409 Ang mga Taos-Pusong Tagasunod ng Diyos ay Makakatayo Nang Matatag sa mga Pagsubok
I
Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng paglupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Ang mga nakakalampas at nakakapanindigan sa kanilang patotoo nitong panahon ng kapighatian ay ang mga gagawing ganap sa huli; sila ang mga mananagumpay. Sa kapighatiang ito, hinihingi sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon ng gawain ng Diyos. Ito ang huling pagkakataon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tumanggap sa huling pagsubok na ito, at kailangan nilang tanggapin itong huling pagpipino.
II
Iyong mga nasa gitna ng kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit ang mga tunay na nalupig at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayo nang matatag sa kahuli-hulihan; sila iyong mga nagtataglay ng pagkatao, at mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Anuman ang gawin ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng pangitain at magsasagawa pa rin sa katotohanan nang hindi nawawalan ng kanilang patotoo. Sila ang mga makakaahon mula sa malaking kapighatian sa wakas. Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok sa kanilang gawain, samantalang iyong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang pagsubok ng Diyos. Sa malao’t madali, sila ay mapapatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian.
III
Tunay mang hinahanap ng tao ang Diyos o hindi ay natutukoy lamang sa pagsubok sa gawain niya, ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa itinatakda ng tao mismo. Hindi itinatakwil ng Diyos ang sinumang tao nang basta-basta; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakakumbinsi sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makakakumbinsi sa tao. Kung ang pananampalataya ng tao ay tunay o hindi, ay napapatunayan ito ng mga katunayan at hindi maitatakda ng tao. Walang duda na ang “trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.” Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi tatratuhin nang masama ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao