Tanging ang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gawin ang gawain na kailangan Niyang gawin at upang gampanan ang Kanyang ministeryo ng mga salita. Personal Siyang pumarito upang gumawa sa gitna ng mga tao nang may mithiing gawing perpekto ang mga taong ayon sa mga layunin Niya. Mula noong panahon ng paglikha hanggang ngayon, sa mga huling araw lamang Niya isinagawa ang ganitong klaseng gawain. Sa mga huling araw lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gayong kalawak na gawain. Bagama’t nagdurusa Siya ng mga paghihirap na mahihirapang tiisin ng mga tao, at bagama’t, sa kabila ng pagiging dakilang Diyos, nagpapakumbaba Siya para maging isang ordinaryong tao, hindi naantala ang Kanyang gawain kahit kaunti, at ang Kanyang plano ay hindi nagambala kahit kaunti—ginagawa Niya ang gawain alinsunod sa Kanyang orihinal na plano. Ang isa sa mga layunin ng pagkakatawang-taong ito ay para lupigin ang mga tao, ang isa pa ay para gawing perpekto ang mga taong Kanyang iniibig. Hinahangad Niyang makita ng Kanyang sariling mga mata ang mga taong Kanyang pineperpekto, at nais Niyang makita ng sarili Niyang mga mata na nagpapatotoo para sa Kanya ang mga taong Kanyang pineperpekto. Hindi isa o dalawang tao ang pineperpekto. Sa halip, isa itong grupo, na binubuo lamang ng iilang tao. Ang mga tao sa grupong ito ay nagmumula sa iba’t ibang bansa sa mundo, at nagmumula sa iba’t ibang nasyonalidad ng mundo. Napakarami Niyang ginagawang gawain para makamit ang grupong ito ng mga tao, upang makamit ang patotoo ng grupong ito ng mga tao para sa Kanya, at para makamit ang kaluwalhatiang kaya Niyang makuha mula sa kanila. Hindi Siya gumagawa ng gawain na walang kabuluhan, ni hindi Siya gumagawa ng gawaing walang halaga. Masasabi na, sa paggawa ng napakaraming gawain, ang layon ng Diyos ay ang gawing perpekto ang lahat ng nais Niyang gawing perpekto. Sa anumang bakanteng oras Niya sa labas nito, ititiwalag Niya yaong masasama. Dapat ninyong malaman na hindi Niya ginagawa ang dakilang gawaing ito dahil sa yaong masasama; bagkus, ibinibigay Niya ang lahat Niya dahil sa kakaunting tao na Kanyang gagawing perpekto. Ang gawaing Kanyang ginagawa, ang mga salitang Kanyang sinasabi, ang mga misteryong Kanyang isinisiwalat, at ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay pawang para sa kapakanan ng napakakaunting tao na iyon. Hindi Siya naging tao dahil sa yaong masasama, at lalong hindi Siya nagpupuyos sa galit dahil sa kanila. Ang katotohanan ang sinasabi Niya, at nagsasalita tungkol sa pagpasok, dahil sa mga gagawing perpekto; Siya ay naging tao dahil sa kanila, at dahil sa kanila kaya Niya ipinagkakaloob ang Kanyang mga pangako at pagpapala. Hindi Siya nagsasalita ng katotohanan, nagsasalita tungkol sa pagpasok, at nagsasalita tungkol sa buhay ng pagkatao para sa kapakanan niyaong masasama. Nais Niyang iwasang kausapin yaong masasama, sa halip ay nais Niyang ipagkaloob ang lahat ng katotohanan sa mga yaon na gagawing perpekto. Subalit kinakailangan ng Kanyang gawain na, pansamantala, tulutan yaong masasama na magtamasa ng ilan sa Kanyang mga kayamanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, hindi nagpapalugod sa Diyos, at gumagambala sa Kanyang gawain ay pawang masasama. Hindi sila magagawang perpekto, at itinataboy sila ng Diyos. Sa kabaligtaran, ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan at nagpapalugod sa Diyos at gumugugol ng kanilang buong sarili para sa gawain ng Diyos ay ang mga taong gagawing perpekto ng Diyos. Yaong mga nais gawing ganap ng Diyos ay walang iba kundi ang grupong ito ng mga tao, at ang gawaing ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng mga taong ito. Ang katotohanang Kanyang sinasabi ay para sa mga taong handang isagawa ito. Hindi Siya nagsasalita sa mga taong hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang pag-iibayo ng kabatiran at paglago ng pagkilatis na Kanyang sinasabi ay nakatuon sa mga taong kayang magsagawa ng katotohanan. Ang paggawang perpekto na sinasabi Niya ay nakatuon din sa mga taong ito. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakatuon sa mga taong handang magsagawa ng katotohanan. Ang mga bagay na kagaya ng pagkakaroon ng karunungan at pagkatao ay nakatuon sa mga taong handang isagawa ang katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay nakaririnig ng maraming salita ng katotohanan, ngunit dahil likas na napakasama nila at hindi sila interesado sa katotohanan, ang nauunawaan lamang nila ay mga doktrina at salita at hungkag na mga teorya, na wala ni katiting na halaga para sa kanilang buhay pagpasok. Walang isa man sa kanila ang tapat sa Diyos; silang lahat ay mga taong nakikita ang Diyos ngunit hindi Siya makamit; lahat sila ay kinondena ng Diyos.

Ang Banal na Espiritu ay may isang landas na tatahakin sa bawat tao, at binibigyan ang bawat tao ng pagkakataon na maperpekto. Sa iyong pagiging negatibo ay nakikilala mo ang sarili mong katiwalian, at sa pagwawaksi ng pagiging negatibo ay makasusumpong ka ng landas ng pagsasagawa; lahat ito ay paraan kung saan ginagawa kang perpekto. Bukod diyan, sa patuloy na paggabay at pagtanglaw ng ilang positibong bagay sa iyong kalooban, aktibo mong gagampanan ang iyong tungkulin, lalago sa kabatiran at makakamit ang pagkilatis. Kapag maganda ang iyong kondisyon, lalong handa kang basahin ang mga salita ng Diyos, at lalong handa kang manalangin sa Diyos, at maiuugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling kalagayan. Sa gayong mga pagkakataon binibigyang-liwanag at tinatanglawan ng Diyos ang iyong kalooban, kaya natatanto mo ang ilang bagay sa positibong aspekto. Ganito ka pineperpekto sa positibong aspekto. Sa mga negatibong kalagayan, ikaw ay mahina at negatibo; pakiramdam mo ay wala ang Diyos sa puso mo, subalit tinatanglawan ka ng Diyos, tinutulungan kang makahanap ng isang landas ng pagsasagawa. Ang paglabas dito ay ang pagtatamo ng pagkaperpekto sa negatibong aspekto. Mapeperpekto ng Diyos ang tao kapwa sa positibo at negatibong mga aspekto. Nakasalalay ito sa kung nagagawa mong makaranas, at kung hinahangad mong maperpekto ng Diyos. Kung tunay mong hinahangad na maperpekto ng Diyos, ang negatibo ay hindi ka pagdadanasin ng kawalan, kundi tiyak na maghahatid sa iyo ng mga bagay na mas totoo, at magagawa kang mas makilala yaong kakulangan sa loob mo, mas magawang maarok ang iyong tunay na kalagayan, at makikita na walang kahit ano ang tao, at siya ay walang halaga; kung hindi ka makararanas ng mga pagsubok, hindi mo makikilala, at palagi mong madarama na nakahihigit ka sa iba at mas mahusay ka kaysa sa lahat ng iba pa. Sa lahat ng ito makikita mo na ang lahat ng nauna ay ginawa ng Diyos at pinrotektahan ng Diyos. Dahil sa pagpasok sa mga pagsubok, nawawalan ka ng pagmamahal o pananalig, kulang ka sa panalangin at hindi mo nagagawang umawit ng mga himno, at hindi mo namamalayan, sa gitna nito ay nakikilala mo ang iyong sarili. Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Gumagamit Siya ng lahat ng uri ng sitwasyon para pungusan ang mga tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ibunyag ang tao; sa isang banda, pinupungusan Niya ang tao, sa isa pa, ibinubunyag Niya ang tao, at sa isa pa, isinisiwalat Niya ang tao, hinuhukay at isinisiwalat ang “mga hiwaga” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa marami sa mga kalagayan nito. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng pagsisiwalat, sa pamamagitan ng pagpupungos sa tao, sa pamamagitan ng pagpipino, at sa pamamagitan ng pagkastigo—para makilala ng tao na ang Diyos ay praktikal.

Ano ang hinahangad ninyo ngayon? Ang maperpekto ng Diyos, makilala ang Diyos, makamit ang Diyos—o marahil ito ay pag-uugali ng isang Pedro ng dekada 90, o pananalig na higit pa kaysa sa pananalig ni Job, o marahil ito ay ang matawag ng Diyos na matuwid at makarating sa harap ng luklukan ng Diyos, o maipamalas ang Diyos sa lupa at magpatotoo nang malakas at matunog para sa Diyos. Anuman ang inyong hinahangad, sa kabuuan, ang lahat ng ito ay para mailigtas ng Diyos. Naghahangad ka man na maging isang taong matuwid, naghahangad ka man ng pag-uugali ni Pedro, o ang pananalig ni Job, o na maperpekto ng Diyos, lahat ay gawaing ginagawa ng Diyos sa tao. Sa madaling salita, anuman ang iyong hinahangad, lahat ng ito ay para maperpekto ng Diyos, lahat ng ito ay para maranasan ang mga salita ng Diyos, para bigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos; anuman ang iyong hinahangad, lahat ng ito ay para matuklasan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, para mahanap ang isang landas ng pagsasagawa sa tunay na karanasan na may layon na maiwaksi ang iyong sariling mapanghimagsik na disposisyon, matamo ang isang normal na kalagayan sa iyong kalooban, maging ganap na ayon sa mga layunin ng Diyos, maging isang tamang tao, at magkaroon ng tamang motibo sa lahat ng iyong ginagawa. Kaya mo dinaranas ang lahat ng ito ay upang makilala mo ang Diyos at lumago ang iyong buhay. Bagama’t ang nararanasan mo ay mga salita ng Diyos at aktuwal na mga pangyayari, gayundin ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa iyong mga kapaligiran, sa huli ay nakikilala mo ang Diyos at napeperpekto ka ng Diyos. Para hangaring tahakin ang landas ng isang taong matuwid o hangaring isagawa ang mga salita ng Diyos: ang mga ito ang landas na tatakbuhin, samantalang ang makilala ang Diyos at maperpekto ng Diyos ay ang hantungan. Hinahangad mo man ngayong maperpekto ng Diyos, o hinahangad na magpatotoo para sa Diyos, lahat ng ito sa bandang huli ay para makilala ang Diyos; ito ay para hindi mawalan ng kabuluhan ang gawaing Kanyang ginagawa sa iyo, upang sa huli ay makilala mo ang pagiging praktikal ng Diyos, malaman ang Kanyang kadakilaan, at higit pa roon ay makilala ang kababaang-loob at pagiging tago ng Diyos, at makilala ang maraming gawaing ginagawa ng Diyos sa iyo. Nagpakumbaba Mismo ang Diyos sa gayong antas kaya ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa marurumi at tiwaling mga taong ito, at pineperpekto ang grupong ito ng mga tao. Hindi lamang naging tao ang Diyos upang mamuhay at kumain sa gitna ng mga tao, ipastol ang mga tao, at tustusan ang pangangailangan ng mga tao. Ang higit na mahalaga ay ginagawa Niya ang Kanyang napakalaking gawain ng pagliligtas at paglupig sa mga taong ito na sukdulang tiwali. Dumating Siya sa puso ng malaking pulang dragon upang iligtas ang pinakatiwaling mga taong ito, nang sa gayon ay mabago at mapanibago ang lahat ng tao. Ang napakalaking pagdurusa na tinitiis ng Diyos ay hindi lamang ang pagdurusa na tinitiis Niya sa pagkakatawang-tao, kundi higit sa lahat ay dumaranas ng sukdulang kahihiyan ang Espiritu ng Diyos—labis Siyang nagpapakumbaba at nagtatago ng sarili kaya Siya nagiging isang ordinaryong tao. Ang Diyos ay nagkatawang-tao at kinuha ang anyo ng laman upang makita ng mga tao na mayroon Siyang normal na buhay ng tao at normal na mga pangangailangan ng tao. Sapat na ito upang patunayan na nagpakumbaba Mismo ang Diyos nang labis. Ang Espiritu ng Diyos ay nagkakatotoo sa katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ay lubhang kataas-taasan at napakadakila, subalit nag-aanyo Siyang isang ordinaryong tao, isang hamak na tao, upang gawin ang gawain ng Kanyang Espiritu. Sa usapin ng kakayahan, kabatiran, katwiran, pagkatao, at buhay ng bawat isa sa inyo, talagang hindi kayo karapat-dapat na makatanggap ng ganitong uri ng gawain ng Diyos, at talagang hindi kayo karapat-dapat sa pagtitiis ng Diyos ng gayong pagdurusa para sa inyong kapakanan. Ang Diyos ay napakarangal. Siya ay kataas-taasan hanggang sa gayong antas, at ang mga tao ay mababa hanggang sa gayong antas, ngunit gumagawa pa rin Siya sa kanila. Hindi lamang Siya nagkatawang-tao upang magtustos para sa mga tao, upang magsalita sa mga tao, kundi namumuhay pa Siyang kasama ng mga tao. Labis na mapagpakumbaba ang Diyos, labis na kaibig-ibig. Kung ikaw, sa sandaling mabanggit ang pag-ibig ng Diyos, sa sandaling mabanggit ang biyaya ng Diyos, ay lumuluha habang bumibigkas ng dakilang papuri, kung makarating ka sa kalagayang ito, mayroon kang tunay na pagkakilala sa Diyos.

May paglihis sa paghahangad ng mga tao ngayon: Hinahangad lamang nilang mahalin ang Diyos at bigyang-kasiyahan ang Diyos, ngunit wala silang anumang pagkakilala sa Diyos, at napabayaan na ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu sa loob nila. Wala sa kanila ang pundasyon ng tunay na pagkakilala sa Diyos. Sa ganitong paraan, nawawalan sila ng gana habang nagpapatuloy ang kanilang karanasan. Lahat ng naghahangad ng tunay na pagkakilala sa Diyos, bagama’t hindi maganda ang mga kondisyon nila noong nakaraan, at nahilig silang maging negatibo at mahina, at madalas lumuha, nanghina ang loob, at nawalan ng pag-asa—ngayon, habang nagtatamo sila ng higit na karanasan, gumaganda ang kanilang mga kondisyon. Pagkatapos maranasang mapungusan at mabali, at maranasan ang masubok at mapino, malaki ang naging pag-unlad nila. Nabawasan ang mga negatibong kalagayan, at nagkaroon ng kaunting pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Habang sumasailalim sa mas maraming pagsubok, unti-unting minamahal ng puso nila ang Diyos. Mayroong isang panuntunan sa pagperpekto ng Diyos sa mga tao, na kung saan binibigyang-liwanag ka Niya sa pamamagitan ng paggamit ng isang positibong bahagi mo upang magkaroon ka ng landas ng pagsasagawa at maihihiwalay mo ang sarili mo mula sa lahat ng negatibong kalagayan, na tumutulong sa iyong mapalaya ang iyong espiritu, at idinidulot na magawa mong mas mahalin Siya. Sa ganitong paraan, magagawa mong iwaksi ang mga satanikong tiwaling disposisyon. Kung simple at bukas ka, handang kilalanin ang sarili mo at isagawa ang katotohanan, natural na pagpapalain ka ng Diyos, at kapag ikaw ay mahina at negatibo, bibigyang-liwanag ka Niya nang doble, tinutulungan kang mas makilala ang sarili mo, maging mas handang makaramdam ng pagsisisi sa iyong puso, at mas maisasagawa ang mga bagay na dapat mong isagawa. Sa ganitong paraan lamang magiging payapa at panatag ang iyong puso. Ang isang taong karaniwang nagbibigay-pansin sa pagkilala sa Diyos, na nagbibigay-pansin sa pagkilala sa kanyang sarili, na nagbibigay-pansin sa kanyang sariling pagsasagawa, ay madalas na makatatanggap ng gawain ng Diyos, maging ng Kanyang patnubay at kaliwanagan. Kahit negatibo ang kalagayan ng taong iyon, nagagawa niyang ituwid kaagad ang mga bagay-bagay, maging dulot man ito ng epekto ng konsensiya o ng kaliwanagan mula sa mga salita ng Diyos. Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay palaging natatamo kapag nakikilala niya ang kanyang sariling aktuwal na kalagayan at ang disposisyon at gawain ng Diyos. Ang isang taong handang kilalanin ang kanyang sarili at maging bukas ay makakayang isagawa ang katotohanan. Ang ganitong klaseng tao ay isang taong tapat sa Diyos. Ang isang taong tapat sa Diyos ay may pagkaunawa tungkol sa Diyos, malalim man o mababaw ang pagkaunawang ito, kakaunti o sagana. Ito ang katuwiran ng Diyos, at isang bagay ito na natatamo ng mga tao; sarili nilang ani ito. Ang isang taong may pagkakilala sa Diyos ay isang taong may pundasyon, may pangitain. Ang ganitong klaseng tao ay nakatitiyak tungkol sa katawang-tao ng Diyos, at nakatitiyak tungkol sa mga salita at gawain ng Diyos. Paano man gumagawa o nagsasalita ang Diyos, o paano man nagsasanhi ng kaguluhan ang ibang mga tao, kaya nilang manindigan, at manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Kapag lalong ganito ang isang tao, lalo niyang maisasagawa ang katotohanang kanyang nauunawaan. Dahil palagi niyang isinasagawa ang mga salita ng Diyos sa ganitong paraan, nagtatamo siya ng higit na kauunawaan sa Diyos, at nagtataglay ng determinasyon na manindigan sa kanyang patotoo para sa Diyos magpakailanman.

Ang makakilatis, makapagpasakop, at magkaroon ng kakayahang maunawaan ang mga bagay-bagay upang ikaw ay maging matalas sa espiritu ay nangangahulugan na binibigyang-liwanag at tinatanglawan ng mga salita ng Diyos ang iyong kalooban sa sandaling may maranasan kang isang bagay. Ito ay pagiging matalas sa espiritu. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay para makatulong na muling buhayin ang espiritu ng mga tao. Bakit laging sinasabi ng Diyos na ang mga tao ay manhid at mapurol ang utak? Dahil ang espiritu ng mga tao ay namatay na, at naging napakamanhid na nila kaya ganap silang walang malay sa mga bagay na espirituwal. Ang gawain ng Diyos ay para paunlarin ang buhay ng mga tao at tumulong na buhayin ang espiritu ng mga tao, para maunawaan nila ang mga bagay na espirituwal, at lagi nilang magawang mahalin ang Diyos sa kanilang puso at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang pagdating sa yugtong ito ay nagpapakita na ang espiritu ng isang tao ay binuhay nang muli, at sa susunod na maharap siya sa isang bagay, makakaya niyang tumugon kaagad. Tumutugon siya sa mga sermon, at mabilis na tumutugon sa mga sitwasyon. Ito ang kahulugan ng pagtatamo ng matalas na espiritu. Maraming taong mabilis tumugon sa nangyayari sa labas, ngunit kapag nabanggit na ang pagpasok sa realidad o mga detalyadong bagay na espirituwal, sila ay nagiging manhid at mapurol ang utak. Nauuunawaan lamang nila ang isang bagay kung ipapaliwanag sa kanila ito nang husto. Lahat ng ito ay mga pagpapamalas ng pagiging espirituwal na manhid at mapurol ang utak, ng pagkakaroon ng kakaunting karanasan sa mga bagay na espirituwal. Ang ilang tao ay matalas sa espirituwal at may pagkilatis. Sa sandaling marinig nila ang mga salitang naglalantad sa kanilang mga kalagayan, hindi sila nag-aaksaya ng oras sa pagtatala ng mga ito. Kapag narinig nila ang mga salita tungkol sa mga prinsipyo ng pagsasagawa, nagagawa nilang tanggapin at iangkop ang mga iyon sa susunod nilang karanasan, sa gayo’y binabago nila ang kanilang sarili. Ito ay isang taong matalas sa espiritu. Bakit nagagawa nilang tumugon nang napakabilis? Dahil nakatuon sila sa mga bagay na ito sa pang-araw-araw na buhay. Kapag nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos, nagagawa nilang tingnan ang sarili nilang kalagayan kumpara sa mga ito, at pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili. Kapag naririnig nila ang pagbabahagi at mga sermon at ang mga salitang naghahatid sa kanila ng kaliwanagan at pagtanglaw, nagagawa nilang tanggapin kaagad ang mga ito. Katulad ito ng pagbibigay ng pagkain sa isang taong gutom; nagagawa niyang kumain kaagad. Kung magbibigay ka ng pagkain sa isang taong hindi gutom, hindi siya ganoon kabilis tumugon. Madalas kang nagdarasal sa Diyos, at pagkatapos ay nagagawa mong tumugon kaagad kapag naharap ka sa isang bagay, iniisip kung ano ang hinihingi ng Diyos sa usaping ito, kung paano ka dapat kumilos, at kung paano ka ginabayan ng Diyos sa usaping ito noong nakaraan. Kapag naharap ka ulit sa ganitong klaseng bagay ngayon, natural lang na malalaman mo kung paano magsagawa sa paraang nakasisiya sa puso ng Diyos. Kung lagi kang magsasagawa sa ganitong paraan at lagi kang makakaranas sa ganitong paraan, darating ang oras na magiging madali na ito sa iyo. Kapag nagbabasa ka ng mga salita ng Diyos, malalaman mo kung anong uri ng tao ang tinutukoy ng Diyos, malalaman mo kung anong uri ng mga kalagayan ng espiritu ang Kanyang sinasabi, at magagawa mong maarok ang mahalagang punto at isagawa ito; sa ganitong paraan, magagawa mong dumanas. Bakit nagkukulang ang ilang tao sa bagay na ito? Dahil hindi sila gaanong nagsisikap sa aspekto ng pagsasagawa. Bagama’t handa silang isagawa ang katotohanan, wala silang tunay na kabatiran sa mga detalye ng paglilingkod, sa mga detalye ng katotohanan sa kanilang buhay. Nalilito sila kapag may nangyayari. Sa ganitong paraan, malalansi ka na lumihis kapag dumating ang isang bulaang propeta o isang bulaang apostol. Kailangan mong dalasan ang pagbabahaginan tungkol sa mga salita at gawain ng Diyos—sa ganitong paraan mo lamang magagawang unawain ang katotohanan at magkaroon ng pagkilatis. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hindi ka magkakaroon ng pagkilatis. Halimbawa, kung ano ang sinasabi ng Diyos, kung paano gumagawa ang Diyos, kung ano ang Kanyang mga hinihingi sa mga tao, kung anong uri ng mga tao ang dapat mong makasalamuha, at kung anong uri ng mga tao ang dapat mong tanggihan—kailangan mong dalasan ang pagbabahaginan tungkol sa mga bagay na ito. Kung lagi mong dinaranas ang mga salita ng Diyos sa ganitong paraan, mauunawaan mo ang katotohanan at lubos mong mauunawaan ang maraming bagay, at magkakaroon ka rin ng pagkilatis. Kung ano ang pagdidisiplina ng Banal na Espiritu, kung ano ang paninising nagmumula sa kalooban ng tao, kung ano ang gabay mula sa Banal na Espiritu, kung ano ang pamamatnugot ng isang kapaligiran, kung ano ang binibigyang-liwanag ng mga salita ng Diyos sa kalooban—kung hindi malinaw sa iyo ang mga bagay na ito, hindi ka magkakaroon ng pagkilatis. Dapat mong malaman kung ano ang nagmumula sa Banal na Espiritu, ano ang mapanghimagsik na disposisyon, paano magpasakop sa mga salita ng Diyos, at paano iwaksi ang sarili mong paghihimagsik; kung magkamit ka ng pag-unawa sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga karanasan mo, magkakaroon ka ng pundasyon; kapag may nangyari, magkakaroon ka ng angkop na katotohanan na maikukumpara dito at ng angkop na mga pangitain bilang pundasyon. Magkakaroon ka ng mga prinsipyo sa lahat ng ginagawa mo, at magagawa mong kumilos ayon sa katotohanan. Sa gayon ay mapupuspos ng kaliwanagan ng Diyos, ng mga pagpapala ng Diyos, ang iyong buhay. Hindi tatratuhin nang hindi patas ng Diyos ang sinumang tao na tapat na naghahangad sa Kanya, o isinasabuhay Siya at nagpapatotoo para sa Kanya, at hindi Niya isusumpa ang sinumang tao na tapat na nauuhaw sa katotohanan. Kung, habang ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nakakatuon ka sa pagkakilala sa iyong sariling tunay na kalagayan, sa iyong sariling pagsasagawa, at sa iyong sariling pagkaunawa, kapag nagkaroon ka ng problema, tatanggap ka ng kaliwanagan at magtatamo ng praktikal na pagkaunawa. Sa gayon ay magkakaroon ka ng isang landas ng pagsasagawa at pagkilatis sa lahat ng bagay. Ang isang taong nagtataglay ng katotohanan ay hindi maililigaw, at hindi aasal nang mapanggambala o kikilos nang mapagmalabis. Dahil sa katotohanan, siya ay protektado, at dahil din sa katotohanan, nagtatamo siya ng higit na pagkaunawa. Dahil sa katotohanan, mas marami siyang landas ng pagsasagawa, nakakakuha ng mas maraming pagkakataong gawaan ng Banal na Espiritu, at mas maraming pagkakataong maperpekto.

Sinundan:  Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Sumunod:  Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger