Tanong 2: Sabi mo, hindi katotohanan ang mga salita ni Pablo. Kung gayo’y ba’t nasa Biblia ang kanyang mga salita? Nasusulat sa Biblia ang mga salita ni Pablo. Kung gayon, binigyang-inspirasyon ito ng Diyos; kumakatawan ito sa mga salita ng Diyos. Dapat natin silang sundin!

Sagot: Kahit komo nasusulat ang mga salita ni Pablo sa Biblia, mga salita na ito ng Diyos. Ito’y dahil ang Biblia ay isinulat ng tao; hindi ito isinulat ng Diyos na si Jehova, hindi ng Panginoong Jesus, at siguradong hindi ng Banal na Espiritu. Puwede bang walang mali ang isang bagay na isinulat ng mga tao? Ang mga salita ni Jehova sa Biblia, ang mga salitang itinuro ni Jehova sa mga propeta, at ang mga salita ng Panginoong Jesus, mga salita ’yon ng Diyos. Hindi pinatotohanan ng Diyos kailanman na ang mga salita ng mga apostol ay kumakatawan sa Kanyang mga salita, ni hindi Siya nagpatotoo kailanman na binigyang-inspirasyon Niya ang mga salita ng mga apostol. “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Ito ang sabi ni Pablo. Hindi ’yan pinatotohanan ng Banal na Espiritu kailanman, ni ng Panginoong Jesus. Si Pablo lang ang nagsabi niyan. Samakatwid, walang kabuluhan ang kanyang mga salita! Sa kapanahunan ng mga apostol, nang ipamahagi ang kanilang mga sulat sa mga iglesia, sinabi lang ng mga tao na mga salita ’yon ni Pablo o ni Pedro. Alam nilang lahat na ang mga sulat ng mga apostol ay mga salita ng tao. Hindi itinuring ng sinuman na mga salita ng Diyos ang mga sulat na ’yon. ’Yan ang tunay na nangyari na walang makakapagkaila! Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus lang ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Panginoong Jesus lang ang nagpahayag ng mga salita ng Diyos. Ang mga apostol ay mga tao lang na ginagamit ng Panginoon; ang kanilang mga salita ay mga salita ng tao at kumakatawan lang sa sarili nilang mga interpretasyon at karanasan sa mga salita ng Diyos. Kahit may pagliliwanag ng Banal na Espiritu ang kanilang mga salita, hindi n’yo masasabi na mga salita ito ng Diyos. Hindi sinabi ni Pablo mismo na ang kanyang mga salita ay mga salita ng Diyos o binigyang-inspirasyon ng Diyos. Hindi niya sinabi na nagsalita siya sa ngalan ng Panginoong Jesus. Samakatwid, kung sasabihin natin na ang mga salita ni Pablo ay mga salita ng Diyos at susundin natin ito na parang ito ang hinihiling ng Diyos, dahil lang sa nakasulat ito sa Biblia, mali ’yan!

Ba’t laging pinupuri at pikit-matang pinananaligan ng mga tao ang Biblia? Dahil hindi nila alam na ang Biblia ay isinulat ng mga tao at hindi nagmula sa kalooban ng Diyos. Samakatwid, pikit-matang nananalig at sumasamba ang mga tao sa Biblia; lahat daw ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos. Ito ay pagtalikod sa mga makasaysayang pangyayari. Dulot ito ng kamangmangan ng tao. Basahin natin ang isang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga tuwirang pagbigkas ng Banal na Espiritu. Mga salita lamang ito ng pagpapayo, pag-aliw, at paghihikayat na isinulat niya para sa mga iglesia habang ginagampanan ang kanyang gawain. Kaya isang talaan din ito ng maraming mga ginawa ni Pablo sa panahong iyon. … Lahat ng sinabi niya na nakakapagpatibay at positibo sa mga tao ay tama, pero hindi nito kinatawan ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at hindi nito maaaring katawanin ang Diyos. Napakasamang pagkaunawa, at napakalaking kalapastangan sa Diyos, ang tratuhin ng mga tao ang mga talaan ng mga karanasan at mga sulat ng isang tao bilang mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia! … Ang kanyang pagkakakilanlan ay isa lang siyang naglilingkod na apostol, at isa lang siyang apostol na isinugo ng Diyos; hindi siya isang propeta, ni isang manghuhula. Para sa kanya, ang sarili niyang gawain at ang buhay ng mga kapatid ang pinakamahalaga. Sa gayon, hindi siya makapagsasalita sa ngalan ng Banal na Espiritu. Ang kanyang mga salita ay hindi mga salita ng Banal na Espiritu, at lalong hindi masasabi na mga salita iyon ng Diyos, sapagkat si Pablo ay nilalang lamang ng Diyos, at tiyak na hindi ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang kanyang pagkakakilanlan ay hindi kapareho ng kay Jesus. Ang mga salita ni Jesus ang mga salita ng Banal na Espiritu, ito ang mga salita ng Diyos, sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay iyong kay Cristo—ang Anak ng Diyos. Paano Siya makakapantay ni Pablo? Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang mapagwalang-bahalang bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3). Mga kapatid, naniniwala na ako na matutukoy natin ang kaibhan ng mga salita ng Diyos sa mga salita ng tao, tama ba? No’ng araw, pikit-mata tayong nanalig sa Biblia at sinamba natin itong masyado. Akala natin binigyang-inspirasyon ng Diyos ang Biblia at puro salita lang ito ng Diyos. Akala natin isinulat ng Diyos ang Biblia. Ang laking pagkakamali! Ang mga taong hindi nagtataglay ng katotohanan ay malamang na malinlang. Ni hindi nila matukoy ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng tao. Itinuturing nilang parang mga salita ng Diyos ang mga salita ng tao. Sukdulan ito ng kamangmangan! Si Pablo ay isa lang sa mga apostol na isinugo ng Diyos; hindi siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Hindi niya maipapahayag ang mga salita ng Diyos kailanman. Kung ipapantay natin ang mga salita ni Pablo sa mga salita ng Diyos, sinasaktan natin nang husto ang disposisyon ng Diyos!

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan:  Tanong 1: Sinabing minsan ni apostol Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Samakatwid, ang ibig sabihin ng kumikilos ayon sa mga salita ni Pablo ay ginagawa natin ang kalooban ng Diyos. Kung gayon, siguradong makakapasok tayo sa kaharian ng langit at tatanggap ng mga gantimpala.

Sumunod:  Tanong 3: Kahit hindi mga salita ng Diyos ang mga salita ni Pablo, matapos matawag ng Diyos, nagpalaganap siya ng ebanghelyo at nagtiis ng hirap para sa Panginoon habambuhay. Malayo ang nilakbay niya at sinikap niyang itatag ang iglesia. Napakalaki ng isinakripisyo niya. Kitang-kita ang mga inambag niya sa iglesia. Ang pananampalataya at pagdurusa niya para sa Panginoon ay isang halimbawa sa lahat ng Kristiyano. Tinatanggap n’yo ba ang mga ito?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger