277 Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos
I
Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan, upang tubusin ito sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang mga satanikong tiwaling disposisyon ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga napatawad na sa kanilang mga kasalanan ay mapalaya mula sa kasalanan at lubos na madalisay, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makawala sila sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao.
II
Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawan ng laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring matustusan ang mga tao ng praktikal na Salita na kailangan nila bilang mga nilikha. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos nakakatanggap ang tao ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos, at hindi direktang mula sa langit bilang kasagutan sa mga panalangin nito. Ang tao ay sa laman at dugo, wala itong paraan na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu, kaya ang tanging makakaugnayan nito ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito mauunawaan ng tao ang lahat ng Salita at lahat ng katotohanan at matatanggap ang lubos na kaligtasan.
III
Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat na upang alisin ang mga kasalanan ng tao at lubos na dalisayin ito. Samakatwid, sa ikalawang pagkakatawang-tao, matatapos ang kabuuan ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at makokompleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos niyon, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay ganap nang matatapos. Hindi na Siya muling magiging katawang-tao sa ikatlong pagkakataon para sa Kanyang gawain. Sapagkat ang Kanyang buong pamamahala ay magtatapos na, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ganap nang makakamit ang mga tao na Kanyang pinili, at nabukod-bukod ayon sa kanilang uri ang sangkatauhan sa mga huling araw. Siya ay hindi na gagawa ng gawain ng pagliligtas, ni babalik sa katawang-tao upang magsakatuparan ng anumang gawain.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)