286 Ano ang Magiging Katapusan Mo?
I
Ang katapusan ng lahat ng bagay ay nalalapit na; lahat ng langit at lupa ay nakarating na sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa mga huling araw ng pag-iral ng sangkatauhan? Paanong hindi makikita ng mga natatakot sa Diyos at nananabik sa Kanyang pagpapakita ang araw ng pagpapakita ng katuwiran ng Diyos? Paanong hindi nila matatanggap ang huling gantimpala para sa kabutihan? Ikaw ba ay isa na gumagawa ng mabuti, o isa na gumagawa ng masama? Ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid na paghatol at pagkatapos ay nagpapasakop, o ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid na paghatol at pagkatapos ay isinusumpa? Nabubuhay ka ba sa harap ng luklukan ng paghatol sa liwanag, o namumuhay ka ba kay Hades sa gitna ng kadiliman? Hindi ba ikaw mismo ang nakakaalam nang pinakamalinaw kung ang iyong wakas ay isa ng gantimpala o isa ng kaparusahan? Hindi ba ikaw ang isa na nakaaalam nang pinakamalinaw at nakauunawa nang pinakamalalim na ang Diyos ay matuwid? Kaya, ano ba talaga ang wangis ng iyong pag-uugali at puso? Gaano na karami ang iyong naisuko para sa Akin? Gaano kalalim ang pagsamba mo sa Akin? Hindi ba’t alam na alam mo sa sarili mo kung paano ka umaasal tungo sa Akin? Dapat mas alam mo kaysa kaninuman kung ano ang iyong kahahantungan!
II
Totohanang sinasabi Ko sa iyo: Nilikha Ko lamang ang sangkatauhan, at ikaw ay nilikha Ko, ngunit hindi Ko kayo ipinasa kay Satanas; at hindi Ko rin sinadyang paghimagsikin ka laban sa Akin o labanan mo Ako at sa gayon ay maparusahan Ko. Hindi ba ang lahat ng kalamidad at paghihirap na ito ay dahil ang inyong puso ay masyadong matigas at ang inyong pag-uugali ay sobrang kasuklam-suklam? Kaya hindi ba ang inyong kahahantungan ay kayo mismo ang nagpasya? Hindi ba nalalaman ninyo sa inyong mga puso, higit sa kaninuman, kung paano kayo magwawakas? Ang dahilan kung bakit nilulupig Ko ang mga tao ay upang ibunyag sila, at upang mas matiyak ang iyong kaligtasan. Hindi ito upang pagawain ka ng masama o sadyang palakarin ka papunta sa impiyerno ng pagkawasak. Pagdating ng panahon, lahat ng iyong matinding pagdurusa, ang pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin—hindi ba ang lahat ng ito ay magiging dahil sa iyong mga kasalanan? Kaya, hindi ba ang iyong sariling kabutihan o ang iyong sariling kasamaan ang pinakamahusay na paghatol sa iyo? Hindi ba ito ang pinakamahusay na katibayan kung ano ang iyong magiging wakas?
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (1)