok sa mas maraming katotohanang prinsipyo, at pagkatuto rin kung paano kilatisin ang mga tao. Kasabay nito, mabubunyag din ang katiwalian at mga pagkukulang ko, na mag-uudyok sa akin na pagnilayan ang sarili ko, isagawa ang katotohanan, at baguhin ang tiwaling disposisyon ko. Pero hindi ko hinangad ang katotohanan. Namuhay ako ayon sa makasarili at kasuklam-suklam na disposisyon ni Satanas, nagbigay-layaw sa kaginhawahan, iresponsable sa mga tungkulin ko, at paulit-ulit na sumunod sa laman ko, na inaantala ang gawain. Noong gamitin ng Diyos ang mga kapatid para itama ako at makipagbahaginan sa akin, nagmatigas lang ako at tumangging tanggapin ito. Dahil dito, nabigo akong gawin nang maayos ang pangunahing gawain ko at inantala ko ang gawain. Nagresulta sa mga pagsalangsang at masasamang gawa ang paraan ng pagtrato ko sa mga tungkulin ko! Nang panahong ito, napagtanto ko na ang paggawa sa mga tungkulin habang sinusunod ang laman ko at binibigyang-layaw ang kaginhawahan ay tunay na pumipinsala kapwa sa akin at sa iba, at na kung hindi ko lulutasin ang tiwaling disposisyong ito, at patuloy na gagawin ang mga tungkulin ko sa magulo, iresponsableng paraan gaya nang dati, na palaging nilalayon na mamuhay sa kaginhawahan, mauuwi lang ako sa paggawa ng mas maraming kasamaan at sa huli ay itataboy at ititiwalag ako ng Diyos. Matapos makita ang pinsala at mga kahihinatnan ng pagbibigay-layaw sa kaginhawahan sa mga tungkulin ko, nagdasal ako sa Diyos, na pinapahayag ang pagnanais ko na huwag nang maghimagsik gaya nito kundi magsisi sa Diyos.

Kalaunan, bahagyang bumuti ang kalagayan ko, at nahalal akong muli bilang isang lider ng iglesia. Alam ko na isa itong pagkakataong binigay ng Diyos para magsisi ako at sobra akong nagpapasalamat sa Diyos. Nagpasya akong magkaroon ng tamang pag-iisip at gawin nang maayos ang mga tungkulin ko. Noong panahong iyon, ako ang pangunahing responsable sa gawain ng ebanghelyo, at dahil kararating ko lang sa bagong lugar, hindi ako pamilyar sa lahat aspekto ng sitwasyon, kaya para magawa nang maayos ang gawain, kailangan kong magbayad ng mas malaking halaga. Pagkatapos makipagtulungan sa loob ng ilang panahon, medyo napapaguran ako, lalo na dahil napakaraming gampanin ang susubaybayan sa bawat araw. Pagdating sa pagdurusa ng laman ko, sa tingin ko ay magiging mas magandang gumawa ng gawaing may iisang gampanin, dahil hindi ko kakailanganing masyadong mag-isip at magsikap. Noong umusbong ang mga kaisipang ito, napagtanto ko na hindi tama ang kalagayan ko, kaya sadya akong nagdasal sa Diyos. Kalaunan, nabasa ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung sumasampalataya kayo sa Diyos at nagnanais na matamo ang Kanyang pagliligtas, kailangan ninyong gampanan nang mabuti ang inyong tungkulin. Una, sa panahon ng pagganap sa inyong tungkulin, kailangan ninyong magkaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad at ibigay ang lahat ng makakaya ninyo. Kapag nakikita ka ng Diyos bilang isang mabuting tao, nasa kalagitnaan ka na. Kung, habang ginagampanan ang iyong tungkulin, nagagawa mong hangarin ang katotohanan, at kahit gaano pa karaming tiwaling disposisyon ang nalalantad o kahit gaano karaming paghihirap ang iyong hinaharap, kaya mo pa ring hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga iyon; at kung may saloobin ka ng pagtanggap at pagpapasakop kapag pinupungusan ka, hindi talaga matitinag ang pag-asa mong matamo ang pagliligtas ng Diyos. Ang makita ng Diyos bilang isang taong naghahangad sa katotohanan ay isang mataas na pamantayan na maaaring hindi mo pa rin naaabot. Wala kang determinasyon at tayog, at masyadong mahina ang iyong pananampalataya. Kaya, simulan mo sa pamamagitan ng pagtutulot sa mga kapatid sa paligid mo na makita ka bilang isang mabuting tao, bilang isang taong tama, na medyo nagmamahal sa mga positibong bagay, na nagmamahal sa katarungan at katuwiran, at na medyo matuwid. Kapag nakagagawa ka ng mga pagkakamali, itinatama mo ang mga iyon. Kapag natutukoy mo ang iyong rebeldeng kalagayan, mabilis mo itong nababago. Kapag natutuklasan mo ang iyong tiwaling disposisyon, agad mong hinahanap ang katotohanan at nakikipagbahaginan ka sa iba. Sa sandaling magkaroon ka ng pagkaunawa, makapagsisisi ka na. Sa pamamagitan ng paghahangad sa ganitong paraan, tiyak na makauusad ka. Una, hayaan mong makita ka ng iyong mga kapatid bilang isang mabuting tao, bilang isang taong tama, isang taong may buhay pagpasok. Pagkatapos, paunti-unti, pagsikapan mong maging isang taong nagmamahal sa katotohanan at naghahangad sa katotohanan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa rito ay magiging mas madaling makapasok, at magiging mas praktikal para sa iyong humiling ng gayon sa iyong sarili. Una sa lahat, kailangan mong mahikayat ang iyong mga kapatid na kilalanin ka bilang isang mabuting tao. Anu-ano ang mga pamantayan sa pagiging isang mabuting tao? Una, kailangan mong tingnan ang paggampan sa iyong tungkulin. Ilang pamantayan at kinakailangan ang dapat na maabot sa pagganap sa iyong tungkulin? Kailangan mong maging masipag, responsable, handang magtiis ng paghihirap, handang magbayad ng halaga, at maging metikuloso kapag pinangangasiwaan ang mga usapin, hindi kumikilos nang pabasta-basta. Sa isang bahagyang mas mataas na antas, kailangan mong mahanap ang mga tamang prinsipyo sa bawat bagay at kumilos alinsunod sa mga prinsipyong ito. Sinuman ang nagsasalita, kahit na isang kapatid na pinaka-hindi mo hinahangaan ang nagpapahayag ng isang prinsipyong tama at naaayon sa katotohanan, dapat mo itong pakinggan, subukang tanggapin, at subukang maghimagsik laban sa sarili mong mga opinyon at kuru-kuro. Ano ang tingin mo sa saloobing ito? (Mabuti ito.) Madaling pag-usapan ang pangangailangang gampanan nang mabuti ang iyong tungkulin, madali itong sabihin; ngunit mahirap na aktuwal na gampanan ang tungkulin ng isang tao nang pasok sa pamantayan. Hinihingi nito sa iyong magbayad ng halaga at isuko ang mga partikular na bagay. Ano ang dapat mong ibigay? Sa pinakapangunahing antas, kailangan mong maglaan ng kaunting panahon at lakas. Araw-araw, dapat kang gumugol ng mas mahabang panahon at gumugol ng mas maraming lakas kaysa sa ibang tao. Dapat kang magpatuloy nang medyo mas matagal at gumugol ng medyo mas maraming pagsisikap. Kung nais mong magkaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad at gampanan nang mabuti ang iyong tungkulin, kailangan ay lagi mong pag-isipan kung paano tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Kailangan mong isaalang-alang kung ano ang mga katotohanang kailangan mong isangkap sa iyong sarili at kung anong uri ng mga problema ang dapat mong tugunan. Pagkatapos ay hanapin mo ang katotohanan sa pamamagitan ng panalangin, ipahayag ang mga mithiin mo sa Diyos, at taimtim na magsumamo sa Diyos, hilingin sa Kanyang bigyang-liwanag at patnubayan ka. Habang nagpapahinga ang iba sa gabi, dapat kang gumugol ng mas mahabang panahon sa pagninilay-nilay sa mga naging problema habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin sa araw na iyon at kung ano ang katiwaliang iyong naihayag. Dapat mong pagnilay-nilayan ang mga bagay na ito, at saka ka lamang magpahinga matapos kang makaisip ng daan pasulong, nang sa gayon ay maging makabuluhan at hindi masayang ang araw na iyon. Kung hindi mo pag-iisipan kung paano lulutasin ang mga problemang ito, hindi ka makakakain o makatutulog nang maayos. Ito ang pagdurusa, ito ang halagang ibabayad mo. Kakailanganin mong magtiis ng mas maraming paghihirap at magbayad ng mas malaking halaga kaysa sa iba, at maglaan ng mas maraming panahon at lakas sa pagsisikap para sa katotohanan. Isa ba itong praktikal na halagang dapat ibayad? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Isang Tao na Maayos na Gumaganap sa Kanyang Tungkulin Nang Buong Puso, Isipan, at Kaluluwa ang Nagmamahal sa Diyos). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na para mahusgahan kung mabuti ba ang isang tao, ang mga pangunahing pamantayan ay kung minamahal at hinahangad ba ng taong iyon ang katotohanan, kung kaya ba niyang hanapin ang katotohanan para lutasin ang tiwali niyang disposisyon kapag natukoy niya ito, at kung paano niya tinatrato ang mga tungkulin niya—kung kaya ba niyang gawin ang mga tungkulin niya ayon sa mga hinihingi ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo, kung masigasig ba siya at responsable at handang magdusa at magbayad ng halaga, at kung kaya ba niyang hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema kapag nagdaranas ng mga paghihirap. Kung kaya ng isang tao na pagnilayan ang mga wastong usaping ito at unahin ang tungkulin niya, may puso na nagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at kayang maghimagsik laban sa laman niya para isagawa ang katotohanan, kung ganoon, sa mga mata ng Diyos, ang gayong tao ay itinuturing na may mabuting pagkatao at mapagkakatiwalaan. Sa pagtingin ko sa sarili ko batay sa mga ito, nakita ko na malayo ako sa mga hinihingi ng Diyos. Lalo na noong maisip ko kung paano ko naantala ang gawain dahil sumunod ako sa laman ko, at nagdala ng mga pagsalangsang, at kung paanong mayroon akong isa pang pagkakataon para gawin ang ganoon kahalagang tungkulin, napagtanto ko na hindi ako puwedeng magpatuloy nang gaya ng dati, at na kailangan kong tunay na magsisi. Medyo wala akong mga kapabilidad sa gawain, kaya dapat akong magbigay ng higit na oras, pag-iisip, at pagsisikap, na sumasandig sa Diyos para makipagtulungan, at naghahanap ng pagbabahaginan kapag hindi ko maunawaan ang mga bagay. Sa mga sumunod kong pakikipagtulungan, may isang gampaning hindi ako masyadong magaling, na humihingi sa akin na mas pagsikapan ang mga katotohanang prinsipyo, kaya kinailangan kong maglaan ng higit na oras at lakas kaysa mga katuwang kong sister. Noong napansin ko ang mga isyu sa buhay pagpasok at gawain ng mga kapatid, taimtim rin akong nagnilay at naghanap ng mga paraan para tulungang lutasin ang mga ito sa abot ng makakaya ng abilidad ko. Noong nagsagawa ako nang ganito, napanatag ako at napayapa sa puso ko.

Noon, palagi kong iniisip na ang pamumuhay ay nangangahulugan ng pagtrato nang maayos sa sarili ko, at na pinakamahalaga ang maginhawa at maalwang pamumuhay. Hindi ko naunawaan kung paano mamuhay sa paraan na tunay na mahalaga. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos, nagsimula kong maunawaan ang ilang bagay na ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang halaga ng buhay ng isang tao? Ito ba ay para lamang sa pagpapakasasa sa laman tulad ng pagkain, pag-inom, at pagpapakaaliw? (Hindi.) Kung gayon, ano ito? Mangyaring ibahagi ang inyong mga saloobin. (Upang matupad ang tungkulin ng isang nilikha, ito man lang ay dapat na makamit ng isang tao sa kanyang buhay.) Tama iyan. Sabihin ninyo sa Akin, kung ang pang-araw-araw na kilos at kaisipan ng isang tao sa buong buhay niya ay nakatuon lamang sa pag-iwas sa sakit at kamatayan, sa pagpapanatiling malusog at malaya sa mga sakit ang kanilang katawan, at pagsusumikap na magkaroon ng mahabang buhay, ito ba ang halaga na dapat taglay ng buhay ng isang tao? (Hindi.) Hindi iyon ang halaga na dapat taglay ng buhay ng isang tao. Kaya, ano ang halaga na dapat taglay ng buhay ng isang tao? … Sa isang aspekto, ito ay tungkol sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa isa pa, ito ay tungkol sa paggawa ng lahat ng bagay na saklaw ng iyong abilidad at kapasidad sa abot ng iyong makakaya, kahit umabot man lang sa punto kung saan hindi ka inuusig ng iyong konsensiya, kung saan maaaring maging payapa ang konsensiya mo at mapatunayang katanggap-tanggap ka sa paningin ng iba. Sa mas malalim na pagtingin, sa buong buhay mo, saang pamilya ka man isinilang, anuman ang pinag-aralan mo, o ang iyong kakayahan, dapat mayroon kang pag-unawa sa mga prinsipyo na dapat maunawaan ng mga tao sa buhay. Halimbawa, anong uri ng landas ang dapat tahakin ng mga tao, paano sila dapat mamuhay, at paano mamuhay nang makabuluhan—dapat mong tuklasin kahit kaunti ang tunay na halaga ng buhay. Hindi maaaring ipamuhay nang walang kabuluhan ang buhay na ito, at hindi maaaring pumarito sa mundong ito ang isang tao nang walang kabuluhan. Sa isa pang aspekto, habang nabubuhay ka, dapat mong tuparin ang iyong misyon; ito ang pinakamahalaga. Hindi ang pagtapos ng isang malaking misyon, tungkulin, o responsabilidad ang pag-uusapan natin, pero kahit papaano, dapat may maisakatuparan ka. Halimbawa, sa iglesia, ibinubuhos ng ilang tao ang lahat ng kanilang pagsisikap sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, inilalaan ang lakas ng kanilang buong buhay, nagbabayad ng malaking halaga, at nakapagpapabalik-loob ng maraming tao. Dahil dito, pakiramdam nila ay hindi naging walang kabuluhan ang buhay nila, at na mayroon silang halaga at kapanatagan. Kapag nahaharap sa sakit o kamatayan, kapag ibinubuod ang kanilang buong buhay at ginugunita ang lahat ng kanilang ginawa, ang landas na kanilang tinahak, napapanatag ang kanilang puso. Hindi sila nakokonsensiya o nagsisisi. Ang ilang tao ay nagsisikap nang husto habang namumuno sa iglesia o habang nagiging responsable para sa isang partikular na aspekto ng gawain. Inilalabas nila ang kanilang pinakamalaking potensyal, ibinibigay ang lahat ng kanilang lakas, iginugugol ang lahat ng kanilang sigla at binabayaran ang halaga para sa gawain nila. Sa pamamagitan ng kanilang pagdidilig, pamumuno, tulong, at suporta, tinutulungan nila ang maraming tao, sa kabila ng sarili nilang mga kahinaan at pagkanegatibo, na maging matatag at na manindigan, na hindi umatras, at sa halip ay bumalik sa presensya ng Diyos at makapagpatotoo pa nga sa Kanya sa wakas. Higit pa rito, sa panahon ng kanilang pamumuno, naisasakatuparan nila ang maraming mahalagang gawain, inaalis ang higit sa iilang masamang tao, pinoprotektahan ang maraming hinirang ng Diyos, at binabawi ang ilang mabigat na kawalan. Ang lahat ng tagumpay na ito ay nagaganap sa panahon ng kanilang pamumuno. Sa pagbabalik-tanaw sa landas na kanilang tinahak, paggunita sa gawain nila at sa halagang binayad nila sa paglipas ng mga taon, wala silang nararamdamang pagsisisi o pagkakonsensiya. Wala silang nararamdamang pagsisisi tungkol sa paggawa ng mga bagay na ito at naniniwala sila na namuhay sila ng buhay na may halaga, at mayroon silang katatagan at ginhawa sa puso nila. Kamangha-mangha iyon! Hindi ba’t ito ang bungang nakamit nila? (Oo.) Ang pakiramdam na ito ng katatagan at kaginhawaan, ang kawalan ng pinagsisisihan, ang mga ito ang resulta at ani ng paghahangad sa mga positibong bagay at sa katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (6)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung ano ang isang makabuluhang buhay. Bilang isang nilikha, ang pamumuhay para tuparin ang mga tungkulin ko para tapusin ang atas ng Diyos ang nagbibigay ng halaga sa buhay. Ang mga tungkuling ginagawa natin ngayon ang nagpapalawak sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at ang magawang tuparin ang ating mga responsabilidad at magbigay ng ating maliit na ambag ay isang bagay na maaalala ng Diyos at ang pinakamakabuluhang bagay. Naisip ko ang mga walang pananampalataya na pinapamuhay ang buhay nila para kumain nang maayos at magdamit nang maganda. Kahit na nagsasaya sila sa laman nila at hindi nagdurusa ng anumang mga paghihirap, at pinasasaya nila ang sarili nila hanggang sa puntong magiging matataba sila, sa pamumuhay sa mundong ito, hindi nila alam kung para saan talaga ang buhay o kung paano mamuhay nang makabuluhan. Ang gayong buhay ay walang halaga at ipinamuhay nang walang saysay. Sa pagbabalik-tanaw ko noong ginagawa ko ang mga tungkulin ko, palagi kong isinasaalang-alang ang laman ko, at nang maharap sa mga problema at paghihirap, ginusto kong tumakas at hindi ko ginawa ang kaya kong gawin. Bagama’t hindi masyadong nagdusa ang laman ko, nag-iwan ako ng hindi mababayarang pagsisisi at pagkakautang sa puso ko. Nakita ko na gaano man katindi ang sarap o ginhawa, hindi makapagdadala ng tunay na kasiyahan ang mga bagay na ito, at tanging ang pagtupad sa mga responsabilidad at tungkulin ng isang tao ang magbibigay-daan para mamuhay siya nang may kapayapaan at katiyakan. Taglay ito sa isipan ko, nakakita ako ng motibasyon para gawin ang mga tungkulin ko. Kapag ang paggawa sa mga tungkulin ko ay humihiling na magdusa ang laman ko, mas iniisip ko kung paanong ito ay tungkulin at responsabilidad ko, at na kailangan kong gawin nang maayos ang tungkulin ko sa abot ng aking makakaya. Minsan, kapag abala ako o pagod, nagpapahinga ako sa tamang oras, at gagawin ko ang makakaya ko ayon sa pisikal na kalagayan ko, at hindi ko madaramang napakahirap o napakasakit ng tungkulin ko. Sa aking mga tungkulin, napagtanto ko rin na ang pagiging isang lider ay humihingi sa tao na akuin ang mas maraming alalahanin, pero sa pagharap sa iba’t ibang isyu sa gawain, o sa pagtulong sa mga kapatid na lutasin ang mga paghihirap nila sa mga kalagayan nila, nagawa kong maunawaan at makamit ang mas maraming katotohanan. Sa mga bagay na ito ay pinakitaan ako ng Diyos ng malaking pabor. Ang pagkakamit ko sa pagkaunawang ito at pagdaranas sa pagbabagong ito ay pawang biyaya ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  81. Natagpuan Ko ang Isang Tunay na Masayang Buhay

Sumunod:  83. Pagbitaw sa Pagkaramdam ng Pagkakautang sa Aking Anak

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger