Tanong 5: Pilit ang mga sakripisyo at pagdurusa ni Pablo. Inaamin din natin ’yan. Pero pag sinabi mong galit si Pablo sa katotohanan at kaaway siya ng Diyos, hindi ako sang-ayon diyan. Ano’ng batayan mo?

Sagot: May mga pangyayaring magpapakita kung galit nga si Pablo sa katotohanan at kontra sa Diyos o hindi: Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, nagpahayag Siya ng maraming katotohanan, nagpamalas ng maraming himala at niyanig ang buong Judea. Dapat ay alam ng isang taong may kalibreng katulad ni Pablo na lahat ng gawain ng Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, pero hindi hinanap o inaral ni Pablo ang daan ng Panginoong Jesus. Sa halip, palipat-lipat siya ng lugar, na nagsasalita sa publiko laban sa Panginoong Jesus. Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, nagdilim ang araw, nayanig ang lupa, at napunit ang kurtina ng templo. Nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus at nagpakita nang apatnapung araw matapos mamatay. Niyanig ng dalawang pinakamalaking himala ang buong Judea. Nagsagawa rin ng maraming himala ang mga disipulo ng Panginoon sa Kanyang pangalan. Nakita man ang lahat ng ito, hindi lang hindi kinilala ni Pablo na ang Panginoong Jesus ang Diyos, sadya pa niyang pinatindi ang pagkalaban sa Diyos. Humingi siya ng sulat sa mga high priest, tapos kinalaban at pinahirapan niya ang mga disipulo ng Panginoong Jesus. Mukhang hindi siya masisiyahan hangga’t hindi niya napapatay ang lahat ng alagad ng Panginoong Jesus at handa siyang lumaban hanggang kamatayan. Sapat na ang mga pangyayaring ito para patunayan na sadyang kinalaban ni Pablo ang Diyos at walang takot na ginulo at binagabag ang Kanyang gawain. Ang kanyang pagkatao at diwa ay magalit sa katotohanan at kalabanin ang Diyos. Kung hindi, ba’t niya itinuring na kaaway ang Panginoong Jesus, na nagpahayag ng katotohanan? Tingnan natin kung pa’no inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang ugali at pagkatao ni Pablo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pagbanggit kay Pablo, iisipin ninyo ang kanyang kasaysayan, at ang ilan sa mga kuwento tungkol sa kanya na hindi tumpak at hindi umaayon sa realidad. Tinuruan siya ng kanyang mga magulang mula sa murang edad, at natanggap ang Aking buhay, at bilang resulta ng Aking paunang pagtatalaga ay nagtaglay siya ng kakayahang Aking kinakailangan. … Gayon pa man, ang kanyang isang kapintasan ay, dahil sa kanyang mga talento, madalas siyang matamis magsalita at mayabang. Bilang resulta, dahil sa kanyang pagsuway, na bahagyang direktang kumatawan sa arkanghel, nang Ako ay nagkatawang-tao sa unang pagkakataon, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang lumaban sa Akin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 4). “Sapagkat, sa simula, inusig niya si Cristo, at hindi siya nagpasakop kay Cristo; siya ay likas na isang rebelde na sadyang kumontra kay Cristo, at isang taong walang alam tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu. Nang halos patapos na ang kanyang gawain, hindi pa rin niya alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumilos lamang sa sarili niyang kusa batay sa kanyang sariling pagkatao, nang hindi nagbibigay ni kaunting pansin sa kalooban ng Banal na Espiritu. Kaya nga ang kanyang likas na pagkatao ay napopoot kay Cristo at hindi sumunod sa katotohanan. Ang isang taong kagaya nito, na tinalikdan na ng gawain ng Banal na Espiritu, na hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumontra din kay Cristo—paano kaya maililigtas ang gayong tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Mga kapatid, malinaw na nailantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pagkatao ni Pablo. Si Pablo ay isang kaaway ng Diyos na sadyang kinalaban si Cristo. Ang totoo, ni hindi kilala ni Pablo ang Panginoong Jesus. Kinalaban niya ang Panginoong Jesus. Kasi galit siya sa Diyos at sa mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus. Samakatwid, ang ugali at pagkatao ni Pablo ay magalit sa katotohanan at kalabanin ang Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan:  Tanong 4: Kahit hindi perpekto si Pablo, hindi na maaalala ng Panginoon ang dati niyang mga kasalanan. Naglingkod at nagdusa si Pablo para sa Panginoon nang maraming taon; mas malaki ang sakripisyo niya kaysa kaninuman. Malamang, pinuri ng Panginoon ang kanyang pagdurusa. Huwaran pa rin natin si Pablo! Isa siyang halimbawa sa lahat ng Kristiyano. Kung hindi nakatamo si Pablo ng papuri ng Diyos, sino pa?

Sumunod:  Tanong 6: Lahat ng sinasabi n’yong ito ay mga kasalanan ni Pablo bago niya tinanggap ang tawag ng Panginoon. Pero matapos siyang liwanagan ng matinding liwanag, naglakbay siya sa lahat ng dako para ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon. Ni hindi natin alam kung ilang iglesia ang itinatag niya o kung ilang tao ang naakay niyang tanggapin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Napakarami niyang isinulat para suportahan ang matatapat. Ipinapakita niyan na talagang nagsisi si Pablo. Hindi n’yo masasabi na isa siyang kaaway ng Panginoong Jesus batay sa kanyang isinagawa bago siya bumaling sa Panginoon.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger