486 Diyos ang Nagpapasya sa Kalalabasan ng Tao Batay sa Kung Taglay Nila ang Katotohanan
I
Ngayon ang panahon na tinutukoy Ko ang kalalabasan ng bawat tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong gawaan ang tao. Isinusulat Ko sa Aking talaang aklat, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawat tao, ang kanyang landas sa pagsunod sa Akin, ang kanyang likas na katangian, at kung paano sila umasal sa dakong huli. Sa ganitong paraan, anumang uri ng tao sila, walang sinumang makatatakas sa kamay Ko, at ang lahat ay mabubukod ayon sa kanilang uri batay sa Aking pagtatalaga.
II
Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, dami ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Isa itong bagay na hindi mababago ng sinumang tao. Samakatwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan nang gayon para sa katuwiran ng Diyos at bilang ganting-parusa sa kanilang maraming masasamang gawa.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan