82 Handa Ka bang Ibigay sa Diyos ang Pag-ibig sa Iyong Puso?
I
Kung ang mga tao ay hindi naghahangad ng anumang mithiin kapag naniniwala sila sa Diyos, walang saysay ang kanilang mga buhay, at kapag dumating ang sandali ng kanilang kamatayan, ang makikita lang nila ay ang asul na kalangitan at ang maalikabok na lupa. May anumang kabuluhan ba ang gayong buhay? Kung kaya mong matupad ang mga hinihingi ng Diyos habang nabubuhay ka, hindi ba't isa itong mabuting bagay? Bakit lagi kang nagdudulot ng gulo sa sarili mo? Sa Aking panata sa Diyos, mayroon lang pangako ng Aking puso. Nais Ko lang na aliwin ang Diyos na iniibig Ko ng Aking puso, upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay maaaring maaliw. Maaaring mahalaga ang puso, nguni't mas mahalaga ang pag-ibig. Ibibigay Ko ang pinakamahalagang pag-ibig sa Aking puso sa Diyos upang Kanyang matamasa ang pinakamagandang bagay na mayroon Ako, at umaasa ako na malulugod Siya sa pag-ibig na inihahandog Ko sa Kanya.
II
Handa ka bang ibigay ang iyong pag-ibig sa Diyos upang pahalagahan Niya? Handa ka ba na gawin itong puhunan ng iyong pag-iral? Sa Aking mga karanasan, nakita Ko na habang mas higit ang pag-ibig na ibinibigay Ko sa Diyos, mas higit ang nasusumpungan Kong kagalakan sa pamumuhay; bukod pa rito, walang limitasyon sa Aking kalakasan, at handa Akong ihandog ang Aking buong katawan at isipan, at laging nadarama na hindi Ko sapat na maiibig ang Diyos. Kung tunay na nais mong ibigin ang Diyos, palagi kang magkakaroon ng higit pang pag-ibig na maisusukli sa Kanya—at kung gayon, sinong tao at anong bagay ang maaaring maging hadlang sa iyong pag-ibig para sa Diyos? Nakikita ng Diyos ang pag-ibig ng bawat tao bilang mahalaga. Sa lahat ng umiibig sa Kanya, muling dinoble ang Kanyang mga pagpapala, sapagka't ang pag-ibig ng tao ay napakahirap makuha, at napakakaunti lang nito.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … (3)