384  Ang Nararapat Hangarin ng Isang Mananampalataya sa Diyos

I

Lahat ng hinangad ni Pedro ay naaayon sa mga layunin ng Diyos. Hinangad niyang matugunan ang mga layunin ng Diyos, at kahit kinailangan niyang magdusa ng paghihirap at kagipitan, handa pa rin siyang matugunan ang mga layunin ng Diyos. Wala nang hihigit pang paghahangad ng isang mananampalataya ng Diyos. Ang hinangad ni Pablo ay may bahid ng kanyang sariling laman, ng kanyang sariling mga kuru-kuro, at ng kanyang sariling mga plano at pakana. Hindi siya isang nilikhang pasok sa pamantayan sa anumang paraan; hindi siya isang taong naghangad na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Hinangad ni Pedro na ipaubaya ang sarili sa mga pamamatnugot ng Diyos, at bagama’t ang gawaing kanyang ginawa ay hindi malaki, ang motibasyon sa likod ng kanyang paghahangad at ang landas na kanyang tinahak ay tama; ibig sabihin, bagama’t hindi siya nakapagkamit ng maraming tao, nagawa niyang hangarin ang daan ng katotohanan. Dahil dito, masasabi na siya ay isang nilikhang pasok sa pamantayan.

II

Mula sa pagkakaiba ng mga diwa nina Pedro at Pablo ay dapat mong maunawaan na lahat ng hindi naghahangad ng buhay ay nagpapakapagod nang walang saysay! Nananampalataya ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, kaya kailangan na mayroon kang mapagmahal-sa-Diyos na puso. Dapat mong iwaksi ang iyong tiwaling disposisyon, kailangan mong hangarin na matugunan ang mga layunin ng Diyos, at kailangan mong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha. Dahil nananampalataya at sumusunod ka sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi ka dapat gumawa ng mga personal na pagpili o kahingian, at dapat mong makamit ang katugunan sa mga layunin ng Diyos. Dahil ikaw ay isang nilikhang tao, dapat kang magpasakop sa Panginoon na lumikha sa iyo, sapagkat likas mong hindi makontrol ang iyong sarili, at wala kang likas na abilidad na kontrolin ang sarili mong tadhana. Dahil isa kang taong nananampalataya sa Diyos, dapat kang maghangad ng pagpapabanal at pagbabago.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Nakadepende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Sinundan:  383  Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Sumunod:  385  Ang Matamo ng Diyos ay Nakasalalay sa Sarili Mong Pagsisikap

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger