627  Hindi Nagbabago ang Awtoridad ng Lumikha

I

Bagama’t nagtataglay ang Diyos ng awtoridad at kapangyarihan, napakahigpit Niya at maprinsipyo sa Kanyang mga pagkilos, at nananatiling totoo sa Kanyang salita. Ang pagiging mahigpit Niya at ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos, ay nagpapakita ng pagiging hindi nalalabag ng Lumikha at ng di-mahihigitang awtoridad ng Lumikha. Kahit na nagtataglay Siya ng kataas-taasang awtoridad, at ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan, at kahit na Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, hindi kailanman sinira o ginambala ng Diyos ang Kanyang sariling plano, at sa bawat pagkakataon na Kanyang ginagamit ang Kanyang awtoridad, ito ay mahigpit na naaayon sa Kanyang sariling mga prinsipyo, at tumpak na sumusunod sa kung ano ang sinabi ng Kanyang bibig, at sumusunod sa mga hakbang at layon ng Kanyang plano. Hindi na kailangan pang sabihin, ang lahat ng bagay sa ilalim ng soberanya ng Diyos ay sumusunod din sa mga prinsipyo ng kung paano ipinatutupad ang awtoridad ng Diyos, at walang tao o bagay ang makakatakas mula sa mga pamamatnugot ng Kanyang awtoridad, ni hindi nila mababago ang mga prinsipyo ng kung paano ginagamit ang Kanyang awtoridad.

II

Sa mga mata ng Diyos, ang mga pinagpala ay nakakatanggap ng mga pagpapala dahil sa Kanyang awtoridad, at ang mga isinusumpa ay nakakatanggap ng kanilang kaparusahan dahil sa Kanyang awtoridad. Sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos, walang tao o bagay ang makakatakas sa Kanyang pagpapatupad ng awtoridad, ni makapagbabago ng mga prinsipyo kung paano ginagamit ang Kanyang awtoridad. Ang awtoridad ng Lumikha ay hindi nababago ng mga pag-iiba sa anumang salik, at gayundin, ang mga prinsipyo ng kung paano ipinapatupad ang Kanyang awtoridad ay hindi nababago ng anumang dahilan. Maaaring sumailalim sa napakalalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang awtoridad ng Lumikha ay hindi magbabago; maaaring lumipas ang lahat ng bagay, ngunit hindi lilipas kailanman ang awtoridad ng Lumikha. Ito ang diwa ng di-nagbabago at di-nalalabag na awtoridad ng Lumikha, at ito mismo ang pagiging natatangi ng Lumikha!

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Sinundan:  626  Ang Awtoridad ng Diyos ay Tunay at Totoo

Sumunod:  628  Walang Sinuman ang Makakapalit sa Awtoridad ng Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger