Sa Sandaling Maunawaan Mo ang Katotohanan, Dapat Mo Itong Isagawa

Ang gawain at salita ng Diyos ay nilalayong magdulot ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layon ay hindi lang para magkamit kayo ng pagkaunawa o kaalaman at maging sapat na iyon. Ang isang taong may abilidad na umarok ay hindi dapat makatagpo ng mga paghihirap pagdating sa mga salita ng Diyos, dahil karamihan sa mga salita ng Diyos ay ipinapahayag sa wika ng sangkatauhan, at nagsasalita Siya nang may sukdulang kalinawan. Halimbawa, kaya nilang matutunan kung ano ang gusto ng Diyos na maunawaan at isagawa nila; ito ay isang bagay na dapat magawa ng isang normal na tao na may abilidad na umarok. Sa partikular, ang mga salita ng Diyos ngayon ay mas malinaw at hayag; tinukoy ng Diyos ang maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao, gayundin ang lahat ng uri ng kalagayan na mayroon ang mga tao. Ang Kanyang mga salita ay sumasaklaw sa lahat, at kasinglinaw ng liwanag ng kabilugan ng buwan. Kaya ngayon, malinaw sa mga tao at nauunawaan nila ang maraming isyu, ang natitira na lang ay ang isagawa nila ang Kanyang mga salita. Ang lahat ng aspekto ng katotohanan ay dapat maranasan ng mga tao nang detalyado. Kailangang magsiyasat at maghanap ang mga tao nang mas espesipiko, at hindi lang patuloy na maghintay at ipaubaya sa kanila ang mga bagay-bagay. Kung magpapatuloy ang mga tao sa ganoong paraan, magiging mga palamunin sila. Iyong mga nakakaalam sa salita ng Diyos pero hindi nagsasagawa nito ay mga tao na hindi nagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay ititiwalag sila. Ang paghingi sa inyo na buuin ang estilo ni Pedro ng dekada 90 ay nangangahulugan na dapat isagawa ng bawat isa sa inyo ang salita ng Diyos, dapat magkaroon kayo ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan, at makipagtulungan sa Diyos para magkamit ng mas marami at mas higit pang kaliwanagan, na magiging mas kapaki-pakinabang sa sarili ninyong buhay. Kung nakabasa na kayo ng maraming salita ng Diyos pero nauunawaan lang ninyo ang literal na kahulugan at hindi ninyo sinusubukang danasin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga totoong engkuwentro, kung gayon ay hindi mo makikilala ang mga salita ng Diyos, at para sa iyo, ang mga salita ng Diyos ay hindi magiging buhay, kundi mga patay na salita lamang. At kung kumakapit ka lang sa mga patay na salita, hindi mo maaarok ang diwa ng mga salita ng Diyos, ni hindi mo malalaman ang Kanyang mga layunin. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang mga salita sa aktuwal mong mga karanasan kusang magbubukas sa iyo ang espirituwal na kahulugan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng karanasan na maaarok mo ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan at mabubuksan ang mga misteryo ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo isasagawa ang mga salita ng Diyos, kung gayon, gaano man kalinaw magsalita ang Diyos, ang tanging hawak mo sa iyong mga kamay ay mga hungkag na salita at doktrina, na nagiging iyong mga regulasyong panrelihiyon. Hindi ba’t ito mismo ang ginawa ng mga Pariseo? Kung isasagawa at daranasin ninyo ang salita ng Diyos, magiging praktikal ito sa inyo; kung hindi ninyo hahangaring isagawa ito, ang salita ng Diyos sa inyo ay parang alamat lamang ng ikatlong langit. Sa katunayan, ang proseso ng pananampalataya sa Diyos para sa inyo ay ang proseso ng pagdanas sa Kanyang mga salita at ng pagkamit Niya sa inyo. Sa mas malinaw na salita, ang manampalataya sa Diyos ay ang makilala at maunawaan ang Kanyang mga salita, at ang maranasan at maisabuhay ang Kanyang mga salita; ito ang realidad ng inyong pananampalataya sa Diyos. Kung nananampalataya kayo sa Diyos na umaasa lang sa buhay na walang hanggan, nang hindi hinahangad ang pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanang realidad, kung gayon, mga hangal kayong lahat. Katulad ito ng pagpunta sa isang piging at pagtingin lang sa masasarap na pagkain at pagsasaulo sa mga ito, nang hindi talaga tumitikim sa alinman sa mga ito, o kumakain o umiinom sa alinman sa mga ito. Hindi ba’t hangal ang gayong tao?

Nasa loob ng mga salita ng Diyos ang mga katotohanang kailangang taglayin ng mga tao, mga bagay na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa mga tao. Ang mga ito ang pampalakas at sustansiyang kailangan ng inyong mga katawan, mga bagay na tumutulong sa mga tao na maibalik ang normal na pagkatao nila, at ang mga katotohanang dapat isangkap sa mga tao. Habang mas isinasagawa ninyo ang mga salita ng Diyos, mas mabilis na lalago ang inyong buhay; habang mas isinasagawa ninyo ang mga salita ng Diyos, mas magiging malinaw ang katotohanan sa inyo. Habang lumalago ang inyong tayog, mas malinaw ninyong makikita ang mga bagay ng espirituwal na mundo, at magkakaroon kayo ng mas maraming lakas para mapagtagumpayan si Satanas. Marami sa katotohanang hindi ninyo nauunawaan ang magiging malinaw kapag isinagawa ninyo ang mga salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay kontento na sa pag-unawa lang sa literal na aspekto ng mga salita ng Diyos, at nakatuon sila sa pagsasangkap sa sarili nila ng mga doktrina sa halip na sa pagdanas at pagpapalalim ng pagsasagawa—hindi ba’t iyan ang paraan ng mga Pariseo? Makakamit ba ng isang tao ang realidad ng pariralang “pagkakaroon ng mga salita ng Diyos bilang buhay ng isang tao” sa paggawa nito? Lalago lang ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos; hindi ito lumalago sa pagbabasa lang ng mga ito. Kung naniniwala kang hangga’t nauunawaan mo ang mga salita ng Diyos ay magkakaroon ka ng buhay at tayog, kung gayon ay baluktot ang iyong pagkaunawa. Ang tunay na pag-unawa sa mga salita ng Diyos ay nakakamit kapag isinasagawa mo ang katotohanan; dapat mong maunawaan na “sa pamamagitan lang ng pagsasagawa sa katotohanan ito kailanman mauunawaan.” Ngayon, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, masasabi mo lang na batid mo ang mga salita ng Diyos, pero hindi mo masasabing nauunawaan mo ang mga ito. Sinasabi ng ilan na dapat munang maunawaan ng isang tao ang katotohanan bago niya ito maisagawa, pero bahagya lang itong tama, hindi ganap na tumpak. Bago ka magkaroon ng kaalaman sa isang partikular na katotohanan, iyon ay kapag hindi mo pa nararanasan ang katotohanang iyon. Ang pakiramdam na nauunawaan mo ang katotohanang iyon kapag naririnig mo ito sa isang sermon ay hindi tunay na pagkaunawa rito—ito ay pag-angkin lang sa literal na aspekto ng katotohanang iyon, nang hindi nauunawaan ang tunay na kahulugang nakapaloob doon. Ang pag-alam lang sa ibabaw na suson ng katotohanan ay hindi nangangahulugang aktuwal mong nauunawaan ang katotohanan o may kaalaman ka rito; ang tunay na kahulugan ng katotohanan ay nagmumula sa pagdanas dito. Samakatwid, tanging kapag naranasan mo ang katotohanan mo ito mauunawaan, at sa pamamagitan lang ng karanasan mo maaarok ang mga nakatagong parte nito. Ang pagpapalalim sa karanasan mo ang tanging paraan para maarok ang mga konotasyon ng katotohanan, at para maunawaan ang diwa ng katotohanan. Samakatwid, tanging kapag taglay mo ang katotohanan ka makakakilos nang malaya sa buong mundo. Kung wala sa iyo ang katotohanan, huwag mo nang isipin na mapasunod sa iyo ang maraming tao sa relihiyon—kahit ang sarili mong mga kapamilya ay hindi susunod sa iyo. Kung wala ang katotohanan, para kang isang naaanod na niyebe, pero kung taglay mo ang katotohanan, maaari kang maging masaya at malaya, at walang sinuman ang makakaatake sa iyo. Gaano man katibay ang ilang teorya, hindi nito kayang daigin ang katotohanan. Kung may katotohanan, kaya mong baligtarin ang langit at lupa at ilipat ang mga bundok at dagat; kung wala ang katotohanan, kahit ang mga uod ay makakalusot sa lungsod mo. Isa itong malinaw na katunayan.

Ngayon, kritikal na pagkatapos mong malaman ang katotohanan, isagawa mo ito at isangkap mo sa sarili mo ang tunay na kahulugan ng mas maraming katotohanan. Ito ang dapat ninyong tunay na makamit. Sa halip na hangarin lang na mapasunod ang iba sa iyong mga salita, dapat mo silang mapasunod sa iyong pagsasagawa. Ito ang tunay na makabuluhan. Anuman ang mangyari sa iyo, sinuman ang makakasalamuha mo, makapaninindigan ka lang kung taglay mo ang katotohanan. Ang lahat ng salita ng Diyos ay nilalayong buhayin ang mga tao, hindi para mamatay sila. Kung, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, hindi ka nabuhay, bagkus nanatiling patay, kung gayon ay mayroong mali sa iyo. Kung pagkalipas ng ilang panahon ay nakabasa ka na ng maraming salita ng Diyos at nakarinig ng maraming sermon na may realidad, pero hindi pa rin nagbabago ang iyong patay na kondisyon, nagpapatunay ito na hindi ka isang taong nagpapahalaga sa katotohanan, ni hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan. Kung tunay na mayroon kayong puso para hangaring makamit ang Diyos, hindi kayo tutuon sa pagsasangkap sa inyong sarili ng mga doktrina at ng pangangaral sa iba ng matatayog na doktrina, kundi sa halip ay tutuon kayo sa pagdanas sa mga salita ng Diyos at pagsasagawa sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang dapat ninyong hangaring pasukin ngayon?

Mayroong limitasyon sa oras ang gawaing ginagawa ng Diyos sa tao—ano ang maaaring maging mga resulta kung hindi ka makikipagtulungan sa Kanya? Bakit palaging hinihingi sa inyo ng Diyos na isagawa ang Kanyang mga salita sa sandaling maunawaan ninyo ang mga ito? Ipinapakita nito na sa sandaling ibunyag ng Diyos ang Kanyang mga salita sa inyo, ang susunod na hakbang ay ang isagawa ninyo ang mga ito. Habang isinasagawa ninyo ang mga salitang ito, gumagawa ang Diyos ng karagdagang hakbang ng gawain, binibigyang-liwanag at ginagabayan kayo. Naisasakatuparan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan. Ang lahat ng salita ng Diyos ay tumutulong sa mga tao na lumago sa buhay; walang elemento sa loob ng mga ito na nagiging sanhi para lumihis ang mga tao, ni anumang bahagi na nagiging sanhi para maging negatibo ang mga tao. Sinasabi mong nabasa mo na ang mga salita ng Diyos at naisagawa ang mga ito, pero hindi ka pa rin nakakatanggap ng anumang gawain mula sa Banal na Espiritu. Kayua lang linlangin ng iyong mga salita ang isang bata. Maaaring hindi alam ng ibang tao kung tama ang iyong mga intensiyon, pero sa tingin mo ba ay posible na hindi ito malalaman ng Diyos? Bakit nakakatanggap ang iba ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu mula sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos? Bakit hindi ka nakakatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu kapag isinasagawa mo ang Kanyang mga salita? Maaari bang magkaroon ang Diyos ng mga damdamin ng laman? Kung talagang tama ang iyong mga layunin at nakikipagtulungan ka, sasaiyo ang Espiritu ng Diyos. Gusto palagi ng ilang tao na mag-angkin, ngunit bakit hindi sila hinahayaan ng Diyos na tumindig at mamuno sa iglesia? Ginagampanan lamang ng ilang tao ang kanilang papel at ginagawa ang kanilang mga tungkulin, at bago pa nila malaman, sila ay nakitang karapat-dapat ng Diyos. Paano nangyari iyon? Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, at kailangan itong gawin ng mga taong naghahanap sa katotohanan nang may mga tamang layunin. Ang mga taong hindi tama ang mga layunin ay tiyak na hindi kayang manindigan. Ang pinakapangunahing bagay na dapat ninyong hangarin ay ang hayaang magkabisa ang salita ng Diyos sa inyo—sa madaling salita, magkaroon ng tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos sa inyong pagsasagawa nito. Marahil ay wala kayong gaanong abilidad na umarok ng salita ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng pagsasagawa aninyo sa Kanyang salita, maaari Niyang lunasan ang pagkukulang na ito, kaya hindi lamang ninyo kailangang malaman ang maraming katotohanan, kundi mas lalong kailangan ninyong isagawa ang mga ito. Ito ang pinakakritikal na bagay, at hindi ito puwedeng balewalain. Tiniis ni Jesus ang maraming kahihiyan at pagdurusa sa Kanyang tatlumpu’t tatlong kalahating taon. Nagdusa Siya nang husto dahil lamang sa isinagawa Niya ang katotohanan, sumunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at nagpakita lamang ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Kung nalaman lang Niya ang katotohanan nang hindi iyon isinasagawa, hindi Niya sana dinanas ang pagdurusang ito. Kung sinunod ni Jesus ang mga turo ng mga Hudyo at sinunod ang mga Pariseo, hindi sana Siya nagdusa. Matututuhan mo mula sa mga gawa ni Jesus na ang mga epekto ng gawain ng Diyos sa tao ay nakakamit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng tao, at ito ay isang bagay na kailangan ninyong kilalanin. Nagdusa kaya si Jesus na tulad ng dinanas Niya sa krus kung hindi Niya isinagawa ang katotohanan? Nanalangin kaya Siya nang ganoon kalungkot kung hindi Siya kumilos alinsunod sa mga pagnanais ng Diyos? Samakatwid, dapat kayong magdusa alang-alang sa pagsasagawa ng katotohanan; ito ang uri ng pagdurusang dapat danasin ng isang tao.

Sinundan:  Tungkol sa Paggamit ng Diyos sa Tao

Sumunod:  Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger