12 Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan
Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay kinuha Ko ito, sa paraang ito ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan, at dinadala rin ang lahat ng tao sa Silangan, dinadala silang lahat sa liwanag para muli nila itong makasama, at makaugnay ito, at hindi na sila maghanap pa. Gagawin Kong posible upang ang lahat ng naghahanap ay magawang makitang muli ang liwanag, makita ang kaluwalhatiang tinaglay Ko sa Israel, makita na matagal na Akong bumaba sakay ng puting ulap sa gitna ng sangkatauhan, at makita ang kumpol-kumpol na mga puting ulap at saganang bunga. Higit pa rito, gagawin Kong posible na makita nila ang Diyos na si Jehova ng Israel, makita ang “Guro” ng mga Hudyo, makita ang pinakahihintay na Mesiyas, at makita ang buong anyo Ko, Siya na inusig ng mga hari sa lahat ng kapanahunan. Gagawa Ako sa buong sansinukob at magsasagawa Ako ng dakilang gawain, ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian at ang lahat ng Aking gawa sa tao sa mga huling araw, at ibinubunyag ang Aking buong maluwalhating mukha sa mga naghintay nang maraming taon para sa Akin, sa mga nanabik na pumarito Ako sakay ng puting ulap, sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita, at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin, para malaman ng lahat na matagal ko nang kinuha ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, at wala na ito sa Judea, sapagkat sumapit na ang mga huling araw!
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob