28  Ang Tinig ng Diyos ay Naririnig ng Kanyang mga Tupa

I

Magwawakas ang mga araw; mauuwi sa wala ang lahat ng bagay sa mundong ito, at isisilang na muli ang lahat ng bagay. Tandaan ito! Huwag itong kalimutan! Hindi ka maaaring maging pabaya tungkol dito. Ang langit at lupa ay lilipas, datapuwa't ang Aking mga salita ay hindi lilipas! Muli Ko kayong pinapayuhan: Huwag tumakbo nang walang kabuluhan! Gising! Magbalik-loob, at malapit na ang pampang! Nagpakita na Ako sa gitna ninyo, at ang Aking tinig ay lumitaw na. Lumitaw na ang Aking tinig sa inyong harapan; humaharap ito sa inyo nang araw-araw, nang harap-harapan, at sariwa at bago ito bawat araw. Nakikita mo Ako at nakikita kita; Ako ay palaging nagsasalita sa iyo, at tayo'y magkaharap.

II

Pero tinatanggihan mo Ako at hindi mo Ako kilala. Ang Aking mga tupa ay nakakarinig ng Aking tinig, at gayunpaman, nag-aatubili ka pa rin! Kumapal ang puso mo, nabulag na ni Satanas ang iyong mga mata, at hindi mo nakikita ang Aking maluwalhating mukha—nakakaawa ka! Nakakaawa! Naipadala na ang pitong Espiritu sa harapan ng Aking luklukan sa lahat ng sulok ng daigdig at ipadadala Ko ang Aking Sugo upang magsalita sa mga iglesia. Matuwid Ako at tapat; Ako ang Diyos na nagsisiyasat sa pinakamalalim na bahagi ng puso ng tao. Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa mga iglesia, lahat ng may pandinig ay dapat makinig! Lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap! Kainin at inumin lamang ang Kanyang mga salita, at huwag magduda. Ang lahat ng nagpapasakop at tumatalima sa Aking mga salita ay tatanggap ng mga malalaking pagpapala!

III

Ang lahat ng mga taimtim na naghahanap sa Aking mukha, ay tiyak na magkakaroon ng bagong liwanag, bagong kaliwanagan at pagkaunawa; magiging sariwa at bago ang lahat. Lilitaw ang Aking mga salita sa iyo anumang oras, at bubuksan ng mga ito ang mga mata ng iyong espiritu para makita mo ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na dako at makita na ang kaharian ay nasa gitna ng tao. Pumasok sa kanlungan, at mapapasaiyo ang lahat ng biyaya't pagpapala; hindi ka magagalaw ng taggutom at salot, at hindi ka masasaktan ng mga lobo, ahas, tigre at leopardo. Ikaw ay tatahak at maglalakad kasama Ko, at papasok ng kaluwalhatian kasama Ko!

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15

Sinundan:  27  Kapag Kumidlat mula sa Silangan

Sumunod:  29  Binubuksan ng Makapangyarihang Diyos ang Balumbon

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger