Kabanata 116

Sa Aking mga salita, marami ang nagpapadama ng takot sa mga tao. Marami sa Aking mga salita ang nagpapanginig sa sindak sa mga tao, at marami sa Aking mga salita ang nakapagdudulot ng pagdurusa at pagkawala ng pag-asa, at lalong higit na nagsasanhing mamatay ang mga tao. Walang makaaarok o malinaw na makauunawa sa kayamanan ng Aking mga salita. Sa pagsasabi Ko sa inyo ng Aking mga salita, at pagbubunyag ng mga ito sa inyo nang paisa-isang pangungusap lamang ninyo malalaman ang pangkalahatang kalagayan, habang hindi pa rin nalilinawan tungkol sa tunay na mukha ng mga partikular na katotohanan. Kaya nga, gagamit Ako ng mga katotohanan para ibunyag ang lahat ng Aking mga salita, nang sa gayon ay mas makaunawa kayo. Kung isasaalang-alang ang pamamaraan ng Aking pananalita, hindi lamang Ako nagsasalita sa pamamagitan ng Aking mga salita, kundi higit pa nga rito ay ikinikilos Ko ang Aking mga salita; ito ang totoong kahulugan ng “mga salita at mga katunayang nagaganap nang sabay-sabay.” Sapagkat sa Akin ay malaya ang lahat, at pinakakawalan ang lahat, at sa saligang ito, ang lahat ng ginagawa Ko ay puspos ng karunungan. Hindi Ako nagsasalita nang walang-ingat, ni hindi rin Ako kumikilos nang walang-ingat. (Kahit na sa pagkatao o pagka-Diyos man, nagsasalita at kumikilos Ako nang may karunungan, dahil ang Aking pagkatao ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Aking Sarili.) Ngunit kapag nagsasalita Ako, walang nagbibigay-pansin sa tono ng Aking pananalita; kapag kumikilos Ako, walang nagbibigay-pansin sa paraan ng Aking paggawa. Ito ang pagkukulang ng tao. Ibubunyag Ko ang Aking kapangyarihan sa lahat ng tao, hindi lamang sa Aking mga panganay na anak, kundi lalong higit pa ngang ibubunyag Ko ang Aking kapangyarihan sa lahat ng bayan at di-mabilang na mga tao; tanging ang paggawa nito ang makapangyarihang patotoo na nakapagpapahiya kay Satanas. Hindi Ako kumikilos nang may kahangalan; iniisip ng karamihan sa mga tao na isang pagkakamali ang Aking pagpapatotoo sa mga panganay na anak; sinasabi nila na mayroong ibang mga Diyos bukod sa Akin, na kumikilos Ako nang walang katuturan, na ibinababa Ko ang Aking Sarili; at dito ay lalo pang nabubunyag ang katiwalian ng tao. Maaari kayang nagkamali Ako sa pagpapatotoo sa mga panganay na anak? Sinasabi ninyong mali Ako, kung gayon ay makakapagpatotoo ba kayo? Kung hindi sa Aking pagtataas, sa Aking patotoo, itutulak pa rin ninyo nang pailalim sa inyo ang Aking Anak, babalewalain pa rin ninyo Siya, at ituturing pa rin Siya bilang inyong utusan. Kayong kawan ng mga hayop! Isa-isa Ko kayong tatapusin! Walang palalampasin! Sabihin ninyo sa Akin, anong klaseng mga bagay ang di-katugma ng isang taong nagtataglay ng normal na pagkatao? Walang dudang mga hayop ang mga ito! Talagang hindi Ko sila matatagalan. Kung hinintay Ko ang inyong patotoo, naantala na ang Aking gawain! Kayong kawan ng mga hayop! Talagang wala man lamang kayong pagkatao! Hindi Ko kailangan na magserbisyo ka para sa Akin! Lumayas ka rito ngayon din! Matagal mo nang inaapi at sinisiil ang Aking Anak; ikaw ay yuyurakan Ko hanggang maging sapal ka! Tingnan mo kung ano ang mangyayari kung mangangahas kang muli na maging mabangis; tingnan mo kung ano ang mangyayari kung mangangahas kang muling subukan na ipahiya Ako! Naisakatuparan Ko na ang Aking dakilang gawain; dapat na Akong bumalik para lipulin itong kawan ng mga hayop!

Lahat ay natupad na sa Aking mga kamay (pagdating sa may kinalaman sa mga minamahal Ko), at lahat ay nawasak din sa Aking mga kamay (pagdating sa mga may kinalaman sa mga hayop na iyon na kinamumuhian Ko, at mga tao, pangyayari, at bagay na kinasusuklaman Ko). Hinahayaan Kong makita ng Aking mga panganay na anak ang lahat ng gagawin Ko, hinahayaang lubusan nilang maunawaan, at mula roon ay makita ang lahat ng nagawa Ko mula nang lumabas mula sa Sion. Pagkatapos, papasok kaming magkasama sa Bundok ng Sion, papasok sa lugar kung nasaan kami bago ang mga kapanahunan, at mamumuhay kami nang panibago. Mula roon, mawawalan na ng ugnayan sa mundo at sa kawan ng mga hayop na ito, at sa halip ay ganap na kalayaan; ang lahat ay hindi mapipigilan at walang hadlang. Sino ang nangangahas na lumaban sa sinuman sa Aking mga panganay na anak? Sinong nangangahas na magpatuloy sa pagsalungat sa Aking mga panganay na anak? Tiyak na hindi Ko sila pakakawalan nang ganoon kadali! Kung paano man ninyo Ako kinatakutan noon, gayon din ninyo dapat katakutan ang Aking mga panganay na anak ngayon. Huwag kayong makitungo sa isang paraan sa harap Ko, at sa ibang paraan sa likod Ko; nakikita Ko kung paano ang bawat isa nang kasinlinaw ng kristal. Ang maging hindi tapat sa Aking Anak ay pagiging hindi anak sa Akin, na isang kitang-kitang katotohanan, sapagkat Kami ay iisang katawan. Kung mabuti sa Akin ang isang tao ngunit mayroong ibang pag-uugali tungo sa Aking mga panganay na anak, kung gayon ay walang dudang sila ay tipikal na inapo ng malaking pulang dragon, dahil pinagwawatak-watak nila ang katawan ni Cristo; hindi kailanman mapapatawad ang kasalanang ito! Dapat makita ito ng bawat isa sa inyo: Tungkulin ninyo na magpatotoo sa Akin, at higit pa riyan, obligasyon ninyo na magpatotoo sa mga panganay na anak. Wala sa inyo ang iiwas sa inyong responsibilidad; sinumang nanggagambala ay tatapusin Ko kaagad! Huwag mong isiping natatangi ka. Sinasabi Ko sa iyo ngayon: Habang lalo kang nagiging ganito, lalo kang magiging target ng Aking mahigpit na kaparusahan! Habang lalo kang nagiging ganito, lalo kang walang pag-asa, at isa ka ring anak ng perdisyon. Ikaw ay kakastiguhin Ko magpakailanman!

Personal na ginagawa ng Aking Espiritu ang lahat ng Aking gawain, at hindi Ko pinapayagan ang anuman sa uri ni Satanas na makialam. Ito ay upang maiwasan ang pagkagambala ng Aking mga plano. Sa katapusan, hahayaan Ko kapwa ang matatanda at mga bata na bumangon at purihin Ako at ang Aking mga panganay na anak, purihin ang Aking mga kamangha-manghang gawa, at purihin ang pagpapakita ng Aking persona. Hahayaan Ko ang tunog ng mga papuri na umalingawngaw sa buong sansinukob at hanggang sa dulo ng mundo, niyayanig ang kabundukan, mga ilog, at lahat ng bagay, at lubusan Kong hihiyain si Satanas. Gagamitin Ko ang Aking patotoo upang wasakin ang buong marumi at masamang lumang mundo, at magtatayo ng isang banal at walang-dungis na bagong mundo. (Sa pagsasabing ang araw, ang buwan, atmga bituin ay hindi magbabago sa hinaharap, hindi Ko ibig sabihin na umiiral pa rin ang lumang mundo, bagkus ay mawawasak ang buong mundo at mapapalitan ang lumang mundo. Hindi Ko ibig sabihin na papalitan ang sansinukob.) Sa gayon lamang ito magiging isang mundong nakaayon sa Aking mga layunin; sa loob nito, hindi magkakaroon ng uri ng panunupil na tulad ng sa ngayon, ni hindi ito magkakaroon ng kasalukuyang mga kaganapan ng pananamantala ng mga tao sa isa’t isa. Sa halip, magkakaroon ng ganap na pagkamakatarungan at pagkamakatuwiran sa loob ng laman. (Bagaman sinasabi Ko na magkakaroon ng pagkamakatarungan at pagkamakatuwiran, ito ay mapapaloob sa laman; magiging ibang-iba ito sa Aking kaharian—kasingmagkaiba ng langit at lupa; talagang walang paraan para paghambingin ang dalawa—kung sabagay, ang mundo ng mga tao ay ang mundo ng mga tao, at ang espirituwal na mundo ay ang espirituwal na mundo.) Sa panahong iyan, pamamahalaan Ko at ng Aking mga panganay na anak ang gayong mundo (sa mundong ito, hindi magkakaroon ng panggugulo mula kay Satanas, dahil ganap Kong itatapon si Satanas), ngunit mga buhay pa rin sa kaharian ang ating mga buhay, na hindi maipagkakaila ninuman. Sa paglipas ng mga kapanahunan at henerasyon, walang sinumang tao (gaano man katapat) na nakaranas ng ganitong uri ng buhay, dahil sa paglipas ng mga henerasyon, wala kahit isa man ang kumilos bilang Aking panganay na anak, at magbibigay-serbisyo pa rin sila para sa Akin kalaunan. Bagaman tapat ang mga taga-serbisyong ito, sila ay mga inapo pa rin ni Satanas na nilupig Ko, kaya pagkatapos ng kamatayan ng laman, isinisilang pa rin sila sa mundo ng mga tao para magserbisyo para sa Akin; ito ang totoong kahulugan ng “ang mga anak nga naman ay ang mga anak, at ang mga taga-serbisyo nga naman ay ang mga inapo ni Satanas.” Sa paglipas ng mga henerasyon, hindi alam kung gaano karaming tao ang naririyan para magserbisyo sa mga panganay na anak ng kasalukuyan; sa lahat ng mga taga-serbisyo, walang makatatakas, at magpapaserbisyo Ako sa kanila magpakailanman. Kung ang kanilang kalikasan ang pag-uusapan, silang lahat ay mga anak ni Satanas, at silang lahat ay lumalaban sa Akin, at bagama’t nagseserbisyo sila para sa Akin, napipilitan sila, at wala sa kanila ang may pagpipilian. Ito ay dahil ang lahat ay kontrolado ng Aking kamay; at dapat magbigay-serbisyo sa Akin ang mga taga-serbisyong ginagamit Ko hanggang katapusan. Kaya, marami pa ring mga tao ngayon ang may parehong kalikasan ng mga propeta at mga apostol sa paglipas ng mga henerasyon, dahil iisang espiritu sila. Kaya, marami pa ring tapat na taga-serbisyo na inuutusan Ko, ngunit sa katapusan (sa loob ng anim na libong taon, patuloy silang nagseserbisyo para sa Akin, kaya kabilang ang mga taong ito sa mga taga-serbisyo), walang makaaabot doon sa inaasam ng mga tao sa paglipas ng mga henerasyon, dahil hindi para sa kanila ang Aking mga inihanda.

Makikitang natupad na ang lahat ng Akin; pababalikin Ko ang Aking mga panganay na anak sa Aking sambahayan at sa Aking tabi upang muling magkasama-sama. Dahil nakabalik Akong wagi at matagumpay at lubusan Akong nagkamit ng kaluwalhatian, pumarito Ako para ibalik kayo. Sa nakalipas, nakagawa ang ilang tao ng mga hula tungkol sa “limang matatalinong dalaga at limang mangmang na dalaga.” Bagaman hindi tumpak ang hulang ito, hindi naman ito maling-mali—kaya maaari Akong magbigay sa inyo ng ilang paliwanag. Ang “limang matatalinong dalaga at limang mangmang na dalaga”—pawang hindi kumakatawan ang mga ito sa bilang ng mga tao, ni hindi sila kumakatawan lahat sa isang uri ng tao. Ang “limang matatalinong dalaga” ay tumutukoy sa bilang ng mga tao, at ang “limang mangmang na dalaga” ay kumakatawan sa isang uri ng mga tao, ngunit alinman sa dalawang ito ay hindi tumutukoy sa mga panganay na anak. Sa halip, kinakatawan nila ang mga nilikha. Kaya naman sila ay pinapahanda ng langis sa mga huling araw. (Hindi nagtataglay ng Aking kakayahan ang mga nilikha; kung gusto nilang maging matatalino, kailangan nilang maghanda ng langis, at kaya kailangang masangkapan sila ng Aking mga salita.) Kinakatawan ng “limang matatalinong dalaga” ang Aking mga anak at Aking bayan sa lahat ng mga tao na Aking nilikha. Tinatawag silang “mga dalaga” dahil bagama’t isinilang sila sa mundo, nakamit Ko pa rin sila, at maaaring tawagin silang banal. Kaya ginagamit sa kanila ang terminong “mga dalaga.” Ang naunang nabanggit na “lima” ay kumakatawan sa bilang ng Aking mga anak at sa Aking bayan na pauna Kong itinadhana. Ang “limang mangmang na dalaga” ay tumutukoy sa mga taga-serbisyo, sapagkat nagseserbisyo sila para sa Akin nang hindi nagpapahalaga ni katiting sa buhay, at hinahangad lamang ang mga panlabas na bagay (dahil hindi sila nagtataglay ng Aking kakayahan, anuman ang gawin nila, ito ay isang panlabas na bagay), at hindi nila kayang maging Aking mga may-kakayahang katulong, kaya tinawag silang “mga mangmang na dalaga.” Ang nabanggit sa itaas na “lima” ay kumakatawan kay Satanas, at ang katotohanan na tinawag silang “mga dalaga” ay nangangahulugan na nalupig Ko na sila at kaya nilang magserbisyo para sa Akin—ngunit hindi banal ang ganitong tao, kaya tinatawag silang taga-serbisyo.

Sinundan:  Kabanata 115

Sumunod:  Kabanata 117

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger