198 Tanging sa Pamamagitan ng Paghihimagsik Laban sa Laman Mo Makikita ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos
I
Kung maniniwala at iibigin ng mga tao ang Diyos, dapat silang magbayad ng halaga. Sa halip na hangaring kumilos sa isang paraan sa panlabas, dapat silang maghanap ng tunay na kabatiran sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ang mahalin ang Diyos, nangangailangan ng paghahanap sa mga layunin Niya sa lahat ng bagay, at pagninilay nang malalim kapag may anumang nangyayari sa iyo, sinisikap maarok ang mga layunin Niya at makita kung ano ang mga layunin Niya sa mga usaping ito, kung ano ang hinihingi Niyang makamit mo, at kung paano mo dapat isaalang-alang ang Kanyang mga layunin.
II
Kung tunay mong iniibig ang Diyos at hindi mo binibigyang-kasiyahan ang laman, makikita mo na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay napakawasto at napakabuti, at na ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at paghatol sa iyong di-pagkamatuwid ay makatwiran. Magkakaroon ng mga panahon na ikaw ay itinutuwid at dinidisiplina ng Diyos, at bumubuo ng kapaligiran para pandayin ka, pipilit sa iyo na lumapit sa harap Niya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay mabuti. Kaya mararamdaman mong parang hindi masyadong masakit, at na ang Diyos ay napakakaibig-ibig.
III
Kung kukunsintihin mo ang mga kahinaan ng laman at sasabihing sumusobra na ang Diyos, madarama mo na palagi kang nasasaktan at palaging puno ng hinagpis, at magiging malabo sa iyo ang lahat ng gawain ng Diyos, at magmumukhang hindi man lang nakikiramay ang Diyos sa mga kahinaan ng tao at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon, palagi kang makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang nagdusa ka ng malaking kawalan ng katarungan, at sa oras na ito ay magsisimula kang magreklamo.
IV
Habang lalo mong kinukunsinti ang mga kahinaan ng laman sa ganitong paraan, lalo mong mararamdaman na sumusobra na ang Diyos, hanggang sa lumala ito at iyo nang itanggi ang gawain ng Diyos, at magsimulang labanan ang Diyos, at maging puno ng paghihimagsik. Kaya, dapat kang maghimagsik laban sa laman, at hindi kunsintihin ito: "Mga mister (asawa), anak, kinabukasan, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa mga 'to! Ang Diyos lang ang nasa puso ko, at dapat kong gawin ang aking makakaya para palugurin Siya at hindi ang laman." Dapat kang magkaroon ng ganitong determinasyon.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos