Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos

Sa panlabas, tila natapos na ang mga hakbang ng kasalukuyang gawain ng Diyos, at naranasan na ng tao ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng mga salita ng Diyos, at sumailalim na sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga tagapagserbisyo, pagpipino sa panahon ng pagkastigo, pagsubok ng kamatayan, pagsubok sa mga hambingan, at panahon ng pagmamahal sa Diyos. Ngunit bagama’t dumanas ng maraming paghihirap sa bawat hakbang, nananatiling walang alam ang mga tao tungkol sa mga layunin ng Diyos. Isaalang-alang ang pagsubok sa mga tagapagserbisyo bilang halimbawa: Hindi pa rin malinaw sa kanila kung ano ang natamo nila, kung ano ang nalaman nila, at kung ano ang resultang gusto ng Diyos na makamit. Kung titingnan ang bilis ng gawain ng Diyos, ang tao ay lubos na walang kakayahang makasabay sa bilis ngayon. Ipinapakita nito na unang ipinapamalas ng Diyos ang mga hakbang na ito ng Kanyang gawain sa tao, at na hindi Niya kailangang maabot ang antas na kayang ilarawan sa isip ng tao sa anuman sa mga hakbang na ito, kundi nagbibigay ng liwanag sa isang usapin. Para gawing perpekto ng Diyos ang isang tao upang tunay Niyang makamit ito, kailangan Niyang gawin ang lahat ng hakbang sa itaas. Ang layon sa paggawa ng gawaing ito ay ang ipakita kung anong mga hakbang ang kinakailangang isagawa ng Diyos upang gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao. Kaya, sa panlabas, ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay natapos na—ngunit sa diwa, opisyal pa lamang Niyang sinimulan ang pagperpekto sa mga tao. Dapat ay malinaw ito sa mga tao: Ang mga hakbang ng Kanyang gawain ang natapos na, ngunit ang mismong gawain ay hindi pa natatapos. Ngunit sa kanilang mga kuru-kuro, naniniwala ang mga tao na ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay nabunyag nang lahat sa tao, at kaya wala nang pag-aalinlangan na natapos na ang gawain ng Diyos. Ang pananaw na ito ay ganap na mali. Ang gawain ng Diyos ay salungat sa mga kuru-kuro ng tao at kumokontra sa mga kuru-kurong ito sa lahat ng aspekto; ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay partikular na hindi nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Lahat ng ito ay nagpapakita ng karunungan ng Diyos. Makikita na ang mga kuru-kuro ng tao ay sumasalungat sa gawain ng Diyos sa bawat pagkakataon, at kumokontra ang Diyos sa lahat ng naiisip ng tao. Ito ay kabatiran na nagmumula sa mga aktuwal na karanasan. Iniisip ng lahat na napakabilis gumawa ng Diyos, na natatapos na ang gawain ng Diyos bago pa man nila ito malaman, bago pa sila magkaroon ng anumang pagkaunawa rito at habang nasa kalagayan pa rin sila ng kalituhan, at na ganito ang nangyayari sa bawat hakbang ng Kanyang gawain. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na pinaglalaruan ng Diyos ang mga tao—ngunit hindi iyan ang layunin ng Kanyang gawain. Ang Kanyang paraan ng paggawa ay sa pamamagitan ng pagmumuni-muni: una tulad ng pagsulyap sa mga bulaklak habang tumatakbo sakay ng kabayo, pagkatapos ay pagpunta sa mga detalye at pagiging seryoso—na gumugulat sa mga tao. Sinusubukan ng mga tao na maging pabasta-basta sa Diyos, iniisip na kung mairaraos lamang nila ang mga bagay para maabot ang isang partikular na antas, masisiyahan na ang Diyos. Ang totoo, paano magiging posible na masiyahan ang Diyos sa pagraraos lang ng mga tao ng mga bagay-bagay? Para makamit ang pinakamainam na epekto, ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng panggugulat sa mga tao, sa pamamagitan ng pagsalakay habang hindi nila ito namamalayan; nagbibigay ito sa kanila ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Kanyang karunungan, at ng mas malalim na pagkaunawa sa Kanyang pagiging matuwid, Kanyang pagiging kapita-pitagan, at Kanyang disposisyon na hindi kumukunsinti sa anumang pagkakasala.

Opisyal nang sinimulan ng Diyos ngayon ang pagperpekto sa mga tao. Upang maperpekto, kailangang sumailalim ang mga tao sa paglalantad, paghatol, at pagkastigo ng Kanyang mga salita, at kailangan nilang maranasan ang mga pagsubok at pagpipino ng Kanyang mga salita (kagaya ng pagsubok sa mga tagapagserbisyo), at kailangan nilang matagalan ang pagsubok ng kamatayan. Ang ibig sabihin nito ay na sa gitna ng paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, ang mga tunay na sumusunod sa kalooban ng Diyos ay nagagawang pumuri sa Diyos mula sa kaibuturan ng kanilang puso, at lubusang magpasakop sa Diyos at maghimagsik laban sa kanilang mga sarili, sa gayon ay iniibig ang Diyos nang may pusong taimtim, lubos na nakatuon, at dalisay; gayon ang isang perpektong tao, at ito ang mismong gawain na nilalayong isagawa ng Diyos, at ang gawain na Kanyang isasakatuparan. Hindi dapat basta gumawa ng mga kongklusyon ang mga tao tungkol sa pamamaraan ng paggawa ng Diyos. Kailangan lamang nilang hangarin ang buhay pagpasok. Ito ay pundamental. Huwag palaging siyasatin ang pamamaraan ng paggawa ng Diyos; hahadlangan lamang nito ang iyong kinabukasan. Gaano na karami ang iyong nakita sa pamamaraan ng paggawa ng Diyos? Gaano ka ba naging mapagpasakop? Gaano na karami ang iyong nakamit mula sa bawat pamamaraan ng Kanyang gawain? Nakahanda ka bang maperpekto ng Diyos? Gusto mo bang maging isang perpektong tao? Lahat ng ito ay mga bagay na dapat ninyong maunawaan nang husto at pasukin.

Sinundan:  Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya sa Diyos

Sumunod:  Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger