74. Ang Aking mga Hinihiling at Inaasahan sa Aking Anak ay Makasarili Pala

Ni Zhang Huixin, Tsina

Noong bata pa ako, mahilig talagang makinig ng opera ang lolo ko at madalas niya akong isinasama para manood ng mga pagtatanghal. Nakita ko kung gaano kaganda ang kilos ng mga aktor sa entablado, kung gaano nakaantig ng puso ang kanilang mga awit, at kung paano sila pinaulanan ng palakpakan at sigaw ng paghanga ng mga manonood. Talagang hinangaan ko sila, at hindi ko maiwasang isipin, “Balang araw, kung makakatayo rin ako sa entablado at makakatanggap ng palakpak at papuri, mamumuhay ako ng isang buhay na puno ng kasikatan at kinang!” Gustung-gusto ko sanang sumali sa isang grupo sa teatro at maging isang mang-aawit ng opera. Pero mahirap lang ang pamilya ko, at hindi maganda ang kalagayang pinansiyal namin, kaya ang mga pangarap ko sa entablado ay unti-unting naging ilusyon.

Pagkatapos kong ikasal, nagkaroon ako ng anak na babae. Pagpasok ng anak ko sa kindergarten, nakita ko ang mga batang ka-edad ng anak ko, ang ilan ay kumukuha ng mga klase sa sayaw at ang iba naman ay sa musika. Lalo na sa mga pagtatanghal tuwing Children’s Day, nakukuha nila ang atensyon ng maraming guro at magulang, at pinapalakpakan sila nang husto. Kaya nagpasya akong pag-aralin ng sayaw ang anak ko, dahil hindi lang ito makakatulong sa kanya na magkaroon ng magandang pangangatawan at ganda ng kilos, kundi magbibigay rin sa kanya ng pagkakataong magtanghal sa entablado. Pero takot siyang mag-split at mag-backbend at ayaw niyang matuto kahit anong sabihin ko. Naisip ko, “Hindi puwedeng sundin lang ang gusto mo. Kailangan mong matuto ng isang kasanayan para sa hinaharap ay makuha mo ang atensyon ng mga tao sa entablado.” Noong 2012, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pero hindi ko binitiwan ang inaasahan kong makitang magtanghal ang anak ko sa entablado. Kalaunan, naisip kong ang pag-aaral ng instrumento ay magbibigay-daan din sa kanya na makapagtanghal sa entablado, kaya dinala ko siya sa isang tindahan ng mga instrumento para pumili. Pero hindi siya interesado. Galit kong sinabi sa anak ko, “Kailangan mong pumili ng isa. Sa pagkatuto lang ng isang kasanayan ka magkakaroon ng pagkakataong magtanghal sa entablado, at saka ka lang mabubuhay nang marangya. Isipin mo na lang kung gaano karaming tao ang hahanga sa iyo niyan!” Nang makitang galit na galit ako, nag-aatubiling pinili ng anak ko ang guzheng. Noong una, ayaw ng anak kong matuto ng guzheng, kaya humanap ako ng isang bihasang guro sa guzheng at pinilit ko siyang matuto. Para magkainteres siya sa guzheng, madalas ko siyang hinihikayat, at pinuri rin siya ng guro sa pagkakaroon ng likas na talento. Dahan-dahan, nagkainteres ang anak ko sa guzheng at mabilis siyang natuto ng ilang piyesa. Isang araw, masayang sinabi sa akin ng anak ko, “Nay, sa hinaharap, puwede na akong tumugtog ng guzheng para purihin ang Diyos!” Nang makita ko kung gaano kaayos mag-isip ang anak ko, talagang nasiyahan ako.

Kalaunan, para matulungan ang anak kong magkaroon ng mas maraming karanasan sa entablado, sa tuwing may naririnig akong pagtatanghal, agad ko siyang inililista. Kahit na may herniated disc ako at hindi makatayo nang matagal, nagpumilit pa rin akong samahan siya sa mga ensayo. Mabilis siyang umunlad at namukod-tangi siya sa mga pagtatanghal, at palagi siyang nasa gitna ng entablado. Nakatanggap din siya ng papuri mula sa mga guro at hurado, at tuwang-tuwa ako. Para samahan siya sa kanyang mga pagtatanghal, kailangan kong gumising nang bandang alas-tres ng madaling araw para maghanda. Sa sobrang abala ko sa pag-aasikaso sa kanya, hindi na ako nakakakain. At pagkatapos ng isang buong araw ng pag-aasikaso, nahihilo ako at pagod na pagod ang isip at katawan ko. Pero kapag nakikita kong nagniningning ang anak ko sa entablado, naiisip ko, “Bagama’t hindi ko natupad ang sarili kong pangarap sa entablado, ang katunayang nakapagtanghal ang anak ko sa sentro ng entablado ang nagpasulit sa lahat ng hirap at pagod!” Dahil sa pagod na dulot ng mga pagtatanghal, at sa presyur ng pag-aaral, hindi na kinaya ng katawan ng anak ko, at ayaw na niyang magpraktis pa ng guzheng. Sinuyo ko siya’t kinumbinsi na magpatuloy, at sa huli, nag-aatubili siyang pumayag. Araw-araw kapag umuuwi siya galing sa eskuwela, sinasamantala ko ang oras ng pagluluto o pag-idlip para pagpraktisin ng guzheng ang anak ko. Kapag gusto ng anak kong lumabas tuwing Sabado’t Linggo, hinihiling ko rin sa kanya na tapusin muna ang pagpa-praktis ng guzheng bago lumabas. Kapag hindi siya nakikinig, pinapagalitan ko siya, “Sa tingin mo, bakit kami nagpakahirap at nagtipid ng tatay mo para lang mabayaran ang mga klase mo at pagpraktisin ka? Hindi ba’t para tulungan kang makapagtanghal sa entablado at maging matagumpay sa hinaharap? Hindi mo ba kami kayang bigyan ng karangalan?” Nang makita kung gaano ako kabalisa at kagalit, walang nagawa ang anak ko kundi umiyak at magpraktis ng guzheng. Pagdating ng middle school, mabigat na ang presyur sa kanya sa pag-aaral, at kailangan din niyang madalas na mag-ensayo para sa iba’t ibang pagtatanghal, kaya ayaw na naman niyang magpraktis ng guzheng. Nababahala kong pinagalitan ang anak ko, “Kahit gaano ka kaabala, kailangan mong magpatuloy sa pagpa-praktis ng guzheng. Kung magsasanay ka nang maayos, makakapagtanghal ka sa entablado at magkakaroon ka ng habambuhay na kasikatan!” Pero hindi pa rin siya nagpraktis. Galit kong inihagis sa sahig ang mga libro at pick holder niya, at sinabing, “Sige. Huwag ka nang magpraktis. Masiyahan ka sana sa pagpulot ng basura paglaki mo!” Nang makita kung gaano ako kagalit, nagmadali ang anak kong magpraktis. Minsan, pakiramdam ng anak ko ay hindi makatwiran ang pagtrato ko sa kanya at umiiyak siya at sinasabi, “Bakit palagi mo na lang sinusubukang kontrolin ang kapalaran ko?” Galit ko siyang sinasagot, “Hindi ba’t lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo? Bakit ba hindi mo maunawaan kung ano ang para sa ikabubuti mo?” Galit ding sasabihin ng anak ko, “Ayoko talagang tumugtog ng guzheng! Ikaw lang naman ang pumipilit sa aking matuto niyan!” Palaging sa samaan ng loob nauuwi ang aming mga pagtatalo. Kapag nagkakasabay ang mga pagtatanghal at pagtitipon, inuuna kong padaluhin ang anak ko sa pagtatanghal. Kung gustong dumalo ng anak ko sa pagtitipon, mabilis kong sasabihin, “Marami namang oras para sa mga pagtitipon, pero hindi dapat palampasin ang mga pagkakataong magtanghal. Kung palalampasin mo ang mga pagkakataong ito, mawawala sa iyo ang mga tsansang sumikat sa entablado.” Dahil dito, maraming pagtitipon ang pinalampas ng anak ko.

Sa isang iglap, matagumpay na nakapasok ang anak ko sa isang arts high school. Sa tuwing ikinukuwento ko ang anak ko, tinitingnan ako ng mga kasamahan at kaibigan ko nang may inggit at paghanga. Labis na nasiyahan ang aking banidad. Dahan-dahan, itinuon na rin ng anak ko ang buong atensyon niya sa pag-aaral at pagtugtog ng guzheng. Para makapasok sa pinapangarap niyang music academy at malampasan ang kanyang mga kasamahan, nagsimula siyang magdagdag ng oras sa pagpa-praktis ng guzheng. Gumastos din ako ng malaki para kumuha ng isang guro na magtuturo sa anak ko nang one-on-one. Nang makitang humusay ang kasanayan ng anak ko sa guzheng, labis akong natuwa. Nang bumalik ang anak ko mula sa kanyang bakasyon, gusto ko siyang dumalo sa isang pagtitipon, pero nagdadahilan siya tulad ng “Hindi ko pa tapos ang takdang-aralin ko” o “Hindi pa ako nakakapag-praktis ng guzheng.” Nang makitang halos isang taon nang hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang anak ko, medyo nabahala ako. Pero nang makita kong sobrang abala siya sa takdang-aralin at pagpa-praktis ng guzheng, naisip ko: “Dapat ko bang hayaang iwan ng anak ko ang klase niya sa guzheng tuwing Sabado at Linggo para makadalo sa mga pagtitipon?” Pero naisip ko ulit, “Pinaghirapan niyang humusay sa pagtugtog ng guzheng; kung hindi siya magpa-praktis tuwing weekend, hindi ba siya mapag-iiwanan ng iba? Hindi niya puwedeng pabayaan ang pagpa-praktis niya. Pero kung matagal siyang hindi dadalo sa mga pagtitipon, magdurusa rin ang buhay niya.” Matapos mag-isip-isip, nagpasya akong humanap ng oras para makipagtipon sa kanya. Isang araw, sinabi sa akin ng anak ko na ayaw na niyang pumasok sa eskuwela. Sabi niya, masama raw ang kapaligiran sa eskuwelahan, at may mga naninigarilyo, nagde-date, at sangkot sa mga gang. Sabi niya, hirap siyang mag-focus sa pag-aaral at sobrang nasusupil ang pakiramdam niya. Nang marinig kong sabihin ng anak ko na ayaw na niyang pumasok, naisip ko, “Pinaghirapan mong makapasok sa isang art school, at kung magsisikap ka pa ng dalawang taon, makakakuha ka na ng entrance exam para sa isang art academy, at kapag nakapasok ka na, matutupad na ang mas malaki mong pangarap na makapagtanghal sa entablado, at hahangaan at kaiinggitan ka ng iyong mga kamag-anak, kaibigan, guro, at kaklase, at mabibigyan mo rin ako ng karangalan.” Kaya galit kong sinabi, “Sa wakas ay nakapasok ka na sa isang art high school. Kung hindi ka papasok, hindi ba masisira ang kinabukasan mo?” Nang makita kung gaano ako kabalisa at kagalit, umiyak na lang ang anak ko at pumasok sa eskuwela. Nang makita kong pakiramdam ng anak kong hindi siya tinatrato nang makatwiran nadurog din ang puso ko, pero para makatuntong sa entablado ang anak ko at mamukod-tangi, naramdaman kong kailangan kong magpilit.

Sa isang pagtitipon, ikinuwento ko kay Sister Li Ling ang kalagayan ko, at may nahanap siyang sipi ng mga salita ng Diyos para basahin ko. Sabi ng Diyos: “Kung nalantad ang kanilang mga anak sa ilang bagay na bahagi ng masasamang kalakaran o ilang maling argumento o kaisipan at pananaw noong bata pa sila, sa mga pagkakataon kung saan wala silang pagkilatis, baka sundan o tularan nila ang mga ito. Dapat mapansin ng mga magulang ang mga isyung ito nang maaga at magbigay ng agarang pagtutuwid at wastong patnubay. Ito rin ay kanilang responsabilidad. Sa madaling salita, ang layon ay ang siguraduhing magkaroon ang mga anak ng pundamental, positibo, at tamang direksiyon sa pag-unlad ng kanilang pag-iisip, pag-asal, pagtrato sa iba, at pag-unawa sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, upang umunlad sila sa isang nakabubuting direksiyon sa halip na sa isang direksiyon na buktot. Halimbawa, madalas sabihin ng mga hindi mananampalataya, ‘Ang buhay at kamatayan ay pauna nang itinakda; ang kayamanan at karangalan ay pinagpapasyahan ng Langit.’ Ang dami ng pagdurusa at kasiyahan na dapat maranasan ng isang tao sa buhay niya ay pauna nang itinakda ng Diyos at hindi mababago ng mga tao. Sa isang aspekto, dapat ipaalam ng mga magulang ang mga obhetibong katunayang ito sa kanilang mga anak, at sa isa pang aspekto, dapat nilang turuan ang kanilang mga anak na ang buhay ay hindi lamang tungkol sa mga pisikal na pangangailangan, at lalong hindi lamang ito tungkol sa kasiyahan. May mas mahahalagang bagay na dapat gawin ang mga tao sa buhay na ito kaysa sa kumain, uminom, at maghanap ng mapag-aaliwan; dapat silang manampalataya sa Diyos, maghangad sa katotohanan, at maghangad ng kaligtasan mula sa Diyos. Kung ang mga tao ay namumuhay lamang para sa kasiyahan, para kumain, uminom, at maghanap ng mapag-aaliwan ng laman, para silang mga zombie, at walang anumang halaga ang buhay nila. Hindi sila nagdudulot ng anumang positibo o makabuluhang halaga, at hindi sila karapat-dapat mabuhay o ni maging tao. Kahit pa hindi nananampalataya sa Diyos ang isang anak, kahit papaano man lang ay gabayan mo siyang maging isang mabuting tao at isang taong tumutupad sa kanyang naaangkop na tungkulin. Siyempre, kung siya ay hinirang ng Diyos at handang makilahok sa buhay-iglesia at gawin ang kanyang sariling tungkulin habang lumalaki siya, mas mainam iyon. Kung ganito ang kanilang mga anak, lalong dapat gampanan ng mga magulang ang mga responsabilidad nila sa kanilang mga menor de edad na anak nang batay sa mga prinsipyong ipinapaalala ng Diyos sa mga tao. Kung hindi mo alam kung sila ba ay mananampalataya sa Diyos o hihirangin ng Diyos, kahit papaano man lang ay dapat mong tuparin ang iyong mga responsabilidad sa iyong mga anak sa panahon ng kanilang paglaki. Kahit pa hindi mo alam o hindi mo maunawaan ang mga bagay na ito, dapat mo pa ring gampanan ang mga responsabilidad na ito. Sa abot ng iyong makakaya, dapat mong isakatuparan ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat mong gampanan, ibahagi sa iyong mga anak ang mga positibong ideya at bagay na iyo nang nalalaman. Kahit papaano man lang, tiyakin mong sumusunod sa isang nakabubuting direksiyon ang kanilang espirituwal na paglago, at na malinis at malusog ang kanilang isipan. Huwag mo silang pag-aralin ng lahat ng uri ng kasanayan at kaalaman mula sa murang edad sa ilalim ng iyong mga ekspektasyon, paglilinang, o pang-aapi. Ang mas malubha pa, may mga magulang na sumasama sa kanilang mga anak kapag sumasali ang mga ito sa iba’t ibang pagtatanghal ng talento, at sa mga kompetisyon sa akademya o sa atletika, sumusunod sila sa iba’t ibang kalakarang panlipunan at pumupunta sa mga kaganapan tulad ng mga press hearing, pagpirma ng mga kilalang tao, at mga study session, at dumadalo sila sa anumang kompetisyon at talumpati ng pagtanggap sa mga seremonya ng parangal, atbp. Bilang mga magulang, kahit papaano man lang ay hindi nila dapat hayaan ang kanilang mga anak na sundan ang kanilang mga yapak sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ito nang sila mismo. Kung dadalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga gayong aktibidad, sa isang aspekto, malinaw na hindi nila natupad ang kanilang mga responsabilidad bilang magulang. Sa isa pang aspekto, hayagan nilang inaakay ang kanilang mga anak patungo sa isang landas na walang balikan, hinahadlangan ang konstruktibong pag-unlad ng pag-iisip ng mga ito. Saan dinala ng mga magulang na ito ang kanilang mga anak? Dinala nila ang mga ito sa masasamang kalakaran. Isa itong bagay na hindi dapat gawin ng mga magulang. Higit pa rito, tungkol naman sa mga landas na tatahakin ng kanilang mga anak sa hinaharap at sa mga magiging propesyon ng mga ito, hindi dapat ikintal ng mga magulang ang mga bagay na tulad ng, ‘Tingnan mo si ganito at ganyan, isa siyang piyanista na nagsimulang tumugtog ng piano noong apat o limang taong gulang pa siya. Hindi siya nagpakasaya sa paglalaro, walang siyang mga kaibigan o laruan, at nagsanay siya ng piano araw-araw. Sinamahan siya ng kanyang mga magulang sa pag-aaral niyang tumugtog ng piano, kumonsulta sila sa iba’t ibang guro, at isinali nila siya sa mga patimpalak ng pagtugtog ng piano. Tingnan mo kung gaano na siya kasikat ngayon, nakakakain siya nang mabuti, maayos ang kanyang pananamit, malakas ang kanyang dating, at iginagalang siya kahit saan siya magpunta.’ Ito ba ang uri ng edukasyon na nagsusulong ng malusog na pag-unlad ng isip ng isang bata? (Hindi.) Anong uri ito ng edukasyon, kung gayon? Ito ang edukasyon ng isang diyablo. Nakapipinsala ang ganitong uri ng edukasyon sa kahit anong murang isipan. Hinihikayat siya nito na maghangad ng kasikatan, na magnasa ng iba’t ibang awra, parangal, posisyon, at kasiyahan. Dahil sa edukasyong ito, nananabik at naghahangad siya ng mga bagay na ito mula pa sa murang edad, itinutulak siya nito na mabalisa, mangamba nang matindi, at mag-alala, at inuudyukan pa nga siya nitong magbayad ng lahat ng klase ng halaga para lang makuha ito, gumigising siya nang maaga at nagtatrabaho hanggang gabi para aralin ang kanyang takdang-aralin at mag-aral ng iba’t ibang kasanayan, at nasasayang niya ang kanyang kabataan, ipinagpapalit niya ang mahahalagang taong iyon para sa mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko sa wakas na ang tunay na responsabilidad ng mga magulang ay para tiyaking lumalaki ang kanilang mga anak na malusog at masaya kapwa sa katawan at isipan sa panahon ng kanilang pagkabata, para magbigay ng positibong gabay sa kanilang mga kaisipan, at hayaan silang masiyahan sa kanilang pagkabata. Hindi ito tungkol sa pagpilit ng mga magulang ng kanilang mga inaasahan sa kanilang mga anak, o sa pag-akay sa kanila na maghangad ng kasikatan, reputasyon, mga parangal, katayuan, at mga kalayawan. Hindi ko maiwasang magnilay. Mula pagkabata, ayaw ng anak kong matuto ng mga instrumento, pero para sumikat siya at igalang saanman magpunta, pinilit ko siyang matuto ng guzheng, at nang makatanggap siya ng papuri mula sa mga hurado at guro, naramdaman kong ang mga pangarap na hindi ko natupad ay sa wakas natutupad na sa pamamagitan ng anak ko, kaya mas lalo pa akong ginanahang linangin siya. Sa tuwing may naririnig akong pagtatanghal, inililista ko siya nang walang pahintulot niya, sa takot na baka palampasin niya ang pagkakataong sumikat sa entablado. Sa tuwing gustong maglaro ng anak ko, pinapagalitan ko siya sa takot na maantala ang pagpa-praktis niya. Para humusay ang kasanayan ng anak ko sa musika, hindi ko tinipid ang paggastos nang malaki para kumuha ng isang propesyonal na guro para gabayan siya, lahat para lang malinang siya na sumikat at bigyan ako ng karangalan. Dati, akala ko sa pamamagitan ng pag-aaral ng anak ko ng iba’t ibang kasanayan, at pagtuntong sa isang sikat na entablado para maging kilala, tinutupad ko na ang aking responsabilidad bilang isang ina. Ngayon ko lang napagtanto na mali pala ang pananaw na ito. Hindi ko kailanman isinaalang-alang kung gaano katinding presyur at pasakit ang dinadala ng murang puso ng anak ko, at ang tanging iniisip ko lang ay ang matupad ang aking mga kagustuhan. Sa ilalim ng aking pagtuturo, naging labis na rin ang pag-aalala ng anak ko sa kanyang reputasyon at katayuan, at walang tigil siyang nagpapraktis para malampasan ang kanyang mga kaklase, nawala ang dati niyang kasiglahan at kawalang-malay. Nagsimulang magkaroon ng agwat sa pagitan naming mag-ina, at nawalan na rin ng interes ang anak ko sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pagdalo sa mga pagtitipon, at nagsimula siyang lalong mapalayo sa Diyos. Ang lahat ng kinahinatnan na ito ay kagagawan ko. Dati, handang dumalo sa mga pagtitipon at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos ang anak ko, pero hindi ko siya ginabayan na manampalataya sa Diyos at tahakin ang tamang landas, sa halip, inakay ko siya na masangkot sa masasamang kalakaran, at walang tigil na hangarin ang reputasyon at katayuan. Sa paanong paraan ko ba tinutupad ang tunay na responsabilidad ng isang ina? Sa pag-iisip nito, lubos kong pinagsisihan ang sapilitang paraan ko ng pagtuturo. Hindi ko inaasahan na magdudulot ito ng ganoon kalaking pinsala at pagsira sa anak ko.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Nabubuhay ang ilang mga tao para sa kanilang mga anak; maaari mong sabihin na hindi mo nais gawin ito, ngunit makakamit mo ba ito? Nagmamadali at abala ang ilang tao para sa kayamanan, at para sa katanyagan at kapakinabangan. Maaari mong sabihin na hindi mo gustong magmadali para sa mga bagay na ito, ngunit makakamit mo ba talaga ito? Hindi mo namamalayan, nagsimula ka na sa landas na ito, at kahit na gusto mong magbago sa ibang paraan ng pamumuhay, hindi mo kaya. Kung paano ka nabubuhay sa mundong ito ay wala sa iyong mga kamay! Ano ang ugat nito? Ito ay dahil ang mga tao ay hindi nananalig sa tunay na Diyos at hindi nila nakamtan ang katotohanan. Ano ang nagbibigay-lakas sa espiritu ng mga tao? Saan sila naghahanap ng espirituwal na suporta? Para sa espirituwal na suporta, tumitingin ang mga tao sa muling pagsasama-sama ng pamilya; sa kaligayahan ng kasal; sa pagtatamasa ng mga materyal na bagay; sa kayamanan, katanyagan, at pakinabang; sa kanilang katayuan, kanilang mga damdamin, at kanilang mga karera; at sa kaligayahan sa susunod na henerasyon. Mayroon bang hindi umaasa sa mga bagay na ito para sa espirituwal na suporta? Natatagpuan ito ng mga may anak sa kanilang mga anak; natatagpuan ito ng mga walang anak sa kanilang mga karera, sa pag-aasawa, sa katayuan sa lipunan, at katanyagan at kapakinabangan. Ang mga paraan ng buhay na nagawa samakatuwid ay pare-parehong lahat; napapasailalim sa kontrol at kapangyarihan ni Satanas, at sa kabila ng kanilang mga sarili, nagmamadali at abala ang lahat ng tao sa ngalan ng katanyagan, pakinabang, kanilang mga inaasam, mga karera, mga pag-aasawa, mga pamilya, o para sa kapakanan ng susunod na henerasyon, o para sa mga kasiyahan ng laman. Ito ba ang tamang landas? Gaano man kaabala ang mga tao sa mundong ito, gaano man sila naging matagumpay sa kanilang propesyon, gaano man kasaya ang kanilang mga pamilya, gaano man kalaki ang kanilang pamilya, gaano man kaprestihiyoso ang kanilang katayuan—may kakayahan ba silang tahakin ang tamang landas ng buhay ng tao? Sa paghahabol sa katanyagan at pakinabang, sa mundo, o sa pagpupursigi sa kanilang mga karera, may kakayahan ba silang makita ang katotohanan na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan? Imposible ito. Anuman ang hinahangad ng mga tao, o nasaang landas man sila, kung hindi nila kinikilala ang katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan, kung gayon, ang landas na kanilang tinatahak ay mali. Hindi ito ang tamang landas, kundi ang baluktot na landas, ang landas ng kasamaan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang isipan ng mga tao, idinudulot sa mga tao na wala nang ibang isipin kundi ang dalawang bagay na ito. Nagsusumikap sila para sa kasikatan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan at nagbubuhat ng mabibigat na pasanin para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gagawa ng kahit anong paghuhusga o pagpapasya para sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, naglalagay si Satanas ng mga di-nakikitang kadena sa mga tao, at, suot-suot ang mga kadenang ito, wala silang lakas ni tapang na makaalpas. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at patuloy silang naglalakad nang may matinding paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumilihis ang sangkatauhan mula sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang para gawing tiwali at saktan ang mga tao, na ikinikintal sa isipan ng mga tao ang mga ideya at pananaw tulad ng “Mamukod-tangi sa lahat,” “Magkaroon ng posisyon na mas mataas sa iba,” at “Bigyan ng karangalan ang iyong mga ninuno,” na nag-uudyok sa mga tao na walang-tigil na hangarin ang kasikatan at pakinabang. Para makamit ang kasikatan at pakinabang, lalo silang nagiging buktot at lalong nagdurusa. Mula pa noong bata ako, palagi kong pinapangarap na maging isang aktor sa entablado, na makatuntong sa entablado para matanggap ang paghanga at inggit ng lahat, at makamit ang katayuan at katanyagan. Pero nang hindi matupad ang mga pangarap ko, nalubog ako sa kabiguan at pasakit. Kalaunan, ipinilit ko ang mga pangarap ko sa anak ko, hinayaan siyang hangarin ang reputasyon at katayuan mula sa murang edad, at pinilit siyang matuto ng guzheng. Umasa akong balang araw ay makakatuntong siya sa entablado at magniningning. Nang ayaw ng anak kong matuto ng guzheng, nabalisa ako at nagalit, at pinagalitan ko siya. Kapag gustong dumalo ng anak ko sa mga pagtitipon, pinipigilan ko siya, dahil natatakot akong maantala nito ang kanyang pagpa-praktis. Sa paanong paraan ko ba tinutupad ang aking mga responsabilidad bilang isang ina? Ang ginagawa ko ay sadyang kasamaan! Maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, pero hindi pa rin nagbabago ang mga layunin ko, at namumuhay pa rin ako ayon sa mga kaisipan at pananaw ni Satanas, hinahangad ang kasikatan at pakinabang tulad ng mga walang pananampalataya. Mas gugustuhin ko pang mapalayo sa Diyos at ipagkanulo Siya ng anak ko kaysa hindi niya hangarin ang kasikatan at pakinabang para matugunan ang aking banidad. Talagang nabulag ako ng kasikatan at pakinabang, at pinalabo ng mga ito ang pag-iisip ko, at nagdulot ako ng pagdurusa sa aking sarili at pinsala sa aking anak. Napagtanto kong ang kasikatan at pakinabang ay mga di-nakikitang tanikala na inilagay sa akin ni Satanas, at nagdulot ang mga ito sa amin ng walang katapusang kalungkutan at pasakit! Naisip ko kung paanong ang ilang sikat na tao ay nakamit ang kasikatan at pakinabang sa showbiz, pero sa huli ay nauwi sa depresyon at tumalon sa kanilang kamatayan dahil sa espirituwal na kahungkagan at pasakit. Nakita kong kahit na makamit ng isang tao ang katayuan at kasikatan, pansamantala lang nitong matutugunan ang kanyang banidad, pero hindi nito malulutas ang panloob na kahungkagan at pasakit. Sa halip, unti-unti silang inilalayo ng mga bagay na ito sa Diyos, at nagdudulot sa kanilang itatwa Siya, at ang kalalabasan nito ay malalamon sila ni Satanas! Nang mapagtanto ko ito, nanalangin ako sa Diyos, sinasabing hindi ko na hahangarin ang kasikatan at pakinabang, at handa akong magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang lahat ng ginagawa ng mga magulang para maisakatuparan ang kanilang mga ekspektasyon para sa kanilang mga anak bago umabot ang mga ito sa hustong gulang ay salungat sa konsensiya, katwiran, at likas na mga batas. Higit pa rito, ito ay salungat sa ordinasyon at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Bagamat walang abilidad ang mga bata na makakilatis kung ano ang tama at mali, o mag-isip nang nakapagsasarili, nasa ilalim pa rin ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ang kanilang kapalaran, hindi sila pinamumunuan ng kanilang mga magulang. Samakatuwid, bukod sa pagkakaroon ng mga ekspektasyon sa kanilang mga anak sa kanilang kamalayan, isinasagawa rin ng mga hangal na magulang ang mas maraming aksyon, sakripisyo, at pagbabayad ng halaga pagdating sa kanilang pag-uugali, ginagawa nila ang lahat ng gusto nila at ang lahat ng handa nilang gawin para sa kanilang mga anak, ito man ay paggugol ng pera, oras, lakas, o iba pang bagay. Bagamat ginagawa ng mga magulang ang mga bagay na ito nang kusang-loob, ang mga ito ay hindi makatao at hindi ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang; lumagpas na sila sa saklaw ng kanilang mga abilidad at ng kanilang mga angkop na responsabilidad. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang mga magulang ay nagsisimulang magtangkang planuhin at kontrolin ang kinabukasan ng kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, at sinusubukan din nilang itakda ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Hindi ba’t kahangalan iyon? (Oo.) Halimbawa, sabihin nating inorden ng Diyos na maging isang ordinaryong manggagawa ang isang tao, at sa buhay na ito, magagawa lamang niyang kumita ng kaunting sahod para pakainin at bihisan ang kanyang sarili, ngunit iginigiit ng kanyang mga magulang na siya ay maging tanyag, mayaman, mataas na opisyal, pinaplano at isinasaayos ang mga bagay-bagay para sa kanyang kinabukasan bago pa siya umabot sa hustong gulang, binabayaran ang iba’t ibang uri ng halaga, sinusubukang kontrolin ang kanyang buhay at kinabukasan. Hindi ba’t kahangalan iyon? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Paulit-ulit kong binasa ang siping ito ng mga salita ng Diyos, at labis na tumagos ito sa puso ko at nabagabag ako. Napagtanto kong ang mga inaasahan, pagsisikap, at sakripisyo ko para sa aking anak ay salungat sa pagkatao at laban sa mga pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapalaran ng isang anak ay hindi isang bagay na may pinaghahawakang kataas-taasang kapangyarihan ang mga magulang, at kailangan kong igalang ang mga pagpili ng anak ko, magpasakop sa mga pagtatakda ng Diyos, at hindi pilitin ang anak kong gawin ang mga bagay na ayaw niya. Kung ano ang ginagawa ng isang tao sa buhay at kung paano siya kumikita ng ikabubuhay niya ay itinakda na ng Diyos. Katulad noong gustung-gusto kong maging isang aktor sa opera, pero hindi nangyari ayon sa gusto ko. Ni hindi ko nga mabago ang sarili kong kapalaran, pero gusto kong baguhin ang kapalaran ng anak ko. Sukdulan talaga ang aking kahangalan!

Pagkatapos ay nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Sa pamamagitan ng pagsusuri sa diwa ng mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, makikita natin na ang mga ekspektasyong ito ay makasarili, na salungat ang mga ito sa pagkatao, at higit pa rito ay walang kinalaman ang mga ito sa mga responsabilidad ng mga magulang. Kapag nagpapataw ang mga magulang ng iba’t ibang ekspektasyon at hinihingi sa kanilang mga anak, hindi nila tinutupad ang kanilang mga responsabilidad. Kung gayon, ano nga ba ang kanilang ‘mga responsabilidad’? Ang pinakabatayang responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay ang turuan ang kanilang mga anak na magsalita, turuan sila na maging mabait at huwag maging masamang tao, at gabayan sila sa positibong direksiyon. Ito ang kanilang mga pinakabatayang responsabilidad. Bukod dito, dapat nilang tulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng anumang uri ng kaalaman, talento, at iba pa, na angkop sa mga ito, base sa edad, kakayahan, husay at mga hilig ng kanilang mga anak. Tutulungan ng mga medyo mas mabuting magulang ang kanilang mga anak na maunawaan na ang mga tao ay nilikha ng Diyos at na may Diyos na umiiral sa sansinukob na ito, ginagabayan ang kanilang mga anak na magdasal at magbasa ng mga salita ng Diyos, kinukwentuhan ang mga ito ng ilang istorya mula sa Bibliya, at umaasa sila na susunod ang kanilang mga anak sa Diyos at gagampanan ang tungkulin ng isang nilikha paglaki ng mga ito, sa halip na hangarin ang mga kalakaran ng mundo, masangkot sa iba’t ibang komplikadong pakikipag-ugnayan sa mga tao, at mapinsala ng iba’t ibang kalakaran ng mundo at lipunang ito. Ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay walang kinalaman sa kanilang mga ekspektasyon. Ang mga responsabilidad na dapat nilang tuparin sa kanilang papel bilang mga magulang ay ang bigyan ng positibong gabay at angkop na tulong ang kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, pati na rin ang agarang pag-aalaga sa mga pangangailangan sa katawan ng mga ito, tulad ng pagkain, kasuotan, tirahan, o sa mga panahong nagkakasakit sila. Kung magkasakit ang kanilang mga anak, dapat gamutin ng mga magulang ang anumang sakit na kailangang gamutin; hindi nila dapat pabayaan ang kanilang mga anak o sabihin sa mga ito, ‘Pumasok ka pa rin sa paaralan, magpatuloy ka sa pag-aaral—hindi ka puwedeng mahuli sa iyong mga klase. Kung masyado ka nang mahuhuli, hindi ka na makakahabol.’ Kapag kailangan ng kanilang mga anak na magpahinga, dapat hayaan ng mga magulang na magpahinga ang mga ito; kapag may sakit ang kanilang mga anak, dapat tulungan ng mga magulang ang mga ito na gumaling. Ito ang mga responsabilidad ng mga magulang. Sa isang aspekto, kailangan nilang alagaan ang pisikal na kalusugan ng kanilang mga anak; sa isa pang aspekto, kailangan nilang tulungan, turuan, at suportahan ang kanilang mga anak pagdating sa kalusugang pangkaisipan ng mga ito. Ito ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang, sa halip na magpataw ng anumang hindi makatotohanang ekspektasyon o mga hinihingi sa kanilang mga anak. Dapat tuparin ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad hindi lamang sa mga pangangailangan ng kalusugang pangkaisipan ng kanilang mga anak kundi pati na rin sa mga bagay na kailangan ng katawan ng kanilang mga anak(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng di-maipaliwanag na pagkabagabag. Dati, inakala kong sa pamamagitan ng pag-aaral ng anak ko ng iba’t ibang kasanayan, at pagtuntong sa isang sikat na entablado para maging kilala, para hangaan at purihin siya ng lahat, tinutupad ko ang aking responsabilidad bilang isang ina. Pero ang tunay na responsabilidad ng mga magulang ay para tiyaking malusog at masaya ang isipan ng kanilang mga anak habang tinutulungan silang magkaroon ng mga positibong kaisipan at pananaw, para gabayan sila na magkaroon ng tamang mga layunin sa buhay, para linangin sila batay sa kanilang mga interes at libangan, at para gabayan silang magpasakop sa mga pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. At sa pang-araw-araw na buhay, dapat bigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng pangangalaga sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, tirahan, at transportasyon. Halimbawa: Dapat nilang sabihin kung aling mga pagkain ang masustansyang kainin at kung alin ang nakakasama sa katawan, alagaan sila kapag may sakit sila, bigyan sila ng gamot kung kinakailangan, paturukan sila kung kailangan, at alagaan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa buhay. Ito ang mga bagay na dapat gawin ng mga magulang. Bagama’t tila tama ang ginagawa ko para sa anak ko sa pagiging abala at pag-aasikaso sa kanya, sa katotohanan, gusto ko lang na bigyan ako ng karangalan at dangal ng anak ko, kahit na ang kapalit nito ay ang ipagkait sa kanya ang galak ng kanyang pagkabata at pigilan siya sa pagdalo sa mga pagtitipon at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Talagang napakamakasarili ko! Dapat sana ay ginabayan ko siya ayon sa kanyang kakayahan, interes, at mga libangan, sa halip na pilit siyang supilin at ipilit ang edukasyon sa kanya. Bukod pa rito, dapat kong gabayan ang anak ko na lumapit sa harap ng Diyos, hayaan siyang manalangin, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at sumamba sa Kanya, at lumayo sa masasamang kalakaran ng mundo. Matapos maunawaan ang layunin ng Diyos, hindi ko na isinasama ang anak ko sa mga pagtatanghal gaya ng dati, sa halip, ginabayan ko siyang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at mas marami akong ginugol na oras kasama siya sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pagdalo sa mga pagtitipon.

Kalaunan, nang magtipon kami ng anak ko, nanood kami ng isang dula sa entablado, na tinatawag na Paalam, Aking Inosenteng Kampus. Pagkatapos itong panoorin, labis na naantig ang anak ko at naunawaan niyang ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang para saktan ang mga tao, at sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, naunawaan ng anak ko na sa paggawa lang ng kanyang mga tungkulin siya makakalakad sa tamang landas sa buhay. Isang araw, pag-uwi ng anak ko galing sa eskuwela, mariin niyang sinabi sa akin, “Nay, pakiramdam ko ay sobrang nasusupil ako sa eskuwela, at gusto kong mamuhay nang malaya at may kalayaan tulad ng mga kapatid. Gusto kong iwan ang pag-aaral ko at gawin ang mga tungkulin ko sa sambahayan ng Diyos.” Sobra akong nagulat, iniisip, “Hindi naging madali para sa iyo na marating ang kinalalagyan mo ngayon. Kung isusuko mo ang pag-aaral mo, tuluyan nang mawawakasan ang mga pangarap mo sa entablado. Hindi ba’t nangangahulugan iyon na mawawalan ng saysay ang lahat ng dati mong pagsisikap?” Sa sandaling iyon, napagtanto kong muli na naman akong naghahangad ng kasikatan at pakinabang, at nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko, handang isuko ng anak ko ang kanyang pag-aaral, pero hindi ko pa rin ito kayang tanggapin. Diyos ko, palakasin Mo po sana ang aking kalooban at tulungan akong makawala sa mga tanikala ng kasikatan at pakinabang.” Pagkatapos manalangin, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Sa pamamagitan ng pagsusuri sa diwa ng mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, makikita natin na ang mga ekspektasyong ito ay makasarili, na salungat ang mga ito sa pagkatao….(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (18)). “Sino sa inyo ang gumagampan sa inyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon nang aksidente lamang? Anuman ang pinagmulan ninyo upang gampanan ang tungkulin ninyo, wala sa mga ito ang nagkataon lang. Hindi magagampanan ang tungkuling ito sa pamamagitan lang ng basta-bastang pagpili ng ilang mananampalataya; ito ay isang bagay na pauna nang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan. Ano ang ibig sabihin kapag ang isang bagay ay nauna nang itinalaga? Ano sa partikular? Ang ibig sabihin nito ay sa Kanyang kabuuang plano ng pamamahala, matagal nang naiplano ng Diyos kung ilang ulit kang darating sa mundo, sa aling lipi at sa aling pamilya ka isisilang sa mga huling araw, ano ang mga magiging kalagayan ng pamilyang ito, ikaw ba ay magiging lalaki o babae, ano ang iyong magiging mga kalakasan, anong antas ng edukasyon ang maaabot mo, gaano ka magiging mahusay magsalita, ano ang iyong magiging kakayahan at ano ang magiging itsura mo. Pinlano Niya ang edad na darating ka sa sambahayan ng Diyos at magsisimulang gumampan ng iyong tungkulin, at anong tungkulin ang iyong gagampanan at anong oras. Matagal nang paunang itinalaga ng Diyos ang bawat hakbang para sa iyo. Bago ka pa isinilang, at nang namuhay ka sa lupa sa iyong nakaraang ilang buhay, naisaayos na ng Diyos para sa iyo ang tungkuling iyong gagampanan sa huling yugto ito ng gawain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang oras para sa isang tao na lumapit sa sambahayan ng Diyos at gawin ang kanyang tungkulin ay isang bagay na matagal nang isinaayos ng Diyos. Matagal nang itinakda ng Diyos ang oras kung kailan lalapit ang anak ko at gagawin ang kanyang tungkulin, at hindi na ako puwedeng bumalik sa dati, na sinusubukang kontrolin ang lahat sa kanyang buhay para sa kapakanan ng sarili kong reputasyon at katayuan. Dahil pinili ng anak kong sumunod sa Diyos at gawin ang kanyang tungkulin, ito ay mga pagtatalakda at pagsasaayos ng Diyos, at kailangan ko siyang bigyan ng positibong gabay at hayaan siyang lumakad sa tamang landas. Ito ang responsabilidad na dapat kong gampanan. Nang maisip ko ito, masaya kong tinanggap ang hiling ng anak ko. Hindi nagtagal, isinuko ng anak ko ang kanyang pag-aaral at lumapit sa sambahayan ng Diyos para gawin ang kanyang tungkulin. Nang makitang bumalik ang dati niyang kasiglahan at pagiging masayahin, natuwa ako, at napagtanto kong sa pagpapasakop lang sa mga pagtatakda at pagsasaayos ng Lumikha maaaring mamuhay ang isang tao nang may kapanatagan, kalayaan, at kagalakan. Ito ay isang bagay na hindi kayang tumbasan ng anumang halaga ng pera o kasikatan!

Pagkatapos, nagbasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at mas lalo kong naunawaan ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat ng bagay sa buhay ng tao ay walang saysay at hindi karapat-dapat sa pag-alala, maliban na lang sa pananampalataya sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at pagtupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Kahit pa nagawa mo na ang isang kamangha-manghang tagumpay; kahit pa nakapunta ka na sa kalawakan at sa Buwan; kahit pa nakagawa ka na ng mga pagsulong sa siyensya na nakapagbigay ng ilang kapakinabangan o tulong sa sangkatauhan, ito ay walang saysay at ang lahat ng ito ay lilipas. Ano ang tanging bagay na hindi lilipas? (Ang salita ng Diyos.) Tanging ang salita ng Diyos, ang mga patotoo sa Diyos, ang lahat ng patotoo at gawaing nagpapatotoo para sa Lumikha, at ang mabubuting gawa ng mga tao ang hindi lilipas. Ang mga ito ay mananatili magpakailanman, at ang mga ito ay napakahalaga. Kaya nga, iwaksi ninyo ang lahat ng inyong limitasyon, isagawa ninyo ang matinding pagsusumikap na ito, at huwag ninyong hayaan ang inyong sarili na mahadlangan ng kung sinumang mga tao, at anumang mga pangyayari, at mga bagay; buong-puso ninyong igugol ang inyong sarili para sa Diyos, at ibuhos ang lahat ng inyong enerhiya at dugo ng puso sa pagganap ng inyong mga tungkulin. Ito ang bagay na pinakapinagpapala ng Diyos sa lahat, at sulit ito gaano man karami ang paghihirap!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagganap Lamang Nang Maayos sa Tungkulin ng Isang Nilikha Mayroong Halaga ang Buhay). “Sinusunod mo na ngayon ang Diyos, nakikinig ka sa salita ng Diyos, at tinatanggap mo ang atas ng Lumikha. Medyo mahirap at nakakapagod ito kung minsan, at kung minsan ay nakakatanggap ka ng kaunting kahihiyan at pagpipino; ngunit ang mga ito ay mabubuting bagay, hindi masasamang bagay. Ano ba ang makukuha mo sa huli? Ang makukuha mo ay ang katotohanan at ang buhay, at higit sa lahat, ang masang-ayunan ka at mapagtibay ng Lumikha. Ang sabi ng Diyos, ‘Sundan mo Ako, at Ako ay papabor sa iyo, at Ako ay malulugod sa iyo.’ Kung walang ibang sinasabi ang Diyos maliban sa ikaw ay isang nilalang sa Kanyang mga mata, hindi ka namumuhay nang walang kabuluhan, at ikaw ay kapaki-pakinabang. Nakamamangha ang kilalanin ng Diyos sa ganitong paraan, at ito ay hindi isang maliit na tagumpay. Kung susunod ang mga tao kay Satanas, ano ang makukuha nila? (Pagkawasak.) Bago sila wasakin, ano ang mangyayari sa mga taong iyon? (Magiging mga demonyo sila.) Ang mga taong iyon ay magiging mga demonyo. Gaano man karaming kakayahan ang matutuhan ng mga tao, gaano man karaming pera ang kitain nila, gaano man kalaking kasikatan at kayamanan ang makamit nila, gaano man karaming materyal na benepisyo ang matamasa nila, o gaano man kataas ang estado nila sa sekular na mundo, sa kaloob-looban, lalo at lalo silang magiging tiwali, lalo at lalong buktot at marumi, lalo at lalong mapagrebelde at mapagpaimbabaw, at sa huli, sila ay magiging mga buhay na multo—sila ay magiging hindi tao. Ano nga ba ang tingin ng Lumikha sa mga ganoong tao? Basta na lang ‘hindi tao,’ at iyon na iyon? Ano ang pananaw at saloobin ng Lumikha sa ganoong tao? Ito ay pagtutol, pagkasuklam, pagkapoot, pag-abandona, at sa huli ay mga pagsumpa, pagpaparusa, at pagwasak. Ang mga tao ay naglalakad sa magkakaibang landas at humahantong sa magkakaibang kahihinatnan. Aling landas ang inyong pipiliin? (Ang manampalataya sa Diyos at sumunod sa Kanya.) Ang pagpiling sumunod sa Diyos ay ang pagpili sa tamang landas: Ito ay pagtahak sa landas ng liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagganap Lamang Nang Maayos sa Tungkulin ng Isang Nilikha Mayroong Halaga ang Buhay). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha makakamit ng isang tao ang katotohanan at maisasabuhay ang wangis ng tao. Ang paghahangad ng reputasyon at katayuan ay pagsunod kay Satanas, at kahit na magkamit pa ng mataas na pagtingin mula sa iba ang isang tao, pansamantala lang ito, at nasa landas pa rin siya patungo sa pagkawasak. Ngayon, pareho kami ng anak ko na ginagawa ang aming mga tungkulin, at lumayo kami sa iba’t ibang tukso at sa panghihimasok ng masasamang kalakaran sa lipunan. Hindi na nakakaramdam ng pagkakasakal o pasakit ang anak ko, at naging panatag na rin at napalaya ang puso ko. Sa kanyang mga tungkulin, tinutulungan ng mga kapatid ang anak ko nang may pagmamahal; walang panlilinlang sa isa’t isa, at lahat ay nagtuturingan nang may sinseridad. May masasamang gawi ang anak ko, at matiyaga itong itinuro ng mga sister at tinulungan siya, at sa wala pang kalahating taon, nagawa ng anak kong iwasto ang marami sa kanyang masasamang gawi. Minsan, napapansin ng anak ko ang mga isyu ko at nagkukusa siyang makipagbahaginan ng katotohanan sa akin. Nang makitang tinatahak ng anak ko ang tamang landas at gumagawa ng pag-usad at mga pagbabago, nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso! Kung hindi dahil sa gabay ng mga salita ng Diyos, namumuhay pa rin kami ng anak ko sa pagdurusang dulot ni Satanas, at patuloy lang kaming maghihimagsik laban sa Diyos at lalong mapapalayo sa Kanya, at sa huli, mamamatay na kasama ni Satanas. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa amin!

Sinundan:  59. Sa Wakas ay Sinalubong Ko Na ang Pagbabalik ng Panginoon

Sumunod:  80. Matapos Magkasakit ang Asawa Ko

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger