246 Ang Tanging Nais ng Diyos sa Lupa
I
Pumaparito ang Diyos sa katawang-tao sa pagkakataong ito bilang sagot sa isang paanyaya, at tuwirang pagtugon sa kalagayan ng tao. Ibig sabihin, pumaparito Siya upang tustusan ang tao ng kanyang mga pangangailangan. Anuman ang kakayahan ng tao o naging pagpapalaki sa kanya, bibigyang-kakayahan Niya siya, sa madaling sabi, na makita niya ang salita ng Diyos at, mula sa Kanyang salita, makita niya ang pag-iral at pagpapakita ng Diyos at tanggapin niya ang pagpeperpekto ng Diyos sa kanya, na binabago ang mga kaisipan at kuru-kuro ng tao upang matatag na mag-ugat ang orihinal na mukha ng Diyos sa kaibuturan ng puso ng tao. Ito lamang ang nais ng Diyos sa lupa.
II
Gaano man kalaki ang likas na pagkatao ng tao, o gaano man di-kabuti ang diwa ng tao, o kung ano talaga ang pag-uugali ng tao noong araw, hindi pinapansin ng Diyos ang mga ito. Inaasahan lamang Niya na ganap na panibaguhin ng tao ang larawan ng Diyos na nasa kaibuturan ng kanyang puso at malaman ang diwa ng sangkatauhan, sa gayon ay mabago ang ideolohikal na pananaw ng tao, at para manabik ang tao sa Diyos sa kanyang kaibuturan at magising sa walang-hanggang pagkagiliw sa Kanya: Ito ang kaisa-isang hinihiling ng Diyos sa tao.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)